Chapter 17

7130 Words
Chapter 17 Tenor "Attention, superstars. Especially, to all rookies or freshmen this school year. To welcome the month of September, we advise all superstars to kindly indicate your stage name on our system with its appropriate interpretation due until this week." Tumigil ang lahat sa kanya-kanyang ginagawa nang umalingangaw ang paging system sa buong Damgeen. "I repeat, kindly indicate your stage name on our system with its appropriate interpretation due until this week. Thank you and have a good day." Inalis ko na ang tingin sa labas nang natapos na ang announcement. Ganoon din ang iba pa, nagsimula nang magbulungan tungkol sa inanunsiyo. Sigurado naman na mayroon na sila. Partikular ang bagay na 'yon sa mga rookie. And the strange part is, I'm part of it even if I'm in Grade 12. Kaya hindi na nakakapagtaka kung panaka-nakang may sumusulyap sa gawi ko sabay balik ulit sa kanilang bulungan. "Class, focus! Stop murmuring!" si Maestro Dulcet bago ihampas ang kanyang stick sa lectern. It's Tuesday. Maestro Dulcet assured us that we will have an early break as soon as we finished the activity. Individual iyon at worksheet lang, application ng tinuro niya last week. Malapit na akong matapos kaya walang kahirap-hirap na lumipad ang utak ko sa alapaap para isipin ang tungkol sa announcement. Naisip ko, parating na ang buwan ng Setyembre next week kaya siguro naanunsiyo na iyon. Malamang, hindi pa lahat ng estudyante nakapag-fill up na ng section na iyon. Well, I hate to admit that I'm one of the stubborn students who are not yet done with that part. I heard that the upcoming month is the start of the very beginning of Damgeen. Magsisimula na ang tunay na mga activity in the sense of extra curricular. And one of the requirements is to have your stage name, like a ticket to the moon. Mas malikhain at makabuluhang pangalan, mas malaki ang puntos na makukuha sa plarameter. Since kasama ang "Rendition" o creative category doon, talagang kasama iyon sa criteria dahil may merits na paglalaanan. Bukod kasi sa mismong stage name, ilalagay rin sa system kung bakit iyon ang napiling pangalan. Kumbaga, isasalaysay pa ang kahulugan sa likod ng pangalang iyon. Be it background story or anything that drove you to come up with that name. Kaya naman pala masyadong competitive si Dante tungkol sa pangalan ng banda nila at ng PRIMO, dahil graded na noon pa man. Sa akin kasi, ngayon ko lang din mararanasan kahit Grade 12 na, kasabay pa ang mga frosh. Isang beses lang daw sa isang taon pwedeng palitan. At kapag nakatungtong na ng senior high, permanente na ang kung anong ilalagay sa renewal ng pang-Grade 11. Hanggang graduation na iyon. Pero ang Kaharayan, iyon na talaga ang band name nila dahil bago pa man mag-senior high, talagang magkakasama na silang lima. Ano naman kaya ang sa akin? Tuwing may gig at contest, Michaela Singh lang talaga ang gamit ko. No more stage name. I thought it's no need. Mas masarap kasi sa pakiramdam na ma-recognize sa totoong pangalan mo. However, that was before. Before I could know the story behind that name. Singh was probably my real father's last name. Ayoko na nito. Ayoko nang gamitin ang pangalang iyon sa pagtugtog. Isa pa, wala na naman sa plano ang seryosohin ito. I could play. But I would just literally play with it. Iyon ang gumugulo sa isip ko hanggang sa ako na lang ang huling natapos sa activity. Tuloy, ang laki lalo ng galit sa akin ng mga kaklase dahil kailangan pa akong hintayin bago mag-dismiss. Nakakahiya! Ewan ko ba. Sinabi ko na naman sa sarili kong wala na lang dapat sa akin ang mga bagay na ito. Pero nang makitang tres lang ang dagdag sa plarameter ko, hindi ko maiwasang madismaya sa sarili. Hanggang dyan na lang ba talaga ang kaya mo, Mich? Where's your competitiveness? On the other side, what for? Why would you even bother? Kung talagang matibay na ang plano mong umalis dito, bakit nanghihinayang ka pa rin? Napailing ako sa sarili. Maybe because I'm not used to being loser. Wow. Talaga, Mich? "Naiinis na ako, a! Niloloko mo lang ata kami, Elis!" "Pati tuloy 'yung ibang mga estudyante, naniwala! Umaasa tuloy!" "Naku! Ginamit mo pa ang posisyon mo sa SOLMA!" Nakasanayan na ring maghintayan sa lanai tuwing magbe-breaktime. Sabay-sabay lang naman kasi ang oras ng klase namin. Nahihiwalay lang minsan ang mga junior high para hindi crowded masyado ang Damgeen tuwing break time, lalo na sa cafeteria. Kasalukuyan akong nasa likod ni Dante at Eli habang may pinag-uusapan na medyo seryoso. Samantalang nasa gilid naman 'yung ibang ally at SOLMA, mukhang pinagkakaisahan ngayon si Elis. Well, hindi naman na bago. Simula kasi noong ikalat niya na may bagong estudyante siyang nakita, hindi na mapakali ang mga kaibigan kasi hanggang ngayon, wala pa ring natutuklasang bagong mukha. "Ano ba! Malay niyo uma-absent last week. Tapos kahapon, ganoon din! Parang kasalanan kong busy siguro 'yung tao?" rason ni Melisma. "Hay, nako! Nag-iilusyon ka na naman kasi!" "Hindi nga sabi! Nabasa ko pa nga application form noong tumulong ako sa admission, 'di ba? Not unless, binawi at hindi na tutuloy rito!" "Di bale na. Basta umaasa pa rin ako! Minsan ka lang pumuri ng guwapo, e. Si ano pa lang. Si-" "Magsisimula na Clock Out, o?" biglang turo ni Melisma sa quadrangle. "Naku, Elis! Diskarte mo, bulok!" Nagtawanan ang grupo nila. Nanatili lang akong nakamasid sa paligid. Aaminin ko, kahit papaano ay malaking tulong ang circle na ito para lubayan ako ng ibang estudyante. Suhestiyon na rin kasi ni Dante na isama na lang ako lagi para wala nang mangahas na lumapit sa akin tuwing walang klase. Lalo na at nagawa ko nang mapilit sina Mommy na alisin na ang bodyguard sa serbisyo sa akin. Sinabi ko na lang na hindi ako komportableng laging may nagmamanman. Nitong mga nakaraang araw kasi, pakiramdam ko ay laging may nakasunod sa akin. Dahilan kung bakit hindi ko na rin matanggihan pa ang alok nina Dante na sumama sa kanila tuwing break. I don't know if I was just being paranoid or I was just hallucinating. But everytime I'm alone, the chills felt stronger and weirder. Hindi rin naman maiwasang matakot kaya kahit papaano, malaking tulong ang company ng Kaharayan and friends. Maliban pa roon, ilang araw na rin ang nakalipas ngunit tulad ng inaangal ng mga kaibigan ni Melisma, hanggang ngayon ay hindi pa naman nagpapakita ang Klavier na iyon. Kating-kati pa naman akong mangutya. He's also a rookie but I was the only one being bullied? That's so unfair! Habang naglalakad patungo sa cafeteria, dinukot ko ang phone mula sa bulsa para i-check iyon. It has been included in my habit this past few days. To check if there's someone who changed his mind and love me again. But just like any other failed days, bukod sa ibang nanliligaw noon sa akin, old friends, at mga text ni Dante na hindi ko binubuksan, wala ni anino ng pangalan niya. I even opened our message thread, hoping it would refresh once I clicked and scrolled it a bit. Pero sa huli, nagmumukha na lang akong tanga kakaasa na... magpaparamdam pa siya ulit. I heaved a deep sigh and smiled weakly. This is all my fault. I should accept it. "Ang lalim naman no'n," si Dante na bigla-biglang tumitigil para makasabay sa paglalakad ko. Inirapan ko siya. Akmang ipapasak ko na ang earphones na wala namang tunog nang hablutin niya ang dalawang kamay ko para agad pigilan. "Stop shutting people down by doing that, Mich. Namimihasa na 'yan," galit-galitan niyang sabi. Binitawan na rin naman niya kaya sinubukan ko ulit ipagpatuloy nang titigan na niya ako nang masama. "Ano bang tugtog dyan at parang gustong-gusto mong pakinggan?" He was about to reach for one of the earphones but I evaded it right away. "Alright, alright! Hindi na!" I grunted. Tinawanan niya ako at ngiting tagumpay. Napaungol naman ako sa inis dahil naisahan niya ako roon. This white earphones, actually, was only an accessory on my neck. Bukod sa kuwintas ko, isa na ito sa nakasanayan kong suotin tuwing papasok. Soft criticisms about me started to float again. Para bang kasabay ng paghilom ng sugat ko sa braso ay siyang pagsisimula na naman ng dating gawi ng mga estudyante. Maybe it was just coincidence and was really about the time passes us by, na lumilipas din ang mga araw at unti-unting nakalimutan ang kasalanan nila sa akin kaya ganoon. That's why I ended up with this. The least thing I could do is to pretend I don't hear them. Nakakahiyang ipasubok kay Dante kasi hindi naman talaga nakakonekta ang earphones na ito sa phone o mp3 ko. Ni wala na ako ng huli at burado na rin ang lahat ng daan-daang kanta sa phone ko. This is just my front. Just like what Dante said, to shut people down around me. And pretend I'm listening to something. But silence. Isa rin sa dahilan kung bakit madalas akong wala sa mood nitong mga nakaraang araw ay dahil napapadalas na rin ang pagbisita sa akin ng isang panaginip. That odd dream I used to dream about before. It's becoming frequent right now. If I could only talk to that man on my dream, I would. But he was nonexistent like a dead, blind, and completely disabled person. Ni hindi ko makilala dahil walang mukha, bagay na sobrang nakakapangilabot sa akin! Who the heck was that guy in complete white suit playing behind that white grand piano? Also, I'm not sure why but everytime I dream of that, it causes a lot of stress and anxiety to me. Mahuhuli ko na lang ang sariling palihim na kumukuha ng alak sa home bar. O 'di kaya kapag nasa bahay ang mga magulang, pumupuslit na lang ako ng simpleng fruit beer. I remember myself puffing sticks whenever I'm stressed and tensed before. That's why... Emman would always look after me, especially when we're at the verge of hell week. He knew I'd find myself a stick or a bottle. Either way, I know it's not good for my health and for my vocals. But again, that was before. Tinanaw ko ang gitna quadrangle kung nasaan ang malaking entablado. Tulad ng sabi ni Melisma, mukhang naghahanda na nga ang mga crew ng backlines, gears, at technical supports doon. Pinagtutulungan na ring ilagay ang malaking grandfather clock sa stage dahil thirty minutes na lang ay Clock Out na. "Busyng-busy na naman tuloy si Duckie. Hindi na nakakasama 'yun, a?" "May gig din kasi. May mga music festival pa sa September kaya in demand ang bakla." "Nood tayo Clock Out?" "Malamang! Baka may matawag na sa atin! Sama tayo sa Kaharayan." "Punta ka mamaya, a," bulong sa akin ni Dante. Nagkibit-balikat lang ako habang nakatanaw pa rin sa gitna, kumunot ang noo nang unti-unting nagkukumpulan ang mga estudyante roon. Mukhang napansin na rin ng mga taga-SOLMA kaya napahinto na rin unti-unti sa paglalakad. "Mga Madrigal na naman ba?" "Oo. Mukhang nagsisimula na naman ang bruhildang iyon." I turned to face Melisma's group because of utter curiosity. "What's happening?" medyo tuliro kong tanong. Ang nakahalukipkip na si Melisma ay inalis doon ang tingin para sagutin ang tanong ko. "Hindi ko pa sigurado. Pero base sa nakikita ko, mukhang pakana na naman ito ng bratinelang prinsesa." "Anong ibig sabihin noon?" Muli niyang tinanaw ang bahaging iyon kaya nilingon ko rin ulit. "Away nilang magkapatid na hindi ko maintindihan." "Huh?" Ngumisi ito sa akin bago ikiling ang ulo. "Clash between Pop and Ballad, Michaela. Who's your fighter?" tawa niya. I gaped in disbelief. "What nonsense is that? Pop vs. Ballad?" Lalo pang kumunot ang noo ko sa hindi maipaliwanag na lohika roon. Tumawa si Dante at inakbayan ako. "More like, upbeats against mellows. The Madrigal princess hates her little sister for that." I laughed shortly in a sarcastic manner. "That's it? Iyon ang kinakagalit ng babaeng iyon sa kapatid niya? Dahil lang sa genre ni Bria?" Dante released his arm on me and shrugged. "That's what it looks like." "Pero duda ako," sabat naman ni Melisma sabay ngisi sa akin pagkalingon. "Why don't you see it yourself?" hamon niya sa akin. I clenched my fists the same time they shouted my name when I turned around to go there and yeah, to f*****g see it myself. Tingin niya ba hindi ko tatanggapin ang hamon niya? Sisiw! Isa pa, iyon na naman talaga ang balak ko kaya walang kaso sa akin kung hamunin ako ng Melismang 'yon. "Michaela!" rinig kong tawag sa akin ni Dante. I could hear them following me from behind. Tuloy-tuloy naman ako sa paglalakad habang nakatuon ang paningin sa kaguluhan doon, hindi nagpapaapekto sa pagpigil nila sa akin. Parami nang parami ang mga taong nakikigulo sa grupo nila Bridgette Madrigal. Saka ko lang natunghayan nang malinaw ang kaawa-awang patpating junior high na si Bria. Unlike her older sister, she's alone in the middle of the crowd without any friends to protect her. My heart crumpled with that sight. Her eyes were sparkling because of tears almost rolling down from those orbs. Nilipat ko naman ang tingin ko sa bruhilda niyang kapatid na ngayon ay aliw na aliw sa atensiyong natatanggap. How could she do these to other people? Especially to her own sister? Ganoon na ba kabagot sa buhay para paglaruan ang ibang buhay? "What now, Bria? Come on! Are you crying? You'll use your tears again to holler?" Lumapit siya sa batang kapatid at tinulak sa balikat. Dahil doon, tuluyan nang bumagsak ang mga luha ni Bria na sanhi ng pagsinghap niya. I could tell that she wanted to voice out something but she's too coward to even do so. The crowd's cheer and excitement towards Bridgettes's stunt wasn't helping, too. Tumigil ako sa tabi ng isang malaking speaker na for load in pa. "What are you thinking, Michaela?" agad na singhal sa akin ni Dante pagkalapit. I looked back over my shoulder and saw the others followed, too. Nadagdagan pa sila lalo dahil mukhang nakahanda na rin ang groudie ng Kaharayan para sa Clock Out, nag-early bird para sa seats. Melisma, along with other SOLMAs, was resting her hands on her waist as she watched the ruckus. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw pa nilang kumilos gayong umiiyak na ang mismong biktima. "What?" Dante followed up. Hindi ko iyon masagot-sagot. Masyado nang okyupado ang utak ko para dito. I was never been this nosy but it seemed that Damgeen changed a lot of me. "Bata-bata mo pang babae ka, puro agad drama at love songs ang nasa utak mo! Dapat muna sayo, Baby Shark o Baa Baa Black Sheep! Tutal at black sheep ka rin naman!" The audience gave out a harsh bark of laughters because of Bridgette's stir of derisions. Lalong yumuko si Bria dahil sa kahihiyang iyon. Bumaha pa lalo ang luha sa puntong kitang-kita na ang pagbagsak noon sa lupa. Tumiim ang bagang ko dahil sa kalupitang iyon. Tinanaw ko ang reaksiyon ng mga taga-SOLMA ngunit tulad ng kanina, nakatingin lang din sila at mukhang naghahanap pa ng tyempo. Unbelievable! What the hell are they waiting for?! Paaabutin pa ba ito sa pamimisikal? Because by the looks of it, it's not impossible to reach that extent! "Black sheep? Is she talking about herself?" turan ni Dante na lumagpas lang sa pandinig ko dahil pagkatapos noon, napagpasyahan ko nang kumilos. "Michaela!" I shook my head to show them how firm my decision was. Inagaw ko sa isang crew ang mikropono na chine-check pa. Dahil nakakonekta na sa isang speaker, gumagana na iyon at tama lang ang lakas para makaagaw ng atensiyon. "Akin na 'yan, miss! Oy!" natatarantang sambit ng crew dahil sa biglaan kong pag-agaw. I showed him my palm and my serious face. That's enough view to prove my point. Kasama na ni Dante ang ilang taga-SOLMA at ally, napahinto lang nang lingunin ko. They all looked curious and agitated with my actions. Huminga lang ako nang malalim bago itapat ang mikropono sa akin at humarap sa lipon ng mga tao na pinapagitnaan si Bria. Dahil sa feedback na sinadya kong likhain, nakuha ko ang reaksiyon na inaasahan ko. Kunot ang mga mukha ng estudyante na hinanap ang pinanggalingan noon at halos bugahan na ako ng apoy dahil nakitang ako ang salarin. "Michaela! Stop this!" Muling hinanap ng mga mata ko ang boses ni Dante. Sa likod niya, tanaw ko na ang paparating na si Ezra. Sa kabilang banda noon ay ang PRIMO na napatigil na rin sa paglalakad dahil sa nangyayaring komusyon. Kinagat ko ang labi. Bahagya akong nag-alinlangan sa gagawin. Should I stop? In the first place, what am I really doing? Unti-unting bumaba ang kamay kong may hawak ng mikropono dahil sa kalituhan para sa sariling emosyon. Pinukol ko ang mga mata sa gawi ni Bria. At nang natunghayan ang namumula nitong mukha at lumuluhang mga mata na nakatingin din sa akin, para bang bigla kong naalala ang pinunta ko rito para gawin ang kalokohang ito. The hand that was slowly falling down on my side was lifted back to my mouth, pointing the microphone on me before clearing the lump on my throat. Ang kasalukuyang Bridgette Madrigal na naglalakad na papunta sa akin ay napahinto nang simulan ko na ang pakay.     "What do you wanna be? Will you believe me? If I tell you, you can be anything you want?" I paused a bit when I failed to coverup my voice. For a second, the people were petrified on their spots as they heard me sang the first line properly. I groaned disappointedly to myself. Umalingawngaw ang dead air sa buong paligid hanggang sa ipagpatuloy ko na ulit gamit ang panula kong boses. "Where do you wanna go? Will you believe me if I tell you That you'll see the silver lining with your dreams?" Sinipat ng mga mata ko ang kaawa-awang paslit na kahit papaano ay humuhupa na sa pag-iyak. Samantala, para namang nasira ang eardrums ng mga tao nang muling magreak sa kasunod kong linya. They were probably awakened by the creakiness of my voice when I proceeded. Nagising sa katotohanang imposible na maayos at nasa tono ang boses ko kanina. "'Cause when they say we can't, we have to be braver. Together we'll reach for the impossible. Even when you think that it's crazy. The longest journey begins with a single step from you and me." Napapikit ang iba nang umimpit ulit ang boses ko. Hindi ako nagpaapekto dahil hindi ko naman pinlanong gandahan ang kalokohang ito. I sang to stole their attention. I beckoned Bria to run now and she seemed to acknowledge my signal. She bowed a bit and hurried. Napansin iyon ng ilan ngunit nang isigaw ko na ang koro ng kanta, muling nawala kay Bria ang kanilang atensiyon para murahin ako sa ginagawa ko. "Raise your flag For the ones who think they can't get somewhere. Raise your flag For the ones who think no one believes in them." Pinagpatuloy ko na lang iyon at tinanaw sila Dante. They were still surprised. But no one's even more surprised than me when Melisma stepped forward and sang along with me. "Raise your flag For the ones who already feel like giving up." Dahil sa ginawa ni Melisma, nakisali na rin ang iba pang SOLMA. Na naging hudyat para makisabay na rin ang mga groudie at ally ng Kaharayan. Napapikit ako at lihim na napangiti habang dinadama ang musikang pinagsasaluhan na ng marami.  "I stand here, not as one For we're all in this together. Reach high and raise your flag." Aaminin ko, sa mga sandaling iyon, unti-unti nang sumusungaw ang totoo kong boses. Nilayo ko nang kaonti ang mikropono at ginamit na ang tunay na boses. Tingin ko ay ayos lang. Dahil marami na kami at sapat na iyon para makihalo ang munting boses ko sa grupo ng mga tao. "Raise your flag. Raise your flag, oh oh. Raise your flag." I put down the mic and let my voice be heard by no one. I opened my eyes in a fraction and saw how Bridgette Madrigal walked out angrily. Sumunod naman agad sa kanya ang mga tagasuporta na dismayado sa naging resulta. Nagpatuloy pa nang kaonti ang mga tao sa pagkanta kahit tuluyan nang nakaalis ang mga alagad ni Bridgette. Binalik ko na ang mikropono habang nakanta pa rin. Tinawanan ako ng crew at iiling-iling na tinanggap iyon. Nga lang, sa kalagitnaan ng pagkanta ay nakaramdam na naman ako ng kakaibang kilabot sa paligid. I tried searching for something strange and after a while, I noticed a figure of man behind the foundation of the stage. Nang nakitang lumingon ako ay mabilis din siyang tumalikod, pero hindi sa paraang nagmamadali o natakot dahil nahuli. Tumalikod siya't umalis na para bang balewala lang iyon at nabagot lang kaya umalis na. I licked my lips as I felt Kaharayan behind me already but because of that unusual discomfort, I was detached from myself for the mean time. "Buti na lang sumabay na ako. Nakakaawa ang boses mo, e!" pang-aasar ni Melisma kahit mukhang natuwa naman sa ginawa. "Michaela Singh-tunado at determinado!" may isang nagpauso tapos mayamaya, sinabayan na ng marami! "Michaela Singh-tunado at determinado!" They chanted like activists in a rally. Pagkatapos sambitin nang lahat ay muling pinangunahan ng nagpauso then the chant will go on in unison like a routine. Heat flushed all over my face. What the hell? Nakakainis naman! Palibhasa, mukhang aktibista ng Damgeen ang Kaharayan, e! Nagtawanan sila dahil napansin ang reaksiyon at binati ako. Kahit panay na ang asaran at pabirong puri sa akin ng ibang tao, tila ba nakalutang pa rin ang diwa sa kung saan pagkatapos noon. Siguro bumalik na lang ulit ang ulirat ko nang humalo na rin si Ezra sa amin at tipid akong nginisian. Damn. That's even worse than the strange man I saw a while ago. Mas lalo ata akong kinilabutan dahil hindi pamilyar ang ngisi na iyon sa akin. Parang totoo at walang halong kaplastikan kaya ang cringey! Hindi bagay kay Ezra na ganoon! Inirapan ko nga at nakihalubilo na lang din sa grupo. Panay pa rin ang salitan nila ng komento dahil sa hitsura ni Bridgette Madrigal kanina. It seemed like the most entertaining topic for them to talk about. Kasi tuwing iyon ang paksa, lahat talaga nagkakaisa! Kaya iyon tuloy, nang nakasalubong namin ang PRIMO habang pareho kaming papunta sa mga nakaayos nang upuan sa harap ng stage, kanya-kanya silang tikom ng bibig. My eyes traveled from the group towards Rave Jackson. Hindi ko masyadong mabasa ang hitsura. Parang normal lang naman ngunit may kurba nang kaonti ang mga labi habang ibinabalik din ang tingin sa akin. Though, I'm not quite sure if that curve was out of amusement or sarcasm. Either way, I chose not to bother and just found myself a seat. The right wing seemed to be Kaharayan's usual spot. Sa gitna at mas harap na bahagi naman makikita ang pamilyar na crowd ng grupo nila Bridgette, habang sa kaliwa naman ang PRIMO. Pansin ko, laging marami ang entourage at groudie o ally ng Triad sa ganitong pagtitipon. Kanya-kanyang crowd at following na dala. Since Kaharayan is a reggae band, karamihan sa kanila ay under din ng genre na iyon. Ganoon din sa rock band na PRIMO at pop acapella group nila Bridgette. Hindi na kami nakabili pa ng pagkain. Balak pa sana ng iba ngunit ilang minuto na lang at magsisimula na. As usual, katabi ko si Dante dahil ito lang naman talaga ang matuturing kong kaibigan sa grupo. Nakakahiya pa nga dahil ayokong mahagip mamaya sa big screen. Hindi ko pa alam kung paano ang gagawin ko. "Sa ngayon, nakaupo pa tayo. Hindi ka nyan makikita. Likod ka na lang muna kapag opening na at nakatayo naman tayo mamaya," bilin na lang niya kaya kahit papaano, nabawasan ang pagkakabahala ko. Tumango ako at pinagmasdan na lang ang paligid. Unti-unti nang napupunan ang mga upuan. Mayroon na ring nakatayo na lang sa gilid at nag-aabang na. Seeing the bigger picture made me realize that aside from the orientation on the first day of school, this is my first time to join a crowd this big in Damgeen. "You okay?" Tumango ulit ako kay Dante at tinignan siya, dahilan para madaanan ng paningin ko si Ezra na katabi ni Eli sa kabila. Nasa pagitan namin si Eli at Dante ngunit dahil medyo nakaatras ang silya niya, madali lang siyang matanaw sa puwestong ito. I caught him looking at me intently. His face was a bit distorted, as if there's something in me that he couldn't figure out. Akala ko iiwas na ng tingin dahil nahuli ko na pero hindi! Ako pa ang umiwas kalaunan dahil hindi man lang nagpatinag! That guy. He really has all the odd guts! "Hello hooray, superstars!" Lahat ay napaharap sa entablado nang narinig ang boses ni DJ Duckie sa hindi inaasahang pagkakataon. Wala pa ito sa stage kaya hindi inaasahan ang biglang pag-alingawngaw ng boses nito sa buong quadrangle. Ilang saglit pa bago nakabawi ang mga tao at nagsimula nang mag-ingay. "Let the show begin, we've been ready!" The smoke machine and neon lights worked into life as soon as the DJ host showed up on the stage. Kumaway pa ito sa madla at kinumpas nang walang kahulugan ang isang kamay. "Hello hooray, superstars!" Napatikhim ako nang sikuhin ako ni Dante at minuwestrang sumali. My eyes widened. I shook my head panicky. No, no, no, no! Kaya nakasigaw na sila ng sunod na linya nang hindi ako nakikisali. "Let the lights grow dim, we've been ready!" Dante eyed me warningly when he noticed my lost of cooperation. I shook my head. He positioned his hand to where it tickled the most. On my neck! Holy shi-! Paano ulit ito?! "Ready as this audience that's coming here to dream!" Mas lalong nilapit ni Dante ang kamay niya kaya napabalikwas ako sa upuan! Nagtama tuloy ang tingin namin ni Ezra nang napansin iyon. Umiwas ulit ako ng tingin, pilit winawaksi ang kamay ni Dante! "Go!" mahina ngunit mariin niyang utos. Nagsalubong ang kilay ko bago pasadahan ng tingin ang paligid. Nang hindi pa rin ako nakasabay, kiniliti na niya ako! "Loving every second, every moment, every scream!" "f**k! Oo na!" bumuwelo na rin ako ng pagsigaw dahil iyon ang ginawa ng lahat. Pumikit ako at bumato na rin ng linya kasama nila! "I've been waiting so long to sing my sooong!" I did it! Oh, my god! Dante chuckled and applauded with the crowd. I was stunned after that so he held my hands to clap them together himself. Namimilog pa rin ang mga mata ko, hindi makapaniwala na sa unang pagkakataon, nagawa ko na ring makisama sa hail nila! Heck. I never imagined joining this tradition of them! It felt like my ears were split into cuts to that wonderful melody and blending at the last part. Animo'y inensayo na dati ng bawat range kaya nagagawa ang kanya-kanyang parte. O pwede rin namang natural na sa kanila iyon kaya walang kahirap-hirap na nadadala ng bawat isa ang bawat isa. That was so... epic! Never did I ever imagine it would be this awesome! The Triad of the Year was then introduced and featured again to the big screen. When it's Kaharayan's turn, everyone was already standing even before the introduction. Nasa tabi pa rin ako ni Dante kaya agad akong nag-panic nang tinutok na agad ang camera at naroon pa rin ako! "Oh, s**t," I cursed under my breath for that spur of moment. Sinimula na nila ang unang step para sa iconic hand movements nila nang may isang tumabing sa akin at hinarangan ako para itago sa kanyang likod. My lips parted for that unexpected surprise. As I gazed upon the guy who blocked me from the camera, I was flustered to see Ezra towering over me. "Kaharayan!" they shouted in unison. Even Ezra was cooperative for that one. Ako lang ata ang parang naugat sa puwesto sa amin. Lalo na nang naramdaman kong parang wala na itong balak umalis sa puwesto at tumabi lang nang kaonti sa kabila para bigyan ulit ako ng espasyo. By that, I was then standing in between him and Dante in an instant. Hindi naman iyon masyadong pinuna ng huli kaya napagpasyahan kong huwag na lang din palakihin pa. Sa kabila ng malakas na kabog ng dibdib ko dahil sa nangyari, mangha pa rin ako hanggang sa magsimula na ang Clock Out. Aside from the satisfaction I gained for doing that hail, I was a bit bothered that slowly, my desire for music was slowly... eating me up again. Hindi pa nakakatulong ang tensiyon sa pagitan namin ng katabi ko sa aking kaliwa. Mas tuwid tuloy ang tayo ko during the program. "Some students caught an unfamiliar guy roaming around the premise." "Hindi kaya si Klavier iyon, Melisma?" "Posible." "Hala! Ronda tayo mamaya pagkatapos dito!" "Pasama ako, ha? Kahit hindi ako SOLMA." Napalunok ako habang pinapanuod ang ikalawang sumalang sa Clock Out. The first recitalist has been declared with a roaring "Cut Out." Mukha kasing alto lang naman ang range ng boses pero pinilit kumanta ng mataas na piyesa. Napuruhan sa flat at inconsistency ng boses kaya nahatulan na ng gong intervention at sa huli, Cut Out ang deklarasyon. Hindi na rin naman masama. Nakakuha pa rin ng 60 merit points. Isa pa, malaki na rin iyon kaysa sa kasalukuyang na-gong intervention ulit. Tumigil ang kamay ng orasan, nakatutok lang sa pagitan ng 40 at 35. Sa huli, Cut Out din sa 37. Saklap. Nakayukong bumaba ng stage ang kalahok bago tuluyang gumana ang loop sa ikatlong pagkakataon. Dahan-dahang tumigil ang loop. Dismayado pa rin ang mga tao dahil sunod-sunod ang Cut Out. To the point that they already declared this day as doom's day for Clock Out. But when the loop stopped and one of the Triad was displayed on the big screen, everybody on the house gone wild and cheered for the next recitalists. "Oh, no!" DJ Duckie shrilled in surprise, too, as he announced the sudden turn of events. "Superstars! Put your hands together for the one and only Kaharayan!" My hand landed on my mouth when I confirmed I wasn't only hallucinating. Umingay ang paligid, lalo na ang parte namin dahil nagsipulutan na ng instrumento ang limang lalaking bumubuo sa Kaharayan. "Go, Kaharayan!" "A sure Clock Out! Galingan niyo!" "Kaharayan para sa bayan! Break a leg!" "Para sa lahat ng mahahalay at mahaharay, Duran!" Nanginginig na ang kalamnan ko sa mga oras na iyon dahil gulat pa rin sa biglaang pangyayari. Umusog ako nang kaonti para padaanin sina Dante, Eli, Miles, at Allen. Si Ezra naman ay nasa aisle na at naghihintay na lang din sa tabi ko. I gasped when he moved a bit. Rinig ko ang pagngisi niya. "Let me see you cheer, Miss Michaela." It was almost a whisper. Dumadaan pa si Allen kaya napaharap ako sa kanya. "Huh?" His smirk grew wider. "For Duran. Of course. Your friend?" "Tss," was all I could say. Kahit hindi niya na naman sabihin ay iyon naman talaga ang gagawin ko. Pagkalagpas nila sa akin, muli silang humarap sa crowd namin, nagsikindatan at kawayan, habang isinisigaw ng lahat ang kanilang pangalan. "Good luck! Ding, ang bato!" biro ko kay Dante na tinawanan niya lang. Ginulo niya ang buhok ko bago sila tuluyang umakyat sa entablado. They have a maximum of three minutes to setup. At dahil hindi nila gagamitin ang backline, dala nila ang kanya-kanyang instrumentong nakahanda na talaga para sa pagtatanghal na ito. Dala ni Allen ang sariling reggae keyboard at saxophone. Si Miles ay dala ang sariling snare na ini-install na niya ngayon sa drum set na nasa stage. Ang kambal naman, tulad noong flashmob, sila ang sa bass at gitara, stratocaster pa nga. And obviously, Dante is the vocalist and their leader. Noong una talaga, akala ko classical ang isang ito. Marunong mag-conduct, e! Man, that's a talent! I couldn't disagree to that, alright. They adjusted their time. Kinusap din nang kaonti ni Dante si Duckie at mayamaya, bumaba ang huli para may sabihin sa mga jury. Hindi rin naman nagtagal at sinenyasan na nila ang mga ito na magsisimula na. Sumenyas din si Duckie ng okay, hudyat na ng pagtatanghal. Napailing ako, ramdam na naman ang pasabog ng Kaharayan dahil umpisa pa lang, parang alam ko na ang tutugtugin unang linya pa lang ni Dante. "Halina't sumayaw sa ilalim ng araw. Maghawak-hawak ng kamay," aniya sabay taas ng dalawang kamay at pinagsalikop sa ere. "Isigaw nang sabay-sabay... Kapayapaan!" Kinuha niya ang mikropono mula sa stand at tinutok sa banda namin. Hindi ko inaasahan na alam na agad ng ally ang gagawin. "Kapayapaan!" sabay-sabay nilang sigaw. Muling tinapat ni Dante ang mic sa kanya ngunit patuloy pa rin na nasabay ang mga kasama ko. "Kapayapaan, kapayapaan. Mula sa Kaharayan para sa bayan." If I was surprised with their improvisation, I was more surprised when their logo was flashed on the big screen the same time the smoke from the machine functioned. Kapayapaan, huh? Humalukipkip ako at napanguso. Now I get it. This comes with a purpose, doesn't? They sure know how to voice out their advocacy. That's very impressive.     "Kulay man nati'y magkaiba, Mundo natin ay iisa. Maghawak-hawak ng kamay. Isigaw nang sabay-sabay..."     "Kapayapaan!" pagsabay ng madla sa kanila. "Kapayapaan! Mula sa Kaharayan para sa bayan!" That performance may be a secret attack and message for someone up there, but they did a very good performance. Nakisabay ang mga tao kahit hindi ally ng Kaharayan. Dahil upbeat ang piyesa, hindi naging mahirap para umindayog ang mga tao sa musika habang sinisigaw ang kapayapaan. Sa huli, it was a Clock Out. Kaharayan got a perfect 100 with no surprise. Halos dumagundong na ang buong quadrangle nang sumigaw ang lahat ng "Clock Out" at nagsitalunan ang Kaharayan sa entablado. Kung ganoon na kaingay hindi pa man nakakabalik sa puwesto rito, halos madurog na ang lupang kinatatayuan namin nang dumating na sa wakas ang Kaharayan. Agad nagdiwang ang lahat sa tagumpay nila. "Wala talagang kupas!" "Kita niyo 'yung mukha noong isang jury? Na-feature pa sa screen! Halatang pro-Madrigal!" "Ang gagaling niyo leche kayo!" "Ang gagwapo! Pa-kiss nga!" "Pa-kiss daw, Mich?" tawa ni Miles. Agad siyang tinulak paalis ni Dante at pinadaan na sina Allen. Wala na rin namang nagawa si Miles kahit puno pa ng panunukso ang buong paligid dahil sa ginawa niya. I just gave them a flat face and narrowed my eyes playfully. Kalaunan, nakitawa na lang din ako. "Daan ka?" Napabaling ako kay Dante na ngayon ay kausap na si Ezra. Umiling ang huli at hinila ang isang silya patungo sa tabi ko. "I was here, too." Napaiwas ako ng tingin nang sumulyap siya sa akin. Problema nito? "Are you proud of me, Darna?!" si Dante nang nakapunta na sa puwesto niya. Nagkibit ako ng balikat. "Not bad." "Not bad ka dyan!" histerikal niyang anang. Binuka niya ang magkabilang braso niya. Ayos lang naman. I'm comfortable enough to embrace Dante. But before I could even near Dante, someone from behind cleared his throat to remind something. "Duran..." makahulugang saad ni Ezra habang naninimbang ang tingin kay Dante. "I don't know, man. This is too much," he just replied and motioned me to sit down. Meanwhile, I sported a scowl on my face when I turned to Ezra. "What's your problem?" mahina ngunit mariin kong tanong sa kanya. Umupo na rin ito at humalukipkip na humarap sa entablado. "Just saving tons of people, Miss Michaela. No room for another mistake." Hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin ngunit hindi ko na lang inabala pang mangulit tungkol doon. Nagkakatuwaan pa rin ang ibang kasama habang kaming tatlo rito, ramdam na ramdam ang tensiyon sa paligid. Pagkatapos ng Kaharayan, isa na namang banda ang isinalang. Nagtuloy-tuloy ang suwerte. Clock Out din kasi ang sumunod na recitalists kaya umingay na naman ang paligid. Mukha pang gusto rin ng mga tao ang bandang iyon kaya todo suporta sa kanila. After that, the loop put into life again for the last recitalist to go on stage. The loop was composed of Damgeen students' headshots and brief information about them. I was well aware that all bona fide superstars are included to this event. Also, I thought that every student has its own headshot for the loop. Mayroon din kasi akong pinasang ganoon nang pumunta ako sa admission para sa requirements. Kaya siguro, doon kinuha ang akin. Pero sa ikinagulat ng lahat, tumigil nang dahan-dahan ang loop. The crowd was a tad tensed, excited, and cheerful combined for an emotional cocktail when out of a sudden, all those emotions were replaced by a dominating one. Confusion. Siguro dahil hindi pa naman lahat ng taga-Damgeen, pamilyar na sa pangalang naka-display sa screen. Lalo pa at literal na pangalan lang iyon. Mas lalong natahimik ang mga estudyante. Pero hindi ang grupo namin at iilang estudyante rin sa iba pang parte ng quad na nakakakilala sa pangalang iyon. "Disclaimer, superstars!" sulpot ni DJ Duckie sa gitna ng stage. "The management would like to inform everyone that this student has still no headshot for the loop since he is a new student. Thus, his application is still freshly processed. But aren't you excited and curious who he is?!" Klase-klaseng tanong at reaksiyon ang ibinato sa host. Samantala, parang kitikiti na ang mga babae sa grupo namin. Hindi mapakali at kating-kati na. "Oh, my gosh! I can't believe this is happening!" "It must be our lucky day! Akalain mong masasalang agad sa Clock Out!" "The long wait is over! Tawagin na 'yan!" DJ Duckie relented the crowd and was able to tame the wild house. "Alright, alright! So without further say, give someone a big hand! Klavier!" Napatakip ako ng parehong tenga nang sabay-sabay nagsitilian ang mga babae. Imbes na makita agad ang nangyayari sa harap, napapikit pa ako dahil lalong lumalala ang pagtibog ng utak sa loob ng bungo ko! Can't these girls hold their horses for heaven's sake?! My goodness! "Ano 'yan? Sayang naman!" "Bakit balot na balot? Pero pwede na rin! Pogi!" "Those lips! I can die for those lips! See that jaw?!" "Pero sayang pa rin!" "May tattoo?" Perplexed with the diverse comments from the people around, I rose from my crumple and witnessed the man of their reactions. I saw a majestic body built flaunting at the stage. How old is he? 18? 19? Then if he is, then his body definitely not depicts his age! But the most strange about him is his attire. Iyon ang dahilan ng pagkadismaya ng mga kasamang babae. The guy's wearing a simple black shirt and faded jeans. But with a black cap and wayfarer! Nalaglag ata ang panga ko nang napagtantong pamilyar ang lalaking nasa harapan. Correct me if I'm wrong, but isn't he... the guy beside the stage earlier? That strange guy? That's Klavier?! Natameme ata ako habang pinagmamasdan itong iniiwas ang mikropono para kausapin nang pormal ang host. Sa kabila ng samu't saring komento ng mga tao buhat ng pagkalito, nangingibabaw pa rin ang pagkahumaling ng mga estudyante sa matangkad at makisig na lalaking nasa stage. That's Klavier?? Pang-ilang ulit ko na atang tanong iyon sa sarili habang sinusuri ito na kasalukuyang ina-adjust ang orasan para sa duration ng gagawin niya. His broad shoulders moved up and down as if he took a deep breath before turning to face the crowd. He stepped forward to the center. Nagpalakpakan ang mga tao. I narrowed my eyes when he lifted his hands to reach the microphone stand. He's really inked! Hindi man malinaw mula rito pero sigurado ako sa nakikita ko. On his right forearm, there's a series of symbolic geometrical patterns. Mostly composed of squares and other angled lines. Minimalistic and in vertical form on his forearm, almost reaching his wrist. I thought when I heard earlier he got a tattoo, I'd be turned off. But it turned otherwise. It looked so virile to me. The protruding veins on his wrist and forearm added a share of aesthetic to it. I hate to admit but... it looked manly, masculine, and... deep. Because I figured out that it's actually a cipher when he moved his arm and it became more vivid on my eyes. What's the meaning of those minimalistic figures? Still reminded about the meaning of his name, I glanced at the grand piano beside him. But to my surprise, he placed the microphone he's holding to the stand and settled, waiting for the minus one to play. Minus one! So he's not going to solo a piano! He's not a pianist! Nakakapanibagong tumahimik ang mga tao nang nagsimula nang tumugtog ang piano instrumental sa minus one na hinanda niya. He looked relaxed and mysterious standing behind the microphone. Because his eyes were covered with his shades, I couldn't read his emotions. Dahil hindi katulad ng grupo nila Bridgette, ilang hilera pa ng upuan ang pagitan namin sa entablado kaya medyo mahirap ding maaninag. However, with the help of the big screen, the audience were able to see him properly. I could say that, that Klavier has a nice skin. Tama nga ang narinig ko mula sa iilan. He has well-sculptured jaw line and good lips. Matangos din ang ilong at mukha pang may halo na lahing banyaga. But that's when he wasn't still singing. And when he does, the world seemed to stop to give him the spotlight.         "I thought sooner or later, The lights up above Will come down in circles and guide me to love."     With his smooth and pleasant tenor voice, it felt like an angel passed everyone by, feeling and enjoying the performance of the mysterious man on the stage. I wish I was just overreacting. But I wasn't.      "Fall on me with open arms. Fall on me from where you are."     If I were to see his whole face, I would like to think that his eyes were closed. In order to sing that heartfelt, one must've the emotions to feel. And I could say that... he's perfectly doing it.  "Fall on me with all your light, With all your light. With all your light."    If everyone was already astonished by the preceding parts, I was more impressed now that he sang Andrea Bocelli's part. Ganoon din ang karamihan sa nanunuod. I could feel the shivers down my spine, tumitindig ang balahibo sa naririnig. That Klavier. He... He just pronounced every word with impeccable diction and stress!     "Presto una luce ti illuminerà Seguila sempre, guidarti saprà Tu non arrenderti, attento a non perderti E il tuo passato avrà senso per te."     Everyone was so damn speechless. He even sang better version than the Bocelli's because of his improvisation and tenor techniques!    "I close my eyes and I'm seeing you everywhere," he sang flawlessly. Kulang na lang ay lumutang na siya sa ere sa sobrang emosyon na ipinapamalas. He moved his hands as if he was pushing a force for the next lines. Kitang-kita na seryoso at dinadama ang pagkanta. While I'm watching him fiery with his passion, I was suddenly ashamed of... neglecting mine. "I step outside, it's like I'm breathing you in the air. I can feel you're there..." Nang natapos ang kanta, halos lahat ng nakaupo kanina na hindi man lang tumayo simula nang magsimula ang Clock Out, tumayo na sa pagkakataong ito. "Clock Out!" Napaulanan ito ng papuri at bati mula sa mga jury. In exchange, he just raised his hand shortly and bowed a bit for courtesy. Saka na siya bumaba ng entablado, wala nang kung ano-ano pa. "I told you! Bukod sa pogi, talented, ano?" rinig kong pagyayabang ni Melisma sa mga kaibigan, animo'y bilib na tama ang mga kuwento niya. I didn't move an inch. But my eyes were stuck to the mysterious man egressing the stage. I want to protest for what I've heard though. Melisma wasn't totally correct with everything. She missed one part. I expected someone near Beethoven or Mozart, thinking he's a pianist. But based on his performance, Damgeen has an instant Bocelli. All my life, I preferred baritone. I considered it as the most handsome voice or range for boys because... everytime Emman spoke in his low and sexy baritone, it felt like I was being lulled. But I didn't expect that tenor... Napalunok ako at kumirot ang puso sa naiisip. Am I betraying Emman if I admit... that tenor is my new favorite now? I'm sorry. I-I don't know. But for sure... it is tenor now. • • • • • • • • • • • •          ɴᴏᴡ ᴘʟᴀʏɪɴɢ: KZ Tandingan, Kritiko - Raise Your Flag Tropical Depression - Kapayapaan Andrea Bocelli, Matteo Bocelli - Fall On Me ──────|─────────── |◁              ||             ▷| ∞            ↺ April 25, 2020
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD