Klavier
It has been three days after that incident and thus the weekend came. At sa loob ng tatlong araw na iyon, maraming nangyaring pagbabago na hindi ko inaasahan.
"Mich, you fainted again!" giit ni Natasha na para bang hindi ko alam ang nangyari. "Did you have it checked? Anong sabi nila Tita at Tito?"
Bumisita siya pagkarating ng Sabado dahil umabot sa mga kaibigan ang nangyari.
She's the only one who made it tho. Nangako ang iba ngunit kanya-kanya ang pagsulpot ng iba pang bagay kaya hindi na nakarating pa.
Anyway, wala naman sa akin iyon. Ang mahalaga, kahit papaano, nagawa ni Natasha na makabisita. It's nice to have someone here who knew me even before Damgeen happened to me.
It's refreshing. These past few weeks kasi, parang ang bigat huminga. Parang biglang ang dami kong pinagbago. And having Natasha here was a living warning that I was indeed changed into a different person. Napansin niya rin kasi iyon at agad pinuna pagkarating na pagkarating pa lang sa mansiyon.
Nagpasalamat ako sa kasambahay na hinanda ang mga snacks sa center table. Nasa living area lang kasi kami. Baka mamaya pa kami umakyat sa kuwarto dahil pagod pa raw siya sa byahe kaya dito muna.
"Na-check naman na. Dumating ang family doctor namin at sinabing over fatigue daw ako," sagot ko.
"Over fatigue? Last time, nawalan ka rin ng malay, a? Noong housewarming! Don't tell me na over fatigue ka rin noon?"
Tumawa ako. "Maybe? The fact that we're moving out before, it stressed me a lot, you know."
"Hindi talaga konektado?" paninigurado pa niya.
Ngumisi ako at pinasakan na lang ng tinapay ang bibig niya. "Hindi raw po, Inspector. Diagnosed by a professional doctor na 'yan!"
Umiling siya, may halo pa ring pagdududa ang hitsura kaya tinawanan ko na lang.
"Ano ba kasi iyang school na 'yan? Music school? I-search ko nga. Anong pangalan?"
Bumuntong-hininga ako at sinubo na ang huling piraso ng cinnamon roll na kinakain.
"Actually, I don't like it there," pag-amin ko, medyo sumisilip na ang tunay na nararamdaman.
Natasha pressed her lips and sat closer to me. "Then you should just... you know? Tell your parents and leave?"
I glanced at her and remembered something. Noong araw na iyon, pagkagising ay nasa bahay na ako. Buti na lang at nasa school pa sila kaya agad akong naisabay sa pag-uwi.
They sure were worried and wearied when I woke up. Hindi rin naging maganda ang opinyon nila sa nangyari at hindi magkamayaw sa mga tinatawagan para magreklamo, galit sa eskuwelahan at lalo na sa mga estudyanteng sangkot sa insidenteng iyon. At dahil may CCTV naman na naka-install sa palibot ng Damgeen, madaling natukoy kung sino-sino ang mga iyon.
Mom and Dad were so mad at them, especially at their so-called mastermind, Bridgette Madrigal. Pumunta na nga sa school para magreklamo at i-raise ang concerns tungkol sa mga nangyayari sa akin doon, mukhang nadagdagan pa lalo ang problema sa mismong araw din. That was a double kill for them.
They were transparent to their hatred and anger about the troubles I've been experiencing with the school and students. But for some reason, when I talked it out with them, their opinion and verdict for my stay was still the same.
I couldn't understand it. I could sense their hesitations and their faces didn't reflect their decision, but they remained still and firm, even if their eyes looked yielding.
Kaya naman sa kaisipang iyon, tumutol agad ako sa suhestiyon ni Natasha.
"We've already talked about this, Nat."
"And?" She wishfully waited for my answer.
"They won't allow it. Doon pa rin ako mag-aaral," ulit ko sa naging pinal na desisyon nila noong isang araw.
Her shoulders fell in dismay.
"What? Mich, you fainted! You're being aggrieved and bullied!" she pointed out again for the zillionth time.
Humigpit na lang ang hawak ko sa cup na hawak at bumuntong-hininga.
Kahit saang anggulo ko kasi tignan, hindi ko talaga makuha kung paano sila humantong sa ganoong desisyon. Hindi ba galit na galit sila? Pero bakit nasasaktan na ako at nahimatay na, kahit hirap naman sa desisyong iyon, pinagpatuloy pa rin nila?
Anong tingin nila sa akin? Tao rin ako! Hindi ako plarameter na waterproof, shockproof, at bulletproof!
Nilapag ko na ang hawak na baso at tumayo na. I suddenly want a liquor. Alam ko may fruit beer kahit papaano sa fridge. Ayos na rin siguro iyon.
"Wait a minute. Kuha lang ng-"
"Mich..."
Nabitin ako sa pagtayo at nilingon si Natasha. She looked bothered or something. Unti-unti ulit akong umupo dahil ramdam na may bumabagabag sa kaibigan.
I raised my brow to gesture her what. Bumaba ang tingin niya sa mga kamay niya at bumuga ng hangin.
"Have you... contacted him?"
That made me haywire. Saglit akong naestatwa at mayamaya, tipid na napangiti.
I recalled myself being a fool. I was a fool.
"Last time you fainted, he was so... upset and scared..." tikhim ni Natasha. "Ewan ko. Parang takot na takot. For sure he knew about it by now and... would call you right away."
But she was wrong. Tho, she might be right when she said he knew it by now. But the latter part was definitely far-fetched.
After that day, he never prompted anymore contact. We never got any chances to keep in touch no more.
Kasalanan ko iyon. Simula pa lang nang umalis siya, ako naman ang unang hindi namansin at nambalewala. Pero bakit ngayon, parang ang laki masyado ng galit at tampong nararamdaman ko laban sa kanya?
Siguro kahit papaano, alam ko rin ang sagot sa tanong na iyon. Para kasi sa akin, nangako siya na hindi siya mapapagod. Nangako siya na sisiguraduhin niyang lagi siyang nandyan kapag kailangan ko.
Ako ang pinangakuan kaya ako ang umaasa sa kanya na ganoon nga kahit ano pang gawin o sabihin ko dahil pinanghahawakan ko ang sinabi niyang hindi siya titigil at mapapagod.
Ngunit sa kabila noon, tumigil siya. At napagod. What would be the other reason anyway aside from that, right? Tingin ko nga ay sumuko na at nawalan ng gana.
I lost consciousness but he never did contact me. Kung noon, madapuan lang ako ng lamok o matalsikan ng alikabok kapag nagwawalis ang cleaners, halos atakihin na sa puso sa pag-aalala. But now, where did his words take him? To his new girlfriend?
I was even a fool to hope that day. That's he's the one who caught me the moment I collapsed. I know it's impossible. Wala siya sa Pilipinas, e.
Pero sa maikling panahon na iyon, tulad lang ng dati, hiniling ko na sana... siya ang nandyan para saluhin ako tuwing nasa bingit ng delubyo. I was so damn hopeless to see him. So hopeless that I wished I'd see him once I open my eyes after that.
Natawa ako sa sariling kahibangan. Yeah. You only made a fool out of yourself, Mich.
"May sakit ka ba? Buti na lang nasalo ka kaagad ni Duran!" eksaheradang untag ng isa sa mga SOLMA, si Melisma.
"Can you stop nagging, Elis? Nilalamog mo si Michaela, e," layo naman sa kanya ni Dante sabay sulyap niya sa malaking bakulaw na nakasunod sa likod ko.
Kinabukasan kasi noong nangyari, pinaliban muna ako nila Mom at Dad sa klase. The doctor advised me to just rest for now so I gave them that. Ayos lang, isang araw lang naman. Iyon nga lang, music lessons iyon. Excused man, pero hindi ako excuse sa merits.
However, I was too persistent to go back as soon as possible. Pumasok na ulit ako nang mag-Biyernes. Hindi ko kasi alam kung saan napunta ang kuwintas ko kaya walang nakapigil sa akin para pumasok at hanapin iyon.
Wala sa mga magulang marahil ay dahil masyado nang nag-alala sa kalagayan ko para pa intindihin iyon that time.
Isa pa, wala pa naman silang ideya kung ano talaga ang nangyari noon. They weren't aware that it was my necklace being used against me. They just rushed me home and called our family doctor to check upon me immediately.
Luckily, they granted my wish. But with a bodyguard hired to secure my safety.
Wala naman akong nagawa. Pansamantala ko munang hahayaan para lang makapasok at matapos na ang usapan. Kaya ngayon, nakasunod lang sa likod ko, tahimik ngunit mapanganib ang tingin sa paligid. Hindi naman umapila ang Damgeen dahil risonable naman ang pangangailangan.
That time, that's the least my parents could do. To allow me but secure my safety at the same time.
Sa bagay, natanto kong ayos na rin. Hangga't maaari kasi, ayoko muna ng magulong araw.
Everything was still fresh and clear to me. The people degraded me and used my sensitive past to taunt me. That's foul and I just couldn't tolerate it. Pasalamat sila at nanghina ako noon kaya hindi na nanlaban pa.
"Thank you, Dante," sinsero kong sambit sa kaibigan. Kahit ang totoo, medyo dismayado para sa ibang bagay.
Si Dante pala iyon. So stupid of me to assume it was someone else.
Sino naman, Michaela?
"Paano naman kami? We also helped!" turan naman ni Melisma sabay turo sa sarili at sa iba pa naming kasama na kasapi rin ng SOLMA.
I rolled my eyes but I suddenly felt dizzy after. Nginisi ko na lang ang kirot para hindi nila mapansin at tumango nang marahan.
"Sige, salamat na rin."
"Parang pilit, a!" tukso pa ng isang taga-SOLMA na lumala pa dahil ginatungan din ng iba.
Pinagmasdan ko na lang sila na abala ngayon sa pang-aasar na nauwi na sa pagtatalo, tahimik na lang na pinasalamatan sila sa isip ko.
I realized, SOLMA isn't that bad after all. Iyong Honcho lang siguro nila, na sa sandaling iyon ay kasalukuyang binabaybay ang direksiyon patungo sa amin.
Nakatambay kasi kami sa lanai ni Dante nang mag-break time at sakto namang nakasalubong ang mga rumurondang taga-SOLMA kaya nauwi sa ganitong sitwasyon. Para atang bumaliktad ang sikmura ko at ang sarap na lang na tumakas.
"Honcho!" sabay-sabay na tayo ng mga taga-SOLMA nang nakalapit si Ezra.
"Hmm," tipid niyang tugon at tipid na tinango ang ulo.
Nagsiayos na ulit ang mga ito ngunit kapansin-pansin ang pagiging disiplinado kaysa kanina. Napanguso ako para pigilan ang munting pag-umbok ng kurba sa mga labi.
Tumikhim na lang ako, nakiusyoso sa tinitignan ni Dante sa kanyang phone.
"I heard what happened," si Ezra, na ikinatahimik ng lahat.
Umangat ang tingin ni Dante sa kabanda kaya napalingon na rin ako kalaunan.
"Ano ang nasabing sanction, Ezra? Nakausap ka na ba ni Pareng Madrigal?" tanong ni Dante na agad sinuway ng mga taga-SOLMA, sinuyod ang paligid para tignan kung may iba pang nakarinig.
Kumunot ang noo ko. That's so rude to call the principal like that. Kung hindi ko pa naalalang may galit nga pala ang mga ito sa ginoo, baka nagpatuloy pa ang pangungutya ko sa kabruskuhan ni Dante.
"Not yet. May kausap pa, Duran," malumanay na sagot ni Ezra sabay sulyap ulit sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay. Blanko man ang mukha ngunit ginaya rin ang pagtaas ko ng kilay.
"You looked relaxed, Miss Michaela Singh," he stated in a formal tone pretentiously.
Oo nga pala at walang kaalam-alam ang mga kasama sa personal naming bangayan. Pumeke na lang ako ng ubo at nagkunwari na lang na kaswal din.
"What would you expect, Honcho? To drop down on my knees and beg for their sympathy?" plastik kong sagot na may matamis pang ngiti.
Gulat ang mga taga-SOLMA habang palipat-lipat lang ang tingin sa amin ni Dante na para bang nanunuod ng pingpong.
Ezra scarcely curved the end of his lips and sighed plastically again.
"Looks like you can handle yourself. You won't need my help anymore."
"Oh. Glad you know that."
"Well then," ismid niya kalaunan.
Pikon na naman. Halatang hindi sanay makipagplastikan. Sinulyapan niya si Melisma at sinenyasan na kakausapin saglit.
"Wait. What do you mean? Wala nang ayuda ang SOLMA sa nangyari?" litong tanong ni Dante at tumayo pa para harangan si Ezra.
The latter's disposition pacified. Bumuga ito ng hangin sabay lingon ulit sa akin nang saglit.
"Duran... we talked about this. What... is this?" makahulugang tanong ni Ezra, mahina lang ngunit hindi pa rin nakatakas sa aking pandinig.
Dante shook his head in disbelief and tore his fingers on his hair.
"I told you, bro. Don't make me repeat myself," he seriously said right now.
Bumaling din ito sa akin at problemadong umiwas ng tingin bago minuwestrang lumayo nang kaonti para mag-usap.
Damn. They're too obvious. If PRIMO has no privacy and low-profileness in their vocabulary, nasobrahan naman ata ang Kaharayan? May nalalaman pang space-space!
Mayamaya pa, hindi ko na rin pinatagal. Hindi ko na hinintay pang bumalik si Dante na umalis kasama si Ezra at Melisma. Nagpaalam na ako sa natira pang taga-SOLMA na ngayon ay nagchichismisan na tungkol sa Honcho nila.
I still need to find my necklace. Iniwan na lang kaya nila iyon doon pagkatapos kong mawalan ng malay? Kung sakaling ganoon nga, puntahan ko man, paniguradong wala na iyon doon pero hindi pa rin ako pinanghinaan ng loob.
May oras pa naman at kung bibilisan ko ang paghahanap, baka mahanap ko na rin iyon ngayong araw.
Payapa akong pumanhik doon, bagay na hindi ko kailanman natamasa sa pamamalagi ko rito. But not until this day happened.
Pagkababa kasi ng sasakyan kanina, hindi ko alam kung dahil ba may kasama na akong bodyguard o may iba pang dahilan, pero walang nang nangahas na lumapit sa akin para abalahin at tudyuin. Wala nang mga parinig kahit sa malayo. Tanging pagmamasid na lang. Kung mahuhuli man na nakatingin ako, agad ding mag-iiwas ng tingin.
Sa kabila noon, hindi pa rin ako kumbinsido na tuluyan nang magtatapos doon ang delubyong hatid sa akin ng mga tao. Siguro pansamantala lang ito dahil sa nangyari. Halata naman kasi na naroon pa rin ang panghuhusga sa mga tingin nila. Kinaibahan lang ngayon, mailap na at umiiwas.
Hindi ko alam kung anong nangyari at biglang nagkaganoon. Pero nang nakalapit na sa main gym kung saan ginanap ang insidente, unti-unti kong natuklasan kung bakit.
"Maddison," Rave stepped in.
Huminto ako sa paglalakad at walang interes siyang binalingan.
"Sumama ka sa'kin," aniya.
Mabilis kong iniwas ang kaliwang braso ko nang akmang hahablutin niya gaya ng dati. May bandage pa rin ang kanan ko ngunit humihilom na naman kahit papaano dahil sa epektibong ointment.
"Ano na naman ba, Jackson?" I clenched my teeth in weariness. "Pwede ba? Pagod pa ako. Wala akong panahon para sa mga paandar mo ngayon."
He glared at me lethally but still managed to endure it.
"I just need your cooperation, alright?" iritado na niyang wika. "There's someone who wants to talk to you."
"Who would it be?"
Hindi na niya iyon sinagot at mariin na ang tingin sa akin bago pa tumalikod. He sluggishly led the way towards the gym and I noticed how congested it was.
"Ano 'to?" tanong ko na kay Rave kahit hindi naman talaga ang sagot niya ang kailangan ko sa mga oras na iyon.
Curiosity was filling me up to the brim. Nakapalibot ang mga tao at sa gitna noon, nakilala ko ang iilang pamilyar na estudyante, nakatayo at mukhang naghihintay. At nang nakita akong papasok sa gym, parang kulang na lang ay hukayin na ang lupa para lang makaiwas ng tingin.
My eyes narrowed when out of a sudden, Bridgette Madrigal showed up in the middle, looking so tamed, and holding the necklace I was searching for the whole day.
I stood with alertness and surveyed everyone. That's when I realized the students involved in that incident were all present for this moment. And unexpectedly, Bridgette was one of them, guarding a submissive facade. But her expressive eyes still told me it was all halfhearted.
Of course, the Madrigal princess wouldn't waver just like that. I can tell that something, or someone, only pushed her for this, I'm sure of that. I don't know how. But it wasn't what mattered to me the most. I just need that memorabilia... to come back to me.
After a moment of my chimera, I let Rave Jackson propel me towards the crowd. Samantala, ang tatlo pang taga-PRIMO ay nakatunghay lang sa palabas, nasa gilid at animo'y handang rumesbak kung kinakailangan.
Medyo lutang pa ako dahil aaminin kong naguguluhan pa sa mga nangyayari. Hindi pa nakakatulong na dumadami na rin ang ibang estudyanteng nakikisilip sa entrada ng gym.
"Yesterday, Maestro Madrigal called the students to meet him in his office and reprimanded everyone involved in that occurrence," Rave broke the silence inside the gym. The students lowered their heads in shame. "The Maestro wants to send you his regards once you return but as of now, he happened to prepare for the President's or his wife's arrival."
Nanatili lang akong nakatitig sa mga estudyanteng nangutya at pinagsamantalahan ang kahinaan ko, na ngayon ay parang maaamong tuta, taliwas sa ipinakita nila sa akin noong panahong iyon.
Rave Jackson went beside me and put his arms behind his back. "He castigated everyone. Even his own daughter."
Bridgette Madrigal winced, halatang gustong makisawsaw ngunit parang naka-program ang katawan para kontrolin muna ang sarili, walang nagawa kundi ang makinig at tumayo sa kanyang kinaroroonan.
"If you want to retaliate, feel free. Maestro Madrigal bestowed the power upon me on behalf of his absence to administer and promulgate," Rave said to end his remarks.
Gusto kong isipin na masyadong mabuti ang Maestro para gawin ito sa akin, handang parusahan ang sariling anak para lang ituwid ang mga nangyari.
Hindi man sigurado kung bakit si Rave Jackson ang namamahala ngayon sa lahat, inisip ko na lang din na dahil siya ang leader ng pinakamataas na grupo sa paaralang ito.
But then... how about SOLMA? Should they be the one to administer this kind of mandate? Especially when the higher ups were nowhere to be found?
Saka ko lang naalala ang alitan na namamagitan sa dalawang panig. Maaari kayang apektado rin pati ang kapangyarihan na dapat nakaatang talaga para sa SOLMA?
"Maddison," Rave whispered to catch my attention.
I wrinkled my nose and shook my head.
"No need for that, Jackson," I responded before glancing again at the students. "I just want my necklace back."
Pagkasabi noon, walang pasubali akong naglakad patungo sa pwesto ni Bridgette Madrigal.
Her lips parted, as if she wants to say something but when I poured an eye on her, she decided to shut her mouth. With that, without anymore ado, I bent at my waist and reached my necklace from her hold.
I spotted SOLMA at the entryway of the gym along with Dante. After successfully getting back my necklace, I blankly gave the students my one last look before turning my back.
"I don't need your f*****g pity," I muttered rigidly.
Nilagpasan ko ang nakamasid lang sa akin na si Rave Jackson, pinapantayan ang uri ng kanyang tingin. His face sported an expression in amuse, stern, and intent combined for an ocular cocktail.
Agad akong sinalubong nila Dante at ilang taga-SOLMA pagkalabas. Tahimik lang sila. Wala na rin si Ezra na kanina ay kasama rin nilang nagmamasid. Ramdam ko ang tensiyon sa paligid habang nakasunod sila sa akin.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung para saan pa ang pagsunod nila sa akin. For protection? I don't think so. I already have my bodyguard stalking me in clandestine so that won't be one of the options.
I peeked at the necklace, peacefully lying on my palm. I tried searching for scratches. Ang dami nitong pinagdaanan. Ngunit sa kabutihang-palad ay wala namang gasgas.
Binalik ko na lang muna sa bag at hindi na muna sinuot pa. Maraming humawak dito. Those filthy hands, they're disgusting. I need to sanitize this first before wrapping it around my neck again.
Sinundan lang nila ako hanggang sa pagbili ko ng pagkain. Pakiramdam ko kasi, ginutom ako sa sama ng loob. Bumili na rin sila ng pagkain nila at maging sa pagpunta ko sana sa open field, nakabuntot pa rin sila sa akin.
I halted on my trance and turned to face them now when I couldn't help it anymore. Saka ko lang napansin na kasama na ngayon si Eli sa grupo. Maybe they're now already in good terms, I supposed.
"Why are you following me?" I pointed out directly.
Hindi man kompleto ang SOLMA, sapat na rin ang halos apat na nandito para masabing marami silang nakasunod sa akin. Plus, these two members of Kaharayan. They're quite a sight, too.
Si Melisma ang nagpresinta upang sumagot ng tanong ko.
"Order ni Honcho."
Bitterness was all over her tone. Tumawa ang isa pang taga-SOLMA, Jace ata ang pangalan.
"Bakit iba naman ang timpla mo, Elis? Hmm," tukso nito sa kanya na inirapan lang niya.
I just grimaced.
"What for? To keep an eye on me? To report something suspicious? Please."
Humarap sa akin si Melisma at hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Ikaw, mayabang ka talaga, ano? Ikaw na pinagsisilbihan, ikaw pa nag-iinarte! Pasalamat ka at nabagok 'yang ulo mo't nahimatay ka, tinulungan ka pa namin!"
I was a bit offended.
I pressed my lips and smiled grimly. "Kung isusumbat niyo lang sa akin ang pagtulong, mas lalong ayoko na ng tulong niyo."
Tumalikod na ako. Rinig ko ang bahagyang pagsuway sa kanya ng mga kasama.
Sumunod naman sa akin si Dante pero ramdam ko pa rin ang pagpapatuloy ng mga taga-SOLMA sa pagbuntot.
I settled myself under a large oak tree, overseeing the wideness of the open field.
Nito ko lang nadiskubre ang lugar na ito. Nasa dulong bahagi kasi ng field at hindi madalas puntahan ng mga tao dahil liblib.
Tahimik naman na umupo si Dante sa tabi ko, nakatanaw lang din sa kalawakan ng lugar habang nasa malayong bahagi naman ang nag-eensayong marching band.
"Dante."
"Hmm?"
He glanced sideways, smirked, and turned back his gaze to the view.
To be honest, I've been longing to ask him about that fragment people keep on pertaining to me. But as early as I could still control, I'd dismiss myself and stop that pursuit.
"Nothing," I took back quietly and just drank on my water to stop him from asking followup questions.
Pakiramdam ko ay may ideya na siya sa gumugulo sa akin. Ngunit hindi na niya hinalungkat pa at nakipag-coordinate.
Maingay ang mga taga-SOLMA na kasama si Eli nang dumating na rin kalaunan.
"Nakakasuka talaga. Hindi bagay sa bruhildang iyon!"
"Did you even see her reaction? So epic!"
Nakahalumbaba ako nang sundan sila ng tingin habang pumipirmi na rin sa harapan.
They formed a circle and put their snacks down on the ground with cute grasses, resuming their chitchats and laughters.
Napansin ni Eli ang tanong sa mukha ko kaya unti-unti siyang tumigil sa pagtawa para ibahagi sa akin ang alamat sa likod ng kanilang kaligayahan.
"No offense, Michaela. But we're talking about what happened after your parents and Dante carried you when you fainted."
"Hmm?" taas ko ng kilay, sinesenyas na magpatuloy lang.
Saglit siyang nakitawa sa iba pa nang may nagbato ulit ng nakakatawang komento bago ako tuluyang pagtuonan ng pansin. Nakisali na rin ang iba pa. Lahat sila ay nakatingin na rito.
"Since nakita namin ang buong pangyayari pagkatapos mong mahimatay, hindi na namin maiwasang pagkatuwaan ang reaksiyon ng mga tao pagkatapos. Alam mo na, mukha kasing nabuhusan ng malamig na tubig nung nagalit ang Mommy mo. Nagbanta kasi," ngisi niya, halatang naaaliw sa nangyari.
Nagsalubong ang kilay ko dahil hindi na sakop ng kaalaman ko ang kaganapang iyon.
"It may sound strange but they looked guilty after you lost your consciousness. Siguro kung hindi ka pa nasalo ni Duran at bumagsak ka pa, siguro nasunog na ang mga kamay nung mga taong pinaglaruan ang kuwintas mo."
"Huh?"
Nakisali na ang isa pang taga-SOLMA, mukhang hindi na napigilan ang tumatakbo sa isip.
"Iyong huling tao ba naman kasi na nakasalo ng kuwintas mo, biglang binalik kay Bridgette, parang biglang napaso!"
"The princess looked so awful, as if she saw a ghost!"
"But aren't you wondering?" si Melisma sa kakaibang tono.
Napukaw niya ang atensiyon ng lahat kaya siya na ang sentro ngayon.
"Ano 'yon, Melisma?"
Tumikhim siya at parang may inaalala.
"Tulala na si Bridgette pagkakita nang maayos sa kuwintas. She even left the scene lastly. Kung hindi pa pinatawag ni Pareng Madrigal at kinausap ni Rave, hindi pa mahihimasmasan," she narrated meaningfully.
Umiling sina Eli at ang dalawa pang lalaki sa SOLMA.
"Hindi na namin napansin hanggang dyan. Umalis na rin kami kaagad, 'di ba?"
"Sumunod na ako kay Duran," sabi ni Eli.
"Tumawag na si Honcho para makibalita," si Jace naman.
"Baka naman guni-guni mo lang, Elis!" tawa pa ng isang babae.
"Hindi. Sigurado ako," huling wika na lang ni Melisma bago tuluyang natahimik kalaunan.
Tulad ng sabi ko, hindi pa rin ako kumbinsido na ito na ang wakas ng paghihirap ko sa Damgeen. It could be temporary. Humupa man sa ngayon, hindi malabong umusbong ulit ang kalupitan ng mga tao.
Hindi na nakapag-dinner sa mansiyon si Natasha dahil hindi raw siya pwedeng gabihin ngayon. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko dahil sa pagbisita ng kaibigan. Ngunit hindi ko pa rin maiwasang hindi makaramdam ng pagkukulang.
Noon, hindi pwedeng hindi kasama ang isa pa tuwing may ganitong pagtitipon kaming dalawa ni Natasha.
He'd always find ways to make himself engaged on our business. Walang girl talk. Walang sikretong hindi niya alam. Pero alam ko at unti-unti ko na namang tinatanggap... na malapit nang magbago at magwakas ang lahat.
He has his own life to enjoy in California. He has a girlfriend to take care of and think about. I should've expected this, right? Ever since, he's been a notorious playboy... or playbi. Dapat umpisa pa lang, hindi ko sineryoso masyado.
Iyon ang tinatak ko sa aking isip nang dumaan pa ang araw at panibagong linggo na naman. It's still an unfamiliar feeling to me, now that the other kids were treating me like a dirt on the sea. Very tiny and almost nonexistent. Hanggang kailan kaya ang kapayapaang ito?
"P-Paper mo, Michaela."
I lifted my eyes from my desk to see my classmate. Tinanggap ko nang kaswal ang dini-distribute nitong answer sheets namin last week. Inismiran naman ako ngunit hindi na umimik pa.
I just want to act around and treat everyone civil. I'm not anticipating for anymore friends just because they've stopped pestering me. Ayos na sa akin ang kung anong mayroon ako ngayon.
For the case of Kaharayan and SOLMA, I'm not sure. For me, they're all plain... acquaintances as of now. I'm not yet ready for any deeper commitments. Especially now that I'm... still suffering... for a recent loss.
Dante "Ding" Gulapa:
Kasama ko ang Kaharayan, Darna. Wanna come?
It's our break and Dante messaged me at exactly the same time. Napaisip naman ako. When he say Kaharayan, does he mean with Ezra along with them?
I rolled my eyes with the idea and declined immediately.
Bumaba na lang ako para bumili ng makakain. Wala masyadong gagawin. Siguro tatambay na lang muna kahit saan. Baka sa open field kung wala masyadong tao. Sa lawak ng Damgeen, parang gusto ko ulit na maghanap ng bagong hideout, iyong pansarili ko lang.
That's why I mentally jotted down that task on my mind as I walked across the quadrangle. Medyo huli na nang natanaw ko ang munting lipumpon ng mga tao sa bandang harapan ng executive building.
Oo nga pala. Usap-usapan na ngayon ang muling pagbabalik ng President pagkatapos ng panandaliang bakasyon mula sa ibang bansa. That's why Maestro Madrigal was a bit too busy these past few days.
Lumabas din ang marching band na madalas kong makitang nag-eensayo sa open field. Natanto kong para pala rito ang paghahanda nila, para sa pagsalubong sa Presidente.
What's her name again? About Damgeen. Uh... Maestro Damara Ginette? Iyon nga ata. The founder of Damgeen High School Musical and the woman behind Maestro Madrigal's success.
Sa pagkakaalam ko kasi, bukod dito ay may iba pang negosyo ang ginoo. Sadyang sinusuportahan lang ang asawa sa pagpapatayo ng eskuwelahang ito. It's his wife's dream school that came into reality. And I can say that... it's wonderful. Having your dream come into life. Hindi lahat ng tao ay nabibiyayaan ng ganoong pagkakataon.
Kung ako kaya? Sakaling bigyan ng pagkakataon na makamit ang isang bagay na pinapangarap at matagal nang hinahangad, ano kaya iyon? At... ano-ano ang mga kaya kong isakripisyo para lang makamit ito?
Pakiramdam ko kasi... bago maabot ang pangarap ng isang tao, marami pang kailangang pagdaanan bago tuluyang makamit ang pinakainaasam.
That's based on textbooks I've read halfheartedly because of... Emman's persistence. That successful achievers encountered numerous challenges and risks before making it on top of the hierarchy.
Clearing up the emerging daydreams, I decided to proceed with my objective without bothering to go to that occasion. But out of a sudden, I spotted a skeleton of a girl. I mean, a girl like a living skeleton.
Mukhang kawawa habang nakatanaw sa lipon ng mga tao. Nagkakasiyahan sila roon at puno ng musika ang paligid. Bukod kasi sa march, may iilang classical musician pang nag-perform. If ever she really is a daughter of Madrigal, why is she here and being... lonely?
Lumapit ako, napapalunok. I know making the first move isn't my thing. So it must be one way or another, right?
Wala sa sariling naglalakad ang batang nagngangalang Bria. As usual, she's with her books being a nerd to my vantage point.
I cleared the lump on my throat as I intentionally stuck my foot out on her way. At dahil sa iba nakatuon ang paningin, hindi niya napansin kaya agad napatikhim. Mabilis ko namang dinaluhan at umaktong iritado dahil sa kalampahan niya.
My eyes widened and I pretentiously gasped for some air. Oh, my god! The girl is blocking my way! What the hell? She bumped me!
"I-I'm sorry!" she panicked.
Kinunot ko naman ang noo at umaktong sobrang nadehado.
"Tss. Saan ka ba nakatingin at makakabangga ka pa? Makakapahamak ka, e!"
She convulsed at my sudden outburst. Muntik ko nang ihampas ang kamay sa noo nang naalalang hindi nga pala makabasag pinggan ang isang ito. Ay, mali. Lampa nga pala kaya baka tone-toneladang pinggan na ang nabasag.
She was consistently flickering with my every move when I pressed my nose stressfully.
"Bria, right?" sa mas seryoso ko nang boses.
"Y-You're not sure po?"
Inignora ko ang gulat niya at tinanaw na lang ang malayong bahagi ng quadrangle.
"Why are you here? When you should be there... with your family?" I looked down at her at the end of my question and tried... smiling.
Napakurap-kurap siya at parang nalungkot bigla. I pursed my lips and sighed using my nose.
Kaimbyerna naman ito. Hindi ako sanay sa mga lalamya-lamya!
Lumaki ako kasama si Emman kaya puro baklang bakla, baklang lalaki, at baklang babae ang nakakasalamuha ko, hindi iyong ganito! This is beyond my powers!
"Uh... h-hindi naman nila-"
Hindi ko na siya pinatapos at hinila na siya patungo roon.
I don't know what exactly am I doing. I'm far being a good Samaritan. Well, hindi naman ako ganoon kasamang tao. Kaya siguro, lumalambot din ang puso tuwing nakikita ang ibang tao na pinagdaanan ang naranasan ko noon.
I was saved by Emman. Hindi man naging maganda ang resulta at naging pasaway rin ako hindi naglaon, nakatulong pa rin iyon sa development ko. And this girl, she needs help.
"What are you d-doing?"
She tried escaping for no avail. Nakarating na kami sa bandang likuran ng mga tao. May ilang nakapansin sa presensiya namin. Hindi man nagpaparinig ngunit halata naman ang bulungan at mapangutyang mga tingin sa amin.
Nilagpasan ko sila ng tingin at nakipagsiksikan pa para matanaw ang pangunahing panauhin sa pagdiriwang na ito.
Bria was still on my hold tho, fidgeting for every gawk, move, and whisper from other people.
"Saan ba rito ang nanay mo?" bulong ko sa kanya saglit.
Nanlaki ang mga mata niya, para bang nakagawa ako ng kasalanan.
"D-Don't say that. You need to respect her. Especially, i-inside the school."
"Huh?"
"Someone might hear you..." she answered under he breath.
Napairap ako. "Iyon ba?"
Tinuro ko ang mestisang ginang na eleganteng dinadala ang bestidang kasuotan. She looked elegant, I can tell. Hindi man magarbo sa damit at alahas tulad ni Mommy, masasabi kong tulad ng nakita sa Wall of Fame, ganoon pa rin siya hanggang sa personal. Mabikas, mahinhin, at marangal tignan.
I was expecting for a President Damara Ginette Madrigal in her sweetest smile. The entire school prepared for this celebration dedicated to her so she must be.
But the middle aged woman I saw seemed preoccupied and agitated about something else. She was smiling. But I could tell it wasn't reaching her eyes.
Naisip ko, hindi kaya iyon napapansin ng ibang tao? Ganoon ba kaabala ang lahat sa kasiyahan, na nakakaligtaan na nila ang mga taong nagpapanggap lang na masaya?
"Dito ka..." nanghihina kong usog para bigyan ng espasyo si Bria.
Umiling siya, nakatuon ang mga mata sa ibang direksiyon kaya naman sinundan ko iyon ng tingin.
I saw Bridgette on the other side of her mother. While Maestro Madrigal was beside her wife, too, but on the other side. At katulad ng ginang, animo'y may hinahanap din ang mga mata ng ginoo.
Seriously, what's with this family?
This time, I exerted more effort to propel Bria down the crowd. She tried protesting but I was way stronger than her so she was left with no other choice but to yield.
Natawa pa ako. Kahit anong angal ng ibang estudyante sa pagsingit namin, binalewala ko iyon hanggang sa makalapit na nang tuluyan, tinulak ko na si Bria patungo sa gitna.
Bria caught the crowd's attention. But my eyes were directed at her family. Naaawa man para sa hitsura ng paslit ngayon sa gitna, bawing-bawi naman iyon nang napansin kong tila nabunutan ng tinik ang Maestro Madrigal at nilapitan ang anak sa gitna.
Bria nodded and shook her head as her answer to her father's questions. The latter supported her towards the platform. Halata rin ang klase-klaseng komento roon ng mga tao ngunit hindi iyon ang mahalaga ngayon.
Bridgette's face immediately furrowed. Sa kanilang pamilya, siya lang ata ang hindi masaya sa nangyari. Sa kabila noon, nagpatuloy naman ang kasiyahan at hindi nahinto ang pagtatanghal.
Meanwhile, the President smiled as soon as she saw Bria. Napahawak pa ito sa dibdib, animo'y gumaan ang nakadagan doon nang sa wakas, nasilayan na ang anak, mukhang kanina pa hinahanap.
She embraced her child and whispered something to her, caressing the timid girl's hair.
The latter looked embarrassed. However, when I saw a curve on her lips, my shoulders faltered in relief.
I think that's a mission success, huh?
By that, I caught myself smiling. Nang nahuli iyon ay agad ko ring binura sa mga labi. Akmang tatalikod na rin dahil wala na naman akong kailangan pa rito. I'd rather spoil myself with foods than to watch these cruel people celebrate their freaking life.
Akmang tatalikod na ako nang medyo natumba. At sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang nagtama ang mga mata namin ng President.
She seemed to follow Bria's trace where she came from. And when our line of vision intersected, I gasped and immediately looked away. Nakakahiya. At aaminin kong... naiingit ako.
I wonder how it feels like... to be embraced by your real mother like that.
Siguro, sobrang komportable noon, damang-dama ang init ng yakap dahil mahal ninyo ang isa't isa. Napangiti ako nang mapait sa naiisip.
Sige nga, Mich. Iyong bagay ba na hindi mo kailanman naranasan sa tunay mong mga magulang? Tama 'yan. Lugmukin mo pa ang sarili mo sa kalungkutan.
The day went smoothly like unusual. Masaya ang buong Damgeen sa muling pagbabalik sa serbisyo ng pinaka-Maestro ng lahat, sa puntong hindi ko na namalayan ang paglipas ng mga araw.
It's almost weekend when I noticed other students thrilled about something. Dahil kuryoso na sa hindi pangkaraniwang bungingisan ng kababaihan, agad kong tinanggap ang alok ni Dante na sumama sa kanila pagka-breaktime.
He's with the usual crowd. Nga lang, mas marami ngayon dahil mukhang sinama rin ni Allen ang iba pang mga kaibigan at mga babae naman ni Miles.
"Piss off, dude! Makontento ka na sa baon mong apat," hara ni Dante nang sumubok si Allen na salubungin ako.
The latter chuckled and playfully smacked Dante's shoulder.
"Parang bebeso lang, Duran! Too possessive to your girl friends, huh?"
"Sabing hindi ko girlfriend."
"I said girl friend, not girlfriend. Damn. So defensive!"
Iiling-iling na itong bumalik sa sa table nila kung nasaan ang mga babaeng kayapos kanina.
On the other hand, I wrinkled my nose and showed Dante how grossed it was, like a daughter complaining about the veggie on her sausage platter to her dad.
"Don't mind them. Hmm. But on the second thought, it's a good avenue for you to socialize, Darna."
I threw a scowl on him. He chuckled as he led our way to their congested table.
"Separate then? Kanino ka ba komportable at sila na muna ang aayain natin?" he asked with utter concern.
Bigla naman akong na-guilty kaya ang hantungan, nakisama na lang din ako sa mesa nila.
I ordered something light for my lunch and put my food on their table. Hindi naman nila ako masyadong tinatapunan ng pansin which is a good thing. Masyado kasing busy sa pinagkakaguluhang chismis kaya nakakain ako nang payapa at walang nanggugulo.
"Come to think of it. Ano bang mayroon at panay ang pagsulpot ng mga rookie sa Grade 12?"
Halos mabulunan ako nang sabay-sabay silang lumingon sa akin dahil doon. Dante served a glass of water and I delightfully accepted that.
"Ano ba kayo? Sinabi na ni Singh na wala rin siyang alam tungkol dyan!" saad ng isang Kaharayan ally.
Palihim ko siyang sinang-ayunan bago ibalik sa mesa ang baso.
"Weh? Kahit katiting talaga, walang idea?" tingin sa akin ng iba.
Tumikhim ako at napailing. "Wala."
Si Eli ngayon ang humalumbaba para tignan ako. "But I found out a common denominator though."
"Ano?!" the others asked in chorus.
May pagsingkit pang nalalaman si Eli sa akin at paghimas ng baba, tila ba pinag-aaralan ang kaanyuan ko.
I rolled my eyes and just put my attention back to my food.
"Kung pagbabasehan ang paglalarawan ni Melisma, isang bagay lang ang naiisip ko."
"Ano nga?"
"Tukmol na Eli. Just say it!"
Napamasahe ako ng sentido kahit nakatutok lang naman talaga ang paningin sa pagkain ko.
Eli snapped and drew a repartee.
"Both good-looking. Baka naman may sinagawang pageant ang Damgeen nang hindi pinapaalam sa atin tapos ang mananalo, ii-import dito?"
Samu't saring mura at bayolenteng reaksiyon ang natanggap ni Eli mula sa mga kaibigan. Bahagya rin akong napangisi dahil alam kong hindi naman ganoon iyon.
"For your information, I enrolled here like a normal student. Kaya hanggang ngayon, wala talaga akong ideya sa mga paratang sa akin," I broke in, that made them shut up.
Kung sa ordinaryong pagkakataon, wala naman talaga akong balak i-entertain ang kuryosidad nila. Ngunit dahil natanaw ko si Ezra na patungo na rin dito, sinadya kong lakasan iyon para iparinig sa kanya.
I grinned when he caught me eyeing at him. Napailing ito at umupo na rin katabi ni Allen, sa tabi rin ng iba pang taga-SOLMA at saglit na kinausap nang diretsahan.
"Edi ibig sabihin, ganoon din ang kaso sa bagong estudyante? It's weirder than your case kasi... late na siyang nag-enroll!"
"Oo. At ang malala, tinanggap pa ng Damgeen! Which is very weird!"
"Baka naman na-revise na ang handbook?"
"Ezra, may nabago ba sa palakad?"
Bahagyang sumungaw ang ulo ng tinawag mula sa pagkakatungo. Napataas ang kilay ko nang nahuli itong pasaglit pang sumulyap sa akin bago sagutin ang mga tanong.
"Wala. They're still unjust... and shady," tipid niyang sagot. Pero halata namang may nais ipakahulugan.
Binagsak ko na lang ulit ang mga mata sa pagkain at nagpatuloy. Pero sa oras na ito, nakikisagap na ng chismis ang mga tenga.
"Nadakip din kaya 'yon para sa fanfare rites? Duda ako kasi hindi na naman first day ngayon."
"Kung nagkataon, siguro papayag na akong mag-volunteer! Ano kayang talent noon? Imposible naman kasing pogi lang!"
Narinig kong tumawa nang malisyosa si Melisma, medyo nagyayabang pa ang tinig.
"Hindi lang pogi, mukhang masarap pa."
"Talaga?"
"Oo. Parang Abercrombie model! Mukhang suplado pero ano naman? Taob na ang sinuman sa PRIMO ngayon!"
The idea excites them more having PRIMO involved in the conversation. Napanguso ako at unti-unti nang nahihinuha ang sanhi ng pagkakagulo ngayon ng Damgeen.
Though, it's kinda unfair for my side. Kung totoo nga ang sinasabi nila, hindi patas ang natatamong atensiyon ngayon ng bagong estudyante kumpara sa trato sa akin ng mga estudyante, noong ako ang nabalitaan nilang bagong salta.
So what if the transferee is handsome? Bakit ako. Maganda naman ako, a?
Sadya bang mas makapangyarihan ang kababaihan sa ganitong isyu? Na kapag pabor sa kanila ay ayos lang kahit labag pa rin sa polisiya? Pero kapag tutol, agad nagkakaisa para makibaka laban doon kahit pareho lang naman ang sitwasyon?
Bigla tuloy akong nawalan ng gana sa pagkain. Inabot ko na lang ang inumin at iyon ang pinagkaabalahan.
"Pero bakit hanggang ngayon, hindi ko pa nakikita? Wala rin dito sa cafeteria kasi walang bagong mukha! Nakakaumay lahat."
"Ayusin mo ang tabas ng dila mo, a. Nasasaktan ang muscles ko," si Miles.
"Mahiya naman kayo kay Duran! Ayan pa si Ezra, o!"
"Kapag si Ezra ang usapan, damay dapat ako dyan," sabat naman ni Eli.
Tumubo ang nguso ko at nahuli na lang ang sariling pinaglalaruan ang baso.
"Hindi ko alam, e. Gusto niyo search natin sa f*******:?" suhestiyon ni Melisma.
Napasilip ako sa gawi nila. Napansin niya ang paglingon ko. Lalong lumaki ang ngisi niya.
"Oo ba! Alam mo pala ang pangalan, e! Patingin!"
"Ano bang pangalan, Elis? Para ma-search na rin namin."
Napaiwas na ako ng tingin nang maging si Ezra, lumingon na rin sa akin. Siguro sinundan kung saan nakatuon ang mga mata ni Melisma. Nagkunwari na lang ako na hindi interesado.
"Klavier. Klavier ang pangalan sa application form niya. Klavier din ang nasa stage name."
"Klavier..." the girls echoed dreamily.
I pursed my lips and gathered my stuff.
"Anong nakalagay bakit Klavier? Nabasa mo rin ba, Melisma?"
Tumawa ang tinanong.
"Malamang, halata naman dahil pangalan pa lang. Ganoon din naman kadalasan ang mga lalaki rito sa atin, 'di ba? Iyong mga soloist. As is na ang stage name kapag tamad."
"So, tamad si Klavier?"
Biglang namula si Melisma.
"I don't think so. He looked... uhm... hardworking?" She giggled. "As far as I remember, there's actually a reason why his parents named him after that. Iyon na rin ang nilagay niya sa form, e."
"Ano?"
Tumayo na ako. Napatayo rin si Dante pero umiling din ako.
"Aalis ka na?" tanong niya.
I nodded. "May gagawin pa pala ako."
But on top of that, Melisma's voice overpowered the cafeteria's noise. I licked my lips and hopped over the bench I was sitting.
"Klavier is another term for piano. Baka piano ang instrument... O pianists ang parents."
Ezra took a glimpse at me. Tumango na lang ako sa iba pa bago tuluyang umalis.
Klavier, huh? Tignan nga natin kung talagang guwapo nga.
April 24, 2020