Chapter 22

1288 Words

HINDI maipaliwanag ni Aryanda ang kabang nararamdaman niya habang nakatingin sa gawi ni Zachary. Gusto niya itong habulin at magpaliwanag pero nasaktan siya sa sinabi nito. Si Caroline na ang priority nito. Pakiramdam niya ay isa siyang basura na itinapon na lamang kung saan dahil hindi na kailangan. Sa tabi ng dalaga ay naroon si Guiller. Ipinagpatuloy nito ang meeting habang nakikinig naman siya at isinusulat ang mga importanteng sinasabi nito. Iba ang ugali ni Guiller, mabait ito sa mga empleyado nito, hindi katulad ni Zachary na sinisigawan ang mga empleyado kapag nagaglit ito. Malungkot man si Aryanda ay pinili niyang ngumiti sa harapan ni Guiller dahil iyon lamang ang paraan niya upang itago ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Nang matapos ang meeting ay inaya siya ng binata na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD