NASA UNIVERISTY AKO at kanina pa ako walang gana. Hindi lang mawala sa isipan ko ang huling sinabi sa akin ni Kuya Kenzo. Parang nag-iwan iyon ng mantsa sa puso ko. Kahit ano ang inilagay kong pampatanggal, walang epekto. Alam ko na mali ko ang lahat ng nangyari. Pero ano ang magagawa ko? Gusto ko ang tao kaya nagawa ko ang bagay na iyon. Hindi ko nga lang inaasahan na darating pala sa punto na pagsasabihan niya ako ng mga masasakit na salita.
It’s been two weeks when he said those words to me, but the pain was still the same from that day. Kahit nasasaktan ako, kaya ko pa rin naman mag-participate sa mga pinaggagawa ng teachers sa amin. Sadyang naalala ko lang talaga iyon kapag wala akong ginagawa.
“Lori,” sambit ni Kyella, ang isa sa mga kaibigan ko.
Napalingon ako sa mga kaibigan ko na sina Kyella at Veena na kakarating lang sa room. Galing ang dalawa sa cafeteria at nagpabili lang ako sa kanila ng milktea. Wala kasi talaga akong gana na lumabas. Mabuti na lang ay naiintindihan nila ang drama ko sa buhay.
Inamin ko sa kanila ang pinagdadanan ko at malaking bagay para sa akin ang suporta nila. Ipinaramdam nila sa akin na valid ang nararamdaman ko. What I love about them, hindi nila hinusghan iyong ginawa ko. Maaaring isa sa mga dahilan ay hindi na rin virgin mary ang mga ito. Mga matitino naman kaming tatlo pagdating sa acads pero pagdating sa mga lalaki, mahihina kami. Kami iyong typical na b*tch with a purpose.
Inabot na sa akin ni Veena ang milktea. “Try to explore, Lor. Ang dami pang lalaki sa mundo. Sa campus pa lang, mabubusog ka na.”
Tinanggap ko na ang milktea. “I know. Pero nag-iisa lang ang Kenzo Primo Anderson ko. He is irreplaceable.”
“Pero hindi lahat ng gusto natin, makukuha natin,” paalala ni Kyella.
“It’s too early to give up,” giit ko.
Napabuntonghininga na lang ako sabay sip sa milktea na hawak ko. Gusto ko lang na malamigan ang ulo ko. Ang dami ko ng iniisip at dumagdag pa iyong gusto nilang mangyari. May point naman silang dalawa, na ang dami pang lalaki sa mundo. Pero ako na ang nagsabi, para ako kay Kuya Kenzo.
Napatigil kami sa pag-uusap nang dumating si Ma’am Thalia. Napatingin ako sa kanya at hindi ko mapigilan na taasan ito ng kilay. Kahit pagbaliktarin man ang mundo, isa siya sa dahilan kung bakit hindi ako gusto ng lalaking mahal ko.
Kinalabit ako ni Veena. “L-Lori.”
Napalingon ako sa kaibigan ko at agad na tinaasan ito ng kilay. Alam ko na susuwayin lang niya ako sa ginagawa ko kaya uunahan ko na siya. Walang makakapigil sa akin!
“Ano?” tanong ko.
“Iyong mukha mo, ayusin mo,” sabi ni Veena.
“Kaya nga. Para kang kontrabida riyan,” sabi ni Kyella.
“Anong magagawa ninyo? Hindi ko kayang pigilan ang sarili ko,” sabi ko.
“We understand your feelings. But you are unfair to Ma’am Thalia, hindi niya kasalanan kung gusto siya ni Kenzo,” sabi ni Kyella.
“Sa true lang,” pagsang-ayon ni Veena.
Napabuntonghininga na lang ako at sinubukan na pigilan ang sarili ko. Paglingon ko sa tapat ng board, napatingin sa akin si Ma’am Thalia. Napangiti siya kaya napilitan akong ngitian din siya. Mas mabuti na lang siguro na ganito para wala ng gulo.
Minuto ang lumipas, nagsimula ng magturo si Ma’am Thalia. Tinitigan ko lang siya habang kinukumpara ang sarili ko sa kanya. Ang layo nga naming dalawa. Napakamalumanay pa niya magsalita at ang amo ng mukha niya. Hindi ko rin maitatanggi ang ganda ng hubog ng katawan niya.
Nang tumalikod siya dahil may isinulat sa pisaea, nakita ko ang pagkagat ng labi ng mga iilan sa kaklase kong lalaki. Malakas ang kutob ko na pinagpantasyahan siya ng iilan sa mga kaklase ko.
Ang lapad ng balakang ni Ma’am Thalia at napakaganda niyon tingnan para sa isang babae. Dumagdag pa rito ang matambok niyang pwet at mahabang biyas.
With Ma’am Thalia’s physique, parang sinampal niya sa akin araw-araw kung bakit siya ang mahal ng lalaking mahal ko. Pagharap muli ni Ma’am Thalia, halos pumutok na ang botones niya sa malaking dibdib niya. Hindi ko kayang isipin na sipsipin iyon ng lalaking mahal ko.
Muli akong nagpakawala nang malalim na hininga. Para hindi masira ang buong araw ko, mas pinili ko na lang na magpokus sa tinuturo ni Ma’am Thalia kaysa isipin kung bakit siya ang gusto ni Kuya Kenzo.
Minuto ang lumipas, natapos na ang klase at nagpaalam na si Ma’am Thalia sa amin. Agad akong lumabas at inunahan siya. Balak ko lang makipagkaibigan sa kanya para kunin iyong loob niya.
Nang makalabas na si Ma’am Thalia, agad ko siyang sinalubong. Napakunot ang noo niya sa presensiya ko pero hindi iyon naging hadlang para hindi ko ipagpatuloy ang binabalak ko.
Iniluwa sa pinto ang mga kaibigan ko kaya agad ko silang tinaasan ng kilay. The thing I’m sure of, nag-aalala lang sila sa posibleng gagawin ko sa guro namin.
Napalingon si Ma’am Thalia sa pintuan namin kaya agad nagtago ang mga kaibigan ko. Mga baliw talaga!
“Sino iyon?” tanong ni Ma’am Thalia sa akin.
Napangiti ako. “Mga kaibigan ko po, Ma’am. Nakiki-marites lang siguro sa akin. Baka nagtataka lang kung bakit ako nandito at kinakausap ka.”
Napangiti si Ma’am Thalia. “Bakit nga ba?”
“Ma’am, ganito kasi. ’Wag mong ipagsabi, ha? Kinikilig lang kasi ako sa nalaman ko,” panimula ko.
“K-Kinikilig?” nagtatakang tanong niya sa akin.
Sumandal ako sa haligi at ipinasok ang mga kamay ko sa bulsa ko. “Kilala mo naman ako, ’di ba? Not just your student but as a—”
“Younger sister ka ni Red, na asawa ni Gwen at kaibigan ni Kennot.”
“K-Kennot? F*ck you, Thalia! May iba ka pa talagang tawag sa lalaking mahal ko! Kenzo lang siya at hindi Kennot! Ang arte mo!” sabi ko sa isipan.
Napangiti na ako nang malapad. “Yes po. At madalas po si Kuya Kenzo sa bahay.”
“Ano pala ang meron?” tanong niya.
“Promise me, Ma’am, na hindi mo ipagsasabi sa kahit kanino, kahit kay Ate Gwen pa iyan,” sabi ko.
“Ang ano?” Nagsimula ng kumunot ang noo niya.
“Nalasing kasi si Kuya Kenzo last time at panay sigaw ng pangalan mo. Mahal na mahal ka raw niya,” sabi ko.
Tinitigan ko ang mukha niya at nasaksihan ko ang pamumula niyon. Sa reaksiyon niya, mahal niya rin talaga ang lalaking mahal ko. Pero mabuti na rin na career first muna siya para magawa ko ang gusto ko. Lagot ka sa akin!
“Really?” tanong niya habang nagpipigil na ngumiti.
“Kinikilig ka, Ma’am? Gusto mo rin siguro si Kuya Kenzo, ’no?” sabi ko sabay tawa. B*llshit!
Napahawak si Ma’am Thalia sa dibdib niya. “Kailangan ko bang sagutin ang tanong mo, Lori?”
“No pressure, Ma’am,” nakangiting sagot ko.
“Sige na. Oo na. Mahal na mahal ko si Kenzo,” pag-amin niya.
Napangiti ako nang malapad habang kumukulo ang dugo ko. Mabuti na lang ay kaya kong magpanggap nang ganito kagaling. Kahit nanginginig na ako sa galit, nakayanan kong maging okay sa harapan niya.
“Nililigawan niya ako. Pero hindi ko muna siya sinasagot, though I want to say yes—”
“’Wag!” sabi ko. What the f*ck!
“W-What?” nagtatakang tanong niya.
“I mean ’wag muna, Ma’am. Mas maganda kung susukatin mo muna ang pasensiya niya. Love waits, right? Kung totoo talaga na mahal na mahal ka ni Kuya Kenzo, makapaghihintay siya sa iyo. Though alam kong mahal ka na niya, but as a woman too, we deserve a man na may isang salita.”
Napangiti si Ma’am Thalia. “Subok ko na si Kennot. The reason why kung bakit hindi ko pa siya kayang sagutin is mas may gusto pa akong patunayan sa parents ko.”
“You are a professor, a model, a businesswoman, hindi pa ba iyon enough, Ma’am?” tanong ko.
Nakita ko ang paglungkot ng mga mata niya at para na akong kiniliti ng guardian angel ko. Gusto ko na nga tumawa pero para magawa ko ang plano ko, kailangan kong mas galingan ang pagpapanggap ko.
Hinawakan ko ang kamay ni Ma’am Thalia at pinisil iyon. “Are you okay, Ma’am?”
Napangiti siya. “Yeah.”
“If ever you need someone to talk to, Ma’am, don’t hesitate to call me. I am here to listen.”
“Thank you. Soon, masasabi ko rin iyon sa iyo. Back to Kennot, ano pa ang sinabi niya? Baka inutusan ka lang niya, ha?”
Napailing ako. “Hindi nga kami nag-uusap. Masyadong tahimik. Pero dahil alam kong ikaw iyong Thalia na palagi niyang binabanggit everytime he was drunk, nakikinig ako sa drama niya. Kaya ang masasabi ko, love na love ka niya talaga.”
“Thanks for the info. Masaya lang ako na ako pa rin talaga. Though subok ko na siya, hindi ko pa rin maiwasan na matakot na baka mapagod siya. Lalaki pa rin siya. At alam mo na ang mga lalaking bagot sa buhay. Naghahanap ng pangpalipas oras.”
“Iyan ang hindi magagawa ni Kuya Kenzo. Matino ang Kuya Jared ko kaya sigurado ako na lahat ng mga kaibigan niya ay matitino. Ako na ang nagsabi, Ma’am, para talaga kayo ni Kuya Kenzo sa isa’t isa.”
Napangiti si Ma’am Thalia at ang pula ng mukha niya. “Pasyal ka sa bahay mamaya. Bibisitahin ako ni Kenzo.”
“Nakakahiya po. Time ninyo iyon dalawa kaya sa inyo na iyon. Pero Ma’am, dapat hindi malaman ni Kuya Kenzo na nag-uusap tayo at baka kapag nasa bahay siya, mag-iingat na siya at baka iisipin niya na nagsusumbong ako sa iyo.”
“Tama pala. Ang talino mo talagang bata.”
“Bata? Talaga lang, ha? Kung alam mo lang ang ginawa ko sa lalaking mahal mo baka magsisisi ka na sinabi mo iyan,” sabi ko sa isipan.
“Sige na at papasok pa ako sa kumpanya namin. Bye, Lori! I had a great time with you.”
“Me too, Ma’am. God bless you! Anyway, napakaganda ninyo.”
Napangiti lang siya at agad nagmamadaling umalis. Habang papalayo na siya sa akin, ipinagdasal ko na sana madapa siya. Kahit iyon man lang, dinggin ng Diyos mula sa akin.
“Ihanda mo na ang sarili mo, Ma’am. Alam ko na hindi mo magugustuhan ang magiging katapusan nito,” natatawa na sabi ko sa isipan.
~~~