Napahagod ng tingin si Thiago sa suot ni Mihan. Noon pa napagtanto ng dalaga na nakasuot lang pala siya ng underwear at T-shirt na nagamit na niya minsan sa shooting kung saan may bastos na printa ng pusa—“Eat my…” Para iyon sa eksena noon kung saan may humahabol sa bidang babae sa isang tiangge at basta na lang ito nanghablot ng maipapalit para hindi agad mapansin ng mga kaaway subalit ay namataan din siya ng mga ito at nagkaroon ng engkuwentro. “I wasn’t planning to come inside your room, but you invited me in.” Mababa ang tono ng boses ng binata. Napaatras si Mihan. “Akala ko kasi ang roommates ko ang dumating,” pakli niya. Humakbang papalapit sa kanya ang lalaki at nakita niya ang tila pagsiklab ng pagnanasa sa mga mata nito. Napalunok si Mihan at tuloy-tuloy pa rin ang malakas na p