Chapter 25
Where I Stand
"Since all of you are under strings section, you must have known the basic percussive technique on guitar. It may sound ironic since guitar is mainly under strings, but it's used for percussion, too. Sometimes, to add versatile touch."
It's Thursday. Last class na namin ng specialization at ngayon, MUS12081 kami, Strings 102.
Nakahalumbaba lang ako habang nakikinig kay Maestro Gibs. Animo'y mga tutang nakikinig ang buong klase dahil ito ang tinitingala sa Strings Department dahil ang Maestrong nasa harapan ay ang Head ng departamentong iyon.
I was drumming my fingers on the table when the extroverted girl beside me crouched to whisper something.
"When talking about percussive guitar, you know Cruz is the monster. He's the Eddie van der Meer of Damgeen," she said.
Faye Achelois gestured at the guy named Kris Cruz beside Maestro Gibs to inform me, or more like, to persuade me over again.
I rolled my eyes when it sounded like another episode of How to Recruit Michaela Singh to SoundCheque.
Ang lalaking nakatayo at may hawak na acoustic sa tabi ni Maestro ay kabanda niya, niyayabang na naman kung gaano kagaling ang kanilang grupo.
SoundCheque is actually an acoustic band and they've been following me for almost a week, persuading me to join their band.
Isang taon pa lang kasi simula raw nang foundation ng banda nila kaya hanggang ngayon, open for recruits pa rin kuno. But I doubted that. They're not looking for a new member; they just wanted to enlist me.
Inignora ko na lang muna ang madaldal na katabi at medyo kinunot pa ang noo para ipakitang hindi ako interesado sa mga kinukwento niya sa kalagitnaan ng discussion.
"Sabi ni Cruz, kapag hindi ka pa raw um-oo, duel kayo ngayon sa practical," she mocked.
Napailing na lang ako at tinuon na lang ang pansin sa harapan.
Hindi ko ba alam. Pero pagkatapos ng September kickoff kung saan nag-ride o guitar solo ako, may iilan nang lumalapit sa akin. Karamihan sa kanila ay trio o quartet na naghahanap pa ng dagdag sa grupo.
Sa kaso naman ng SoundCheque, kompleto na naman sila sa pagkakaalam ko kaya hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kinukuha pa rin nila ako. Idagdag pa na sa lahat ng nag-alok at tinanggihan ko, sila ang pinakapursigido.
Bukod pa roon, kahit papaano, mas umayos na ang tungo sa akin ng mga tao. I think showcasing your talent and flaunting your skills add an extra respect you gain from the people.
Weird pero mukhang iyon ang prinsipyo nila rito. Mas magaling ka, mas mataas ang respeto na makukuha mo. Medyo naiintindihan ko na kung bakit noon, halos basura na ang turing nila sa akin dahil lang hindi pa nila ako nakikitang mag-perform.
Hindi ko tuloy alam kung ikakasiya ko ba iyon o ano. Sayang, gusto ko pa sanang mang-asar. Ang sarap kayang makakita ng violent reactions minsan. Nakakasawa rin kasi na puro papuri. New school, new life sana.
Natawa ako nang palihim sa sariling naiisip.
Pucha. Ang yabang mo, Michaela. Dumaan na ang bagyo at tagbisi, wala ka pa ring kupas!
"Slap strum."
Meanwhile, Cruz demonstrated that basic percussive technique on his Gibson, Maestro Gibs' favorite brand, probably to gain extra merits. Pansin ko nga na halos lahat ng narito, Gibson ang dala. Mga sipsip.
Nagpalakpakan ang mga kaklase pagkatapos magpakitang-gilas ni Cruz nang isang pasada.
"You need to know what parts of the guitar to hit in order to achieve the sound you want," si Maestro Gibs sabay sulyap kay Cruz at tango rito. "Cruz, show them where to find the alternative sound of kick or bass and snare drum."
Ngumuso si Cruz, halatang aliw na aliw sa atensiyong natatamasa, bago ibaba ang tingin sa gitara.
"This is bass," he said then hit the part of the guitar somewhere between bridge and sound hole.
It created a deep thumping sound. It was a low tone, like a bass sound.
"You can hit this part using your thenar eminence or..." Bahagya siyang tumawa at napakamot sa noo. "Or the base of your thumb. Here."
Pinakita niya ang parte ng kanang palad, 'yung base ng hinlalaki, 'yung matabang parte sa sulok ng kamay.
"That's where to find the bass drum or low sound. Pwede rin naman pampalo ang wrist. Depende kung saan kayo komportable," pagpapatuloy niya pa. "Ito naman ang snare. You can thump the strings six to five or even four with your thumb."
Ginawa niya iyon. Pagka-hit niya ng bass, sunod na tinapik niya naman ang tuktok na parte ng strings gamit ang hinlalaki. Nakalikha iyon ng tunog na kamukha ng snare drum.
Pinasalamatan ni Maestro Gibs si Cruz ngunit hindi pa rin pinapaalis ang huli kahit nagtuturo na siya ng iba-ibang basic techniques ng percussion guitar, kung saan bukod sa strumming, plucking, at fingering, puwede ring dagdagan ng beat ang gitara na animo'y cajon box.
I actually had those moments before when I did it for fun while practicing. Lalo na kung kabisado at hasang-hasa na sa chords at gusto pang mag-eksperimento ng pandagdag sa kabuuang tunog.
I would just hit or slap the body of my guitar whenever possible to improvise, especially when it's upbeat and in a fast tempo. Nga lang, hindi ko naman kinakarir dahil hindi naman ako fan ng flamenco. Ngayon ko lang natanto na hindi naman pala masamang pag-aralan nga tungkol doon.
"To do this, when strumming, you must flick with your fingers outward rather than strum from the wrist so your hand stays where it needs to be."
Pagkatapos pa ng iilang basic techniques na detalyadong pinaliwanag ni Maestro at pinakita naman ni Cruz, humalukipkip ang una at pinasadahan ng tingin ang buong silid.
"As I said, magkakaroon tayo ng munting guitar battle, featuring these percussion techniques. So who else in this class can nail it like Cruz?"
I'm sure there's many in this class who can play those techniques. But of course, if you raise your hand, you must expect that you'd be submitted to face Cruz, the percussive guitar monster of Damgeen in acoustic edition. Scratch the flamenco specialized students. Course they're beyond our reach.
Ilang sandali pa at walang naglakas-loob na magpresinta, bahagyang may sinabi si Cruz kay Maestro Gibs na ikinagiya ng paningin ng huli sa klase.
"Miss Michaela Singh? Oh, I know that kid," si Maestro pagkatapos ng binulong ni Cruz.
My eyes widened with a hint of surprise. Nagpatuloy sa paghahanap si Maestro Gibs sa pangalang sinabi niya nang biglang humalinghing nang nakakaloko ang katabi.
"I told you!" Faye giggled. "Maestro, she's here!"
Pinanlakihan ko siya ng mata ngunit huli na. Napabaling na sa amin si Maestro Gibs kaya halos malukot na ang mukha ko nang tapunan ko ng tingin ang katabi.
"There you are! Come here, come here," tuwang-tuwang sambit ng Maestro.
Halos maihilamos ko na ang kamay sa mukha. Nilingon ko muna si Faye at siningkitan ng mata bago tuluyang tumayo.
"The more I don't wanna join your band, Achelois."
She just chewed on her lower lip and clapped her hands. Ginaya rin naman iyon ng ibang kaklase na mukhang excited pa nga!
Hoy! Hindi naman kasi talaga ako magaling dito!
I groaned inwardly as I strutted my way down the platform. Halos bugahan ko na ng apoy ang kaklaseng katabi ni Maestro Gibs bago lingunin ang huli.
"Where's your gear, hija?" the Maestro asked with a smile.
Dismayado akong umiling at bumuga ng hangin. "Wala po, e."
I heard some gasps and simpers. Rinig ko naman ang plastik na "aww" ni Cruz, kasalukuyang nakayakap sa katawan ng Gibson niya. Tss.
"Why? Superstars are expected to bring their own instruments, especially every Thursday because this day is your specialization, Miss Michaela."
Napakamot sa sentido si Maestro Gibs ngunit kalaunan, ngumiti na lang at dinampot ang kanyang sariling Gibson guitar.
"Take care of my baby," he reminded with a playful warn.
Napanguso ako at maingat na tinanggap ang kanyang gitara. Heck. It's the very sought after Gibson Hummingbird acoustic guitar! Vintage!
Rinig ko rin ang isinasatinig na inggit ng ibang kaklase habang hawak ko na iyon.
Nitong mga nakaraang araw, hindi ko mapagkakailang umuusbong na ulit nang kaonti ang pagmamahal ko sa music.
Ngayon, mas napatunayan ko pa iyon nang kulang na lang, kuminang na ang mga mata ko sa pagkamangha rito. Mas lalo tuloy akong ginanahan. Baka mamaya mapataob ko pa si Cruz nang 'di oras, a!
Pero syempre, kailangan nang konting ingat dahil hindi sa akin ang gitara.
Pero gaano kakonti ang konti, Mich?
After a while, we were instructed to play a piece with the acoustic guitar applying the percussion techniques we discussed earlier. Todo naman ang yabang sa hitsura ng lalaking kaharap habang sige sa pagsigaw ng kanya-kanyang pambato ang mga kaklase.
Of course, I was outnumbered by Cruz' credentials. Kaya naman sa kanya ang majority ng boto. Ipinagtataka ko lang na pangalan ko ang sinisigaw ng kabanda niyang si Faye Achelois. Siguro parte na naman ng pagpapabango ng imahe niya sa akin.
"Game?" ngisi ni Cruz.
Umirap lang ako at naghintay sa aking puwesto.
"Game," siya na ang sumagot sa sarili sabay tawa.
He played a guitar cover for Lorde's Royals. Napasimangot tuloy ako.
Una pa lang, halata namang wala akong panapat. Beat at intentional delays pa lang, obvious naman na gamay na gamay na ng kalaban ang ginagawa.
(Reference of Cruz' cover only)
He let his hands savor the rhythm and beats, as if they were born to play that guitar in that seamless way.
Sinuway ni Maestro Gibs ang mga kaklaseng kumakanta na para makisabay sa tugtog ni Cruz. Samantalang ako, halos maging agresibo na nang lagyan na niya ng advanced techniques ang ginagawa. Wala naman 'yon sa tinuro! Basic lang ang sabi! Madaya!
Tuloy, nakabusangot ako nang natapos siya. Nagpalakpakan ang mga kaklase. Base sa performance, alam kong easy peasy lang iyon sa kanya. There's no fairness in this battle!
"Ikaw na," si Cruz nang ibaba ang gitara.
Hindi ko ipinakitang naduduwag ako kahit sa loob-loob ko, pinagpapawisan na ako dahil alam kong wala naman akong laban kahit anong gawin kong magic dito.
"Tss," I just scoffed and hugged the guitar.
Kung siya, nagawa niyang matapos nang walang upo-upo. Ako umpisa pa lang, nakaupo na sa isang silyang nakalahad para sa amin. Hindi ko kaya nang hindi nakaupo lalo pa't mukhang mangangapa ako ngayon.
Napagpasyahan ko na lang na tugtugin ang literal na Beat It. Nagawa ko na naman ito noon. Pero bago nagsimula, kinapa ko muna ang bawat sulok ng gitara. Para akong baliw na kinakatok-katok 'yung mga bahaging nakita kong tinatapik ni Cruz kanina.
I heard him chortle a bit when he noticed what I was doing. Inignora ko naman iyon at bumuga na ng hangin nang medyo nakapa ko na naman kahit papaano.
Ilang palakpakan ang narinig ko nang simulan na. Dinaan ko na lang muna sa alam kong ibang fingerstyle para malihis sa percussion style ang atensiyon nila dahil tamang sampal lang ako sa strings at katawan ng gitara!
Tuwing dadaplis sa maling parte ang kamay, binabawian ko kaagad ng speed picking!
Nakakahiya! Kahit mukhang hindi naman napapansin ng iba ang mga mali ko sa ginawa kong nail knock kanina, alam kong pansin 'yon ni Maestro Gibs!
Don't judge me, okay? Hindi ito ang forte ko! Kailan ko ba kasi sinabing magaling ako sa percussion? E, cajon box lang ang nakakatok ko nang maayos bukod sa pinto! Tapos sa piano, nevermind!
Nang nasa kalagitnaan na ako ng koro, nalaglag ang panga ko nang sapawan ako bigla ni Cruz dahil sumabay siya.
Medyo nabastos ako pero napawi agad dahil namangha nang i-harmonize niya ang ginagawa ko. Nagmukha tuloy na lead ako tapos rhythm siya. Mayamaya, rinig namin ang sigaw ni Faye.
"See? Pasok na pasok 'yan sa SoundCheque, Michaela! Gandang harmony!"
"Oo nga naman," sabat pa ni Cruz sabay tawa.
Sa huli, isang masigabong palakpakan ang naghari sa buong silid. Parang walang nangyaring laban dahil natapos iyon nang collab kami sa ginagawa.
Not bad. Malaki pa ang merits na nakuha noong mag-dismissal.
8 points. Sumatutal, 175 na ang meron sa plarameter ko. Shocking. Magic. Hindi ko nga lang sigurado kung saan galing iyong iba na natatanggap ko. Lalo na tuwing late na nang one hour tapos may dumadating pa rin na merits.
"Hi, Mich! Saan ka?"
Napatigil ako kinabukasan nang harangan ng makulit na babaeng nagngangalang Faye.
Papunta ako ngayon sa Classical Music Building dahil nautusan ng una naming prof. Pinahatid kasi 'yung mga music books sa may faculty dahil hindi na siya makakadaan doon at nagmamadali na pagka-dismiss.
Ayos lang naman. Mahaba pa naman ang breaktime. Sakto lang siguro para pumunta sa Neverland.
Oo, pagkatapos kasi noong insidenteng iyon, Neverland na ang tinawag namin ni Klavier sa Room of Phatom. Iyon tuloy, habang naglalakad hindi ko napigilang ngumisi.
"Bahala ka, sasama na lang ako!" protesta ni Faye nang hindi ako sumagot.
I shrugged. Naka-earphones ako kaya nagpanggap na lang na wala sa kanya ang atensiyon ko. Wala namang tugtog pero nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita kahit kunwari, wala dapat akong naririnig. She's just too persistent.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, abala pa rin sa pagpaplano kung anong bibilhin na pagkain mamaya nang nakasalubong namin ang Kaharayan.
Agad nawala ang kurba sa mga labi ko nang nagawi ang tingin nila Dante sa akin. Nabitin sila sa ginagawang tawanan nang nakita ako at kanya-kanyang natahimik.
I shifted away my gaze and pursed my lips into a grim line. They're in their usual crowd. Kasama pa rin ang ibang taga-SOLMA at kompleto rin ang Kaharayan. Dahil doon, nabalot ng pait ang sistema ko.
It's been two weeks and little by little, I managed to move forward without them. Tuluyan nang naputol ang komunikasyon ko sa kanila, at ganoon din sila sa akin.
Sa ganitong pagkakataon na tulad nito, istranghero na lang ang turing namin sa isa't isa. Gayunpaman, hindi pa rin maaalis sa akin ang paninibugho sa kanilang grupo.
Sa paglipas ng mga araw, ang lungkot na naramdaman ko ay napalitan na ng sama ng loob. I realized that if they neglected me and shove me away like that, they're not worth my time. And most importantly, my tears.
Napagdesisyunan ko na tanggalin na sila sa listahan ng mga problemang kailangan ko pang pagtuonan ng pansin, kasabay ng pagtanggal nila sa akin sa buhay nila.
Medyo nakatulong naman na hindi sila kumpleto nitong mga nakaraan dahil abala ang SOLMA sa inaasikasong Ensemble Diversity at Music Concert sa labas ng Damgeen.
Since September kickoff, SOLMA has been very busy right off the bat. Ngayon ko na lang ulit sila nakitang kompleto kasama ang Kaharayan.
Bumuntong-hininga na lang ako at nagkunwaring walang nakita. Nasa entrada na kami ng gusaling pupuntahan nang biglang tumikhim ang kasama.
"I know this shouldn't be brought up, but... I feel sorry for what happened," Faye stated carefully.
Napatiim ako ng bagang at sinubukang hindi tumingin sa kanya. Tinibayan ko ang mga tuhod sa paglalakad dahil parang alam ko na kung saan patungo ito.
"I don't get it. You happened to be the best of friends. Alam iyon ng buong Damgeen dahil Kaharayan ang may pinakamaingay at active na following. But in just a snap of a finger, everything changed... Kanina, bakas naman sa tingin nila ang panghihinayang. At ganoon ka rin... pero hindi ko alam kung anong pumipigil sa inyo."
Hearing those words and observation from someone out of our issues almost put me in jeopardy.
Parang unti-unti na namang tumatagak ang kutsilyo sa puso ko lalo na at ganoon pa ang narinig. Kasi kung maaari lang, ayoko na ring umasa pa... na pwede pang kumpunihin ito at ibalik ang lahat sa dati.
The more I hope for the wrecked friendship I had with Kaharayan, the more I feel the loss.
Faye heaved a deep sigh.
"I want to be your friend, Michaela. Since day one, I saw how students treated you. Gusto ko sanang lumapit sayo kaso... napapangunahan din ako ng takot. Bukod sa baka madamay ako bagay na baka hindi ko kayanin, may kung ano pa sa anyo mo na nakaka-intimidate. Baka sa sobrang galit mo sa mundo, lapain mo ako nang buhay."
Ang daldal naman. Natawa na lang ako.
Sa ikalawang palapag matatagpuan ang faculty room ng Classical Music Building. Nasa dulo iyon ng kaliwang pasilyo kaya tinawid namin ang magilan-ngilan pang exclusive music rooms bago tuluyang makalapit sa faculty.
Faye was busy talking about trivial stuff. I was halfheartedly paying attention when I heard a piano playing out of a sudden.
"Oh? Bakit ka tumigil?" kuryosong tanong ni Faye.
Hindi ko iyon nasagot dahil parang bumagal ang ikot ng mundo ko.
My heart hammered when I recognized how familiar the song playing on the piano inside the music room on our side. Dahil hindi nasarado nang mabuti ang pinto, rinig sa labas ang tunog mula roon.
I removed my earphones to get a clearer idea of what's inside. But unexpectedly, my head throbbed real hard as I came closer to the door. Napadaing ako nang tila umikot ang paningin ko.
Sinapo ko ang noo sa paghilab doon. However, I endured the pain and pushed myself to come closer.
"A-Anong nangyayari sayo?" si Faye, nakaalalay na sa akin.
Umiling ako. Dahil bukod sa nais kong sabihin na wala lang ito, hindi ko rin mismo alam ang kinikilos ko. Why am I suddenly engrossed with such a nursery rhyme?
"London Bridge is Falling Down?" Faye whispered when she noticed it, too.
"f**k," I cursed under my breath when my knees wobbled and my head pulsated lethally.
Hindi ko na kinaya. Agad akong sinuportahan ni Faye nang nalaglag ko na pati ang mga hawak na libro.
I shut my eyes closed, body became lighter, as if my soul was consumed by something above my head when I couldn't feel my body anymore!
"Ah!" Damn it!
"Mich?!"
My breathing hitched. Napahawak na ako sa balikat ni Faye, pinupukpok na ang ulo sa sobrang sakit noon.
"Five, six, five, four, three, four, five..."
What... What is that?
"Two, three, four... three, four, five."
I closed my eyes tighter as a vague moving images suddenly flashed on my mind. With a melody... the same...
The same with the... with the nursery rhyme I heard just now. And on the background, along with the little voices, there's a piano, too... playing along with the numbers, as if they were keys.
"Five, six, five, four, three, four, five..."
The illusion I was seeing became more vivid, as if they were flashbacks. Still vague and obscure. I saw a faint image of little girl and boy, in front of a white grand piano, sitting next to each other, playing the song.
I creased my forehead in complete confusion. Who... Who are they? Why am I seeing these?!
"Two, five... four, one..."
A-And what's with the numbers?!
"Mich, uy! Ayos ka lang ba? Tatawag na ba ako ng emergency?"
Unti-unti na ring lumilinaw ang boses sa akin ni Faye kasabay ng unti-unting paglaho ng mga ilusyon na nasaksihan.
Saka lang ako nakahugot ng normal na hininga pagkatapos noon. Kahit papaano, nahimasmasan ako bago pa man tuluyang mawalan ng malay.
"A-Ano bang nangyari?" litong tanong ni Faye nang pilitin ko na ulit maglakad, nakaalalay lang siya sa braso ko.
Napalunok ako at pikit nang saglit, sinusubukang alalahanin ang nakita ngunit wala na.
"I don't know. H-Hindi ko rin alam," singhap ko na lang bago pumasok sa faculty room.
Pagkatapos mag-log out, balik na ulit sa kadaldalan ang babaeng nakabuntot sa akin. Halos hindi ko naman marehistro ang mga kuwento niya dahil buong tapang kong tinalunton ang music room na hinintuan namin kanina.
I was so curious. I need to know! Pakiramdam ko kasi, katulad lang iyon ng mga panaginip o bangungot ko! Maaaring konektado ang kung ano man iyon sa narinig!
Pero sa wakas nang nakasilip na, laking gulat ko nang bumungad sa akin kung sino ang lalaking nasa likod ng grand piano.
It was Rave Jackson.
My eyes widened and I hurriedly pulled back away from the door. Para akong napaso at hinabol ng kinseng kabayo sa sobrang lakas ng tambol sa dibdib ko pagkatapos.
"Saan ka naman pupunta!" sigaw ni Faye nang tumakbo na ako paalis, hindi na lumingon pa.
Habang tumatakbo palayo sa lugar na 'yon, nanumbalik sa akin ang huli naming usapan.
It's been two weeks. But my memory of that encounter is still very clear. How could I forget something I feared of?! Simula noon, napapraning na ako!
Anong kinalaman ni Rave Jackson sa mga ilusyon at panaginip na iyon? Na ngayong posibleng konektado nga siya, masasabi kong bangungot nga lahat 'yon! And what? He's someone from my past he said? Then why couldn't I remember a f*****g thing?!
Hindi ko na alam kung paano ko nagawang takbuhin ang lahat ng daan patungo sa Neverland ngunit ang alam ko na lang, pagkarating at pagkatanaw ko kay Klavier na naghihintay sa harap ng bintana, malubhang pangungulila ang naramdaman ko.
I ran towards him. Hindi pa man siya nakakaharap ay niyakap ko na siya mula sa kanyang likod.
I must be crazy, I know. But... something manipulated me to embrace him. I felt spellbound.
"Hey..."
Humigpit pa lalo ang yakap ko nang narinig ang marahan niyang boses.
Have you ever saw someone this much and felt an extreme urge to hug him? Yearning for the warmth, comfort, and safety amidst life's cruelty? Because at this moment, that's what I'm feeling.
I may have conquered fainting, but the fear and anxiety sent by that epiphany was consuming my entire system!
I couldn't stop my hands from shaking, lips from trembling, and heart from palpitating. Hindi nga ako nawalan ng malay. Ngunit ngayon, bawing-bawi naman sa kamalayan!
"Mich, what's the problem?"
Gently, Klavier released my arms and turned to me. Humakbang naman ako nang isang beses palayo at napakagat sa nanginginig na daliri. What the hell! It just couldn't stop!
I was aware that Klavier was weighing my disposition. I heard him whispered soft curses from his mask before pulling it down until his lower lip.
"Calm down... you're safe here," he assured as he removed my hand from my mouth. "Shhh. No one's gonna hurt you here, Athena."
Nang tuluyan na niyang nababa ang aking kamay paalis sa aking bibig, marahan niyang hinila iyon upang salubungin ako sa yakap.
Mariin akong napapikit nang nadama ang haplos niya sa aking ulo patungo sa likod. For a moment, I thought my nerves got appeased by his aid.
"I'm sorry..." namamaos niyang bulong sa hangin mayamaya.
Nanatili kami sa ganoong puwesto hanggang sa unti-unti nang humupa ang paghuhuramentado ng buong kalamnan ko. He's still caressing my hair; I remained sleepy with the familiar comfort he's sending me.
"Why?" My voice croaked.
His hand stopped from pampering me. I heard him sighed.
"I think you have a... problem."
Para akong nilayasan ng dugo nang nahimigan ang kakaibang depinisyon niya sa huling salita. Sure, I have many of it. But why did he sound like... it's another kind of... problem?
Hindi ako nakaimik dahil ramdam kong may idudugtong pa siya. Plus, I don't know what to say for I don't know what he meant by that!
"I've seen this for the past weeks, Athena. And sorry for believing a paradox that sometimes."
Bahagya siyang natigilan, tila nag-aalinlangan.
"In order to save someone, you must destroy her..."
Nabalutan na naman ng kilabot ang buong katawan sa narinig mula sa lalaking nakilala ko bilang napakabikas na nilalang. Hearing his dreadful perception in that particular matter made me shiver.
Kumalas ako sa aming posisyon at natulala sa kanya.
"H-How could you... How could save a deranged person by... by destroying one?" I bursted in utter disbelief.
I saw how his Adam's apple moved when he swallowed hard. He shook his head, as if taking back what has been done.
"No, no, no. That's not what I meant, baby," he said softly.
Umiling ako at iniwas ang kamay na sinusubukan niyang abutin.
Sa mga nagdaang linggo, naging bukas ako kay Klavier tungkol sa mga problemang pinagdadaanan simula nang itatak ko sa isip na siya na ang nandyan para sa akin ngayon.
Bukod kina Mom at Dad, siya na lang ang kakampi ko sa digmaang ito. Tingin ko masyadong naging mabilis ang paggaan ng loob ko sa kanya pero kailanman ay hindi niya ako binigo.
Ngayon lang.
"Michaela."
Bigla akong nakaramdam ng panunuyo ng lalamunan. Tumikhim ako at tinalikuran na siya. Maybe I should get myself a break from all this.
"Where are you going?" he asked like it's a pain to him.
"I'll buy myself something," I answered blandly.
"Ako na ang bibili. What do you like?"
He stalked and halted in front of me. I almost rolled my eyes but I contained it. Umismid ako.
"Yosi o alak. Pwede rin namang both."
He pulled his brows into a crease. Even with disguise, I saw his obvious scowl.
"No, you won't," he claimed strictly.
My lips parted. "Oh, yes, I will! You'll see!"
Nilagpasan ko na siya at dumiretso sa pintuan nang naramdaman kong sumunod na naman ito. I turned the knob but he slammed it.
"What the? Let me leave!" harap ko sa kanya sabay subok na tanggalin ang kanyang kamay sa pinto pero masyado siyang malakas!
I glared at him; his lips remained in grim. I bent my body on the waist and showed him I'll bite his arm when he pushed my forehead away.
"Michaela!" he growled when I dodged him.
I was about to advance again but because of that, it caused me to be frozen on my feet.
Napakurap-kurap ako nang sa sandaling iyon, tingin ko'y gumana na naman ang ilusyon dahil bigla-bigla akong nakakarinig ng pamilyar na boses na binabaon ko na dapat sa limot.
Why does it sound like... someone else' calling me? Someone I shouldn't-
Magrereak pa lang sana ako kaso narinig namin ang mabibilis na yabag ng paa patungo rito. Klavier immediately grabbed my wrist and pulled me off.
"s**t," I heard him cursed under his breath.
Mabilis kaming tumakbo patungo sa aparador na nasa sulok. Binuksan niya iyon samantalang tuliro pa rin ako pero nakapasok din naman. Agad siyang sumunod bago isarado ang cabinet, kasabay ng pagbukas ng pinto sa buong silid.
Huli na nang natanto ko ang puwesto namin. The cabinet could cater two persons but because Klavier's a massive brute, siksik na siksik ako sa tabi samantalang nakatuon naman ang kaliwang kamay niya sa gilid ko, nakayuko at pinipigilang dumikit ang katawan sa akin.
Ako lang ata ang apektado sa puwestong iyon dahil nakatanaw siya sa maliit na siwang sa pagitan ng double doors ng aparador.
Napalunok ko nang bumaba ang mga mata sa kanyang labi. We're too close and it's... it's bothering!
"Your friend," aniya at biglang binaba ang tingin sa akin.
Mabilis ko naman syempreng nilihis ang tingin, kunwari nakasilip din sa labas ng aparador. Napalunok ako.
I saw Bria walking towards in front of the cabinet carefully. Humarap ulit ako kay Klavier para ipakita ang pagsang-ayon ko ngunit nahuli ko siyang nakangisi sa akin.
What's his problem? My face furrowed. But when I suddenly felt his breath against my neck, I was only able to chew on my lower lip in the end.
"M-Minerva? Are you... there?"
Binalik ko na lang ulit ang tingin sa paslit na nakatunganga sa harap ng aparador, walang kaide-ideya sa nagsisiksikang laman noon ngayon.
"Answer the kid," Klavier whispered playfully.
"Shut up," sobrang hinang bulong ko rin pabalik kahit ang totoo, para akong ginapangan ng alimango sa likod.
Bria put her bag down on the floor and held her hands at her back.
"Uhm... I-If you're there, hope you won't mind me singing the song that I practiced. Uh... w-wala kasi ibang pwede, e. Busy sila Mommy at Dad. And friends... hmmm..." She chuckled a fraction. "I... I don't have one. And Kuya Rave is busy, too. So..."
She rocked herself from side to side and lowered her head embarrassingly. Mayamaya pa, kumawala na naman ang munting tawa na walang palyang nagpapamangha sa akin.
To be honest, when she mentioned that bastard's name, I stiffened on my stance. Nadama ko pa ang marahang hawak ni Klavier sa braso nang napansin iyon.
Ngunit sa narinig na munting bungisngis ni Bria, para akong nakalaya sa itim na orasyong naramdaman.
She cleared her throat and took a deep breath before she started her song. Thus, my shoulders fell in tranquil, wondering why she's suffering so much, too...
"I have seen a thousand things
A thousand minds and what they bring
To this world and to this home
But where I stand, well I don't know."
For some reason, I felt happy and contented with this priceless and wholesome situation. Excluding the trivial sensation I felt a while ago, I must add.
And Bria... I didn't expect she could sing this good. She looked vigorous and brave right now, opposite to her timid demeanor I always know.
"I'm an open book
I'll tell you everything I know
To the darkest corners of my mind."
I was too immersed and impressed listening to Bria right now. Too impressed that I had to cover my mouth with my hand just to control myself from making noises.
Her voice was too relaxing and lulling. I suddenly wonder. Did I ever achieve a voice that full of emotions?
To the extent that if she cries, I think will reflect it, too.
"And people come and people go
People I will never know
But if I did and if I could
I'd wonder when and where they stood."
Napayuko ako nang tuluyan nang naging emosyonal ang kanta. Lalo na nang sinamahan iyon sa kalagitnaan ng paghikbi ni Bria. It was as if I could also feel the burden feeling she's suffering right now, eyes pooling with fresh tears.
Tell me, how could one person contain and endure this so much pain? How could they... How could they hurt someone this precious?!
Klavier suddenly put his finger on my chin to lift up my face. One blink of my eyes and the tears forming on my orbs were finally freed.
I gasped when his thumb caressed them off gently. Lalo lamang akong napapikit nang dahil doon, ninanamnam ang kirot na nanunuot sa puso.
"'C-Cause I have seen a thousand things... and thousand minds and what they bring." Bria paused to take a deep breath before ending her song. "To this world and to this home. But where I stand... well I don't know."
Tila nilipad ng hangin patungo sa akin ang bawat salita na naroroon para isampal sa akin ang mensahe.
Pagkatapos ng emosyonal at mabigat na kanta, kapansin-pansin ang panghihina ni Bria nang napaupo na ito sa sahig. And God knew how hard I tried to fight every ounce of my urge to run towards her for comfort.
Klavier was only watching my reactions as if he's weighing them. Samantalang ako, parang kinukurot ang puso sa bawat hikbi at singhot na nagmumula sa batang walang hinangad kundi ang tanggapin ng mga tao, walang kalaban-laban.
Tanging sa pagkanta lang lumalakas. Bagay na naging sandata niya para harapin kahit ang isang aparisyon na palaisipan sa loob ng madilim na kuwartong ito.
Nakakalungkot isipin na may mga taong mas nakakadama pa ng kaligtasan sa kadiliman, sa mga bagay na misteryo at hindi pamilyar.
Sapagkat taliwas sa nararamdamang takot ng karamihan, ang kadiliman at katahimikan minsan ang nagiging takbuhan ng mga taong pagod na sa impyernong realidad na ito.
Ilang segundo pa kaming nanatili sa aparador na iyon kahit nakaalis na at lahat si Bria. Naghari ang katahimikan habang nasa ganoong puwesto pa rin.
I sighed and tried my best to look up at Klavier. Napangiti ako sa natunghayan ko. Kahit ilang pulgada na lang ang lapit ng mukha niya sa akin, bakit parang ang komportable pa rin? Animo'y tumigil sa paghinga ang mundo para lang sa pagkakataong ito.
Staring at him like this made me wonder how could a man look this attractive even in disguise? Napakadaya nga lang. Kitang-kita niya ang lahat ng reaksiyon at marahil maging ang paggawi ng mga mata ko sa labi niya.
Samantalang wala akong ideya kung nakatitig din ba siya sa akin o kung anong nararamdaman niya ngayon. Baka pa iritado na pala nang hindi ko man lang napapansin dahil may takip ang mga mata.
Sa huli, napakurap-kurap na lang ako upang ibsan ang nararamdamang pagluluha ng mga mata; binaba ko na lang ang paningin sa kanyang kanang braso na nakapirmi lang sa kanyang gilid.
"What does this mean?" I asked quietly as I grazed my fingertips on his tattoo. I returned my gaze at him. "Will you tell me?"
He licked his lips and shook his head. Medyo natagalan pa bago nakasagot.
"Not yet," he answered hoarsely with his thick english.
Tumubo ang nguso ko, muling dumapo ang atensiyon sa kanyang braso.
"I always think this is a cipher. Hmmm. Can I c***k it? What code is this?" usisa ko pa lalo.
Unexpectedly, I heard Klavier snorted softly. Napatingin ulit ako sa kanya.
He cursed and groaned impatiently. "How could you stare at my lips for a minute then just ignore them the next?"
Para ata akong nilayasan ng kaluluwa sa narinig. Bigla akong nabingi.
"H-Huh?" I asked in haywire.
I saw him swallowed. Klavier leaned forward and tilted his head. My lips parted because of that. And the next thing I knew, his soft lips landed on mine.
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
ɴᴏᴡ ᴘʟᴀʏɪɴɢ:
Lorde - Royals
Michael Jackson - Beat It
The Countdown Kids and The Countdown Singers - London Bridge is Falling Down
Mia Wray - Where I Stand
──────|───────────
|◁ || ▷|
∞ ↺
May 4, 2020