Chapter 27
Bad Girl
Pagkatapos noon, ilang estudyante man ang humarang para punahin o 'di kaya naman ay i-commend ang ginawa ko, umalis na ako sa quad ilang sandali pa.
SoundCheque wasn't able to follow me when I ran away without looking back. At kung may naging reaksiyon man ang Triad sa ginawa ko, hindi ko na napagtuonan pa ng pansin.
I roamed my eyes around the area as I continued walking. Hindi pa naman nagtatagal pagkababa niya ng stage dahil sumunod na rin naman kami ni Bria kaya nagbabaka-sakali akong nasa paligid pa rin siya.
Ngunit wala akong Klavier na naabutan pagkalagpas sa mga tao. Kung may nakita o naramdaman man ako, iyon ay ang kilabot na nararamdaman ko tuwing parang may nakasunod o nakamasid sa akin.
I narrowed my eyes and surveyed the vicinity. My guts told me there's really someone. But when I checked, there's no one around except for the crowd not so far away from me.
My face furrowed. Napagdesisyonan ko na lang na isalpak ang earphones habang patungo sa Neverland.
Hindi naman ako nabigo. Nakahinga ako nang maluwag dahil tulad ng inaasahan, nandoon si Klavier. Pero hindi tulad ng madalas niyang puwesto, nakahilig ang likod nito sa lamesang nasa tapat ng pisara habang nakahalukipkip, animo'y inaasahan na ang pagsunod ko rito.
I removed my earphones as I closed the door behind me. Nirorolyo ko ang kable habang naglalakad patungo roon, ramdam na naman ang tampong kinikimkim ko sa halos isang linggong pagkawala niya.
Suminghap ako pagkalagay ng earphones sa bulsa at ginaya ang pagtiklop niya ng mga braso.
Nasa tapat na niya ako. Nanatili lang siyang ganoon, tanging ulo lang ang gumagalaw para sundan ako.
"Should I welcome you back with arms wide open?" I prattled.
I frowned when his face didn't even flinch an inch. Well, I don't know. Maybe some parts of it. Only covered with his freaking disguise. Nilamon pa lalo ako ng tinanim kong sama ng loob.
"You didn't even tell me anything about your sudden absence," ani ko, umuusbong na ang munting tampong kinikimkim ko. Kaya nang napuna iyon, tumikhim agad ako at umayos ng tayo. "Well, why should I c-care, right?"
I groaned inwardly when I stammered. Again, my attempt was futile. Lalo pa akong napasimangot at nagmukmok nang wala man lang siyang reaksiyon!
My nose flared up. "After you kissed me, you ghosted me?!"
That was my last resort which I regretted right away when he rose from his position.
"Then to complete the sequence, after I ghosted you, should I kiss you again?"
My jaw slacked. He stepped closer and lowered his mask; I almost tripped on my own feet when he advanced. Napakurap-kurap ako sabay hakbang paatras.
This guy. He's driving me nuts! Tinawa ko na lang nararamdaman at pilit na magmukhang matapang. I cleared my throat. Nagtaas pa ako ng kilay.
"If that means ghosting me the next, no, thanks."
His brows furrowed. But there was a ghost of a smile on his lips.
"Who says I'll do that? For the record, I didn't even ghost you, Michaela."
I grimaced. "Apparently, that's how I felt. I-I had no idea what the hell happened."
"May kailangan lang na asikasuhin. I won't ghost you," he said like it was an insult to his ego.
Parang bigla akong tinraydor ng sariling emosyon. Biglang hindi ko na nahagilap ang tinanim kong sama ng loob nitong mga nakaraang araw. At dahil lang sa simpleng paglambot ng boses?!
My lips twitched. "Tss. What would you expect me to feel? Pagkatapos ng ano... ng nangyari, bigla kang nawala. I thought you regretted what happened. You didn't even contact me."
Klavier pressed his nose bridge problematically. "Wala akong number mo. Do you have mine then?"
Umiwas ako ng tingin. "Wala..."
Marahan niyang tinango ang ulo. Klavier shifted from his weight and stepped one closer before lifting an eyebrow.
"At bakit ko naman pagsisisihan ang bagay na matagal ko na dapat ginawa?"
Nanlaki ang mga mata ko nang akala ko, hindi na niya napansin ang parteng iyon!
My lips hung open. "Anong... matagal na dapat na..."
Dahil sa mas malalang kahihiyan na naghihintay para sa akin, napatikhim na lang ako at hindi na tinuloy pa ang dapat na sasabihin.
Ngunit hindi ko inaasahan ang idudugtong niya.
"I liked it, Michaela. And I won't ever ghost you so..." He chuckled playfully. "Can I have another one?"
I almost chocked on my own saliva in shock. My forehead creased.
"Are you flirting or starting a fight?" I fired back.
Shit. Can I request a standing ovation for that? I pulled it just fine! Without stammers! Napanguso ako, pinipigilan ang pag-angat ng dulo ng mga labi.
But because of my sputter, Klavier gave out a harsh bark of laughter.
I know he's not serious with that remark but my face can't help but to flush. In the end, I just rolled my eyes angrily but deep inside, my heart's faltering on its place.
Tumalim lang lalo ang tingin ko sa kanya nang mukhang hanggang ngayon, tawang-tawa pa rin ang bakulaw.
"You weren't supposed to laugh because I'm embarrassed!" Halos ipadyak ko na ang paa sa iritasyon ilang sandali.
He gently nodded his head but his lips protruded to suppress his smile, clearing his throat.
"Alright. I'm sorry... But don't ever do that again."
"Do what?"
"Putting yourself into trouble."
I was overwhelmed with his sudden change of tone. Naalala ko ang ekspresyon niya kanina pagkasampa sa entablado at nang harapin ako.
"Hindi ko lang maiwasan kasi... walang kalaban-laban 'yung bata."
Bumuntong-hininga siya. "Alam ko. Pero alam mo ring nasa likod mo ako kanina."
Pumait na naman ang timpla ko nang pinaalala niya pa. I lowered my head and shrugged.
"I know."
"Hindi lang kanina. Sa mga susunod pa, Michaela. Nasa likod mo lang ako."
Heat flushed my cheeks as I lifted my eyes to see him. I saw his adam's apple moved when he swallowed. And unexpectedly, he lightly pushed my forehead.
"I got your back."
I pressed my lips together and nodded. "T-Thank you..."
Kinabukasan at Biyernes, inanunsiyo sa pamamagitan ng paging system sa buong Damgeen ang tungkol sa nangyaring Ensemble Diversity deliberation kahapon. Mayroon nang napili ang mga Maestro.
Ensemble Diversity would be a set of bands composed of different students chosen from diverse musical categories with eminent talent and skills, especially those who have potentials to create a great band when combined together.
Sa Lunes pa naman ipapakita ang final list na idi-display sa big screen, ngunit kung makapagreak ang mga kaklase sa oras na iyon, parang katapusan na nila. May ibang excited, may iba namang pinangungunahan na agad ng lungkot at pangamba.
I then wondered about how others looked forward to it. Is that program that grand for them to anticipate like that? For weeks, it's been a hot topic for the students of Damgeen. Samantalang ako, hindi ko talaga mahagilap ang enthusiasm ko roon.
"By the way..."
Breaktime at nasa Neverland kami ni Klavier. Hinahanda niya ang mga pagkaing baon niya sa malaking mesa para sa amin nang bigla siyang nagsalita.
"Hmm?" I responded, not actually paying full attention because I was too engrossed with the foods he's preparing to even entertain something else.
Nasa tapat niya ako at sa gitna namin ay ang malaking table na iba pa sa teacher's table na malapit sa pisara.
Natatawa pa nga ako noong una kasi may pakandila pa siya sa table setting. Para tuloy candlelit dinner ang ginagawa namin! Nga lang, sa tanghaling tapat at sa loob pa talaga ng isang haunted room.
Ugh. This is crazy. But I must admit, I found it so touching and lowkey sweet.
Idagdag pa na mukhang mamahalin pa ang mga pagkaing dala dahil nakita ko ang mga supot noon kanina, may tatak ng isang expensive restaurant!
"Someone told me to participate in the concert," aniya habang nilalapag na ang kubyertos ko sa aking pinggan.
Inako ko na ang pag-aayos sa sarili kong plato pero napanguso ako nang iniwas niya lang ang mga kubyertos sa akin, siya na ang gumawa.
"May audition ba para makasali sa Exclusives? Ang alam ko kasi ay appointed ang sa Ensemble, e," tugon ko.
"Appointed din. Limited slots for the chosen Exclusives."
Nagsalubong ang kilay ko nang sulyapan na siya dahil doon. It's late when his first statement dawned on to me. Bumagsak ang panga ko sa pagkabigla.
"Kasama ka sa mga napili?!"
Marahan siyang tumango at pinagmasdan ang reaksiyon ko.
"Oo."
Alam kong wala naman talaga akong kainte-interes tungkol sa bagay na ito pero ngayong may kinalaman na siya roon, buong pagkatao ko ata ang humanga at naging masigasig ako bigla!
"Congrats! That's given since everybody knows you're a talented artist," ngisi ko.
I felt proud for this man and it's an honor to be his friend, having to enjoy moments with him like this.
Salungat sa ipinakita kong ligaya ang reaksiyon niya. Pinunasan niya ang kanyang kamay gamit ang table napkin at pinatong sa hita ang mga kamay.
"I don't like the offer," he said hoarsely.
My shoulders fell. "Why?"
"It's too public."
Biglang bumaliktad ang kurba ng mga labi ko pababa.
Oo nga pala. Ngayon ko lang naalalang hindi lang siya ordinaryong tao. He's hiding from the people he escaped from. He's hiding his identity to the public. That only means that joining such a public event like that is not a good idea. That might be a way for the authorities to discover and catch him. It would only be a trouble. It's too dangerous and risky.
"I understand. Anong plano mo kung ganoon?" sa hindi ko matago-tangong panghihinayang na boses.
Klavier sighed and dropped his temple on his hand, massaging it shortly.
Lumipat doon ang tingin ko at saka lang natantong mannerism na niya iyon. Dahilan para maalala ko ang isang lalaking may kaparehong kagawian din tulad noon. It's either his nose, nose bridge, or temple. Like he has to massage it to ease his stress or something.
"It depends. May hinihintay pa akong resulta," he answered vaguely.
"Resulta ng alin?" taka kong tanong.
Inangat na niya ang kanyang ulo at umayos na ng upo. Umiling siya.
"That's enough. Let's just eat. Enjoy the food, Michaela."
Napanguso ako sa naramdamang pagkabitin sa usapan pero wala na rin naman akong nagawa since nakakatakam ang mga putahe.
Sa kalagitnaan ng huling klase para sa Friday class ko, naantala ang lecture ni Maestro Lopez sa general acads nang biglang may kumatok sa pinto ng lecture hall.
Pinabuksan naman iyon ng Maestro sa kaklase naming pinakamalapit sa pintuan at bumungad ang isang SA.
"What is it, hijo?"
Umahon ako mula sa pagkakahilig sa aking puwesto at umabante nang kaonti para tignan kung sino ang pamilyar na lalaki.
I glanced at his plarameter and it's blue. He's a familiar junior high.
Kumunot ang noo ko at pilit na inalala. Where did I see him before?
"Good morning, Maestro Lopez. Sorry for the interruption but Maestro Gibs is requesting for Miss Michaela Singh to his office."
My eyes widened a fraction. That's me! And Maestro Gibs? I couldn't remember anything we should talk about to see him. May nakaligtaan ba ako?
Kanya-kanyang lingon sa akin ang mga kaklase. Ganoon din si Maestro Lopez na mukhang wala nang magagawa pa dahil under siya ng nabanggit na Maestro.
Tumango ito sa SA ata ni Maestro Gibs kaya kahit puno man ng pag-aalinlangan, inayos ko na ang mga gamit at bumaba na sa platform.
"It's okay. It's almost dismissal na rin naman at mukhang mahalaga ang pag-uusapan ninyo ni Maestro Gibs," ngiti sa akin ni Maestro Lopez nang sulyapan ko, mukha pang may ideya rin naman sa nangyayari.
Rinig ko ang munting bulungan ng mga kaklase. Hindi ko na iyon pinukulan pa ng pansin. Yumuko na lang ako bilang paalam sa Maestro at sinalubong na ang junior high na palaisipan pa rin sa akin hanggang ngayon.
We started walking down the building. I remembered him being composed and confident a while ago when he's asking for Maestro Lopez' permission. But now that we're together, he's unusually shy and timid.
Tumikhim ako, tuluyan nang nauupos ang posporo ng kuryosidad kaya nilingon ko na ang lalaki.
"You look familiar. Nagkita na ba tayo dati?" I asked finally.
He's tall, almost a couple of inches taller than me given that I'm 5"5, making him somewhere between 5"7 and 5"9.
Hindi halata na junior high pa lang pero siguro huling taon na sa junior high year kaya hindi na rin gaanong nakapagtataka.
Hindi pa man tapos ang tanong ko, agaw-pansin agad ang paninigas niya sa paglalakad at mayamaya'y napahimas sa batok, pulang-pula na ang tenga.
"Uh... This is embarrassing. But okay," he chuckled awkwardly. Sumilip siya sa akin at napapikit din agad sabay iwas ng tingin. "I'm Philip. A... self-proclaimed admirer."
My face beamed when I finally got to recall who he was.
"Philip!" I slapped my palm. "Ikaw 'yung inaasar sa akin ng mga kaibigan mo at nag-text sa akin!"
His face flushed more. "Uh... oo."
"Saan mo pala nakuha ang number ko?" I narrowed my eyes.
"Can we uh... not talk about it?" he said in a very low voice.
"Huh? E, number ko 'yun."
Mukhang nahimigan niya ang munting iritasyon sa boses ko kaya napakamot siya sa noo at hindi mapakaling napasagot.
"Pasensiya ka na. S-Sana hindi ka magalit. H-Hiningi ko kasi sa mga... kaibigan mo."
"Sa Kaharayan?"
"Uh. Oo."
I couldn't help but to smirk. "Kaibigan ko pala mga 'yon?"
"Huh?"
Nagkibit-balikat ako at tinanaw na lang ang nilalakaran. "Wala."
Dumaan ang katahimikan sa pagitan namin. Medyo malapit na rin kami sa Strings Department Building kung nasaan ang opisina ni Maestro Gibs.
"Tingin ko, naging totoong kaibigan naman ang Kaharayan sayo," Philip broke the silence.
Medyo hindi ko nagustuhan ang sinabi niya kaya napataas ang kilay ko at sarkastikong natawa.
"I-I didn't mean to be nosy. Sorry for that," hingi na lang niya ng paumanhin.
"Anong kailangan ni Maestro Gibs sa akin?" lihis ko na lang sa usapan bago pa man mawala sa hulog nang tuluyan.
Rinig ko ang pagbuntong-hininga nito, animo'y sising-sisi sa kasalanan.
"Hindi ko sure pero baka tungkol sa... Ensemble."
"What about it?"
"Wala ako sa lugar para magbigay ng opinyon tungkol dito, e. Hayaan mo nang ang Maestro ang maglahad sayo," he answered apologetically.
Hindi na ako umimik pa at sinundan na lang ito patungo sa second floor.
"Oh, Mich at Philip! Pasok, pasok," Maestro Gibs greeted enthusiastically.
Nilingon muna ako nang bahagya ni Philip. Yumuko naman ako sa ginoo at laking gulat nang nasaksihan na hindi ito nag-iisa sa kanyang silid.
"Hi, Mich!" si Faye sabay puslit ng tingin sa lalaking kasama ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang namataan ang ngising-ngising mga myembro ng SoundCheque sa loob. What's the meaning of this?
"Uh... Una na po ako, Maestro. Asikasuhin ko na lang po ang pagche-check kung ayos lang," mapagkumbabang singit ni Philip.
Bakas man ang pagtataka at panghihinayang sa histura ni Maestro Gibs, tinapik niya na lang ang balikat ni Philip kalaunan.
"Sige, Philip. Salamat at napakasipag mo talaga."
"Walang anuman po iyon, Maestro. M-Michaela..." lingon nito sa akin sabay yuko. "Una na ako."
Tumango na lang ako at tipid na ngumiti bago siya tuluyang lumagpas sa amin. Minuwestra naman ako ng Maestro sa loob ng kanyang opisina kung saan nakaupo na sa couch ang apat na nauna sa akin.
"You might be wondering why you are requested to go to my office urgently," panimula ni Maestro nang nakapirmi na ako sa single couch.
Ang SoundCheque ay nakahilera sa mahabang couch samantalang katapat ko naman si Maestro na nasa single couch din, nasa gitna namin ang oval na coffee table.
Napukaw ni Faye ang atensiyon ng lahat nang eksaherada itong umiling. "Feeling ko alam ko na, Maestro. Pero hindi po ako spoiler."
Pumasaere ang kilay ko habang inaayos ang bag ko sa aking gilid.
Malaking utang na loob nga ang hindi mo pang-i-spoil, Achelois. Nakakahiya naman. I smirked inwardly as I rose to look at them.
Humalakhak ang ginoo at nilahad ang mga pagkaing nakahanda sa mesa bago nagpatuloy. Inignora ko iyon at hindi nagpakita ng interes sa mga pagkain.
Nakatutok lang ako sa kung anumang sasabihin ng Maestro kaya humalukipkip na lang ako upang ipakita ang determinasyon na marinig ang balita nito.
Maestro Gibs smiled at us and tossed a certificate on the table.
"I called the five of you here to congratulate you, SoundCheque and Miss Michaela, for making it to Ensemble Diversity."
"Omg, I knew it!" palakpak ni Achelois.
Nag-fist bump ang mga lalaki sabay tawa sa pang-aasar ni Lancelot kay Nolan. Sa aming lima, ako lang ata ang may kakaibang reaksiyon.
Nabilaukan ako.
"O, anong nangyari sayo?!" tarantang tigil ni Faye sa selebrasyon niya.
"Kung binibigyan niyo na lang ng tubig?!" si Lancelot pero hindi rin naman ginawa dahil si Maestro pa ang kumilos para salinan ako ng tubig.
Pinupukpok ko na ang dibdib kakaubo bago tuluyang tanggapin ang baso. Pulang-pula ata ako at sasabog na sa kakaubo!
"Damn. Don't p**e your intestines!" tawa ni Cruz na agad sinaway ni Maestro Gibs.
Busangot ang mukha kong nilapag sa table ang baso, napapapaypay pa sa mukha para mahimasmasan.
"Anong problema, hija?" nag-aalalang tanong agad ni Maestro Gibs.
However, no words came out from my mouth. Shock overtook my whole system that I wasn't able to process the news.
Nahinto tuloy sa tawanan ang apat at natuon na sa akin ang atensiyon. Umiling ako, hindi pa rin mahagilap ang nais sabihin.
"I thought it will be okay since all superstars want this opportunity. But you seemed to not like the idea, hija. May problema ba?"
Humarap ako sa Maestro at napangiwi.
"Can I still decline, Maestro?" I blurted out directly.
His dismay was evident when his shoulders fell abruptly by that.
"Yes. But..." He looked pensive.
Rinig ko ang munting pagtutol nila Achelois at bulungan nila sa isa't isa, nagsisimula na ring mabahala sa kahihinatnan ng usapan.
I know exactly they wanted this one to happen. They're on the brink of fulfilling it and now, I was about to destroy their building triumph.
Bumuntong-hininga ako. "Ano pong mangyayari sakaling... umatras ako?"
I want to confess that I'm not fond of being in a group or band right off the bat. But they knew I was a guitarist and not mainly a singer.
Baka pa hindi nila bilhin ang palusot ko dahil hindi naman pangkaraniwan ang solo guitarist. At kung may nagtatagumpay man, sila ang mga taong bihasang-bihasa na talaga sa larangang iyon, mga taong mas magaling pa sa pinakamagagaling.
Hindi ko naman masasabing bihasa na ako sa gitara dahil marami dyang mas magaling sa akin. Marami pa akong hindi alam doon. Marami pang dapat matutunan.
I just don't want a band commitment. It only means I have to deal with the others, too. Bagay na hindi ko lubusang maisip na gagawin ko sa lugar na ito. At umpisa pa lang naman, ayoko ng commitment sa industriyang ito. Kontento na ako sa sakto lang. Saktong pagtugtog lang at masaya sa ginagawa. I don't want much limelight. A little spotlight of appreciation will do.
Namayagpag ang katahimikan sa buong opisina ni Maestro Gibs. Hindi nagawang makasagot agad ng ginoo dahil halatang tutol din ito sa ideya. Napainom siya ng tubig samantalang nagsimula na lang sa pagkuha ng pagkain ang apat.
"I understand your stand about this, hija. But if you refuse to be on my team, Maestro Dulcet might make way to take you as part of her team."
"Po?" gulantang kong paglilinaw.
Napukaw rin noon ang atensiyon ng apat samantalang kapansin-pansin ang pagkibit-balikat ni Cruz.
I glanced at him. He showed me his "I told you" look.
"Pinaglaban ko ang karapatan kong maging kasapi ka ng binubuo kong banda laban kay Dulcet. For the past meetings, I witnessed your impeccable skills in music, particularly in guitar. However, Maestro Dulcet also expressed her interest to choose you for her team, which happened to be a chamber orchestra."
My heart was sinking as I listen to the Maestro's sentiments mentioning Maestro Dulcet in it. I have a bad feeling about this.
"At first, I declared a competition. May the best Maestro wins pa nga. Naisip kong gusto ka niyang maging parte ng strings section sa chamber niya. Pero ang pinagtataka ko kay Dulcet..."
Bahagyang tumawa ang ginoo na tila hanggang ngayon ay hindi pa rin ito makapaniwala sa kung ano ang nangyari. Nilapag niya ang kanyang baso sa table at iiling-iling pa rin.
"Bubuo raw siya ng choir at gusto niyang isama ka roon... Sabihin mo nga sa akin, hija. Nakanta ka rin ba?"
Mabilis akong nilayasan ng dugo sa mukha nang ibaling sa akin ng lahat ng kasama ang kanilang tingin. Subalit bago pa man ako makasagot, mabilis na tumawa si Cruz at humarap sa ginoo.
"Nako, Maestro! Hindi niyo dapat pinagsasama sa isang pangungusap ang salitang pagkanta at Michaela! Baka mapahamak siya!"
"Lagi nga pong minamalas si Mich kapag sinubukan niyang kumanta. Lalo siyang nabu-bully! Ako na lang po naaawa sa kanya," si Faye naman. "Ang masasabi ko lang po... napakagaling niyang gitarista."
Bahagyang tumawa sina Lancelot at Nolan. Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako o magpapasalamat na lang dahil tinutulungan nila akong pabulaanan ang pagdududa ng ginoo.
Lumingon naman sa akin si Maestro Gibs. "Totoo ba iyon, Michaela?"
Napakurap-kurap ako at nag-aalangang tumango.
"O-Opo. May pagka... uhm... sintunado nga po."
Napahampas sa hita si Maestro. "See? Kaya halos pagtawanan sa meeting si Dulcet dahil sa pahayag niya kahapon! Hindi ko nga ba maintindihan at bakit nagkaganoon 'yon."
Napakagat ako ng labi habang naiisip ang nangyaring panunuligsa sa ginang.
Everybody must've think she's crazy. Ano ba itong napasok ko at maging ang mga Maestro, nadadamay pa sa gulo?
Sa huli, wala na akong nagawa kundi ang tanggapin ang end game ko. Sumang-ayon na ako sa Ensemble, takot na baka nga magkatotoo ang sinabi ni Maestro Gibs na kapag tinanggihan ko ito, habulin naman ako ni Maestro Dulcet.
Ewan ko. Baka atakihin ako sa puso kapag sinali niya ako sa choral! Di bale na at sa SoundCheque, gitarista naman ang ending ko!
Mas minahal ko ang pagkanta kaya... mas mahihirapan akong kalimutan ito kapag hinayaan kong mangyari 'yon. Malalaman ng lahat at... mas magiging mahirap ang pag-iwas kapag nagkataon.
Sa susunod na linggo, magsisimula na kami sa practice. Magse-send si Maestro ng mga piyesang pagpipilian naming tugtugin sa concert. Mangyayari iyon sa second week ng October kaya ayon kay Maestro, hindi malabong may mga klase kaming ipagpapaliban muna para tutukan ang pag-eensayo sa concert na aniya, magsisilbi ring recital at debut ng grupo namin.
"Congrats sa ating lahat!" si Lancelot na naglakad patalikod sa harap namin nang nakababa na kami sa quadrangle.
"At welcome sa SoundCheque, Michaela!" gaya pa ni Faye sa paglalakad ni Lancelot sa unahan.
"We have prevailed, comrades," ani Cruz sabay fistbump kay Nolan.
I rolled my eyes and frowned. If only I had another choice, I won't be here stuck with them.
"Welcome party! Welcome party!" they chanted but I only shifted my way to the opposite direction.
"You can celebrate without me. May gagawin pa ako," tamad kong kaway sa kanila.
"What a cornball. Boo!" sigaw ni Lancelot.
Ngunit bago pa man ako tuluyang makaalis, may hinabol si Achelois.
"Mich!" tawag niya.
Nilingon ko lang siya at hinayaan na isatinig ang gustong sabihin. Unlike her usual mood, she's a tad critical and serious right now.
"Muntik ko nang makalimutan. Kilala mo pala 'yung SA ni Maestro?" aniya.
Si Philip? "What about him?"
Napanguso siya at tila may malalim na iniisip.
"Just a piece of advice, I don't like his air," she uttered quizzically.
"What do you mean?"
"Masama ang kutob ko sa isang iyon. Don't give your trust to him yet."
My lips curled. "Beats me. My trust is expensive."
Inangat na niya ang tingin sa akin at nag-aprub. "Buti naman! Hindi ko na pala kailangang mag-alala!"
Kumaway na rin siya at bumalik sa tatlo pang kasama. Sinilip ko pa sila nang isang beses.
I caught Cruz backslapping Lancelot before they turned their backs on the other way. Nagsimula na silang mag-usap kaya pumanhik na rin ako sa pupuntahan ko.
Klavier and I had an agreement that we'll see each other twice every Friday. Breaktime and dismissal. It's his way to assure me that what happened last Friday won't be repeated again.
You know, about the ghosting part that I blabbed about. In my defense, I was only bluffing but he still took it seriously. Not wanting to protest, I just shrugged it off since it was in my favor as well.
Naabutan ko siyang nandoon na, nakaupo sa harapan.
"You're early," puna niya nang ilapag ko ang bag sa katabi kong armchair.
"You're earlier," sagot ko bago tuluyang sumalampak sa upuan.
From his seat behind the desk in front of the blackboard, he pulled out a chair before me and settled.
"How's school?" he asked, calling for an update like an old man.
I arched my brow, taunting him. "School's fine, Papa."
Enjoying the repartee, the corner of his lips rose. "Come here. Let me kiss my daughter a good job."
My middle finger stood in a proud gait. He chuckled and placed it back to my knuckles.
"Bad girl... Daddy will s***k the bad girl."
Heat crept up my face. "T-This is nonsense!"
He gave out a harsh bark of laughter and unconsciously pulled my hand somewhere on his abdomen when he leaned backwards. Lalo lang akong pinamulahan nang dumapo-dapo pa iyon sa delikadong lugar!
Ang tigas!
Ng abs!
Isa pang daplis ng kamao ko sa matigas niyang tyan, tila napaso na ako. I pulled my hand back and at last, he looked down at me.
"W-We're straying far from the topic. This is... This is nonsense!" I glared, shooting daggers at him.
Klavier bit his lower lip, containing his smirk. "I could eat an alphabet soup and s**t out a smarter statement than that."
"Well, I don't wanna hear it!" I immediately dismissed.
He chuckled thickly. "Well, you signed up for it."
Unable to handle this conversation, I cupped my face with my hands and groaned inwardly. Damn. I never thought he could be this good in bantering!
"Alright. I think I'll stop," he said, gently removing my hands on my face. "Come on."
I evaded his hands and leaned on the backrest more. Still shielding my face from his cruelty, I shook my head and winced.
"J-Just shut... shut up for a minute!"
"And if I don't?"
"Damn you..."
I heard him sigh, hands settled only on my fingertips now.
"You do realize I'm just making you laugh, don't you? What's the problem?" sa namamaos na niyang boses.
Bahagya akong natigilan ngunit hindi ko pa rin inaalis ang takip sa mukha. Slightly wavering, I rested my elbows on my tummy and harshly sighed.
"Ensemble..." I murmured.
Ramdam ko ang pagbitaw niya sa kamay ko. Ngunit hindi ko inaasahan ang sunod niya gagawin. Leaving my fingertips, his large hands were now on my chair, pulling it closer to him.
Napaahon tuloy ako sa mga palad at gulat na napatingin sa kanya.
"What about it?" he interrogated.
My jaw slacked a fraction. Napatikhim ako, pilit iniignora ang naghuhuramentadong kalamnan.
"I-I'll be joining the Ensemble... with SoundCheque."
Unexpectedly, his forehead furrowed. "The acoustic band?"
"You know them?" hindi ko makapaniwalang untag.
Klavier licked his lower lip and tucked his arms. Ang magkabila niyang hita ay nakapalibot na sa akin dahil sa munting agwat namin ngayon.
"For some reason, yes."
Tumango-tango ako at bumigat na naman ang dibdib dahil naalala ulit ang problemang kalakip noon. Bumuntong-hininga ako.
"Ayoko sana. Pero kapag tinanggihan ko, baka pilitin ako ni Maestro Dulcet na isama sa choir." I swallowed the lump on my throat. "She knows my real voice kaya... pinili ko na lang maging gitarista ng SoundCheque."
He went silent for a while, massaging his nose bridge. Later on, he nodded his head and sighed.
"Let's do this then."
My eyes widened. "Hindi mo naman kailangang sumali dahil lang kasali na ako. Delikado ka!"
"At ikaw, hindi delikado?" mataman niyang sambit.
Surprised, I still managed to shrug and hissed. "I can handle myself if that's what you're thinking. I'm not a damsel in distress."
"Sure. You're a smartass by the way," he retorted sarcastically.
I rolled my eyes and frowned. "Your sarcasm isn't needed."
"It's needed to emphasize the genius in you."
Frustratedly, I groaned. "I said your sarcasm isn't needed because I-"
"Being strong-willed leads you to being an Einstein, Athena. Not an Athena."
Napamura na ako sa sobrang pikon at tinulak na ang upuan palayo. Ngunit agad niya rin iyong hinila pabalik sa puwesto, hindi man lang nagpapatinag!
I wrinkled my nose and pushed his chest. "I hate you! Shut up! Shut up!"
"What if I don't?"
In return, I glowered at him, ready to lay my condition.
"You won't get a kiss ever again if you don't shut the f**k up now!"
For a while, Klavier stiffened and his lips curved in amusement. Bahagya pa siyang napailing.
"Believe me, if you want to bargain, I'd be willing to oblige with my kind of rewards... more than your kind of punishments."
He c****d his head dramatically. I was then speechless.
"Don't use that word against me again, Michaela."
My breathing hitched. "T-Then shut up! Or... Or else I won't kiss you again. I'm serious!"
He chuckled. "For the record, don't use kiss against me to shut up. Instead, kiss me to shut me up."
Pinagpapawisan na ako sa init. Para akong inugatan sa silya. Lalo na nang lumapit pa ito at sa aming dalawa, ako pa ata ang natahimik nang bumulong siya.
"I'd surely shut up with your lips against mine," he whispered seductively.
Mariin akong napapikit at tinakpan ang bibig ko. Ngunit bago pa man ako makapagsalita, tumawa na siya at tumayo.
"Kidding. I won't kiss bad girls," bawi niya agad wala pa man ako sa rurok ng kamatayan!
Doon na natapos ang kalbaryo ko at tuluyan na ring tumayo, sagad na sagad na ang kasukdulan. Hinampas ko siya sa braso para ibuhos ang kabang naramdaman ko!
"I hate you! Damn it! I hate you!" I screamed with all my might.
Tipid lang siyang tumawa at hinuli ang mga kamay ko. "If I were you, I'll go home as early as I can before I could even..."
Sinadya niyang tumigil para sa isang nakakalokong ngiti. Umirap ako, patulak na binawi ang mga kamay at kinuha na ang bag para layasan ang bwiset na Klavier.
"Manigas ka dyan!" I growled as I reached for the door knob.
However, he just chuckled hoarsely. "Heck, yeah."
May 6, 2020