CHAPTER 7

2265 Words
Matapos makapag-usap ni Allan at Joyce, dahan-dahan na rin isinara ni Anthony ang pintuan ng kanyang opisina. Kangina pa siya nakikinig mula sa pinagkukwentuhan ng dalawa. Muli ay kanyang nasaksihan kung papaano na naman siya pagkwentuhan ng iba. Kung papaano siya pinagtatawanan habang nakatalikod ng dahil sa ugaling kanyang pinakikita sa iba. Pero ang higit na kinainis niya ng magawa siyang idaldal sa iba ni Allan, maging ang tungkol kay Bianca, maging ang kanilang nakaraan ay kinukwento nito sa kanyang sekretarya. Ang daldal talaga ng siraulo na lalake na yon. Tama bang ikwento sa weird na yon ang tungkol sa nakaraan ko sa babaeng minsan ay minahal ko. Kakaasar! Naiinis, galit na padabog siyang naupo, habang narinig na niya na bumukas ang pinto ng office niya. Si Allan, inirapan niya sa kanyang inis sa kakambal. “Bro, anong arte yan?” Tumatawang sinalubong ang nakasimangot na kakambal. Si Allan ang nakababatang kapatid na kakambal ni Anthony. Ilang minuto lang ang pagitan nilang dalawa ng mailuwal sila ng kanilang Mama. Pero sa dalawa mas mature si Anthony at para sa kanya immature si Allan ng dahil sa katigasan at ayaw magseryoso. “Anong ginagawa mo rito?” inis niyang tanong kahit alam niyang papunta talaga ito sa kanyang opisina ng mapansin ang umiiyak niyang sekretarya. Lihim na sinundan ni Anthony si Joyce upang silipin, hindi siya pinatatahimik ng konsensya niya ng mapansin na umiiyak ito. Hindi siya ganoon kasama, galit at nainis lang siya, kaya naman nasigawan at napagsabihan at nakapagsalita siya ng hindi maganda sa kanyang sekretarya. Pero natanawan agad niya si Allan ng buksan niya ang kanyang pintuan. Kaya napahinto siya at hindi na tuluyan nagawa humingi ng despensa sa sekretarya. Nakita niya si Allan ng lapitan ang sekretarya niya at tanungin hanggang magkausap ang dalawa at marinig niya lahat ng mga pinag-usapan ng mga ito ng hindi niya sinasadya. “Bro, ano bang iniirap-irap mo? Badtrip ka agad nakita mo lang ako." Biniro niya si Anthony na ngayon ay nakasimangot pa rin. Inis siya at nais niyang tapatin ang kanyang kambal. Naiinis din si Anthony sa tuwing pupuntahan siya ng kanyang kambal. Aasarin at bubuskahin lang siya nito tungkol sa mga babae na madalas na ireto nito sa kanya. Wala itong ginawa kundi ang pipilitin lang din siyang makipagdate sa mga babae na napipili nito para sa kanya na kinaayawan niya ng sobra. Isa pa sa kinaiinis niya sa tuwing babanggitin nito ang kanyang nakaraan na matagal na rin naman at pilit niyang kinakalimutan. Kaya madalas na bumabalik-balik rin sa kanya ay dahil sa madalas na ipaalala nito sa kanya. Nakangisi si Allan, alam agad nito ang nasa isip ng kambal. “Binisita ka, ayaw mo ba? Mukhang sa tingin ko ay badtrip ka." biro na sabi nito at nakangiti sa kanyang kambal. Lumakad ito papalapit kay Anthony, matapos isara ang pintuan at tuluyang makapasok. “Binibisita? o may pinagkaabalahan ka sa labas ng opisina ko? Hoy, Allan! Kabisado na kita sa mga ganyang moves mo. Kaya't huwag mo na akong paikot-ikutin. Diretsyahin mo na kung anong ipinunta mo rito.” may inis at kanyang naibulalas kay Allan. Hindi na rin niya napigilang hindi ito sitahin at tanungin sa kanyang kakambal kung anong dahilan at bakit napadaan. Ang plano niyang humingi ng despensa sa kanyang sekretarya ng dahil sa kanyang mga nasabi rito kangina ay hindi na talaga niya nagawa pa ng dahil sa pagdating ni Allan. Nang kanya itong makita na lumapit sa kanyang sekretarya, nanatili nalang siya mula sa nakabukas na konti niyang pintuan at pinakinggan nalang ang usapan ng dalawa. Hindi naman kasing sama si Anthony ng gaya ng iniisip sa kanya ng iba. Mabait rin siya, may natatago rin siyang kabaitan na hindi alam ng maraming tao sa kanyang kumpanya. Dahil ang nakikita lang ng mga ito ang ugaling kanyang pinakikita pero ang ugaling pilit niyang winawaksi ay hindi alam ng iba. May dahilan kung bakit ayaw niyang maging mabait sa mata ng iba. Ayaw niya lang maulit ang nakaraan na pilit niyang iniiwasan. Ayaw niya lang abusuhin muli siya ng iba at paikutin saka masaktan muli ng dahil sa pagbubukas niya sa iba. Pero ayaw rin niya ng nakikita at naririnig na nagagawa na siyang pag-usapan at pagkwentuhan ng kanyang mga tauhan nila. Mabilis siyang magalit at mag-init ang kanyang ulo sa tuwing makikita at maririnig niya misyo. “So alam mo? nakita mo pala bakit hindi ka lumabas at nilapitan kaming dalawa.” Tumawa si Allan habang binibiro pa ang kanyang nakatatandang kakambal ng malaman na nakita pala nito ang kanyang paglapit sa bagong sekretarya. Pero lalo pang ikinais ni Anthony ang ginawang pagbibiro ng kanyang kambal. “Hindi ko alam na type mo pala ang gaya niya. Nakakagulat ka, Allan. Mababa na pala ang taste mo pagdating sa mga babaeng pinapatulan mo." May pangungutya o selos sa bawat sinabi ni Anthony sa kanyang kakambal na mas ikinatuwa pa ni Allan ng dahil sa mga salitang binitawan ng kanyang kambal. Kung bakit si Anthony ay naiinis ng hindi niya malaman sa sarili kung bakit ganon nalang ang pagkainis na makita ang dalawa na masayang nagkukwentuhan sa labas ng kanyang opisina. Kaya't si Allan ay tumawa ng malalakas dahil sa itsura at arte sa kakaibang ikinikilos ng kakambal. Kaya sinabi pa niya rito. “Bakit ayos naman siya, maganda at higit pa roon ay sobrang seksi, saka mukha naman siyang mabait. Bakit hindi? Nakakatuwa nga siyang kausap, hindi mo ba alam iyon?” “Nakatutuwa? Yun lang bang dahilan? oh batay sa sinabi mong maganda at seksi?" “Bro, ano ka ba? Bakit ganyan ka makapagsalita, sobra ka naman. Kaya ba pinaiyak mo siya? Ano bang dahilan at pinag-iintan mo ang bago mong sekretarya? Hindi ka na naawa at pinaiyak mo pa. Huwag ka ngang malupit dun sa tao, mabait naman siya batay sa nakita ko ng kausap ko siya kangina. Kaya, bakit ganyan ang trato mo sa kanya?" Sa sinabi ni Allan, nagpintig ang kanyang tenga. “Bakit sinabi ba niyang pinagmalupitan ko siya? Parang wala akong matandaan na ginawa ko iyon sa kanya. Sinita ko lang siya sa maling trabaho na kanyang ginawa. Oras ng trabaho nakikipagtsismisan imbes unahin ang inutos ko. Anong mali ron?" “Mali bang sinita ko ang maling kanyang ginawa? Sabihin mo sa'kin ngayon, mali ba bilang kanyang boss ang pagsabihan siya? Parang wala naman mali sa ginawa ko diba?" “Kahit kelan, hindi ako mananalo sayo." Kakamot-kamot sa ulo habang natatawa sa reaksyon ni Anthony. Habang nagtatalakayan ang magkakambal, kumatok naman si Joyce ng dahil sa isang emergency call mula sa isang malaking kliyente. “Sir, excuse me poh! May emergency call po kayo." “Sino raw?" “Si Mr. De Jesus po ng Judicial Company. Gusto raw po kayo kausapin, importante raw po." Si Joyce magalang niyang hayag mula sa kambal na kapwa napalingon sa kanya. “Okay, paki forward nalang." “Okay, Sir" Matapos ay isinara na ang pinto. Bumalik na muli sa mesa si Joyce. Kinakabahan pa rin siya sa tuwing magtatama ng ganon ang kanilang mata. “Bwisit na Demon yon! Bakit ba pinakakaba nalang niya ako ng sobra sa tuwing titingnan niya ako." Nabubulong nito, inayos niya na ang lahat ng papers na naiwanan pa sa kanya. Matapos naman ang phone call ni Anthony, muli ay hindi siya tinigilan ng kanyang kambal. “Bro, wala nga siyang sinabi, pero batay sa nakita ko ng mapadaan ako sa mesa niya. Naawa ako, hindi man niya sinabi kung anong ginawa mo sa kanya kung bakit siya umiyak ng ganon. Pero hindi tama na laging ganon nalang ang gagawin mo sa mga nagiging sekretarya mo. Nakakahiya kay Milca, kaibigan pa niya yung pinaiiyak mo ngayon. Grabe ka naman, hanggang ngayon ganyan ka pa rin, ilang sekretarya pa ba ang dadaan sayo bago ka manumblik sa dati. Hindi ka naman ganyan nuon di ba? Mabait ka naman sa mga empleyado natin rito. Lahat pantay ang tingin mo sa kanila. At lalong hindi ka nagsusunggit ng ganyan sa iba." Hindi niya tinitigilan si Anthony, sige siya sa pagpapaalala rito ng mga napansin niyang malaki na ipinagbago ng kanyang kambal. “Sa totoo lang Bro, minsan nakakasawa na rin yung ganyang pag-uugali mo. Minsan iniisip ko kung bakit kailangan mo pang paiyakin ang mga nagiging sekretarya mo? Ano bang nagiging kasalanan nila sayo? Bakit nagiging malupit ka sa kanila. Ibalik mo na yung dating Anthony na mabait at malambing, higit pa roon ay may malasakit sa kanyang mga empleyado. Miss ko na rin yung kakambal ko na mas siraulo pa sa'kin." Sa huli, dinaan nalang din sa biro ni Allan, habang ang kakambal, hindi nakakibo at nakikinig nalang sa walang tigil na kakasalita ni Allan. Malaki nga ang kanyang ipinagbago simula ng mangyari yon sa kanya. Pilit niyang iniba ang dating siya sa ngayon na Anthony na kinaiinisan ng lahat. Iniiwasan, kinatatakutan at pakiramdam niya ay hindi na rin siya nagagawa pang igalang ng kanyang mga tauhan. “Bro, hanggang ngayon ba si Bianca ang siyang dahilan? Siya pa rin ba ang dahilan kung bakit hanggang ngayon malaki ang ipinagbago ng Anthony nuon, sa ngayon? Bro, Bianca is already married. Kasal na siya, bakit hindi mo pa kalimutan at hayaan mong bumalik yung dating ikaw. Huwag mong sisihin ang sarili mo sa nakalipas na at nakaraan. Ibang Chapters na ang meron ka ngayon. Give yourself a chance. Kalimutan mo na siya at hayaan mong may pumasok na iba dian sa pilit mong hinaharangan at isinasarado sa iba. Ang PUSO mong nasaktan, hayaan mong magmahal. Huwag kang matakot na maulit ang dati, dahil hindi naman pare-pareho ang mga tao sa mundo. Hindi lahat gaya nalang ni Bianca na bigla kang iniwan matapos mong maipakita na mahal mo siya. Maraming iba, hayaan mo lang buksan yan sa iba upang makita mo. Anong malay mo ang susunod na may magtangkang pumasok dian ay siya na pala ang para sayo. Payong kapatid Bro please masaya ako kung makikita kitang masaya. Malungkot ako at nahihirapan sa tuwing ganyan ka, huwag mong parusahan ang sarili mo na huwag muling magmahal. Hayaan mo naman maranasan na may babaeng tunay na magmamahal sayo at hindi ka sasaktan.” “At lalong hindi ka iiwan." Inihabol pa ni Allan mula sa mahabang lintiya niya sa kanyang kambal. Si Bianca ang babaeng hanggang ngayon ay hindi magawang kalimutan ni Anthony kahit anong kanyang pilit, bumabalik-balik lang siya sa masasaya nilang araw na magkasama. Labis niyang minahal ito ng mga panahon na magkasama pa sila bilang kanyang secretary. Ang kauna-unahang babae na kanyang minahal. Ang babaeng nagbigay sa kanya ng malaking sugat na naging malaking peklat na hanggang ngayon ay hindi magawang maghilom sa kanyang puso. “Bro, malay mo naman once of this day may babaeng makikita rin ang totoong Anthony at mamahalin ka ng buo, hindi ka lolokohin at sasaktan ng gaya ng ginawa sayo ni Bianca." Si Allan, sinabi pa muli ng nakangiti sa kanyang kambal. Si Bianca na kanyang secretary nuon na may dalawang taon rin ang itinagal. Sa pagiging sekretarya niya ito, naging masaya at makabuluhan ang kanyang buhay. Mula sa malungkot ng dahil sa dadalawa lang sila ni Allan at walang ibang pamilya, dahil sa pananabik sa ilang bagay na hindi niya pa kaylanman nararanasan at nararamdaman. Si Bianca ang pumuno ng lahat. Sa tuwing nakikita ni Anthony ito ay hindi maiwasan na kumabog ang dibdib niya. Lubha kasing napakaganda nito at ubod ng seksi. Mapang-akit ito, kaya sa tuwing maghaharap sila, kahit magdikit ay naiiba siya. Para siyang nababaliw at nasasabik sa mga oras na magkasama sila. Ganon kalakas ang epekto ni Bianca na ibinibigay nito lalo kung magdidikit pa sila. “Bro" Tumatawa, nang-aasar. “Bro, sinasabi ko sayo magbago ka na para lahat ng tao rito mabago ang tingin sayo. Huwag mong hayaan na patuloy silang tingnan ka sa kung ano ang nakikita lang nila ng hindi ka nakikilala sa kung ano at sino ka. Ikaw ang boss, sayo nakasalalay ang successful ng kumpanya. Alam mong wala sa akin aasahan pagdating sa kumpanya. Pero sayo, nasasayo ang potential sa ikakaganda ng kumpanya na naiwan sa atin nila Mama at Papa. Kaya sana please, ayusin mo na yung sarili mo, nakikiusap ako sayo." pagsusumamo ni Allan sa kambal ng muli ay may istorbo at kumatok mula sa labas. “Sir, sorry. May kukunin lang po ako sa pantry." Si Joyce ulit ang sekretarya ni Anthony. Nalimutan niya yung gamit niya kangina sa pantry ng magtimpla siya ng kape. “Okay lang" si Allan ang sumagot, nginitian ang tahimik na sekretarya na pumasok sa loob. “Joyce, can you please give me a cup of coffee? with slightly sugar and cream, please." si Allan, napalingon naman siya. “Sige po, igagawa ko po kayo." Sagot niyang sinabi sa nalingap sa kanya na kambal. “Kayo po, Sir Anthony. Do you want anything? Ikukuha ko po kayo." Simple siyang ngumiti sa seryoso at nakatingin rin boss. “A cup of coffee, please." sagot nito. Tumango si Joyce “Sige po" Hindi na niya itinanong dahil alam naman niyang “no sugar and cream, three tablespoons of coffee, it likes and other than that, nothing else." Kinakabisado na niya lahat at kuha na niya ang kape na madalas hingin sa kanya sa ilang araw niyang pagiging sekretarya. Matapos gumawa ng kape iniabot na niya sa kambal, sinamahan na niya ng sugar bread at tig iisang slice ng cake ang ibinigay niya sa kambal. Laking tuwa ni Allan at nagpasalamat sa kanya. Except sa kakambal nito na walang kibo ng kanyang maiabot ang kape na tinimpla niya para rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD