The 19th Rebellion

1687 Words

Pinagmamasdan ni Christian ang sarili sa salamin. Humahaba na ang kanyang buhok, lumalagpas na ito sa kanyang tainga. Mas humuhubog na rin ang muscles niya sa katawan dahil sa pagiging batak niya sa trabaho bilang kargador. Kumunot ang noo niya. Napansin din niya ang pagiging tan ng kanyang balat. Nabawasan ba ang kaputian niya? Lumabas siya ng bahay at saka naglakad-lakad. Maraming tao ang nakatambay sa paligid, kilala na rin niya ang iilan dito. Paliko na sana siya sa pathwalk ng may tumawag sa kanya. Nakapamulsa ito habang nakasandal, para bang hinihintay talaga siya nito. "Saan punta mo?" tanong nito. "D'yan lang." "Hindi ka papasok?" Lumapit ito sa kanya. "Sa kabila 'yung papuntang palengke, a." Hindi siya papasok ngayon. Wala siyang ganang magtrabaho, wala siyang ganang gumawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD