CHAPTER 12

3010 Words
Ready na muli siya, upang pumasok. Pero andoon yung katamaran ng dahil sa pagdadalawang isip na pumasok sa opisina ng kanyang boss na Demon. Mabigat ang pakiramdam niya ng dahil sa hindi siya gaano nakatulog ng maisip na naman ang mga nangyari at sinabi sa kanya kahapon. Hindi rin mawala sa isip niya at sa tuwing ipipikit ang kanyang mata. Ang hubad na katawan ng boss ang nakikita niya. Bakit ba kasi kailangan na magrampa siya ng walang kahit anong saplot sa loob ng office niya? Para naman siyang baliw talaga! Di nga lang parang 'dahil baliw talaga. aniya na sambit habang nababalik sa ulirat ang napakagandang katawan ni Anthony. s**t! Joyce, isa ka na ring baliw. Huwag mo na nga isipin. inis na sinuway ang sarili mula sa pag-iimagine sa malapad, malaki at pagkahaba at lusog.. Ano ba? Sinabi ng huwag ng ipaalala. Asar! pang-aaway sa sarili ng di mawaglit sa isip. Pero malaki talaga! Napanganga nga siya ng makita. She can't imagine na ganon kalaki at kahaba ang makikita niya na mabilis na tinakpan ng kamay ni Anthony, imbis pulutin agad yung towel na nahulog. Kaya naman di mawala at di mabura sa isip hanggang di na siya patulugin. Puro litrato na kuha ng mga mata niya ang nakikita sa bawat pagtatangka na maipikit ang kanyang mata. Nakakainis naman kasi, bakit di rim siya nagsara ng pinto kahit nilocked sana niya ng walang makapasok. Para naman siyang nananadya nun. aniya napasinghap. Anlalaki pa ng mussels. Parang monay na nakapwesto sa bawat umbok sa kanyang katawan. Tapos, sobrang kisig niya pero.. Si Allan pa rin. Tiyak na mas yummy iyon. aniya na binawi ang nasasaisip. Hindi pa siya nakakakita ng buong hubad na lalake. Especially yung sa ibabang bahagi na nakita niyang napakalaki. Siya nalang nahiya sa sarili ng makita yon. Sarap kasing kainin. aniya. Hoy, Joyce umayos ka nga. aniya sa baliw na atang utak. Andun yung pakiramdam na nais niyang mahawakan yung nakita niya mula sa mga mussels na nag-uumbukan. Sarap i-partner sa kape! aniya na iniimagine na naman. Sakto sa paghigop niya ng mainit-init pang kape siyang makarinig ng boses. s**t! Nasa office na nga pala ako. aniya na biglang napatayo. “Good Morning, Sir." aniya nahiya sa itsura niya habang tulala at naiisip ang boss niyang dumaan. Baliw ka nga! Umayos ka nga. aniya na kinagagalitan na naman ang sarili. “Masarap ba? mukhang feel na feel mo pag-iimagine? Himay lang baka mapaso ka!" Napakaagang pang-iinis sa kanya. Nagulat nga siya ng lingunin siya bago pumasok, pero kukutyain lang pala rin siya na buong akala na babatiin na siya. Ang aga, nakapuntos agad! aniya niya ulit ng madali na naman siya ng boss na dumaan. Panira ng araw talaga, kahit kelan. aniya ulit habang nagbalik na sa kanyang paghigop ng kape. Gwapo nga sana pangit lang ng ugali. aniya. Pero mas gwapo si Allan ko. Habang tinitingnan ang litrato ni Allan sa IG. Maging sa f*******: kanyang madalas tingnan ang mga upload photos ni Allan. Sayang naman wala si Allan ngayon. aniya na kangina pa sulyap-sulyap mula sa mga nagdadaan. Natapos na siyang magkape at mawalan ng ganang kainin ang tinapay na binili sa nadaanang bakery. Paano kaya siya nakatatagal sa ganong ugali? Ang hirap non na nabubuhay siya ng halos lahat ng tao takot na lapitan siya. Buti pa si Milca nakatagal sa kanya. Maging empleyado niya takot. Isa lang ang hindi ang kambal nitong si Sir Allan. Allan pala! kinikilig na naman ng maalala ang pakiusap na huwag siyang tawagin sa tawag na Sir. Pag si Allan, kilig ang siyang nararamdaman. Pero sa boss, takot ang nauuna at di mapigilan ang mapaiyak nalang sa oras na alipustahin na siya at makarinig ng mga masasakit na salita. Mukhang magiging busy siya sa buong maghapon. Nakita pa lang niya ang schedule ng kanyang boss natulala nalang. Hindi niya malaman kung papaano niya ba matatapos lahat ng pinamamadali sa kanya na ipinagawa matapos na sumilip sa pinto si Anthony at utusan siya. Jusmiyo, naman. Bakit ba napakaraming schedule niya ngayon? Punong-puno at nahihirapan na akong i-budget ang oras na meron lang siya sa buong araw. aniya niya sa pagbabasa ng halos dikit-dikit na oras ng mga kailangan nilang puntahan. Kung pwede lang magpaiwan at hindi na sumama. Magpapaiwan talaga ako. Ayokong sumakit ang ulo at mapagod sa pagbabantay sa kanya. Mukhang di pa ako makakain nito at meroon pang meetings na dadaluhan sa labas. aniya naibulong. Inis at pagrereklamo. Napasinghap siya ng mapabuntong hininga. Tamang-tama nasend ko naman na sa kanya. Bago pa siya makapasok nauna ko ng nasend lahat ng schedule niya. Mahirap ng mapagalitan at baka kay aga maging bomba agad na bigla nalang sumabog at kumalat. Dahil ang bilin ni Milca, unahin agad masend ang mga schedule bago ang ibang bagay. Dahil sa pinakaaayaw ng Demonyo ang late ang pagpapasa ng schedule niya sa buong araw. Kaya dapat mauna ang list of schedule niya, bago pa ito makapasok sa office niya. aniya bulong habang nawala na sa kanyang mata ang Demon sa buhay niya. May ilang minuto na siya tahimik habang busy sa pag-aayos ng mga naiutos sa kanya. Pero ilang sandali tumunog ang phone konektado sa loob ng opisina ng Demon. “Come to my office, Ms. Imperial.” lumakas na agad ang kanyang kaba ng marinig ang boses ng Demon sa loob. Ano na naman ba? Hindi ba matatapos ng di niya ako maiistorbo? aniya bulong ng sabihin na tutungo na siya sa loob. Mabibigat ang paa na inihakbang papunta sa pintuan ng Demon. Nasasaisip pa naman niya habang nagtatrabaho ang binubuo niyang bakasyon sa susunod na makapagfile siya ng vacation. Palawan o Boracay ang nasa list niya na lugar. Isa sa kung bakit di siya makapagdesisyon na umalis sa kanyang trabaho. Maliban pa sa isang rason... Ano kayang kailangan nito? aniya ng makalapit na sa pinto at makakatok. “Come in." Pinihit na ang seradura at saka pumasok. Nakita niyang nakayuko ang Demon habang seryoso na nagbabasa. “Sir, do you need anything?" tanong niya mula sa nakasimangot na boss at mukhang galit. “Where is my schedule? Didn't Milca tell you that what I hate the most is the late sending of my schedule for the whole day?" Heto na naman siya at inakyatan na ng kaba. Nag-umpisa ng magtaas ng boses ang boss na nasigaw sa galit mula sa schedule na di mahanap. “Actually nasabi po! But I have already sent your schedule to your email, Sir.“ “Where? I've been backreading all the emails, and I haven't seen a single schedule. What do you say you sent?” Galit na sumisigaw sa kanya. Habang siya napaisip. Dinoble ko pa pagcheck, paanong wala? “Paki double check, Sir. Nasend ko na po talaga kangina. Bago pa kayo pumasok." aniya niya. “Come closer! Look out if there is an email from you like what you said." tawag na gilalas na pinalapit pa siya. Kabado na siya at mas lalo pang kinabahan ng madikit na siya. Nadikit ng bahagya ang kanilang mga balat. Pinantaasan naman siya ng balahibo ng pakiramdam niya nakatingin ito at tinititigan siya habang hinahanap ang nasabing email. Sinabi nga na meron! Ang kulit, bulag kasi. aniya ng makita ang sinasabing di mahanap. “Excuse me, Sir." aniya ng bigla naman napapitlag sa gulat si Demon ng magsalita na siya. Bakit niya ba ako kangina pa tinitingnan? aniya ng mapansin ang madalas na pagsulyap sa kanya. “Heto po! JI@gmail.com." aniya na itinuro ang naisend na email mula sa monitor ng computer ng kanyang boss. “Nakita niyo na, Sir? Nasend ko na po at may oras pa di ba? Seven am in the morning. So, bago pa kayo dumating. Nasend ko na para di na kayo magalit." aniya pasimple na natawa na kinasimangot ng Demon niyang boss. Natahimik at 'di nakakibo nalang si Anthony mula sa pagkapahiya ng magsisigaw na naman mula sa sekretarya nito. Natawa nalang siya ng mawalan ng kibo ang boss. “Sige Sir, kung wala naman na kayo maipag-uutos. Lalabas na po ako." aniya na sinabi niya at gumalaw na siya para makatayo ng maayos mula sa pagkakayuko. Subalit sa kanyang pag-angat. Di sinasadya na tumama ang kanyang ulo mula sa mukha ng boss. Nagsimula na naman magalit si Anthony at kabahan siya. “Sorry po, hindi ko sinasadya." “Umalis ka na! Alis..." sigaw ng dumadagundong sa buong kwarto nito. Bwisit na babae yon! anito ni Anthony habang nagmamadaling na umalis siya at lumabas sa loob ng kwarto ng Demon. Halos mapapitlag siya ng biglang sumigaw ng paglalakas ng boss niya. Ano ba yon? naibulong kahit alam niyang kasalanan naman niya ang nangyari kung bakit nasigawan na naman siya. Nang tuluyan ng makalabas. Agad siyang naupo sa mesa niya. Grabe yung kaba ko 'di mawala. aniya ng makaramdam naman siya ng gutom. Naalala niya tuloy yung tinapay na di niya nakain sa inis sa boss. Kinuha niya ulit at saka inumpisahan ng lamon habang nagtatrabaho. “Sir, I have I just want to remind you to be prepared. Mr. Chen is coming at around 8:30. Your meeting with him will start after thirty minutes. Sir, do you need anything? If you don't need anything, I'll come out and go back to my table." Nagtanong muna ulit siya bago lumabas. Kumatok siya at pumasok muli sa kwarto nito para lang paalalahanan na darating ang isa sa mga investor nito. “Okay, thanks.” Tama ba narinig ko? aniya sa tuwa ng magpasalamat ang boss. Unang beses niyang narinig na magpasalamat ito sa kanya. Marunong naman pala magpasalamat? Pero sana marunong rin siyang magsorry. aniya ng makatalikod. Pero ayos na rin. Basta narinig ko siyang pinasalamatan ako. may saya na sambit ng mabuksan na ang pinto para lumabas. Subalit biglang tinawag ang kanyang atensyon ni Anthony. “Wait! Please prepare all the documents I need for the meeting with Mr. Chen. Please prepare a contract for him in case we finalize and close the deal and he signs it." “Okay, gagawin ko na poh! Uunahin ko pong gawin." aniya ng magulat muli at magpasalamat sa kanya. “Thanks” aniya ni Anthony sa sekretarya. Nakaramdam ng pagkapahiya si Anthony kaya naman nagpasalamat ito. Hindi lubos akalain na mapapahiya ng ganoon sa harap ng sekretarya. Mabilis na inayos at iginayak niya lahat. Tulad ng inaasahan niya maya-maya pa dumating na ang isa sa pinakamabait na investor ng kumpanya ng Demon na boss. “Hi!" “Kayo po pala!" aniya nakangiti. “Teka lang po, ipapaalam ko lang na dumating na po kayo." Iniangat niya ang kanyang telephone at dun may pinindot siya na magkokonekta sa kanya sa loob. “Sir dumating na po si Mr. Chen.” Aniya, sinabi mula sa kabilang linya. “Okay, patuluyin mo na." anito ni Anthony at tumungo muna saglit sa kwarto. Nagpalit lang muna ito ng damit para presentable naman kung haharap sa investor. Mukhang walang topak. aniya napangiti habang ibinaba ang telephono. “Halina po! Pasok na raw po kayo." Sumunod naman ito sa kanya ng maipagbukas ng pinto ng kumatok siya wala naman sumasagot. Isa si Mr. Chen sa pinakalaking investor rin nila sa Cabreras. Maliban sa mabait ito sa kanya. Paborito rin niya itong kausap. Nakilala niya ang matandang Ginoo. Nang minsan na mapagawi ito sa kanyang pwesto mula sa dating department. “Sir baka may kailangan kayo?" tanong niya ng maanyayahan niya itong umupo. “Coffee or Juice?" “Coffee nalang. Paki lagyan mo ng sugar at cream." anito na sinabi sa kanya. “Okay po! Kukuha lang ako." aniya at mabilis na tumungo sa pantry para ikuha ng coffee ng mabait na investor. Subalit saka lang niya naalala ang boss na wala sa mesa. Lumakad muna siya mula sa. nakasarang pinto at kumatok. “Come in." narinig niya binuksan ang pinto. Sumilip siya saka nakita ang seryoso na boss nakatingin sa salamin. “Nandiyan na po si Mr. Chen nag-aantay sa labas." aniya sabi niya. “Lalabas na ako." sagot nito habang nakatalikod. Hindi nito nilingon ang sekretarya at naalala lang ang dating itsura ng dating sekretarya na minahal. “Baka gusto niyo ng coffee or juice? Ikukuha ko kasi si Mr. Chen." tanong niya ng maalala. “Coffee nalang. Same sa dati." anito sagot sa kanya. Pagkarinig isinara na niya ang pintuan. Hindi na naman lumingon. Mukhang seryoso at malalim ang kanyang iniisip. aniya habang naglalakad papasok sa pantry. Madalas ko talaga na di siya maintindihan. Bakit ba parang ang lamig niya kung makitungo? Dahil ba sa ex-secretary niya na nabanggit ni Allan? Baka nga, mahirap talaga makalimutan kung talagang minahal mo na. Ako nga hirap hirap ngayon kasi yung crush ko hirap naman na mapansin ako. aniya habang inaantay-antay na matapos ang coffee na tinitimpla. Nagpapakulo pa lang siya ng tubig at nang matapos saka siya nagtimpla ng coffee. Nang matapos siya saka siya lumakad palabas at lumapit sa dalawang lalake na kapwa na nag-uumpisa ng mag-usap. “Excuse me poh!" aniya na inilapag isa-isa ang coffee ng dalawa. “Thanks" anito pasasalamat ni Mr. Chen na kanya naman na nginitian. Hindi pa naman ganoon katanda ang itsura ni Mr. Chen. Isa ito sa mamalaking kumpanya sa bansa na siyang nagmamay-ari ZC Mall na siyang pinakamalaking investor rin sa kumpanya ni Anthony. Marami rin itong ibang negosyo na pagmamay-ari at pinatatakbo. Maliban sa Mall niya na may ilang branches na rin sa bansa. Kaya si Mr. Chen ang siyang pinakamalaking sinusuplyan ni Demon ng mga sapatos sa dami nito na branches ng Mall maliban rin sa mga mga Boutique na siya ring nagmamay-ari. Quality, isa sa mga pinanghahawakan ng company ni Demon. Sobrang higpit niya pagdating sa quality ng produkto na ayaw na ayaw niyang isang bahala lang ng hindi masira ang reputation ng kumpanya. Big time rin talaga mga partners and investor's ng kumpanya ni Demon kaya syempre di ko rin masisi kung bakit masama na ang tingin sa akin. aniya niya ng mapansin na ang mga tingin nito sa kanya habang nakatayo, nakatingin sa matandang investor. Nakikinig lang naman kasi ako sa mga pinag-uusapan nila at ang kanyang pinaliliwanag. Ang products na bago namin ilalabas masure na maganda ang quality at hindi patapon gaya ng mga products na ang ginagamit na material is poor. Kaya pagkadating sa finishing products. Poor din ang quality. Kaya ang maipangako ng company namin is mapangalagaan ang quality ng bawat produkto ng sa gayon maging ang lahat ng customers, even our clients may assurance na magagandang produkto lang ang aming ilalabas ng sa gayon ang pera walang masasayang. Lahat makikinabang even all partners and investor's. Ang galing rin niya magpaliwanag pero wala akong naintindihan. Kasi naman ang talim makatingin. Nananakot talaga ang siraulong demonyo. “Sa palagay mo, talagang bebenta ba yan sa market?" “Oo naman" ngumiti na sinabi ni Demon. Ngayon ko lang siya nakita na ngumiti ng ganyan? Gwapo pala talaga siya basta nakangiti at di nakasimangot na at galit. aniya habang napasulyap rin siya ng bigla itong tumawa ng malakas sa biro ni Mr. Chen. Sa tingin ko naman tama rin sinabi niya. Maging sa quality control sobrang higpit rin niya. Sa limit ng paggawa ng produkto ayaw niya ng madalian. Minsan galit na galit siya ng minadali ang order ng isang client. Galit na galit siya ng makita ang quality ng produkto. Nagwala pa siya at nagsisigaw sa factory habang yung mga empleyado ron natakot ng sobra. Pero may puso naman si Demon ng sa huli. Humingi rin siya ng pasensya sa lahat ng tao ron. May puso, pero bakit sa'kin walang puso ang demonyo? aniya na bahagya na napangiti pero nabitin ng makita siya. “Don't worry Mr. Chen. Masisiguro ko rin sayo na talagang makikilala agad sa market itong bago naming produkto. Same ng mga nauna. Alam niyo naman kung gaano kami kahigpit pagdating sa products. Gayon din ang determination namin mabenta at makuha ang simpatya ng maraming consumer." Paulit-ulit naman na ata sinabi nito. aniya niya habang napapagod na rin tumayo mula sa harap ng dalawa. “Joyce maupo ka! Halika, maupo ka rito." aniya ni Mr. Chen sa kanya. Buti pa itong si Mr. Chen napansin na nakakangalay ang nakatayo habang nakikinig at mag-take ng note. Pero yung Demon. Walang pakiramdam at walang ginawa kundi samaan ako ng tingin kada susulyap. “Salamat po." aniya na sabi sa investor na bisita ng boss niya. “Ako ang napapagod kada makikita kitang nangangalay sa pagkakatayo. Hindi ka ba nangalay sa halos isang oras na pagkakatayo?" “Hindi naman po! Sanay na rin po ako. Sa paglalakad nga ng malayo sanay na sanay. Sa pagtayo pa ng matagal." aniya natawa mula sa sinabi. “Kahit kelan may pagkapilosopo ka talaga." “Hindi naman po. Magpatuloy na po kayo." sabi niya ng mapansin ang pagsitsit ng boss mula sa distraction na naidulot mula ng paupuin siya ng matandang bisita. Talagang Demonyo na 'toh! Epal talaga. Sarap tirisin kung maaari nga lang. Ginawa ko na kahit sa harap pa nitong investor na kausap. aniya na hinabaan niya ng nguso yung boss niyang Demonyo. Nagpatuloy nga sa pagpapaliwanag si Anthony. Habang siya nakikinig pa rin sa mga pinag-uusapan ng dalawa. Nagsususulat rin siya habang tinitingnan ang kanyang orasan ng sumobra na sa oras ang pag-uusap ng dalawa. Nahihiya naman siyang abalahin at baka masamain pa ng mga ito lalo pagdating sa Demon na busy pa rin at di mapigilan ang pagsasalita sa kaharap na negosyante. Parating na tiyak yung isa! Hindi pa kaya sila matatapos nito? aniya naiinip na rin ng nagkakatawanan na ang dalawa. Naku meeting ba 'toh o daldalan lang? Parang wala siyang mga hinahabol na schedule na mga nakasunod sa nauna niyang meeting. aniya panay ang bulong habang napapagod na rin maging tenga sa mga nauulit na paliwanag ng boss. Si Anthony na determinado na makuha ang simpatya ng kanyang kausap. Konti nalang sa isip nito na makokombinsi na ang isa sa pinakamalaking investor ng kanilang kumpanya. Habang siya na sekretarya namumublema sa paparating na isa pang investor na susunod kay Mr. Chen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD