Sinalubong si Martin ng mga kapatid niya at nagmano sa kanyang tatay. Kakauwi lang niya galing sa trabaho, hindi sa palengke kundi sa kanyang amo. "Kumain ka na?" "Opo 'Tay. Kamusta na kayo?" "Ayos lang naman kami ng mga kapatid mo," Inilipat nito ang tingin. "Kanina ko pa napapansin na ang tahimik ng kaibigan mo. Inaya kong kumain pero tumanggi." "Sige 'ho ako ng bahala." Pumasok siya sa kwarto para itabi ang mga gamit at magpalit ng damit. Pagkalabas ng kwarto, nakita niya si Christian na nakatunghay sa bintana at mukhang malalim ang iniisip. "Chris," Nilapitan niya ito. "Pwede ba tayong mag-usap?" Hindi siya nito pinansin at patuloy pa rin ang pagtanaw sa malayo. Siguro ay iniisip nito ang nangyari sa pagitan kanila no'ng nakaraang araw (no s*x intended). "Mamaya na lang siguro