“ATE, COMING NA po. Naipit lang po ako sa traffic,” pagsisinungaling ko.
“Hey, Tati Lor! Bawal po mag—”
Hindi ko hinayaan na matapos ni Harry ang sasabihin niya at baka mahuli ako ni Ate Thalia na nagsisinungaling. Magkikita kaming dalawa ni Ate Thalia sa isang restaurant at nahuli na ako sa usapan namin dahil nagpapaganda pa ako. Kasama ko ito kaya dapat pumantay man lang ang ganda ko rito. Kapag titingnan kaming dalawa ng mga tao, hindi pwedeng walang titingin din sa akin.
Sabado ngayon kaya may oras na ako para gumala. It was not my idea, si Ate Thalia ang nag-aya sa akin. Dahil isang mabait ako na kaibigan ako para sa kanya, I did my part.
“Iyong inaanak ko ba iyon? Sa tingin ko ay nagsisinungaling ka sa akin. Nasa bahay ninyo pa ikaw, tama ba?” sabi ni Ate Thalia.
Binitawan ko na ang bibig ni Harry at napakamot na lang ako sa ulo. Dahil sa bibig ng pamangkin ko, nahuli tuloy ako.
“Tati Lor, bad nga mag-lie!” singhal ni Harry. Nagkasalubong pa ang mga kilay nito.
Napatawa si Ate Thalia. “Iyan tuloy, pinangaralan ka na ng inaanak ko.”
Ate Thalia na ang tawag ko sa kanya. Ihiniling niya iyon sa akin. Sa sobrang galing kong magpanggap, nakuha ko agad ang loob niya. Sa pagakakataong iyon, mas nakilala ko pa kung sino talaga siya. Maliwanag na sa akin kung bakit gusto siya ng lalaking mahal ko. Napakabuti lang niya na tao. Mas lalo lang akong kinain ng insecurities ko.
“Ate, please bear with me. Kaya mo pa ba akong hintayin?” tanong ko.
“Of course. Nandito na kaya ako. Kung ako sa iyo, ibaba mo na iyang tawag at halika na rito.”
“Sorry talaga, Ate,” nakairap na sabi ko.
“Ikaw talaga. Ano pa ang hinihintay mo? Halika na.”
“Oo na. Thank you.”
Pagbaba ko ng tawag, agad kong kinurot ang tenga ng pamangkin ko. Kahit saan talaga dalhin ito, ang ingay ng bibig.
“Tati Lor, ang bad ninyo po!” singhal ni Harry.
“Isinumbong mo kasi ako kay Ninang Thalia mo!” sabi ko.
“Who is that?” tanong ni Harry.
“Basta Ninang mo! Hindi mo siya kilala kasi busy sa life,” sabi ko.
“Okay po, Tati Lor,” sagot niya sabay titig sa akin.
“W-What? A-Anong meron?” nagtataka kong tanong.
“You are so gorgeous po, Tati Lor,” sagot ni Harry.
Hindi ko mapigilan na mapangiti sa sinabi ni Harry. Bata kaya iyon and knowing kids can’t fake their appreciations. It does me, na ang ganda ko talaga.
“Oh, thanks, My Harry! At dahil sa sinabi mo, dadalhan ka ng pasalubong ni Tati Lor pag-uwi,” sabi ko.
“Yes!” sigaw ni Harry sabay yakap sa akin.
“Tara na sa labas at doon ka na muna sa Mommy Gwen mo,” sabi ko.
Pagdating namin sa sala, nagpaalam muna ako kina Ate Gwen at Harry. Mabuti hindi umiyak ang pamangkin ko. Sa sobrang mahal ako ng pamangkin ko, kahit pag-alis ko ay iniiyakan ako.
Tinawag ko na ang driver namin at mabuti na lang ay nakapaghanda ito. Paglabas ko ng bahay, napabuntonghininga na lang ako. Ayaw ko naman talaga umalis para buong araw makipaglaro sa pamangkin ko pero itong si Ate Thalia, ang daming drama sa buhay. Ako naman na mabuting kaibigan, nagpaka-good listener.
Minuto ang lumipas, dumating na ako sa pinag-usapan naming restaurant. Pagpasok ko, agad kong iginiya ang tingin sa paligid. Hinahanap ko lang kung saan siya nakaupo.
When I saw her, napataas na agad ang kilay ko. Ang ganda lang niya talaga. Kahit ang effort kung magpakaganda, hindi ko siya kaya lamangan. She is a goddess of beauty.
Paglingon niya sa akin, agad akong napangiti. Mabuti na lang ay agad kong napansin na papalingon siya rito sa kinatatayuan ko. Kinawayan ko na si Ate Thalia habang unti-unting lumapit sa kanya.
Pagdating ko sa kung saan siya nakaupo, agad akong umupo sa tabi niya. Hindi ko naman mapigilan na humingi ng patawad dahil nahuli ako sa usapan naming dalawa. Imbes na sagutin niya ang paghingi ko ng pasensiya ay tumawa lang siya.
“Ate, sorry talaga,” sabi ko.
“Ano ba, Lori. Okay lang talaga,” sagot niya.
“Mag-order na muna tayo.”
“Sige.”
Nagtawag na kami ng waiter ni Ats Thalia. Nang may dumating, nag-order na ako ng marami. Sinadya ko iyon para mainis siya sa akin pero natatawa lang siya sa ginawa ko. Paano ko pa galitin ang babaeng ito? Ang bait lang talaga!
Habang hinihintay ang order namin, nag-uusap lang muna kami ni Ate Thalia. Mas pinalakas ko pa sa kanya si Kuya Kenzo. Para kung dumating ang araw na sisirain ko na ito, maniniwala talaga si Ate Thalia sa akin. Hindi niya iisipin na naninira lang ako.
“Ate, ano sa feeling kapag nasa tabi mo si Kuya Kenzo?” nakangiti kong tanong. Nagpipigil na ako kunwari sa kilig.
“Alam mo iyong feeling na tinatawag nilang may butterflies na lumilipad sa tiyan? Ganoon,” sagot niya. Corny!
Napabuntonghininga ako. “Paano ka kaya iyon malalaman? Ni hindi pa ako kinilig, Ate.”
Napatawa si Ate Thalia. “Kaloka ka. Pero akala ko talaga ay may kayo ni Wyatt?”
Napailing ako. “Ate, kahit pamilya pa niya ang may ari ng pinakasikat na mall dito sa Pilipinas wala akong pakialam.”
“Ano pala type mo sa lalaki?”
Napangiti ako. “Someone like Kuya Kenzo. Pero iyong kaedad ko lang.”
“Kaya pala mabilis na nagkaintindihan. Iisa lang pala ang gusto natin sa lalaki.”
“Oo. Gusto ko iyong mysterious type at parang laging galit.”
“Iyan talaga tayong mga babae. Tapos kung galit nga sila, galit din tayo.”
Napatawa ako. “I can’t relate.”
“Bata ka pa. Focus ka na lang muna sa sarili at sa pag-aaral mo. Iyong mga lalaki? nandiyan lang iyan sila.”
“Oo naman. Natatakot din ako na mabuntis, Ate.”
“Pwede naman kasi hindi mabuntis. After marriage na,” sabi ni Ate Thalia.
“Hindi ko iyan naisip, Ate.”
“Though it’s your body, nasa iyo pa rin ang desisyon. Basta ako na Ate mo, iyon lang ang maipapayo ko. At eighteen, safe pa rin ang v-card ko.”
“Talaga? Paano mo nakayanan iyon, Ate? Isa kang model? Ang daming gwapo sa paligid mo? Naka-undies lang kayo madalas sa photoshoot? Wala bang temptation diyan?”
“Hindi mag-i-exist ang temptation kung meron kang disiplina sa sarili, Lori.”
Disiplina? Wala ako niyon. Kaya pala ang aggressive ko pagdating kay Kuya Kenzo. Ginawa ko na ang lahat. Wala na akong tinira sa sarili ko. Kaya nga natawag niya akong malaswa, classless, at cheap.
“Ganoon pala. Sana matulad ang fate ko sa iyo, Ate.”
“Tayo ang may hawak ng kapalaran natin, Lor. The best way to achieve it, always listen,” aniya. Hinawakan niya ang dibdib niya. “Dito. Pakinggan mo lagi ito when you make a decision. It’s a bug help though.”
“Thank you, Ate. Ikaw? Kumusta ka na? Panay post ka na ng family pictures ninyo. Masaya ka ba roon?”
“Oo. Alam mo, Lori, masaya naman talaga kami. Ako lang itong uncontented sa mga achievements ko. I always want more. Iyong tipo na makita ko sa mga mata ng parents ko na proud talaga sila sa akin? Nandiyan naman sila lagi pero parang hindi ko maramdaman? Hindi ko silala sinisisi kung bakit ganito ako, kasi ako lang ito. Ako lang ang nanakit sa sarili ko.”
“Overthinker ka lang siguro, Ate. Hindi lang siguro expressive ang parents mo. Pero in a way na nandiyan sila sa mga special events mo, it means a lot, ’no? Tapos busy pa sila niyan, ha?”
Napangiti ako. Masaya lang ako sa sinabi ko. Aminado ako na pagdating sa usapin na pamilya, hindi ko kayang dayain itong nararamdaman ko. Ayaw ko lang may mga taong nasasaktan dahil sa pamilya. As I grow up with a supportive family, hindi ko maitatanggi na ang sarap mabuhay. It adds more color in my life. I have and peace of mind.
“Kaya nga may monthly therapy ako para alam mo na, mapanatag na itong puso ko pagdating sa pamilya ko.”
“Good iyan, Ate.”
Ano kaya ang mangyayari kay Ate Thalia kung maagaw ko na si Kuya Kenzo? Hindi naman siguro aabot na kitil*n niya ang buhay niya. Sana ganoon nga para hindi ko dalhin anv konsensiya hanggang sa huling hininga ng buhay ko.
Nang dumating na ang mga pagkain, agad akong umayos ng upo. Magpapasalamat na sana ako sa waiter dahil sa serbisyo na ginawa nito pero nauna na si Ate Thalia. Napataas ang kilay ko nang makita na inabutan niya ito ng tip. Kahit ba naman sa pagiging grateful sa workers ay lamang siya sa akin? Ang unfair na talaga! Ano na!?
Nagsimula na kaming kumain ni Ate Thalia at panay kwento na siya tungkol sa kanilang dalawa ni Kuya Kenzo noong kabataan nila. Ang sabi niya sa akin, mahina daw sa mathematics si Kuya Kenzo noong una. Kaya gagawin daw nito ang lahat para makakopya.
“Alam mo, Lori, isang beses, nahuli siya na kumopya sa akin. Tapos alam mo sino ang zero sa aming dalawa? Ako! Sa araw na iyon, nahiya siya sa ginawa niya kaya nagsimula na siyang magseryoso. Nag-aral talaga siya nang mabuti para hindi makaperwisyo ng iba,” sabi ni Ate Thalia.
“L-Lia?” pagsulpot ng isang boses na sobrang pamilyar sa akin.
Nagsitayuan ang mga balahibo ko habang hindi makagalaw sa kinauupuan ko. Hinding-hindi ako na magkakamali na boses iyon ng lalaking mahal ko. Hindi pwedeng mahuli niya na kaibigan ko na ang babaeng mahal niya. At isa pa, nahihiya rin ako na makita siya dahil sa nangyari sa amin noong huling nagkita kami sa bahay. Ano na ang gagawin ko?
Dahan-dahan kong nilingon ang tumawag kay Ate Thalia at hindi nga ako nagkamali sa hinala ko. Ito ay ang lalaking may malaking bayag na mahal ko. . . SI KUYA KENZO!
~~~