CHAPTER 13

2016 Words
“Your Secretary, Mr. Cabreras, was good and beautiful.. Napakaswerte mo sa kanya at mukhang mabait pa." pabiro na sabi ni Mr. Chen kay Joyce napasulyap pa ito sa kanya habang kausap ang kanyang devil Boss Nakita niya kasi ang pagkunot ng mukha nito at pag taas ng isang kilay ng dahil sa sinabi ni Mr. Chen. Mukhang mag uumpisa na itong toyuin muli dahil sa appreciation na natanggap Mula sa business investor nito. “ Salamat Mr. Chen” Sabi niya dahil sa magandang papuri na natanggap rito. “Ou nga pala! Where is Milca? Diba siya ang Secretary mo Mr. Cabreras. Hindi ko ata nabalitaan na nagpalit ka ng iyong Sekretarya mabait din yung si Milca at maganda." muli na sambit ni Mr. Chen Ano raw si Milca maganda? gulat na naibulalas ng marinig ang papuri kay Milca. Nagagandahan siya kay Milca na kung makapustura daig pa ang Nerd sa itsura. Tapos sa kanya Maganda si Milca? Ayos rin pala itong investor nila. Wala atang Mata si Mr. Chen ng sabihing maganda ang kaibigan. anito ni Joyce hindi matanggap na ang tingin ng negosyante na business man na ka-meeting ng kanyang boss. “Mr. Chen Milca is on vacation leave. That's why I'm the temporary Secretary to Mr. Cabreras. But after Milca came back, once she finished her vacation, I also went back to my department.“ sinamahan pa niya ng may pagkasweet na salita mula sa lalakeng investor na kaharap. Tumawa naman si Mr. Chen sa pagkakasalita at pagkakasabi niya na yon ”I really like you! You and Milca are almost the same, Ms...?" “Ms. Imperial Sir! Joyce Imperial but Joyce for Short” ngiting ngiti na sagot niya sa pinutol na sasabihin sana nito na hindi rin naman tiyak na alam nito ang idudugtong ruon natitiyak niyang itatanong rin nito iyon sa kanya kaya inunahan na niya si Mr. Chen. “Ahh okay! Matalino ka ah, alam mo na agad na hindi ko alam ang idudugtong ko. Kangina pa tayo magkausap sa labas ay hindi ko man lang naitanong sayo ang pangalan mo! Ikaw pala si Joyce! It's nice to meet you, Ms. Imperial.” Sagot na nakangiti rin sa kanya. “Thanks again for the appreciation, Mr. Chen, but you can call me Joyce for short. Just call me Joyce, as you call Milca's name.” balik na sabi ni Joyce kay Mr. Chen. “That is good Joyce. Gusto ko yang naisip mo From now on, every time I am walking around, at mapadaan ako rito I call you by your name.” habang masayang nag uusap ang dalawa may isa naman na kangina pa umuusok ang tumbong sa pag aaburido ng dahil kay Mr. Chen at sa kanyang sekretarya na kapwa mga masaya na nag-uusap. Ang kanyang magaling na Sekretarya na nakuha pang makipaglandian sa kanilang investor na si Mr. Chen. How dare she be? aniya na bulong ni Anthony sa inis na makita na nakikipagkwentuhan ang kanyang sekretarya. Isa lang siyang sekretarya sa kumpanya ko subalit kung makuha makipagkita landian sa harap ko? Kapal ng mukha.. umuusok ang magkabilang ilong sa nakikitang itsura ng dalawa na kapwa nagkakatawanan pa nga. “Excuse us” sabay sabi niya saka umalis at baka hindi siya makapagtimpi maipahiya niya lang ito sa harap ni Mr. Chen. Umiinit, umuusok ang dugo sa kanyang sekretarya na haliparot. Makaraan ang ilang minuto matapos magkulong sa kanyang kwarto upang makapagpalamig sandali naisip nang lumabas ni Anthony upang harapin muli si Mr. Chan para ipagpatuloy ang kanilang pinag uusapan na biglang naputol ng dumating ang kanyang magaling na sekretarya. Sa paglabas niya wala na ang babaeng dahilan ng pag taas ng kanyang presyon. Palagay niya tumaas ng todo ang kanyang dugo ng dahil sa kanyang sekretarya. Ang sakit ng batok ko, hawak hawak pa niya saka hinilot hilot ang kanyang batok. “Sorry Mr. Chen medyo sumakit ang ulo ko kangina kaya uminom muna ako ng gamot." pagdadahilan na sabi niya sa kanyang investor kahit ang totoo nabwisit talaga siya kangina. “No, it's okay, baka naman kasi masyado mo sinusubsob ang sarili mo sa iyong trabaho. Binata ka pa, huwag mong patayin ang iyong sarili ng dahil sa kakatrabaho mo. Mangyari na magpahinga ka naman at humanap ng babaeng makakatuwang. Masarap umuwi ng bahay na mayroon kang inuuwian. Matatanggal lahat ng iyan. Lahat ng pagod at sakit ng ulo mo mawawalan oras na may kasama ka na, makita mo at tama lahat ng sinasabi ko sayo." Biro na sabi ni Mr. Chen. kay Anthony “Hindi ko na kailangan niyan Mr. Chen sasakit lang lalo ang ulo ko kung sakaling nagkataon. Ayos na ako sa ganito. Mag-isa, kasama ko naman si Allan.” sagot na sabi ni Anthony “Bakit hindi mo subukan? Yung secretary mo okay siya! Baka pwede siya sayo, maganda at mukhang mabait pa. Natutuwa ako sa kanya kung wala lang akong asawa bakit hindi ko siya magugustuhan. Saka si Allan, iiwanan ka rin niyan oras na makapag-asawa na yan." tudyo na sabi nito sa kanya. Ano naman nakita nito sa kanyang Secretary na wala naman alam kundi magpaganda at magpacute sa mga kalalakihan rito sa kanyang Kumpanya. Kahapon pa nga lang nakita niya pa itong nakikipag usap sa isang lalake at nagawa pang sumama nito. Anong magandang makikita sa isang babaeng haliparot na gaya ng kanyang Sekretarya baka kung Sino sinong lalake na nga ang gumalaw at pinagsawaan ang kanyang Sekretarya. ”Ano naman meron sa Sekretarya ko Mr. Chen. Isang ordinaryong Sekretarya lang iyon wala nang ibang maganda sa kanya. Maliban lang...” Sagot na sabi muli ni Anthony ng di na naituloy. “Kita mo na, hahaha." tawa ng matandang negosyante. “Huwag kang magsalita ng tapos Mr. Cabreras baka mamaya kainin mo lahat ng mga sinabi mo! Anong malay mo baka isang araw mabalitaan ko nalang na kayo na palang dalawa ng iyong Sekretarya.” Natatawang panunudyo nito ng biruin siya. “Hindi natin masasabi Mr. Chen pero hindi gaya niya ang babaeng tipo ko pagdating sa isang babae. Malayo na mangyari ang mga iniisip niyo.” may ngiti na sabi ng patulan ang sinabi ng kaharap. “Tingnan nalang natin Mr. Cabreras. Pero ngayon bumalik na tayo sausapang negosyo. Basta sana kung sakaling mangyari man huwag niyo ako kakalimutan sa inyong kasal.” muli ay pahapyaw na tudyo muli nito ng hindi inaalis ang ngiti. “Makaasa ka Mr. Chen subalit tama ka bumalik na tayo sa tunay na dahilan kung bakit ka naririto at tama na ang usapang malabo mangyari.” sagot ng may galang kahit inis sa kausap. “Mangyari nga na bumalik na tayo." pag tugon sa sinabi niya gaya ng kanilang napag usapan at napagkasunduan bumalik sila sa pag uusap tungkol sa kanilang negosyo at sa pag paplano na pag iinvest nito sa kanilang kumpanya. Matapos ang halos isang oras na discussion tungkol sa inihain na proposal ni Anthony kay Mr. Chen at isang napakagandang pang yayari ng naiclose ni Anthony ang deal with Mr. Chen ng hindi inaasahan ay dahil sa kanyang sekretarya. Dahil sa nagawang pagpipigil naging maayos lahat. Subalit ang usapin sa kanyang sekretarya hindi niya mapapalagpas. Hindi mawala ang bwisit na bwisit na pakiramdam niya sa kangina sa dalawa. Sa pagitan ng kanyang investor na si Mr. Chen at sa kanyang sekretarya na si Ms. Imperial na inamin pa ni Mr. Chen na isa sa naging dahilan ng pagpirma ang mga sinabi ng dalagang sekretarya. Ngunit buti na nga lang at pinipigilan niya muna ang sarili mula sa kaharap na si Mr. Chen at sa kanyang secretary. Ayaw niya ring mapahiya sila mula sa lalakeng investor. Kaya naisipan niyang magpaalam panandalian rito at pumasok sa kanyang kwarto ng hindi niya pala alam ay ito ang nakakumbinsi sa matanda. Ngunit walang pakialam. Wala siya pakialam sa nagawa sa kanya nito. Kaya naman inantay niya muna ang matapos ang pag uusap nila ni Mr. Chen bago niya haharapin ang maharot na sekretary. Walang kahiya hiya sa mismong harapan niya nagawang makipaglandian sa kanyang investor na si Mr. Chan. Kung hindi niya lang naiisip ang isang malaking deal sa pagitan nilang dalawa ni Mr. Chen natitiyak niyang nakatikim ito sa kanya mula sa harap ng kanilang Investor. Maipapahiya niya ito. Buti nalang at nagawa pang magtimpi ng Demon Boss ni Joyce. Ngunit ng mawala na nga ang matanda agad niyang tinawag ang sekretarya. “Come to my office.” Sabi niya sa kabilang linya sa kanyang haliparot na sekretarya Kabado na tinungo ni Joyce ang loob ng opisina ng kanyang Boss. Mukhang nakikita at napagtanto na niya ang papasabog na bomba mula sa kanyang nanggugumalaiti na boss. Expect na niya iyon dahil sa itsura ng mukha nito kangina ng kausap niya si Mr. Chen. Pasalamat pa nga sana ito dahil kung hindi sa kanya baka nahirapan siya kausapin ang isa sa malalaking investor ng kumpanya. May kahirapan kasi kausap si Mr. Chen kung minsan. Makailang beses na itong tumanggi nuon sa kanilang proposal na ipinapasa rito. Kaya naisipan ni Joyce na konting libangin ang ginoo upang maging maayos at maganda ang mood nito subalit sa tingin niya ay binigyan kahulugan ito ng kanyang boss. Makaraan na kumatok ay dahan dahan niyang binuksan ang seradura ng pinto ng opisina ng kanyang boss. Gaya ng kanyang inaasahan nakabusangot na ang mukha nito. Nag aapoy, nag aalab sa galit iyon na kanyang nakikita sa mga mata nito. Papasabog na bomba ang kanyang masasalo ngayon mula sa boss na naggugumalit ng dahil sa kanyang ginawa. Ano bang masama sa aking ginawa? Wala naman akong ibang intesyon, nakipag usap lang ako kay Mr. Chen pero itong Boss ko parang Bulkan na papasabog, namimighing sumabog ngayon. ani naisip ni Joyce habang lumalakad. Hindi pa naman nakapagdala ng payong na maaari niya maging proteksyon panalo sa Lava na ibabalibag sa kanya ng papasabog na Bulkan. Demonyong demonyo ang itsura ng kanyang Boss. Mula sa makakapal na kilay na ngayon ay magka salubong na magkasakubong. “God kayo na bahala sa'kin ngayon. Bigyan niyo sana ako ng panalo at panangga sa mga iitsa pabato sakin galing sa Demon kong boss. Kakatakot po, natatakot ako.” nangingiti ng patago habang dasal dasal na sambit ni Joyce. Mababahag sa kanyang itsura ang takot subalit ayaw naman din magpaapekto. Nanlulumisik ang mga mata nito ang Demon sa harap. “Ano tatayo ka lang diyan?” singhal na tanong nito “Bakit hindi ka lumapit." sigaw na galit ng iutos nito na lumalakad siya papalapit. Halos hindi niya maihakbang papalapit ang kanyang magkabilang paa papalapit sa kanyang boss na ngayon ay nakikita ang bahid na galit sa mga mata. “May kailangan kayo Sir?” tanong niya ng makalapit siya sa pwesto ng kanyang boss. “Yes! Gusto sana kitang makausap” maangas na sabi nito ng diretsahan. ”Tungkol saan po ba?" maang na sagot niya kahit may idea na. “Wala ka pa idea Ms. Imperial?" “Wala po Sir! Tungkol saan po ba iyan?" muli na maang na tanong niya sa kanyang Boss. “Kailangan ko pa ba ipaalala sayo ang nagawa mo?” inis na turan nito “Actually Sir, wala akong idea sa mga sinasabi niyo. Basta ang alam ko wala naman po akong ginawang masama." pag dadahilan na sabi niya ng ituwid ang tinuran ng boss. “Sa palagay mo pala wala kang nagawang masama? Una hindi mo naalala ang binigay mo kape na iyong tinimpla?” Sh*t ng maalala ang kape na kanyang tinimpla. Halos gusto niya iuntog ang kanyang ulo ng maalala ang kapeng naibigay sa Boss. Black Coffee without sugar and Cream Subalit ang kanyang natimpla Black coffee with sugar and cream same with Mr. Chan. Napasapo siya sa kanyang nuo saka napapikit ang kanyang magkabilang mata. Shit! One points aniya at talaga palang may kasalanan siyang nagawa. Ang tanga tanga mo Joyce inis gigil na naibulong sa kanyang sarili habang kinagagalitan. Tahimik lang siyang nakikinig habang putak ng putak ang nag iinit sa galit na Boss. Napakaraming sinasabi ngunit sa huli naunawaan na rin niya ang tinutumbok nito kung bakit galit na galit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD