KABANATA 5

1311 Words
AGAD KONG INIWAS ang tingin ko nang lumingon sa akin si Kuya Kenzo. Para hindi niya maisip na tinitingnan ko siya, itinoon ko muna ang atensiyon ko sa pamangkin ko. Pumantay na ako kay Harry at hinubaran ito ng damit at shorts. Ang salawal lang nito ang iniwan ko. Para sabay na kaming dalawa na maligo, hinubad ko na rin ang suot kong damit at shorts. Simula noong bata pa ako, I always wear two piece everytime na maliligo ako sa pool namin. Kahit ang mga kuya ko, boxers or brief lang din. Walang ilangan sa amin magkakapatid. Besides, bata rin naman ang turing nilang lahat sa akin dito kaya hindi ako mahihiya na magsuot ng ganoon. Napalingon sa akin muli si Kuya Kenzo at tinitigan niya ako. Pero nang inilakbay niya ang tingin sa katawan ko, agad bumilis ang t***k ng puso. Bigla rin akong nakaramdam ng hiya na hindi naman dapat. Makapal at papansin akong tao kaya dapat panagutan ko na iyon. “You have an awesome body figure, Lorna. Dalaga ka na nga talaga,” sabi ni Kuya Kenzo. Nanlaki ang mga mata ko habang nanatiling nakayuko. Pero nang inangat ko na ang tingin ko para tingnan sana ang mukha nito, nakatalikod na ito at nagsimula ng humakbang patungo sa swimming pool. Pagtalon ni Kuya Kenzo sa pool, hindi ko na mapigilan na mapangiti. Naalala ko lang ang sinabi niya sa akin. Pinuri niya ang magandang hubog ng katawan ko. Sa gigil ko, niyakap ko na lang ang sarili ko. “Tati, let’s take a shower na!” apuradong sabi ni Harry. Napataas na lang ang kilay ko sa pamangkin ko. Hindi man lang niya ako hinayaan na ipagdiwang muna ang sinabi sa akin ng lalaking gusto ko. Pero paano niya magagawa iyon? Hindi pa niya naiintindihan masyado ang nangyari sa paligid. Napabuntonghininga na ako. “Oo na.” Humakbang na ako ng dalawang beses at binuksan ang shower. Pagbuhos ng tubig, agad akong naligo. Hindi ko naman mapigilan na mapakanta sa labis na saya. Hindi lang mawala sa isipan ko ang sinabi ni Kuya Kenzo sa akin. Habang hindi ko matikom ang bibig sa kangingiti, napanganga na lang ako sa labis na sakit nang biglang sinuntok ng pamangkin ko ang puson ko. Bumagsak ako sa sahig habang nakahawak lang ang kamay doon. “The enemy has been slain,” sabi ni Harry sabay tawa. “L-Lori!” sigaw ni Kuya Jared. Hindi ako makapagsalita sa labis na sakit. Para bang nakakita ako ng alitaptap sa ginawa ng pamangkin ko. Pagdating ni Kuya Jared ay agad niya akong tinulungan na tumayo. Napatanong siya kung ano ang nangyari sa akin pero hindi ako makasagot at napahawak lang pa rin ako sa p********e ko. “L-Lori, anong nangyari sa iyo?” tanong ni Kuya Jared. “I punched po there, Dad,” sabi ni Harry. Tinuro pa nito ang puson ko. “Hey, Harry! ’Wag mo ng gawin iyon. Bad iyon. If you do it again, papaluin na kita,” sabi ni Kuya Jared. “Sorry po, Daddy,” sabi ni Harry. “Kay Tati Lori mo ikaw mag-sorry,” sabi ni Kuya Jared. Nilingon ako ni Harry. “Tati, sorry na po.” Wala na akong nagawa kung hindi ang tumango na lang. Bilang tiyahin ng bata, ang dapat kung gawin ay intindihin ito. Bata pa ito at hindi pa alam nito ang ginagawa nito. May mga bagay itong ginagawa nang hindi inaasahan. They are unpredictable. “’Wag mo ng gawin iyon muli, ha? Grabe kang bata ka! Alam mo bang ang sakit ng ginawa mo? Magpasalamat ka mahal ka ng Tati,” sabi ko. “Sorry, Lori. Pagpasensiyahan mo na ang pamangkin mo. Sige na, doon na muna ako,” sabi ni Kuya Jared. “Salamat, Kuya,” sabi ko. Pag-alis ni Kuya, ipinagpatuloy na namin ang pagligo ni Harry. Nang natapos ay sabay na kaming tumungo papunta sa pool. Pagdating namin doon sa pool, ibinilin ko muna ang pamangkin ko kay Kuya Jared para kunin ang salbabida nito. Hindi ko kaya na alalayan lang ito lagi. Katulad ng sabi ko, mabigat ang pamangkin ko. Nang nakakuha na ako ng salbabida, agad na akong bumalik sa kung saan ang pamangkin ko. Pagkakita niya sa hawak ko, agad itong tumakbo papunta sa akin. “Tati, ilagay ninyo na po sa akin,” hiling ni Harry. “Excited lang? Mukha mong bata ka!” sagot ko. Isinuot ko na sa pamangkin ko ang salbabida. Hindi ko pa man sinasabi sa kanya na maligo na kami ay agad na itong napatalon sa pool. Hindi rin halata na excited na ito. “Tati, I’m floating!” sigaw ni Harry. “Bubutasan ko iyan at tingnan natin kung lulutaw ka pang buhay!” sigaw ko. “Tati, come here na!” “Wait.” Napatakbo na ako at agad ng tumalon sa pool. Nagpalutang-luta lang muna ako habang iniisip ang lalaking gusto ko. Tama na muna sa pag-iintindi sa pamangkin ko. Oras na muna para sa sarili ko. Ano raw? “Ninong!” sigaw ni Harry. Napatigil na ako sa pag-iisip nang kung anu-ano at napalingon nang tinawag ni Harry ang mahal ko. Bumilis naman ang t***k ng puso ko nang patungo ito sa amin. Pagdating ni Kuya Kenzo, agad niyang kinurot ang pisngi ng pamangkin ko. Napangiti lang si Harry at mukhang tuwang-tuwa sa ginawa nito. “H-Hi, Kuya,” bati ko. “Anong nangyari sa iyo kanina?” tanong ni Kuya Kenzo. “Nadulas lang,” pagsisinungaling ko. Hindi ko na sinabi kay Kuya Kenzo kung ano ang totoong nangyari sa akin. Para sa akin, ang panget na pakinggan kung sabihin ko pa sa kanya na natumba ako dahil sinuntok ni Harry ang puson ko. “Masyado ka kasing magalaw,” sabi ni Kuya Kenzo. “A-Ayaw mo sa magalaw?” tanong ko. “What do you mean?” “Wala po.” “L-Lorna.” “Yup?” “May sasabihin ako sa iyo. Pero huwag mong ipagkalat, ha?” Tinitigan ko si Kuya Kenzo at hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko sa sinabi niya. Kinikilig lang ako na kinakabahan. Ito na kayang iyong hinihintay ko? Aaminin na niya sa akin ang nararamdaman niya? Sana ganoon na nga para mahalikan ko na siya. Pero pwede naman iyong lagpas doon. Papalag pa ba ako? Napabuntonghininga na ako. Ang landi ko talaga pagdating sa kanya. Kung anu-ano na lang ang pinagsasabi ko. “Hey,” sambit ni Kuya Kenzo. Napahawak ako sa dibdib ko nang bumalik na ako sa wisyo. “Pasensiya na Kuya. Iniisip lang kita.” “A-Ako?” Nanlaki ang mga mata nito. “I mean may iniisip lang ako. Ano nga iyong sinabi mo, Kuya Kenzo?” tanong ko muli. Nawala lang sa isipan ko kung ano iyong sinabi niya. “Ang sabi ko ay may sasabihin ako sa iyo at sana huwag mong ipagkalat,” sabi ni Kuya Kenzo. Napatango ako. “G-Ganoon pala. So ano po iyon?” “Estudyante ka pala ni Thalia. Ang babaeng mahal ko,” sabi niya sa akin. Sinubukan kong ngumiti sa harapan niya. Ayaw ko lang ipakita na nasasaktan ako sa sinabi niya. Wala naman kasing kami para magiging valid itong nararamdaman ko. Magmumukha lang akong baliw. Si Ma’am Thalia pala ang babaeng nagpapatibok sa puso niya. Paano ko lalabanan iyon? Hindi lang iyon basta guro sa unibersidad namin. Isa rin ito sa mga anak ng may-ari. Napatitig ako kay Kuya Kenzo. Sa pagkakataong iyon, hindi ko nakikita ang sarili ko na wala siya sa buhay ko. Kaya ipinapangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para hindi sila magkatuluyan ni Ma’am Thalia. Akin lang siya. “Hindi ko hahayaan na mapunta ka sa iba, Kuya Kenzo. Kung lalandiin ka na lang ang huling pag-asa ako, gagawin ko,” sabi ko sa isipan ko. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD