Nagtaka si Mihan nang mapagbuksan ng pinto si Johanna kasama ang lead actor na si Matthew. Kasama rin ang naka-civilian outfit na dalawang malalaking katawang bodyguards ng mga ito at nakatayo sa isang tabi nang tahimik at nagmasid sa paligid. “Hi,” bati na lang niya habang napalipat-lipat ng tingin sa mga ito. Ano’ng ginagawa ng mga ‘to rito? Plano pa naman ni Mihan na umalis ng isla sa pamamagitan ng last trip ng ferry bandang alas diyes dahil day off nila sa susunod na araw at ilang araw siyang walang schedule na eksena ayon pa nina Kuya Banoy at Logan. Gusto niyang bisitahin ang ina sa ospital at magtatrabaho siya nang dalawa o tatlong araw sa boutique ng kaibigan. Kahiya namang buo ang suweldo niya kada buwan pero ilang linggo lang o araw niya pinagtatrabahuhan iyon, depende sa sid