Chapter 21

1627 Words

MAGHA-HATING gabi na nang makabalik si Zachary sa bungalow house niya. Bukas ang mga ilaw sa labas at loob ng bahay niya. Pagpasok niya sa loob ng kaniyang bahay ay nakita niya si Aryanda. Nahiga ito sa sofa at nakapamaluktot roon. Nakahain naman sa lamesa ang mga pagkain na sa tingin niya'y niluto ng dalaga para sa kaniya. Bumuga siya ng hangin at inilagay ang mga iyon sa refrigerator. Wala siyang ganang kumain, ang tanging gusto lamang niyang gawin ay matulog. Nang matapos ilagay ang mga niluto nito sa tupperwares at sa refrigerator ay kaagad niyang tinanggal ang business suit niya at ang necktie. Tinanggal niya na rin ang sapatos at medyas niyang suot. Pagkatapos ay inihagis niya ang mga iyon sa upuan at saka siya humiga sa kabilang side ng sofa. Ininunan niya ang ulo sa kaniyang braso

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD