KABANATA 6

2202 Words
NASA KWARTO LANG ako habang hindi mapigilan na mapatulala na lang sa kawalan. Hanggang ngayon, hindi pa rin mawawala sa isipan ko ang pag-amin sa akin ni Kuya Kenzo na mahal niya ang isa sa mga guro ko. Inaasahan ko na na posibleng mangyari ang araw na ito pero wala akong ideya na ganito pala iyon kasakit. Iba pa rin talaga kapag nagkatotoo na iyong kinatatakutan mo. Kahit inaasahan mo na, nandoon pa rin talaga iyong kurot. Nasa baba pa sila Kuya Kenzo at kasalukuyan silang kumakanta roon sa garden. Naririnig ko na nga na kumakanta na ang lahat maliban na lang kay Kuya Kenzo na pinangarap maging pipi. Kahit ang pamangkin ko na sobrang papansin, nang-aagaw din ng mikropono kay Kuya Jared. Kung hindi lang ako nasasaktan dito, bumaba na ako mula rito sa kuwarto para kurutin ang gilid ng pamangkin ko. Dahil wasak ang puso ko ngayon, walang makapagpapababa sa akin. Kahit si Kuya Kenzo pa iyan. Wala nga akong ganang kumain. It seems like iba ang tama sa akin nang malaman na si Ma’am Thalia pala ang karibal ko. Maganda na ako pero iba ang ganda nito. May napatunayan na rin ito at may maipagmamalaki sa buhay. Ako? Anong meron sa akin na pwedeng ipantapat ko? Itong kalandian ko kay Kuya Kenzo? Ang cheap ko. Napabuntonghininga na lang ako nang mapagtanto na dinapuan na naman ako ng insecurities ko. Hindi ko dapat maramdaman ito. “I hate you, self! Bakit ba kasi hindi kayo magkasing-edad ni Kuya Kenzo!” sigaw ko. Sana kambal na lang kami ni Kuya Jared para pwede maging kami ni Kuya Kenzo. Hindi niya iisipin na bata ako kaya malaki ang posibilidad na magustuhan niya ako. Malakas naman ang kutob ko na ganito pa rin ang ganda ko kung kambal kami ng Kuya Jared ko. Habang nag-iinarte ako sa kama, agad akong napabangon nang marinig na may magandang boses na kumakanta sa garden. Kumakanta ito ng Versace On The Floor ni Bruno Mars. Ang sigurado ako, bago sa tenga ko kung kaninong boses iyon. Ang sexy ng boses nito na may natural na paos. Ang sarap lang pakinggan. Ang tanong ko, sino nga ba iyon? Tumayo ako mula sa kama ko para silipin sana kung sino ang kumakanta. Pero nang tumigil ito sa pagkanta at tumawa at nagsalita na lang, napatigil ako sa paghakbang. Hinding-hindi ako na magkakamali na boses iyon ni Kuya Kenzo. “Time will come, makakapaghubad din ako sa harapan niya,” sabi ni Kuya Kenzo. Nagsigawan silang lahat doon at tuwang-tuwa sila sa sinabi ni Kuya Kenzo. Sa tingin ko, lasing na ito. Imbes na tingnan ko pa sana siya, mas pinili ko na lang na tumalikod para bumalik sa kama ko. Pero nang humakbang na ako... “Thalia, sana makita mo na ang halaga ko! Sana sagutin mo na ako! I love youuu!” sigaw ni Kuya Kenzo. Ipinikit ko ang mga mata ko habang pinipigilan na tumulo ang luha mula roon. Ayaw kong umiyak kasi wala naman akong karapatan. Pero paano ko gagawin iyon kung ito iyong nararamdaman ko? Nasasaktan ako. Parang sinasaksak ang puso ko. Hinawakan ko na ang dibdib ko at marahang minasahe iyon. Nararamdaman ko lang ang paninikip niyon. I felt uncomfortable. Ganito ba talaga ang magmahal? Kailangan din na masaktan? Muling sumigaw si Kuya Kenzo. I guess, he was already drunk. Hindi naman siya ganoon kung nasa matino pa siyang pag-iisip. Ipinagpatuloy na niya ang pagkanta niya at hindi ko maitatanggi kung gaano siya kagaling. Sa likod na pagiging tahimik niya, may maganda pa lang siyang boses. Nahiya naman ako sa sarili ko na panay post ng sarili ko habang kumakanta kahit wala naman talaga sa tono. Iminulat ko na ang mga mata ko at kasabay niyon ang pagtulo ng luha mula roon. Hindi ko lang talaga kayang pigilan ang sarili ko. Mas naninikip lang ang dibdib ko kung pipigilan ko ang totoong nararamdaman ko. Humiga na ako sa kama at napatitig na lang sa kisame. Hinahanap ko lang doon ang halaga ko. Pero kailangan ko lang ba talagang magmukmok dito sa kwarto? Wala ba akong gagawin na pwedeng pumabor sa akin? Bumangon na muli ako at pinunasan ang luha sa mga mata ko. Hindi dapat ako pwede magpatalo. Ilalaban ko ang nararamdaman ko. Wala naman sigurong mali roon. Pagkatayo ko sa mula sa kama ko, tumungo ako sa drawer ko. Kailangan ko iyon para maitago ang mga mata ko. Ayaw kong may makakahalata na umiiyak ako. Ano na lang ang masasabi nila sa akin? Nang nakita ko na ang sunglasses, agad ko na iyon isinuot. Pagkatapos, lumabas na ako ng kwarto na parang wala lang nangyari. Kahit gabi na ay crop top at maikling shorts pa rin ang suot ko. Doon kasi talaga ako kumportable kahit lalaki pa ang mga kapatid ko. Hindi naman sila istrikto sa kung ano ang susuotin ko. Habang papababa ako ng hagdan, makakasalubong ko ang asawa ni Kuya Jared—si Ate Gwen. Napangiti ako habang pinakitaan ito ng heart sign. Napataas naman ang kilay niya habang tiningnan ako mula ulo hanggang sa kuko. “Ano ang nangyari sa iyo? Si Harry? Asan?” tanong ni Ate Gwen. “Pupuntahan ko pa lang sila Kuya sa garden at kasama nito si Harry.” “Umiinom na naman iyon na nandoon ang bata? Nakakapikon talaga.” “Hayaan mo na, Ate. Minsan lang naman magpapakasaya si Kuya. You know, busy siya sa future ninyo. Gawa na nga lang kayo ng bagong Harry later,” sabi ko. “Akala mo talaga ang dali maging ina, ’no? Halos dalawang taon ka mahihirapan, Lori. Mula sa pagbubuntis hanggang sa umabot ng isang taon ang bata. Kaya ikaw, bago ka bumukaka, handa ka na dapat talaga. Anyways, hintayin mo ako sa sala. Sabay na tayo roon sa garden.” “Okay.” Pagdating ko sa sala, siya namang pagdating nina Mommy, Daddy, at Kuya Niel. Napalingon ako sa kanilang tatlo at lahat sila nakatingin sa akin na para bang may ginawa akong isang kasalanan. May mali ba sa ayos ko? Naka-sunglasses lang naman ako. “Gabi na gabi at nakausot ng sunglasses? Nababaliw ka ba?” tanong ni Mommy. “Mom, for fashion only. Sasayaw ako sa Toktik, okay?” sabi ko. Sana maniwala. “Mom, kausapin mo nga iyon. Panay twerk sa Toktik. Kung hindi ko lang kapatid, baka block na iyan sa akin,” sabi ni Kuya Niel. Napatawa si Daddy. “Grabe ka sa kapatid mo, Niel.” “Walang pakialaman, oy! Passion ko iyan, okay? I love to dance,” giit ko. Hindi na sumagot si Kuya Niel at sinamangutan lang ako. Nilingon ko si Daddy at napangiti lang ito kaya agad akong lumapit dito para yakapin ito. “I love you, Dad!” sabi ko. Bumuwag na ako sa pagyakap kay Daddy para si Mommy naman ang yayakapin ko. Pantay lang ang pagmamahal ko sa kanila kaya wala dapat favoritism. Isa sa ipinagmamalaki ko sa kanila, pantay-pantay rin iyong pagmamahal nila sa aming tatlong magkakapatid. Minuto ang lumipas, bumaba na si Ate Gwen. Nagmano muna ito kina Mommy at Daddy bago kami lumabas dalawa. Inaya namin si Kuya Niel na sumama sa amin pero tumanggi lang ito. Iba talaga ang trip ng kapatid ko. Hindi na ako nagtataka kung bakit wala itong kasintahan. Ang sungit ba naman ng mukha. Parang laging bad mood. Pero normal face niya lang iyon. Pagdating namin sa garden, sumasayaw na silang magkakaibigan maliban kay Kuya Kenzo na nilalaro lang si Harry habang nakaupo sa kandungan nito. Napatingin sa amin si Kuya Kenzo kaya tinuro niya kami kay Harry. Napatalon si Harry at agad na tumakbo patungo kay. . . kanino? Kay Ate Gwen... Napangiti ako. Napagtanto ko lang na walang pumipili sa akin. Pero nawala iyong lungkot ko nang lumipat sa akin si Harry. Hinila pa nito ang mga kamay ko at pinapaluhod para maabot niya ako. “Tati, love love,” sabi ni Harry. Kinarga ko na si Harry at agad na tumayo. Inamoy ko rin ito at natutuwa naman ako na amoy tao pa rin ito. Dahil nanggigigil ako sa pamangkin ko, muli ko itong inamoy sabay halik sa leeg nito. “Ang cute ng baby ko!” gigil na sabi ko. “Tati, doon pa tayo sa crush ninyo,” sabi ni Harry. Napalingon sa akin si Ate Gwen kaya agad nagsitayuan ang balahibo ko. Mabuti na lang hindi niya nakita ang reaksiyon ng mga mata ko. Kung nagkataon, nahuhuli na niya ako. “Ano ang sabi ni Harry, Ate?” tanong ko para kunwari hindi ko narinig. “C-Crush? Ewan ko lang, ha? Hindi ako sure.” “Mommy Gwen, crush po ni Tati si Nin—” “Ang sabi ko secret lang iyon. Gusto mong tahiin ko iyang bibig mo?” bulong ko sa tenga ng pamangkin ko. Napailing si Harry. “N-Nooo.” “Ang sabihin mo, Niniel Padilla. Ganern!” bulong ko. “Bad mag-lie, Tati,” sabi ni Harry sabay kagat sa kamay ko. Tumakbo na rin ito pabalik sa kung saan si Kuya Kenzo. “Urgh—” Agad kong ibinaba ang pamangkin ko. May plano sigurong maging bampira ito. Agad kong kinuha ang kamay nito at hahampasin na sana, pero hindi ko na tinuloy. Napagtanto ko lang na kasalanan ko rin naman kung bakit ito nagalit sa akin. Tinuruan ko lang naman na magsinungaling para pagtakpan ako. Ang sama kong tiyahin, ’di ba? “Ninong? May crush ka sa isa mga Ninong ni Harry? Malamang si Kenzo iyon. Siya lang naman walang asawa sa grupo. Why? Mahilig ka pala sa uncle, ha? Ang bata mo pa, Lori. Pwede mo pang maitama iyan,” sabi ni Ate Gwen. “Wala namang nagsabi na bawal magkagusto sa mga matatanda sa atin. Kaya nga may kasabihang age doesn’t matter,” sabi ko. “So crush mo nga talaga?” tanong ni Ate Gwen sa akin. Napataas ang kilay ko. “Bakit naman hindi? He’s perfect. . . para sa akin.” Napatawa si Ate Gwen. “Alam mo namang childhood friend ko iyan, ’di ba?” “Of course.” “Ako na ang magsasabi sa iyo. Hindi na siya pwede. Simula noong nagbibinata at nagdadalaga kami, may isang babae lang iyan na palaging bukambibig niya. Si Thalia? Nagtuturo din iyan sa inyo.” “Oo. Under nga niya ako.” “Iyan iyong mahal na mahal niya. At inamin din sa akin ni Thalia na mahal niya si Kenzo.” Tinanggal ko ang sunglasses sa mga mata ko at tinitigan si Ate Gwen. “Pero bakit wala pang sila?” “Hindi pa handa si Thalia. Goal digger kasi iyon. Feeling niya, wala pa siya masyadong na-accomplish sa buhay niya kaya ayaw niya muna pumasok sa isang relasyon. Kilala niya si Kenzo, alam niya na pag-aasawa na ang nasa isip nito.” “Kung mag-iinarte lang siya nang ganoon? Mauunahan talaga siya. Mauunahan ko siya,” sabi ko. Napatawa lang si Ate Gwen sa sinabi ko kaya iniwan ko na siya. Kung akala niya ay nagbibiro ako sa sinabi ko, nagkakamali siya roon. Seryoso ako! Pagdating ko sa tabi ni Harry, pinaupo ko siya sa hita ko para kami na ni Kuya Kenzo ang magkatabi. Napalingon sa akin si Kuta Kenzo at agad n napangiti. Mas mabuti pala na malasing siya para hindi siya nagdadalawang-isip na alayan ako ng matamis na ngiti. “Kapag nagkita kayo ni Thalia, pakisabi I love you,” nakangiting sabi ni Kuya Kenzo. Hinawakan ko ang hita niya at pinisil. “What if iba ang gusto ni Ma’am Thalia? Kasi kung ikaw, hindi ka niya matitiis. Kasi ako? Kung mahal ko ang tao, hindi ko kayang paghintayin. Baka nga nahihiya lang siyang pumatol sa iba dahil natatakot siya na masasaktan ka. Magkaibigan kayo, ’di ba? Bilang isang babae, pakiramdam ko, pinoprotektahan niya lang ang friendship ninyong dalawa.” Nang napansin ko na napatulala na lang si Kuya Kenzo ay marahan ko ng pinisil ang hita niya. Pagdating ni Ate Gwen, mas umusog pa ako kaya mas napalapit ako kay Kuya Kenzo. Dim lang ang ilaw sa paligid kaya hindi masyadong makita ang ginagawa ko. Sa pagkakataong iyon, ang likuran naman ni Kuya Kenzo ang hinaplos ko. Nang makita ni Kuya Jared si Ate Gwen, pinalipat nito iyon ng puwesto sa tabi nito. Hindi ko naman mapigilan na mapangiti nang malayo na si Ate Gwen sa akin. At least, wala ng posibleng makakarinig ng pinag-uusapan namin ni Kuya Kenzo. “Kuya Kenzo,” sambit ko. “Ano?” sagot niya. “Uminom ka pa. Dito ka na lang sa amin matulog,” sabi ko habang ginagapang ang mga daliri ko sa likuran nito. “Pero mahal kaya ako ni Thalia?” pag-iba ni Kuya Kenzo sa usapan. “Pwedeng oo, pwede rin hindi. Pero kung ako ikaw? Seryusuhin mo iyong sinabi ko. Kasi kung mahal ka niya talaga, hindi ka niya paghihintayin nang ganyan katagal,” sabi ko. Napabuntonghininga si Kuya Kenzo kaya nagpipigil na ako sa tawa. Masaya lang ako na mukhang pinoproblema talaga niya ang pinagsasabi ko. Sana nga tuluyan ko ng malason ang utak niya dahil isa lang naman ang babaeng para sa kanya. . . AKO. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD