Chapter 19

1719 Words
Chapter 19 CHLOE'S POV "Sige na, payag na ako na maging tayo." Mahina ko lamang na pag kakabigkas na makita ko ang ngisi sa labi ni Taurus. Dahan-dahan siyang humarap sa akin at hinakbang muli ang paa na kina-hinto naman nito sa harapan ko. Tuminggala ako dahil may katangkaran din siya kumpara sa akin at kahit naka ngisi nito sobrang anggas pa rin at sabayan pa ng guwapong mukha. "Pero sa isang kondisyon, huwag natin ipa alam kahit na sino ang tungkol sa atin, pwede ba iyon?" Nilapit ni Taurus ang mukha niya at kaagad din naman akong nanigas sa simpleng ginawa nito. Mula sa posisyon na iyon amo’y na amoy ko ang mamahalin na pabango nito. Hindi ko maikilos ang buong katawan ko at nanigas na talaga ako ng tuluyan. “Payag ako sa gusto mo babe, pero kiss mo muna ako." Pag tutukso nitong wika na kaagad naman akong kina-pula sa simpleng banat nito. Ano? Kiss? "Kainis ka talaga!" Asik ko na kaagad ko naman siyang tinulak palayo sa akin. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko kong pisngi sa simpleng banat nito at galit na rin na hindi man lang ito naapektuhan sa pag tulak ko sakanya. "Oh bakit? Ayaw mo ba?" Pinag laruan nitong pinagalaw ang kanyang kilay na kina-iwas ko nan kaagad ng tingin at dire-diretso na akong nilampasan siya at nag mamadali nang tinalikuran. Bwisit ka talaga, Taurus. Bwisit. “Babe, saan kana pupunta?” Sigaw ni Taurus at dire-diretso na lamang ako na walang lingon-lingon Lakad-takbo na lang ang aking ginawa para sa ganun, hindi niya na ako mahabol at dama ko ang presinsiya ni Taurus na naka tayo pa rin at sinu-sundan na lamang ako nito ng tingin paalis. "Sandali babe, ayaw mo talaga?" Sigaw na hirit nitong kina-pikit ko na lamang ng mata ko sabay binilisan ng pag takbo para sa ganun hindi niya na ako kulitin at hindi ko na makita pa ang pag mumukha niya. Nakaka-inis talaga. "Kainis ka! Lumayo ka nga sa akin!" Asik kong humigpit na ang pag kakahawak ko sa strap ng bag ko at pamumula ng mag kabila kong pisngi ang palatandaan kong paano na ako naiinis at namumula dahil lamang sakanya. "Babe, sandali lang. Hintayin mo ako." Kumalabog pa ang t***k ng aking puso na naramdaman ko ang pag habol na pag sunod sa akin ni Taurus, at nag darasal na lamang ako na tantanan niya na ako at tigilan. Lumayo kana sa akin. Please lang, layuan mo na ako. Sigaw naman ng utak ko na hindi na maipinta ang expression sa mukha ko na patuloy na tinatawag ni Taurus ang aking pangalan. Nakaka-inis talaga. Bakit ba kasi ako pumayag sa kalokohan ng lalaking ito? Chloe naman kasi eh. *** Matagumpay naman akong naka layo kay Taurus at nag papasalamat ako na hindi niya na ako nahabol at nakulit ng lalaking iyon. Talagang binilisan ko ang pag lakad ko para sa ganun, hindi niya na ako kulitin. “Oh nandito kana pala Chloe.” Puna sa akin ni Mama na kakarating ko lang sa bahay at nadatnan ko siya na nag aayus para sa hapunan namin. “Hi Ma.” Nag mano ako sakanya para palatandaan na pag galang. “Kumusta ang pasok mo?” Tanong nito na kina-ngiti ko na lamang. “Okay lang po, Ma.” Tumango-tango pa ito. “Sige na at mag bihis kana muna at mag hahanda ako ng hapunan natin.” Anito. “Paauwi na rin ang Papa mo at sabay-sabay tayong mag hahapunan na.” “Sige po Ma.” Wika ko na lamang at nilampasan ko na si Mama para umakyat sa ikalawang palapag para sa ganun maka panhik na sa silid at maka pag pahingga na rin. Nang maka pasok na ako sa silid, doon ko lang talaga naramdaman ang labis na pagod at pananakit ng buong katawan ko sa buong klase. Katambak ang ginawa ko buong mag araw at pakiramdam ko, na drain talaga ang utak at katawan ko. Nilagay ko na ang dala-dala kong sling bag sa isang tabi at ganun na rin ang bitbit kong mga gamit at libro. Una ko kaagad tinunggo ang wardrobe para makapag pili ng damit na isusuot at simpleng pang bahay lamang na magiging komportable ako sa pag kilos ko. Kagaya pa rin ng dati, mahahabang damit ang gusto ko at sinisiguro ko talaga na matatakpan talaga ang buong katawan ko na hindi mo makikita ang balat ko na kahit na sino. Napa-daan na lang ako sa salamin at wala sa sariling napa titig na lamang sa repleksyon ko doon. Sa totoo lang, hindi naman ako nagagandahan para sa sarili ko. Maitim at magaspang ang balat ko, na hindi naman kagandahan kagaya ng iba diyan. May suot-suot akong nerd glasses, maraming tigyawat makapal at sabog na kilay at hindi naman ako perpekto na magugustuhan ng lahat. Wala sa sariling napa hawak na lamang ako sa aking pisngi, na hindi inaalis ang mata ko sa repleksyon sa salamin at sumagi ulit sa isipan ko ang pangyayaring kaganapan na lumalapit sa akin si Taurus. Mga katagang sinabi nito sa akin. “Itong mukhang ito? Nobya ni Taurus?” Hindi pa rin talaga nag si-sink in sa utak ko ang pangyayari na naging nobyo ko na ang mayaman at pinaka sikat na si Taurus Ridge Dawson, ang lalaking kina-huhumalingan ng lahat sa campus. Ang lalaking pinaka guwapo. Ano bang nangyayari, at bakit ako trip ng lalaking iyon? Relax lang Chloe, maging mahinahon ka lang. Hindi nila malalaman ang tungkol sainyo ni Taurus, hindi talaga. Pinilig ko na lamang ang ulo ko at pilit na winawaksi sa isipan ko ang mga pangyayari at kaganapan na may relasyon na kaming dalawa. Huwag mo na siya isipin pa Chloe. Huwag mo na patulan kong ano pa ang kalokohan ng lalaking iyon, huwag na talaga. Nag pakawala na lamang ako ng malalim na buntong-hiningga at nanghihina na napa upo na lamang sa malambot na kama at sinapo ko na lamang ang mukha ko gamit ang palad. Ang malalim kong pag iisip, bigla na lamang naputol nang mapa dako ang aking tingin sa kabilang bahagi ng kwarto ko. Doon ko nakita ang isang familiar na litrato na mag paagaw ng atensyon ko, sabay naman tumayo para lapitan ito at nakita ko ang litrato namin ni Bernard na mag kasama. Nang mahawakan ko na ang litrato, at may kirot pa rin akong naramdaman na hindi inaalis ang mata ko doon Aaminin kong may nararamdaman pa rin ako, at nasasaktan. Hindi pa rin nag hihilom ang sakit na binigay niya sa akin pero kailangan kong kalimutan ang lahat, alang-ala para sa akin at tuluyan na rin akong maka limot. Gusto ko man na kumapit pa sa relasyon namin pero tama na siguro ito. Tama na ang kalokohan ko sakanya. Kinuha ko na ang ibang bagay na binigay sa akin ni Bernard na ilang taon kaming nag kasama, na nag papaalala sa akin, tungkol sakanya. Nang malikom ko na ang mga gamit at isa-isa ko na iyon nilagay sa isang katamtaman na karton, kasabay na rin ng pag baon ng ala-ala at pag ibig ko sakanya. Napa-tigil na lamang ang aking pag gagawa na marinig na lamang tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng desk. Kinuha ko ang cellphone ko at napa-titig na lamang ako na makita na may nag padala sa akin ng mensahe, galing sa unknown number. Kanino kaya galing ito. [Hello.] Wow! Hello talaga? Sino kayang mokong na ito? At paano nakuha ang number ko? “Sino ba ito?” Napa titig na lamang ako sa cellphone at sabay kunot ng noo na makitang mag seen ito. Typing… Typing.. [Si Taurus!] Kulang na lang mabitawan ko ang cellphone ko na mapako na lamang ang mata ko doon. Taurus? Paano? Paano niya nalaman ang number ko? Maraming katanungan ang sumagi sa isipan ko pero nanaig pa rin talaga ang t***k ng aking puso. [kumain kana?] [Anong ginagawa mo?] [Kumain kana babe?] Nataranta na ako na sunod-sunod na ito nag padala ng text message sa akin at nakita ko panay ang typing nito sa ibaba ng conversation namin. Shit naman talaga kasi. Hanggang dito, hindi niya pa rin ako tinatantanan? Nang mapuno na ako, uminit na ang mag kabila kong taenga at napa titig na lamang sa cellphone ko sabay tipa na rin ng mensahe na ipapadala ko sakanya. “Huwag mo akong pinag tri-tripan? Saan mo nakuha ang number ko ha?” -sent. Seen Typing… Typing. Aba! [Nakuha ko ang number mo sa pwet ng kaldero. :) ] Nag pagting ang taenga ko na napa titig na lang sa text nito. Aba talaga, pinapa-init talaga ng lalaking ito ang butse ko. “Aba! Aba naman talaga.” Taurus typing. Taurus typing.. [Joke.] marunong din mag joke ang lalaking ito. [Busy ka babe, tawag ako?] Ha? Huwag. Hindi pwede. Domoble ang kalabog ng aking puso na mabasa ang text ni Taurus at aaminin ko, iba kaagad ang dalang impact no’n sa dibdib ko sa katagang sinabi niya. Huwag kang tatawag, parang awa mo na. “Huwag kang tatawag. Nang iinis ka ba?” Sent- Taurus typing. [Bawal ba? Gusto ko lang marinig babe, ang boses mo.] Chloe’s typing.. Taurus, Typing. “Hindi nga sabi, huwag kanang makulit at tantanan mo na rin ako.” Taurus typing. “Ay t**i ng pare!” Matinis na lamang ako napa sigaw nang kusa na lamang mag ring sa kamay ko na bigla na lamang tumawag si Taurus. Anong gagawin ko? Anong gagawin ko? Natulala na lamang ako at hindi ko alam ang gagawin ko na patuloy lamang nag ri-ring sa kamay ko ang cellphone ko at wala akong planong sagutin iyon dahil na rin nauunahan ako ng kaba at takot para sa sarili ko. Kusa na lamang namatay ang tawag sa cellphone ko at maski katawan ko nanigas na rin. Nag vibrate muli ang cellphone ko at nag appear na lang ang huling mensahe na pinadala ni Taurus. [Sa susunod ko na lang papakinggan ang boses mo babe, kapag hindi kana busy.] Taurus typing. [Sige na, mauna na akong matulog babe. Ingat ka parati, I love you. ;).] Napa tulala na lang akong napa titig sa mensahe ni Taurus at may kakaibang kiliti at kalabog ng aking dibdib akong naramdaman sa pinadala nito. Oh my god. What just happened?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD