Chapter 26

6484 Words
Chapter 26 Sabotage I don't want to react like it's my first time to be kissed like that. Sa katunayan, marami na akong karanasan dati na mas malala pa roon. I mean, that's just a smack for Pete's sake! Pero kung makaakto ako pagkauwi sa bahay, parang kada naaalala ay nahihimatay ako! Why did he do that? Hindi ko pa siya ganoon kakilala pero nahalikan na ako! At the back of my mind, a faint voice whispered. Ang iba sa night club na wala pang isang oras nakakausap, nauuwi na rin naman sa halikan, Mich! Nakapatong ka pa minsan! "Ugh! This is terrible! Panindigan niya ako!" bato ko ng bag pagkarating sa kuwarto. Kinagabihan, kakatapos lang ng dinner nang kumatok si Mommy. Medyo inaasahan ko na iyon dahil kakaiba ang tingin nila kanina sa akin ni Daddy, para bang may gustong itanong na hindi lang maisatinig sa hapag kanina. Bumungad sa akin ang ngiti ni Mommy pagkabukas ko ng pinto. Tinanggap ko ang saglit nitong paghagkan sa akin bago niya ako hilahin paupo sa dulo ng kama. "How's your day, hija?" I reached for my small pillow and put it on my lap. "Ayos lang po, Mommy." Iwas ko ng tingin dahil alam ko naman ang totoo. Maraming nangyaring inilihim ko lang sa kanila. Ayokong mag-alala ang mga ito sa akin. At siguro, may takot din na makarinig ulit ng konklusyon mula sa kanila tungkol sa... problema na meron ako. Tulad ng nabanggit ni Klavier. Ayokong isipin na may posibilidad iyon. Sa isip ko, lahat naman siguro ng tao ay may yugto talaga sa buhay nila na tulad nito kaya... Umiwas ako ng tingin dahil bumaba lalo ang tingin sa akin ni Mommy. "Sa school mo? May nang-aaway pa rin ba sayo, anak?" Bahagya akong napasimangot sa paraan ng tanong ni Mommy. Para akong batang paslit na kinakamusta sa drawing session namin sa school tapos nabalitaan na may umagaw ng crayons ko. "Wala na naman po gaano. Medyo okay na naman," tikhim ko. "Hindi ko alam kung bakit ganoon ang ugali ng mga kaeskuwela mo at tinatrato ka nang ganyan. Nakausap namin ang assistant ng principal noon dahil wala mismo ang principal. Nabalitaan namin ang nangyayari. Nakakapagtaka na hindi pala sila natanggap ng transfer kapag Grade 12 na kaya..." Bumuntong-hininga ito. Hindi ko na nagawang makapagsalita at hinayaan lang si Mommy. "Pagpasensiyahan mo na, Mich. For some reason, hindi refundable ang tuition at... sinubukan namin ng Daddy mo na kausapin pati ang President tungkol sa isyu na 'to pero..." I looked up at Mom again and she seemed to struggle with words after that. This is the first time we seriously talk about this matter. Nitong mga nakaraan kasi ay naging abala sila bigla. Hindi pa nakatulong na right after nilang makipanayam sa school, nasundan agad ng pagkawalan ko ng malay at sunod-sunod pang gulo.  Everytime I come home, I always pretend okay in front of them. But then, they were transparent with their problematic faces everytime they go home from work. Hindi nagtutugma ang mga oras at kondisyon namin kaya naman ngayon na lang ulit nagkausap nang ganito kalalim. "Anyway, uhm... a-about your nightmares..." Mom broke the silence. Ito na nga ba ang hinihintay ko. I expected this one approaching actually. And now that Mom brought it up at last, it still felt overwhelming and too much to bear. "Are they still... you know, bothering you?" Mom asked doubtfully. Pumuslit sa utak ko ang nangyari kanina. When I heard a nursery rhyme from a piano and it affected me severely for unknown reason. It didn't help that I found out it was Rave Jackson who's playing. Though, he's playing a different piece when I saw him earlier but he's probably the one who played London Bridge as well, right? I hugged my pillow and rocked myself a bit to ease the ambiance. "Kanina po parang..." Kumunot ang noo ko. "Parang may sumulpot na alaala sa utak ko nang makarinig ako ng nursery rhyme. I-I'm not sure if that's part of my childhood memory but I saw a little girl and boy playing in front of the piano, playing that same nursery rhyme, too..." "Then what happened?" Tumingin ako kay Mommy, naghahanap ng sagot ang mga mata. "I almost fainted again." She was stoned by that. Hindi agad nakapagsalita na para bang may malalim na iniisip. Napailing ako at tumikhim. "Mom, tell me..." I sighed and fiddled with my fingers. "I-Is there something on... on my head?" "What? Don't say that, Mich!" gulantang na turan nito agad. "You're doing just fine, anak. Don't say that." "But last time, I heard you asking Daddy to visit a psychiatrist." "W-Well..." I saw her swallowed. "That's just a spur of the moment, honey..." Duda ako sa naging sagot ni Mommy sa gabing iyon. Hindi naging madali ang paglipas ng araw at nahirapan ako sa pagtulog kaya kinabukasan, Sabado, sabog ang buong pagkatao ko pagkababa sa kitchen. Medyo abala ang mga kasambahay dahil sabi-sabing may bisita raw sina Mom mamaya. Hindi ko naman iyon pinansin at nilibang na lang ang sarili sa breakfast. Si Hilary, nasa tapat ko sa table ngunit wala ako sa kondisyon para patulan ang mga patutsada niya. "Mom and Dad have many problems because of you, Ate," aniya habang sinisimot ang cereals niya. I pushed myself backwards to move my chair and stood carrying my plate and cup. Tapos na ako kaya wala na akong dapat pang pamalagian dito. Should I buy myself a stick or a bottle? Though, baka pwede akong pumuslit ng alak sa home bar mamaya. Tutal busy naman ang mga magulang dahil may mahalagang bisita raw sila. Huwag nga lang silang mag-stay sa common area at baka hindi ko iyon magawa. "Do you know who's the visitor, Ate?" pahabol ni Lary. Natigilan ako nang bahagya sa pag-alis. "It's a doctor." Tinawa ko ang kritikal niyang tono. "Tumatanda na sina Mom at Dad, Lary. It must be our family doctor again," I replied certainly, but I sounded denial to my own ears. "Well, I don't know," she responded meaningfully. "They think you're crazy." "What did you just say?" Gritting my teeth, I turned around to face the brat. Napanguso siya at patay-malisyang tumayo sa kanyang puwesto dala ang bowl at kutsara na ginamit. "Tita Paula is right. You're a..." she couldn't continue and gasped. Tumalim ang tingin ko. "I'm a what?" "I don't know! Stop scaring me!" Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang nasaksihan ang pumasadang takot sa mukha ng kapatid bago tumakbo palabas ng kitchen. For a while, I felt like a monster. Dumating ang hapon nang isang sasakyan ang bumusina sa labas ng mansiyon. Nasa rutonda iyon kaya natanaw ko pa rin mula sa balkonahe. Hindi ako tuluyang lumabas sa balkonahe at tamang silip lang mula sa mga kurtina. The visitor my foster parents were expecting was an unfamiliar middle aged man. Medyo kaedaran lang nila at kita kong nakikipagkamayan sila Dad doon. I fidgeted when Mom and Dad took a glimpse at this direction in the middle of their civilities. In the end, I just tucked myself to bed and slept that day, totally forgetting about having either a smoke or a liquor. Pagdating ng panibagong linggo, kapansin-pansin ang pagiging abala ng mga Maestro mapa-general o specialization subjects man. Tulad ng nakaraan, early break at dismissal na naman dahil inaasikaso nilang mga instructor ang assessment tungkol sa gagawing Ensemble Diversity. It's already past approaching since it's the third week of September. Kailangan kasi nilang matapos ang final list ng mga superstar na pagsasama-samahin nila para gawing isang grupo o banda bago pa man matapos ang linggong ito. Ang mga mapapasama raw sa listahan ay isasalang din sa gaganaping Music Concert for a Cause ng Damgeen sa labas ng eskuwela na magsisilbi na ring recital at debut nila. Punong-abala doon ang SOLMA. Bukod sa mapapasamang mga banda na siyang mabubuo sa Ensemble Diversity, mapapabilang din panigurado ang Triad at piling mga superstar sa Damgeen na tatawagin nilang Exclusives. The best of the best. Sila ang magsisilbing main event ng concert sa susunod na buwan. All the way to our own Neverland, anticipating the events in October was kind of alarming. Because as far as I know, Umbratonic will take place on the last week of that month, being one of the segments of the week-long Music Festival. The Music Festival is entitled, "Oct-Over: Hailing Another Chapter at the End of October." Well, the aforementioned festival is to commemorate the anniversary of Damgeen's foundation day. That's according on the pamphlets. And based on experience, Damgeen's pamphlets would never go wrong. Ngunit dahil papalapit na rin ang buwang iyon, ibig sabihin lang din na palapit na ang Umbratonic. Bagay na nabanggit ni Rave Jackson sa kondisyon niya sa akin para itago sa mga tao ang katotohanan sa pagkatao ko. Recalling that incident sent shivers down my marrow. The way he talked then, he sounded so determined and absolute. Too certain that he sounded like a person who knew me better than me. Damn it. Pagkarating sa liblib na kuwarto, dismayado ako nang nadatnang walang katao-tao roon. Pagkatapos kasi ng nangyari noong nakaraang Biyernes, ngayon ko na lang ulit makikita si Klavier kung nagkataon na nandito siya. He's been consistent to accompany me in this room for the past two weeks. Nakakapagtaka na ngayon na lang ulit kami hindi magkikita rito. Wala naman siyang nabanggit last week kaya... Nagtungo na lang ako sa harap ng bintana kung saan ko siya madalas nadadatnan. Wala siyang palya at lagi kasing nauuna sa akin dito kaya ang tanawing nakatanaw siya sa bintana ang laging sumasalubong sa akin. Inisip ko na baka sumablay siya ngayon. O pwede rin namang nahihiya sa akin dahil sa kiss? Umusbong ang nguso ko sa kapilyahang naiisip. Gayunpaman, pansamantala iyong naantala dahil sa mga yabag ng paa na papalapit dito. Unlike Bria's footsteps, this series of footsteps were heavier and... Nanlaki ang mga mata ko nang narinig na pati ang pamilyar na boses ng mga lalaki. Mabilis akong tumakbo patungo sa cabinet at nagkulong doon. Holy s**t! Is this really happening?! My heart was in my mouth as I bit my fingernails in utter nervousness. Pati ang mga mata ko, hindi na rin mapakali! "Bro, this is so cheep! This is crazy!" "Scaredy cat, Punk?" "Tigilan mo ako, Morgan! Of all the places, man, seriously? We have our headquarters! A hideout as-" "Shut the f**k up, dipshit! Mierda!" "Uh... what do you mean, Rave? Bili ba muna ako ng merienda?" "Bullshit, Irah! That's what I meant. Bullshit!" Abot-langit na ang kabog ng dibdib ko nang sa wakas, bumukas na ang pinto at mas naging malinaw na ang boses ng PRIMO. Sinubukan kong sumilip. Kanya-kanya silang hila ng silya patungo sa gitna. Panay pa rin ang reklamo ng bokalista nila samantalang tahimik lang ang drummer. Ang pianist, pagala-gala ang tingin sa paligid, animo'y may malaking tandang pananong sa tuktok ng ulo. Si Rave... Muli ko na namang naramdaman ang iritasyon at kuryosidad tungkol sa lalaking iyon. He's now sitting on his chair, his back facing me. The other three settled on their seats, too, forming a small circle. "I don't get why we have to do this. We're rockstars for f**k's sake! Not a pizzazzy acapella group?!" si Punk na hindi pa rin tapos sa mga katwiran niya. "I think our friend here thinks we should also show something new? Like Kaharayan," inosenteng sagot ni Irah, ang pianist ng PRIMO. "I don't think so. Waddap, man?" si Morgan, ang drummer. Kita ko ang pag-iling ni Rave, binalewala ang hinaing ng mga kaibigan habang nakatungo ang ulo, siguro may pinagkakaabalahan pa sa phone. "Irah will use his synth so it ain't acapella. For now, focus polishing vocals and harmony," sa seryosong boses ni Rave. I rolled my eyes and remained situated in the cabinet. Nakaupo ako at nagawa pang mag-indian sit bago pa man sila tuluyang makapasok sa silid. My eyes widened when I remembered Klavier. What if he entered the room and caught these guys practicing? What would happen? I can't believe this. Tama nga naman ang bokalista. Sa dinami-rami ng lugar sa eskuwelahang ito, bakit dito pa nila naisipang mag-ensayo?! So annoying! Ilang batuhan pa ng argumento ang apat na lalaki bago napagkasunduang magsimula na rin sa wakas. Kahit na ba may ideya na ako sa gagawin nila, hindi ko pa rin maiwasang hindi manibago nang nagsimula na sila.     Namilog ang mga mata ko nang natantong si Rave Jackson ang unang kakanta. I knew it! He has the f*****g voice! He's the melody!     "I ain't been getting high Not even a little, baby, I don't wanna lie. I know when you text me, girl, I don't always reply Well you're not an angel either you can't even fly. I..."     Sumunod ang totoo nilang bokalista. Kahit nakakunot ang noo, habang tumatagal ay nadadala na rin naman sa ginagawa nang 'di niya napapansin. "...notice, you think that you know this All this shade that's comin' at me, I wonder who throws it They can't see the vision, boy, they must be out of focus That's a real hot album, homie, I wonder who wrote it, oh yeah."     Sa kalagitnaan ng kanta, nagsalubong ang kilay ko nang sumunod ang drummer nila. Am I seeing and hearing this right? Almost all of them can actually sing? What the?     "Otay, pray them haters go away Always hella clowns around it look like Cirque Due Soleil This is not the album either, these are just the throwaways This is still so cold when it drop, it's gonna be a snow days."     Kung mangha na ako kanina, hindi ko na nasundan pa ang ulirat nang umabot na sila sa hook. They sang and harmonized with each other so f*****g dope!     "Oh, I spy with my little eye A girlie I can't get 'cause she don't get too many likes A curly-headed cutie I can turn into a wife Wait, that means forever ever, hold up, nevermind."     I found myself jamming along with them mentally. I've heard about this mash-up before. They sure nailed it as f**k. Nga lang, sa kaligtaan ng ensayo ay nahinto sila dahil hindi sila nagtugma sa parte ng Isn't She Lovely. Iyon pa ata ang pinaplantsa ng apat kaya ginabayan nila si Morgan. Ito kasi ang sumablay sa harmony. Ang pianist naman nila, nagbigay rin ng komento habang nagja-jot down ng iilang notes. Umulit sila ng bagong pasada. Minsan lang talaga, napapahamak ako ng kuryosidad. Hindi ko kasi napigilang sumabay sa parteng alam kong kulang sila. For some reason, sinalo ko ang parteng hindi magawa-gawa ng drummer nila sa ikatlong ulit.     "Isn't she lovely Isn't she wonderful Isn't she precious Less than one minute ooold!"     I was too engrossed with the blending we created that's why even on the highest part at the end, I was able to participate. They cheered when this time, they achieved the harmony they wanted. Tumayo pa si Punk para tumalon nang mukhang beyond satisfied pa ito sa nangyari. Samantalang ako, hindi pa rin makabawi sa narinig kong head voice at falsetto na pinamalas ni Rave Jackson. My goodness! Is he for real? Siya pa ang nagdala sa harmonization na 'yon! "What the f**k! We did it!" Punk jumped in amusement. "Morgan! You nailed it, dude!" Sa kanilang apat, ang bokalista lang ata ang lubhang nagdiwang sa nangyari. Taliwas sa bayolenteng reaksiyon nito bago pa man magsimula ang ensayo. Later on, when Punk managed to settle on his chair, everybody in this room, including me, was startled when out of a sudden, Rave Jackson gave out a rough bark of laughter. Mula sa puwesto ko, malinaw sa akin ang pagtataka sa hitsura ng tatlo nitong kabanda. When Rave Jackson's done with his little bubble of joy, he let out a loud exhale of amusement. "Punk, man... Aaah. You've got Van Gogh's ear for music," he said terribly. Napakagat ako ng labi dahil bukod sa mapanganib nitong pagpapalit sa boses, nakuha ko rin ang ibig nitong sabihin. Van Gogh's ear for music is an expression to describe a person who's deaf in tone and music. A terrible expression to tell a singer even. That's a heartfelt insult. I mean, really. That's a foul. Kaya naman maiintindihan ko ang pagkalito at pagkainsulto na pinaghalo sa mukha ng bokalista. "What the hell are you saying, man?" si Punk. Muntik na akong mabuhal sa hindi inaasahang pag-ahon ni Rave Jackson sa kanyang silya. He sauntered around the room while his friends were just following him with their eyes. Tumigil siya malapit sa pisara, nanatiling nakatalikod sa mga kaibigan habang nakalagay ang parehong kamay sa likod, niyuko ang ulo at umiling, tatawa-tawa na sa sariling iniisip. Meanwhile, his menacing chuckle was killing me slowly. By that, my nerves started palpitating again. "It looks like you all forget what this room is... Hmmm. Room of Phantom, remember? And the girl hiding in this room..." he paused dramatically before slowly turning around to his friends. "...was a singer." He tilted his head as he ended his sentence. I thought it's already over. But I was shitting bricks when his eyes suddenly traced the direction towards my way, looking now at the cabinet but his gaze were as if he could see through it. As if he could... see me. "Her name was Minerva, wasn't? She's here." Nagsitindigan ang mga malahibo ko nang sambitin niya iyon habang nakatingin dito. Kalaunan, tinawanan lang siya ng mga kaibigan ngunit nanatili lang na nakapaskil sa mga labi ang makahulugan niyang ngisi kahit habang nakikipagbiruan na sa mga ito. That day was the beginning of my nightmare. A living nightmare rather. In the person of Rave Jackson. Naging mas mabigat pa lalo ang nararamdaman ko nang nagdaan pa ang ilang araw at hindi ko na muling nakita pa si Klavier. Thursday at break time. Tatlong araw ko nang hindi nakikita ni anino nito, na kung isasama pa ang Sabado't Linggo ay limang araw na sumatutal. Maagang nag-dismiss ang una naming Maestro sa specialization. Bago nag-dismiss, nasabihan kami na wala nang klase para mamaya dahil biglang nag-release ng memo. Kailangan na nilang tapusin ang deliberation ngayon para sa final list ng Ensemble Diversity. "Hi! Sama ka, Mich!" si Faye pagkalabas ko ng room. My lips twisted. Look at her. I couldn't remember exactly when, but when did she learn to call me by my nickname? I only realized it now! I raised an eyebrow when I saw them complete this time. Lahat sila ay nasa corridor at sadya ang paghihintay sa akin. "What are you doing here again?" tanong ko. Kinabig agad ako ni Faye sa aking braso at feeling close na hinarap ako sa buong banda. Sa kanilang apat, siya lang ang babae. "Hinihintay ka namin. Baba na tayo!" si Lancelot, cajon player o drummer ng SoundCheque. Nauna nang naglakad si Cruz habang akbay ang pianist at chimer nila na si Nolan. Wala na rin naman akong nagawa dahil tuluyan na akong hinigit ni Faye nang buong puwersa na siyang bokalista at rhythm lang naman ng SoundCheque. Samantalang lead guitarist at backing naman ang katunggali kong si Cruz. Ewan ko ba. Kompleto na naman ang lineup nila pero sige pa rin sa panliligaw sa akin ang apat. Sa nagdaang araw na wala si Klavier, hindi pa rin ako masanay-sanay sa kakasulpot nitong apat. Though, hindi ko rin mapagkakailang nakatulong ang presensiya nila para ilihis ang aking atensiyon sa guniguni na may nakamasid lagi sa akin. That hallucination still exists. It's already creeping me out, as if there's always someone out there... watching me. "Alam mo, excited na ako sa Ensemble. Sana makuha tayo! Hmm!" siko ni Faye sa mga kabanda pagkapasok ng cafeteria. Ginala ko lang ang mga mata sa paligid habang nag-uusap ang mga kasama, napatigil na lang din ako nang namataan agad ang Kaharayan at ally sa table nila. Kapansin-pansin ang pananahimik ng Kaharayan nang dumaan kami. Dahil doon, ramdam din ng iba pang estudyante ang tensiyon sa paligid. Siguro dahil nakakapanibago na biglang tahimik ang puwesto nila kaya napansin na rin ang dahilan kung bakit. Sa huli, lihim na lang akong naparolyo ng mga mata samantalang tumigil naman si Faye para hintayin ako sa paglalakad, nakatutok ang mga mata sa likod ko bago ako tuluyang sabayan. "May chance naman, e. Lalo na't nilagay natin sa system na hindi pa tayo kompleto," si Nolan sabay sulyap sa akin. Iyon pa rin pala ang topic nila. Ngayon ko lang natanto nang tumingin sila lahat sa akin. Tumaas ang kilay ko at napailing. "Not a chance." "Not a chance ka dyan? Ang laki-laki ng chance!" sabi pa ni Lancelot at pumila na sa counter. "Kaya nga. Lalo ka na, Michaela. Baka kasama ka na sa Ensemble, kasama ka pa sa Exclusives!" si Faye nang kumalas na sa akin para umayos sa pila. I grimaced. "Bakit naman?" "Tanong mo dyan, o!" sabay turo niya kay Cruz na nasa kabilang pila. Napalingon naman ang huli ngunit dahil siya na ang sunod sa pila nila, tinuro niya muna ang mga bibilhin sa nagtitinda bago ulit bumaling sa amin. Cruz smirked and lazily pointed at his back, as if gesturing something happened back then. "Rinig ko lang na usapan sa faculty no'ng napadaan ako. Mukhang pinag-aagawan ka ng dalawang Maestro," kaswal na sabi niya. I laughed, doubting it. "Please, kung tungkol pa rin ito sa pagsipsip niyo sa akin, it's not working." Nagkibit-balikat lang si Cruz bago magbayad. Pagkahanap naman namin sa bakanteng mesa na kasya kaming lima, nagpatuloy na ulit sa pagdaldal si Faye tungkol sa pagre-recruit nila sa akin. Sa kanilang apat, siya lang ang vocal doon. Pero tingin ko, iisa lang naman sila ng opinyon, sadyang pinapaubaya na lang nila kay Faye ang pangungumbinsi at kaonting sales pitching. "Oo nga. Alam naman namin na compared sa Kaharayan, medyo underrated pa ang grupo namin. E, kasi nga, bago pa lang kami. Kaka-anniversary lang namin! But mind you, we're best in our own individual craft!" Ngumisi ako. "Tatlong gitarista? Really?" I said, pointing out one of the downsides I've seen if I join them. Napailing ako sabay ikot ng pasta sa aking tinidor. "O, bakit? Anong problema mo sa acoustic band na may tatlong gitarista? Pwede naman 'yun, a? Gusto mo ako sa bass tapos ikaw na katambal ni Cruz sa rhythm!" "That's not-" "O, sige. Front man na lang ako. Vocalist! Palag na ba?" kalampag niya sa mesa na ikinatawa nila Cruz, animo'y naniningil kasi ng taya. "Cello ka na lang, Achelois! O kaya naman, palitan mo si Nolan sa chimes at shaker," sulsol pa ni Lancelot. "Pwede! Magaling din ako mag-cello at chimes at shaker!" "How about koto. Achelois can play koto, too," nagtitimping ngisi naman ni Nolan, mukhang pinagdadamot ang chimes niya. Napabaling sa kanya si Faye at kuryosong umabante rito. "Huh? Kuto?" "What the? Koto!" nanlalaking mata na depensa ni Nolan. "Ay! Hindi ako marunong nyan, Nol!" deny ni Faye. "Chimes na lang?" "No," Nolan answered with finality. I couldn't help but to chuckle. Faye noticed that and of course, she wouldn't let that slip. Dinampot niya ang kanyang phone at tinutok sa akin. Kumunot ang noo ko. "What?" I snorted in annoyance. "Tawa ka ulit." "Huh?" Her head fell dramatically and eyed me. "Dali na!" "Bakit?" medyo iritado ko nang tanong. "Gagawin kong ringtone at alarm." Take note, she said that in a serious face while waiting for my laugh to happen. Tuloy, binato siya ng fries ni Lancelot at Cruz. Si Nolan naman, iiling-iling na lang na nagpatuloy sa pagkain. "Pag-isipan mo, ha? Hindi kita tatantanan." "Shut up, Achelois. Tara, Clock Out na," si Nolan at nauna na sa pagtayo nang natapos na kami sa pagkain. One thing I observed about this group is that they're consistent attending Clock Out. Una pa lang ay pamilyar na sila sa akin dahil doon. Si Faye kasi ang madalas kong mapansin dati na nasa gilid ng audience at tila laging naka-megaphone sa lakas ng boses tuwing sumisigaw. Isa rin ito sa mga napansin kong nag-cheer sa akin nang nasa entablado kami ni Rave Jackson noong kickoff. Yes, she can stand out from the crowd like that. Tulad ng karaniwan nilang puwesto, nasa pinakagilid kami ng mga upuan, sa kanang bahagi. Iyon tuloy, mula rito ay tanaw na tanaw ko ang Kaharayan. Bagay na nakakapagpabagabag sa akin. Napansin kong wala ang Honcho at SOLMA, marahil ay abala na lalo sa inaasikaso nila para sa concert. It's one way or another. But either way, I guess I don't care. The quadrangle was packed with an unusually larger crowd today. Maybe because all Maestros were busy for the deliberation happening at this moment. But it doesn't mean Clock Out would be postponed, too. That's why almost the entire student body was here to kill the remaining time before the last minute of our schedules. "Hello hooray, superstars!" Halos ramdam ko ang pagyanig ng lupa dahil sa talon at sigawan ng lahat pagkalabas ni DJ Duckie sa entablado. The screams and excitement of the people sent an international concert vibe to me. Nakahalukipkip lang ako sa gilid at kahit siksikan na, nagawa ko pa ring pagmasdan ang kabunuan ng lugar ngayon. Paminsan-minsan pa akong napapapikit dahil kung merong PA system si Duckie, may megaphone naman akong katabi. "Let the show begin, we've been ready!" "Hello hooray, superstars!" "Let the lights grow dim, we've been ready!" That's it! I got no choice but to cover my ears with my hands! Hindi pa nakakatulong na maging si Duckie, nakikisabay pa sa energy ng mga tao! "Ready as this audience that's coming here to dream!" Mula rito, kitang-kita ko ang madramang paghugot ni Faye ng hangin para bumwelo. Muntik na akong mabulunan. "Loving every second, every moment, every scream!" Oh, s**t. "I've been waiting for long to sing my soooong!" Buti na lang at kahit papaano, naging maayos ang dulo ng kanta. My goodness! Pakiramdam ko, may sariling puso na rin ang tenga ko sa lakas ng t***k noon pagkatapos! Ngunit akala ko doon na magtatapos iyon. Dahil nang naghatol na ang loop kung sino ang unang sasabak sa Clock Out, kanya-kanyang hampasan at tilian ang namayani nang i-display ang group photo ng PRIMO sa big screen. "What a pleasant way to start our game today! Ano pa bang hinihintay ng lahat? Let's all welcome... Punk, Rave, Irah, and Morgan. And also known as..." Tinutok ni DJ Duckie ang hawak na mikropono sa madla kaya sabay-sabay ang pagsigaw ng, "PRIMO!" I tsk-ed repeatedly when I was repeatedly hit by the people, too, as they cheered for the four guys going up to the stage. Agaw-pansin din ang standing ovation ng grupo nila Bridgette Madrigal sa bandang gitna wala pa man ang kaganapan. "Go, Papshie Morgan!" sigaw ni Faye sa crush niya. Sinaway siya ni Nolan at sinenyas ako. Dahil doon, tatawa-tawang nag-sorry si Faye. Unlike them, as much as I would want to watch the performance intently, I couldn't. Tuwing napapagawi kasi ang tingin ko kay Rave Jackson nang nagsimula na sila sa pagkanta, naaalala ko ang klase ng tingin na ginawad niya sa akin noon. Idagdag pa na ito rin ang kinanta nila sa Neverland. I mean, fine. Let's say it was for the cabinet and to the so-called phantom inside it. But the fact that I was there and he has his ulterior motives against me, thinking it was a coincidence was far-fetched! Kaya naman, nakuntento na ako sa pakikinig sa komento at hiyawan ng mga estudyante. Majority of the reactions were about the unexpected surprise PRIMO has showed them for today's recital. Ibang-iba iyon sa nakasanayan dahil alam ng lahat ng rock band ang PRIMO. Taliwas sa ipinakita nila ngayon. Ngunit gayunpaman, hindi na nakakapagtaka kung bakit perfect 100 pa rin ang merits at "Clock Out" ang hatol sa kanila ng madla. It was an awesome experience listening to it. Gaya ng plano, nagawa nga nilang ayusin ang parteng komplikado para sa kanila noong Lunes. Hindi na masama. Sabagay, ang masama lang naman sa kanila ay ang Rave Jackson na iyon. Lumabas na ang tunay na kulay at budhi. "Holy mother of sh-Look, girl! That's him, right?" "Ang gwapo! Pa-picture na tayo!" "He's here?!" "Pogi pa rin kahit balot!" Iba ang naging pakiramdam ko sa biglaang pag-ingay sa bandang likod namin. Faye heard the commotion, too. So when she turned over her shoulder to check it, I grabbed that opportunity to do the same. Tama ang kutob ko. Natanaw ko si Klavier hindi kalayuan sa amin. Bukod sa totoong siksikan na, mas sinisiksik pa ito ng mga nagkakandarapa sa kanya. I narrowed my eyes at him. He seemed to notice my glare when he turned to my direction in the middle of his struggle. Tumikhim ako at binalik na lang ulit ang atensiyon sa harapan. Kahit ang totoo, ang daming tanong na gumugulo sa utak ko. Tulad ng bakit ngayon lang ulit siya nagpakita? Bakit wala man lang pasabi? O kaya naman, bakit siya nandito ngayon kung ganoon? Sumimangot ako. Tumalim pa lalo ang tingin sa entablado nang naramdaman ang paglapit ng kaguluhan sa likod. I tried my best to ignore the fact that Klavier was nearing me already. And by the aid of the loop, I managed to divert my attention naturally when it stopped to someone's headshot. Not just someone, but a very familiar one. Mula sa gitna, nagsimula nang mag-boo ang mga estudyante at nadamay na pati ang iba. Some students went postal to get pass through the barriers so the marshals and crowd controls took over. May mga humilera na ring human barrier para protektahan patungo sa stage ang susunod na recitalist. Si Bria. "Ang sasama ng ugali! Let the girl be, my ghad!" rinig kong sigaw ni Faye mula sa aking tabi, silang dalawa ni Lancelot. Ramdam ko ang pagbigat ng mga talukap ko habang pinagmamasdan si Bria sa stage na wala sa sariling nag-aayos para sa kanyang three-minute prep. Halatang hiyang-hiya sa ginagawa at kulang na lang ay magtago na sa likod ng malaking grandfather clock, lalo na nang naging agresibo ang iilan sa ally ng Quartepopella. May mga pumuslit sa barrier para manggulo sa bata. "Automatic Cut Out na!" "Don't waste our time, loser!" Someone started to throw crumpled papers that later on, was followed by many. Tinalunton ko ang gawi ni Bridgette Madrigal at sa kanilang grupo, siya lang ang prenteng nakaupo at tuwang-tuwa sa nangyayari. I pursed my lips, eyebrows drew together, and nose flared up as I endured the sight of Bria at the verge of crying when a problem seemed to exist while they're preparing for her minus one. Duckie declared a technical problem. Mas lalong hindi napakali si Bria kasi hindi na alam ang gagawin. Matatapos na ang dalawang minuto. Kapag hindi pa siya nakapagsimula, gong intervention iyon at automatic Cut Out. Kaya ang mga tao, mas nagkakagulo at mas bayolente na sa pagsigaw ng "Cut Out." Halos mapunit na ang labi ko sa riin ng pagkagat ko roon. Saglit akong napapikit nang natanaw ang nauubos niyang oras. Ano bang mapapala ng mga tao sa pang-aapi nila sa batang 'yon?! Ano bang problema nila?! Bumuga ako ng marahas na hangin at buong lakas na hinawi ang mga taong nakahara. I don't know what to do but damn it! I can't just stand here and watch the kid aggrieved! "Mich! Anong gagawin mo? Huy!" Rinig ko ang sigaw sa akin ng SoundCheque pero dahil wala na akong oras, binalewala ko na lang iyon at binuhos ang buong pwersa para makatawid sa dagat ng mga tao. "Excuse me! Damn it!" I grunted when I couldn't get pass through. Shit naman! Kung kailan malapit na ako sa stage! Sumigaw na ako at pilit pinapatabi ang mga tao hangga't may oras pa, pasalit-salit ang tingin sa stage at sa dinadaanan. Goodness! Nang nakarating na sa barrier, sinamantala ko na ang pagiging abala ng mga marshal sa bandang gitna at walang sinayang na oras. Mabilis akong tumakbo patungo sa entablado kaya panay ang sigaw sa akin ng mga nagbabantay nang nakita iyon. "A-Ate Mich?" gulantang na wika ni Bria pagkasulpot ko sa harap niya. I gave her a once-over before swallowing to moistened my drying throat. Napailing ako, nagmamadali na. "Miss! Bawal dyan!" Hindi ko pinansin ang mga sigaw. "What happened?" Bria blinked repeatedly and panicked in adrenaline rush when the clock began ticking to show the remaining seconds. "T-The file of my minus one got corrupted. I think... I think Ate Bridge sabotaged it." What the heck?! Hindi ako makapaniwala sa narinig. Kunot ang noo kong tinanaw ang gawi ng bruhilda niyang ate. Kung kanina ay pambabato ng papel at boo ang ginagawa ng mga tao. Ngayon, pati ang mga bottled water at cup ng inumin nila ay hinahagis na rin sa amin! "Magsama kayong dalawang talunan!" "Ipagtanggol mo pa, Darna!" "Panira! Attention seeker masyado!" "Bawal 'yang ginagawa mo! Umalis ka dyan!" Dismayado kong pinasadahan ng tingin ang buong lugar. Iilan na lang ang mga grupo na hindi nakikihalo sa pambabatikos ng karamihan. At kasama na roon ang Kaharayan. My lips parted slightly when my eyes met Dante's unknown expression. I couldn't read it. But in the end, I looked away and clenched my teeth. Naalarma na rin ang mga jury at awtoridad. Ngunit bago pa man sila makalapit, buong tapang akong humarap sa kanila at tinuro ang kawawang paslit na nasa likod ko, nagngingitngit na sa init ng ulo. "Kung may gumagawa ng masama at bawal dito, kayo 'yon at hindi ako!" Bahagya akong humugot ng hangin nang hiningal sa pagod. Saglit akong napapikit nang mariin.  "Stop bullying this kid! Can't you see? She's just a kid, bullied by all of you! What do you think you're doing to her? Is this how superstars should act?! Heck, go buy a personality!" Nabitin sa pag-akyat ang dalawang marshal na susugod na sana. Lukot na ata ang mukha ko kaya natigilan nang nakita ako. Napailing ako at determinado pa rin sa gagawin. I glanced at the clock and turned to Bria quickly. I gestured her to the microphone stand. Sa kabila ng kanyang pangamba, agad din niyang sinunod ang utos ko kaya nagtungo na ako sa backline kung saan naka-display ang venue-provided instruments. Instead of going to the piano, I bit my lower lip as I reached for the violin. Kung ikukumpara ang dalawa, hindi hamak na mas kapa ko kahit papaano ang violin kahit basic pa lang din naman ang alam ko rito. Sa hindi malamang kadahilanan, parang... nangingilabot na ako sa kakaibang epekto ng piano sa akin ngayon. What a mess. Before turning around to face the agressive crowd, I took a deep breath and noticed my hands shaking. Pero walang magandang maidudulot kung papansin ko ang kabang nararamdaman kaya... "Go, Mich," I whispered to myself. I was about to turn around when the crowd went surprisingly silent for a while. Kumunot ang noo ko. Taka akong humarap at namilog ang mga mata nang natanaw kung sino ang paakyat sa stage. My heart skipped a bit when Klavier stepped on the stage. Natatakpan man ng aviators, alam kong nakatingin ito sa akin. On the other hand, Bria looked startled, too, on her spot in front of the microphone stand. Nagawa ko namang salubungin ang lalaking bigla-biglang sumali sa eksena at hindi pa rin makapaniwala kahit kaharap na siya! "What are you doing here?!" I grimaced in a low volume. He stopped on his track and I saw a scowl on his face. He whispered soft curses before massaging his temple, showing how this situation stresses him. "I won't let you play this genius stunt alone, Einstein." His sarcasm and irritation combined made me upset. Halos malaglag na rin ang panga habang sinusundan siya ng tingin nang naglakad na ito patungo sa harap ng grand piano. Still puzzled, I did my best to maintain my posture just a meter away from Bria before signaling her to start. One last glance at the dumbfounded audience, Bria closed her eyes; Klavier began playing the piano along with her. And just like the last time, the kid didn't fail me again. (For those who don't know the song, please listen to it below to have an idea about the tempo, melody, and harmony  for a better emotional build up on this part. I'll really appreciate it!)     "I have seen a thousand things A thousand minds and what they bring To this world and to this home But where I stand, well I don't know."     When Bria stopped after the first verse for the instrumentals, Klavier glanced shortly at me while still playing the simple chords of piano. Pinuwesto ko na ang violin sa kaliwang balikat ko at sinabayan ito. Pinikit ko ang mga mata. Salungat sa ipinakitang reaksiyon ng mga tao kanina ang nararamdaman ko ngayon. For a moment, I felt tranquility that was brought by the relaxing harmony we were creating. At sa pagmulat, kita ko ang munting kurba sa labi ng lalaking nakatuon na ang atensiyon sa ginagawa.     "I'm an open book I'll tell you everything I know To the darkest corners of my mind. My kingdom is wide So wide-eyed I can't track the time Between the spaces of my mind." Mula kay Bria na unti-unti nang gumagaan ang pakiramdam sa ginagawa, nilipat ko ang mga mata sa mga taong walang ginawa kundi apihin ang walang kalaban-laban na bata. Based on what I was seeing, Bridgette Madrigal was evidently hating the scene. Nakakalungkot lalo isipin na kung sino pa ang siyang kadugo ng batang ito ay siya pang utak sa pang-aapi rito. Bagay na matagal-tagal ko na rin palang pinagdudusahan. How could I forget about them? Those people who abandoned me and let me suffer my whole life. "'Cause I have seen a thousand things A thousand minds and what they bring To this world and to this home But where I stand, well I don't know." The jury let us be. Kung iisipin, ang pagkanta naman ni Bria ang mahalaga rito. In that sense, an assistance like this shouldn't be a problem and hindrance to showcase her talent. The kid worked hard for this. It shouldn't be taken for granted. People must witness this wonderful moment. She deserves every ounce of it.     "Cause I have seen a thousand things A thousand minds and what they bring To this world and to this home But where I stand, well I don't know."     As Bria ended her song, Klavier and I glanced at each other as we ended our parts also. Binaba ko na ang violin at yumuko. Ganoon din ang ginawa ni Klavier at hindi ko inaasahan ang naging reaksiyon ng mga tao kalaunan. Mula sa isang grupo na nasa bandang gitna, padagdag nang padagdag ang mga nakisali sa palakpakan. The juries gave a standing ovation, too, as they declared a perfect score for Bria. Hindi man ako ang nakakuha ng puntos at papuri ngayon, nagawa ko pa ring makaramdam ng kasiyahan habang pinagmamasdan ang batang hindi makapaniwala na nalagpasan niya ito. When the crowd shouted "Clock Out," I couldn't help but to smile watching Bria teared up on her spot. Not because of fear. But because this time, she managed to successfully overcome this performance amidst offensive tirades from these monsters. May humaplos na mainit na palad sa aking sistema nang humarap ito sa akin at patakbong sinalubong ako ng yakap. I pursed my lips to suppress the pooling tears on my eyes and looked up. "T-Thank you... Thank you, Ate Mich. This..." A sob escaped from her mouth. She hugged me tighter, as if she's scared losing me. "T-This means a lot to me." Kahit hindi niya makita, tinango ko nang marahan ang ulo at hinaplos ang kanyang buhok. Nakapaskil ang munting ngiti sa mga labi nang sulyapan ko si Klavier. His hands were inside his pocket while watching us from his position. I mouthed "thank you." A corner of his mouth lifted. Binalik na niya sa ayos ang kanyang mask bago nakapamulsang nauna sa pagbaba. Agad naman siyang sinalubong ng mga tao. Samantalang sa pagbaba namin ni Bria sa kabila, mahigpit na ang kanyang yakap sa sariling mga braso nang muli niya akong sulyapan. "T-Thank you again, Ate Mich... You're one of my uh... s-saviors," mahina niyang sambit. My eyebrow arched as we strutted our way off the stage. "Marami pala kami, e. Sino naman 'yung iba?" kunwaring ismid ko. "Uhm... the guy you are with a while ago and... M-Minerva..." Bigla akong natawa nang biglang namula ang kanyang pisngi. Ginulo ko na lang ang buhok niya at napangisi. I told you, bud. I'll be there. • • • • • • • • • • • •          ɴᴏᴡ ᴘʟᴀʏɪɴɢ: Alex Aiono, Ar'mon, Trey - I Spy, T Shirt, Isn't She Lovely, & Swang (Mashup) Alice Cooper - Hello Hooray Mia Wray - Where I Stand ──────|─────────── |◁              ||             ▷| ∞            ↺ May 5, 2020
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD