Hindi niya magawang kalimutan lahat ng mga nangyari sa kanya nuon ng dahil sa isang sekretarya. Pinaikot lang siya at niloko. Hanggang ngayon ang sugat na naiwan di pa rin magawang maghilom. Kaya maingat na rin siya mula sa mga babaeng nakakasalamuha.
Hindi sukat akalain na may ganong babae. Niloko siya at dahilan ang kalibugan na nararamdaman. Kaya ito pumatol at nagpadala sa maraming beses na para rito laro na nasisiyahan, dahil nailalabas ang init at pananabik mula sa boyfriend na malayo sa kanya.
Napakabilis kong nabiktima, nagpadala at nahulog ng ako lang ang siyang magmahal. Sa isip nasambit.
Nang mga oras na yon. Nais niyang matawa ng malakas. Pagtawanan ang sarili sa panggagago na di niya agad nalaman. Ngayon, alam na niya at natuto na siya. Hindi na siya kaylanman magpapagamit at magpapaloko mula sa mga babaeng tulad ni Bianca.
Nagmahal, nasabik, nasaktan at halos ikabaliw sa huli. ganon ang naranasan niya ng makilala si Bianca na kaylanman nakatatak na sa kanya. Sa isip, kaylanman di na niya makakalimutan. Pero, naasa pa siya? isang katotohanan na magpahanggang ngayon naasa na baka sakali na mabalikan siya. Pero malabo na ng dahil sa kasal na ito mula sa sinabing kasintahan nito.
Kaya, ngayon mapili siya sa mga nagiging sekretarya. Ayaw na niyang maulit ang nangyari nuon. Mula sa isang babae na maganda, mapang-akit, mapusok at mabilis.
Kaya oras na mapansin niya agad sa isa sa mga sekretarya niya. Agad niyang pinapatalsik once na maramdaman na mukhang mauulit na naman lahat.
Ayaw niya sa mga sekretarya na papansin. Makapag-ayos para ng nakakaakit. Ayaw niya ng maganda o nagmamaganda pagdating sa kanya. Ayaw na ayaw niyang tinitingnan siya na nagdudulot sa kanya ng distractions. Ayaw niyang makangiti na tila ba inaakit na siya. Ilan sa mga pinakaaayaw niya. Tulad nalang ngayon ng bagong sekretarya. Si Joyce Imperial na kaibigan ni Milca na kanyang sekretarya.
Pakiramdam niya na nagpapansin ito sa kanya. Pakiramdam niya na inaakit siya mula sa mga suot nito sa tuwing makikita. Ayaw na ayaw niya na makatingin ito na nagdudulot sa kanya ng matinding distraction. Kaya ayaw niya kay Joyce. Ayaw na ayaw!
+++++++++++++
Alas singko na ng hapon, oras na ng kanyang uwian. Subalit hindi pa nagagawang lumabas ni Anthony sa kanyang Opisina. Kaya naman siya, hindi mapakali sa kanyang upuan, nais na sana niya mag out subalit natatakot siyang katukin ito upang makapagpaalam sa kanyang Demon na boss.
Dadaan pa sana siya sa Supermarket upang mamili ng groceries. Pay day, kaya mamimili siya para sa dalawang linggo na stocks niya sa bahay. Ayaw niya kasi ng nauubusan ng Stocks kahit iisa-isa, gusto niya na laging puno ang kanyang bahay ng mga pagkain para oras na maisipan kumain, hindi na siya namumublema pa na tumakbo sa groceries para lang makabili ng kanyang kakainin.
It's 5:15 in the afternoon hindi pa rin lumalabas ang kanyang boss.
Haist! Anong oras niya ba nais umuwi? Maging ako, hindi tuloy makauwi ng dahil sa takot na katukin siya. inis na sambit habang nag-iisip
5:30 pm! inis na talaga siya na kalahating oras na siya nag-iintay. Subalit di pa rin lumalabas. Sinasadya niya ba? asar na siya.
Hindi lang siya ang may gusto na umuwi. Sana naman maisip niya. inis pa rin kakahintay subalit wala pa rin.
5:45 pm! Hindi na talaga niya kaya. Hindi na niya matatagalan na mag-intay pa na maisip na pauwiin siya nito.
Naiinis na siya at nais na niyang katukin. Asar naman. Nakakainis na. Hindi na talaga ako makakapag-intay at baka abutin pa ako ng hating gabi sa kakaantay sa paglabas. Mabuti pa siguro na katukin ko na. naisip niya na katukin ang pinto ng Demon na boss.
Para na siyang mababaliw sa kakaisip na baka makasaraduhan pa siya ng supermarket. Bukas may lakad siya at wala na siyang time para makapamili.
Tok, tok, tok, makatlo siyang kumatok sa pinto. Subalit walang sagot.
Tok, tok, tok. Ngunit walang sumasagot ulit sa pangalawang pagkatok.
Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura. Itinulak ng bahagya ng mabuksan ang pinto. Subalit wala siyang makita. Saan naman kaya siya? salita ng di makita ang kanyang hinahanap.
Binuksan niya ng mas maluwang upang makapasok siya. Nang makapasok naglakad siya ng di gumagawa ng ingay. Nilakad niya ang papunta sa pantry. Subalit wala ron ang kanyang hinahanap. Muli siyang naglakad papunta sa bukas na isang pintuan. Ang kwarto ng Demon na boss.
Pero walang laman maliban sa mga gamit nito sa loob. Maliban roon, wala ang Demon. Nasaan kaya siya? asar siya ng di pa rin mahanap ang hinahanap niya.
Bukas lang ang pinto ng kwarto pero wala ang boss. Wala si Anthony na kangina pa hinahanap niya.
Saan ka bang Demonyo ka? Nakakainis ka na.
Naiinis na nabubulong. Mukhang sayang lang oras na ipinag-intay ko. Makauwi na nga lang. asar na talaga mula sa isang oras na pag-iintay.
Subalit ng papabalik na sana siya para lumabas. Nakaririnig siya ng pag-ingit mula sa bumukas na pinto. s**t! sambit sa gulat ng paglingon niya napasigaw siya ng malakas.
Whhahhhhhh sigaw niya na mabilis na nagtakip ng kanyang mata. Mula sa nakitang hubad niyang boss. Maliban sa tuwalya na nakatapis rito at sa gulat ng boss nalaglag yon.
Gulat na gulat rin si Anthony sa tili ng sekretarya. Huli na ng mapansin ang nahulog nitong tapis. Wala pa naman itong suot na kahit underwear maliban sa towel na itinapis matapos maisipang maligo bago umuwi.
“s**t!" anito na mabilis nitong natakpan ang hubo at hubad nitong katawan na walang kahit isang saplot.
“Tang-***! Anong ginagawa mo rito?" gulat na gulat na naitanong mula sa nakatakip ang mata na sekretarya.
Nakagawian na nito minsan maligo bago ito umuwi sa bahay. Kaya naman ng maisip, agad itong pumasok sa banyo at naligo matapos hubarin lahat ng saplot.
“Sorry Sir! Pero baka gusto mo pong magbihis muna o baka gusto niyong takpan yan ng maayos." tumalikod na siya matapos sabihin.
Hanggang ngayon napalakas ang kanyang kaba sa nakita. Napalunok siya ng di niya expect na makikita niya ang di dapat niyang makita sa Demon na boss.
“Ano ba kasing ginagawa mo rito?” Naiinis na naitanong sa sekretarya habang dinampot ang nalaglag na towel at itinapis muli upang matakpan ang ibabang bahagi.
“Magpapaalam sana kasi ako. Anong oras na po at sobra na yung pasok ko sa buong araw. Hindi naman ako makaalis ng di nagpapaalam sa inyo. Kaya lang pagkatok ko walang sumasagot kaya heto po at nakapasok ako rito. Malay ko bang naliligo kaya pasensya na po talaga. Hindi ko sinasadya na pumasok." nabubulol na sambit habang di mawala ang takot na muli itong magalit.
Napatingin si Anthony sa kanyang relo at duon nakita na pasado alas sais na ng gabi. 6:30pm na nga. Hindi pa pala nakakauwi ang sekretarya na sa isip nakauwi na.
Kasalanan ito ni Allan, kung bakit wala akong gaano nagawa sa buong maghapon ko sa kakaisip sa mga nakaraan ko tungkol kay Bianca. Asar talaga yung isang yon. aniya naisip habang naibulong.
“Sir, pwede na ba akong umuwi?" muli na naitanong niya habang nakatalikod.
“Bakit di ka humarap? Hindi ka pa ba nakakakita?" biro nito na seryoso at hindi natawa maging sa biro na ito rin ang gumawa.
Napaharap siya at nabigla sa tanong ng boss. Sa pagharap niya napansin na niya na ang pang itaas nalang nito ang siyang walang suot. Nakatapis na rin ito ng tuwalya mula sa ibaba na siyang nakita.
“Mukhang nagulat ka? Sa tingin ko naman na nakakita ka na." anito nito na sabi na maangas at pagkabrusko.
Ang yabang rin pala! aniya na naibulong saka sumagot. “Ano po ba yon?” pagmamaang-maangan na kanyang naitanong sa mayabang na boss.
“Ayos ahh, kahit kelan, ang galing mong magpanggap Ms. Imperial! Saka pwede ba, alisin mo na 'yang mga kamay mo na nakatakip sa yong mata ng di mo makikita ang sinasabi ko sayo." Muli nitong pagkakasabi.
Kahit kelan, magaling itong magpanggap at mag-maang-maangan. anito na sambit habang pinagmamasdan ang sekretarya na magpahanggang ngayon nakatakip pa ang mata.
“Bakit, Miss Imperial. Virgin ka ba? Sa tingin ko naman, hindi na rin. Bakit kung makareact ka, kala mo isa kang birhen na ngayon lang nakakita nito." Inaasar nito ang sekretarya na naiinis na rin. Naiinis na siya mula sa mga pinagsasabi at pang-uuri nito.
Paano niya nasasabi yon? Ang kapal ng mukha para husgahan niya ako. aniya naiiyak.
Napansin niya ang itsura ng boss na nakatingin sa kanya. Tiningnan niya ito ng masama habang nakararanas ng matinding gigil at papaumpisa na tumitindi na galit. Nagflash sa utak niya muli ang sinabi ng kanyang Demon na boss. Sumosobra na siya sa panghuhusga at pangmamaliit. Ano bang akala niya sa sarili perpekto? Porket boss, makahusga at makapagsalita, hindi ba niya alam na nasasaktan rin ako. Asar! aniya sa inis at gigil.
Umayos siya, pinahid ang natulong luha. “Sir correction, hindi ko naman siguro dapat pang sabihin sayo ang tungkol sa bagay na yan. It's my private life at hindi ko na kailangan ipangalandakan pa sa iba. Hindi ba dapat lang na sa mga ganong sekreto, ako lang dapat nakakaalam? TAMA PO BA AKO?” Aniya na may diin sa huling sinabi sa brusko at mayabang na boss.
Hindi nakakibo agad si Anthony at nagulat ito sa mga sumunod pang sinabi niya. Demonyo ka! Gago! sambit sa huli sa inis. Pero siyang nakaririnig.
Inalis ang magkabila na kamay mula sa pagkakapamaywang! Nakatayo si Anthony na nakapamaywang sa harap niya habang nakatapis pa rin ng towel.
“Sige, umuwi ka na. Makakaalis ka na, yun lang. Wala na akong kailangan kaya't makakauwi ka na." sabi nito sa sekretarya na inis at nanggigigil na habang pinipigilan pa rin ang sarili mula sa mga narinig, mula sa sinabi nito sa kanya. Ang Demon na nasa harap nito.
Paaalisin rin pala ako at pauwiin, napakarami pang sinabi at nagawa pa muli akong aalipustahin. Grabe siya sa mga panghuhusga. Bakit kilala niya ba ako o marami na siyang alam sa buhay ko? Detective ba siya? Maliban sa boss. Hayy, nakakainis. aniya na nasambit habang pamartsa na tumalikod at humarap sa pinto. Mabilis na inihakbang ang kanyang mga paa at lumabas ng di na lumingon. Kainis! sigaw ng makarating sa kanyang mesa.
Agad niyang kinuha ang shoulder bag na madalas niyang dala ang paper bag na lagayan ng mga baon. Kala mo naman gwapo, mayaman nga sama naman ng ugali! Kung anong kinagwapo, siyang kinapangit ng ugali. Kaya siguro walang babae na nagkakagusto. Kaya siguro walang sekretarya na nagtagal, dahil sa ugali niyang Demonyo. Anong karapatan niyang pagsalitaan ako? Bakit, anong kinalaman niya sa buhay ko para husgahan niya ako. Bakit mas may time pa ata siya na inisin ako kesa humanap ng babaeng magmamahal at iitindi sa kanya. Sabagay, wala na siguro na babae na tatagal sa ugali niyang Demonyo. Gago siya! bulong habang nagsasalita. Habang naglalakad sa pasilyo. Nagsasalita na mag-isa na dinaig pa isang baliw ng dahil sa inis na naramdaman.
“Kuya uwi na ako. OT walang bayad." sabi niya sa guard na kaibigan. Nagpaalam siya rito bago tuluyan ng lumabas at tumungo sa sakayan.
Papara na siya ng jeep ng may isang sasakyan ang hinintuan siya. “Hi, Joyce!"
Si Mark na ex-boyfriend niya. Ang isa sa pinaka-kinabaliwan niya nuon. Halos lahat ginawa niya mapansin lang siya nito. Subalit ng maging sila na, iniwan niya rin at nakipaghiwalay siya.
Mayaman, matalino at ubod ng gwapo si Mark, kaya naman. Hindi niya tinitigilan at inasam niyang makuha ito. May girlfriend si Mark non ang classmates rin nilang si Mia, pero di alintana sa kanya at nakuha pa rin niya si Mark kay Mia.
Sinubukan niya i-seduce si Mark. Hindi siya sumuko lahat ginawa makuha lang si Mark, kay Mia. Pero iniwan niya rin sa huli. Matapos na halos naging sikat siya sa buong campus nila. Pinagkaguluhan siya at maraming humanga sa pagmamahal na pinakikita sa kanya ni Mark. Subalit di maiiwasan na marami rin ang nagalit ng malaman na inagaw niya ito sa isa nilang kaklase na mas lalo siyang pinagkaguluhan. Hindi niya minahal si Mark, naobsessed lang siya dahil sa mayaman, matalino at ubod ng gwapo.
Hindi kasi siya nakaranas ng maginhawang buhay. Anak mahirap na mas kilala siya. Maliban sa ganda na meron siya. Pero ng maging sila, halos marami ang nainggit ng lahat ibinigay ni Mark dahil sa pagmamahal.
“Anong ginagawa mo rito?"
“Kain tayo?" Tanong na inaaya siya. Nakangiti rin ito bakas ang saya na magkita sila.
Nakasakay pa rin siya sa kanyang sasakyan. Vios na car ang dala niya sa dami ng sasakyan na pagmamay-ari ni Mark. May sports car siya subalit minsan ng dalin niya sa pagkakaalala ko muntik na siyang mapagkatuwaan.
“Busog pa ko! Salamat nalang”
“Sige na, tagal natin hindi nagkita! Sumama ka muna, kumain tayo. Ihatid nalang kita pagkatapos.” pamimilit na sabi sa kanya.
“Mamili sana ako. Pero sige na nga, pero ihahatid mo ako agad. Kakain lang ahh!" aniya na napapayag rin siya at kinalimutan ang pamimili sana niya.
Bukas nalang siguro matapos sa pupuntahan ko. Mamimili ako. aniya naisip lang habang nakangiti na sumakay ng maipagbukas siya ni Mark ng pintuan.
Subalit mula sa malayo may matiim na nanunuod. Si Anthony. Habang nakatayo ang sekretarya at makita na may huminto na sasakyan sa harap. Nakita nito ang pagsakay ng sekretarya ng maipagbukas ng kasamang lalake na bumaba sa sasakyan.
Ayos, sabi na nga ba at hindi basta-basta ang babaeng 'yon. Sukat sumakay sa sasakyan ng maipagbukas. aniya naisip. Baka naman boyfriend?
Di kaya isa sa marami niyang lalake? Sa itsura nun mukhang sandamakmak na lalake ang meron siya. aniya na naisip na tila nakikipagtalo sa sarili. Bakit ko ba siya naiisip? Sekretarya ko lang siya bakit kailangan ko siyang isipin? Bahala siya sa gusto niya. Buhay niya yon at bakit kailangan ko intindihin? aniya muli habang nagmaneho na matapos mag-green na ulit ang stoplight.
Nakauwi na rin siya mula sa pagsama niya kumain kay Mark. Inihatid rin siya nito agad tulad ng kanilang napag-uusapan. Kahit ganon pa rin nangyari sa kanila. Nananatili pa rin ang pagkakaibigan sa kanilang dalawa. Masaya silang nagkakwentuhan sa saglit na magkasama sila. Hindi napalagpas ang muli na kanilang pagkikita na dalawa. Mark told her na mahal pa rin siya nito. Subalit, sinabi niya na wala ng paraan para maibalik ang nakaraan. Nagsawa lang siya kaya nakipagbreak rin siya sa huli matapos na mahinang nuong umpisa.
Shit! nang maalala ang Demon na boss. Ang Demon na yon. Nakakainit ng dugo. Pwede lang di ako pumasok bukas at huwag na siyang pasukan ginawa ko na. Kung di lang kailangan ko itong trabaho. Binitawan ko na talaga ang pagiging sekretarya.
Naiisip niya tuloy ang iba pang sinabi nito sa kanya na nakapagpainit na naman ng dugo. Ang baliw na yon!
FLASH BACK
“Huwag mong sabihin na hindi ka pa nakakita, Ms. Imperial?” pag-ulit sa sinabi ng di siya nakakibo.
“Virgin ka ba?" tapos masabi pinagtatawanan siya. “Mukha naman talagang di ka na Virgin." aniya na pang-iinsulto na sa pagkatao niya.
“Huwag mo ng takpan titigan mo nalang" muli na biro pero para sa kanya di na biro yon.
“Wala ka bang matinong sasabin? Dahil kung wala uuwi na ako." Sagot niya mula sa mga pagbubuska sa kanya.
END OF FLASH BACK
Sarap niyang hambalusin! Kung di lang ako nagpipigil kangina talagang pinatulan ko na siya. Nakatikim sana siya sa lahat ng pambabastos na sinabi. Ano kung hindi pa ako nakakakita ng sinasabi niya? Ano kung ngayon lang ako nakakita? Pakialam niya! aniya naisip na naman ang iba pang sinabi. Virgin? Titigan ko nalang raw! Kung di siya siraulo talaga. Bakit kailangan ko raw takpan ang mata ko di naman raw ako mukhang birhen. Gago siya! aniya sigaw sa nararamdaman na inis.
Wala siyang pakialam kung Virgin or hind ako. Bakit ba kailangan niya pang pakialaman. Nakakairita siya sarap niyang pira-pirasuhin. aniya na sigaw ulit.
Virgin pa siya at kahit kelan di pa niya nagawang ibigay ang pagkabirhen niya sa iba. Kahit may pagkapasaway siya ayos lang mahalaga nananatili pa rin sa kanya ang title niya. She's still Virgin! walang pwede na makakuha hanggang di niya naibibigay sa lalakeng pinakamamahal. Pero, tanong kaya niya bang pangatawanan ang lahat ng mga pamantayan niya sa pagpapakawala ng kanyang virginity? Kung nababaliw na naman siya sa isang lalake na di pa siya sigurado kung mapansin kaya siya?
Si Allan ang kambal ng kanyang boss.
Mahusay siya sa mga kalokohan sa natatandaan niya nuon. Madalas siyang magbiro at mang goodtime sa mga lalakeng nakikilala niya. Mahusay siya humalik na isa sa mga kinababaliwan ng lalake sa kanya. Mahusay rin siyang magpainit. Lalo pagdating sa mga lalakeng libog ang di kayang iwasan. Magaling rin siyang mambitin lalo na kung nasa kama na sila.
Sa dami ng lalakeng napagtripan wala pa naman kahit isa ang nakakuha sa kanyang virginity. Maingat, tuso at lalong mabilis siyang mag-isip.
FLASH BACK
She began to kiss him passionately. Hanggang hubarin niya ang suot nito. She kissed his neck until his whole body, besides his wide chest, was kissed. Wala siyang pinalalagpas mahalikan gang mag-init ang kasama. Finally, she did and was carried away by her kisses.
“Sorry, hindi ko magagawa." aniya sabay tumayo sa kama. Napamura ang kasama niyang lalake.
“Tang-***! Nambitin ka lang." galit na usal padabog.
“I am sorry, hindi pa siguro time. Di ko magagawa." saka siya aalis sa lugar ng mabilis upang di na mahabol.
END OF FLASH BACK
Napapangiti siya habang inaaalala ang itsura ng lalakeng nuon kasama. Gago kasi! ang libog niya. aniya habang nanunuod ng drama. Bahagya natuon ang isip sa panunuod ng drama ng mabuksan ang TV.