Chapter 21

6343 Words
Chapter 21 Guitar Solo Damgeen has still an hour to prepare for the kickoff. While everybody was so excited and thrilled, I was here... in front of the room they loathed the most. Just like me. Natanto kong marami kaming pagkakapareho ng kuwartong ito at ng mismong nilalang na pinaniniwalaang nakakulong dito. The three of us were haunted, abandoned, pressured, and in dark, castaway. Wala akong pinagkaiba. Dahil kahit ako na lang ang buhay pa sa amin, pakiramdam ko'y sinusunog na rin ang kaluluwa ko sa parusang natatamasa ko ngayon. My parents neglected and abandoned me when I was still a child. But they were able to take care of an illegitimate one. They handed me off to someone I don't know. Pero kung sino pa ang hindi ko kadugo, sila pa ang nagparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal at naging tapat sa akin. Or so I thought. Their relatives were grossed out and disgusted to me. They want me off Maddison's life. They cursed me numerous times. Just like what these people were doing to me. As if my situation wasn't unfortunate enough, someone dear to me... he wanted me gone his life. Just by simply asking me to delete his number, that's what I f*****g felt! It was as if he wanted me to let go of him! So could anybody tell me, how could I trust him? And what? Don't forget to remember him, he said? What trivial paradox was that? Akala ko ay muli akong nakatagpo ng mga kaibigan na totoo sa akin sa katauhan nila Dante, Kaharayan, at SOLMA. Ngunit kung kailan unti-unti nang matatapos ang binubuo kong ang tiwala sa kanila, siya pang pagtalikod din nila sa akin. I smiled forlornly to myself. Kawawa ka naman. What did I say about commitments, Mich? I thought no more any deeper relationships than acquaintances? See what you signed up for? You did this to yourself! You're a disaster! Pagkabukas ko ng pinto ng silid ay agad kong sinipa ang pader na pinakamalapit sa akin. Saka ko lang napagtantong punong-puno na ng luha ang mga mata, na sa isang kisapmata lang, agad na iyong dumaloy sa pisngi ko. "I hate you! If you all hate me, then I f*****g hate you more, you bunch of unsound creatures!" I screamed with all my heart before dropping myself on the nearest armchair's desk. Wala na akong pake kung pati iyon ay ma-record nila. Edi ipakalat nila! Na hanggang ngayon ay nagtatanim pa rin ng sama ng loob si Minerva! "Am I one of them?" Napabalikwas ako sa kinauupuan nang mula sa dilim ay biglang nagpakita si Klavier. Napakurap-kurap ako. Hindi ko napansing may iba pa palang tao dahil bukod sa madilim ang silid, mukhang nakatambay pa ito sa sulok kung saan pinakamadilim. Idagdag pa na masyado akong nadala sa emosyon, laking gulat ko nang biglang may nagsalita at sumulpot. Hindi ako nakapagsalita dahil agad nawala sa isip ko ang sinabi niya. Klavier walked towards the desk in front with a proud gait. Sumandal siya nang bahagya roon at tiniklop ang mga braso. Now he's shedding a shadow of light. But unlike my past encounters with him, he wasn't wearing just a simple shirt and jeans today. Instead of his black cap and wayfarers, he's wearing a black beanie and aviators now, looking very manly and virile. And his black mask, it's not properly worn. It's only worn until his chin so his narrow nose and lips were visible. However, because of the darkness, he still looked vague to me. Aside from that, he was able to pull a slim fit white dress shirt tuck in his black trousers. Over that whole outfit is a black sleeveless trench coat. And I couldn't deny that the sight is breathtakingly majestic. Ngayon ko na lang ulit siya nakita. I want to believe that he's a dangerous man. But even with that imposing and rigid look, I couldn't sense any danger when I'm with him. Kahit minsa'y naiiwan kami sa kuwartong ito nang kaming dalawa lang, pakiramdam ko, napakagaan ng paligid. Napakapuro. And I don't understand myself for feeling that way. Is my system malfunctioning? Ang isang sobra kung makasubok na itrato ako bilang kaibigan ay pinagdududahan at kinasusuklaman ko. Samantalang kay gaan naman ng loob ko sa lalaking misteryosong kasama ko ngayon. "Am I, Minervela?" he hoarsely asked again. Umawang ang bibig ko. "H-Huh?" "Am I one of those people you hate?" He craned his neck to his side, as if studying me from afar. "Hmmm?" Even behind those dark glasses, I know his eyes were directed to me. So when I felt a chill on my spines, I cut our line of vision and shook my head gently. "W-Why would I hate you?" It was almost a whisper. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at binagsak na lang ang tingin sa aking kamay. "If I ask you what's the problem, would you tell me then?" Binaybay ng mga mata ko ang kinaroroonan niya at nakitang umahon na siya mula sa pagkakaupo sa mesa, papalapit na sa akin. My heart pounded like a hammer. Umayos ako sa pagkakaupo, tumayo, at umupo na lang ulit. Sa huli, bumuga na lang ako ng hangin at hinintay na lang siyang pumirmi bago magsalita. He halted a meter away from me. Kumuha siya ng silya sa pinakamalapit. Umupo siya roon at prenteng dumekwatro kasabay ng kanyang paghahalukipkip. Damn. He's like a king sitting dominantly on his throne. Nga lang, ang kaharian namin ay ang abandonadong silid na ito. Humugot ako ng malalim na hininga, bahagya pang nanginig ang lalamunan, bago sagutin ang kanyang tanong. "I-I have a lot of problems," I chuckled weakly. "So if you ask me, I don't know where to uhm... s-start." "Well, then..." he responded, still in a hoarse voice. "Why do you have to hurt yourself by kicking the wall?" Napalunok ako. Nakita niya pala iyon. Hindi malabong pagkapasok ko pa lang ay minamatyagan na niya ako. I strained a smile and chuckled the answer. "I need to release my anger... I don't want to bottle it up for too long." After that, silence dominated the entire room. We remained on our positions and I didn't expect that it could be this tranquil and calming. Slowly, the outrage I felt was vanishing. Hindi lingid sa kaalaman ko na kay dali kong magalit nitong mga nakaraan. In normal days, I would probably be tempted to smoke or drink again like yesterday. But talking to Klavier right now surprisingly did all the magic and- "I'm sorry..." "Huh?" Taka kong inangat ang ulo para tanawin ulit siya. Saglit na pumasada ang panibagong serye ng katahimikan bago siya tumayo sa kanyang puwesto. Inangat niya ang kanyang kamay at napamasahe sa balingusan. Marahan niyang iniling ang ulo, tila ba wala talaga sana sa plano ang kanyang sinabi. "Nothing." I saw how his adam's apple moved when he swallowed hard. "I'm just... sorry to hear that." Umiling ako, umukit ang munting ngiti sa mga labi nang narinig iyon. "T-That's okay." Nakapatong na ang kaliwa niyang kamay sa kanyang bewang nang pisilin ulit ang ilong bago ituro ang iilang bintana. "You cleaned up," he claimed more than ask. "Oo. S-Sana ayos lang..." Medyo nakaramdam ako ng hiya dahil ngayon lang napagtantong may iba pa nga palang napunta rito bukod sa akin. Klavier discovered this hideout first than me. I forgot to consider his opinion with this. I groaned inwardly. Tumayo na ako at nagmamadaling pumunta sa mga bintana. Tumikhim ako, natatarantang binabalik sa pagkakaayos ang mga kartong nakatakip sa bintana at kinakalas na ang mga tape doon. "Pasensiya na! I should have ask for your permission first befo-" "Hey. I didn't say anything..." he said gently from behind. That made me startled. Para akong sinabuyan ng mainit na mantika nang tila napaso ako sa pagdampi ng ilang daliri niya sa akin habang binababa ko ang tiklop ng isang karton, pinipigilan ako. I jolted and pulled my hand in an instant. I laughed awkwardly and bowed my head apologetically. "Uh... Sorry talaga! A-Ayos lang ba na... ganyan?" tawa ko kahit ang totoo, parang sasabog na ata ang dibdib ko sa paghuhuramentado. Inayos niya ang tape na medyo natanggal ko na at binalik sa pagkakadikit doon sa tupi. "Ayos lang, Michaela." Tumuwid na ulit ako sa pagkakatayo nang tapos na siya roon at humarap na sa akin. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko maintindihan kung bakit parang apektadong-apektado ako sa unang beses na pagdadampi ng mga balat namin gayong mukhang balewala lang naman iyon sa kanya! But on top of that, they way he say my name sent refreshing yet familiar feeling to me. Gusto ko sanang isipin na imposibleng pamilyar iyon sa akin dahil never pa naman akong nagka-boyfriend o na-in love man lang. Ngunit sinong binibilog ko? Lalo pa nang isang imahe na ng lalaki ang sumulpot sa isipan ko, nakumpirma ko nang tuluyan ang dahilan kung bakit pamilyar iyon. Another stretch of silence came. Nasa tabi lang siya ng bintana habang nakatanaw sa malayong direksiyon samantalang sinamantala ko naman ang pagkakataong iyon para titigan siya. For a second, I could examine his face while it was directed with the sunlights from outside. Bahagyang lumalabas ang tunay na anyo ng kanyang mga mata sa likod ng salamin. Subalit bago ko pa man tuluyang matunghayan nang mas malalim ang kanyang histura sa harap ng liwanag, nilipat na niya muli ang atensiyon sa akin. Napasinghap ako, medyo kinabahan dahil mukhang napansin niya. "Klavier..." I called out, using all the time I have to savor his name on my tongue. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Sigurado ako dahil may liwanag pa rin kahit papaano sa sulok ng kanyang mukha, klarong nakadirekta sa akin ang mga mata. Nagpatuloy lang ako nang mukhang hindi na siya sasagot pa. "Uhm... I-I'm just curious. Hope you don't mind but... w-why are you wearing a disguise?" I asked straightforwardly even with stutters. Finally. I bit my lower lip and peeked at him from below. He remained situated on his position and his silence was somewhat disturbing. Sa pag-aakalang masyadong sensitibo iyon at wala siyang plano na sagutin, babawiin ko na sana nang sa wakas, nagsalita na siya. "I'm in a chase..." Bahagya siyang yumuko at bumuntong-hininga. "People are searching for me." "You're hiding?" gulat kong tanong. "Yeah." "B-But why?" Napasinghap ako nang natantong masyado na akong maraming tinatanong. Ayos lang naman kung hindi na niya sagutin at personal na masyado iyon. Pero dahil nagpatuloy siya, hinayaan ko. "I was a trainee before I went here. I left the agency without their permission because I know they won't let me for the contract." Umiling siya, animo'y may pangamba. "May problemang kailangan ayusin... kaya tumakas ako." Wait... why does this situation sound familiar? Medyo natalagan bago ako nakabawi sa gulat. What are the odds... Napamulagat ako. "Sabihin mo nga sa akin, Klavier... I-Ikaw ba 'yung nasa balita?" Bahagya akong kinabahan nang naisatinig ko na. "The music artist on the loose?" My hand landed on my mouth as soon as Klavier nodded his head. I whispered soft curses under my breath. Parang saglit akong nawala sa katinuan sa rebelasyong iyon. "Oh, my god?!" I couldn't help it anymore! Klavier chuckled throatily. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. He looked reserved and restrained even when he's laughing, as if there's something's holding him back with everything he does. "I also have a question," sa seryoso niyang boses, taliwas sa kanyang ginawa bago iyon. Still perplexed and astonished, I just shook my head to get my sanity back. Kinailangan ko pang mangapa ng upuan para umupo roon dahil konti na lang, matutunaw na ako sa puwesto ko! "G-Go on," sambit ko sabay sapo sa noo. Ilang sandali pa at wala pa rin akong naririnig mula sa kanya. Inangat ko ang ulo ko para tanawin siya nang nahuling ganoon pa rin ang kanyang pwesto, nakasandal sa pader katabi ng bintana. At nang nakitang tumingin na ako, saka lang siya kumilos. He fixed the mask on his chin, covering again his nose and mouth like the usual before sashaying his way towards my direction. My eyes widened when his movements were too abrupt, it was as if a daredevil was making its way towards me. My breathing hitched just by watching him. So when he crouched and put his hands on the desks beside me, I'm positive I was dying when I was cornered to my seat with Klavier leveling his face to me. "The rumor... is it true?" he asked quietly. I pressed my lips in embarrassment. For the love of God, why does he need to ask that question in this way?! "W-What..." I trailed off when he distanced himself a bit. Still too close. I wanted to say that. Ngunit mukhang nilayo niya lang nang kaonti ang sarili dahil nakita ang reaksiyon ko at para bigyan ako ng pagkakataon na makapag-isip nang matino. "That Jackson, is he your boyfriend?" paglilinaw na niya sa mababang boses. Kumunot ang noo ko. "W-Why are you suddenly asking me this?" Because I know boys. But... Napalunok ako. But I'm certain Klavier is not one of them. He's different, I can tell. I can assume and stereotype all I want but at the back of my mind, I know it's not gonna work with him. He's difficult. Nang ilang segundo pa ang lumipas at wala pa rin siyang imik habang nakamasid lang sa akin, naghihintay, nanlalambot na ang mga kamay kong tinulak ang kanyang balikat palayo sa akin. However, he's strong. Para bang pinagbigyan lang ako kaya siya lumayo kahit hindi ko naman talaga siya natulak. Dahil doon, bumalik na ang normal kong paghinga. "Those rumors are nonsense," buntong-hininga ko. "That Jackson is even one of the most annoying guys I know so it's impossible." Ilang sandali pa bago siya tumango nang marahan. "How about those rumors," he added grimly. Biglang tumabang ang timpla ko sa tanong na iyon dahil naalala na naman ang problemang pansamatala ko ring nakalimutan dahil sa enkuwentrong ito. "Hindi na bago at sanay na ako... Since day one, never did I ever have some peacefulness in this school. Kung meron man, pasilip lang. Binabawi rin agad." Bumagsak ang mga balikat ko nang naalala ang pag-iwas sa akin ng Kaharayan. Umiwas ako ng tingin. "What's the use of fixing it? Kahit naman anong subok ang gawin ko, lahat sila, alam kong una pa lang... wala naman talaga silang tiwala sa akin." I should be talking only about my issue with Rave Jackson. But somehow, my words were leading else where. Klavier didn't bother to say something after my laments. Napayuko ako at pilit na napangiti. "It's okay. Ganoon naman talaga, e. Uhm... I don't know. S-Sinasanay ko na lang din ang sarili ko-" "Sacrifice and effort," he broke in. My lips parted when he cut me off. "Huh?" Klavier crossed his arms and crouched again to level his face to me. Dahilan para muli kong masilayan ang makinis niyang noo at iilang hibla ng buhok na kumakawala sa beanie. "Tell me, Athena. Have you tried sacrificing your dream... to achieve another dream?" he asked quizzically. My face furrowed in confusion. But I know it hit a spot. I was also thinking about that. Though until now, the idea is still unclear to me. "I don't get it. So probably, I never got a chance to do that." Unti-unti siyang tumuwid ng tayo. Pansin ko ang paggalaw ng kanyang adam's apple buhat ng paglunok niya. Because of that, I remembered someone looking striking as well with that demeanor. "Have you ever tried making an effort to mend a broken relation?" Klavier followed up huskily. As time goes by, I came to realize the inconsistency of his voice. How ironic. When he performed before, I remembered his voice being consistent and flawless. How come his speaking voice doesn't sound like it? Until his question dawned on me. Natigilan ako sa kinauupuan ko nang napagtanto ang sagot sa kanyang tanong. I know the answer. All this time, I've been always a person who reminds herself to never make the first move at all cost. Because once I do, I know I'm digging my own grave for a long-run disaster. Magpapatuloy iyon hanggang sa... masanay ako... at mapagod. "Maybe it's time for you to sacrifice and do an effort, Athena," Klavier uttered seriously. "Setting aside our pride for some time won't kill us." That's the last thing he said before leaving the room. I was dumbfounded the whole time. Hindi ko magawang intindihin kung paanong napunta roon ang usapan at parang saktong-sakto pa lahat ng pangaral niya sa akin! Hindi rin naman nagtagal nang napagpasyahan ko nang bumaba na rin pabalik sa quadrangle. Mukhang tapos na ang opening remarks at iba pang procession. Isang pop rock band ang naabutan kong tumutugtog sa entablado na pinalilibutan na ng maraming estudyante. Hindi tulad ng sa karaniwang araw, walang mga upuang nakahanda para sa kaganapan. Lahat ay nakatayo lang. Panay ang tawanan, sayawan, at pagtalon habang nakikisabay sa pag-awit.     "Walking around my little rain cloud Hanging over my head and it ain't coming down." Nakaporma na rin ang maraming booth at pakulo para sa September kickoff. May isa pa ngang parte sa quad bukod sa stage na may palaro pa ata, pinagkakaguluhan din ngayon. "Where do I go? Gimme some sort of sign You hit me with lightning! Maybe I'll come alive." Kagaya ng lagi kong nakagawian noong hindi pa madalas na napapasama sa Kaharayan, nakontento na ako sa lanai, nakatanaw lang sa mga kaganapan. "Hard times, gonna make you wonder why you even try. Hard times, gonna take you down and laugh when you cry. These lives, and I still don't know how I even survive Hard times. Hard times. And I gotta head to rock bottom." Natapos ang isang kanta. Sumampa na ulit sa stage ang dalawang host na mula sa Pop Music Club. Samantalang ako, muli na namang naramdaman ang pamilyar na kilabot. I looked around and surveyed the area. Wala akong nakitang ibang tao na malapit sa akin. Pero kung sabagay, kung may nagmamanman nga sa akin, bakit siya magpapakita? At kung meron man, who could it be? Stalker? Killer? Napamura ako sa sariling imahinasyon. Aaminin kong nakampante na ako nitong mga nakaraang araw tungkol dito. Akala ko nawala na. I was wrong. Umalis na ako roon para lumipat habang lumalalim ang isip kung ligtas pa ba ang buhay ko rito. Maybe I could still joke about this matter when it should be taken seriously. As I came closer to the quad, I got to have a view of Kaharayan participating actively to the event. Nasa technical group naman sa harapan ang ilang SOLMA kasama ang Pop Music Club samantalang ang ibang SOLMA naman ay nasa gilid, nagmamasid para sa crowd control and monitoring, kasama na roon si Ezra na tahimik lang na nakatayo at istrikto sa kanyang postura. The *house cheered when the hosts called Bridgette Madrigal's group on stage. Napagtanto kong ngayon ko lang sila makikitang mag-perform. Ngayon ko nga lang din nalaman ang pangalan ng acapella group nila. Quartepopella. I arched my brow when I made a guess. It must be derived from quartet, pop, and acapella. Too obvious. But witty. Kanya-kanya silang dala ng kanilang damit na pastel blue at yellow ang kombinasyon. The four of them composed of different vocal qualities. Bridgette is the lead and melody, Fribella and Bridgette are the rhythm and harmony, and Marvic for the bass parts. Though if you're going to segment them by range, I can say that both Fribella and Ester are soprano. Bridgette is mezzo, while Marvic is alto. But wait, is she really alto? She can do bass and beats flawlessly, too! They played a mashup of Dark Horse, Timber, Burn, and Counting Stars. Panay ang hiyaw at cheer ng mga tao habang nakanta sila. Si Bridgette ang sumasalo sa chorus at may rotation na naganap. Nang nagpalit na ng ikatatlong pasada, doon na lumabas ang iba pang acapella group. Mas lalong umingay dahil dumami na sila sa entablado at gumanda na ang production nang dumami na ang harmony. They ended it by lifting the girls of Quartepopella. Malakas na palakpakan ang namayani sa buong quadrangle at kahit sa distansiyang ito, kitang-kita ko ang satisfaction sa mukha ng Madrigal princess sa naging palabas. Bigla tuloy akong napaisip. Bakit kaya hindi niya dinamay ang tatlo niyang kagrupo bilang GOTY? Is she that selfish? Pagkatapos noon ay muling lumabas sa entablado ang dalawang host. They interviewed them a bit, especially the Quartepopella, before announcing the start of Riff Off. Lahat ng nag-register para doon ay may pagkakataong manalo ng malaking merit points para sa kanilang plarameter. May category for bands, soloists, at iba pang group. Ngunit lahat ng category sa music ay puro pop songs. Of course. Nagsimula na silang mag-draw lots kung sino ang unang batch contender na isasalang. Samantalang ako, napagpasyahan ko na lang na lumibot sa mga booth. The Riff Off started. It was led by DJ Duckie. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang nakikinig din paminsan-minsan sa salitan nila ng kanta. "Magkano?" tanong ko sa isang sponsored booth galing sa labas ng Damgeen. I picked a poster of The Beatles and showed it to the lady. "Three fifty pesos, Ma'am!" she answered enthusiastically. Tumango ako. Binaba ko iyon at hinimas ang baba habang naghahanap pa ulit ng iba pang magandang disenyo. Sa totoo lang, wala naman talaga akong balak na bumili. Lalo na nang narinig ko ang hiwalay na hiyawan sa kabilang banda ng quad. Nilingon ko iyon at nanlaki ang mga mata ko nang natanaw si Klavier na pinalilibutan ng mga babae ngayon. Tuloy, nabitawan ko ang poster na kasalukuyan kong tinitignan. He showed up to the students! Is this for real? Kahit hindi ganoon kakulay ang kanyang suot, nangingibabaw pa rin ito sa mga lipon ng tao. Hindi na naman nakakapagtaka. Hindi pangkaraniwan ang tangkad para sa isang highschooler kaya naman angat sa karamihan ng tao. I smirked. Binalik ko na lang ulit ang tingin ko sa tinitignang poster nang may tumabi sa akin. "Hi, sir! What band po? Baka makatulong!" Umusog naman ako para bigyan ng espasyo ang bagong customer. Nakakapagtaka lang na kung saan ako tumitingin, mukhang doon din ang sadya niya. "No. I can handle," a familiar voice of a guy echoed on my ears. Mabilis ko itong nilingon at laking gulat na tama nga ang hinala kong nasa tabi ko si Rave Jackson! "What are you doing here?" I asked in a creased forehead. "Stalking my princess," he answered like it's nothing. Nakaangat pa ang isang kilay niya na niyuko ang ulo para tignan ulit ang mga posters. Nagsimula na namang mag-init ang ulo ko. "Pwede ba, Jackson?" iritado kong saring. Inignora niya iyon kaya nang napikon na, akmang aalis na ako nang hilahin niya pabalik ang aking braso. "What do you think about this?" Binaling niya ang tingin sa akin sabay taas ng poster ng The Beatles na tinanong ko sa tindera kanina. The vendor giggled when she noticed that. Napairap naman ako at inismiran si Jackson. "Ito ang bilhin mo. Tutal kanunu-nunuan mo naman!" angil ko. Dinuro ko ang malaking poster na nakapaskil ni Michael Jackson. Rave chuckled. Binaba niya ang hawak na poster at tinuro din ang tinuro ko. "Isa nga nyan, Miss. Sabi ng girlfriend ko." He smirked and winked at the girl. The vendor blushed. Laglag ang panga ko sa ginawa niya. "Mukha kang tanga, Jackson. Tigilan mo ako, a?" I sputtered before pulling back my arm. Lumipat ako sa iba pang booth samantalang ramdam ko naman ang pagsunod niya. Pinagtitinginan na kami ng tao. Some of them even took a picture! Nakita ko iyon! Naku! Kung pwede lang na agawin ang phone para i-delete ang stolen shots, ginawa ko na at binato ko pa sa mukha ng lalaking parang tuod sa likod ko! "There's a food caravan right there. Let's get some," he suggested from behind while I was still busy scanning the merch stand. "Edi kumuha ka." Tinanong ko sa tindera isa-isa kung magkano ang mga printed pins, headphones, cup, and shirts. Balak ko kasing ikumpara muna ang mga presyo sa merkado rito. Kapag natapos na sa benchmark, saka na ako magdedesisyon kung ano ang bibilhin ko. O kung may mabibili ba. "Do you want those? I can treat you, Maddison," si Rave na patuloy pa rin sa pangungulit. "Ano po ulit?" yuko ko pa sa tindera nang hindi narinig ang sinabi nito dahil sa pangungulit ni Jackson. "Ang sabi ko, hija, may store kami malapit lang dito. You can visit our brick-and-mortar store. May online din and if you want-" Hindi na naman natapos si Ate nang sumingit na naman ang epal na kumag! "I know their store. Would you like me to bring you-" "Shut up!" iritado ko nang bulyaw sa kanya. I pushed his chest but he only caught my hand and then chuckled. Pinagsalikop niya pa iyon at ang kapal ng mukha! Hinalikan pa ang likod ng kamay ko! "The f**k?!" I cursed but he only gave out a harsh bark of laughter. Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang paligid. Dinumog kami ng mga tao at panay ang kantyawan. Idagdag pa na natagpuan kami ng PRIMO, mas umingay lalo ang mga usisero. Halos bugahan ko na ng apoy si Rave Jackson dahil sa pagsakay niya sa mga biro na binabato ng kaibigan, bagay na hindi madalas makita ng mga tao kaya sabik na sabik sa tanawin. Kaso lang, nanigas ako sa kinatatayuan ko nang nagtama ang paningin namin ni Klavier. He's wearing aviators but I know he's looking at my direction. May nagpapa-picture sa kanyang tabi ngunit nakatanaw sa akin kaya naman halos magmakaawa na ang mga babae para lang tumingin siya sa camera. Sa mga oras na iyon, nakaramdam ako ng panliliit. I told him the rumors were just all lies. And the way he glanced at my direction was enough for me to tell that he's doubting it already. I'm not sure why his opinion's a big deal for me. Pero nang pinutol na niya ang tingin at kinausap na ang mga babae, damang-dama ko ang pagkakadismaya para sa sarili. I became lethargic after that scene. Kahit panay pa rin ang tukso sa amin ng ibang tao, wala na akong nagawa kundi tumulala at yumuko na lang. Bigla akong nawalan ng gana. "Tapos na ang Riff Off, sis! Nomination na!" "Hoy! Mr. and Ms. Pop na raw!" "Boys, alam niyo na, a!" "Walang nomination na magaganap!" Ilang sandali pa, napalingon ang mga taong nakapalibot sa amin para tanawin ang entablado. Dahil doon, napabaling din tuloy ako, nagtataka kung bakit biglang nagkagulo ang mga tao kasabay ng pagka-countdown ng PRIMO. Lahat ay may makahulugang ngisi sa mga labi at tawanan. "1... 2... 3..." They paused and looked at each other. "Attack!" "s**t!" Namilog ang mga mata ko nang agresibong tumakbo patungo sa amin sina Punk at iba pang ally ng banda nila. Some of the boys ran towards Rave Jackson while some of them towards me. Umalingawngaw ang malakas na mura ni Rave kaya napasilip ako roon, only to realize that my scream would be louder than his later on! "What the hell? Put me down!!" Halos mapudpod na ang lalamunan ko kakasigaw nang sabay nila kaming binuhat papunta sa harap ng stage samantalang aliw na aliw ang mga taong nanunuod sa amin. Humawi ang mga nadadaanan dahil wala nang nagawa at puno na ng sigawan ang grupo nila. "What the f**k is this! PRIMO!" sigaw din ni Rave Jackson na pulang-pula na ang mukha kakasigaw at apila. "Kumalma kayo kung ayaw niyong matapon!" halakhak ni Punk na nadugtungan pa ng pang-aalaska ng iba. I shook my head when I got tired of yelling. Tinakpan ko na lang ang mukha ko dahil sa kahihiyan. Napansin na ng mga host ang kaguluhan sa banda namin kaya dumagundong sa speaker ang tilian nila sa mic. This time, I'm positive all eyes are on us. "We got a winner, pop stars! Agad-agad!" deklara ng isang host. The crowd of PRIMO cheered in victory. Hindi rin nagtagal nang naramdaman ko na ang pagbuhat nila sa amin paakyat sa stage. Binaba na kaming dalawa ni Rave sa gitna. I removed my hands from my face and immediately fixed my clothes! "f**k you!" Rave grunted when his friends exited the stage, laughing and doing high-fives. Humarap siya sa akin at lumapit, tinulungan ako sa pag-aayos ng aking palda. I flinched. Mabilis ko siyang tinaboy at minura sa sobrang iritasyon na nararamdaman ko. This is all his f*****g fault! Kumunot ang noo niya nang nakita ang sama ng titig ko sa kanya. "I'm not part of their plan!" he defended. Tumikhim lang ako at inayos na ang nagulong buhok. Nilapitan kami ng host samantalang hindi pa rin ako makatingin nang maayos sa audience kahit puno na ng palakpakan ang karamihan para sa amin. May iilang nagtilian. Ngunit hindi kailanman mawawala ang bayolenteng reaksiyon ng iba. "Look what we have here, superstars. The most talked couple of Damgeen today!" "What a surprise! Mukhang pinaghandaan pa nila ang segment na ito, partner. Look at them clothes!" Salitan sa paglalahad ng opinyon ang dalawang host. Medyo humupa lang nang titigan na sila nang masama ni Jackson. Tumikhim ako, pasikretong sinilip ang mga estudyanteng nanunuod sa harap ng entablado. I spotted Kaharayan. Naroon pa rin sila sa front row. Kung manghang-mangha ang mga estudyanteng katabi nila at iba pang myembro ng Pop Music Club, taliwas naman ang reaksiyong ipinapakita nila. They're just silently scornful in the middle of the wild crowd. It pained me looking at Dante's blank face. Tinapik naman siya sa balikat ng mukhang dismayadong si Eli at Allen. Samantala, nakahalukipkip lang si Ezra sa kanilang gilid, nakatanaw sa amin. Napakurap-kurap ako nang nagtama ang tingin namin. Hindi ko sigurado kung malinaw ba sa kanya na sa kanya nakatutok ang mga mata ko sa oras na iyon. But even by that, he looked utterly disgusted and dismayed. My eyes drifted to Dante. Laking gulat ko nang agaw-pansin ang pagwo-walkout niya. Eli glanced at me one last time before following him. Si Ezra naman ay kausap na ni Melisma, wala na sa akin ang atensiyon. What's their problem and with their reactions? Sa totoo lang, baka imbes na mag-effort ako bukas para ayusin ito tulad ng payo ni Klavier, baka tuluyan nang mapatid ang pisi ng pasensiya ko at magalit na rin! Kinagat ko ang aking labi at napapikit na tumingala. Maingay pa rin ang paligid. Tanging si Rave Jackson na lang ang kinakausap ng mga host dahil halata ata nilang wala ako sa magandang kondisyon. "B-But that's part of the program, Rave..." mahinang sabi ng baklang host dito, nasa likod na ang mikropono para maging pribado ang saglit na diskusyon. Rave turned to me with annoyance, seemed like he's going to ask for my opinion about this. As a tribute for being the Mr. and Ms. Pop for this month, we had to play a pop song in duet. The crowd was patiently waiting for our production. Dahil expected na handa dapat ang mananalo dahil sumali sa nomination na hindi nangyari sa kaso namin, inaasahan nilang may hinanda kami. "Do whatever you want," walang gana kong turan kalaunan habang nakatunganga lang sa sahig. "Fine. Where's our microphones?" rinig kong sagot na niya sa mga host, pikon na. The hosts jumped in surprise when we agreed to them and quickly lent us our separate stands with mics. Nagsimula na ang kantang last minute lang pinili ni Jackson. Tumingin siya sa akin. As soon as I heard the instrumental part of the song, I could say that this man is a fan of Andy Grammer. Seriously. "Don't let me down, Maddison," he warned. I almost rolled my eyes. And eventually, a sarcastic smirk was plastered on my lips. Sure. He started the song. The crowd sang along with him, amusement and admiration was evident. Nakatunganga lang ako sa kawalan ngunit paminsan-minsan ding napapagawi ang tingin kay Rave tuwing nararamdaman ko ang mariin niyang titig sa akin, animo'y binabalaan ako sa gagawin ko.     "What I'm saying is I get you, get you Nothing we can't get through If I see you going down that road Then I won't let you I'll catch you no matter how far you fall." Kahit na dapat sabayan ko siya sa chorus, alam niyang wala akong balak sumabay kaya pati iyon, inako niya na lang din. "'Cause the best of me loves the best of you And all the rest, I can see right through You trust in me and I'll trust you too 'Cause the best of me, loves the best of you." It's my turn now. Tumigil na siya at minanmanan ako. Kahit maraming tao ang nanunuod sa amin, wala pa ring makakapigil sa plano ko. There's no way I'm gonna let them know I can sing. Most importantly, there's no way I would let Jackson satisfied. "You've seen my dark side and danced with my shadow. You never run from, run from a fight Now I'll be your ally through all the battles And I know, and I know, and I know it'll be alright." I sang my verse in a most out of tune way I know. Ang unting-unting pagkunot ng kanyang noo ay ang pagsilay ng ngisi ko. The audience started to boo. Kanya-kanya silang bato ng batikos sa akin na balewala ko namang tinanggap kahit kulang na lang, batuhin na nila ako ng kamatis. Rave Jackson ordered me to stop authoritatively. Bakas na sa hitsura niya ang paninibugho sa ginawa kong kalokohan. I know he has an idea that I could sing. But for sure he's not a hundred percent sure about it. Tumigil ako sa pagkanta. Tumigil na rin ang minus one. Dead air dominated the whole quadrangle followed by the criticisms of the people. Kung may bagay sila na dapat hindi pinapagawa sa akin, pagkanta 'yon. Kasi kung pagtugtog lang, pagbibigyan ko pa, e. Hindi ko na pinansin ang mga pangungutya at dumiretso sa acoustic guitar na naka-display sa gilid ng stage. Rave glanced at me. Ganoon din ang mga usisero na sinusundan ako gamit ang kanilang mga mata. Dala ang gitara, humila pa ako ng isang monoblock chair papunta sa puwesto ko. Sinampa ko roon ang aking paa kasabay ng pagpatong ng gitara sa hita ko. Natahimik ang paligid. Dead air ruled over and crickets did their thing again. I tried strumming to see if the strings were well adjusted. Nakuntento naman ako sa konting adjustment bago sinenyasan ang nalilitong si Rave Jackson. Ayos na dahil nakakonekta na naman sa amp at *PA system ang gitara kaya pwede nang isalang. "What? Aren't we going to play?" sarkastiko kong sambit kay Rave samantalang salubong lang ang kilay niyang nakatitig sa akin. Hindi ko napansing nakatutok nga pala sa akin ang mikropono kaya maging ang mga tao, narinig iyon. Napailing ako. Binaba na lang ang tingin sa gitara at sinimulan nang tumugtog. "You'll sing, I'll play this," bulong ko pa sa kalagitnaan ng pagtugtog. He was caught off guard a bit. Ilang sandali pa bago siya nakabawi kaya humawak na ulit sa mikropono, punong-puno pa rin ng gulat ang hitsura. "Yeah, I've met your demons, but they do not scare me I know they'll be angels once they learn to fly I've seen all your seasons, your cold February I know you'll be blooming in a matter of time." Students were a tad astounded, too. Patagal nang patagal, nagawa na rin naman nilang makapagreak. Nagpatuloy ako sa pagtugtog at walang tingin-tingin sa gitara na iginala ang mga mata sa paligid, hinahayaan ang mga daliring gawin na ang trabaho para sa akin. Nakatutok ang mga mata ng karamihan sa gitara, para bang may mali roon na ipinagtataka nila. "May gitarista na ang gitarista!" sigaw ng isang kaibigan ng PRIMO. Dahil doon, nagsimula na namang maghiyawan ang iba nilang ally. Napailing si Rave dahil sa kantyaw ng mga kaibigan bago tuluyang tumitig na lang sa akin. "'Cause the best of me loves the best of you And all the rest, I can see right through You trust in me and I'll trust you too 'Cause the best of me, loves the best of you." May mga nagpapalakpakan na at taliwas sa mga komento nila kanina ang sinisigaw nila sa akin ngayon. Lalo pa nang natapos ni Rave Jackson ang panibagong verse bago mag-bridge, sinenyasan niya akong mag-solo. Pinanlakihan ko siya ng mata. This guy is really driving me nuts! Pagkatapos akong idawit sa gulong ito, may gana pa akong utusan? Tinanguan niya lang ako at nagkibit pa ng balikat para ipakitang hindi talaga muna siya kakanta.  I guarded a frown and rolled my eyes at him. "Damn you," I cursed before focusing on the guitar. Because of that, I've got no choice but to improvise a solo and started blistering, ripping off the guitar with my fingers. Inangat ko pa ang gitara mula sa aking hita at lumapit pa kay Rave Jackson. He chuckled. Dinuyan ko ang gitara sa braso habang naghahamong lumapit sa kanya. Akala ba niya siya lang ang kayang makipaglaro? I changed my tempo and did a rumbo strum while advancing to him with my game face. Rave pushed my forehead with his index finger, nodding his head proudly and signaling the audience to clap their hands by waving his hands upwards. Hindi naman iyon pinalagpas ng mga tao at hindi na magkamayaw sa palakpak. "That's one savage ride!" "Gitarista naman pala kasi si Dangerous Woman!" "Never mind the bashers! Ang galing mo po!" Nanlaki ang mga mata ko nang narinig na karamihan sa mga sigaw ay positibo. I was a bit stunned but still managed to strum and pluck the strings naturally like I've been doing this my whole life. I chuckled when I changed my chords for a bossa nova pattern that I always loved strumming in jazz. Kinagat ko ang labi at binaba ang tingin sa ginagawa, huli na nang napagtantong ngayon na lang ulit ako nakahawak ng gitara. "Damn you, too, Maddison. You can f*****g finger better than me," halakhak ni Rave Jackson bago nagpatuloy sa kanta. A hot flush crept out from my collar to cover my face. What the hell did he say? p*****t! "Yeah, I'm telling you the best of me loves the best of you And all the rest, I can see right through You trust in me and I'll trust you too 'Cause the best of me loves the best of you." Natapos ang kanta na unti-unting sumisilay ang ngiti sa aking mga labi. Lumawak pa iyon nang natanaw ko si Klavier na nanunuod din pala! He's surrounded by many, hands inside his pocket. His mask was only on his chin so when he smirked at me, I freaking saw it! Kahit may kalayuan at medyo malabo, I'm sure of what I've seen. The corner of his lips stretched to sport a smirk, man! My heart drummed when I realized he's seen it all, too. I felt so damn happy and proud! Gusto ko sanang ipakita sa kanya na okay na ako at kahit papaano'y nabawasan na ang sama ng loob dahil sa ginawang pagtugtog. Maybe I'll see him later at the Room of Phantom after this! Naghiyawan at palakpakan ang mga tao pagkatapos ng ginawa namin ni Jackson samantalang nakatutok na ang mga mata ko sa misteryosong lalaki na ngayon ko lang nakitang makihalubilo sa mga tao. I lifted my right hand and smiled. I was about to wave my hand at him. But unexpectedly, I was cut off when Rave Jackson suddenly attacked me. People reacted surprisingly. The curve on my lips vanished the same time my eyes molded into circles when Rave kissed my cheek. Ang kaninang kabog sa dibdib dahil sa saya ay mabilis napalitan ng malubhang kaba. I began shitting bricks. Especially, when Klavier put his mask back on his face, turning his back to leave and walk away after Rave Jackson's kiss. • • • • • • • • • • • •          ɴᴏᴡ ᴘʟᴀʏɪɴɢ: Paramore - Hard Times Andy Grammar, Elle King - Best of You ──────|─────────── |◁ || ▷| ∞ ↺ April 30, 2020
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD