“Basta Miss Imperial, ikaw na magpasensya sa kakambal ko." Bumuntong hininga, malungkot ang mukha.
“Bakit kaya?" Bigla akong nacurious.
Nakinig lang muna ako sa mga kwento niya. Yun pala yon ng magpatuloy muli si Allan.
“Hanggang ngayon kasi ay hindi niya makalimutan si Bianca. Pero ako na magsasabi, mabait talaga siyang boss, kaya lang naman siya naging ganyan ay dahil sa kanyang nakaraan. Yun ang malaking naging dahilan kung bakit bigla nalang siya nagbago ng ganyan. Those times kasi masyado siyang nagmahal at nasaktan. Sana maunawaan at maintindihan mo, Miss Imperial."
Bianca?
Nagmahal, tapos nasaktan!
Ang labo, is that girl is his ex?
Sir Allan's twin's life is very chaotic. Kaya naman pala siya nagkaganon ang ugali.
Dahil sa mga alaala ng babaeng minsan ay minahal. Tapos nasaktan?
Teka nga, talagang nalalabuan ako...
Nagpatuloy naman si Sir Allan sa pagkukwento tungkol sa babaeng minahal ng kanyang kakambal. Very tragic, ako yung nalungkot at meron palang ganung experience ito about love.
Pero habang nagkukwento si Sir Allan, tumatawa ito. Parang tuwang-tuwa pa sa kanyang kakambal na nagmahal, nasaktan ngayon ay naging Demon na!
Kakaiba rin talaga nagagawa ng pagmamahal sa tao, kaya nitong baguhin ang kabuuan ng pagkatao na malayo sa kinagisnan nito.
At yon ang nangyari sa boss kong Demonyo. Matapos magmahal at masaktan binago ang sarili, mula sa mabait naging evil ang ugali. Parang nakikita ko na ang nais nitong mangyari kung bakit siya galit na galit sa mga babaeng nakikitaan niya ng mga maling galawan na hindi niya nagugustuhan.
Pero bakit galit na galit siya sa akin?
Anong kinalaman ko sa mga babaeng panay papansin at pagpapacute sa kanya. Ibahin niya ako sa mga iyon dahil kahit kelan hindi mo naiisip na gawin sa kanya yun although cute rin naman siya gaya ng kanyang kakambal pero baliwala yung nakikita ko ng dahil sa ugaling pinakikita rin niya. Demonyo.
Tama nga ako, gaya ng sinabi ni Allan nang dahil sa minsang nagmahal, nabago nito ang mabait kong boss, kung tama nga ang sinasabi ng kakambal nito. Napailing-iling ako, ngumiti habang iniisip ang mga binitawan nitong salita tungkol sa kapatid. Panay ang kwento niya, panay rin ang tawa.
Basta ako kung magmamahal man ako, sisiguraduhin kong hindi ako papadala sa bugso ng damdamin ko, oras masaktan ako get away from me.
Lalayo agad ako, ako na iiwas. At aalisin ko na agad ng hindi na makagulo pa sa mundo ko or ako na mismo ang lalayo ng matapos ang kahibangan ko sa tao na yon.
Bakit pa ako magtitiis sa isang tao na kaylan ay hindi ako mamahalin. “Parang si Allan?"
Ano ba itong pumapasok sa isip ko. Dispatsahin na ng wala nang problema.
Ano yun?
Papaano kung si Allan ang siyang nasa lugar?
Kailangan ko ba siyang dispatsahin o dapat ko siyang habulin?
Puro kalokohan na ang pumapasok sa isipan ko, habang si Allan ay hindi ko napansin na pinagkatitigan pala ako.
Oh my gosh!
“Sorry, Sir" tumawa na sabi ko.
Kinabahan, nahiya sa mga pinag-iisip ko.
Makapagsalita ng hindi tapos, sa huli ay kakainin ko rin pala.
Dahil ngayon pa lang hindi ko na ata mapipigilan pa ang nararamdaman ko para sa kanya. “Pasensya na Sir, may naisip lang ako." Sinabi ko, malalakas ang t***k ng puso ko.
In my curiosity I thought to ask him “Sir who is Bianca, Sir Anthony ex?"
Napansin kong he nodded his head.
Tapos ngumiti! Bakit ba palagi siyang nakangiti sa akin habang nararamdaman ko na close na talaga kami.
“Yes! You’re right, Bianca is the woman my twin brother loved, his first love and I think the last woman he’ll love as well.” Shocked ako.
I can't believe na may lalake pang ganon sa panahon ngayon. Sa gulat ko ay naibulalas ko “Wow, I can't imagine na meron pa palang ganong lalake sa panahon ngayon.” Nakangiting bulalas ko sa galak na may natitira pang lalake sa mundo ang minamahal pa rin matapos masaktan.
“Sa ngayon sa pagkakaalam ko ay hindi na uso ang ganong lalake sa mundo, meroon pa palang natitira.” Natatawa kong biro sa harap niya.
Pero mabilis ring magreact si Sir Allan. “Bakit Ms. Imperial, bakit mo nasabi na hindi na uso ang mga ganong lalake sa ngayon? May mga experience ka na ba pagdating sa mga lalakeng tinutukoy mo?” ito naman ang nagbiro na nagtanong.
I smiled as I spoke to him. “Hindi naman sa ganon Sir, porke ba nasabi ko yon may mga experience na. I’m just based on the men I see right now. Sa ngayon kasi, karamihan sa mga lalake mabilis pa sa alas-kwatro kung magpalit ng iba't-ibang babae, wala silang kakontentuhan sa isa, minsan pa nga nagsasabay-sabay pa. Dun kasi sila masaya, ang dumanas na maraming babae sa mga kamay nila. Para bang nagpapalit lang ng mga pinagsawaang damit, maybe mas magandang sabihin, kung old fashion yung napili nila, papalitan naman nila ng latest dahil yun yung uso at duon sila IN. Hindi sila contented sa mga babaeng alam nila na may higit pa. Kaya naman hahanap sila ng mas hihigit sa mga babaeng meron sila, kaya naman idadagdag lang nila. Collection!”
“Tama" Tawa-tawa kong sabi pa.
Napabulalas sa tawa si Sir Allan sa aking winika. “Mukhang marami kang alam." Tumawa rin wika.
“Are you like that too? Isa sa mga tinutukoy mo? Hindi ba tulad ng mga lalaki ngayon ay tulad din ng mga kababaihan ngayon. Kung ano ang magagawa ng kalalakihan, magagawa ng mga kababaihan ngayon. Kung hindi man ay pantay na sila ngayon. Dahil lahat ng ginagawa ng lalaki ay kayang gawin ng isang babae.” Panggagad sa mga sinabi ko.
Bakit tila sa akin pa bumalik ang mga sinabi ko sa kanya. Hanep rin itong si Sir Allan para ibalik sa akin ang mga winika ko sa kanya. Para tuloy kami nag argue about the ability that women and men can do in real reality.
“Hindi Sir, mabait ata ako, I just focus on one. Hindi ko kaylaman naisip na dumalawa. Kahit may crush ako dun lang ako sa kanya. Never ko pang naranasan tumingin sa iba. Habang may isa akong minamahal.” Natatawang biro ko.
“Madaling sabihing siguro I am stick to one, pero kung ayaw niya sakin di wag. Bakit ko pa isisiksik ang sarili ko sa hindi naman ako gusto. Hindi ba tama rin ako?" Sa sinabi ko tumawa muli si Sir Allan.
“Ang cute mo pala! Nakakatuwa ka at sana marami pang babae sa mundo na tulad mo, Miss Imperial. Sana marami pang tulad mo ang makilala ng kakambal ko."
Ayy, bakit napasok sa usapan yung kakambal. Okay na sana eh! Sinabihan niya akong cute, pero bakit si Demon pumasok sa eksena.
“Siguro kung tulad mo lang ang nakilala niya, baka sakali hindi nagbago ang mundo na ginagalawan ni Anthony. Hindi sana siya naging masungit at bugnutin. Kita mo naman di ba? Mahirap siyang pakisamahan. Kahit ako nahihirapan at nanibago, pero gang kaya ko pa siyang intindihin at unawain ginagawa ko. Dadalawa nalang naman kami, sino pa uunawa sa kanya kung sakali na wala ako." Ang drama, talagang may ganon pa siya.
“Sir, ang drama mo. Hayaan mo malay mo may babaeng makilala na tulad ko yung masungit mong kapatid na yon."
Hahaha, bakit ko ba sinagot ng gayon si Sir Allan. Langya parang ako pa yung naiipit sa mga pinag-uusapan namin dalawa. Dahil natuwa pa siya lalo sa sinabi ko sa kanya.
Kaloka, Joyce bakit ba sinabi yon?
“Lumabas nga tayo minsan Ms. Imperial, nais pa kita makilala, nakatutuwa ka kasi at mukhang malaki ang maitutulong mo sa'kin para maibalik sa dati ang aking kambal.”
Ayan na nga ba sinasabi ko, sabay sinabi nito matapos kong sabihin iyon sa kanya. Pero kinilig ako roon, nang kanyang sabihin na lumabas kaming dalawa. “Date ba yon?"
Ilusyunada na!
Kung bakit naisipan kong date kung sakali ngang lalabas kaming dalawa. Pero bakit parang may mali sa sinabi niya?
Lalabas kami para makilala pa niya raw ako, pero anong koneksyon at muli ay nasali ang kakambal nito?
Ang labo talaga, pero kahit papaano ay kinilig ako marinig na inaaya niya akong lumabas. Gusto ko rin siyang makilala ng husto, excited na rin akong dumating ang araw na lalabas kami at magkasamang dalawa. “Sige Sir, kung nais mo papayag ako. Ako rin ko po ay nais kayong makilala pa, kasi naman yung kakambal niyo ang sungit hindi niyo katulad.”
Ano ba yung sinabi ko?
Joyce, simplehan mo lang sana bakit tila masyado mo pinahahayag na gusto mo siya. Tumawa tuloy si Allan ng malakas ng sa muli ay sinabi ko sa kanya.
“Talagang pinahahanga mo ako, direct talaga? Sabagay, hindi lang mabait, higit pa akong mas gwapo sa kakambal ko di 'ba?" Sa bagay na yon na sinabi niya ay napangiti ako ng tumango.
Napakagwapo naman niya talaga at higit ang pinagkaiba sa kanyang kakambal na laging nakabusangot at galit sa tuwing magkikita kaming dalawa.
“Pwede ko ba makuha ang number mo? in case na available ako, I call you."
Shocks ginulat muli ako nito. Kangina, inaaya niya akong lumabas, tapos ngayon number ko naman ang hinihingi niya. “What is next?"
Napangiti ako ng simple sabay biniro ko siya. “Sir, kung maibibigay ko sa iyo ang aking numero. Paano ako? Mawawalan ako ng numero, ano ang gagamitin ko? How can your evil twin contact me." Sinabi ko ng pabiro.
“Grabe" Tumawa siya ng malakas.
Natatawa rin ako, masayang-masaya na nakipagbiruan pa sa kanya. Tapos sa huli ibibigay ko rin pala sa kanya ang number ko.
“Sige na lagay mo nalang dito.” ngumiti pa ako, dahil gusto ko rin naman makuha ang number nito.
Inabot ko ang cellphone na kanyang ibinigay para duon ko ilagay ang numero ko na hinihingi niya. Nagtype ako at inilagay ang numero ko sa cellphone nito maging ang register name. “Ganda"
Tawa ng tawa si Sir Allan ng makita niya ang inilagay kong pangalan sa cellphone niya.
“Ganda talaga?" Tumango ako, nahiya pa nga dahil hindi ko expect na ganon ang maging reaksyon nito.
“Ano bang dapat? Miss Cute ba?" Biro ko na kinatawa muli nito.
“Pwede na, pero okay na rin itong Ganda.. Proud ka talagang maganda ka!" Biniro rin niya ako.
“Sadyang makatotohanan naman diba?” pabiro na proud na sinabi ko.
“Sabagay Miss Ganda, totoo maganda ka naman, tama lang tawagin kang ganon sa pangalan.” Ngumuso pa siya.
Mas lalo naman pinabilis ng sinabi niya ang ikot ng mundo ko, ang bilis na kumakabog ang dibdib ko habang tinitingnan ko siya sa kanyang mukha.
Bakit ba ibang-iba talaga siya sa kanyang kakambal gayong halos pareho naman sila ng itsura. Pero kung tutuusin nga lang mas cute itong si Sir Allan dahil sa palagian nitong pagtawa.
“Ikaw na nagsabi niyan?" malambing na sabi ko.
“Yes, totoo naman." maiksing sagot ni Allan
“Thank you Sir" Sweet kong bigkas tapos nginitian ko rin ng pagkaluwang. Naeexcite na rin ako mula sa pag-aaya nitong lumabas kaming dalawa minsan. Andami pa nga niyang kwento at talagang kinikilig ako sa mga sinambit na mga papuri lalo ng sabihin na maganda raw ako, kaya raw siguro ganun yung Demon niyang kapatid sa akin ng dahil sa gandang-ganda lang ito.
Makalipas pa ang ilang minuto ay nagpaalam na rin siya. Ewan ko ba, parang ayaw ko pa sana na umalis siya rito sa harap ko at magkwentuhan nalang muna kaming dalawa. “Sige, mauuna muna ako, I will call or I text you when I have time to go out with you so we can eat out." He said with the cutest smile.
“Is nice to meet you again, Miss Imperial. Hopefully soon makalabas tayong dalawa. And sana pagtyagaan mo nalang muna na si Anthony kahit para nalang sana sa akin at sa napipintong pagiging magkaibigan nating dalawa."
Bakit may kirot sa sinabi niya?
Kaibigan? Talaga bang kaibigan lang ang gusto niya kaya inaaya niya akong lumabas at makilala.
Hindi ako nakakibo agad duon, hindi ako nakabwelta mula sa sinabi nito. Kaibigan talaga, kaibigan lang..
“Okay lang naman, Miss Imperial?" Muli niyang sinabi.
Inilahad nito ang palad niya, nang sa pangalawang pagkakataon napakainit pa rin nito at kay lambot ang sarap hawakan. “Ou naman, Sir. Is nice to meet you too." sinagot ko. Kahit ang hirap para sa'kin na kaibigan lang pala ang gusto niyang mangyari.
“Allan" sabi nito.
“Just call me Allan, alisin mo na yung words na Sir, nakakaasiwa. Hindi bagay para sa akin na tawagin na Sir.”
“Pero kasi"
“Wala ng pero, pero. From now on please call me Allan not Sir Allan, okay." Mariin niya pang sinabi kahit ito ay nakangiti.
Gulat naman si Joyce pero mas maganda nga siguro na tawagin ito sa pangalan nito “ Okay, Sir Allan.”
“Allan sabi di ba?"
“Ou nga pala, Allan." Sinabi ko.
Tapos nun ay tuluyan na siya nagpaalam at tumungo na sa office ng kanyang kakambal.
Nang mawala na sa kanyang paningin si Allan at tuluyan na rin siyang napag-isa habang iniisip-isip ang napakagwapong mukha ng kanyang crush. Si Allan na super cute pala ng malapitan, habang ang kakambal nito ay nakakatakot lalo kung harapan niya itong makikita.
Sayang na nga lang at gwapo nga talaga si Demon kung sakali man ay marunong itong ngumiti at maging humble sa mga nakapalibot sa kanya. Pero hindi eh! Matindi pa siya sa inaakala ng iba.
Napakasama niyang tao...
Sobrang sama dahil isa siyang masamang demonyo.