“Hindi ba dapat nagmadali ka?" nanlaki ang mata ni Joyce.
Anong sinasabi niya? Kanyang naibigkas sa gulat.
Kinabahan muli siya ng magpatuloy ito sa pagsasalita. “Anong ginawa mo Miss Imperial?" Tumaas yung kilay, napaatras siya.
“Nag-zerox Sir, hindi ba iyon ang utos niyo?" Maang-maangan niya pa at sagot, pero malalakas ang kabog ng dibdib niya sa lakas ng kanyang kaba.
“Nag-zerox ba kamo?" Tumango siya, tumawa ito.
“Nagzerox or nagawa mong makipagkwentuhan sa oras ng trabaho na inutusan kita." Nabigla si Joyce.
Panong nalaman nito? Napaisip siya.
Hindi kaya sinundan ako? nasambit niya pa sa isip ng narinig ang mga bagay na sinabi ng boss.
“Napakahusay ng ginawa mo, Ms. Imperial. Pinahahanga mo talaga ako sa mga galawan mo rito sa opisina ko. Oras ng trabaho, nakikipagkwentuhan habang may iniutos ako at sinabi ko pang dalian at kailangan ko, immediately. Hindi ba malinaw ang pagkakasambit ko ng sabihin ko iyon sayo?" Mabibilis ang pagbigkas na gilalas nitong sinabi, umurong ako, umabante siya papalapit sa akin.
“Sir" sabi niya, takot na rin siya sa maaari na gawin nito sa kanya.
Sa itsura at mga tingin nito, para na talaga siyang isang Demon sa mga mata ni Joyce. Huminga siya, malalalim. “Hindi naman ako nakipagkwentuhan Sir, hayan po at nagawa ko naman yung pinagagawa ninyo sa akin, naayos ko na rin bago sayo dalhin.” pangangatwiran niya, sinabi kay Anthony.
“Sumasagot ka talaga!" pumalakpak pa siya.
Para na siyang baliw at habang pumapalakpak nakangisi ito at galit na tiningnan siya. “Very Good, ang galing ng bagong sekretarya ko, sumasagot na sa boss niya, nagagawa pang mangatwiran. Kahit kitang-kita naman ng dalawa kong mata at rinig na rinig ko rin lahat ng pinag-usapan niyong dalawa habang pinagtatawanan ninyo ay.." Napahinto muli ito sa kanyang pagsasalita. Tumigil si Anthony dahil sa tindi ng galit nito.
Humugot ng malalalim na hininga si Anthony habang ramdam na ramdam ang panggigigil sa kanyang sekretarya. Nais niya pa ngang balibagin ito pero kanyang pinipigilan.
Sumulong siya ng lakad mula sa napaatras na sekretarya “Ako yung pinagtatawanan at pinag-uusapan niyo, hindi ba?" Diretso ang pagkakasabi habang tinutukoy ang mga nasaksihan at kanyang narinig na pinag-uusapan ng dalawang empleyado niya.
Napatigil si Joyce sa paghakbang paatras, habang napahugot muli siya ng hininga at mabilis niya iyon naibinuga. Tinitigan niya si Anthony at sumagot. “Sir, hindi po. Nagkakamali kayo, bakit naman namin kayo pag-uusapan." Kahit yon ang totoo.
“Hindi?" gilalas pa. Sumigaw!
“Siyang-siya pa nga kayo, habang pinagtsismisan niyo ako sa oras ng trabaho. Bakit nasisiyahan ba kayo na pinag-uusapan ako habang nakatalikod, ako ang pagkain na pinagsasaluhan ninyong dalawa at siyang-siya ka pa.” galit talaga na sinabi nito sa kanyang bagong sekretarya.
“Sir? Nagkakamali po kayo, mali yung mga conclusions niyo. Bakit naman namin kayo pag-uusapan, baka mali lang po ang pagkakarinig niyo.” Muli ay pangangatwiran ni Joyce kahit takot na siya sa itsura ng boss niya. Nagawa pa rin niyang ipilit na hindi ito ang kanilang pinagtatawanan at pinag-uusapan.
Paano kung may alam nga ito?
Paano kung narinig nga nito lahat ng kanilang pinag-uusapan kangina ng kanyang kasamahan.
Bumuntong hininga si Anthony “Nagkakamali?" sambit nito.
“Hindi ba't maging ang nanahimik kong kakambal ay nagawa niyong pag usapan. Bakit Ms. Imperial ganyan ka ba kadesperada sa aking kakambal? Buong akala mo ba ay papansinin ka niya at bibigyan ng atensyon ng gaya sa ibang babae niya?” nanggugumalaiti na sigaw sa galit, habang namimilog sa laki ang magkabilang mata.
Hindi ron nakakibo si Joyce, hindi makapaniwala na nagawa pala siyang sundan nito at nahuli pa sila. Nangilid ang mga luha sa kanyang mata, sa pagpapatuloy ng pagsasalita ni Anthony. Hindi na rin napigilan pa na pumatak ang ilang luha na kangina pa nagnanais na bumagsak sa magkabila niyang mata. Sobrang sakit, nasasaktan siya sa mga sinabi nito. Kahit alam niyang pawang lahat ng sinambit nito ay pawang katotohanan na kahit kaylanman ay hindi ito babaling sa kanya, ang kakambal ni Anthony, si Allan.
“Sir, sorry!" Namutawi nalang sa kanyang bibig, dahil sa oras na yon ay nais na niyang makalabas sa loob ng opisina ng boss. Dahil kung hindi makikita nito ang tuluyang pagbuhos ng mga luha na kangina pa niya pilit na pinipigilan.
“Kung wala na kayong ipag-uutos, lalabas na po ako.” punas-punas niya sa mga luha habang sinasabi at tinatanong ang boss niyang Demon.
Hindi naman na sumagot si Anthony ng kanyang makita ang mga pumatak na luha sa mata ng kanyang sekretarya.
Hinayaan nalang niya ito makaalis habang siya ay bumalik sa kanyang mesa, naupo habang tinatanaw na tuluyang makalabas ang umiiyak na sekretarya.
Ayaw na ayaw lang talaga ni Anthony na nagagawa siyang pagtawanan at pinag-uusapan ng kanyang mga empleyado. Lalo na kung sa mismo pa niyang harapan ay maririnig niya ang lahat ng mga pangit na sinasabi sa kanya ng halos lahat ng mga tao sa kanyang kumpanya.
“Anlalakas ng loob" Padabog na ibinagsak ang isang kamao sa lamesa niya, habang inis na tinatanaw ang lumalabas na sekretarya at nang lumagutok na ng sumarado ang pintuan ay muli sinubukan niyang ibalik ang atensyon sa mga trabaho na naiwan niya at hindi nagawa dahil sa inis niya kay Joyce na ngayon naman ay naroroon na sa kanya ring lamesa at umiiyak.
Napakasama talaga ng ugali ng taong iyon, Demonyo siya. Isang napakasamang Demonyo.
Galit at inis ang nararamdaman ngayon ni Joyce sa kangina na pang-aalipusta sa kanya ng napakasamang boss na si Anthony.
Ambisyosa ako, ou, pero hindi ko magagawa ang sinabi niya.
“Pero paano kung dumating ang araw na magawa ko nga?” bigla nalang pumasok sa kanyang isipan at inisip-isip. “Paano kung tama nga ito?"
Paano nga kaya kung sa sobrang pagkahumaling ko sa kakambal nito at magawa ko ang bagay na binibintang sa akin ng siraulong lalake na yon?
“No, hindi! Hindi ko gagawin iyon." Napapailing-iling at sinabunutan pa ang sarili habang kanyang sinasambit na hindi kaylanman niya gagawin.
Paulit-ulit na nagrerespond sa isip niya ang mga katagang binitawan sa kanya ng Demon na boss, habang nasa kalagitnaan rin siya ng pag iisip ay hindi niya napansin ang isang lalake na dumaan at ngayon ay nasa kanya nang harapan.
Si Allan na papunta sana sa opisina ng kanyang kakambal ng mapansin ang babae na umiiyak na nakaupo sa mesa ni Milca. “Umiiyak ka?”
“Umiiyak ka nga." Habang nakasubsob sa magkabilang kamay ang mukha ni Joyce at umiiyak, si Allan, nakangiti na tinanong siya.
Napaangat ng mukha si Joyce sa familiar na boses na narinig niya na nagtanong. Ganon nalang siya nagulat ng makilala ang bulto ng lalake na ngayon ay nakatayo at nasa kanyang harapan.
“Oh my gosh! Si Sir Allan." nasambit niya ng mahina, hiyang-hiya.
Hindi siya mapakali, malalakas ang kaba na nararamdaman ng masilayan ang mukha ng lalakeng dahilan kung bakit siya umiiyak ngayon. Ang lalakeng sinabi ng kanyang boss na Demon na kaylanman ay hindi siya magagawang pansinin. Ang kakambal ni Demon, si Sir Allan na lihim niyang hinahangaan.
“Bakit ka umiiyak?" Tanong na muli ni Allan, nakangiti pa rin at nakatingin sa mukha niya.
“Wala po, Sir. Napuwing lang ako kangina." Mariin na sinabi, pagdadahilan na siya ay hindi umiiyak.
Mabibilis ang kanyang kamay na pinahid ang mailang luha na tumulo sa kanyang mata. “Kita mo na Sir, wala na po." Ngumiti ako, pinakita sa kanya na wala ng luha ang aking mata.
“Naku, huwag mo ng itanggi. Mukhang napagtripan ka ng kakambal ko, siya ang dahilan niyan hindi ba?" Si Allan itinanong muli, napahinto siya.
Bumuntong hininga. “Pagpasensyahan muna mabait naman iyon. Ayaw lang sa mga babae na akala ay inaaakit siya.” Sabi nito na tumatawa.
“Sa madaling salita, galit siya sa magaganda na tulad mo." Pinamulahan ata ako ng mukha sa sinabi nito.
Ngumiti ako, natawa sa appreciations na sinabi niya. “Maganda raw ako!"
Kinikilig na nasambit ni Joyce, pabulong. “Kaya pagpasensyahan mo na si Anthony, ikaw nalang muna ang umunawa dahil talaga sa ngayon ay hindi ko rin mabago ang ugali na meron siya ngayon. Pero mabait naman iyon, may mga bagay lang na mahirap ipaunawa at ipaliwanag. Kaya pasensya ka na." Sinabi pa muli ni Allan, nginitian siya.
“Sir, alam ko naman po iyon. Huwag po kayo mag-alala, dahil alam ko kung saan lang ako bilang sekretarya niya. Saka hindi ko naman siya inaakit at wala akong balak na gawing iyon sa kanya.” Pinunasan ko muli ang aking luha na may ilan pang humabol at pumatak.
Ibang-iba talaga ang kakambal ni Demon sa kanya, ang kakambal niyang si Sir Allan ay higit na mabait at hindi kasing sungit ng kanyang kakambal.
“So, ikaw na pala ang bagong secretary ng kakambal ko?" Tanong pa muli, nginitian na naman niya ako.
“Diba sa Designing Team ka nakaassign?" Tumango ako.
“Paanong napunta ka rito at naging sekretarya ng kakambal ko?" Bakas sa mukha ang pagtataka at mukhang wala pa siyang alam mula sa naging pagbabago rito ng mawala si Milca.
Sumagot ako, nginitian rin siya “Nagleave po kasi si Milca." Kagwapo ng mukha ay tila nagulat pa.
Wala ata siyang alam sa pagfile ng leave ng sekretarya ng kanyang kambal. “Ako po ang pumalit pansamantala kay Milca habang wala siya. Ako kasi ang kanyang pinakiusapan at inirekomenda sa inyong kakambal.” sagot ko.
”Ayos ahh! Wala akong alam, nasaan ba si Milca?" Tanong nito.
Pero sa bagay na yun wala akong alam kung nasasaan ba si Milca ngayon, habang inaayos ang ilang mga problema niya ay hindi rin ako nagtatanong. Nag-aantay lang ako na siya mismo ang mag-open up sa akin at magsabi kung ano ang totoong nangyayari sa kanya.
“Hindi ko rin po alam kung nasaan si Milca, alam ko busy siya sa ngayon." Tumango siya.
“Ganon ba." ako naman ang tumango.
“So, ikaw pala ang naikwento ni Milca na kanyang malapit na kaibigan dito sa Office, minsan may nabanggit na siya pero hindi ko akalain na ikaw pala at maganda pala ang itinatago na kaibigan ni Milca.” Gulat siyang muli at nakangiti habang sinasabi, hindi makapaniwalang ako pala ang babaeng kaibigan ni Milca na binihira lang ang nakakaalam.
Hindi kasi namin gaano pinagsasabi, hindi rin naman kami madalas na magkasama o magkita ng dahil sa busy siya sa trabaho kasama ang president.
“Opo, Sir! College friend kami ni Milca at siya rin nagpasok sakin rito sa kumpanya. Isa po kasi si Milca sa mga naging malapit kong kaibigan nung mga panahon na nag-aaral pa kami nuon sa college. Although may pagkapasaway lang po talaga ako, pero si Milca ang siyang gumabay sa akin, kahit magpahanggang ngayon si Milca ang nag-iisang tao na hindi ako pinababayaan at lagi lang siya naririyan. Except lang po ngayon, wala talaga akong alam kung nasasaan ba siya dahil hindi po ako nagtatanong. Nag-aantay lang ako na siya yung unang magsabi at magkwento.” Sinagot ko ang kanyang tanong, nakangiti rin gaya ng maluwang na pagkakangiti nito sa akin.
Ang cute talaga ni Sir Allan. Pakiramdam ko ay liliparin ako ng hangin sa sobrang kakiligan.
Kaya naman love ko na siya, esto Mahal ko na... Hindi lang kasi sa napakagwapo nito, ubod pa ng bait.
Hindi rin siya suplado, tulad ng kambal nito.
“Ahh ganoon ba!" Tumango ulit ako. Tipid na ngumiti.
“Opo Sir!" Sagot ko, masayang sinabi ko.
Nagkausap pa kami ng mga ilang bagay na kakatwa tungkol sa pagkakaibigan namin ni Milca, masaya ako dahil ang sarap kausap ni Sir Allan. Ang inis ko kangina, nawala ng dahil sa kanya dahil sa mga madalas na pag-ngiti at pagtawa-tawa nito sa mga jokes ko.
“I like you Miss????" nang hindi naituloy ni Allan dahil sa kangina pa sila nag uusap ay hindi nagawang tanungin ang pangalan ng bagong Sekretarya ng kanyang kambal.
Nawala sa loob niya na maitanong ang pangalan ng magandang babae at nakatutuwang kaibigan ni Milca.
“Joyce, Sir!" Inilahad ko ang aking isang kamay.
“Joyce Imperial" pagpapakilala ko sa aking sarili at saka nakipagkamay.
Nakita ko na ngumiti ang binatang vice presidente ng kumpanya bago abutin ang aking kamay.
Inakyatan naman ako ng sobrang kilig ng maglapat ang aming kamay. Nais kong tampalin ang magkabila kong pisngi na baka isang panaginip lang ito, dapat na akong magising.
Pero hindi, nasa sa harap ko talaga siya at nakangiti. “Is nice to meet you Ms. Imperial. Hindi na ako magpapakilala dahil tiyak ko naman kilala mo na ako. Siguro naman ay naikwento na rin ako ni Milca sayo?" Sabi na nakangiti, tumango ako ngumiti rin.
Dahil hindi lang naikwento, dahil madalas ko rin siyang matanaw sa tuwing nagagawi siya sa departamento kung saan ako nuon bago pa ako maging sekretarya ng kanyang kambal.
“Yes Sir! Allan Cabreras right?" magilas kong sabi sa kanya... nagawa ko pa ngang magpacute ng papungayin ko ang aking magkabilang mata.
“Nakakatuwa ka, Ms. Imperial! I really like you, sana matagalan mo muna ang ugali ng aking kambal. Ikaw na muna sana ang umunawa at intindihin siya habang wala pa si Milca. Yan mo, Malay mo gaya ni Milca magkasundo rin kayo ng kapatid ko."
Kahit huwag na, pero gang makakaya ko pagtitiisan ko muna ng hindi mapahiya si Milca sa boss niya.
Pero ikaw, I really like you too.
Nais ko sanang sabihin sa kanya, pero nakakahiya..