Chapter 20
Cold
Soft hands started caressing my sensitive skin, wiping off my young teardrops. A figure of a woman was seen. But her face was unidentified.
"Everybody needs somebody
And you got me.
You know that I know that you know
That I'll be there for the highs and lows.
Give you mine if your heart gets broke
By your side when you're all alone,
I will be there..."
I was sitting at the edge of a little bed, crying like a baby, folding my knees and hugging it in a very tight manner, afraid of something else. While the unrecognized woman kept on soothing me, singing a very beautiful music in her own version of its slower and gentler pacing.
May kadiliman ang paligid. Tanging ang ilaw lang sa lampara at munting liwanag mula sa buwan ang nagbibigay ng kapasidad upang makilala ang bawat sulok. Ngunit kahit anong sikap ko, sa gitna ng mga hikbi, bigo ako sa pagkilatis sa ginang.
"W-Who are you?"
"I am your hidden origin, honey... Nasa paligid lang ako palagi..."
She paused.
"Nakabantay sayo..."
"W-Who are you?"
"I am your hidden origin, honey... Nasa paligid lang ako palagi... Nakabantay sayo..."
"W-Who are-"
"Your hidden origin... Nakabantay sayo..."
"Nakabantay sayo..."
"Who-"
"Nakabantay..."
"...sayo."
"Michaela! Michaela!"
"Gumising ka, anak!"
Umahon ako mula sa kama nang nahimasmasan. I was panting so hard, hopelessly catching for my breath. Para akong nasa kailaliman ng dagat kanina, ngayon lang nakaahon mula sa pagkakalunod.
"Mich! What happened?!"
"I-Is this about your nightmares again?
Nasa magkabilang gilid ng kama sina Daddy at Mommy, hawak-hawak ang kamay ko, sukdulan ang pag-aalala sa mga hitsura.
Lumipat ang mga mata kong nanlalabo pa rin sa kanilang likuran. Naroon si Manang Tina, nasa likod pa ang ilang kasambahay, lahat ay puno ng pag-aalala at pagtataka ang mga mukha.
"Diyos ko! Anong nangyayari, ading?" nag-aalalang tanong na ni Manang Tina, magkasalikop ang mga kamay sa kanyang dibdib.
Inabutan ako ni Mommy ng tubig. Nanginginig ko iyong inabot. My throat was droughty, I only realized it when the tempting image of water appeared in front of me.
"Mich, are you okay?" haplos ni Mommy sa aking buhok pagkabalik ko ng tubig kay Dad.
Napalunok ako at marahang tumango.
"T-Those strange dreams again. They're... T-They're getting often..."
Napadaing ako nang biglang humilab ang ulo. Natatarantang sumulyap si Mommy kay Daddy.
"S-Should we visit a psychiatrist now?" she whispered to dad.
Para ata akong nabingi at mabilis na napalingon sa kanila.
"Shh. Everything's gonna be okay, honey," agap ni Dad sa akin bago pa man ako makapagsalita.
Hindi muna nila ako hinayaang pumasok noong araw na iyon. They called it out to my professors, pati na rin sa mga admin. I don't know. They're too capable of doing those things.
It's Wednesday. It's the end of the month of August. Making tomorrow the opening of September. Do I need to attend though? I'm not sure if it's mandatory. Maybe I'll just check it on the pamphlets.
"Mananghalian ka na, Mich," katok ni Manang Tina sa aking kuwarto.
Abala ako sa pagche-check ng phone. Dante flooded me with worried messages. Ganoon din si Miles, Eli, at iba pang mukhang nakaalam din ng number ko.
I was even shocked when an unfamiliar number messaged me. Iyon pala, 'yung junior high na may crush daw sa akin. Inamin niya iyon sa text na totoo 'yon, nag-sorry dahil tumakas siya last time, hiyang-hiya raw talaga, at nag-aalala siya ngayon dahil hindi niya ako nakita man lang noong break time sa table namin!
"Pasok po, Manang," tugon ko na lang habang nakatutok pa rin sa phone, nagtataka.
How was he able to get my number? Kay Dante at Eli ko lang naman binigay pero isang batalyon na ata ang nakakaalam!
"Bitawan mo muna iyan at kumain ka na rito," si Manang Tina.
Hinanda niya ang bed table na naglalaman ng pagkain sa ibabang parte ng kama. Binaba ko na ang phone sa nightstand. Gumapang naman ako papunta sa harap ng bed table at pumwesto, hinayaang pagsilbihan ako ni Manang.
"Magpahinga ka muna sa selpon na iyan, ading," babala niya pa.
Tumubo ang nguso ko. "Pabukas na lang po ng TV kung ganon."
She looked at me, pinanliitan pa ako ng mata. "Kakasabi ko lang."
"Hindi naman po ako malapit sa TV?"
She sighed and nodded hastily. "O, sya, sya!"
Napangisi ako.
Tinapos niya na lang muna ang mga nakalapag na pagkain sa bed table bago pumanhik sa TV. Binuksan niya nga iyon at pinalipat ko sa magandang channel.
Nagsimula na rin ako sa pagkain. Sa pag-aakalang lalabas na rin agad si Manang, napalingon ako sa kanya nang naupo pa sa hamba ng kama.
"Nag-aalala ako sayong bata ka," she said quietly.
Nilapag ko ang basa pagkatapos uminom at bumuntong-hininga.
"Wala naman po siguro ito," ngiti ko, kahit ang totoo ay hindi ko na rin maintindihan ang nangyayari sa akin nitong mga nakaraan.
Marahang tumango si Manang bago abutin ang binti kong nakabalot sa comforter. Tinapik niya iyon. Sa malamlam niyang mga mata, mabigat ang loob niyang ngumiti sa akin.
"Sana nga, Michaela..."
Ilang sandali pang pumarito si Manang hanggang sa nagpaalam na ring bababa na. Kanina pa ako inaalagaan nito simula pa pagkagising.
Sina Mommy naman, biglang naging abala sa kung ano. Nasa study sila ngayon ngunit hinala kong mayamaya rin, tutulak na sila patungo sa kanya-kanyang trabaho.
Nagpatuloy na lang ako sa pagkain habang nanunuod sa TV. I was almost than with my food when a movie series has ended and a news flash aired in the middle of commercials.
Buong ingat kong inangat ang sarili mula sa kama para ilipat sana ang bed table. Kaso lang, wala pang tatlong segundo sa tayo, umikot agad ang paningin ko.
Seriously? Hanggang ngayon?
I groaned. Sinapo ko ang noo at naupo na lang muna ulit.
"...the management has been investigating about the sudden disappearance of a teen music artist who's supposed to make his debut in October."
Binasa ko ang headline. Kumunot ang noo ko nang natuklasan kung tungkol saan ang balitang iyon.
It happened to be about a trainee artist who went missing for a couple of weeks. Ngayon lang naisapubliko dahil sinigurado muna ang isyu.
"Some music artists also expressed their opinions and statements on how disappointed they were to hear the delay of his debut. An agency insider also stated that the artist has a great potential to be a matinee idol someday, if interested in show business, too."
Kumatok ang isang kasambahay para tanungin kung tapos ko na ba ang pagkain. Good thing I wasn't able to get up, the househelp did it for me instead.
"...some personal details to keep in private due to the management's propositional statement."
Huling nakita ko na lang sa balita ay ang blurred picture ng nasabing rising star na 'di umano'y nawawala.
I was a bit informed with this controversy. It was all-over the web but the authorities and journalists kept the details and write-ups private because it was declared as a confidential case.
Sa pangambang may threat sa buhay ng nasabing artist kaya biglang nawala, hindi na muna sila naglalabas ng masyadong impormasyon hangga't hindi pa tapos ang imbestigasyon at paghahanap. If ever, the management agency would be at stake, too, for being negligent.
Muli akong bumalik sa headrest at sumandal na muna roon para magpahinga.
I realized, that was one of the reasons why I wasn't still ready even with numerous offers from talent scouts and trainers. Aside from commitment, I disliked being in tremendous limelight. Your life would be the public's feast in an instant and issues could be really handful.
After a long while, I just slept. Ginamit ko ang araw na iyon para makabawi sa lahat ng puyat, problema, at pagod na naranasan ko nitong mga nakaraang araw. But when you have nothing to do, you'll feel how long the day is even worse.
Iyon ang nangyari sa akin. Iyon tuloy, tambay ako sa balkonahe kakaisip kung ano bang nangyayari sa akin. Para kasing... hindi ko na makilala ang sarili ko. This is not me.
"Labas lang po ako," paalam ko kay Manang Tina.
Wala na sila Mom at Dad. Tinanong ko kanina kay Manang kung saan pumunta, pero alanganin sa sagot niyang as usual nasa trabaho raw. Parang may tinatago. O guniguni ko lang.
"Saan ka pupunta naman?" tigil ni Manang sa pagva-vacuum.
Napasingmangot ako. "Sa labas nga po."
Tuluyan na niyang tinabi ang panlinis para ituon sa akin ang buong atensiyon. Sinapo niya pa ang noo at leeg ko, e wala naman akong lagnat.
"Hindi ka pa maayos. Dumito ka muna," Manang stated with finality.
Napakamot ako sa sentido. "Diagnosed of ano po ba, Manang? Ayos na po ako!"
"Mainit ka pa."
"Huh? Wala naman akong lagnat. Buhay ako, Manang, kaya ako mainit!"
"Pilosopo ka talagang bata ka!"
Halos hampasin na ako ni Manang ng feather duster dahil sa katigasan ng ulo ko. Sanay na naman si Manang sa akin at ganoon din ako sa kanya. Kaya naman kaonting suyo pa, napapayag ko na ring palabasin ako.
I only brought my wallet, small perfume, and phone. Hindi ko na ginamit ang bisikleta dahil may malapit lang naman na tindahan. Doon lang sa kabilang kanto. Sapat lang din para hindi ako mahuli sakali mang may lumapas mula sa mansiyon.
"May Marlboro Red po kayo?" tanong ko sa ale na may-ari din mismo ng tindahan.
Yumuko siya para makadaan sa nakasampay na mga sachet at tila ba pinag-aralan muna ang mukha ko.
"Ilang taon ka na?" aniya.
Napalunok ako. "Nineteen na po ako."
"Hmm. Talaga?"
Hindi naman siguro siya magpapalabas ng birth certificate kaya pinapatuloy ko na lang.
"Yes. Meron bang Red?" tikhim ko na lang.
Umiling siya. "Wala."
Tumaas ang kilay ko sabay kiling ng ulo para silipin 'yung mga pakete ng yosi. May pula. Niloloko ako nito, e. Pero sige.
"Lights na lang," tuktok ko na ng barya sa barrier nila para ipakitang naiinip na ako. "Isa."
Mukhang nagdadalawang-isip pa ang tindera kaya tinuro ko na kung saan nakalagay ang mga sigarilyo nila.
Napailing ito, kumuha na rin naman kalaunan. Pagkabayad at pagkakuha ko ng yosi, nanghiram na rin ako ng lighter at doon na rin sinindihan.
Ayos na rin siguro itong lights, para mababa lang ang tar. Nagkibit ako ng balikat.
Naglakad ako patungo sa pinakamalapit na park sa district namin habang bumubuga ng usok. Hindi ko naman masyadong nilalakasan dahil baka pa masita ako.
Pagkarating, naupo ako sa bench na malayo sa mga bata. Buti na lang pala may smoking area rin dito. Dumekwatro na ako sa pagkakaupo bago pagmasdan ang paligid, dinadama ang sariwang simoy ng hangin na nahahaluan ng konting usok mula sa sigarilyong hawak ko.
Nakadantay lang ang parehong kamay sa tuhod habang nakadekwatro, nilalayo ang yosi tuwing tataktakin ang abo. At mayamaya, dumapo roon ang tingin ko bago muling humithit.
I think this is another episode of my unusual desire for cig and alcohol. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit ganito, e. Para bang hindi ko mapigilan ang sarili at hinahanap-hanap 'to.
Pero sa kabilang banda, hindi ko rin masasabing adik ako sa mga ganitong bisyo. It feels like it only happens after particular events and occurrence. Hindi naman ako madalas na ganito. It's just like, I felt the need a while ago. Just like with my past experiences and encounters with these craps.
Alam kong bawal at masama para sa kalusugan ko, maging sa vocal health ko. But there's something in my system that's ruling more than those warning signs in my head. Ewan ko ba. Nafu-frustrate na rin ako sa kahibangan ko lately. Biglang sabay-sabay ang lahat. Ang bilis masyado sa puntong maging ako mismo, naliligaw na.
A honk cut me off from my reverie. Inangat ko ang tingin ko para tignan ang pinagmulan noon. Isang pamilyar na sasakyan ang pumarada sa harapan ko. Noong una, hindi ko pa sigurado kung sino iyon pero agad akong tumayo nang lumabas ang may-ari.
Rave Jackson.
"Anong ginagawa mo rito?" I asked.
Napaatras ako nang isang beses dahil naglakad na siya patungo sa akin. Mukhang kakagaling lang sa Damgeen dahil naka-uniform pa. Academic day ang Wednesday kaya naman malaya niyang nairarampa ang unipormeng iyon.
I hate his guts but I couldn't deny that the uniform suits him well. I wonder how Klavier would look like with that attire? I mean, I'm just curious. Bigla lang kasing sumulpot sa isip ko na hindi ko pa nga pala iyon nakikita nang maayos, tipong gumagala man lang sa grounds o naka-uniform.
"Why? Am I not allowed here?" ngisi ni Rave sa akin.
"You're not allowed to come near me." I almost rolled my eyes.
He chuckled shortly before sitting down on the bench I was sitting a while ago. Pinatong niya ang parehong siko sa tuhod bago tumingala sa akin.
"I must be punished then?" he mocked.
This time, I really rolled my eyes. Hindi ko na siya inimik pa. Minadali ko na lang ang ginagawa para hindi na makatagal pa rito. I even faced the opposite direction to avoid him.
"You're smoking," he said more than ask.
Tumawa ako nang sarkastiko. "This is a lollipop, stupid."
"Problem?" ignora niya sa pambabara ko.
Nilingon ko siya mula sa balikat ko at nakitang nakatanaw lang siya sa kalsada. Pairap kong binalik ang tingin sa punong kaharap ko at umismid.
"You're not my friend, Jackson," paalala ko sa kanya, walang intensiyong ibahagi ang problema ko.
The heck. He's the least person I wanna share my problems with.
"Then as a foe, of course you won't tell me," mangha niyang sabi.
"Bingo."
Initsa ko na sa konkreto ang yosi at tinapakan.
Rinig ko ang pagbuga ni Rave Jackson ng marahas na hininga. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko itong tumayo na, may pagpagpag pa ng kanyang trousers.
"I thought I might be of help but... sure," he said under his breath meaningfully, obviously doing it on purpose.
Paano naman siya makakatulong. Baka imbes na makahanap ng solusyon kapag sinabi sa kanya, baka lumala pa ang problema ko dahil presensiya niya pa lang, namomroblema na ako.
"And surely, you won't need to know what happened at school," dagdag pa niya, arogante lalo ang boses.
Napangiwi ako. Ano namang nangyari kanina na dapat kong malaman? At kung mayroon man, siguradong ite-text naman sa akin ni Dante.
Bigla kong naalala. Pagkatapos kong mag-reply kanina, wala na siyang iba pang message pagkatapos noon. Nakakapagtaka dahil sa ordinaryong pagkakataon naman ay lagi niyang sinisigurado na sa amin dalawa, siya ang last message, hindi hinahayaang walang reply sa akin. But now... hmm.
I quickly checked my phone if there was but there's still none. Nagsalubong ang kilay ko dahil nakakaramdam na ng panghihinala.
Baka naman ayaw lang sabihin sa akin dahil ayaw akong ma-stress? So, it's a bad news, huh?
Humarap na ako.
"What it it?" Nalintikan na.
Rave Jackson halted from his walk towards his car. Humarap ulit siya sa akin nang may nakaukit na ngisi sa mga labi, animo'y tagumpay sa pinaplanong kalokohan.
"Curiosity kills a cat," he whistled like Lucifer.
I scoffed. "I'm not a cat. I only have one life, scumbag."
Humalukipkip siya at tinaas ang isang kilay.
"Oh. All this time, I thought this is your second life..."
I glared at him. "And why is that?"
He bit his lower lip to stifle his grin and in the end, he only shook his head playfully.
"You know, I always believe that we all have our past life?" walang kwenta na niyang sagot na ikinakulo pa lalo ng dugo ko.
"Are you gonna tell me your f*****g news or what?"
Rave Jackson ripped my ears with his chortle of amusement. He stepped forward now, making him at the edge of the gutter while I was still beside the trunk of the tree.
Sinukat ko lang siya gamit ang mga mata at hinintay ang baon niyang balita.
"Maddison..." he stated in a grinning face, as if mesmerized on how beautiful the name was. "Bakit mo naman ipinagkalat na tayo na pala?"
Halos malukot ang mukha ko.
"Huh?"
He slightly scratched his nose. "You should've at least told me beforehand. Para sana handa ako sa mga tanong nila."
Muntik ko na siyang sapakin. "Anong pinagsasasabi mo, Jackson? Kilabutan ka nga!"
He c****d his head on the other side and stared at me intently.
"Humors about us being an item was circulating first thing in the morning. Wala naman akong naalalang... nagsimula na ako sa panliligaw?"
I felt a sudden chill on my spine. It's not helping when his face turned serious after that. Pinanlakihan ko siya ng mata para tabunan ang umuusbong na pakiramdam at tumawa pa kunwari.
"Excuse me, but this is not my fault. It was yours! Sino kaya ang bigla-biglang sumulpot tapos isinandal ako sa poste? Nakita ng ibang SOLMA! Kalokohan mo kasi!" duro ko sa kanya.
His brow shot up, eyes turned lethal.
"So you knew about this and you didn't even tell me?"
Natigilan ako sa biglaan niyang pagseseryoso. "W-Why would I even tell you? Ni ayaw kitang makita, makausap pa?"
"Or maybe you want that spotlight..." he claimed menacingly before coming closer to me. "That I'm your rumored boyfriend. Think about it, should I pick you up tomorrow and go together to school?"
Halos ipadyak ko na ang mga paa para lang umapila sa ideyang 'yon. "No way! Sa ating dalawa, baka ikaw pa ang tuwang-tuwa dyan na na-link ka sa akin?"
Kinagat niya ang labi, halata nang nagpipigil na ulit ng pagkurba roon.
He shrugged. "On the second thought... I realize it's kinda fun, princess. Don't you think?"
This time, I gritted my teeth in utter irritation and cringe.
"In your face, Rave Jackson. Not even in my dreams!" Tinulak ko na siya sa dibdib at tumakbo na paalis.
Abot-langit ang inis ko pagkauwi ng bahay. Buti na lang hindi ko nakasalubong si Manang Tina pagkarating ng mansiyon kaya dire-diretso lang ako sa kuwarto. I vented all my annoyance to that jerk by punching my pillows like a madman.
Ang kapal ng mukha! Ilang tapal ba ng kalyo ang meron sa mukha no'n at parang sobrang kapal talaga?
Ang sarap lihain! Kung pwede lang talaga! Damn you, Rave Jackson! Rot to hell! Shame on you!
Doon ko ata nagugol ang natirira pang oras sa araw na iyon. Ang sumpain ang lalaking wala nang ginawa kundi pestehin at pikunin ako!
Talaga atang sinasaid ako ng tukmol na iyon, e. Ano bang problema niya? Dahil pa rin ba sa nabasa kong damit niya noong nabunggo ko siya? Kung ganoon, ang babaw niya naman! Bilhan ko pa siya ng isang truck ng tela, e!
I even slept that night chanting my mantra to curse him. Pero sadyang mabilis nga ata talaga ang balik ng karma dahil kinabukasan, napilit ko nga sila Mom at Dad na papasukin ako para linisin sana ang pangalan ko sa school, pero mukhang kabaliktaran pa ang mangyayari.
"You must be kidding me!" I blurted out in disbelief.
Mommy sighed problematically. Wala pa man ang mga salitang lalabas sa kanyang bibig, umiiling na ako para muling magreklamo.
"Mabuti na rin ito para may kasiguraduhan kami na magiging ayos ang lagay mo sa school, anak," aniya habang hinahaplos pa ang braso ko.
Umiling ulit ako, tutol pa rin sa alok nila. "At tingin niyo, ligtas ako sa kanya?"
"Bakit? Anong problema sa batang Jackson, Mich?" singit na ni Daddy, hindi na nakatiis sa pagmamasid lang sa amin at istrikto na ang tono.
Nasa living area kami at panay pa rin ang pagtatalo. Nakahanda na ako sa pag-alis nang surpresahin nila ako sa hinanda nilang kondisyon.
I glanced at Dad being the uptight man he is towards his children. Napailing ako dahil hindi pa rin makapaniwala sa sitwasyon.
"I can just message you once I arrived, right? I can also send you updates from time to time. Just not... this. For sure he's busy!" rason ko.
Walang kaamor-amor na sinuklian ni Daddy ang aking tingin.
"And what? How could you message us once you're already troubled? Edi napahamak ka na bago pa namin nalaman?" bulalas ni Dad. "At isa pa, kung nahihiya ka sa batang iyon, huwag kang mag-alala. Siya na mismo ang nag-alok na sunduin at alalayan ka sa school."
I groaned frustratedly. "We can just decline!"
"Hindi bale na at nakakahiya. Hindi mo ba alam na mataas ang posisyon ng ama niya rito sa TRES, Mich? Nakakahiya kay Mr. Julio kapag nalaman niya ito."
"So what? We have our own-"
"That kid is a Trevino, Mich!" Dad impatiently cut me off.
Nanlaki ang mga mata ko.
"And you know Trevino Residential is owned by Trevinos, anak. You know how powerful their clan is in the country," he added.
My lips parted with that unexpected revelation. Hindi ako nakasagot, tuliro na sa nalaman.
Bumuntong-hininga ito at napahilot na sa sentido. "We shouldn't do anything against them. Hindi makakatulong sa amin, anak. Lalo na at alam mo ang trabaho ng mommy niyo. She's doing business with business people so we must not mess around them."
Napakurap-kurap ako. I still can't believe that Rave Jackson is a Trevino. If his father is a Jackson, then it must be his mother!
What the heck? Is this for real? That guy... a Trevino?
Ilang sandali pa, hindi siguro ako makakabawi kung hindi pa narinig ang bagong dating na sasakyan sa may driveway.
Mom and Dad eyed me with their meaningful looks. In the end, I just rolled my eyes in disbelief with this f**k up situation.
"Pasok ka, hijo," rinig kong malugod na imbitasyon ni Mommy.
Nasa likuran lang nila ako, nakasandal sa tabi ng console table. Nasa foyer na kami, sinasalubong ang mahal na prinsipe.
"Good morning, Mr. and Mrs. Maddison," I heard Rave Jackson formally greeted my parents.
Umahon na ako mula sa pagkakasandal at labag sa loob na humarap na rin doon.
Rave Jackson's senses immediately found me. Ngumiti siya sa akin na plastik ko namang sinuklian.
"Good morning, Maddison."
Rinig ko ang pagtikhim nila Mom at Dad.
"Hindi mo pa pala alam, Rave," maingat na tawa ni Daddy para pagaanin ang tensiyon.
Nakitawa naman si Rave at muling binalik sa akin ang tingin. "I know, Mr. Maddison. But... I hope you won't mind me calling her that because... she's still a family I suppose."
He then drifted his eyes towards my parents at the last part of his remark.
"Naku! Oo naman. Mabuti pa nga iyon," si Daddy na tuluyan nang pinapasok ang panauhin.
Nauna na ako sa living area para damputin ang mga gamit ko. Nawalan na ako ng gana kaya hindi ko na naalala kung nakatugon ba ako sa bati niya o hindi. Either way, it's not important. I just want this to get over with.
Sumunod sila sa akin. Mom and Dad offered him a seat but when I turned to them the moment I wore my crossbody, I caught him shaking his head and surveying my figure from head to toe. Bahagyang tumaas ang kilay niya.
"What are you wearing?" he asked.
Tumingin muna ako sa mga magulang na nabigla rin sa tanong ng kaharap ko bago bumaling ulit sa kanya.
"Shirt and jeans?" I answered, holding back the sarcasm to avoid my parents' critical looks.
Rave Jackson opened his gold plarameter and sighed before looking at me again. "We still have time. Go change. It's September kickoff, princess."
Halos masamid ako sa tinawag niya sa akin. Hindi pa rin mawala-wala ang pinaghalong gulat at pagkalito sa hitsura nila Mom at Dad.
"Wear something pop," Rave added authoritatively. "We won't leave until I'm satisfied with your outfit."
Doon ko lang napansin kung bakit nakaporma rin siya ngayon. He's wearing a black cap and fashion glasses. Over his dark blue hoodie and cotton pants is a plaid flannel shirt in cream and black palette. Shoes are black and his bag is a crossbody, too.
Napatikhim ako at walang imik na lang na umakyat sa kuwarto. Wala na akong ganang makipagtalo pa. Sa huli, nakapili na rin ako ng masusuot nang mabilisan.
I fortunately found a high waisted skirt on my closet, almost the same shade as Rave Jackson's flannel.
Para siguradong hindi na matatagalan pa at sasang-ayunan na ng lalaking iyon ang suot ko, sakto ring nakahanap ako ng blouse na kapareho sa kulay ng hoodie niya.
It's a square neck, puff sleeved crop top in the shade of dark blue. Pinili ko ang black high cut boots samantalang pinanatili ko ang crossbody bag at pagkatapos, bumaba na.
As soon as they saw me on the staircase, Mom was vocal to her compliments to me. Napuna naman ni Daddy ang pagkakapareho halos ng suot namin.
Tamad kong sinipat ang reaksiyon ni Rave. Ngumisi siya at napailing, nagpaalam na rin naman sa mga magulang ko, hudyat ng pag-alis namin.
"Damn. I really got myself a girlfriend," manghang sambit ni Rave nang pagbuksan niya ako ng pinto sa kanyang sasakyan.
Alam ko ang ibig niyang sabihin doon. Ngayon lang kasi nagkaroon ng tyansang tuksuhin ako sa suot namin ngayong wala nang ibang tao.
He opened the door on the shotgun seat but I didn't enter. Instead, I opened the one on the back. Tumaas ang kilay niya sa ginawa ko at binagsak na lang ang binuksang pinto dahil nakapasok na ako sa likod.
"You heard your parents. Stick with me for now," aniya habang nagmamaneho.
"As if," tipid na sabi ko na lang dahil hindi ako makapapayag doon.
"Run away and you'll regret it."
"Wala pa man ay sising-sisi na ako."
Laking gulat ko nang sa hindi sinasadyang pagkakataon, naisiwalat ko ang dapat sana'y nasa isip lang.
I immediately took a glimpse of him through the rearview and our eyes quickly met. Binaba na niya ulit ang mga mata para itutok sa daan at hindi na sumagot pa.
I sighed in relief. Nga lang, dahil sa sinabi ng mga magulang kanina kung sino ang lalaking kasama ngayon, parang nagsisi agad ako.
Aaminin kong kahit papaano, natatakot nga ako sa maaaring resulta nito sa pagdating ng panahon. Baka maipon ang alitan namin ni Rave Jackson at makaapekto sa career ng mga magulang. Who knows what this man is capable of? Since he's a Trevino, he has all the power, wealth, and influence to crash someone in just a snap of a finger if he wants to.
Pagka-park ng sasakyan sa usual space niya, hindi ko inaasahan na maraming nag-aabang sa pagdating niya araw-araw. Malala pa ngayon dahil may event. Nagkumpulan ang mga estudyante nang nakita ang sasakyan niya, mapababae o lalaki, senior high man o junior high.
"Let's go," he said after he unbuckled his seatbelt.
Nanatili pa rin ako sa puwesto habang nakatanaw sa labas ng sasakyan. Buti na lang highly tinted dito!
"How could I get out with- Hoy!"
Napakurap-kurap ako nang mabilis niyang binuksan ang pinto niya roon sa driver's seat at binagsak.
Nakita ko siyang umikot patungo sa gawi ko. Kulang na lang, hawakan ko talaga ang pinto para lang hindi niya mahila kaso sa paraan ng titig niya sa akin sa labas, parang handa siyang suntukin ang windshield mabuksan lang ito!
"Shit..." I cursed under my breath.
Ramdam ko ang pagmamatyag ng mga usisero, para bang nagtataka kung sino ang pinagbubuksan ngayon ng isang Rave Jackson na may paglahad pa ng kamay sa akin.
I looked at him with "really?" look before brushing my shoulder against it when I passed him by.
Sumunod siya sa akin pagkatapos niyang isarado ang sasakyan nang mabilisan. Humabol siya sa likod ko kaya naman lahat ng nadadaanan, halos mabali na ang leeg kakatingin sa amin.
"What the hell? Totoo nga?"
"Look at their outfits! Don't tell me it's coincidence?!"
"Rave didn't even deny it yesterday!"
"First time magsabay ni Rave Jackson sa pagpasok, a?"
"Akala ko sila ni Bridgette?"
Binilisan ko ang lakad, binibilisan niya rin ang kanya. Kaya nang hindi na nakatiis ay kinompronta ko na.
I promised myself not to make this a big deal because I was so not okay. But he just pushed me to my limits!
"Can you stop following me?"
Tumigil siya sa paglalakad habang nakapamulsa.
"This is also my way, princess."
Napapikit ako sa iritasyon. "And stop calling me that," sambit ko sa mababa ngunit mariin na boses dahil maraming nakatingin.
"Wait a minute. I thought we agreed upon accompanying you until school?"
"Kayo nila Dad ang nagkasundo dyan. Labas ako. So please if you don't mind? f**k off, Jackson? This is not funny!"
He looked insulted with all the words I blurted out. Nag-igting ang panga niya at mayabang na tumango, parang naghahamon. May ngisi pero umaapoy na ang mga matang nakatitig sa akin.
"I told you... run away and you'll regret it," paalala niya.
I gritted my teeth. "I told you, too. Wala pa man ay sising-sisi na ako. I couldn't be regretful any more."
Iyon na ang huling sinabi ko bago siya talikuran. I heard murmurs and gasps from the students around but I think I was kind of used to it by now.
Tinignan ko ang phone para makita kung may message na ba si Dante pero wala akong natanggap. I asked him if where were they before I left the house. But up until now, he wasn't responding. I'm starting to have a doubt about this.
Binalik ko na lang ulit ang tingin sa paligid. Students of Damgeen were seemingly gallant and fashionable in their own definition of pop outfits. Sa palibot pa lang ng obelisk at statues, kanya-kanyang setup na ng booths at kiosks.
Pop culture is everywhere. Hindi pa naman talaga simula ng event pero sadyang nagpaaga ang mga estudyante dahil ang iba ay tutulong sa prep samantalang excited lang talaga ang iba.
Kung ganoon na karami ang dekorasyon sa unang quadrangle, mas dinudumog na ngayon ang likod ng auditorium kung nasaan ang malaking stage.
Nalaman ko sa pamphlet na iba-ibang genre ang mayroon sa bawat buwan. It was ordered by draw. May kanya-kanyang club ang namamahala per music genres and *fusions.
In that sense, September is Pop month for Damgeen but not only limited to pop. There's a lot of subgenre of pop music. Mayroon pa akong namataan na isang grupo na nagi-impersonate ng isang grupo rin ng kpop idols. As well as for jpop and pop rock groups.
Kanya-kanyang pagdadala ng kanilang outfit ngayon. Hindi ko alam kung para saan o required ba. Kaya naman pala ganoon makasita ng suot ang Rave Jackson na iyon kanina.
May nadaanan akong isang booth na nagbebenta ng merch ng iba-ibang pop bands tulad ng iconic band na The Beatles, Queen, Paramore, One Direction, Panic! At the Disco, 5SOS, Maroon 5, The 1975, at marami pang iba samantalang hiwalay naman ang booth ng mga merch tungkol sa Korean Pop, Japan Pop, and heck the list goes on.
"Rave, dude! Here!"
Sa kakamasid ko sa paligid, hindi ko na napansin na malapit ako sa mga kabanda ni Rave Jackson.
Sinundan ko ang kinakawayan nila at nanlaki ang mga mata ko nang nalamang naglalakad lang pala ito medyo malapit sa likod ko.
I told him to leave me! Halos ibalibag ko na ang mga booth na nakikita ko nang mapagtantong kung sa bagay, nandito ang mga kabanda niya kaya marahil ay dito rin siya papunta.
"'Yung girlfriend mo nandito!"
Nabitin ang pag-eskapo ko nang isa sa mga *following nila ay tinuro ako. Mabilis na dumami ang tao sa paligid namin. Bago pa man ako makaalis, nakarating na sa tabi ko si Rave Jackson, tuluyan nang naharangan ang munting espasyo na pagtatakasan ko.
"May inayos pa ako sa sasakyan. I told her to just go first," sakay naman ng kumag sa mga kaibigan.
The turn of events just escalated so quickly. And the next thing I knew, I was surrounded by PRIMO's ally and groudie. It was as if a cat got my tongue. Tahimik lang ako samantalang puno ng asaran at tawanan ang mga nandito.
Ngunit kung ikukumpara sa crowd ng Kaharayan, their crowd was dominated by boys. Kaonti lang ang mga babae at iyon ay ang ilan pa sa pinakamataas at mayayaman sa Damgeen, iyong panapat sa mga lalaking nandito.
They maybe be loud. But Kaharayan's crowd is louder. Idagdag pa na mas palengkera ang mga babae sa Kaharayan. Iba rin ang sense of humor mapalalaki man o babae.
Sa totoo lang, I've been in different groups and circles before. Iba-ibang mga tao ang nakasalamuha ko kasama sina Natasha at... Emman.
So Kaharayan's and PRIMO's group are not new to me anymore. Ang pinagkaiba lang, I don't sense our commonalities. O dahil... dito, pakiramdam ko ay ibang-iba pa rin ako.
I don't know. Maybe just one of the side effects of my emotional distress these past few weeks.
"You didn't deny it yesterday, bro. And now you're together coming to school. So it must be real this time, huh?" tawa ng isa sa mga kaibigan nila.
"Congrats, Rave!"
Sinilip ko ang reaksiyon ni Rave Jackson. Tumawa lang siya. Bagay na sobra kong ikinairita. Hindi pa nakatulong na nahagip ng mga mata ko ang grupo ng Kaharayan.
Malapit sila sa stage habang nagse-setup. Naroon din ang SOLMA na punong abala para tulungan ang Pop Music Club.
Unlike ordinary superstars, SOLMA officers are formal looking in their collar shirt uniform dominated by royal blue, gray, and a pinch of yellow gold.
They looked happy. Parang kinukurot ang puso ko nang makita si Dante na nakikisabay sa tawanan nang mukhang may nanukso na naman kay Melisma.
Akala ko kung anong problema at hindi man lang sila nagre-reply sa akin. But look at them, they looked happy without me.
Kung ganoon, bakit parang simula pa kahapon, wala nang kumakausap sa akin? Kahit si Eli, Allen, at si Miles, hindi rin tumugon sa mga text ko!
Umiwas ako ng tingin dahil saktong mapapagawi ang tingin nila sa akin. Nahuli ko pa ang pagbabago ng ekspresyon ni Dante nang napansing nakatingin ako kanina. Nabura ang katuwaan dahil biglang sumeryoso.
Yumuko ako at napakuyom ng kamao. What's their problem? Why are they not talking to me? Dahil na nandito ako ngayon sa PRIMO? Pero bakit kahapon ganto rin? Was it because of the rumor?
For some reason, my eyes started to cloud with my fresh tears. Muling nagtawanan ang PRIMO. Hindi ko na narinig kung bakit. Ngunit mukhang tungkol pa rin sa amin ni Rave Jackson.
"Nice couple outfits, man!" tapik sa kanya ng iilang bagong dating.
"Thanks," ngisi ni Rave sabay baba ng tingin sa akin.
Mukhang napansin niya ang hitsura ko. I blankly looked at him and pursed my lips. Tinulak ko na siya paalis, dahilan para mag-boo ang mga lalaki na may kasamang tawanan at tulakan, animo'y ginagaya ang ginawa ko.
"Where are you going?" habol niya sa kamay ko.
Winaksi ko iyon at napasinghap nang tumulo na ang unang luha mula sa mga mata ko.
He looked a bit stunned by that. Mabilis ko iyong pinalis. At dahil unti-unti nang lumuwag ang hawak niya, mabilis kong binawi ang kamay ko at sinamaan siya ng tingin.
"Stop this nonsense, Rave Jackson. Or else..." I trailed off.
Natigilan ang ibang kasama nang napansin ang tensiyon sa pagitan namin. Sa huli, tumikhim na lang ako at umalis na roon.
One last look at Kaharayan's direction, I noticed how their mood changed.
Kung kanina ay puno pa ng tawanan, ngayon ay tila may kanya-kanya nang ginagawa at tikom ang mga bibig, seryoso ang mga hitsura. Gusto kong manibago. Pero malakas ang pakiramdam kong alam ko na ang sagot kung bakit sila nagkaganoon.
It's because of me. It was written all over their faces on how they evade my gazes. Not to mention that they're ignoring my messages. Lalong sumasama ang loob ko tuwing naiisip iyon.
Kung ano man ang problema nila sa akin ngayon, nakakadismaya. Konti na lang kasi sana, kaibigan na ang tingin ko sa kanila, e.
Ngunit sa pinapakita nila sa akin ngayon, na sa isang iglap bigla silang naging malamig at mailap sa akin nang hindi man lang hinihingi ang kompirmasyon, aaminin kong nasasaktan at nadidismaya ako sa mga oras na ito. Pero sino nga ba ako para paniwalaan nila?
Ngumiti ako nang pilit at nanatili pa nang saglit ang mga mata sa pagtanaw sa kanila.
Lumala pa ang hinanakit na nararamdaman ko nang lumingon si Ezra sa aking gawi, blanko ang kanyang mukha.
Hindi ko pinutol ang linya ng titig namin para sana hanapin ang senyales ng kinakagalit nila sa akin ngunit nang umiling siya at animo'y dismayadong-dismayado sa akin, muli na siyang tumalikod at bumalik sa ginagawa.
For a second, I felt betrayed by Kaharayan. But on top of that, I was hurt and disappointed.
April 29, 2020