Chapter 24
Captain Hook
"That haunted room... That room can be our Neverland."
It was almost a whisper. A whisper that I didn't expect would haunt me until home.
Klavier insisted to drive me until our house but I resisted. Masyado na siyang maraming nagagawa para sa akin.
Nagpahatid na lang ako sa Damgeen dahil medyo matagal na ring naghihintay roon ang driver namin. Buti na lang, hindi na ito nagtanong pa kung bakit ako sakay ng ibang sasakyan at bakit wala ako sa school.
Pagkauwi, minabuti ko na lang na huwag nang ipaalam kina Mom at Dad ang nangyari sa akin. I don't want them to go postal on me again because I fainted, especially now that I've got a plan for tomorrow.
Kaya naman sa hapunan, nang nakapagpaalam ako ay suwerteng pinayagan nila ako.
"Hello? Mich?" said a very familiar female voice.
Lumawak ang ngiti ko ngunit nang naalala ang pakay, agad iyong naglaho.
"Milly..." malambing kong sagot.
I pinched my lips when I heard she freaked out on the other line. I just inhaled the fresh air of night breeze as I enjoyed the broad city view from the balcony.
"Oh, my god! Totoo ba ito?!" eksaheradang tanong ni Mildred nang nakabawi na sa tili.
"Oo, Mildred. Kamusta na?"
Tumili ulit ang kausap. "Naku! Ayos lang, ano! Asenso pa rin. Iba nga lang kapag madalas ka rito."
Malungkot akong napangiti nang nahimigan ang paghina ng kanyang boses.
"I'm sorry..." I sighed.
"Ano ka ba? Wala 'yon. Syempre naman, nakaka-miss lang ang mga bagets dito. Lalo na kapag kasama mo si Emmanuel, laging namamakyaw sa menu!"
The smile I was forcing to draw faded. Hindi pa nakatulong na kasabay noon ay ang malakas na pag-ihip ng hangin, animo'y nakikiramay sa parteng gumuho sa akin.
Napatikhim ako, sinubukang tumawa. But the more I strained my laugh, the more constipated it sounded.
"Napatawag ka nga pala?" balik ni Mildred nang mukhang naalala.
Umahon ako mula sa pagkakahilig ng siko sa railings at umayos ng tayo.
"Luluwas sana ako dyan. Puno na ba ang lineup? Pa-insert sana kahit hmmm... dalawang set list? Ayos lang din naman kung sit-in lang kaso-"
"Anong sit-in? Syempre dapat spotlight ka!"
"So uhm... ayos lang? Kahit last minute scheduled gig?"
"Leche! I-cancel ko pa sila lahat makatugtog ka lang!"
Nauwi sa tawanan ang phone call na iyon. Pagkatapos kay Mildred, sinabihan ko na rin sina Natasha at iba pa naming kaibigan na papasyal ako bukas.
Excited naman sila sa gc. Napagkasunduan na sa Asylum na lang magkikita-kita at libre ko na ang inumin at pulutan. Ambagan na lang sila sa magandang puwesto para sulit. Sakto at Sabado bukas kaya maraming makakadalo kahit na ba biglaan lang ang pag-aaya ko.
Aaminin ko, kung mayroong pinakamasaya para bukas, ako iyon. I missed this feeling and I so need this break away from this reality.
If I could just really run away from reality like what the song Klavier and I played entailed, I was probably in a marathon for a long time by now.
"s**t! I miss you, sis!" si Monique pagkababa ko pa lang sa sasakyan namin kinabukasan.
Dahil excited nga, nauna na pala sila sa akin. Nasa harap sila ng Asylum at naghihintay. Though, naka-reserve na ang table sa loob.
Natawa ako nang kanya-kanya silang tapon ng yakap sa akin. Nang si Natasha na, halos malagutan ako ng hininga sa sobrang higpit.
"Buti naisipan mong umuwi ritong bruha ka!" marahas niyang hampas sa braso ko.
"Ah!" daing ko nang humapdi iyon.
Saka ko lang naalala na may kalmot nga pala ako ni Bridgette sa banda roon. Medyo nagkasugat dahil matalim ang kuko.
"Sorry! Napalakas ba?!" pag-aalala ni Nat na dinagdagan pa ng pang-aasar ng iba.
"Sadista ka talaga, Nat!" tukso pa ni Letcher.
"Uy, hindi. May sugat kasi ako dyan," agap ko agad bago pa man lamunin ng konsensiya 'yung isa.
"f**k, sorry!" guilty pang dagdag ni Nat.
Pabiro ko lang siyang inirapan kaya lang, napaturo ako sa isa naming kaibigan na himala at nandito!
"Minumulto na ba ako? Bakit nandito si Crane?!" OA kong sabi.
Tumawa si Fred na katabi ang tahimik na si Denise sabay akbay kay Crane na nakabusangot na.
"Hindi na kaya 'to baby boy!"
"Pakyu, Ricko. Lubuyan mo akong tang ina ka," malutong na mura ni Crane na ikinalunod ni Frederick.
Lumakas ang tawanan. Oo nga naman. Kailan ba naging baby boy ang Cursing Machine na si Crane kung sa kanya ko nga natutunan ang kagaspangan ko! Maliban nga lang sa strict niyang parents!
Bago pa man lumalim ang gabi nang nasa labas pa rin kami ng bistro, minabuti na naming pumasok. Nahuhuli kami sa lakad ni Nat dahil hinila niya ako.
"Problem?" kritikal na bungad niya.
Napangisi ako. This girl knows me too well. Kung bakit kinailangan pa naming lumipat at iwan ang mga kaibigan ko rito ay isang kahangalang palaisipan pa rin sa akin. Lalo na at puro problema at pagdudusa lang naman ang resulta noon.
"Hell week." Nagkibit ako ng balikat.
Nat made face.
"Palusot. Mukha kang nalugi nang 160 million pagkababa mo ng kotse."
"Anong meron sa 160 million, Nat?" iling at tawa ko.
"Jackpot prize ngayon sa Lotto!"
I exploded in laughter. "What the f**k? Tumataya ka pa rin hanggang ngayon?"
"Pake mo?"
Kaya naman nang nakapasok na sa Asylum ay tawang-tawa pa rin ako. Ang mga usiserong kaibigan ay nagtaka kaya nang nilaglag ko ang kalokohan ni Natasha, nakisali pa sila sa tawanan.
"Boba ka talaga!" halakhak ni Monique na may kasama pang paghigit sa buhok ni Nat.
"Bobombahin kita ng granada 'pag 'di mo pa binitawan buhok ko, gaga! Tamo!"
I caught myself sporting a half smile while watching my friends laughing with each other. It was a scene that I could always trade my fortune for just to repeat this over and over again whenever I want to.
"Mich! Jusko!"
Nangibabaw ang sigaw ni Mildred sa kabila ng malalakas na tawanan ng mga kaibigan.
Kung kanina pinagtitingin na kami ng mga customer, ngayong dumagdag pa si Milly, konti na lang ay masasaid na talaga ang Asylum sa kawalan ng customer.
"Milly!" suway ko sa kanya nang bigyan ako nito ng power hug.
Gusto ko pa sanang umapila kaso pinagtitinginan na rin kami ng mga worker niya rito. Baka pa makita nilang ginagago ko lang ang manager nila. At isa pa, ayos na rin ito. Na-miss ko rin, e.
After a while of niceties and catching up, Mildred escorted us to our table herself, finally. Kanya-kanyang puwesto naman ang mga kaibigan. Ako na sa kabisera tutal mamaya rin ay aalis din ako para tumugtog.
Habang inaasikaso ni Mildred ang mga order ng kaibigan, bumaling siya sa akin nang saglit.
"Wala si Emman, a? Hindi ako sanay!" puna niya bigla.
Para akong tinadyakan ng elepante diretso sa puso. Napalingon din sa amin ang iba dahil alam nila ang kuwento.
"Nasa states kaya, Milly!" si Monique na ang sumagot.
Mildred's eyes molded into circles. "Ganon ba? Hindi ko alam 'yun, a. Bakit umalis?"
"Milly, nga pala at wala akong dalang gitara. Pahiram na lang," lihis ko sa usapan, halos pumintig na ang tenga sa lakas pa rin ng kabog sa dibdib ko.
"Huh? Ah, o, sige. Teka, sabihan ko na si Martin pagkatapos ko rito."
I gaped. "Martin? Dito pa rin siya?"
"Oo naman!"
Tumango ako. Pagkatapos ng order ay umalis na rin naman si Mildred. May duo pang tumutugtog sa entablado. Pagkatapos daw nila, sunod na ang set ko.
Wala naman masyadong nagbago sa Asylum. Ganoon pa rin. Puno pa rin lagi ng customer lalo na sa mga oras na ito. Suwerte pa nga at nagawan ng paraan ang reservation dahil pahirapan na ng ganitong oras. Idagdag pa na nasa magandang puwesto kami ng sectional couch, isa sa mga barkada package na malapit sa stage.
Napukaw ang atensiyon ko nang napansing naghahampasan na ang tatlong babaeng kasama namin. Samantalang 'yung tatlo pang lalaki, nagyayabangan na. Gulat pa nga ako na himala't nakikipagbangayan si Denise, nakikisali sa tuksuhan.
"Wala naman siya rito kaya guwapo pa rin!" si Monique sabay hampas kay Nat ng package flyer na nananahimik lang sa lamesa.
"I'm just saying! Mas guwapo pa rin si Emman!" depensa ng huli.
"Nandito naman kami! Saan ba dyan at nang makita namin ang laban?" singit ni Letcher.
"Ano ba 'yon?" I chimed in curiously.
Sa kanilang lahat, si Crane ang nasa katinuan pa para sumagot.
He pointed at the girls. "Paano, may nakitang pumasok na guwapong customer 'daw' kaya nagtatalo ang mga luntian."
"Panigurado namang walang panama sa akin 'yon, por pabor!" hampas ni Fred sa mesa.
Umirap si Denise. "Mukhang expat, Fred. Taob ka."
"May lahi!" segunda ni Monique kaya napamasahe na ako sa sentido.
"E, anong tawag niyo sa Filipino? Palibhasa westernized na utak niyo kaka-Netflix!" pambabara pa ni Letcher.
Hinain na ang mga pagkain, bucket, at pulutan pero iyon pa rin ang pinagtatalunan nila.
Binuksan ko na ang San Mig Light ko. Wala nang salin-salin sa baso syempre. Tutal malamig na rin, tumungga na ako mismo sa bote.
"Easy ka lang, Mich. Masyado pang maaga para matumba," si Nat habang hinahanda na ang sliced lemon niya.
Nagkibit ako ng balikat. "Pampalakas ng loob. Ngayon na lang ulit ako tutugtog, e."
"Nice joke," si Letcher, tumatagay na rin sa kanyang bote.
"I'm serious, douche," irap ko sabay lapag ng naubos nang bote sa mesa.
Heck. It felt damn good! Tumingala pa ako para lang damahin ang pagguhit ng lamig sa lalamunan.
Mayamaya pa, kinalabit ako ni Monique. I gestured her "what" but she only pointed her lips behind me after sipping on her lemon, eyes flickering because of the sourness.
Pagkalingon, nanlaki ang mga mata ko pagkakita kay Martin.
"Uy!" bati ko sabay tanggap ng gitara na dala niya. "Salamat!"
Nagpaalam ako kina Nat sandali. Kumuha muna ako ng pulutan kasi baka mamaya isalang na rin ako dahil mukhang last song na ng kasalukuyang performers.
"Kamusta?" Martin asked.
Tumigil kami sa gilid, medyo malapit na rin sa stage pero tama lang para magkarinigan kami.
"Ayos lang. Ikaw ba?"
"Ito, regular na ako rito pero ngayon na lang ulit kita nakita."
Ngumisi ako. "Kikiligin na ba ako nyan?"
"Wag. Marinig ka ng jowa ko," tawa niya.
"Huh? May jowa ka na?!"
"Oo. Nasa bar."
He pointed at the counter and my pupils dilated when I followed it, only to see the bartender!
Gulat kong binalik sa kanya ang mga mata.
"Y-You're... You're a..." I just slapped my hand all the way to my mouth when he nodded.
Natawa na ako nang may napagtanto. "Now I get it. Tss."
"Get what?" kiling niya ng ulo, may nakakalokong ngiti na sa labi.
Napailing ako. Hindi ko naman inaasahang itutuloy niya iyon!
"You thought I was hitting on you before, right?" he blurted out.
I covered my face with my left hand and shook my head in embarrassment.
Hindi ko naman inaasahang si Emman pala ang nais! Kaya pala panay ang tanong nito dati! Kunwari pang ako ang apple of the eye, bwiset!
Nasa kalagitnaan kami ng biruan nang signal-an na ako ng stage manager. Taranta tuloy akong nakapagpaalam kay Martin.
"Good luck!" pahabol niya.
"Thanks!"
Dala ko na ang hiniram na gitara pagkaakyat sa stage. Suddenly, I missed the shape and weight of my guitar. Iba kasi ang brand at model nito kaya nakakapanibago ang pakiramdam ngayong iba na ang dala ko sa entabladong ito ngayon.
Well, sino ba ang may kasalanan, Mich?
I swallowed the lump on my throat as soon as I stood in front of the mic. Nag-cheer ang mga kaibigan ngunit hindi iyon sapat para ibsan ang nararamdaman kong pangungulila at pagkamanghang pinagsama.
All eyes on me. Nakatutok sa akin ang main spotlight samantalang dim naman ang mood lights sa paligid at mga nasa mesa sa harap.
May ilan sa patron na nakakilala at hiniyaw ang pangalan ko, bagay na hindi ko na natatamasa ngayon. I know I hated the limelight, but a little spotlight will do. People appreciating my talent has always been a great feeling for me.
Nagsisitaasan na ng phone ang ilan para mag-video na hindi papahuli ang mga kaibigan na ayos lang noon sa akin. Pero ngayon, parang hindi na ako sanay na... may nakamasid at minamatyagan ang bawat galaw ko.
"Good evening, everyone. Uhm..."
There's a vestige of quiver on my throat so I swallowed deep again. Nanginig pati ang labi ko. Bigla akong kinabahan.
Natasha shouted my name with a curl at the end. Dinugtungan pa iyon nila Fred at Monique kaya natawa ako nang mahina.
"Michaela Singh at your service... T-The girl that will make a hella sing for you."
I bit my lower lip when I stammered, that happened to be my first time in this stage while cheerfully saying my tagline before.
I got emotional. Ngayon lang. Pero mukhang hindi naman iyon napansin ng iba. Nagpalakpakan pa ang audience kaya sinimulan ko na lang ang pagtugtog.
I took a deep breath before dropping my eyes on the guitar, shutting them after a while as I recalled the melody we played yesterday, applying it on this gear I'm holding.
"There was a time... w-when I was alone. Nowhere to go and no place to call home. My only friend was the man in the moon. And even sometimes he would go away, too..."
No. More like, they would go away. The only difference is that most of the time, they would never come back, too.
"He said, "Peter Pan, that's what they call me
I promise that you'll never be lonely, " and ever since that day."
But it only proved that promises were really bound to be broken.
Emmanuel promised me that, too... But look at me, am I happy? Do I look not lonely to you, Emman? Where are you? Are you hiding in the moon? Or maybe... having a brawl with Captain Hook?
Where are you? Please?
"I am a lost boy from Neverland
Usually hanging out with Peter Pan
And when we're bored we play in the woods
Always on the run from Captain Hook
"Run, run, lost boy, " they say to me
Away from all of reality..."
What if I accept Klavier's offer?
"Neverland is home to lost boys like me
And lost boys like me are free
Neverland is home to lost boys like me
And lost boys like me are free."
I wasn't able to give him the answer yesterday because... even until now... I'm still holding on to my own Peter Pan.
Emman, should I let you go now?
"He sprinkled me in pixie dust and told me to believe
Believe in him and believe in me
Together we will fly away in a cloud of green
To your beautiful destiny."
But without you, I really did turn into a lost boy. And someone's there to catch me, Emman, assuring me to give justice to the promise you failed to keep. Ever since we're younger. You promised to protect and have my back, right?
"As we soared above the town that never loved me
I realized I finally had a family
Soon enough we reached Neverland
Peacefully my feet hit the sand
And ever since that day."
"I am a lost boy from Neverland, usually hanging out with Peter Pan. And when we're bored we play in the woods. Always on the run from Captain Hook."
Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid. Lahat ay taimtim na nanunuod at nakikinig sa akin.
Some of them were recording; some of them were enjoying it without any disturbance.
"'Run, run, lost boy,' they say to me. Away from all of reality..."
My voice croaked at the last line of that verse but I managed to keep up and smile.
Pinagpatuloy ko ang pagmamanyiobra sa gitara at pag-awit habang nasa harap ng maraming tao. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, napagawi ang paningin ko sa isang pamilyar na lalaki.
Hindi tulad ng nakararami, nakuntento lang itong nakatayo at may hawak na isang shot glass, mataman ang tingin sa akin.
I narrowed my eyes. I wanted to rub my eyes to confirm if my eyes were just fooling me but I couldn't. I know I shouldn't ruin this play just because of that.
But... w-what is he doing here? He... He shouldn't be here!
I shivered.
Sa kalagitnaan ng pagkanta, para akong nabibingi dahil tanging ang kabog na lang ng dibdib ang naririnig sa paligid.
"P-Peter Pan, Tinkerbell, Wendy Darling... Even Captain Hook, you are my perfect story book. Neverland, I love you so. You are now my home sweet home. Forever a lost boy at last..."
Nanginginig na ang mga labi ko ngunit hanggang dulo, nagawa ko iyong tapusin nang maayos.
Gusto ko nang bumaba para komprontahin ang pamilyar na lalaki. Anong ginagawa niya rito?! Hindi dapat siya nandito!
But f**k! I can't! I promised Mildred to play at least two songs so I got no choice but to get this over with as fast as I could!
"Mich!" si Martin nang sasalubungin sana ako pagkatapos ng huli kong kanta.
Inilingan ko ito. Patuloy sa palakpakan ang mga tao. Tanaw ko na rin ang pagpanhik dito ni Mildred ngunit tinulak ko na agad ang gitara kay Martin.
"Sorry. I have something to do," I hurried.
"Huh? Wait-"
Hindi ko na hinintay pa si Mildred at Martin. Mukha namang napansin din ng mga kaibigan ang tensiyong nangyayari kaya nagsisitayuan na para matanaw ako.
Samantalang ako, buong atensiyon ay nakadirekta sa lalaking pakay ko sa mga oras na iyon.
I was gnashing my teeth when I finally approached him. He raised both his brows in amusement.
"What are you doing here?" matapang kong tanong kahit ang totoo, balot na ng takot at kaba ang buong sistema ko.
Rave Jackson flashed a mocking smile. He put down his glass on a bar height table.
Sinundan ko iyon ng tingin dahil sa madrama niyang pagkilos. Kaya nang ibalik ulit sa kanya ang mga mata, halos masira na ang bagang ko kakangitngit ng mga ngipin sa pagpipigil na sampigain ang lalaking kaharap.
"Aren't you happy to see me?" he asked sinisterly.
Horror and goosebumps took over my system. Ngayong malapitan na, saka ko lang napansin ang dalawang pasa na meron siya sa kaliwang pisngi at isa pa sa kanang bahagi naman ng bibig.
Napakurap-kurap ako. Sasagot na sana nang narinig ang unti-unting paglapit ng mga kaibigan. Pinatigil ko sila sa pamamagitan ng tingin at mabilis na hinila palabas ng bistro si Rave.
"Anong ginagawa mo rito!" halos maiyak ko nang ulit sa tanong ko pagkatigil namin sa stone path na malayo sa mga tao.
"I followed you," he answered plainly.
"Bakit?!"
Rave raised his two eyebrows and chuckled.
"Calm down. I'm just curious where my princess is heading."
"I'm not fooling around, Jackson! Ano ba talagang gusto mo, ha?!"
"Gusto kita..."
Halos malaglag ang panga ko.
"...na makilala," he then gave out a taunting laugh once again.
Konti na lang ay puputok na ang mga ugat ko sa iritasyon at pagpipigil na nararamdaman. I tried calming myself. But I only ended up pulling my hair in contempt.
"What are you up to?" pagod ko nang tanong kalaunan.
Rave put his finger on his chin and caressed it, as if he's having a series of pensive thoughts.
"Hmmm. Let me think."
"f**k damnit!" I brushed my hands on my face. "Sinasabi ko sayo, kung ano man ang nakita mo, hindi iyon dapat makarating kahit kanino!"
The playfulness in his face was dominated by lethal facade when his face suddenly hardened. He smirked without humor.
"I came here to tell you my condition, Maddison... Not the other way around."
Color drained out from my face when I sensed danger in his voice.
I've seen him scornful before but this version is quite foreign to me. The goosebumps and horror... all of them are new to me.
Rave Jackson stepped forward with his hands settled behind him, guarding a stern and dark expression on his face.
"I recorded your performance, princess. I was right. I knew you're a singer since day one..."
Pumatak na ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
Rave followed my tears with his gaze. I flinched when he softly wiped it off using the back of his hand. And I knew for that moment, my heart was then in my mouth.
"Shhh. Just do me a favor... And I'll delete the footage for my princess," he whispered on my ear with a condition.
Napapikit ako at lumunok habang naninigas na sa kinatatayuan ko.
Suddenly, the fact that I was under Rave Jackson's manipulation latched onto me. I couldn't move an inch. Or maybe I could. I was just... scared.
"You'll join Umbratonic next month, baby. Don't mess up. Or you'll get what you ask me for..." he whispered on my ear again.
Fear glowed in my eyes. Not because of his plan. But because of the unknown behind his plan.
"W-Why would I do that?" My throat trembled, eyes examined his bruises furtively.
He tore his fingers through his hair when the night wind blew. Humarap na siya sa akin suot ang nakakapangilabot na ngisi, hindi alintana ang pasa sa kanyang labi.
"Because you didn't pray hard, princess. Hindi ako madaling makalimot," he answered meaningfully. "Unlike me, you forget to remember everything..."
Nanumbalik sa akin ang insidenteng nangyari sa amin noon sa mall. Is he kidding me? Napakababaw naman! Ano ang tunay na karumal-dumal kung ganoon?
My forehead wrinkled when I pulled my eyebrows together, curious and wondering about everything.
My breathing hitched. At this moment, I think I mistook the real Rave Jackson for someone else.
"Who... Who are you?" Puzzled, I finally managed to ask.
Slowly, his smirk faded. His whole face went blank but his eyes were piercing.
"Remember me, Michaela."
"What..." I trailed off. "What do you mean?"
"You know me."
"I-I don't!"
Unti-unti na namang bumalot sa akin ang paghilab ng ulo na madalas kong nararamdaman bago mawalan ng malay. Ngunit sa pagkakataong ito, nilabanan ko iyon nang buong puso.
"After all this time, you still didn't get it?" hindi makapaniwala niyang tanong.
I was still speechless because I was f*****g perplexed!
"I am someone from your past." His words was blown by the wind.
"From my past?" gulong-gulo ko nang tanong!
In return, Rave Jackson just chuckled and looked down at me devilishly.
Horror crept into my system, especially when he crouched and caressed my cheek, planting a soft kiss on it.
"Where's your Peter Pan, princess?" he asked huskily. "Captain Hook is here..."
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
ɴᴏᴡ ᴘʟᴀʏɪɴɢ:
Ruth B - Lost Boy
──────|───────────
|◁ || ▷|
∞ ↺
May 3, 2020