Chapter 15

4419 Words
Memorabilia The next music class was about classical music in Mozart's. Dahil lutang pa rin sa mga nangyari, parang dumadaan na lang sa hangin ang mga sinasabi ng Maestro. In the end, I only got an additional three points for my plarameter. Panay pang-aasar ang natamo ko nang palabas na ng silid. Wala naman akong balak na pansinin ang mga iyon. Tanging nasa isip ko na lang ay ang pag-uwi at kung paano itatago ang masaklap kong braso. Should I cover it with my crossbody bag? Maaga pa naman at wala pang dapit-hapon. Pero kasi nitong mga nakaraan, napapadalas ang pag-uwi nila nang maaga galing trabaho. Si Hilary naman ay mayamaya pa. Pero kung makikita, paniguradong isusumbong ako. I tsk-ed. Kung hindi ba naman lapitin ng disgrasya! Kairita. Paano pa mamayang dinner? Mahigpit na patakaran sa mansiyon na laging sabay-sabay sa hapunan. How could I eat without them noticing my bandage? Should I remove it for a while? My goodness! Dahil nasa ikalawang palapag ng gusali, hindi ko masyadong iniisip kung ano ang kaguluhan sa baba. There's a small commotion. Nakapalibot sa malayong parte ang mga estudyante ngunit ang tanaw, nasa bukana ng gusali. I excused myself. They're too enticed about something that they didn't notice it was the hideous Michaela Singh who passed them by. I silently thanked the reason of the crowd's unknown entertainment. But damn, it was short-lived. I was peacefully walking by the corner when a girl shrilled loudly. "Tingin naman kasi, PRIMO!" Halos matapilok ako dahil sa nabanggit na banda. They're here?! Agad-agad kong hinanap ang kinaroroonan ng banda. Now it makes sense. Ang tanawing nasa hamba ng gusali ay ang magkakabandang iyon. Abala sa pag-uusap ngunit nang nalingat ang tingin ng pianist dahil sa sumigaw, nahagip ang gawi ko at may binanggit sa mga kasama. Dahil doon, nagsilingun silang apat sa bahaging ito. Binilisan ko ang paglalakad doon kasabay ng pagmartsa ni Rave Jackson sa dulong bahagi ng dinadaanan ko para sumalubong. I groaned inwardly. Ang kaninang pinasasalamatan na dahilan ng kaguluhang ito ay kinasusuklaman ko na agad ngayon! Lalo na at mukhang tama ang hinala kong ako nga ang pakay ng mga tukmol na 'to ngayong nakaabang na sa dulo ng sidewalk na tinatalunton ko. Darn. It's either I climb to the barriers on my sides, go back, or go meet them. Tinanaw ko silang naghihintay sa paglapit ko. I glared at them, especially at Rave Jackson. Tumalikod ako at napagpasyahan nang bumalik na lang at sa kabila na dadaan. But to my surprise, it was blocked by the swarm of rubbernecks, looking very antsy to break my bones in case I join them there. "Maddison!" the evil now spoke. Napatingala ako at wala nang nagawa kundi ang bumalik sa direksiyon kung nasaan sila. Napatigil si Rave nang makitang ako na mismo ang lumalapit. I almost stomped my feet for every step I made. Nakakapagtaka na wala sa bokabularyo nila ang privacy at lowkeyness. Bagay na kahit papaano'y nirerespeto sa akin ng Kaharayan! Damn this Virtuosos and that Genius! Why am I suddenly involve with the Triad again? Ah. Because my life's a f*****g TV series. "Hey! Sorry kung pinilit namin itong si Rave na isama kami. We just want to introduce ourselves!" bungad sa akin noong bokalista na may nakakairitang ngising nakapaskil sa mukha. "I'm Punk! So you can call me Daddy," dagdag pa niya sabay lahad ng kamay. I rose my brow to Rave Jackson who's boringly crossing his arms on the side. Umismid ako sabay balik ulit ng tingin sa nakangising lalaki. "I'm not interested." "Me, too!" sambit niya habang may maligayang ngisi pa rin. "Mahirap na..." Kumunot ang noo ko. Lalo na at may pagsilip pa sa lalaking nakahilig sa barandilya. I narrowed my eyes to the guy in front of me. Ilang beses kaya itong iniri ng nanay niya? Dahil naramdaman niyang hindi ko naman tatanggapin ang kanyang kamay, binaba niya na lang iyon at gumilid para ilahad naman ang dalawa pa nilang kabanda. "Since our friend here is not fond of introducing his friends, I'll do it for him," he said, pertaining to Rave. "This is our incredible pianist, Irah," tukoy niya sa isang lalaking may inosenteng mga mata, mukhang kuryoso sa lahat ng bagay sa mundo. Sa kanilang apat, ito lang ata ang may matinong pag-iisip. "Hello!" ngiti nito sa akin bago ilahad ang kamay. Tinapunan ko iyon ng tingin at nagdalawang-isip kung tatanggapin ba. "Oh! Okay," tawa niya nang naalala siguro ang masaklap na nangyari sa kanilang bokalista. "It's okay!" Bahagya akong napanguso at tumikhim na lang. Pwede naman, e. Mukha namang maayos pero... okay. Ramdam ko ang nanunusok na mga tingin ng ibang estudyante sa akin, pilit nakikisawsaw sa mga usapan sa paligid tungkol sa nangyayari. Dahil doon, muli kong nilingon si Rave na nakatingin lang sa akin. As if he was able to read what's on my mind, he shifted his gaze to the uninvited audience and rose from the wall. "Can you f*****g piss off?" salubong ang kilay niyang pagdedespatsa sa mga estudyante. Natahimik ang paligid bigla. Ngunit nanatili pa rin pagkatapos noon, medyo may pag-aalinlangan pa. "Bingi ba kayo? Sinabing alis!" mas tensiyunado na niyang waksi. Dahil doon, sa isang kisapmata, naglaho na parang bula ang lipon ng mga tao. "Are we done? Can I leave?" Ilang sandali pa, lahat ay napabaling sa tahimik nilang kabanda na para bang ilang sandali na lang, handa nang wasakin ang gusali dahil sa iritasyon sa mundo. Ignoring how sinister the guy looked like, the vocalist named Punk tapped his back and pointed him before looking at me. "This is Morgan, our savage drummer. You might wanna play with him sometimes. Masayang kalaro ito!" "No, thanks," agad kong tugon, napapailing pa. "Tss," the guy hissed before pushing Punk and left just like that, without anymore adieu. Oh-kay? What was that? Is he usually like that? Inayos ko na lang ang nakasakbit na crossbody sa balikat ko. "Pagpasensiyahin mo na, Dangerous Woman. Ganoon talaga 'yon!" Punk dismissed the surging thought in my head. Inismiran ko ito. "I have a name. It's Michaela Singh." His face beamed in success. "At last! Told you, man. I can make her," Punk then nudged Rave teasingly. Sinapak naman iyon ni Rave at binaba na ang tingin sa aking braso. "Nah. It's not her real name," he countered. "Huh?" pagtataka ng kanyang kaibigan na inignora niya na lang. He neared me and grabbed my left wrist. Sinimangutan ko siya ngunit humarap din agad sa dalawa pang kaibigan na kasama. "We have to talk. Mauna na kayo." "Alright, bro. Hintayin ka na lang namin." Kinalabit noong pianista ang balikat nito. "Bilhan ko lang ang kapatid ko ng pagkain, Punk." "Shh! Tara, sama ako." "Eh? Basted ka na doon, 'di ba?" "Hangga't may buhay, may pag-asa, Irah!" Nauna pa silang umalis sa amin nang magkaakbay. Weird. I can't sense the motive for Kaharayan's grudge to them face-to-face. Well anyway, who am I to judge? Sabi nga nila, you can't judge a book by its cover. Mukha mang ayos ang dalawang iyon, ang dalawa pa ay kahina-hinala nga naman sa kalupitan. Or may be not. Maybe it's the other way around? Kung sabagay, that Punk could also send me chills to the bone marrow. Samantalang ang isa naman, nakakatakot ang pagkainosente ng mukha. Baka pa nasa loob ang kulo. Teka nga. Ang hirap at nagi-stereotype na naman! Pero stereotyping pa ba 'yon gayong sinaalang-alang ko na rin ang iba pang anggulo bukod sa panlabas nilang anyo? Leche. I tore my eyes off them to face Rave Jackson. Pakiramdam ko tuloy, masyadong mahaba ang araw na ito para sa akin. I feel exhausted. I just want to rest. "Anong pag-uusapan natin? At bakit kailangan pa ng ganoong eksena?" Rave brushed his hair using his hand before he sighed. "Chill, girl. They just want to meet you. Iniwan natin kanina kaya nagpumilit," pagrarason niya. "Guess whose fault is that?" I said sarcastically. "I'm your friend that's why-" "Bakit ba pinipilit mo na kaibigan kita. E, hindi naman?" inis ko nang sumbat. "You're trying too hard. What are you doing?" Rave Jackson closed his eyes firmly and pressed his nose. Para bang siya pa ang stress na stress sa nangyayari ngayon. "What made you think I'm doing this for something else?" he asked darkly. Napalunok ako at bahagyang nagambala. Ngunit hindi ko iyon pinahalata. Nagawa pang ngumisi kahit ang totoo, medyo nablanko ako roon. "You hate me for a second. Then you want to be my friend the next?" I tried to put some sense to him. "Bawal ba iyon?" timbang niya rin sa akin. I brushed my hand on my face frustratedly. "I don't get it!" "Gusto lang makipagkaibigan, Maddison. At isa pa, nasa iisang subdivision naman tayo. Is it wrong to make friends around the neighborhood?" "Yes! Pagkakaisahan lang ako ng mga fans mo! How insensitive! Hindi mo ba nakikitang maiinit ang dugo sa akin ng tao rito? Dinadagdagan mo pa sa paglapit sa akin! At ano pang sasabihin ng girlfriend mo?" Rave Jackson groaned impatiently. "I told you, Bridgette is not my girlfriend. I don't do girlfriends..." Bahagya siyang napailing, animo'y nahihirapan na sa mga salita. "At kailan mo pa inisip ang iisipin ng iba?" Natawa ako. Hindi dahil natutuwa sa kahibangang ito kundi dahil hindi makapaniwala sa paratang niya sa akin. I pushed his shoulder in distress. "Who are you to say that? You don't even know me, Jackson." His eyes then pierced through me. "Maybe it's the other way around, Michaela Singh." For a moment, I felt a sudden chill on my spine. I must admit, that caught me off guard. Ginamit niya ang pagkakataong iyon para muling magsalita. He stepped forward, never leaving the eye contact. "Why did you do that?" It was his turn to ask. Napakurap ako at pilit na hinanap ang kamalayan na medyo dumulas ata. "What?" I asked in perplexity. He licked his lower lip and eyed me intently. "A while ago in class. And even the first day at Show It. Why were you acting like you can't sing, hmm?" He crouched a bit and leveled his eyes on me. Napaatras ako. Ngunit dahil makipot lang ang daanang ito, agad kong naramdaman ang malamig na rehas sa likod. "I don't know what you're talking about. H-Hindi naman talaga! I only do strings!" "Yeah?" He smirked menacingly. "Coming from the girl who didn't even go through the audition and screening, huh? But still enabled to enroll in Grade 12? You must have had superpowers then." I was stunned for a while. Hindi ko na nasusundan pa ang mga sinasabi niya. Tuloy-tuloy na para bang kung hindi pa niya nagawang kontrolin ang sarili, marami pang gustong isatinig. We just stayed like that, staring at each other, as if we're both mysteries for each other that needs to unveil. "Rave?" Bridgette Madrigal broke in. Nagtagal pa nang ilang sandali ang matamang titig sa akin ni Rave Jackson bago tuluyang umayos ng tayo at balingan ang kasintahan. Tinanggi na niya nang ilang ulit ang parteng iyon, pero minabuti ko na lang na panatilihing ganoon ang tingin ko sa kanilang dalawa. If they're not really in a serious relationship, then there's no difference to think that they are in case they're just flings. "Bridge..." "Why are you together?" makahulugan at nang-aakusa niyang wika habang palipat-lipat sa amin ang tingin. I sighed problematically. "Aalis na ako." "No! You'll stay here. Why are you with my boyfriend?" I took a glimpse at Rave and smirked meaningfully. Hindi pala girlfriend, ha? Animo'y nakuha ang kahulugan noon, pagod siyang umiling at hinablot ang braso ni Bridgette, dahilan para malipat sa kanya ang atensiyon nito. "I told you we're not, Bridge," mariin niyang sabi rito. The girl looked shocked and tensed. "What are you saying? You just told me how special I am to you! You even initiated to call me babe!" I suppressed the taunting simper by biting my lower lip and covering my mouth. However, Rave noticed it and glared at me. To divert my attention, I just gazed at the girls at the back who happened to be Bridgette Madrigal's toys s***h bandmates. "I don't remember anything like that," si Rave, patuloy pa rin sa pagkontra. Amnesiac, eh? Napatikhim na lang ako nang sumama ang tingin sa akin noong tatlong babae, lalo na ng kaklase kanina na si Fribella, ang Ibong Adarna. Rinig ko ang pag-ungot ni Bridgette. Tuloy, muli akong napatanaw sa pagtatalo nila. "Rave, please! What are you-" "Where's Bria?" Rave chimed in. Napaawang ang mga labi ko nang narinig iyon. "I don't know! Bakit ba sa akin mo lagi hinahanap ang paslit na 'yon? Please, I'm not her babysitter!" "She's your sister." My eyes were molded into big circles. Tama ba ang narinig ko? Ang lampang bata na iyon at ang babaeng ito, magkapatid? Huh? Kumunot ang noo ko, kasukdulan na ang pagkalito. So does it mean, that butterfingered is a Madrigal, too? Pero bakit parang aping-api sa lugar na ito kung makapagsalita at tratuhin ng ibang estudyante? Inalala ko ang mga litanya niya sa akin noong nakaraan at kanina. She said I would also hate her once I got to know her identity. Maaari bang magkapangalan lang ang kapatid ni Bridgette at ang lampang batang iyon? Hindi malabo. Pero gaano ba kaordinaryo ang pangalang Bria? Because the Bria I knew, she said... she's the unwanted one. If ever she really is Bridgette Madrigal's sister, does it mean... she's the unwanted child? At bakit naman? Iyon ang gumugulo sa isipan ko habang pauwi na. Dahil doon, nawala na sa isip ko ang sugat na agad napansin ng mga magulang pagkapasok ko pa lang ng mansiyon. "Edward! Edward!" iyon agad ang sigaw ni Mommy nang natalunton ang bandage sa braso ko. I dropped my bag on the couch and sat down. Inilingan ko si Mommy, ipinakitang hindi na kailangang gawing big deal pa ito. "Where did you get that? Oh, my gosh!" she hysterically thundered then tried lifting my arm to examine it. "Mich!" she even added furiously, now that she finally checked it. I sighed. Sumandal na lang ako sa inuupuan at hindi na muna nagsalita pa. This day is exhausting. Ang pag-upo ni Mommy ay siyang pagdating naman ni Daddy, kasalukuyan pang sinasabit ang gamit na salamin sa kuwelyo habang puno ng pagtataka ang histura. "Ano ba iyon, Sandra?" tanong ni Daddy bago pa man mapansin ang braso kong hawak ni Mommy. I peeked at him while still leaning supinely on the couch. Agad nakarating si Daddy sa harapan namin at mariin na ang tingin sa braso ko. "Mich! Explain this!" si Mommy. Lumipat ang mga mata ni Daddy sa amin bago tuluyang suriin ang histura ko. I sighed again and rose from my seat. "What happened to that, Michaela?" Daddy interrogated critically. Mapanganib na ang boses ngunit mahahalata pa ring nagtitimpi pa, tila ba isang kalabit na lang ay sasabog na. Tinawa ko ang tensiyong nararamdaman, bagay na lagi kong ginagawa para lusutan ang mga bagay-bagay. "Please, calm down. Wala po ito. Uh... N-Nadisgraya lang." "You know you're not a good liar, Mich!" puna ni Mommy kaya napapikit ako saglit. Dad reached for my arm and just like Mommy, he studied it, too. Kung pwede nga lang tanggalin nang mabilisan ang nakatakip doon para makita niya, gagawin niya siguro. "Umamin ka, Michaela. Sinong may gawa nito?" mas istrikto nang tanong niya. "Tss," iwas ko ng tingin. "Aksidente lang naman, Dad-" "Sino ang gumawa nito, Michaela?" I pursed my lips. My heart was in my mouth and I needed to close it just so I could hide my uneasiness. "It's no big deal and I can-" "Michaela Singh!" Napasinghap ako. I tried pushing my luck but to no avail. For the past decade, they watched me grew up. They know me too well that I can't lurk my secrets into the shadows for so long. I looked at them with a worried face and smiled unbelievably. How could I even betray these people? Imbes ata na nerbyusin sa kasalukuyang nangyayari, ngayon ko pa talaga naisipang magliwaliw sa mga pagkakataong pinamalas nila ang kabutihan sa akin. "May nakasanggi lang po ng gitara. So technically, 'yung gitara po ang may kasalanan." I smiled to assure them. Pinagpahinga muna nila ako sa kuwarto. Hinatid din ni Manang Tina ang merienda at pinalitan ang dressing ng sugat ko. Nakatanggap pa tuloy ako ng sermon maging sa kanya. Napanguso ako habang tinuturuan niya ako sa paglilinis at pag-apply ng ointment bago balutan. "Hindi ito simpleng sugat lang, hija. Kailangan linisan nang mabuti kung ayaw mong maimpeksiyon," aniya. Ayaw ko pa rin maniwala na ganoon kalala iyon. These oldies were just too worried so scaring me would be their resort. Totoo nga namang naalikabukan iyon kanina. Pero nalinisan na rin naman. Naalala kong wala nga pala sa plano ang pagpapagamot nito kanina. Kung hindi dahil sa Jackson na iyon, malamang hindi talaga ito malilinisan agad. Somehow, it's good of him. Susuka nga lang ako ng bahaghari bago magpasalamat doon. Heck. He's harassing me earlier! Parang nakakatakot din biglang makisalamuha sa doon dahil katulad ni Maestro Dulcet, mukhang may ideya na rin na nagpapanggap lang ako. I can't just watch and sit here while everything falls into a mess because of that nosy guy. "Anong nangyari?" "Walang nasagot, Sandra. Kailangan na nating makausap bago pa lumala 'to!" "Then what should we do?" Nadaanan ko ang room ng mga magulang nang napadesisyunan ko nang bumaba para sa dinner. Tumigil ako at kinatok ang pinto nila na medyo nakaawang. Akala ko kasi nasa baba na sila. "Hindi pa po ba kayo bababa?" Natahimik bigla ang loob. Mayamaya pa, tuluyan nang bumukas ang pinto at kapuwa silang nagpakita roon. "What are you doing? Nag-aaway ba kayo?" I curiously asked. Umiling si Mommy. "No, hun. We're just... calling your school." "For what?" Nagsalubong ang kilay ko. "This is bullying, Michaela," si Daddy na ang sumagot. "No one's answering the phone. Hindi ko na kayang hintayin lang na lumala pa ito kaya bukas na bukas din, pupunta kami sa school mo." Napatingin sa kanya si Mommy, para bang maging siya ay hindi rin inaasahan ang naging desisyon ng asawa. "But, Dad! I told you there's no need! I can handle!" "Huwag na matigas ang ulo, Mich..." segunda naman ni Mommy nang nakaharap na rin sa akin. Nagtulungan na sila at kahit anong pilit kong kumbinsihin sila na ako na lang ang bahala, hindi na nila pinapakinggan pa. "Narinig na namin 'yan, anak. Pero ano? Umabot na sa ganyan!" Hindi ko sigurado kung allowed ba na basta-bastang may bumibisitang magulang o guardian pero pagkarating sa Damgeen kinabukasan, isang sambit lang ng pangalan sa guard at sa radyo noon, pinapasok na agad ang family car namin, animo'y isang makapangyarihang susi para pagbuksan ng tarangkahan. Well, they tried calling the admin so maybe the authorities have already expected their arrival. Pagka-park ng sasakyan, sumunod sila sa akin. Kasama pa ni Dad ang assistant niya kaya naman mas kapansin-pansin sa paligid ang hindi pamilyar na mga bisita. "Nasaan ang offices dito, Mich?" tanong ni Dad sa kalagitnaan ng pag-uusap nila ng assistant na kasama rin namin. Mukhang hanggang dito ay dala pa rin sa trabaho dahil hindi maiwan-iwan. "Doon po sa gitna. Katapat ng auditorium." Panay ang suyod ng tingin ni Mommy sa paligid, mukhang mangha rin tulad ko sa mga nakikita. I hummed a bit. She smiled at me when she caught me staring. "The school looks a lot more majestic than the pictures," she lowkey praised it. Tumango na lang ako dahil sa naiisip. Naisip ko kasi, wala rin kung maganda nga at kompleto sa establisyimento kung suwail din naman ang mga tao. The surroundings felt a tad tamer than usual. Walang nagtangkang lumapit, taliwas sa pang-araw-araw kong tinatamasa rito. Kahit si Dante na kasama ang iilang kaibigan at taga-SOLMA, tanging tanaw lang din ang nagawa habang tinatalunton namin ang daan patungo sa mga opisina ng admin. I can't blame them though. With Dad's rigorous expression with a hint of disgust while scanning the crowd, he looked very intimidating and imposing. Hindi pa biro ang laking tao nito. Nagmumukha tuloy alalay ang kasamang patpating assistant sa likuran. Plus, Mom's sophisticated taste in fashion made her look like a model in her past life. Natawa ako sa paglalarawan kay Mommy. In her past life talaga? "Sasama ka pa ba sa amin, Mich?" tanong niya. "I still have classes to attend to, Mom. Mauuna na ako." Nandito na kasi sa tapat ng executive building. They can surely find their way there without my help. Ngumiti sa akin si Mom habang papalapit naman si Daddy sa amin. "Study well, okay? Ramp that cute uniform of yours. That suits you well, honey." I cringed. "Whatever." "Kami na rito. Message us if you're able to attend your classes peacefully," bilin ni Dad. Tumango na lang ako at humalik na sa kanila bago pa man humaba ang usapan. Habang nasa kalagitnaan ng pagpapaalam sa mga magulang, agaw-pansin naman ang kuryosong mga mata ng iba pang kaeskuwela. Binalewala ko na lang ulit iyon at pumanhik na. Sa totoo lang, may bakanteng oras pa naman bago ang unang klase kahit papaano. Pero kailangan ding magmadali dahil parang may mali sa uniform ko. Pagkarating sa restroom, tinanggal ko muna ang suot kong kuwintas. Lumayo ako nang kaonti sa salamin para mas makita ang kabuuan ng uniform ko. Lagi kasi akong komportable naman tuwing sinusuot ito, ngayon parang may mali ata ako sa pagkakasuot. I put my hands on my waist and studied my reflection. Tinanggal ko rin nang kaonti ang pagkakabutones ng sleeveless blazer kaya saka ko lang natuklasan ang mali. Palpak ang pagkakabutones ko sa blouse, nalaktawan ang isang butones! Ano ba 'yan! Dismayado kong inayos iyon at saka na binalik ang pagkakaayos ng blazer, hindi na sinarado pa at hinayaang hindi na nakabutones. Medyo mainit na rin kasi. Kung hindi lang required, itong puting blouse na lang talaga ang susuotin ko, e. Buti na lang at air conditioned lahat ng room. Kung hindi, naku! Pinulot ko na rin ang necklase sa lababo at pansamantalang hinawakan muna dahil nagsisipasukan na sa loob ang iilang babae. I don't want a restroom drama first thing in the morning. Well, kung makikipag-away ka na lang din, bakit mo pa pipiliin ang banyo, hindi ba? Where's my class? Speaking of class, I swiped my plarameter while walking. Kahit kasi ilang linggo na rin, hindi ko pa gaanong kabisado ang schedule dahil iba naman ang curriculum. Kailangan pang i-adjust ang buong sistema para dito. Tumunghay ako sa dinadaanan at medyo nilipad ng hangin ang diwa pagkatapos alamin ang lokasyon ng unang klase. Sumusubra na ba ako kung hihilingin ko na... magkalabuan ang resulta ng pakikipag-usap nila Daddy sa mga admin at pikunin sila ng mga personnel para ilipat na lang ako sa ibang school? I don't know. I'm that desperate to leave this place. Later on, I was stupefied from my trance when a group of mean girls blocked my way. Medyo malapit na sana ako sa building ng unang klase, katapat lang ng main gym, nang harangan ako. Tumigil na ako bago pa man masalubong ang humigit-kumulang sampung estudyante na patungo sa akin sa pangunguna ni Bridgette Madrigal. Mabilis kasing nadagdagan ang grupo nila para ata makiusyoso. I looked at their self-proclaimed queen. Hindi naging maganda ang huli naming pagkikita kahapon dahil inakusahan akong nanunulot ng boyfriend. Ghad! Kung manunulot na lang ako ng boyfriend, bakit ang Jackson na iyon pa? Parurusahan ko lang ang sarili ko kung ganoon. "Speak of the devil," she smirked then halted. A few people muttered their comments, but I think it's just composed of nonsensical bullshits so I won't bother caring for them. Nasa mataong lugar kami kaya hindi imposibleng madagdagan pa ang audience ng isang Madrigal, na ngayon ay mukhang aliw na aliw na sa sinisimulang palabas. Tinutok ko na lang ang paningin sa dumaang marching band, dala-dala ang malalaking instrumento at mukhang papunta sa open field para mag-ensayo. Buti pa sila. "Guess what? We just discovered something. Right, girls?" Bridgette started enthusiastically. I remained solemn. But deep inside, I was already clutching my fists, almost squeezing the silver ornament on my palm to destruction. "One time, I heard my boyfriend calling you Maddison. But just this morning, I just found out you're not." Lumapit siya lalo at humalukipkip. "Isang sampid na ampon ng Maddison?" Sa sandaling iyon, parang tumigil ang mundo ko, ngayon lang natalo sa mga salita ng babaeng kaharap. Some of them laughed. Some of them... fueled it up more, saying how pity and disgusting my life is. Though, I remained solemn. But right now, I don't know... It felt like my whole body was paralyzed with my heart hammering slowly, barely pumping my blood. "Sabagay, kung ako rin naman ang magulang at may bruhildang anak, hindi nga malabong... itakwil ko na lang." That's my c****x. I was petrified on my feet. The tick-tock sound of my time-bomb stopped. Roots started to grow onto me. Naisip ko noon, may mga tao talaga na dahil sa labis na kaligayahan at kontentong natatamasa sa buhay, nakakalimutan nang rumespeto at maging sensitibo sa mga ganitong bagay. But maybe, there are also some of the affluent people degrading other people because they are also... suffering. That they tend to forget what other people might feel because they are too busy... grieving from their own sorrows. In a split of second, I thought... I wonder which one of those two different situations does this girl undergo? "Oh, dear. Why do you look like crying? Did I hit a bull's eye?" she chuckled. "I mean, don't get me wrong. Hindi ka ba talaga mahal ng tunay mong mga magulang?" They laughed at it. They laughed at me. Kasabay ng panlalambot ng tuhod ay ang pagbagsak sa lupa ng kuwintas na hawak-hawak ko. "What's that? Hey, can you pick that up for me?" bigla niyang utos sa isang lalaki nang napansin ang nalaglag ko. My blood ran cold when I realized it was my necklace being forwarded to her. Kinuha niya iyon nang may pag-iingat, para bang nandidiri sa bagay na iyon dahil galing sa akin. "Let me guess? A memorabilia left to you from your real parents? Like those in cliché teledramas?" she taunted even more before waving it in the air. Nagtangis ang bagang ko at malalaki ang hakbang patungo sa kanya. "Akin na 'yan!" sigaw ko sabay hablot noon ngunit agad niyang iniwas. We're almost the same height, but I wasn't able to get that because she immediately threw it away. Nasalo iyon ng isa pang estudyante. Sa kanya ako tumakbo at nagpahabol naman ito, tatawa-tawa pa nang hinagis din sa iba pa. My head was already pounding real hard. May iilang pamilyar na boses na akong naririnig ngunit dahil abala pa sa pag-agaw ng kuwintas ko, hindi ko na nagawa pang pagtuonan iyon ng pansin. "Ew! I don't wanna hold any stuff from someone discarded by her own parents!" Sinadyang lakasan iyon para iparinig sa akin bago ipasa muli ang kuwintas. Muli silang nagtawanan. Lalo pang umingay nang tumigil na ako sa paghabol doon at hinihingal na lang na pinagmasdan ang kuwintas habang pinagpapasa-pasahan pa rin nila. Pinikit ko ang mga mata nang parang pinipiga na ang bungo ko. "Catch it, b***h! Where's the fun?" "Anong nangyayari dito? Michaela!" "Itigil niyo na 'yan! Hoy!" Medyo hirap na sanhi ng pagkahilo, dahan-dahan kong sinubukang imulat ang mga mata. Everything was blurry. But I still recognized Dante's figure along with some SOLMA officers. They're here. A friend... is here. I tried smiling. But for my condition, it was far-fetched. Humupa man ang mga tawanan at panunukso ng mga estudyante dahil sa dumating na mga awtoridad, hindi noon nasalba ang bigat na nararamdaman ko sa mga oras na iyon. "Michaela! Magsalita ka! Anong nangyaya-Mich!" I shook my head, barely breathing. And the next thing I knew, everything went black. But someone caught me.     April 23, 2020
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD