Chapter 18

6865 Words
Chapter 18 Minervela It's also my first time to join Kaharayan on one of their victory parties. Hindi na rin kasi ako makatanggi. This is a special occasion for them. They just nailed Clock Out a while ago so I shouldn't act like the VIP here. "Nailaw plara mo, Darna!" turo sa akin ng isang kaibigan ng Kaharayan sa palapulsuhan ko. Gusto ko pa sanang magreak dahil sa itinawag niya sa akin pero sinilip ko na rin agad ang tinuro niya. "Naka-off ang vibration mode niyan?" tanong pa ng taga-SOLMA. I think I should memorize their names from now on. "Oo," tipid ko lang na sagot habang pinapanuod ang munting animation doon. A sparkling "20" plastered on my screen. Napa-whoah ang mga nakakita. Pati sina Dante ay napunta sa gawi namin ang pansin dahil sa ingay ng mga kasama ko. Currently, I have 38 points on my plarameter. Nadagdagan pa iyon ngayon ng 20 kaya 58 na sumatutal. How did I get that? "Nice! Not bad for a rookie," komento ni Dante sabay lagay ng kaonting alak sa baso ko. "Shot 'yan!" Napailing ako, nagtataka pa rin, bago iahon ang tingin mula sa plarameter. "Paano ko naman nakuha ito? Wala na tayo sa... Damgeen?" kuryoso kong tanong. In fact, nasa bakuran na kami ng malaking bahay nina Allen. Ito kasi ang pinakamalapit sa Damgeen na hindi na kailangan mag-commute. Convenient din dahil welcoming ang pamilya at maluwag ang lugar. Makulimlim at mahangin pa dahil maraming tanim na puno sa palibot. Presko. Ang mga nakatayo mula sa kabilang table ay napabisita na rin dito dahil nandito si Dante at nauupo na, hindi tulad kanina na panay ang tayo dahil pasalit-salit sa mga table para i-entertain ang mga kaibigan. "Hmm. Posibleng ma-delay ang pagdating ng merits, Darna. Lalo na kung sinuri muna ng mga nasa taas bago i-record sayo," aniya sabay tagay sa hawak na baso. "Huh?" "PLARA could be subjective, too. Lalo na sa Personality, Rendition, at Application." My face aggravated in confusion. Napansin iyon ng iba pa naming kasama sa table kaya nagtawanan at nagbato ng samu't saring opinyon. "Mahirap paniwalaan dahil komplikado. But that's how it works. Amazing, right?" "Kaya kung delay ang points mo nang halos isang oras at hindi mo napapansin kung saan galing, it's time for you to think about it." "It only falls down to those three categories. Pwedeng isa sa kanila o lahat din nang sabay-sabay." Napanguso ako nang bahagya dahil litong-lito na. "Hindi ba makikita sa track record?" "Hindi, e. Ayaw kasi nilang namimihasa at sinasadya ng estudyante na imbes natural na lumalabas, ginagawa na para lang sa merits." "But that's okay. At the end of the year naman, makikita mo ang summary ng PLARA mo sa assessment, e." Kahit papaano, medyo nakuha ko naman ang ibig nilang sabihin. Nagpatuloy si Dante sa pakikipag-usap sa mga kaibigan, pasalin-salin pa rin sa mga table dahil bentang-benta sa mga bisita. Ganoon din ang apat pa. Maliban nga lang kay Ezra na seryosong nakikipag-usap sa iilang SOLMA tulad nila Melisma, Duckie, at Jace. Napairap ako at kuha sa basong nilagyan ng alak ni Dante. Seryoso ba siya? Pati ba naman dito dinadala pa rin ang trabaho? Workaholic spotted! "Milagro ngang sumama iyang si Ezra. Kaso lang meeting pa rin ang inaatupag!" tawanan sa kabilang mesa, sinasadyang lakasan para iparinig sa pinag-uusapan. "SOLMA! Kaonting briefing naman dyan para sa pasabog niyo sa September!" Sinang-ayanun iyon ng iba pa. Muling dumapo ang paningin ko sa gawi nila Ezra. Tinutuktok na niya ngayon ang ibabaw ng lamesa para siguro kuhain ang buong atensiyon ng mga kausap dahil mahalaga ang huli niyang sinasabi. Nagsitanguan naman ang mga kasama bago sumulyap sa paligid, mukhang natuldukan na ang pagpupulong. "Alright," sambit niya bago tumayo sa kanyang upuan. Their friends cheered in success and turned their chairs to face Ezra's direction. However, I only settled on my seat while playing with my plate. Pwede na rin iyon dahil nakatagilid naman ako nang kaonti sa gawi nila, isang lingon lang at matatanaw ko rin agad. Muntik ko nang makalimutan na sila ang mag-oorganize mostly ng mga events at activities para sa mga susunod na buwan. Kasama iyon sa general plan of actions o GPOA nila para sa taong ito.  At dahil last year na nila sa Damgeen, mas pinagbutihan nila ang mga gagawing plano. Now I understand why these people take their jobs seriously. Na pati rito ay iyon pa rin ang inaatupag. Well, that must be a lot of pressure. Tahimik lang akong nakasandal at pinaglalaruan ang pagkain ko habang palihim na nakikinig sa pinagkakaguluhan nilang topic ngayon. "Tuloy-tuloy pa rin ang Clock Out hanggang sa huling araw ng klase o hanggang sa matapos ang lahat ng estudyante. We all know that. So please do prepare your piece to ace it." "Gaya niyo ba, Ezra?" tawa ng isa. "No," he answered that made everybody shocked. "That'll be too risky so don't do that same thing. Ayos nang kami na ang gumawa noon para sa samahan. Sinuwerte lang at hindi naman pinalaki ng nasa taas." "Bakit? Wala naman kayong ginagawang masama. Sila ang mukhang may kahina-hinalang transaksiyon dyan!" Napalunok ako. Hindi ko tuloy napigilang sumilip nang kaonti. "Shhh!" Namilog ang mga mata ko nang nakitang karamihan sa kanila ay maingat na nakamasid sa akin. Napakurap-kurap ako at napatikhim na binalik na lang ang atensiyon sa aking plato. "Proceed, Big Shot. Ano pang ibang activities bukod dyan? Alam na namin ang Clock Out, syempre," Dante broke the awkward silence. Napakagat ako ng labi at pakiramdam ko, hindi ako karapat-dapat dito sa mga oras na ganito. I know these people don't fully trust my existence yet. Kahit ako, mailap pa rin naman sa kanila at hindi ko ipagkakaila iyon. That's why I understand them being vigilant when it comes to me. I won't take that personally. They're just being... cautious. Bumuntong-hininga ako at pinasak na lang ang earphones sa magkabilang tenga ko. Wala mang tugtog pero makakatulong pa rin siguro 'to para ipakita sa kanilang hindi na ako makikinig. Matapos ang ilang sandali, hindi ko alam kung dulot ba ng earphones pero tumahimik nga lalo ang paligid. I was curious why. However, I fought the urge to glance. I don't want them accuse me again of something. Iyon nga lang, unti-unting luminaw sa akin ang yabag ng mga paa. Palakas nang palakas kaya siguro, papalapit nang papalapit? Doon ko lang napansin ang isang pares ng sapatos na tumigil sa gilid ko. "Tss." The owner of those feet removed my earphones from my ears. Kumunot ang noo ko. With my anticipation that it must be Dante's doings, I was taken aback when I was greeted by Ezra's sinister look instead. "W-What?" I stammered. I pursed my lips the moment I noticed the gawks from other people on our way, watching as if we're in some intense movie scene. Maging si Ezra mismo, nagulat sa kanyang ginawa. He wasn't able to hide it because it was all over his face. But it was only short-lived. Agad siyang nakabawi at muling tumalim ang tingin sa akin. "Hear every word I say, Miss Michaela Singh. Scaredy cat?" aniya, mahina lang at sapat para marinig naming dalawa. I glared at him when I sensed his challenging tone. "I'm not scared. You're the one who's scared. All of you..." His jaw clenched but my remark seemed to hit a spot on him. Sa huli, binitawan na niya ang kamay kong nakahawak sa earphones at bumalik na ulit sa kaninang puwesto. Nagpatuloy naman ang naudlot na usapan. Mas tahimik nga lang ngayon. Napansin ko kasi na hindi tulad sa ibang miyembro ng Kaharayan, hindi nila magawang tuksuhin si Ezra sa akin. Unlike Dante and Miles, whenever they do something intimate to me, they will immediately put malice in it. Pagdating naman kay Ezra, wala silang imik at tikom ang mga bibig. Napapisil na lang ako ng labi habang nakikinig na sa pinag-uusapan nila. Tutal naman ay may pahintulot na sa Honcho, bakit hindi? Like I said, I'm not scared to hear something from them. They are the ones who are scared in case I hear something from them. "We will have Genre Switch. Also, Ensemble Diversity, where we are going to make a structured group composed of soloists from different departments. It can also serve as an avenue to create new outstanding band groups for Damgeen. There's also an off-school variety concert, Riff Off, Umbratonic, and..." He snapped his fingers when he forgot something. Nilingon niya ang ibang taga-SOLMA na kausap kanina. Tumayo naman si Melisma at nakangiting bumulong kay Ezra. "Right, thanks." Bumalik na ulit siya sa pagkakaharap sa amin. "We will also have a competition something between marketing and PR. We're still planning on that. Bagong idea kasi at dinagdag lang. Pero mahalaga rin dahil bilang aspiring artists, we also need to maintain our reputation pleasant and untarnished." Napanguso ako at naisip na tama iyon. Oo nga, ano? Rising stars should also look after their image and public relations. That's a vital area that public personalities should also take care of. Kanya-kanyang komento ang mga kaibigan ng Kaharayan tungkol sa mga personal nilang paborito mula sa mga nabanggit. Ako naman, wala masyadong naintindihan dahil puro jargons at bago pa lang sa kultura nila. Pinagpatuloy ko na lang ang pag-inom sa bagong salin na mojito naman sa aking baso. "Riff Off! The best!" "Bet ko iyong Umbratonic! Pero anong meron doon, Honcho?" "Bet mo tapos hindi mo pala naintindihan!" Nagtawanan ang table malapit sa may portiko. Humalukipkip si Ezra at humarap sa gawi nila pagkatapos sagutin ang kaharap na table para din sa kanilang tanong kanina. "Nakalimutan ninyo agad? Nagawa na 'yon noong Grade 8 tayo. Ibabalik ko lang ngayong taon," he answered, dropping some hints. "Iyon ba 'yung nasa likod ng kurtina 'yung mga contestant? Umbra means shadow, right?" Tumango si Ezra. "Its objective is to give chance to those superstars who want to show their skills but too shy to play in public and flaunt their identity. We still have students like that in Damgeen. Hindi na nawala. We aim to encourage them and this is an opportunity. If they want to lurk into the shadows and perform at the same time, we have Umbratonic." Napamasahe siya sa kanyang nose bridge bago napagpasyahang magpatuloy. "Yes, umbra means shadow. While tonic can fall under two meanings and contexts. Basically, tonic as a medical agent to make someone vigor, well, and refreshed. And in this event's case, by being comfortable behind the umbra or shadows. Thus, umbra is the tonic agent. And lastly, tonic as a musical element. Then combined with the umbra. You know what I mean by that. The latter is self-explanatory." While he's still on the last part of his discussion, Ezra glanced at me. He even c****d his head when he ended his statement as if there's something that he wanted to point out. Good thing I was in the mood to compete. Naputol na lang nang may nagtanong ulit. "Honcho! Kailan ang variety concert?" Tinupi na niya ang manggas ng kanyang long sleeves habang sinasagot iyon. "Probably after music festival. So don't expect that all the aforementioned activities will only happen in September. It's a year-long GPOA. But for now, that's all I could disseminate." Siguro nagkayayaan na lang mag-uwian nang mag-alas otso na ng gabi. Nakakapanibago sa pakiramdam dahil first time ko itong gagawin ngayong nasa Damgeen na ako. Lagi kasing diretso uwi na pagkatapos ng klase, wala nang balak pang magtagal sa impyernong iyon. Kaya naman ngayon lang gagabihin. Alam naman nila Mom at Dad. Sa totoo pa nga nyan, tuwang-tuwa pa nang malamang nakikisabay na ako sa ibang mga estudyante. For some reason, even when I was still younger, they always celebrate whenever they found out I was getting along with the other kids. Naisip ko naman na baka normal lang talaga iyon sa mga magulang. Lalo na ngayong nag-aadjust ako at alam nila ang background ko ng bullying sa school na ito, kaya masaya silang malaman na kahit papaano, may mga bagong kaibigan na ako. Iyon na lang ang konklusyon ko para sa bagay na 'yon. "Hatid na kita, Mich. Saan ka ba?" lapit sa akin ni Miles nang nakalabas na lahat. Tinaasan ko ng kilay ang halatang pagdiskarte niya sa akin. Nga lang, minsan hindi ko na masabi kung nagbibiro lang ba o seryoso na. I really hate guys like him. Naalala ko tuloy si Cleo sa kanya. Sure, I hate them. But I just hate their guts, not their entire humankind. "Duran! Nangchi-chix na naman si Miles, o!" May iilan nang nagsumbong at nanukso sa mga kaibigan nila nang nasaksihan ang paglapit sa akin ni Miles. Napailing ako. "O, ano naman sa akin?" rinig kong balik ni Dante. "Sa Darna mo, boss!" Narinig ko ang walang palyang mura ni Dante nang natuklasan iyon. He immediately rushed towards us and blocked me from Miles' powers. I rolled my eyes and chuckled. So protective! "Back off, you freak," galit-galitang tulak ni Dante kay Miles na inilingan lang ng huli. "Damot mo, Duran! Tsk! Ingat na lang, Michaela, ha? Pakaka-" "-In pa kita sa buwaya kapag 'di ka pa lumayas, SeMilya," putol sa kanya ni Dante gamit ang pangasar nilang palayaw sa kaibigan. Miles showed his middle finger and slightly smacked Dante's stomach. "Damn you, man." Napawi na lang ang ngisi ko nang nagtama ang mga mata namin ni Ezra. He's standing near the light post. A while ago, he's with Allen. They're sending off their guests to their cars. Mukhang tapos na ata at kakaonti na lang ang narito kaya may oras nang magmasid sa mga kilos ko. Heck. He always thinks I'd do something to his friend. Nakakairita na minsan. Inilingan ko si Dante nang nag-alok na rin na ihahatid ako. "I'm just waiting for our driver." He peeked at his wristwatch and nodded. "Alright. Hintayin muna natin bago ako tumulak." Hindi na rin naman ako tumanggi dahil mas gusto ko nga ang ganoon. Isa pa, hindi naman ako pamilyar sa subdivision na ito at hindi pa kami gaanong close ni Allen. Kay Eli siguro medyo ayos pa. Masyado kasing busy si Allen kaya minsan lang din makasama sa mga lakad at sa break time. Though, I heard he always ensure that his house is always available for celebrations like this. That's the least thing he could do, he said. "How about you go now, Duran? I'll accompany your friend until her driver's here." I fidgeted in shock when Ezra suddenly appeared beside us. Dante looked at him suspiciously and shook his head lightly. "Hindi na, Ezra. Ako na rito. Kung kaya ko naman, e." "Akala ko ba may family dinner pa kayo?" Natahimik si Dante at kalaunan, napatingin na rin sa akin. Namilog saglit ang mga mata ko nang napansing nagdadalawang-isip na siya ngayon. Hoy! Bakit nagdadalawang-isip? Hindi pwede 'yan! Don't tell me he's considering this douche's suggestion?! "That can wait..." said Dante with a fraction of hesitation now. Iniwas ko naman ang tingin bago pa niya mapansin ang talim ng titig ko sa kanya. I just checked my phone and the driver texted he's almost here. Tumikhim ako. "Malapit na ang driver," I stated. Sabay silang napabaling sa akin. Pinigilan kong umirap sa inis. Sinabi ko iyon dahil akala ko, makakatulong. Kung nagmamadali nga si Dante, makakagaan iyon sa pressure niya kasi kaonting hintay na lang naman at makakaalis na rin siya. Ngunit nang nagsalita na naman ang kaibigan niyang brainwasher ata, nalintikan na! "Malapit na naman pala, Duran. That short period can save you from being late. You know your father. He always disliked me for being late." Dante managed to shook his head again. But this time, it's obviously halfhearted. "Kaya naman-" "Saglit na lang at nandito na rin ang driver. Wala naman akong gagawin sa kaibigan mo." Napapikit ako nang mariin at marahas na bumuntong-hininga. "You know what? You can both leave now. Plus, it won't kill me to wait for the mean time. Alone," singhap ko na nang hindi na natiis ang iritasyon. Mukha atang ikinahiya iyon ni Dante dahil mukhang akala niya, nakukulitan na ako. Kaya sa huli, bumuntong-hininga na lang at nagpaubaya. "Sige na, sige na. 'Wag mong pabayaan 'to, a? Si Darna man 'yan pero wala si Ding kaya wala ang bato," he mocked to lightened up the mood but it didn't stop me from bulging my eyes! This is not definitely what I expected it to be! The heck! Lutang ako nang kumaway na ito sa amin bago pumasok sa kanyang fortuner. Great. Now I'm alone here with this crude man! Sumimangot ako. Kinuha ko na lang ulit ang phone at nagkunwaring abala roon. Hindi rin naman nagtagal at totoong naging abala ako. Naalala kong kailangan na nga pala mag-submit ng stage name. Wala pa rin akong naiisip. Hmmm. Kung Mich na lang kaya? Bahagya pang nagsalubong ang kilay ko nang sumagi sa isip ang palayaw ni Dante sa akin. Why would I even use Darna as my stage name? Nababaliw na ata ako! "Anyway..." Ezra uttered. I licked my lips and put down my phone. Pareho lang kaming nakatanaw sa kalsada habang naghihintay. Ilang minuto na rin naman ang nagdaan kaya malamang, malapit na ang driver. Konting tiis pa, Mich. "You seemed to know the new student, huh?" kagyat niyang akusa sa akin. Kumunot ang noo ko, hindi na napigilan pang bumaling sa kanya. "What made you think like that, Mr. Honcho?" I said, stressing the address. Bumaba rin ang tingin niya sa akin mula sa kanyang balikat, nang-aamok din ang hitsura. "You looked mesmerized and familiar earlier, watching the guy." Hindi ako makapaniwalang tumawa. "So, you're looking at me all the time? To... observe my reactions, huh?" His lips parted. I saw his adam's apple moved when he swallowed. He looked like I caught him red-handed but he had no idea that he was really red-handed. Pinutol niya ang tingin sa akin at binalik na lang ang mga mata sa tanawin. He scoffed. "Don't tell me you're thinking of something malicious just because of that?" I smirked. "Pwede rin. Lalaki ka, babae ako. May puso ka, may puso ako. Ah! May puso ka nga ba? Mukha kang bato." Kita kong nag-igting ang panga niya dahil sa pinagsasabi ko. "You probably know the new student. Are you, two, here to conquer the universe?" balik niya na lang sa pinag-uusapan, may halong sarkasmo ang tinig. "What am I? Alien? At mukha bang kilala ko iyon?" I pursed my lips when the man's image flashed on my mind. "In fact, e-everything about him is... new to me." "Bakit ka nauutal?" Ilang sandali pa, muli na naman akong natawa nang may napagtanto. Humarap ulit ako sa kanya. Saktong pagharap ko naman ay ang pagdating ng kotse namin. Napasulyap siya roon. Humarap na rin sa akin kalaunan. "Alam mo, ikaw... Baka imbes na manmanan mo ako, mahalin mo ako." His brows furrowed. "What?" He looked offended. And I'm offended that he's offended. This guy! I gritted my teeth. "Lahat na lang napapansin mo, e. Nakakapraning na ba?" Imbes na sagutin ang bagong tanong, iyong kanina ang napuna niya. "I won't fall for a girl like you," mataman niyang sambit. "I won't repeat someone else's mistake. It almost destroyed us. So... no, thanks." Tumikhim ako. Nagkibit-balikat. "Okay." Sure, Ezra Alejandrino. That's what you said. Sa mga nagdaang araw, maraming bagay ang umiikot sa isipan ko. Tulad ng nangyari sa alitan ng magkapatid na Madrigal. Kinabukasan din kasi noon, nakahanap ng paraan si Bria para magpasalamat sa akin. Wala naman ako masyadong sinabi at umalis na rin agad. Ayokong isipin niya na naaawa at may malasakit ako sa kanya. I don't want that much commitment. Medyo takot kasi ako roon kahit dati pa man. I don't know why. But it's just how it works. Pangalawa, hindi sa interesado ako, pero ang weird lang talaga na pagkatapos ng performance niya sa Clock Out, hindi na ulit nakita pang muli ang Klavier na iyon. I mean, he must've be seen, right? Lalo na kung estudyante ito ng Damgeen. Hindi naman sobrang dami ng mga nag-aaral dito kaya imposibleng makalipas ng ilang araw, ni isa ay walang nakakita pang muli sa kanya. Naging palaisipan iyon sa mga nagdaang araw sa Damgeen, bagay na kung nag-aaral nga siya rito, sana man lang may isa o dalawa siyang kaklase na nagpatunay na napasok nga ito, hindi ba? Pero wala. It's either he's not going to his classes... or there's something wrong going on here. Pangatlo, magbi-Biyernes na lang at wala pa rin akong maisip na stage name para sa akin. I can't still think of any words that could describe me. Iyong bagay sana sa akin. Kahit anong piga ko, wala pa ring lumalabas na ideya! Kapag nga napikon na ako, baka as is na lang ang gawin ko. Bahala na ang additional points. Wala naman dapat akong pakialam doon, 'di ba? And lastly, it's Thursday night when I decided to... make a move. Siguro kung hihintayin ko lang na magparamdam ulit siya, baka mamuti na lang ang mga mata ko at wala pa rin. I already convinced myself that he doesn't love me anymore. Na... hindi naman talaga iyon ang nararamdaman niya sa akin dahil... naglaho rin agad. If it's love, it shouldn't be that fast and easy to find another woman, right? Just because you haven't replied to all his messages? Iyon ang pinanghawakan ko para gawin ang plano ko ngayon. Kung iyon na talaga ang kahahantungan namin, then we should end it properly. Alam kong wala pa namang nasisimulan. Kaya naman hindi ako sigurado kung tama bang hilingin ko na magkaroon kami ng uh... closure. I tried typing several messages but my attempts were futile. I always end up hitting the backspace and repeat all over again from the top. I didn't know it would be this hard. I mean, I already expected it but it's definitely harder than I thought! Heck, how could Emman manage to send me those kind of messages naturally? Naalala kong bihasa na nga pala sa gantong mga bagay. Bagay na lagi niyang inaasar sa akin. Muli na namang kumirot ang loob ng dibdib ko. Kung pwede lang bumalik sa panahong hindi pa huli ang lahat, I could sacrifice my present to go back to the past. Honestly. Kasi ganoon naman talaga, hindi ba? Magsasakripisyo at magsasakripisyo ang isang tao para sa kanyang pangarap. And in my case, I realized it's all I could wish for as of now. Kung nagpakatotoo kaya ako noon, may... pag-asa kami? I buried my face on the pillows and sighed. Aaminin ko, kahit naman closure ang pakay ko sa pagme-message sa kanya, umaasa pa rin ako na kahit katiting, may pag-asa pa rin. Me: Hi. How are you doing? I hope everything's fine. Hindi ka na kasi nakapag-message ulit kaya baka may problema? Anyway, I just want to ask if where are you available? Kung sakali sana, gusto kitang makau Hindi pa man tapos ang dapat na sasabihin, binura ko na rin agad nang basahin ulit. I don't wanna sound like I'm blaming him for that! I mentally registered that it's all Michaela Singh's fault so I should be humble. Me: Emman, I miss you :( I'm sorry for not replying to your messages. I just thought that Erase! Too direct and straightforward! Although, iyon naman talaga ang nararamdaman ko ngayon. But still, I should slow down. Isa pa, may girlfriend na iyong tao, Mich! Hindi pa man kompirmado, but to play safe, you should consider that part! I groaned inwardly. Nagpatuloy na lang ako. But this time, I managed to think about my message thoroughly. And I think this is it? Me: I know it's too late to say these now. But I hope it's not too late to save a friendship. I'm sorry for ignoring your messages, Emman. I really am... I'm just scared I'd put myself into more pain if I let this. Because in the first place, I'm not sure what this is. But one thing's for sure... I missed us. I missed you. I hope you're here with me but it's okay. You have your freedom to enjoy things on your own. I just wish you all the best. And still hope for us to be friends again. I smiled faintly before watching myself drove down to sleep. Problemado akong pumasok kinabukasan sa Damgeen dahil huling araw na ng submission ng stage name at wala pa rin akong maisip hanggang ngayon! It's break time again. Kapansin-pansin sa mga tao ang pagiging mapagmatyag sa paligid. Everybody seemed to be so vigilant just to have a single sight of that Klavier. Isa iyon sa mga naging dahilan kung bakit hindi sabay-sabay ang groudie ng Kaharayan ngayong break time. Kasama kasi sa circle ang karamihan sa SOLMA. At dahil malaki ang impluwensiya ni Melisma rito, napagpasyahan nilang ialay ang oras na para dapat sa break, ngunit dahil kuryoso sa MIA ng Klavier na iyon, nilaan na lang nila para sa pagroronda. Pangalawang araw na nila itong ginagawa kaya hindi na muna makakasabay sa Kaharayan. Kahapon naman ay nakasabay pa ako kina Dante at sa iba pang ally, ngunit para sa araw na ito, mukhang hindi rin muna mangyayari iyon. Kaharayan were invited by the Yoga Club to participate in their mantra next week. Ngayon ang assembly nila para doon. Sila kasi ang napiling banda na makikipag-collab sa Yoga Club dahil sila ang nababagay na tumugtog para sa haribol. Next week pa naman iyon at meeting muna sila ngayon. Nakagawian na rin kasing tumulong ng Kaharayan sa ganoong palabas kaya siguro hindi na ito bago sa kanila. Ayos lang naman sa akin. Balak ko rin talagang mapag-isa ngayong araw para makapag-isip nang maayos. I need to generate ideas for that damn stage name. Hindi ko rin maintindihan ang sarili kung bakit husto akong nag-aabala para lang dito. Bumili lang ako ng pagkain sa cafeteria. Tinanaw ko ang table na madalas naming punan at kaonti lang ang naroroon. Nasa lima lang ata na kung kadalasan ay napupuno pa namin ang tatlong mahahabang table. I smiled. That big circle is not bad afterall. Hindi ko inaasahang kahit papaano pala, mami-miss ko rin ang kaingayan nila. Pansamantala akong tumambay sa lanai na nasa bandang dulo para hindi marami ang dumadaang tao. Baka mamaya kapag hindi ko nagustuhan dito, lilipat ako sa open field. I put my earphones on my ears and listened to the silence. Malapit ko nang maubos ang binili kong mga pagkain at wala pa rin talaga akong maisip. I checked my phone when I felt how hopeless my situation was. Kung kaninang wala pa akong maisip na stage name, mas lumubha lang ata ang bigat sa pakiramdam nang nakitang wala na talagang mensahe pa si Emman. For sure, he already read it by now and maybe, he just chose not to reply back. Napagpasyahan ko nang tumayo at lumipat na lang sa field suot pa rin ang earphones. Students relented on pestering me but their looks were still bothering. Tss. Inayos ko na lang ang earphones sa tenga at nagkunwaring walang pakialam sa paligid. "Maddison." A familiar boyish voice eachoed on my ears even with my earphones. Wala iyong tunog kaya talagang maririnig ko pa ang lahat ng tatawag sa akin nang malapitan. Rave Jackson. I almost forgot that this guy exists. Abala siguro nitong mga nakaraang araw kaya wala nang oras para pestehin ako. Okay na sana, e. Sana lagi na lang na ganoon para hindi na dumarating ang mga araw na ganito at nilalapitan pa ako. "Maddison!" Nagpanggap akong walang naririnig. Diretso lang ang tingin ko habang naglalakad, hinihiling na sana tigilan niya muna ako ngayong araw. I was already having a good time with my past days when he's not around. I just really don't like Rave Jackson's vibe. Kahit pa ipinagpipilitan nitong kaibigan ang turing niya sa akin, pakiramdam ko, he's just too extra for me. His presence was overwhelming and threatening. "f**k damnit, Michaela!" gigil na niyang hiyaw. One swift move and now he's already in front of me. Nanlaki ang mga mata ko, dahilan para magmukhang natural na hindi ko inaasahan ang pagsulpot siya. "W-What are you doing?" I stuttered when out of a sudden, he shifted me by grabbing my waist and leaning me against a large post. I pushed his chest but he's way stronger than me. "Ano ba, Jackson? Get off!" I tried again but to no avail. It's too late when I realized he's not paying attention. Wala sa akin ang mga mata niya at lagpas iyon sa akin, tila ba may tinatanaw sa malayo. I surveyed the area around us and sighed in relief that we're afar from the students. This must be another issue if ever someone caught us in this position! Damn it! Hindi ko malaman kung ano na namang pakulo ito pero ang kapal naman talaga ng mukha ng Jackson na 'to. Nagawa pang ituon sa akin ang bigat niya habang ilang pulgada na lang ata ang lapit sa akin! "Jackson!" I called out impatiently. Kumurba ang kanyang mga labi habang nakatanaw pa rin sa malayo. I creased my forehead and tried peeking, too. Dahil wala sa akin ang atensiyon, nakahanap pa rin ako ng paraan para makawala nang kaonti sa kanya. Sumilip ako sa tinitignan niya. Napansin niya iyon. He whispered soft curses under his breath and pushed me towards the post again. "Aray! Ano ba?!" I glared at him deadly. "Kanina pa kita tinatawag, a?" mahinahon ngunit mapanganib ang boses na sabi niya. Napalunok ako. Baon niya pa rin ang matalim niyang mga mata mula sa tinititigan niya kanina. Now that he's pouring it out on me, I suddenly felt some goosebumps. "I-I have earphones! See?" Hinawi ko pa ang buhok kong tumatakip sa suot kong earphones para patunayan iyon. Lumipat naman doon ang tingin niya. He even tilted his head on that side to examine it. I shivered when I felt his breath against my neck. "Get off, Jackson..." nanghihina kong turan sabay tulak sa kanyang dibdib. Inignora niya iyon at sa isang iglap, kinuha ang earphones ko at sinuot sa kanya. Muntik nang malaglag ang panga ko sa gulat. Pakielamero! Nataranta ako kaya mabilis ko iyong hinablot sa kanya. I glared at him again but he just grinned menacingly. Para ata akong nasisilaw sa diyamanteng hikaw niya kaya umiwas na lang ako ng tingin, kinakalas na ang earphones sa tenga ko at hinayaan na lang na nakalawlaw sa leeg. Umigting ang kanyang panga. He put his finger on my chin and lifted it up to level my eyes on his. "Hmm. Why are you so engrossed with that malfunctioned device? Walang tugtog, Maddison. Pinaglololoko mo ba ako?" mataman niyang tanong. I gasped. Tinaboy ko ang kamay niyang nasa baba ko at muli siyang tinulak. "Sometimes, it's better to listen to the sound of silence," I claimed firmly. Rave Jackson distanced himself a bit and gave out a harsh bark of laughter. "You think you're a poet now? Saan mo naman nakuha iyon?" sukat niya ng tingin sa akin. I pressed my lips. "Based on experience, that's legit. Lalo na kung papipiliin lang din ako, I'd rather enjoy the silence than to murder my ears with your terrible voice." I was lying. In fact, this guy has better vocals than their vocalist. I know I only heard him with harmony once. I wonder how it sounds in lyrics. However, I doubt that he's better than that... Klavier. Basing on Jackson's vocal range, he's no doubt a tenor, too. But there's something in the former's voice that is so pleasant to the ears. Fine, I know the answer. Maybe I just can't admit that he's better than me in that certain area. He's better than emotions, alright. His fiery passion was way too sublime. That's an impeccable trait that every artist should have. And unlike me, I easily neglected it just because of my misfortune and pride. Hindi naglaon, pikon na umalis si Rave Jackson dahil hindi nagustuhan ang sinabi ko. I thought he has something important matter to say. But one last glance at my back, he glared at me and walked away just like that. Ang pinagtataka ko lang ay imbes na umalis nang agrabyado, mukha pa siyang kuntento sa nangyari. The guy looked satisfied. And it's kind of creepy. I cleared my throat and just proceeded with my objective. To find myself another place to go. "Nakakakilabot talaga! Kahapon din, noong dumaan ako sa hallway ron, may tumutunog! Parang may tao. Pagkasilip ko, wala naman!" May dalawang estudyante akong kasalubong sa daan, abala sa kung anong pinag-uusapan nila kaya hindi na rin ako napansin. "Bakit ka kasi pumunta pa sa dulo? Alam mo namang haunted iyon!" "Na-curious ako, okay! Hindi ko naman inasahang totoo pala!" "Hay, nako! Kaya nga tinawag na Room of Phantom, 'di ba?" "Ewan ko ba. Baka hindi na naman ako makatulog mamaya!" Tumigil ako sa paglalakad at sinundan ng tingin ang dalawang estudyante. I recalled Ate Tris mentioning that familiar room last time when they visited. That time, she's too enthusiastic that she even toured me around for the mean time while her other bandmates were still busy talking to the principal. Kaya naman labis ang galit sa akin ng mga estudyante lalo na nang igala pa ako ni Ate Tris sa Damgeen. According to her, that Room of Phantom was a haunted room. May nagpakamatay na babaeng estudyante dahil sobra ang naging pressure sa pagtugtog, idagdag pa na maraming tao ang may galit sa kanya. Sabi-sabi pa na hindi pa raw nakakatawid ang babae dahil malaki ang hinanakit sa mga taong pinagsamantalahan at pinagmalupitan siya. Now, she's imprisoned to that room. She wasn't able to get away from it because she's too vengeful to be freed. Tinanaw ko ang pinanggaling ng dalawang estudyante. Doon nga iyon sa gusaling iyon. Sa ikatlong palapag, sa pinakadulong silid. And the next thing I knew, I was suddenly in front of the Room of Phantom. Mahangin sa parteng ito ng palapag dahil nakapalibot ang mga puno sa gilid. Ito na kasi ang dulo ng mga gusali sa hanay na ito. Sa tabi nito ay ang open field na kaya talagang mahangin. Tinanaw ko ang walang katao-taong pasilyo na pinanggalingan ko bago tuluyang hawakan ang seradura ng pinto. The cold surface already send chills down my spine. Walang-wala pa iyon nang ihakbang ko na ang mga paa ko sa madilim na silid. Walang kailaw-ilaw. At kahit maliwanag pa naman sa labas, kaonting liwanag lang ang nagsisilbing tanglaw sa loob dahil natatakpan na ng karton ang malalaking bintana. May maliliit na punit lang sa karton kaya kahit papaano, nakakalagpas ang liwanag mula sa labas. I swallowed hard and examined the darkness of the place. Dahil tahimik, hindi lang itong silid kundi ang buong palapag mismo, rinig na rinig ang bawat yabag na nililikha ng mga paa ko. Bukod pa roon, tanging ang sipol na lang ng hangin at paminsan-minsang kalampag ng kahon sa labas ng bintana tuwing hinahangin. Tinawanan ko ang takot na nararamdaman at huminto sa gitna ng silid. What am I doing here again? Am I that desperate to find myself a new place to stay? Sinuyod ko ng tingin ang paligid. Panay sirang lamesa, kinakalawang at maalikabok na equipment box, mga silya, nakatiwangwang na blackboard, at malaking cabinet na gawa sa kahoy sa bandang dulo. May emergency exit din na bintana. Marahil sa likod noon ay fire escape na, matatanaw pa kasi ang bakal mula sa maliit na siwang sa bintana kaya baka nga ganoon na iyon. Kung tutuusin, hindi na naman masama at kaya pang pagtyagaan. Hindi ito tulad ng normal na lecture hall. Siguro pinaglumaan na ang silid na ito dahil naiiba. Baka pa pinabayaan na lang dahil sa ideyang may maaabala rito- "f**k!" I jolted when the door suddenly slammed to close. Namimilog ang mga mata kong binalikan ang dinaanan at nakitang nakasarado na nga iyon! I left it hanging open! Mukhang malakas ang hangin kaya siguro nasara? I don't know! Damn it! This is not funny anymore! Mabilis akong bumalik sa pinto. Halos maiyak na ako nang nakailang subok na sa pagpihit ng knob ngunit ayaw na niyang bumukas! "Putang ina naman!" I groaned in utter fear. Nanginginig na ang mga kamay ko habang hindi pa rin tumitigil sa pagpihit doon. Ngunit nang natanto kong mas lumalala ata ang kondisyon ng seradura sa bawat pagpihit, tumigil na muna ako. Kinakalawang na rin kasi kaya marupok na. Kapag pinilit ko pa, baka lalo akong hindi makalabas dito! I was already panting when I thought of turning around to see what else I could do to escape. But when I heard a c***k near me, I flinched in an instant. I didn't bother turning around anymore and just stared at the worn out door. "W-Who's that?" nanginginig ko nang sambit, halos hindi na makilala pa ang boses. Kung hindi ka lang naman kasi kalahating tanga at kalahating abnormal, bakit ka pa pumunta rito, Mich? Most of the time, your curiosity leads you to death! Stop acting like a cat! Please! Kaonti na lang ata ay paiyak na ako. Lalo na nang may tumunog na naman na kung anong nilalang mula sa likuran ko, papalapit na nang papalapit sa akin. I was already shitting bricks when I tried peeking over my shoulder. But for the love of God! Before I could even turn my head sideways, I already cried when that creature slammed the door with his large hand! I shrilled in complete horror. Halos mabingi ako sa sariling boses. "Stop! Please spare me! Parang awa-" I stopped when I realized something. Napakurap-kurap ako habang dahan-dahang tinitingala ang bagay na iyon sa pinto. Wait... His large... hand. His... large hand? His? I thought the ghost was a girl? Why does this hand and arm look manly and... Wait... Is that a tattoo? My mouth hang open with that sudden realization. Mabilis akong lumingon sa likod at hinarap ang lalaking kino-corner ako sa pinto! What the f**k! My eyes widened when I witnessed a tall and massive man with black cap, black shades, and black mask. All in black kaya naman angat ang walang kapintasan niyang balat! He's crouching towards me while his hand was still on the door. Napakurap-kurap ako at hindi makapaniwala sa lalaking nasa harapan ko ngayon. If he's already weird last time, he's even weirder now by adding a mask to that getup! "K-Klavier?!" I asked hysterically. Hindi ito sumagot. Imbes, tumuwid na siya sa pagkakatayo at nilagay ang parehong kamay sa bulsa, nakadirekta pa rin sa akin ang mukha kaya siguro nakatingin sa akin? I don't know. He's got a pair of shades for Pete's sake! "W-What are you doing here?" dugtong ko pa. Napasapo ako sa dibdib nang ngayon lang napansing hindi na pala ako humihinga simula pa kanina. Bigla akong nagsisi sa kalokohan ko. Pero bukod pa roon, parang kahit papaano... pakiramdam ko ay hindi na rin naman masama. I scoffed to my own thoughts. At bakit naman hindi na masama, Mich? After a longer stretch of silence, I shouted my fear one last time with all my might and ended it with a chuckle. "Tinakot mo ako! Teka, paano ba makalabas dito?" sambit ko nang naalala na ang pinto. Humarap ako roon at sinubukan ulit buksan nang pigilan ako ng lalaking kasama. He removed my hands on the doorknob and pulled me away from the door. "W-What..." I trailed off when he settled me on the center. I looked at him strangely as he strode his way to the blackboard. Dahil nakatalikod, mas nagkaroon ako ng pagkakataon para puriin ang kakisigan ng kanyang katawan. Madilim man, ngunit dahil sa puting shirt, madali na para sa akin na tunghayan iyon. Kumuha siya ng maliit na chalk sa ibabaw ng lumang mesa at nagsimulang magsulat. Minerva. That's what his writings on the board say. Napanguso ako. His penmanship was unfamiliar. But it looked majestically good in all capital letters. Hindi talaga ako sanay sa mga lalaking mas maganda pa magsulat sa akin. Maliban na lang kay... I shook that thought away when I started to feel the ache on my heart again just thinking anything about him. "Minerva?" I asked curiously when he seemed not to say anything after that. Pansin ko lang, kanina pa ako hindi iniimik ng Klavier na ito. Kanina medyo nagduda pa ako kung ang lalaking kaharap pa siyang tunay na Klavier. Baka kasi pareho lang ng katawan at suot. Pero nang naalala ang nakitang tattoo sa kanyang kanang braso, nakumpirma ko rin kalaunan. That same minimalistic and geometrical figures formed in a vertical line almost until his wrist. There's no doubt this man is Klavier. That tenor guy. The Bocelli of Damgeen. "The ghost's name was Minerva," he said in a hoarse and shaky voice. I wrinkled my nose when I finally got to hear his speaking voice. "Is your vocal okay? You must've murdered it," I stated playfully and glanced at the board again. "I didn't expect you to be a man of paranormal activities. Paano mo nalaman 'yan?" Dahil maging ako mismo, ni hindi alam iyon kahit halos isang buwan na ako rito. "I just know," he answered in an undertone. Natahimik din ako. Hindi ko sigurado kung pareho ba kaming nakatitig sa isa't isa o ako lang. Nahilig na siya sa pisara at nakahalukipkip habang nakaharap lang sa akin, parang tinititigan ako. My lips parted. To ease the awkward silence, I strained a chuckle and cleared my throat. Tinango ko ang ulo at paturo-turo pa sa pisara. "That's a nice name. Should I name my daughter after her?" tawa kong muli ngunit hindi rin iyon nagtagal dahil biglang umiba ang ihip ng hangin. Pagak akong tumawa at tumigil sa kalokohan. I apologized to the so-called Phantom. Baka pa nainsulto sa sinabi ko kaya nagseryoso na rin ako. "Minerva..." My voice almost echoed in every corner of the room. He nodded lightly. "Goddess of Wisdom. Just like the Goddess of Wisdom and War, Athena." His voice was still throaty but it didn't reduce its effect on me. Kinagat ko ang labi at marahang tumango. "Don't you think... Minerva and my name... m-make a good combination?" tikhim ko. Klavier craned his neck mysteriously with his cap, shades, and mask. But above all, he still looked attractive and very appealing. Maybe the body? Or the... arms? "What's your name, Athena?" he asked huskily. Napatutop ulit ako ng labi para pigilan ang pagtikhim. Bahagya kong niyuko ang ulo at pinaglaruan ang sariling kamay. "M-Michaela..." I almost whispered. "Hmmm." Napakurap-kurap ako at agad inangat ang ulo. "H-How about Minervela? You know..." I laughed awkwardly. "Minerva plus Michaela?" Marahan siyang tumango nang isang beses, ganoon pa rin ang puwesto. "That's perfect." Napanguso ako sa paraan niya ng pagsabi noon. Muli kong tinango ang ulo. Ngumiti ako sa kanya. I sighed in relief. "Minervela, it is." Even if the wind blew up, I think I finally got my stage name. April 26, 2020 — c u t — After this chapter, what's your ship? #EzrEla #RaveEla #KlaviEla Or still solid #EmmEla aka #Shortie? ❤️ - Writer Ann xx
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD