Chapter 22
Sana
"Ang galing niyo po!"
"Congrats, bro!"
"Perfect couple, a? Pwede na. 'Wag lang pakantahin!"
"Pa-picture po, Ate Mich!"
Pilit akong ngumiti sa lahat ng mga bumabati, tahimik lang habang nasa tabi ni Rave na inaalalayan ako sa mga tao.
"This way, Rave, Michaela."
Tumango ako at umiwas ng tingin sa Vice President ng SOLMA na si Remy. Hindi man siya madalas nakakasama noon sa mga lunch break, nakasalamuha ko na rin siya sa iilang get together ng Kaharayan kaya ramdam na ramdam ko ang hiya.
Aware ako na hindi ko dapat iyon nararamdaman dahil una sa lahat, alam kong malinis ang konsensiya ko at wala akong kasalanan. Pero dahil alam kong nadungisan na ang reputasyon ko sa mga kaibigan nila, hindi ko pa rin maiwasang hindi mailang.
"Still mad?" Rave asked while we're walking.
Hindi ako sumagot. Nakatingin lang nang diretso sa nilalakaran.
Papunta kami ngayon sa executive building. Nakagawian na tuwing may monthly kickoff ay pinaparangalan daw ng President.
Not totally with crowns and medals, mayroon lang token of recognition na ibibigay, 'yun ang sabi-sabi.
Meron na kaming nakuhang sash at tropeyo na parehong dala ni Rave ngayon dahil kanina pa ako balisa. Hindi ko man lang mahawakan iyon nang maayos kaya nagpresinta na siyang magdala noon pareho.
"That's just a kiss for Pete's sake!" mukhang pikon nang pagrarason ni Rave Jackson.
Napalingon sa amin ang ilang entourage pati na rin ang Vice President ng SOLMA. Ako pa ang nahiya para sa ginawa ni Rave dahil parang wala lang iyon sa kanya, nakatingin lang sa akin, halos unahan na ako sa paglalakad para matapunan ko ng tingin.
I rolled my eyes at him when our escorts continued walking. "Pinapalala mo lang ang lahat, Jackson. Bawiin mo na ang pagpapakalat mong girlfriend mo ako!"
He guarded a scowl on his face. "Wala akong pinapakalat na ganyan, Maddison."
"But you're not denying it as well! You're letting them think of worldly things about us!"
"Hindi mo rin naman dineny, ha? Anong pinagkaiba kung tinatawanan ko lang iyon sa pananahimik mo?"
Umawang ang mga labi ko. "I denied! Pero ikaw sa mga kaibigan mo, hindi mo manlang tinanggi!"
He laughed without humor. "You denied? When?"
Hindi siya naniniwala. Napatiim ako ng labi.
"Kay Klavier!"
Kumunot ang noo niya. "So you're talking to that guy?"
"So?"
"Until now?"
Napairap na naman ako. "Malamang!"
"No, I mean." He licked his lips and smirked unbelievingly. Napailing siya. "Nevermind."
Nilagpasan na niya ako at nauna nang maglakad. Halos malaglag naman ang panga ko habang pinagmamasdan ang likod niyang palayo nang palayo sa akin.
I checked the time and it's already past three o'clock in the afternoon. Kahit malayo ay tinanaw ko ang gusali kung saan naroroon ang Room of Phantom.
I sighed before following them. What are the odds that Klavier would wait to see me there? At bakit naman niya ako hihintayin? Why would he want my explanation in the first place?
Bumalot na naman ang sama ng loob na nadama ko kanina nang tumalikod siya. Pakiramdam ko kasi, kailangan kong magpaliwanag at sabihing mali ang iniisip niya. Na hindi ako nagsisinungaling.
I grunted. Kaya bakit nga, Mich?! At mukhang atat na atat ka nang umalis?
Pagkarating namin sa tapat ng Office of the President, sinenyasan kami ni Remy na ngumiti sa pamamagitan ng pagtapik niya sa dulo ng kanyang labi bago pihitin ang seradura.
Katabi ko si Rave. Hindi ko pa rin pinapansin pero mukha namang wala na balak mangulit. Humakbang na kami papasok sa silid at agad kaming sinalubong ng malamig na paligid.
Malaki ang opisina at karamihan ng makikita sa paligid ay kulay asul, abo, at ginto. The wide room reflects the whole accent of Damgeen. The interior design is contemporary as well as its furnitures and fixtures.
Bago pa ang mismong kuwarto doon ng President, mayroon munang dadaanang partition. Sa harapan naman noon ay may waiting area pa kung saan may couch, coffee table, bookshelves, trophies and plaques, at miniatures ng iba-ibang instrumento.
"Come in," alok ng sekretarya sa amin.
Tumango si Remy at tinignan kami bago siya yumuko sa entrada ng partition bilang paggalang. Ganoon din ang ginawa namin ni Rave at sumunod na sa kanya.
"Good afternoon, President Madrigal," Remy greeted politely.
Hindi ko alam kung kailangan din ba naming gawin iyon ngunit sa huli, yumuko na rin ako nang saglit bago pasadahan ang paligid.
Behind the executive table is the one and only President Damara Ginette Madrigal in her elegant yet formal dress outfit.
However, I noticed that she's not alone inside. Sa isang swivel chair na nasa likod din ng kanyang desk ay naroon si Bria na nakayuko sa desk habang abala sa kung anong sinusulat.
My eyes widened, still not used to seeing her as one of the daughters of the almighty Madrigals.
Come to think of it, I didn't see her a while ago at the program. Sa bagay, kung may ate ka nga namang umaalipusta sayo dahil sa taste mo sa music, bakit mo nga naman ipapahamak ang sarili sa pamamagitan ng pagdalo sa event na sila pa ang pangunahin?
"Good afternoon, Remy. So here's the Mr. and Ms. Pop of this year?"
Napakurap-kurap ako nang narinig na ang malamyos na boses ng President. Lumipat sa kanya ang mga mata ko.
This is my first time to see her this close. What an honor to be here. Hindi ko mapigilang hindi mapatitig sa kanya dahil mukhang hindi makabasag-pinggan at sobrang pino ng hitsura, ganoon din ang kilos, bagay na kailanman ay hindi maaasahan sa akin.
"Yes po. Here's Rave Jackson and Michaela Singh," tugon ni Remy.
Humakbang na siya pagilid para ilahad na kami sa kausap.
The President's eyes first drifted towards Rave Jackson. Mukha namang hindi na siya nagulat at inaasahan na ito ang manalo. Ngunit nang bumaling sa akin ang tingin, bahagya siyang natigilan.
Hesitant with the way she looked at me, I still managed to smile at her. However, it took her a couple of seconds to strained a smile in exchange of mine.
"Tita," si Jackson sabay lapit sa kanya upang bumeso.
Mukhang nakabawi na naman ito nang tumugon sa bati ni Rave. Pagkatapos noon, kay Bria naman tumungo ang huli para batiin din.
I witnessed how Bria looked comfortable with him. Bahagya pang ginulo ni Rave ang kanyang buhok at tinuro ako, dahilan para bumakas sa kanyang mukha ang pagkabigla.
"A-Ate Mich?" tikhim ni Bria na ngayon lang ata napansin ang presensiya ko.
I only grinned at her and nodded once. Agaw-pansin pa ang paglingon ni President Madrigal sa anak nang tumayo si Bria para lumapit dito.
"S-She's the one I'm talking about, Mama," Bria said quietly.
Mula sa kanya, muling tinalunton ng mga mata ni President ang aking direksiyon. She seemed more at ease now compared to when she first saw me.
"Your name again, hija?" she asked softly, curving both ends of her lips.
I licked my lips when it felt droughty to speak before clearing my throat.
"I'm Michaela Singh, President Madrigal," sagot ko sabay yuko pa nang kaonti.
She didn't answer. Instead, she held out her hand for a handshake that I gladly obliged to accept eventually.
"What a beautiful lady," she uttered, almost a whisper, before pressing my hand and letting it go. "No wonder you are chosen to be the Ms. Pop. Rave, you look good together with those matching clothes."
Pinilit kong pigilan ang simangot na gustong magpapansin samantalang lumapit na ulit sa tabi ko si Rave.
Pairap kong inalis sa kanya ang mga mata ko nang nagkatinginan kami at humalakhak lang siya nang kaonti.
"Of course, Tita. I just hope those remarks of yours wouldn't reach your eldest," Rave simpered meaningfully. "You know her."
Mahinhin na tumawa ang President sa biro ni Rave Jackson na hindi ko inaasahan. It was Bridgette they're talking about but the madame seemed to take it lightly.
Sa kabilang banda, nagpaalam na si Remy na maghihintay na lang sa labas kaya pinahintulutan naman iyon ni President.
The latter glanced at me again with her gentle eyes. I smiled at her with the strange aura I was feeling before she turned around to go to her cabinet.
Bumalik na si Bria sa kanyang pwesto. Nahihiya pa niya akong nginitian bago ibaba ang tingin sa ginagawa niya kanina.
"Take a seat, young people," the President offered while still rummaging on her cabinet.
Napagtanto kong ako na lang pala ang hindi nakaupo sa amin dahil si Rave Jackson ay nasa isang couch na, tinatanggal ang flannel habang nakapatong sa coffee table ang sash at trophies namin.
Gayunpaman, napaismid ako nang nahuli siyang ginagawa iyon habang matamang nakatingin sa akin.
Sa huli, sa kabilang single couch ako umupo katapat niya kahit pa bakante naman ang long couch na inuupuan ng kumag.
Mukhang tapos na ang President sa hinahanap niya. Dumaan siya sa kanyang executive table para pumanhik sa amin.
Nakita kong may dala-dala na siyang isang flat jewelry box sa pinagsamang blue and gold na kulay. Umupo siya sa gitnang couch at nilapag iyon sa coffee table.
"Congratulations, Rave and Michaela," sulyap niya sa amin sa kalagitnaan ng pagbubukas ng jewelry box bago muling ibaba roon ang tingin. "Actually it should be earlier than this but I apologize for the delay and you have to wait for almost an hour. I have... important matters to do a while ago."
Walang nagsalita sa amin ni Rave habang pinapanuod lang namin siyang may kinukuha na roon. Maingat ang pagkakaangat niya ng kanyang kamay.
This time, she directly looked at me. No, more like, she stared at me like I was some kind of apparition that came true in front of her.
"This is a prized possession in Damgeen. An exclusive and limited badge that symbolizes your exemplary talent, participation, and courage to be our Mr. and Ms. Pop of the year."
I gazed at the gold ornament on her hand. It's a little microphone symbolizing pop music.
Curious, I shifted my eyes to peek at the others and gasped when I witnessed a little saxophone on the jewelry box, probably symbolizing jazz. My eyes twinkled subtly.
Nilahad ko ang kamay ko nang iangat na ni President ang kanyang hawak sa akin. Matamis na ngiti ang pinakawalan nito nang nakitang pinag-aaralan ko ang anyo noon.
"That's an accompaniment for your plarameter. You can insert it to the strap so you can wear it along the plarameter... Rave, show it to her, hijo..."
Tumango ang lalaki at tinanggap na rin ang sa kanya. Tinanggal niya ang plarameter sa kanyang palapulsuhan at tulad ng sabi ni President, nasusuot nga iyon sa steel strap ng plarameter na pwede rin sa ibang material na meron ito.
Ginaya ko rin iyon at pagkabalik ko ulit sa aking palapulsuhan, umilaw ang screen at sumulpot ang animation. An digitalized image of "60" popped up and my lips parted in surprise.
"You deserve that."
Umangat ang tingin ko sa President na mukhang kanina pa ako pinagmamasdan.
"I heard what happened. On behalf of the entire Damgeen community, I am deeply sorry for your terrible experience you suffered, hija... My husband made a disciplinary action regarding this bullying issue and I hope it worked fine after that."
Tumango ako at pinuwersang iangat ang magkabilang-dulo ng labi.
"Sure..."
Hindi ko naiwasang makaramdam ng pait ngayong na-brought up na naman ang isyu na iyon.
Totoo nga na pagkatapos ng ginawa ni Maestro Madrigal sa mga estudyante na involve sa insidenteng ikinawala ng malay ko, kapansin-pansin ang pagbabago ng pakikitungo sa akin ng mga tao. Though, verbal abuse and tirades are still present, but I can bear with it I guess.
"Please always take care of yourselves."
Iyon ang huling bilin ni President Madrigal. Laking gulat ko pa nang nagpalitan na ng paalam at bigla niya akong hinagkan. It lasted for almost a minute when President Madrigal finally pulled away from the hug.
I quickly turned to Rave Jackson, finding a answers about what just happened, only to caught him shrugging.
Pagkalabas namin sa opisina, hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Rave o kung may iba pang ipapaalam sa amin si Remy. Tumakbo na ako paalis sa gusali at nagtungo sa dulong bahagi ng quadrangle.
I was panting so hard when I turned the haunted room's doorknob. Binalingan ko muna ang paligid kung may iba pang tao sa hallway bago tuluyang pumasok.
I exhaled hastily when I saw a silhouette of a man in front of the window, furtively looking out the window with hands inside his pocket.
Sa kabila ng mabibigat na paghinga, gumaan ang pakiramdam ko nang hindi ako nabigong makita siya rito.
I was right. He's here and waiting. Although it could not be possibly his main reason for staying here right now but at least I could explain myself to him.
"Klavier..."
Tipid niyang pinihit ang ulo para sulyapan ako mula sa kanyang balikat at binalik lang ulit sa tanawin ang atensiyon.
"You're here," he just plainly said, as if showing he acknowledged my presence just now.
I walked towards him and was contented just by looking at him in a distance.
I licked my lips to prepare myself on initiating the conversation because he only seemed to stay still, no plans on entertaining me voluntarily like what he did earlier this morning.
"I-It's good to see that you decided to... go outside and socialize," yuko ko sabay ugoy sa sariling katawan sa kinatatayuan. "Pero syempre, uhm... dapat mag-ingat pa rin kasi masyadong mabilis ang chismis dito sa Damgeen, e. Based on experience," pagak na tawa ko.
He didn't react. Not even a flinch.
Napanguso ako. "Lalo pa at mukhang sikat ka sa girls dito kahit... may takip ang mukha mo. They find you mysteriously cool. And hot at the same time."
I tried to joke but to no avail. Hindi pa rin siya nagsasalita habang nakatanaw lang sa labas ng bintana.
I exhaled. Ano ba naman ito! Para akong nakikipag-usap sa multo! Buti pa nga ang multo nagpaparamdam samantalang siya, hay naku!
Sige na nga. Lalong tumubo ang nguso ko.
"Honestly, I'm glad to... find you here," I stammered.
Pansin kong napapadalas ang pautal-utal kong salita tuwing siya ang kausap, bagay na hindi naman normal para sa akin. I was always outspoken and full of banters. But with him, it was as if there's always a cat cutting off my tongue.
I sighed and pinched my own arm. "Because I had this feeling that... I should explain myself."
I heard him chuckle with just a fraction of humor. He sounded amuse with my statement, as if I said something silly.
"Explain what," he said in a throaty and low baritone voice.
I gaped to hear the baritone. Para kasing nakatatak na sa pandinig ko ang guwapo niyang boses noong nag-tenor siya.
He sounded like a classical type of musician. But hearing his deep and manly voice, scratch the croaking part of it, I don't know now what's more impressive and pleasant for me.
Para bang... napakapamilyar noon sa pakiramdam. The feeling of desire to listen to that voice all day long as if it's a lullaby you just can't get enough.
Nakaramdam ako ng kirot sa puso nang naalala na naman ang pangungulila sa isang taong may ganoon ding banayad na boses. Ganoon din. But there's a restrained difference.
"Y-You look mad and pissed off when... t-that thing happened on stage. Believe me, I didn't expect-"
"What does it have to concern me?"
Napatikom ako ng bibig nang biglang nahiya sa kanyang sinabi. Oo nga naman. Bakit nga ba ako nagpapaliwanag?
Kinagat ko ang labi at napayuko.
"Sorry..." hingi ko ng paumanhin na tila tinangay ng hangin patungo sa kanya.
Silence dominated the room when later on, he turned his body to finally face me. I traced my eyes all the way to his eyes so when our line of vision intersected, shame immediately crawled up to embrace me.
"Hmmm. It's fine to admit he's your boyfriend. I can just forget that you lied," he said rigorously.
Somehow, his words pained me. Ganito pala ang pakiramdam na puno ng pagdududa sayo ang mga tao. Parang ngayon ko lang nadama nang tuluyan kahit puno na ng panunuligsa ang natamo ko sa lugar na ito. Ngayon lang, na siya na mismo ang nangangamba sa akin.
I returned his gaze firmly and shook my head.
"He's not. Nagulat din ako na bigla niya iyong ginawa," rason ko.
Tumagal nang ilang sandali bago siya nakatugon. He c****d his head, as if pondering something about me.
"Are you always this defensive to someone you just met, Michaela," kritikal at bahagyang may pagdududang tanong niya.
Namilog ang mga mata ko. I was torn between telling him the truth and denying it.
Telling him that I wasn't! For some reason, I was like this only with him for someone I just scarcely knew.
But why? What if he questioned that? What's my intention for explaining and defending myself right now? Should I just say he's not really unique like what he's thinking? That he's not the only stranger I explained myself into before?
"N-No," iwas ko ng tingin sa kahihiyan.
Hindi naglaon, naisip kong maging tapat na lang. Another lie won't solve the first one you're trying to defend. It will just fuel up the situation.
"Good."
My forehead creased when I rose.
"Huh?"
Iniling niya ang ulo nang marahan at bumuntong-hininga.
"Don't trust just anyone you recently met." Bahagya siyang huminto sa pagsasalita bago muling dinirekta sa akin ang tingin. "Be wise choosing friends, Michaela."
Napayuko ako nang naalala ang Kaharayan, lalo na si Dante.
Noong una, sigurado naman ako sa huli. Never niya akong binigyan ng pakiramdam ng pagdududa. Napakapuro niyang tao at maliwanag iyon sa lahat ng pinakita niya sa akin.
To be honest, he only failed me once which happened to be this one. Kung ikukumpara sa gulong hatid ko sa kanila bilang ganti sa pagtanggap nila sa akin bilang kasapi ng kanilang grupo, kanina ko lang din natanto na kulang pa ang gusot na nangyayari sa amin ngayon sa kabutihang ipinamalas sa akin ni Dante noon. I wouldn't realize it if it wasn't for Klavier's striking words.
"I'll keep that in mind, too..." I uttered unconsciously.
Hindi na siya sumagot pa. Bumalik na lang ulit siya sa puwesto niya kanina kaya sumimangot ako.
"Pero uh... hindi ka pa rin naniniwala sa akin? Believe me. He's not really my boyfriend!" giit ko pa.
I heard him chuckled hoarsely. Without looking at me, he nodded lightly in response.
"I don't get why we're talking about this but..." Namamaos ulit siyang tumawa saglit. "Alright. That boy is not your friend."
I frowned more and grunted.
"Boyfriend!" I corrected.
He scoffed and peeked at me over his shoulder. Behind his aviators, I saw how his brow shot up.
"Boyfriend," masunurin niyang pagtatama sa kasalanan niya na ikinaumbok lang ng nguso ko kalaunan.
My day went off smoothly because of that lowkey interaction with the mysterious music artist, Klavier.
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubusang maisip na siya ang pinaghahanap ngayon ng awtoridad. Paminsan-minsan tuloy akong kinakabahan para sa kanya pero mas nangingibabaw ang kuryosidad na namumutawi sa akin.
What is it that he has to run away and escape? Is the emergency he's talking about that urgent and extreme?
Sacrificing something that risky and big means something. One must have the sufficient courage and reason to take on the challenge because that is a life-changing decision.
Naging baon ko rin ang mga pangaral sa akin ni Klavier na subukang i-set aside muna ang pride para kumpunihin ang nasisirang pagkakaibigan. Kaya naman, nang Biyernes at break time kinabukasan, I texted Dante.
Me:
If you truly considered me your friend, meet me at the open field. Let's talk please, because I do.
I was already sitting under the oak tree's shadow when I sighted Dante.
He's alone and his expression looked brand new to me. It's very cold and stoic. Wala pa man ay kumikirot na agad ang puso ko.
I suddenly wondered. How could such awful feeling affect someone so pure to turn out this stone cold?
Bahagya akong natawa sa sarili. Ano nga bang karapatan kong kumuwestiyon no'n kung ako mismo, nagdaan din sa prosesong iyon?
"What is it?" diretsahang tanong ni Dante pagkatigil sa harapan ko.
I bitterly carried myself up from the ground and shook some dirt on my pants.
Agad-agad? Hindi pa ako nakakatayo pero parang gusto na niyang umalis. This is so not him. This is not the Dante I used to know. Is he abducted by aliens? Can somebody please save him and bring him back?
Bumuntong-hininga ako at pagod na pagod siyang hinarap.
"How are you?" I smiled faintly, trying to lighten up the mood first.
His jaw clenched when he looked away. He still looked scornful though. But I know it affected him.
"Let's just get straight to the point, Singh. Marami pa akong gagawin," he said coldly.
Singh.
Para akong sinabuyan ng malamig na tubig sa paraan ng pagtawag at pagkausap niya sa akin. Yumuko ako. Naramdaman ko na ang unti-unting pamumuo ng luha sa aking mga mata.
Emotional f*****g distress. What now?
Suminghap ako at tumingala para paatrasin ang mga luha. Mayamaya, binalik ko ulit sa kanya ang aking tingin nang nakapaskil pa rin ang inaamag na ngiti.
"What happened, Dante?" Napalunok ako nang nangining ang lalamunan. "S-Sabihan niyo naman ako kung may nagawa ako, o. Kasi... hindi ko alam, e."
He smirked sarcastically. "Hindi mo alam? O hanggang ngayon determinado ka pa ring magpanggap?"
I blinked repeatedly in confusion. "A-Anong magpanggap?"
Kung nagpipigil pa siya kanina, tila nabali na ata ang tingting ng pasensiya niya.
Dante's veins protruded when he gritted his teeth tightly. Ganoon din ang nangyari sa kanyang braso nang ikuyom niya ang parehong kamao. At kung hindi lang ako babae, baka kanina pa ako baldado sa sobrang pagpupuyos niya sa galit.
"You're under the wing of Madrigal."
That's obviously not a question but a declaration. When he lowered his gaze down to my plarameter, I followed it, too.
He's looking at the accessory of my plarameter, particularly at the badge President Madrigal gave us.
Nilagay ko sa likod ang kamay ko para maalis doon ang atensiyon niya. Hindi ako makapaniwalang umiling.
"If this is about the accessory, I received it in exchange of winning the Ms. Pop title. Other than that, I have nothing to do with them, Dante," mariin kong sambit.
"That's what I wanted to believe, too." Nanatili pa ring nakababa ang tingin niya, ayaw na akong tignan. "Not until it's confirmed you're in a relationship with that bastard Jackson."
Napapikit ako nang mariin at napamasahe sa balingusan.
"He's not. This is all just a misunderstanding!" desperada kong depensa.
"Stop putting up this show. Aren't you tired pretending?"
Nanlaki ang mga mata ko sa paratang na iyon.
"I'm tired! Yes! But I'm tired with all these bullshits that keep on coming to my life! Hindi ko na alam ang nangyayari. Gulong-gulo na ako!"
Dante swallowed real hard and finally faced me again. Halos ginawin ako sa klase ng tingin na iginawad niya sa akin. Those cold eyes were foreign to me given that it's Dante who's giving me that look.
For a second, I witnessed a slit of hurt in his eyes. And for that moment, my hope surged up, only to hear his last words to me.
"Hindi ko na rin alam, Michaela... I'm sorry, but maybe it's time for me to listen to my friends. Because the last time I didn't listen, people suffered... and I almost lost them."
Kinagat ko ang labi at napayuko. Tinawa ko ang sakit na nararamdaman at tumango-tango.
Pakiramdam ko tuloy, nabalewala lang ang lahat ng inipon kong lakas ng loob para ayusin pa ito. Para bang nabalewala rin ang unti-unti kong pagkatuto na tanggapin sila bilang kaibigan.
"A-Ang daya niyo naman..." I swallowed the lump on my throat and chuckled. "Kung kailan handa na ulit akong tumanggap ng bagong kaibigan sa buhay ko, kung kailan handa na sana ulit akong mag-commit... s-saka niyo ako tinalikuran."
"Micha-"
"Just... Just let me... y-you know, let these out. And after this talk, we can just... act as strangers," I cut him off reassuringly.
Akmang hahakbang siya nang isang beses papalapit ngunit nagawa niyang kontrolin ang sarili. Sa huli, bumuga na lang si Dante ng malalim na hininga bago tumango.
I licked my lips and smiled.
"K-Kung ano man ang nangyari dati, hindi ako magsasawang ulitin na wala akong alam doon. But it looks like you already judged me, so I have nothing to do with that. Believe whatever as you please. Wala akong dapat patunayan, Dante. Kasi... a-ang ginawa ko lang naman buong buhay ko ay sumulpot sa mundo. Na kaliwa't kanan ang problemang hindi ko naman ginusto pero pinagbabayaran ko! Kung bakit ang dali-dali kong mahusgahan at iwan ng mga tao ay hindi ko alam! Ang alam ko lang... a-ang alam ko lang..."
Suminghap ako nang tumulo na ang mga luha at kumawala ang hikbi sa akin.
Dante remained silent while listening to my laments. I chuckled humorlessly and wiped away my f*****g tears.
"A-Ang alam ko lang ay matakot at magtanim ng sama ng loob... Tapos matakot ulit tuwing susubukan ko nang maging matapang. Pero kahit anong gawin ko, sa huli, ako pa rin ang talo. Kasi iniwan na ako ng lahat!"
I cupped my face and harshly wiped away my tears until the last drop before looking at Dante painfully.
Kinalma ko ang sarili. Huminga ako nang malalim bago pa man ako maubusan ng lakas na tapusin ito.
"But maybe... y-you're just scared, too. Iisipin ko na lang na... wala namang may kasalanan. Dahil pareho lang tayong may takot na nakaukit na sa pagkatao natin."
Dante lowered his head and pressed his nose problematically. Humakbang na ako nang isang beses para umalis.
I closed my eyes when the wind blew. I inhaled the calming air, hoping that somehow, it could calm me, too.
"Pero dahil sa nangyaring ito, Dante. Hinihiling ko na sana... hindi na lang ako 'yung nakatabi mo noon sa upuan. Sana hindi na lang Dante ang pinakilala mo sa akin. Sana kahit Duran na lang. Kung siguro mas napaaga pa ang dating ko sa auditorium, o medyo mas na-late pa ako, edi sana-"
"Sana hindi mo na lang ako nakilala?" kompronta na niya sa akin.
Umiling ako at sa huling pagkakataon ay ngumiti sa kanya.
"Edi sana hindi ko hiniling na maging kaibigan ka..."
Pinagmasdan ko siya, bagay na posibleng ngayon ko na lang magagawa dahil huli na ito.
At pagkatapos ng enkuwentrong ito, wala nang Michaela sa Kaharayan, wala nang Kaharayan kay Michaela, at wala nang Ding at Darna.
Umiwas na ako ng tingin at hinayaang liparin ng hangin ang mga salita. Humanda na ako sa pag-alis. Akmang lalagpasan ko na si Dante nang muli siyang nagsalita.
"Michaela..."
He sounded like it's a pain to say my name. It felt the same, too. However, I waited for his words to come, swearing that no matter what he say, I will not respond anymore.
"I'm sorry..." he said quietly like a whisper. "But I won't regret that I found a kid looking so amazed at the obelisk, followed her all the way to auditorium... sitting next to her."
I was caught off guard to realize what he just said. Muntik nang lumambot ang binuo kong bakuran sa palibot ng puso.
But before I could even snap, without anymore words, I finally made a step and walked away. Away from Dante. Away from Kaharayan... because it just couldn't be valid.
I ran as fast as I could while hopelessly wiping off my tears.
I'm sorry, Klavier. But I guess, my first attempt on fixing a broken friendship was pointless...
May 1, 2020