Chapter 19

5152 Words
Chapter 19 Folklore Emmanuel: It's okay. I'm sorry for doing this, too, but I got a situation here. Can you please delete my number? Just trust me, Michaela. If I'd be gone for long, please, don't forget to remember me. Please. I'm sorry. Who would have thought that only two messages from the man I missed the most could shatter me entirely. Instantly. I don't know now. How could he say that? How could I trust him when he's doing this to me? I hate all this paradox about him. He's always making me crazy. Hindi ko na maintindihan. Hindi ko na alam ang dapat paniwalaan. Ang gulo-gulo na, Emman. Gusto ko pang kumapit pero... Napakagat ako ng labi. Tinigilan ko muna ang pagdako ng utak ko sa kung saan-saan at tumayo na. It's Monday and the boring class almost drove me to sleep. Hindi pa nakatulong na stats iyon at napakamalumanay ng boses ng prof, isa sa mga bagay na kinaaayawan ko sa pag-aaral. I don't know if I should be thankful that Emman sent that message yesterday, Sunday. Naisip ko kasi na kung Sabado pa niya napadala, baka nasiraan na ako ng bait sa dalawang araw na bakasyon at walang ginagawa. On the other hand, the downside of it was I was so preoccupied during the classes. It felt like I was temporarily detached from myself. Damn it. Since it's breaktime, I thought of going to the Room of Phantom. Hindi naman sa gusto kong masilayan ulit ang Klavier na iyon kaya magbabaka-sakali. Well, sort of? I mean, I was curious, alright! But aside from that, for some reason, it sent me an odd refuge last Friday. Para bang noong naroon ako, alisin na lang ang nakakagimbal na mga tunog at tanawin, malayo ako sa panganib at kalupitan ng mga tao. Instantly, I realized that the task I mentally registered before for finding myself another place to go was done. Room of Phantom wasn't that bad. Wala pa namang namamatay roon maliban sa multo kuno kaya siguro ayos lang na doon muna ako. My phone vibrated when a new message was received. Nagpatuloy lang ako sa pagbaba habang binubuksan iyon. It was Dante. Dante "Ding" Gulapa: Baba ka na, Darna. We finished setting up. Daan ka. I almost forgot their exposition if it wasn't for his message. It would be for today until the end of the month so they must be really doing it by now. Sa Huwebes kasi ay opening na para sa buwan ng Setyembre na kailangan isagawa dahil tradisyon na rito. I chuckled. I noticed my improvement to these things and information. Literal na nasa mga pamphlet nga talaga ang sagot. Mabilis lang akong dumaan sa cafeteria para bumili ng food. Wala rin halos tao sa table namin kaya malamang, sinusuportahan na ang Kaharayan para sa collaboration nila with Yoga Club. Tinawid ko ang kabilang gilid ng auditorium at agad ko silang nakita sa bandang gitnang gilid ng quadrangle. Medyo marami na ang tao roon at maingay, nakikisabay sa pagtugtog ng haribol. "Haribol Nitai Gaur!" "Nitai Gaur Haribol!" Yoga Club often facilitate this kind of meditation called *haribol nitai gaur mantra. It is actually practiced to refresh and purify the heart and mind of people through adding a melody in it. People will simply listen to the repetition of the mantras or if they feel comfortable, they can chant along. Tuwing naririnig iyon at nagkataong maganda ang tonong ginagamit, dala ko na iyon sa buong araw. Paniguradong LSS na ako. "Haribol Nitai Gaur! Nitai Gaur Haribol!" Naglakad na rin ako papunta roon kasabay ang ibang estudyante. Kasalukuyang tumutugtog ang Kaharayan gamit ang tono ng Safe and Sound. I stopped just meters away from them and folded my arms. I must admit, Kaharayan is one flexible reggae band. They can adjust their style to the audience's requests. Ibang-iba ang estilo nila ng pagtugtog ngayon kaya agaw-pansin ang pinapamalas na kahusayan. "Nandito ang Darna ng Kaharayan!" Namilog ang mga mata ko nang isigaw iyon ng ibang estudyante, karamihan junior high. Pati ang hindi naman ally ng Kaharayan, nakisabay na rin sa pang-aasar. Nga lang, hindi lahat ay layon na makisaya kundi mang-okray at gawing katatawanan na lang iyon. Sumimangot ako at unti-unti nang sumama ang timpla. Sa ganitong mga panahon na hindi maganda ang lagay ko, hindi dapat ako sinusubukan, e. "Ate, o! Pahingi raw number mo!" Sinabi't! Mariin muna akong pumikit para makapagpigil bago ko sinilip ang babaeng nangalabit. Marami sila, mukhang isang grupo. Like an automatic reaction, bumaba ang tingin ko sa plarameter niya at nakitang asul iyon. Ganoon din ang mga kasama niya na nagtatawanan at tinutulak sa akin ang kaibigan nilang lalaking may katangkaran. Junior high din. Pulang-pula na ang balat. Kung ang iba ay nakaharap sa akin para itulak siya, siya naman ay nakatalikod para hawiin sila at makaalpas. "Crush ka, ate! Singer 'to! Libre na raw pa-voice coach basta ikaw!" Kumunot ang noo ko habang pisikalan na sila halos para lang itulak sa akin ang lalaki. "Ano ba!" pikon nang bulalas ng junior high, winawaksi na ang mga brasong tumutulak sa kanya hanggang sa makatakbo na paalis. "Naku, Phil!" His friends laughed and high-fived each other. Dahil ata roon ay uminit lalo ang dugo ko. It wasn't helping! Tuloy, busangot na ang mukha ko nang napansin nila Dante pagkatapos ng kanta. Kumaway siya sa akin. Ganoon din sina Eli, Miles, at Allen. Samantalang si Ezra naman, inaabala lang ang sarili sa kanyang gitara. Hindi naman sila makakalapit dahil nasa gitna pa ng pagtatanghal. Sa huli, may binulong na lang si Dante sa mga kabanda. Sumenyas naman siya sa ibang organizers ng club na agad pinahintulutan. Dahil doon, napaangat ng tingin si Ezra, parang may hinahanap. Nang nagtama ang paningin namin, napailing siya sabay balik na lang ulit ng atensiyon sa ginagawa. That's when I realized Dante's silly scheme. Muli silang tumugtog at sa pagkakataong ito, umalingawngaw sa buong quad ang kanta ng Kamikazee na Narda. Napairip ako pero napapangisi na rin habang tumatagal. Natawa pa ako nang nangapa sa lyrics si Dante para lang ilapat ang haribol chant sa tono ng kanta. Nagawan niya naman ng paraan at nakabuwelo. Hindi rin nagtagal at nagawa na ulit makisabay ng mga estudyante kahit nahalata na rin nilang para iyon sa akin. Mga leche talaga. Ang lalakas kasi ng trip! "What's next?" halakhak ni Dante sa mikropono pagkatapos ulit ng pasadang iyon. Kanya-kanyang suhestiyon ang mga estudyante ng gusto nilang kanta. Sa gilid, may nagtutulakan pa. Doon ko lang napansing naroon pala ang mga taga-SOLMA at iba pang groudie ng Kaharayan, pinagtutulakan na si Melisma patungo sa gitna. "Ano ba!" si Melisma na pilit ang iritasyon ngunit ang totoo, natatawa na rin. "Pusong Bato raw sabi ni Elis!" Bukod sa nirerespeto ang SOLMA sa Damgeen, sikat din ang mga ito kaya hindi na rin umapila pa ang mga estudyanteng nakapalibot, nakisabay pa sa pagsigaw ng pamagat na suhestiyon ng SOLMA. "Pusong Bato raw si Honcho! Ay! 'Yung next song pala!" Binatukan ni Melisma ang pagsigaw ni Jace. Nagsimula ang tuksuhan, bagay na malugod na sinakyan ni Dante nang senyasan niya si Melisma na lumapit. "Yieeee!" Panay na ang tulak sa kanya ng mga kasama papunta sa portable stage platform kaya naman wala na ring nagawa kundi magpaubaya. "Baka mapaos ako, e. Elis, ikaw muna rito. Tabi ka kay Big Shot," ngisi ni Dante na agad pinagkaguluhan ng mga tao. Iginiya ni Dante si Melisma papalapit nga kay Ezra. Katulad ng kanina, abalang-abala pa rin ang huli sa gamit niya. Para bang nandoon ang assignment niya kaya tutok na tutok lang doon, halos walang pake sa paligid. Natawa na rin ako. Muntik pa kasing mapatid si Melisma sa mga kable kakatulak sa kanya nila Dante at Allen. "Ang pabebe ni Melisma!" "Kunwari pa ito!" "Dapat matatag ang loob kasi Senior High Representative!" Sakto pa iyon sa pag-angat ni Ezra ng kanyang ulo, mabilis na natunton ang direksiyon ko kaya nahuli akong nakikitawa sa mga tao. Unti-unting humupa ang tawa ko sa paraan ng titig niya. He seemed to not like what's going on around him and he's blaming me for all of it. Tinaasan ko siya ng kilay. Pinutol niya rin naman agad ang tingin bago balingan ang babaeng pinagkakanulo sa kanya ngayon. They started playing again. Just like what the crowd chanted, Pusong Bato was being highlighted now. Si Melisma ang nasa mikropono ngayon, patingin-tingin pa kay Ezra dahil nagkaroon na ata ng lakas ng loob dahil sa pang-aasar ng mga tao. "Haribol Nitai Gaur! Nitai Gaur Haribol." Naging madali lang naman ang pagpasok ng chant sa lyrics ng Pusong Bato kaya buong kanta ay nakasabay ang mga estudyante. I fished my phone from my pocket and typed a message for Dante. Nagpaalam na ako dahil sapat na naman iyon para suportahan sila. Nagamit pa nga akong inspiration sa isang kanta, parang ewan lang. After sending him my message, I lifted my head to see if Dante noticed it now. But instead, what I witnessed was Ezra's piercing eyes to me. Nasa gitara man ang buong kamay, nasa akin naman nakapukol ang mga mata. Inismiran ko na lang at hindi na pumatol pa. Mukhang may problema na naman ata sa akin. Wala naman akong ginagawang masama kaya bakit ako papaapekto? Back on my initial plan, I paved my way towards the haunted room. Tulad ng nakaraang linggo, sadyang tahimik ang pasilyo sa palapag na iyon. Medyo nahirapan nga lang ako sa pagbukas ng pinto dahil nadali ko ata last time. Tinuruan naman ako ni Klavier. Maluwag na raw kasi ang kanto ng pinto kaya bago galawin ang seradura, dapat itulak muna ang pinto sa kanto ng frame bago 'yon pihitin. I heard the rasping sound of the door when I successfully opened it. Sinungaw ko ang ulo kahit hindi pa man tuluyang nabubuka ang pinto. Mahirap na, baka may ibang tao o may ginagawang kababalaghan si Minerva. But I think it's my lucky day. Wala namang kung sino roon kaya pumasok na ako. I recalled my encounter last week with that weird man Klavier. It looks like he's been staying here for a long time to know such information like the ghost's name. Siguro dito siya nagpapalipas ng oras tuwing may klase. Bakit naman kaya hindi napasok? Nagsasayang lang siya ng pera. Ang laki kaya ng matrikula rito! Napagpasyahan ko mag-ayos nang kaonti sa silid na iyon. Tinupi ko sa kalahati ang iilang karton para kahit papaano, may liwanang na pumapasok sa loob. May tape naman akong dala kaya dinikit ko na lang ang tupi para hindi malaglag. Iyong ibabang parte kasi ang tiniklop ko. Inusog ko rin ang mga nakakalat na silya sa gitna, sa tabi ko pinuwesto para hindi magulong tignan. I even knocked on the wooden cabinet. It's a bit worn out but when I opened and closed it, I saw that it could still be useful. Huwag nga lang maarte ang gagamit dahil wala namang ibang disenyo. Malaki pa at kasya ata ang dalawang tao sa loob. For almost half an hour of spending my time to that room, I didn't sense any eerie vibes around. Nakumpirma kong wala rito si Klavier nang natunton ko na ang lahat ng sulok ng kwarto at wala naman akong nakitang bakas o anino ng kung sino. Nakapamewang ako nang naalala ang fire escape. Tinanaw ko tuloy. Hagdan kaya talaga iyon? Siguro tanaw ang open field kung nando'n. Kung sakali pang hindi naman ganoon kadugyot, pwede ring tambayan dahil presko ang hangin panigurado. To ease my curiosity, I planned on opening the window but I heard a series of footsteps hurrying up here. Kumakaripas ang bilis kaya nataranta ako nang kaonti. If I'm not wrong, the owner of those footsteps is heading here! Natatarantang sinuyod ng mga mata ko ang paligid para maghanap ng matataguan. My nerves were already palpitating when I remembered how spacious the cabinet was. Doon ako nagtungo at mabilis nagtago roon! As soon as I closed the doors of the cabinet, the room's main door really opened to confirm I was right! Isang babae ang pumasok. Hindi ko pa maaninag masyado dahil silhouette niya pa lang ang tanaw ko. She immediately closed it and slid down on the floor, kneeling down as she cupped her face with both hands. My lips parted in surprise when I realized what's happening. She's crying. And she's not just any ordinary girl because I managed to recognize her when I carefully loosened up my hold from the cabinet's doors. Bahagya ko iyong binuka para silipin ang nangyayari. Palpak pa nga dahil nakalikha ng tunog. Ngunit dahil masyadong abala sa pag-iyak, mukhang hindi niya 'yon narinig pa. I hugged my knees and rested my chin on them. Bumigat ang talukap ng aking mga mata nang nagsimula nang humikbi ang batang babae. It's Bria... What is it know that she's crying like that? This is a haunted place. Everybody in this school knows about it. For sure Bria knows it, too. However, if I am to base this situation with our past interactions, she's easily frightened and horrified. And now, she's able to push herself to go somewhere this spooky. For someone so fainthearted and tremulous like her, one must have a greater emotions to conquer her fear of horror... like this girl. Correct me if I'm wrong. Pero ganoon siguro kasukdulan ang nararamdaman niya ngayon para hindi na intindihin pa ang kaduwagan. If there are emotions greater than fear, I can say that those are extreme melancholy, wrath, grieve, and sorrow. Huminga ako nang malalim, bumibigat na ang pakiramdam sa palubha nang palubha niyang paghihinagpis. Which one of those emotions are you suffering from, bud? Out of a sudden, I just found myself tearing up. For the past few months, I observed how f**k up my emotional distress was. I was easily irritated, sad, and anxious. I sighed when I thought that this one must be another episode of that emotional fury. Kinagat ko ang labi nang sa hindi inaasahang pagkakataon, isang pamilyar na ritmo ang narinig ko sa kaibuturan. I closed my eyes when another batch of tears pooled on my eyes. I wonder... when was the last time I ever sang that song? Or more like, when was the last time I sang with my heart? Tanging hikbi at singhot lang ni Bria ang maririnig sa silid sa mga oras na iyon. At this rate, I'm positive it won't end yet any minute from now. I curled my finger toes as I took a deep breath. My throat trembled with my faint sobs when I did that. But it didn't stop me from singing that familiar and nostalgic tune. "W-When the tears are rolling down, like a river to the ocean..." I breathed. I saw how Bria rose from her position. I smiled inwardly. "And there's no one else around, you won't question my devotion."     My beat was slower even than the original song's cover. It was originally upbeat. But I found myself loving its mellow song cover than the original one. It's personally more heartfelt and sincere for me. It sounded like a lullaby. But I convinced myself that it was something I should bury along with my past because... it's nostalgic. And I wasn't sure why. "Everybody needs somebody... And you got me. You know that I know that you know that I'll be there for the highs and lows. Give you mine if your heart gets broke. By your side when you're all alone. I will be there..." Bria looked petrified. She's now starting to be frightened but never did she ever think of running away. I closed my eyes with a weak smile. And even with my throaty voice, I continued. "When you're down d-down on your luck... Things got tough and you've had enough. When you fall down I'mma pick you up. I will be there..." I slowly opened my eyes and glimpsed at her. I smiled in relief when I saw her pacified on her position. Tender sobs were still present, but at least she finally stopped crying. "Yeah... I'll be there, I'll be there, I'll be there for you." Bahagya kong inangat ang hintuturo at hinang-hina siyang tinuro. "I'll be there, I'll be there, I'll be there for you..." I ended the song just right there and took a deep breath, wiping off my own tears when I saw her wiping hers, too. I looked at her proudly. She doesn't probably realized she just overcame her fear by staying even after that. Bria looked tamed and at ease after. She even managed to lift herself up and took some steps towards here. I didn't move an inch. I just let her do what she wanted to do. But I doubt it. Lihim at tipid akong natawa kung gaano kabahag ang buntot ng isang ito. "M-Minerva? So y-you're... true?" tikhim niya pagkatapos tumigil nang isang metro ang layo sa aparador. I bit my lip and wrinkled my nose, now absolutely suppressing the incoming laughter from my lungs. Syempre, hindi ako sumagot. Bria continued making little steps and I was never more impressed with the courage she's showing me now. Malayong-malayo sa batang paslit na nakilala ko. Biruin mo nga namang mas takot pa ata 'to sa tao kaysa sa multo? Later on, she decided to halt. Ramdam ko ang saglit na pagkunot ng noo ko dahil sa pagtigil niyang iyon. Ngunit mas hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Dahil pagkatapos noon, yumuko siya nang bahagya sa tapat ng aparador, na siya ring pagsilay ng munting ngiti sa kanyang mga labi. "So... people are wrong when they said this room is haunted. Because the real haunted is this whole place. Not this... particular room." Nilibot niya ang paligid gamit ang kanyang mga mata. "It's safer here..." I remained silent and situated, afraid that even a little sound would startle her. Bria bowed once again and smiled at the freaking cabinet. "You're humaner than them, Minerva... Thank you." Iyon ang huling katagang narinig ko mula kay Bria bago siya tuluyang umalis ng silid. It bothered me for the rest of the day. She looked utterly sad. Was that because of her sister again? Pero sa pagkakaalam ko, busy iyon ngayon dahil sa gaganaping opening ng September. Gosh, why am I making it my problem anyway? Naguluhan pa ako nang pagkauwi, may nadagdag na malaking puntos sa plarameter ko. Now, I have a total of 83 points. Real quick! Paano naman nangyari iyon? Sa pagkakaalala ko, nakita ko ang iilan sa kaklase na nag-uusap tungkol sa mga merits nila. Karamihan sa kanila ay nasa 60 to 70 pa lang. Is my plarameter broken or some sort? Should I have it checked? Those were only examples of my everyday usual problems. Kung sabagay, nakatulong nga 'yon para ibsan ang sama ng loob ko sa natanggap na mensahe mula kay Emman. Pagkagising na lang ng panibagong umaga, saka lang ulit bumisita sa akin ang lungkot na dulot noon. I didn't respond. Why would I even do so? Siya na mismo ang nagsabi na burahin ko ang number niya. Siguradong hindi na siyang umaasa na magre-reply ako, 'di ba? So buburahin ko na nga ang number niya? "Leche!" bagsak ko ng kubyertos sa lamesa at tumayo na. Napagitla ang mga kasambahay na nasa loob din ng dining room ngunit wala akong oras para paluguran at makipagplastikan sa kanila. Bumalik na lang ulit ako sa kuwarto para maghanda na sa pagpasok. Doon nagsimulang palitan ng galit ang lungkot at pangungulilang nararamdaman para sa lalaking iyon. Bakla! He's nothing but a bi anyway! Marami naman dyang straight na matuwid din kung magmahal! Pero takot ka sa commitment at relasyon, Mich, 'di ba? Edi bahala na! I don't need a man to live for Pete's sake anyway! Lalo na ang gay! Na manyak na istrikto na supladong mataray na matangkad na guwapo na matalino na- "Aray!" Bumungad sa akin ang mataray na mukha ni Maestro Dulcet. She just whacked her stick on my desk so I jumped on my seat. Halos mapunit pa lalo ang kanyang mukha dahil sa naging reaksiyon ko. I gulped. Tinanggap ko ang munting tawanan ng mga kaklase dahil sa pagkapahiya ko roon. "Stand up, Miss Michaela," she ordered. Hindi ko rin naman pinatagal pa at tumayo na. "I-I'm sorry, Maestro Dul-" "I don't need the apology. I need your knowledge about our topic," she said critically then fixed her eyeglasses. Tinuro niya ang white board. "Did you follow?" My lips twitched when I shook my head timidly. Damn it! This is so embarrassing! "I-I'm so- I mean, no, Maestro," agap ko bago pa man magkamali sa sasabihin. I could feel the electricity coming from her eyes when she narrowed them on me. "I'll go easy on you for the mean time, Michaela. Since this is just a slight recap." Marahan akong tumango at pinagmasdan ulit ang pisara. Kahit ang totoo, nagsisimula na akong mainis sa tutok na tutok na tingin ng lalaking katapat ko sa upuan. "Compare those two phrases. Those phrases are from Beethoven's Rondo a Capriccio Op. 129. Same melodies, but with a slight difference at the end. Now, which one of the two phrases makes a more impression to you that the piece has ended?" Humarap na rin si Maestro Dulcet sa pisara. Bahagya kong sinuri ang dalawang nakaguhit doon na phrase. Just like what Maestro Dulcet has said, I compared it and examined their difference at the end. And of course, I tried relating our course to the question. Ano bang subject namin? Tonal Music! So it must be related to it. And when I realized the answer, I almost slapped myself for it was only a basic question. "The second phrase, Maestro," sagot ko. Muli itong bumaling sa akin. Ang dismayadong mukha ay medyo nabahiran ng ginhawa sa narinig na sagot ko. Bakit kamo? Tama kasi ako! Tumubo ang nguso ko nang abot-langit ang pagpipigil ko sa aking ngisi. "Why?" Maestro followed up. Doon napawi ang kayabangan na pansamantala ko lang nadama. Goodness! I'm not that extra when it comes to technicalities of music and this is my first time to have a formal education with this! Paano, hindi ko naman natatapos lagi ang music school ko dahil nababahala sina Mom at Dad na napapabayaan ko na ang academic ko. Tingin ko alam ko naman ang sagot, e. Ngunit ang ikinababahala ko lang, baka itanong pa sa akin kung ano ang partikular na tawag doon. I pursed my lips and acted like I was still studying the visuals. "Because on the second phrase, uhm... the melody is more stable and at rest than the first one?" medyo alanganin kong sagot. Maestro Dulcet arched her brow and nodded eventually. Para akong nabunutan ng tinik doon! Hindi nga lang nagtagal dahil tinanong na ang kinatatakutan kong parte. "Then what made those two melodies different at the end?" she asked again quizzically. Natunganga ako kay Maestro Dulcet nang maramdamang... parang pamilyar sa akin ang ganitong paraan sa pagbabato ng mga tanong. It was as if I was being reviewed for the upcoming exams. That they have to ask as many questions as possible to dig deeper and get the gist of it. Napaiwas ako ng tingin at humarap na lang ulit sa pisara, hindi makapaniwala na kahit sa simpleng senaryo lang na ganito, siya at siya pa rin ang sumasagi sa isip. "Uhm..." I took a breath as I waited an angel to come. Some of my classmates cackled tauntingly, enjoying my bubble of embarrassment and shamefulness. "What, Miss Michaela? Tama na ang sinabi mo kanina. It is more stable and at rest. And the progression will come back to it to rest... like going back home," ani Maestro Dulcet, naghuhulog na ng bakas patungo sa direksiyon ng sagot. I gaped when I recalled a familiar explanation about this. Being an agent that restores, refreshes, and makes someone comfortable and well. Hindi kaya iyon nga rin ito? They're quite similar and familiar... Napakurap-kurap ako. "T-Tonic?" tikhim ko nang naalalang na-discuss iyon last time ni Ezra para sa briefing ng upcoming events! Kumurba ang mga labi ni Maestro Dulcet at muling hinampas ang kanyang stick sa mesa ko. "You can sit now," sabi niya na lang at bumaba na rin naman sa platform, may bakas na ng ngiti sa mga labi bago ipagpatuloy ang lesson at wala nang dinugtong pa. "Well done," si Rave Jackson. Inirapan ko lang ito nang nakaupo na pabalik sa aking puwesto. Wala naman siyang ginagawang masama pero ewan ko ba, may kung ano sa kumag na 'to na kahit hindi gumalaw, talagang nagpapakulo ng dugo ko! "Ito pa. Ubusin mo," lagay ni Dante ng kamote cue ata 'yon sa plato ko. Pinandilatan ko siya ng mga mata dahil napaparami na ang lagay niya sa plato ko. Ginulo niya ang buhok ko. Buti na lang busy ang mga kaibigan nila sa pagchi-chismisan kaya hindi na nila kami nagawang tuksuhin. "Ronda ba mamaya, Elis?" "Uh. Hindi muna! Marami pang gagawin para sa opening." "Really? Iyon nga ba?" pasaring na banat naman ng isa pa. Break time na at nasa table ako ng Kaharayan at ilan pang malalapit kina Eli at Dante. As usual, wala na naman si Allen. Si Miles naman, nasa kabilang lamesa kasi may tatlo na namang magkakaibigang babae na dala. New found friends daw, bagay na hindi pinaniwalaan ng lahat. At ang panghuli, nasa dulo si Ezra sa kapareho ko ring lamesa. Si Miles lang talaga ang nahiwalay. Kung malakas na ang boses ng mga taga-SOLMA tuwing nag-uusap, mas malakas pa ata ngayon dahil hindi tulad ng nakagawian, nasa katabing lamesa sila. Doon kasi pumwesto si Melisma sa bandang dulo. Hinala ng iba, kasi nahihiya kay Ezra kaya sige ang iwas. "Aminin na kasi! Wala namang masama sa pag-support sa Kaharayan! Pati syempre, kay Honcho." Dahil sa sinabing iyon ng isa pang Kaharayan ally na kasapi rin sa isa pang reggae band, pinaulanan ng tukso si Melisma. Oo at kay Melisma lang mismo. Dahil walang nangahas na guluhin ang Honcho sa kanyang pagkain. Kahit naman hindi nakain, ilap ang mga ito sa panunukso sa kanya dahil takot. "Huwag ka nang magreklamo, Darna. Nangangayayat ka na!" giit pa ni Dante. Bumuga na lang ako ng malalim na hininga, labag sa loob ang klase-klaseng pagkaing nasa plato ko na. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako na nakasabay ulit sila sa lunch. Unlike yesterday that they played during the break time. One of the most peak times of Damgeen. Maraming estudyante sa quad kaya sinakto roon. Ngayong araw naman, mamaya pa sila tutugtog. Sa dismissal naman daw. Isa pang peak hour na dumog sa tao ang grounds. Sa kabilang quad sila mamaya. Doon banda malapit sa obelisk para lahat ng palabas at pauwing estudyante, madadaanan sila, mas marami ang traffic ng audience. Kaya naman available pa sila ngayong oras. Nga lang, sa kanilang lima, mas busy si Ezra dahil bilang President o Honcho ng SOLMA, kailangan niyang i-oversee ang preparations para sa opening sa sunod na buwan. Sa Thursday na iyon. Bagay na kanina pa pinagpipilitan ni Melisma para kumbinsihin ang mga kaibigan na iyon lang talaga ang rason kaya hindi makakaronda mamaya. "Quiet! Another tea!" si Melisma ulit na kinatahimik nga ng tatlong table. "About sa Room of Phantom." By that, she successfully diverted their attention to her new topic. Including me. Napatigil ako, nagkunwari na lang na iinom kaya napababa ng kubyertos. Para kasing may ideya na ako sa sasabihin ni Melisma. Kahit sa room kanina habang wala pa si Maestro Dulcet, usap-usapan na iyon sa klase. "Senior high ang mga nakarinig! Plus, marami na rin naman ang nagpatunay kahit noon pa!" "Pambata lang iyan. Naniniwala pa kayo sa ganyan? Seriously?" "I got a proof." Nagkagulo ang mga kaibigan sa sinabi ni Melisma. Sinilip ko na rin ang gawi nila dahil kuryoso sa ebidensiyang tinutukoy niya. Pati nga sila Dante, napapalingon na rin sa kabilang mesa, e. "Ano 'yan? Voice record?" "Pass! Baka 'di ako makatulog mamaya." May ilang lumayo sa puwesto nila para umiwas sa kung anong pine-play ni Elis. Ang mga handa at kuryoso naman para doon, naglabas pa ng speaker para daw malinaw! "Si Melisma talaga," said Dante under his breath, but amusement was inevitable. I dropped my eyes on my plate and swallowed a spoonful of food. "Hoy, ang creepy!" sigaw agad ng iba nang wala pa man ay nangingilabot na. Binagsak ko ang noo sa kamay kong nakapatong ang siko sa mesa habang sumusulyap doon nang kaonti. Are they really serious? They even have a record? Akala ko, simpleng word of mouth lang? They maximized the volume of both speaker and Melisma's phone. Napapalingon na rin ang iba pang estudyante sa cafeteria nang gumana na ang sounds. Mahangin ang audio. Pero kahit na ganoon, hindi mapagkakailang malinaw ang pakay ng pagre-record. It was Bria, crying with sobs, and me, singing. "Stop that! E-Edited lang ata!" "Shhh!" Lahat ng sumusubok na patigilin iyon ay agad nasasaway. Para akong inugatan sa kinauupuan ko habang pinakikinggan din ang record. Siguro kung hindi ko alam ang context sa likod noon, maging ako ay kikilabutan. The audio record sounded like it was recorded with the phone put flat on the door. Kuhang-kuha ang tunog ng iyak ni Bria at ang pagkanta ko kahit may kalayuan naman sa pintuan ang puwesto ko noon. Basing on its combination, it was indeed eerie. Kahit ako mismong nakakaalam ng tunay na konteksto sa likod noon, nagsisitindigan pa rin ang balahibo dahil sadyang nakakapangilabot nga ang naging resulta. It looked like there was someone singing and crying at the same time inside that dark haunted room. "f*****g s**t! Totoo nga?" "Sabi-sabi na singer si Minerva dati. At minamaltrato pa ng mga magulang at kaibigan. Probably the reasons behind those cries and sad singing!" "Pa-send naman ako, Elis!" "Sino ulit ang mga nakarinig kay Minerva? Tanungin kaya natin?" I felt my head throbbing in pain with all of this. Should I be complacent or be bothered about this surging issue? "Ipagiba na kasi sana 'yung kuwartong iyon! Baka makabiktima na si Minerva!" "Mukhang nagpaparamdam na, e. Mas malala pa 'to kesa last year." "Noong may nakarinig ng sigaw galing sa room na 'yon, 'di ba?" "Oo. Tapos ngayon, may naiyak na." And just like that, the Folklore of Minerva was circulated through Damgeen in no time. But I thought, that was already the worse one. Until I realized, there's something that comes after worse. Which is worst. "Michaela! Muntik ko nang makalimutang itanong!" Dahil nasa kabilang ibayo ng table si Melisma, rinig ang sigaw niya ng halos lahat ng kasama sa tatlong table. "Huh?" Kumunot ang noo ko. Umusog ang katabi ni Melisma para bigyan siya ng espasyo papalapit sa amin. "Kayo na ba ni Rave Jackson?" Muntik nang malaglag ang panga ko. "W-What do you mean?" nauutal kong tanong pero sa totoo lang, unti-unti na naman akong naiirita sa paligid. "Last Friday noong rumuronda kami, nahuli namin kayo sa may poste na... Hah! Nevermind," she chuckled. The others groaned in dissatisfaction. Tawa lang ang isinukli ni Melisma, sinadya ang pambibitin bago prenteng bumalik sa pagkain. Tinikom ko ang bibig na nakatiwangwang na dahil sa nangyari. W-What the f**k was that? I can't believe this! Pati ba naman iyon, hindi pa nakatakas sa kanya? And most importantly, is she normally like that? Damn it! She's too nosy! "Oh, Big Shot. Una ka na?" Mariin pa rin ang pagkakakuyom ko sa kamao nang tumayo na bigla sa kinauupuan niya si Ezra. Tapos na siyang kumain at naghahanda na nga sa pag-alis. "Oo. Tignan ko lang ang club," sagot niya nang walang tingin-tingin, humahakbang na paalis sa bench at sampay ng bag sa kanyang balikat. "Yoga?" tanong pa ni Dante. Tipid lang na umiling si Ezra at laking gulat ko nang nagtama pa ang tingin namin. "Pop," was all he has said before looking away, turning his back to leave. While on the other hand, I was here, still fazed about me being an instant ghost... and Rave Jackson's rumored girlfriend. Different folklores. But both nonsensical bullshits. • • • • • • • • • • • •          ɴᴏᴡ ᴘʟᴀʏɪɴɢ: Taylor Swift - Safe & Sound Kamikazee - Narda Gabriela Bee - I'll Be There (Cover) ──────|─────────── |◁              ||             ▷| ∞            ↺ April 28, 2020
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD