“K-KENNOT? YOU ARE here,” sabi ni Ate Thalia sabay tayo sa kinauupuan nito.
Napalingon sa akin si Kuya Kenzo. “Ano ang ginagawa mo?”
“Hey! Student-teacher relationship, okay? We are are friends,” sabi ni Ate Thalia. Lumapit ito kay Kuya Kenzo sabay yakap sa tiyan ng lalaking mahal ko. “She pushes me to you. Ang sabi nga niya, sana sugutin na kita. Ikaw na lang daw kasi ang bachelor sa kaibigan ng Kuya niya.”
“A-Ate,” natatawa na sabi ko.
“Totoo naman, ’di ba? Nahuli na tayo. Wala na tayong magagawa,” sabi ni Ate Thalia.
Nilingon ko si Kuya Kenzo at makikita ko sa titig niya na hindi siya kumbinsido. Kung ako rin naman siya ay baka ganoon din ang mararamdaman ko. Alam niya kung ano ang kaya kong gawin dahil sa pagkagusto sa kaniya kaya hindi na ako nagtataka kung nagdududa ito sa akin. Kung magtatanong man siya sa akin mamaya, gagalingan ko na lang ang pag-arte. Mas maganda kung mapaniwala ko rin siya.
Nilingon na ni Kuya Kenzo si Ate Thalia. “Hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka rito.”
“Secret kasi dapat iyong friendship namin ni Lori. Ayaw ko na mag-isip kayo ni Gwen na kumukuha ako ng info mula sa iyo. Miss lang kita kaya panay tanong ko kung kumusta ka kapag nandoon ka sa kanila. At iyon na nga, nalaman ko noong lasing ka ay hinahanap mo raw ako. Totoo ba iyon?”
Tinitigan ko lang si Kuya Kenzo at nakita ko ang paglapad ng ngiti niya. Ang sakit lang na makita kung gaano siya kasaya habang kausap si Ate Thalia. Hindi ko maipagkakaila sa kinikilos niya kung gaano niya ito kamahal.
Nilingon ako ni Kuya Kenzo kaya agad akong binago ang itsura ko. Ipinakita ko sa kanya na ang saya ko. Katulad nang sinabi ko kanina, kailangan kong magpanggap na wala lang sa akin ang lahat para muli kong makuha ang loob niya.
“Bakit mo ipinagkalat iyon?” tanong ni Kuya Kenzo.
“Para sumaya si Ate Thalia. Nalaman ko kasi na gusto ka rin niya Kuya Kenzo. Sorry,” sabi ko sabay peace sign.
Napangiti ito. “Ikaw talaga, Lorna.”
“Lorna ni Kenzo,” sabi ko sa isipan.
“Mas mabuti pa na umupo muna tayo, Kennot. Mag-order ka na rin. Ako na ang magbabayad,” sabi ni Ate Thalia.
“Ako na, Lia. Ako ang lalaki sa ating dalawa,” giit ni Kuya Kenzo.
Napabuntonghininga na lang at palihim na kinurot ang tuhod ko. Nanggigigil lang ako sa labis na selos. Mas masakit pa pala kung actual ko na silang makita na magkasama. Ang ipinagpasalamat ko, nagpapakipot si Ate Thalia kaya wala pa silang relasyon as lovers. Pero kung maging sila man dalawa, hindi pa rin ako titigil hanggang sa hindi ko sila masira.
“Ikaw bahala,” sagot ni Ate Thalia. Nilingon niya ako at kinandatan.
Nanlaki naman ang mga mata kung tinapik ako ni Kuya Kenzo. Pakiramdam ko, sa akin siya tatabi para magkaharap sila ni Ate Thalia. Umusog na ako para bigyan siya ng space.
Pagkaupo ni Kuya Kenzo, hindi ko mapigilan na mapangiti sa isipan ko. Sa isipan lang muna at baka mapansin ni Ate Thalia ang kakaibang ngiti ko nang tumabi sa akin si Kuya Kenzo.
“Kumusta ka?” tanong ni Ate Thalia.
“As always busy sa company. Hinahanapan na nga ako ni Mommy ng girlfriend,” sabi ni Kuya Kenzo. Hindi rin halata na nagpaparinig siya kay Ate Thalia.
Inabot ni Ate Thalia ang kamay ng lalaking mahal ko. “Ang sabi ng future girlfriend mo, hintay raw muna.”
“Pero mahal ba talaga ako ng future girlfriend? Paano kung hindi niya muna ako sinagot dahil hindi niya ako mahal.”
“Mahal kita at alam mo iyan,” sabi ni Ate Thalia.
Ipinikit ko na ang mga mata ko at humugot ng malalim na hininga. Kaya ko ito! Kayo kong tiisin ang kalokohan na ito. Dito ako magaling sa pagpapanggap kaya pananagutan ko na ito.
Nilingon ko si Ate at agad na nginitian. Kahit ang sakit dito sa puso ko, I should have learned how to manage my emotions. Ipinakita ko kay Ate Thalia na kinikilig ako sa banat niya kay Kuya Kenzo.
Nilingon ko si Kuya Kenzo at halos makita na ang gilagid nito sa labis na saya. Mukhang wala na talagang makapipigil sa pagmamahal nito para kay Ate Thalia.
“Take your time, Kuya Kenzo. May hangganan din ang lahat ng ito. Kung sa tingin mo ay hahayaan kita sumaya sa kanya? Nagkakamali ka! Sisirain ko kayong dalawa!” gigil na sabi ko sa isipan.
“Waiter,” pagtawag ni Kuya Kenzo ng waiter.
Paglapit ng waiter, agad nag-order si Kuya Kenzo ng kakainin niya. Habang nagsasalita siya, hinihintay ng tenga ko na marinig mula sa bibig niya na isang adobong Lori para kainin niya. Iyon ang when na pinakahihintay ko na mangyari sa buhay ko.
Pagkatapos mag-order ni Kuya, dahan-dahan na kaming kumain ni Ate Thalia. Hindi ko naman mapigilan na manggigil noong sinubuan ni Ate Thalia si Kuya Kenzo. Hindi na bata si Kuya Kenzo para subuan pa! Ang dami talagang kaartehan sa buhay si Ate Thalia. Kung ako siya? Mag-focus na lang siya sa sarili niya.
Para matigil ang subuan nilang dalawa, in-offer ko kay Kuya Kenzo ang isang plato sa mga in-order ko. Pero nang tumanggi siya ay lalo lang akong nainis.
“Ito na lang sa iyo, Kennot,” sabi ni Ate Thalia sabay pakita ng plato na may lamang isang hiwa ng steak.
“Sure ka na akin na?” tanong ni Kuya Kenzo.
“Of course.”
Tinanggap na ni Kuya Kenzo ang pagkain at parang gusto ko ng magwala sa labis na galit. Ipinamumukha talaga sa akin ni Kuya Kenzo na wala akong halaga sa kanya.
Minuto ang lumipas, dumating na rin ang order kaya seryoso na kaming tatlo sa pagkain. Napatigil si Kuya Kenzo sa pagkain at napalingon sa isa sa mga in-order ko.
“Strawberry milkshake ba iyan?” tanong ni Kuya Kenzo.
“Oo,” sagot ko.
“Can I sip?”
Marhan ako na tumango. “Sure.”
Kinuha ko ang milkshake at inabot kay Kuya Kenzo. Pagtanggap niya, agad niyang inilagay iyon sa bibig niya. Habang tintingnan ko siya, hindi ko mapigilan na mapalunok ng laway. Ang sarap lang niyang tingnan.
Nang mapansin ko na nakatingin lang ako sa kanya, agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya at nagpokus na lang muna sa pagkain. Pagbalik niya ng milkshake sa harapan ko, nagpasalamat na siya at tinanguan ko lang iyon.
Napatingin na ako sa straw na gamit niya at nagkalat pa roon ang laman ng strawberry milkshake. Hindi ko naman mapigilan na mapangiti sa katotohanan na kung gagamitin ko ang straw ay parang naghahalikan lang din kami.
Kinuha ko na ang strawberry milkshake at ininom iyon. Paglapat ng dila ko sa straw, pinaikot ko na iyon. Inisip ko lang na dila iyon ng lalaking mahal ko. Anong petsa ba ngayon? I will mark this day as our first kiss.
Sh*t! Kinikilig na muli ako! Biglang nawala ang inis ko.
Oras ang lumipas, napagpasyahan na namin na umalis. Nauna ng tumayo si Ate Thalia na agad sinundan ni Kuya Kenzo. Wala naman akong nagawa kung hindi ang sumunod lang sa kaniya.
Habang naglalakad palabas, nakikita ko ang kanang kamay ni Kuya Kenzo na sinusubukan na hawakan ang kamay ni Ate Thalia. Kahit napakalapit na nila sa isa’t isa, nahihiya pa rin si Kuya Kenzo na gawin iyon sa babaeng mahal niya.
Sa ilang subok niya na gawin iyon, naunahan na lang siya ni Ate Thalia. Hinawakan nito ang kamay niya habang ako rito ay hindi na naman mapigilan ang sarili na kumulo ang dugo. Mukhang kailangan ko na talagang iwasan ang mga matatabang pagkain para maiwasan na tumaas ang dugo ko. Heart stroke ang mangyayari sa akin kung magpapatuloy itong selos na nararamdaman ko.
Pagdating namin sa labas ng restaurant, napatitig na lang silang sa mga sasakyan nila. Hindi nagtagal, napatawa sila nang hindi ko alam ang dahilan.
“Paano iyan? May sarili akong sasakyan dito,” sabi ni Ate Thalia.
“Iyon nga ang pinoproblema ko,” sabi ni Kuya Kenzo.
“Ganito na lang, si Lori na lang ang ihatid mo,” sabi ni Ate Thalia.
“Ate, okay lang ako. Mag-taxi lang ako. Ayaw kong makaabala.”
Nilingon ako ni Kuya Kenzo. “Ako na bahala sa iyo, Lorna.”
“Sure ka, Kuya?”
Napatango na ito kaya bumilis na naman ang t***k ng puso ko. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa akin. Para na akong mababaliw o baka nga baliw na talaga ako. Parang normal na lang na pabago-bago ang nararamdaman ko. Minsan kinikilig, madalas nagagalit. Ewan ko na lang talaga!
“Mauna na ako. Kenzo, ingatan mo si Lori at baka mapagalitan tayo ni Red,” sabi ni Ate Thalia.
“I will. Mag-ingat ka. Sent me a message if ever dumating ka na. I love you,” sabi ni Kuya Kenzo. Sh*t!
Namula ang mukha ni Ate Thalia habang napatango sa sinabi ni Kuya Kenzo. Hindi na siya sumagot at pumasok na lang sa sasakyan niya.
Nilingon ako ni Kuya Kenzo. “Pumasok ka na sa sasakyan ko.”
Pag-alis ng sasakyan ni Ate Thalia, agad na akong pumasok sa sasakyan ni Kuya Kenzo. Napangiti na ako habang hinihintay na pumasok si Kuya Kenzo.
Pagbukas ng sasakyan, agad kong inayos ang upo ko. Gusto ko lang na magmukhang inosente sa harapan ni Kuya Kenzo. Ayaw ko na makita niya ako muli as malaswa, classless, at cheap. Hindi ko talaga malilimutan ang sinabi niya sa akin. Pero kung magagawa ko na ang plano ko sa kanya, wala na akong pakialam kung ano pa ang itawag niya sa akin.
Pagkaupo ni Kuya Kenzo, napalingon siya sa akin. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya dahil naiilang ako sa tingin ko.
“May pinaplano ka ba? Parang kailan lang ay takam na takam ka sa akin,” sabi ni Kuya Kenzo.
“Wala,” sagot ko. Nakayuko lang para more convincing ang drama ko.
“Peor bakit ganoon? Friend na kayo agad ni Thalia. Ano ba ang gusto mo?”
“Tanggao ko na ang lahat, Kuya. Na hindi mo ako magugustuhan. Sinadya kong kaibiganin si Ate kasi gusto ko maging kayo na.”
“Pero paano ka? Gusto mo ako, ’di ba?”
“Iyon na nga. Gusto ko na maging kayo para wala na akong dahilan na gustuhin ka. Kaya itinutulak ko si Ate para matapos na. Kung maging kayo na, hindi na ako aasa.”
“Gagawin mo talaga iyan kahit masasaktan ka?”
“Iyon na lang ang tanging dahilan na naiisip ko. Kuya Kenzo, I have no choice. Ayaw ko ng magpakabaliw sa iyo. Deserve mo si Ate.” Tumulo na ang luha ko sa mga mata ko. “Noong maging kaibigan ko na si Ate, klaro na sa akin kung bakit siya ang gusto mo. Kuya, bagay kayong dalawa kaya ipinagdasal ko na sana magiging kayo ng dalawa.”
Humagulgol na ako para maniwala siya na totoo itong mga sinasabi ko. Kung alam ko lang na magaling akong umarte, sana pala nag-artista na lang ako. Sana hindi masawalang bahala itong effort ko. Sana mapaniwala ko siya na pinapalaya ko na siya.
“Kuya Kenzo, magpauto ka, please?” sabi ko sa isipan.
~~~