Chapter 28

5146 Words
Chapter 28 Enemies "Kudos! Galing mo!" "Congratulations!" "Keep up the good work!" "Congrats, Ate!" Tanging tango at ngisi lang ang nasusukli ko sa bawat bumabati. May iilang nasasagot ko pa ng "thanks" ngunit madalang lang. Nalulunod kasi agad ako sa dagat ng mga kaisipan. "Found yah!" Isang mabigat na braso ang bumagsak sa balikat ko. Pagkalingon ko, bumungad sa akin si Lancelot. Nasa likod niya pa ang tatlo at manghang-mangha ring nakatingala sa malaking screen. Bukod pa roon, may pa-vertical banner flag pa ang bawat team na naglalaman ng band name at pangalan ng mga myembro nito sa baba. Nakapaskil sa Main Music Building ang flags ng Exclusives samantalang sa kaliwang bahagi naman ng quad ang sa Ensembles. Sa gitna, iyong malaking screen sa entablado, fina-flash ang hinandang TVC para sa mga napiling Ensembles at Exclusives. Syempre, hindi mawawala ang Triad sa huli. Kasama pa roon ang pangalan ni Klavier kasama ang iba pang tinitingala at nirerespetong musicians o superstars sa Damgeen kaya kahit papaano, napapangiti rin ako. "Tayo 'yon! Tayo 'yon!" turo ni Faye sa pangalan namin nang nag-flash iyon sa screen. "Oo nga, Achelois. Wala namang umaagaw," pambabara ni Nolan. Pabirong sinapak ni Faye ang balikat nito bago muling itutok ang mga mata sa big screen. Pati ang ibang estudyante, kahit ata ilang beses nang napanuod nang paulit-ulit ang TVC, animo'y nasa pinilakang-tabing kung tutukan pa rin ng mga tao. "Galingan natin," sambit ni Cruz habang nakapamewang na nanunuod sa TVC. "Gigilingan ko lang 'yan sila, pre," si Lancelot. "Please don't. Baka agad tayong ma-disband kapag nandiri sayo si Mich!" reklamo ni Faye. "Weh?" silip ni Lancelot sa akin habang nakaakbay pa rin. "Baka mahulog pa ito sa akin, ha? Mich, be professional. Trabaho lang." Akmang sasaludo na ang gitnang daliri ko nang biglang umingay sa bandang likod namin. Dahil napalingon ang mga kasama, mas lalo akong binalutan ng kuryosidad kaya agad din akong nakisali. Nasama ko ang braso ni Lancelot nang pihitin ko ang katawan para lumingon. Natanaw ko si Klavier na nasa gitna ng mga taong nakapalibot. Hindi nito alintana ang mga nagpapaligsahan na estudyante para pukawin ang kanyang atensiyon, seryoso lang siyang nakatanaw sa big screen. He's here. Everytime he saunters around, he never fails to attract poles of people like a magnet. Tuwing may maingay, malaki ang posibilidad na nasa paligid lang siya, nakabuntot at pinalilibutan ng mga tagahanga. I couldn't blame them though. I understand their fascination towards him. There's something in his air that looked very striking and mesmerizing, as if looking away from him was heavy and difficult for the heart. He's such a head turner and an eye candy. "Parang ang hirap naman niyang abutin," rinig kong biglang komento ni Faye sabay sulyap sa akin. "Kaya nga laking gulat ko nang samahan ka sa stage nung araw na iyon, e. Close kayo?" Hindi ako nakapagsalita. Lalo na nang habang sinasabi niya iyon, bumaba ang tingin ni Klavier mula sa screen na nasa taas ng entablado patungo sa akin. Dahil nakababa ang mask, kita ko ang pagsusuplado lalo ng kanyang ekspresyon nang bahagyang ikiling ang ulo. Saka ko lang natanto na baka hindi nito gusto ang nakikitang pag-akbay sa akin ni Lancelot kaya agad akong napabalikwas para alisin iyon. Nagtaka naman doon ang huli ngunit napaiwas na lang ako at niliko ang mga mata. "In case, hindi na nakakapagtaka kasi parang magka-level na kayo ng appeal. Girl crush nga kita, e!" si Faye na mukhang hindi napansin ang nangyari. "Ney. Tomboy pala 'tong tropa natin, e," Lancelot snickered, ignoring my abrupt actions. I only scoffed and frowned. "Hindi," I denied. Nanlaki ang mga mata ni Faye. "Ha? Edi may pag-asa pala niyan si Cruz?" Parang nagulantang ang hitsura ng nabanggit na lalaki at mabilis napalingon sa amin. "Bakit bigla akong nadadamay sa katomboyan mo?" ismid nito. "Hoy! Hindi, a! Boyfriend ko nga si Morgan, e!" Just like an instinct, the boys sang "Mangarap Ka" in chorus. Habang nagkakatuwaan ang apat, napansin ko ang panibagong ingay na nagmula sa hindi kalayuan. Nakita ko ang pagdating ng Kaharayan at ng groudie nila, nagtatawanan din habang patungo sa harap ng stage. Ngunit dahil maiingay rin ang apat, hindi naging mahirap para mapansin nila ang gawi namin. Some of them stopped laughing and glowered at me. Habang sina Dante, blanko lang ang ekspresyon ngunit hindi na tulad ng dati, wala na ang talim sa mga titig. Tanging si Ezra na lang ata ang may puno pa rin ng paninibugho sa akin dahil sa pinapakita niyang pagtataray nang tanawin din sila ng SoundCheque, para bang nakakapanliit ang tingin na 'yon, may kung anong pinaparating sa pagsama ko sa bagong grupo. "Congrats, Kaharayan!" "Excited for your pasabog!" "Mabuhay ang mahahalay!" Not wanting to be outdone, I returned an equal face before simpering. Hindi rin naman nagtagal nang umalingawngaw na sa buong Damgeen ang anunsiyo na magsipunta na ang mga estudyante sa auditorium, lalo na ang mga napili sa Ensembles at Exclusives. Bilang pagkilala sa mga estudyanteng nagawang makasali sa listahan ng Ensemble Diversity at piling Exclusives, pormal na pararangalan ang mga ito, lalo na ang mga Ensemble na nabuo ng bawat Head Maestro. Nang nakarating na sa loob ng auditorium, agad naming nakita si Maestro Gibs nang kumaway ito sa amin. Sa ikatlong column kami ng mga seats tumungo, sa bandang unahan kung saan naka-reserve ang unang apat na rows sa lahat ng column ng auditorium para sa mga EE. "Buti nakarating agad kayo. Aalis na muna ako at dito lang kayo. May assembly pa kami sa backstage," bilin nito sa amin habang nakatayo pa rin kami sa row na iyon. Sa kalagitnaan ng ilan pang paalala at bilin ni Maestro, namataan ko si Klavier na mag-isa sa baba, mukhang naghahanap pa rin ng puwesto habang dala ang kanyang phone at pitaka, inaayos ang plarameter sa kanyang palapulsuhan. Dahil nasa auditorium na at pina-practice ang disiplina at pagiging propesyunal sa lugar na ito, tamang tanaw na lang ang mga tao at simpleng pagbati. Kaya nang akmang mahahagip na niya ang aking paningin, agad akong umiwas at nagkunwaring masigasig na nakikinig sa ginoong nagsasalita sa harap namin. That was only a freaking facade. Because deep inside, I was following his every movement with my keen peripheral eyes furtively. Sa sulok ng mga mata, nakita ko itong nagpatuloy sa paglalakad. Napalunok pa ako nang natantong base sa hitsura nito, mukhang alam na niya kung saan siya pupwesto. My heart hammered when we took a sit and he's now on the aisle, making his way all the way to the row behind us. Kahit hindi naman nakaharap sa kanya, lihim pa rin akong napapikit nang mariin para pigilan ang nagkukumahog na damdamin. What the heck, Mich? It's just a seat! Hindi ka niya nilalandi ngayon pero kung makareak ka riyan, para kang uod na binudburan ng asin! That's true. Dahil nang nahalo na sa hangin ang kanyang pamilyar na pabango, alam kong malapit na siya rito. Hindi pa nakatulong nang narinig ko na ang pag-upo niya sa mismong tapat ko, ramdam na ang kuryenteng dumaan sa gulugod ko sa kaisipang nakamasid siya sa akin. I cleared my throat and held my horses. Okay lang 'yan. Inisip ko na lang na si Faye naman ang katabi ko. Iyon nga lang, sa kabila ko ay si Lancelot. Bagay na sana, hindi niya na lang mapansin. I hope he's not the jealous type. Bahagya akong nasamid sa sariling iniisip. Teka nga, Mich? Bakit naman siya magseselos?! My goodness! This is not healthy anymore! Nang mukhang kompleto na naman ang attendance ng mga panauhing kailangan para sa pagtitipong ito, nagsimula na rin ang programa kalaunan. I realized that the primary speaker for this recognition and awarding was no other than the President, Damara Ginette Madrigal. Ang kanyang asawa ay nasa front row, sa gitna at katabi si Bria kahit hindi naman ito kasapi sa mga napiling EE. Ang ate niya naman, alam kong nasa malapit lang din. Binanggit na ng President ang bawat grupong nabuo sa Ensemble Diversity, kada grupo ay aakyat sa entablado at susundan ng magarbong palakpakan. At nang turn na namin, halos manggigil ang mga kasama ko kakahintay sa pangalan ng aming grupo, lalo na nang pinatayo na kami ni Maestro Gibs patungo sa hagdan ng stage at nag-flash na ang pangalan namin sa magkabilang projector sa baba ng malaking "SoundCheque" na branding. Sa totoo lang, malaya namang bumuo ng panibagong pangalan para sa mga grupong nabuo ng Ensemble Diversity program. Besides, that's understandable since this program is dedicated by customizing and integrating diversities into one harmonic group. It only means a new brand name shall be created as well. Ngunit dahil wala namang problema sa akin ang band name nila at nag-iisa lang naman akong nadagdag, pinanatili na naming ganoon. Dahil sa katunayan lang, maaari namang hindi permanente ang pagiging hired gun ko sa grupo. Baka palipasin ko lang ang October at aalis din ako. "Next, SoundCheque is an acoustic band that is roundly nominated by Maestro Gibson Linoa, which gathered a unanimous decision in favor of quorum committee. So once again, along with Maestro Gibson, congratulations, SoundCheque," ngiti ng President sa grupo namin. We went up to the stage and received our medals and certificates of recognition each. Si Maestro Gibs naman ang umabot ng plaque para sa team namin. Kasabay ng lahat ng iyon ay ang pag-ilaw ng aming plarameter. My eyes widened when I saw how big the merits we received.  My previous total of points was 188 and apparently, it progressed to 278. It just means I've received a total of 90 merit points! Paano pa kaya ang sa Exclusives kung ganoon? The audience applauded during our photo op. Wala naman talaga akong balak makisali sa kuhaan ng litrato. Plano ko pang manatili na lang sa likuran nila ngunit nang lumipat ang tingin sa akin ni President Madrigal, naubo ako at napilitan nang makigaya, hawak ang medalya at lahad ng certificate sa harap. "Congratulations again," ngiti ni President Madrigal sa amin at huli akong tinignan. I forced a smile. Yumuko na lang ako at sumunod na sa mga kasama. Doon ko lang napansin na naghahanda na rin sa may hagdan ang mga Exclusives dahil medyo nasa huli na kami ng alphabetical list ng Ensembles. Habang abala ang mga kasama sa pagbati at pakikipagkamay sa iilang kakilala sa Exclusives na nakapila sa hagdan, nakatungo lang ang ulo ko sa dulo, takot na makaharap ang sino man sa Triad. Not that I was really scared. I just thought it would be so awkward and embarrassing. Ibang-iba ang ere at ambiance sa hagdan noong mga oras na iyon. Para bang ang tatayog at puro respetado ang mga nakahilera. I suddenly felt so little. However, I was cut off from my reverie when I passed through halfway the stairs and my vision caught Klavier, rigorously standing on his place, along with his other co-Exclusives. Hindi ko na napansing tumatagal na pala ang titig ko habang papalapit nang papalapit. Kung hindi ko pa ito nakitang umahon mula sa pagkakasandal sa pader at medyo pinaghandaan ang pagdaan ko, baka tulala na akong matatapilok sa pagbaba. "Later." His whisper was as if it was blown by the wind to me. Napalunok ako at pasimpleng tumango bago tuluyang humabol sa mga kasama. Naaliw rin naman ako sa daloy ng program. Dahil kahit papaano, nakakatuwa rin namang tuklasin ang iba't ibang klase ng grupo na nabubuo dahil sa musika. Tipid akong pumalakpak nang banggitin na rin ang chamber ni Maestro Dulcet. Meron pang mga interesanteng grupo kanina tulad ng marching band, mga quartet ng iba't ibang instrumento tulad ng clarinet, harp, at cello quartet. Hindi rin papahuli ang kakaibang team ng isa pang Maestro na isang *junk band. Nakatanggap sila ng malakas na palakpakan mula sa audience. When it's the Exclusives' turn to be recognized and awarded, everyone inside the auditorium seemed more enticed with the program. Hindi tulad sa Ensembles, kada tawag sa mga kasapi ng Exclusives ay nananatili silang nakatayo sa entablado at humihilera. Nang tawagin na rin ang Triad of the Year, saka ko lang napansin na ekslusibo lang talaga kay Bridgette Madrigal ang titulo ng GOTY. Naisip ko, talaga ngang siya lang ang sakop doon. Pero gayunpaman, nahagip ng mga mata ko na bago si Klavier, tinawag na rin si Fribella para tanggapin ang kanyang award. Sa Quartepopella, mukhang silang dalawa lang ang kasali sa main event ng concert bilang Exclusives. Meanwhile, when it was Klavier's turn, I noticed how extreme his supporters were. Para bang kung ano ang ingay nang natawag ang Kaharayan at PRIMO, ganoon din halos kaingay nang siya na ang sumampa sa stage. "Congratulations, Mr. Klavier," ulit ni President Madrigal pagkatapos ng photo op nito na medyo tumagal pa dahil marami ang nakihalo sa photographers. Kahit marami ang pumapalakpak, tanging ngiti lang ang nagawa ko dahil iniiwasang makahalata ang mga kasama na kilala ko ito dahil kung sakali, sa kanya lang ako papalakpak bukod sa chamber ni Maestro Dulcet. Idagdag pa na nanghihinala na ang katabi sa amin. I don't wanna risk it. I'm contented with just our lowkey and private friendship that we shared with just each other. "Maestro, susunod na lang ako. CR lang," paalam ko nang natapos na ang program at oras na para lumipat ng venue. May munting selebrasyong inihanda ang mga Madrigal para sa tagumpay na ito. Gaganapin ang salusalo sa multipurpose hall ng Damgeen kaya naman ang lahat ng pangunahin sa pagtitipong ito ay doon na ang diretso ngayon. "Sigurado ka? Alam mo na ba ang daan patungo doon?" takang tanong ni Maestro. Napalingon na rin tuloy ang apat sa amin. Tumango ako. "Opo." Nga lang, laking gulat ko nang daluhan kami ni Achelois sa usapan. "Samahan na kita, Mich!" "Magsi-CR ka rin?" "Huh? Ah, hindi naman. Samahan lang kita para may kasabay ka papunta sa banquet." Umiling ako at ngumiti na lang. "Ayos lang. Hindi na naman kailangan. Sige na." Kumaway na lang ako bago pa man ito makaapila. Hinila na rin naman siya nila Cruz kaya nagpatuloy na ako sa pagpanhik sa kabilang direksiyon. Nakakasalubong ko ang ibang estudyanteng papalabas pa lang sa auditorium kaya medyo nahirapan pa ako. Well honestly, going to the restroom was just an excuse. Since we won't be able to meet now during breaktime because as part of EE, we have no breaktime to start with, Klavier and I decided to meet right now before going to the banquet. I halted to the remote part of lanai and sat on the bench, sighing. I must admit, I came to notice myself being committed with this undefined connection with Klavier lately. Fine, I was unusually okay with all this in an instant. But I think I need this. I need a diversion and someone to talk to. I always felt warm and comfortable with him around so... even just a little, I want to spoil myself with this one... without talking about the end results for now. Just this once. Sa kalagitnaan ng malalim na pag-iisip, naalipungatan ako dahil sa kakaibang pakiramdam sa paligid. It's creepy. But I could tell it's familiar. That feeling... someone was... "Hold on tight!" Napabalikwas ako nang biglang may sumulpot na tatlong babae harapan ko habang nililingon ko ang bandang likuran. "You know she's a little bit dangerous!" They pointed at me, snickering. "You know she's a little bit dangerous!" Nanatili lang akong nakaupo habang inaalala kung saan ko nakita ang pamilyar na mga mukhang ito samantalang madrama na silang naglalakad patungo sa akin pagkatapos ng munting palabas. Umabante ang nasa gitna sa akin at mataray akong nilapitan. "Ang saya-saya mo siguro, 'no?" She chortled without humor. "Who wouldn't be, right? Nakuha mo ang loob ng Kaharayan. Kahit si Rave Jackson, handang ibalandra na girlfriend ka niya kahit hindi naman talaga. Tapos ngayon, si Klavier naman ang kinakalantari mo?" Napailing ako, gulong-gulo na sa biglang pagsulpot nila. "Una sa lahat, sino ba kayo?" The three of them looked at me, dumbfounded with their jaws slightly slacked open. "Ang yabang mo talagang malandi ka!" iyong nasa kanan naman. "Puro ka lang naman yabang! Nakakahiya ang boses! Puro lang kasi ganda at landi ang inaatupag! You're a disgrace to Damgeen!" My forehead creased in utter irritation. What the hell? "Binibiktima mo rin si Cruz ngayon, 'no? Malandi ka! Umalis ka rito!" Ambang susugod na sa akin ang pangatlong nagsalita nang tumayo na ako at sinalo ang patpat na braso niya. "Kung sasampalin mo ako, siguraduhin mo munang malinis ang kamay mo," mariin kong sambit bago itulak ang kamay niya. Iyon nga lang, dahil nakaharap ako sa isa, hindi ko inaasahan ang paparating na sabunot naman sa akin. The girl in the middle pulled my hair and f**k! My scalp hurts! "Bitawan mo ako! Leche!" daing ko ngunit hinampas lang ako sa braso ng babaeng dapat sana ay sasampalin ako. "Dapat lang sayo 'yan! Masyado ka nang pasikat!" "You don't belong here, b***h!" Nakakapa ako ng buhok kaya hinigit ko rin iyon, dahilan para mapabitaw ang nakasabunot sa akin, saktong kanyang buhok pala ang nahigit ko! "Ouch! Get off my hair!" she cried. "Bitawan mo siya!" My eyes widened when the other one lifted her hand. But unlike the first one, this time, it successfully landed on my jaw. My lips parted in shock. Napabitaw pa ako sa sinasabunutan ko nang nalasahan ang lasang kalawang sa aking bibig samantalang ang nakasampal sa akin ay natigilan din. "That's right! Tama lang 'yan sayo!" sigaw ng isa pang humihila kanina sa akin palayo sa sinasabunutan ko kalaunan. Akmang sasampalin ulit ako. Ngunit tuluyan nang nagdilim ang paningin ko at naunahan ko na sa pagsupalpal sa mukha ang muling nagbabalak. "s**t!" she cursed as she endured the pang on her face. Sa sobrang lakas noon, maging ako ay nasaktan din sa ginawa kong sampal. Hinarap ko ang sumampal sa akin noong una at tinadyakan ko sa tuhod. "Walang hiya ka!" she grunted. Natumba ito sa semento kaya nang harapin ko naman ang babaeng nasa gitna kanina, laking gulat ko nang kinuyom niya ang kanyang kamao at iaamba na iyon sana sa akin. Napamura na ako. Iyon nga lang, kung wala sanang may humigit sa akin palayo at pumagitna roon, malamang natanggap ko ang kamaong iyon. In the end, the blow I was about to receive landed on the man in front of me. Subalit dahil sa laki nito, mukhang ang babae pa ang nasaktan sa sariling pagsuntok. "K-Klavier?!" the girl hissed hysterically. Tulala akong napaangat ng tingin sa lalaking humara sa akin at nalamang totoo ngang ito ang nasa harapan ko ngayon. Unti-unting tumayo ang napatumba kong babae kanina at sumama sa dalawa pa niyang kasama. That's when I remember who they are. These girls are my classmates from one of my specialization class every Tuesday. "I'm... I'm sorry!" naluluha nang hingi ng tawad ng susuntok sana sa akin wala pa mang nangyayari. I can't believe this! Napayuko lang ako habang dahan-dahang hinahaplos ang pisnging kumikirot pa rin hanggang ngayon. My head's also throbbing because of the force exerted to pull my hair earlier. Napapikit ako nang mariin. At kung hindi lang ako hawak ni Klavier, maaaring kanina pa ako natumba sa sahig dahil sa pinagsamang pagod at panlalambot. "What the f**k is this?" Klavier asked in a deadly tone. I lifted my head to glance at them. I saw them faces drained out of color helplessly. "H-Hindi namin sinasad-" "You think I'd buy that crap?" His critical voice made the three of them shut up. I clenched my teeth angrily, balling my fists as I examined their f*****g faces. "So...Sorry, Klav-" "Kneel down. Say sorry to her," pigil na pigil na turan ni Klavier. Gulat ko itong tiningala sa nilahad niyang kondisyon sa mga babae at kahit alam kong hindi naman para sa akin, para akong binuhusan ng malamig na tubig nang nasaksihan ang nakaigting niya panga, na kahit may suot na sumbrero at salamin, mukha itong handang pumatay ng tao dahil sa nangyari. I blinked repeatedly and licked my lips, drifting my eyes to the girls who physically attacked me with no logical and apparent reason. They looked hesitant at first when they heard him, but when they noticed my death glares, they swallowed their pride and knelt down on their knees. "Sorry." "Sorry." "I'm sorry." Napaiwas ako ng tingin at hinawakan na ang kamay ni Klavier na nakahawak pa sa palapulsuhan ko, nagpipigil na rin ng galit. "L-Let's just go." Kinailangan ko pang gumamit ng puwersa para lang hilahin ito paalis doon. I would want to express my gratitude for saving me. But cat got my tongue when no words came out from my mouth. Hindi ako makapaniwalang may mga tao talagang walang magawa sa buhay at basta-basta na lang manghahamon ng away. Tahimik kami sa paglalakad hanggang sa higitin niya ako bigla nang bahagyang nakalayo na sa pinangyarihan, dahilan para mahinto kami pareho. "Tell me what happened," he ordered. Tumikhim ako at napaiwas ng tingin. I expected this but I couldn't afford to make him worrier. "You don't need to know. I-I'm fine." That was a lie. Because from my jaw, my cheek was still f*****g throbbing and my head's cracking my entire skull. I saw Klavier swallowed hard before sitting at the bench on my side, pulling me closer in front of him. Para akong ginapangan ng kirot sa dibdib dahil sa ginawa niyang iyon. Para bang hinang-hina siya pagkatapos ng nangyari. I suddenly wondered. How much did he see? "I need to know," he answered croakily. "W-Why?" "I want to know how much you suffered and I wasn't there," he almost whispered. That pained me. Especially when he pressed my hands with his and uttered soft curses to himself, as if he's so disappointed. Kinagat ko ang aking labi at humugot ng malalim na hininga, naramdaman ang pangangailangan niya sa tapat kong sagot. "They... They pulled my hair and just... slapped me." Napakurap-kurap ako nang iangat niya ang kanyang tingin sa akin. At kung wala lang takip ang mga mata, masasabi ko nang tuluyan na dumilim ang ekspresyon nito. I quickly shook my head to lessen my answer's intensity. I panicked as I kept my thoughts intact. "P-Pero sinabunutan ko rin sila! Uh... sinampal at sinipa ko pa sa tuhod. Isa-isa sila bago ka dumating! I-I told you I can-" "I'm sorry," he said as if it was a pain to him. "I'm sorry..." Shit. I looked away when it was too heavy to bear. He pressed his nose bridge. Napahakbang ako nang isang beses paatras nang tumayo na ito. And to my surprise, he pulled me towards him for an embrace. Isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi nang damahin ko ang init ng yakap na iyon. It felt warm... and nostalgic. I smiled more. And I found myself returning the hug, closing my eyes... and leaning my head more on his chest. "Thank you, Emman..." I felt him stiffened. And it took me a long while to realize my mistake. Mabilis akong kumalas sa yakap at nag-aalalang tumingala sa kanya. Blush crept across my face as I slapped my hand all the way to my mouth in shock. "s**t. I-I'm sorry..." Bahagya akong napapikit nang mariin sa kahihiyan. "I-I didn't intend to-" "Who's Emman?" walang kaemo-emosyon niyang tanong. I looked at him with haywire reaction with the sudden change of his disposition. Sinubukan kong suriin ang nararamdaman niya. Kung galit ba siya o ano. Ngunit ang tanging nasilayan ko lang ay ang kablankuhan ng kanyang anyo. Umiling ako at napapisil sa ilong. "H-He's nothing important. Nalito lang ak-" "Who is he, Michaela?" sa mas kritikal na niyang tono. I squeezed my lips together and nodded frustratedly, yielding to his demand. "He's just... He's just an old friend." His brow shot up. "Old friend," he echoed, doubting it. "O-Oo. Sorry-" "Don't fool me," he cut me off. That made me caught off guard. I felt like I was caught red-handed and for some reason, bigla akong naguluhan! Akmang magrarason na naman ako nang narinig ang pamilyar na ingay. Klavier lazily raised his head to see the intruders. Pagkalingon ko tin naman sa labas ng lanai, nakita ko ang Kaharayan. Unlike their usual number, it's just the five of them. It looks like they're now heading to the hall which I almost forgot to do. As expected, they noticed there were other people out here so when their eyes met our direction, they seemed to be a bit taken aback. Bumalot ang pagtataka at gulat sa mukha ni Dante habang dumilim naman ang hitsura ni Ezra, sarkastikong ngumisi at nagtaas ng kilay. Pagkalagpas nila sa amin, natahimik na ako. Ganoon din si Klavier. Rinig ko itong bumuntong-hininga nang hilahin na rin ako paalis. "It doesn't matter. Let's go," he said. But I know it still bothered him. Habang tinatalunton ang daan patungo sa salusalo, damang-dama ko ang pagbigat ng pakiramdam ko dahil sa mga nangyari. Hindi pa nakatulong ang naging reaksiyon ng Kaharayan. Sure, I know they shouldn't matter to me anymore. Besides, I'm positive it's not me who wronged anybody. It was them. They judged me falsely! They left me! Pero bakit ganoon? Pakiramdam ko, binibilog ko lang ang sarili ko sa pangungumbinsing wala na sa akin ang lahat ng iyon. At the bottom of my heart, a faint voice would always crept up to remind me my true feelings. Their judgement and opinion still matters to me. And Klavier... I bit my lip and peeked at his back sorrowfully. I felt bad for mistaking him from someone who should be... forgotten. How insensitive, Mich. Damn it. Nang nakarating na sa entrada ng bulwagan, tumigil na ito sa paglalakad. Only to saw a group of people coming from the hall. Palabas na sana ang mga ito nang tumigil nang bahagya para humarap sa amin. Bridgette Madrigal grinned mischievously as she scanned the man who's holding me before arching her brow to look at me. "I wonder who's the leech again?" parinig niya kalaunan sabay higpit ng yakap sa braso ni Rave Jackson. Kasama nila ang iba pang myembro ng PRIMO. Tanging si Bridgette lang ang tangay-tangay ng banda. Napairap ako at hindi na iyon pinatulan pa. I've done enough for this day. Too many immature kids to handle. But unfortunately, Rave Jackson seemed to be thirsty for a war right now. His lips protruded playfully to stifle his bulging grin when he shifted his gaze from me to Klavier alternately. I felt a shiver down my spine recalling his tenacious remarks before. "Before I even forgot, congrats, Maddison and... who are you again?" sabay lingon niya kay Klavier, pinakawalan na ang nanghahamong ngisi. Klavier didn't answer him though. He looked like someone who has no time for these shits. Rave Jackson snapped his fingers. "Ah! Klavier! Right! Dude, I'm a fan! I think you're great in bagpipes! I mean, you're a clarinetist, yes?" he simpered mockingly. Nagtawanan ang mga kasama at nilingon pa ni Jackson para lang makipag-high five. However, Klavier shifted on his weight, too, and smirked nonchalantly. "It's a real shame nobody asked for your opinion," he retorted. I immediately covered my mouth with that sudden blow. Heck. I couldn't help but to contain my laugh! Rave Jackson's expression was just so priceless! "T-This son of a..." Jackson gnashed his teeth in utter disbelief. Sa huli, napasuklay na lang ito ng buhok gamit ang kanyang kamay habang maangas pa rin ang tingin kay Klavier bago kami tuluyang lagpasan. Hindi ko na rin naman hinalungkat pa ang tungkol doon dahil mukhang masama na talaga ang timpla ni Klavier. Halos mapatalon ako sa gulat nang tinaas nito ang kanyang kamay at bahagyang inayos ang nagulo kong buhok. "Thank you..." I thanked quietly. "Tss." Napanguso na lang ako habang nauunang maglakad, medyo pinauna niya ako ngunit ramdam ko rin naman ang pagsunod niya sa pagpasok ilang sandali pa. "Mich!" taas ng kamay ni Faye sa bandang gilid na parte ng bulwagan. Mukhang doon ang table namin. One last glance at Klavier over my shoulder before striding my way to SoundCheque. Buffet ang salusalo at kakasimula pa lang naman daw. Marami na ang mga tao. Si Maestro Gibs naman, pansamantala raw munang nakihalo sa iba pang mga Maestro. Medyo inusisa pa nga ako ng apat kung bakit natagalan ako at namumula ang kaliwang pisngi ko. Sinabi ko na lang na baka kumapal ang blush on na ni-retouch ko sa CR kahit ang totoo, wala akong blush ngayon. "Hay naku! Kung sinama mo ako, edi sana tinulungan kita!" kunwaring pagtatampo pa ni Faye. "Wala naman 'to." "Sus!" Umawat na si Nolan at tumango sa akin. "Sige na, Mich. Kumuha ka na ng pagkain mo doon. Baka maubusan ka pa." Ngumisi na lang ako sa kanila. Tulad ng sabi ni Nolan, tumayo na ako at nagtungo sa buffet. I planned on serving myself a variety of platterful dishes without rice so I started with pesto chicken pasta, already savoring it in my mind with gusto as I put ample amount of it on my plate. May tumabi sa akin kaya umusog ako nang kaonti. Lumipat naman ako sa chicken section. Damn it. What a sumptuous feast! "That looks... immensely impressive." I jolted in surprise as I faced an elegant middle aged woman beside me. My eyes widened a fraction and bowed! "President Madrigal!" I greeted, still bowled over. "Hey." She smiled sweetly at me the moment I recognized her. "Congratulations, dear." "Thank you. Uhm... kukuha po ba kayo?" turo ko sa mga dish. She shook her head. "Just came here to congratulate you." Confused, I just nodded hesitantly and smiled. An awkward one I must add. Baka naman kasi ganito talaga siya sa lahat ng mga nandirito. Nakakahiya at late pa ako. "Uh... thank you..." nag-aalinlangan kong tugon. President Madrigal dropped her eyes on my plate and then scanned the served dishes on our side. "Try this one. So delish," she softly suggested as she gestured at the lobsters. "Ah! Sure!" Nginitian niya lang ako. Sobrang hiyang-hiya pa ako nang habang kumukuha ng lobster, na hindi ko pa siguro mapapansin kung hindi pa tinuro ng ginang, tinulungan na rin ako ng President sa tamang cutlery at utensils na kakailanganin ko. "Thank you, President Madrigal. You don't have to..." nangingiwi ko nang saad nang tinanggap ang mga hinanda niya sa akin. "It's okay. Enjoy the food." "I-I will. Uhm... Lobster is actually my favorite so..." Nginiti ko na lang ang karugtong ng sasabihin. We exchanged smiles before she bid her adieu. Saka lang ata ako nakahinga nang maluwag. Nakalimutan ko na ata ang paghinga kanina. Damara Ginette was just too much to handle! Too overwhelming! Was she normally that nice? Hindi pa man ako tuluyang nakakabawi sa huling enkuwentro, bigla na namang may tumabi sa akin at pumalit sa puwesto ng President kanina! My eyes bulged as soon as I figured out it was Dante. I cleared my throat and looked away. Inabala ko na lang ang sarili sa hawak na platter. Tama na naman siguro ito. I can just go back later if I crave for more. Pwede naman sigu- "You're ignoring me now." As much as I would like to give justice to his assumption, I could not help but to face him disbelievingly. "Oh my gosh, you're surprised?" amok ko. Tinapik niya ng likod ng hintuturo niya ang ilalim ng kanyang ilong at bumuga ng hangin. "I'm not here to start a fight, Michaela." "I shoot, I think I know the drill," I hissed under my breath and rolled my eyes. "I'm here to express my chord. And congratulate you of course." Napailing ako, hindi na kinakaya ang nangyayari. "Thank you but please spare me with your niceties. Don't play with my f*****g emotions." Tumango ito nang marahan at tipid na ngumiti. "I understand your resentment, Michaela. I won't stay any further so... yeah, congratulations. I mean it." I just turned my head sideways and showed him my disinterest. "At... boto ako. Sa kasama mo kanina." I lazily shifted my eyes to him. He smiled, almost a scarce one. But not until I heard Achelois nearing us. "Mich! Halika na! Ang tagal mo- Oh! Duran..." Nagdahan-dahan ang paglapit ni Faye nang napansin na may kasama ako, siyang kasalukuyan naman tinignan lang nang saglit ang bagong dating bago tuluyang umalis. I followed him with my eyes when Faye nudged me. "Ano? Inaway ka ba?" bulong niya. Nilipat ko sa kanya ang tingin at nagkibit-balikat. "Ako ang umaway sa kanya." May 7, 2020
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD