Chapter 18

2576 Words
Chapter 18 CHLOE’S POV “Good morning anak.” Matamis na pag bati pa lang sa akin ni Mama na maka rating na ako sa dining area. Una ko kaagad nadatnan ang masasarap na almusal na hinanda sa lamesa at nandon na rin si Papa, na perinte lamang naka upo sa silya at umiinom ng paborito nitong kape. “Good morning din po.” Wika ko na lamang na kina-upo ko naman sa silya. Pasado alas syete pa lang ng umaga at sabay-sabay na silang nag sasalo ng agahan. Naka suot na rin ako ng uniforme na pag pasok dahil maaga naman ang pasok ko ngayon na pasado alas nuwebe:trenta ng umaga. Samantala naman ang mga magulang ko, naka suot na rin na pag pasok nilang mga damit sa trabaho. “Mukhang napaka aga mong natulog kagabi, hindi kana naka kain nang hapunnan.” Patuloy na kwento ni Mama na nilagay ang huling niluto nitong hotdog sa lamesa. “Yayain ka sana ng Papa mo na manuod tayo ng movies na mag kakasama, kaso naka sara na ang pinto ng iyong kwarto.. Panigurado napagod kana naman mag aral.” Patuloy na salita nito na kina-ngiti ko na lamang ng matamis. “Ganun po nga Mama.” Tugon ko na lamang na kumuha na rin ng pag kain at nilalagay sa aking pinggan. Matapos kasi na maka uwi ako sa bahay, nang nangyaring tagpo na padamping hinalikan ako ni Taurus, hindi na ako lumabas ng aking silid at nag kulong na lamang ako doon. Naka-limutan ko na kumain ng hapunan dahil sa pangyayari, at marami din ang bumabagabag sa isipan kong mga katanungan, na hindi na ako naka tulog ng maayos. Hindi ko talaga alam kong ano dapat ang maramdaman ko at kahit na rin ako, naguguluhan na rin. Boyfriend ko na si Taurus? Hindi, hindi pwedeng mangyari iyon. “Sayang lang naman at hindi mo napanuod ang movies na pinanuod namin ng Papa mo, isa pa naman iyon sa mga paboritong mong love story.” Kinikilig na wika ni Mama, at kinu-kwento nito kong gaano kaganda ang kanilang napanuod kagabi. “Ang pinaka maganda pa sa ending ng kwento, na nag halikan ang mga bida. Awww! Nakaka kilig talaga.” Pinag dikit ni mama ang kanyang kamay at para itong dinala sa cloudnine sa kilig. Nahinto na lamang ako sa pag-kain sa kanyang sinabi, at naalala ko na naman ang tagpo kong saan ako hinalikan ni Taurus no’ng gabing ganap ng Intramurals sa Apollo University. Naalala ko ang tagpong nag lapat ang mga labi naming dalawa at kong gaano iyon kalambot at katamis. “Choloe, okay ka lang ba? Namumula ka ata.” Puna sa akin ni Mama na kina-baling ko naman ng tingin sakanya na nag tataka itong tumingin sa akin. Pareho na sila ni Papa tumingin ma may kahulugan sa akin at dama ko na ang pag iinit ng mag kabila kong pisngi, na mahuli ako ng mga ito. Bakit nila ako tinitignan? Nahihiya akong napa-hawak sa aking mag kabilang pisngi at nahihiya na lamang na yumuko dahil dama ko na ang pamumula ng pisngi ko, na maalala lamang ang tagpong nag halikan kaming dalawa ni Taurus: Shit Ano ba itong nangyayari sa akin? “Wala po ito Mama,” malilikot ang aking mga matang pinag patuloy na lamang ang pag tapos ng aking pag kain, para sa ganun maka iwas na ako sakanila. Kainis. Ano ba kasing nangyayari sa akin? Chloe, umayos ka nga. Pinagalitan ko naman ang sarili ko at aaminin kong, napaka lakas pa rin ng pintig ng aking puso sa simple lamang na tagpong naalala ko ang mukha ni Taurus. **** Matapos kumain ng agahan, hindi na ako tinanong pa ng mga magulang ko. Binilisan ko na lamang ang pag ubos ko ng agahan at nag mamadali na akong kumilos para sa ganun maka alis na, at maka iwas na rin sa posibilidad na mag tanong pa sila sa akin. Naka rating na ako sa University na alas nuwebe pa lang ng umaga, maaga pa naman sa susunod kong klase. Si Nadya naman; hindi naman kami mag kasabay ng pasok at schedule ng klase kaya’t may pag kakataon talaga na hindi kami nag kakatagpo na dalawa, Tahimik lamang akong nag dadaan, at nakaka-salubong ko na lamang ang iba pang mga estudyante na mas maaga pa ang pasok kumpara sa akin. Kalimutan mo na Chloe, si Taurus huwag mo na siyang isipin. Isipin mo na lang na guni-guni at mag patay-malisya, kana lamang ang sinabi niya tungkol sainyong dalawa. Tama, ganun nga. Iwasan mo siya hangga’t maari Chloe. Ang tahimik kong pag-iisip, bigla na lamang naputol nang makita ko ang familiar na pigura ng isang tao, na mag pabilis naman kaagad ng pintig ng aking puso. Nanikip ang aking dibdib, hindi ko maipaliwanag ang nerbyos at kaba ko na makita lamang siya, ilang layo mula sa kina-tatayuan ko. Hulma pa lamang ng katawan nito, kabisadong-kabisado ko na at aaminin kong kaagad din naman ako pina-nuyuan ng laway sa lalamunan na makita si Taurus, na nag lalakad palapit sa akin. Hindi ko na maikilos ang katawan ko at gustong-gusto ko na talaga iatras at ihakbang ang mga paa ko palayo sakanya. Palayo, na hindi kami mag cro-cross ng landas subalit pinangunahan na ako ng kaba sa aking dibdib, na hindi ko maipaliwanag. Patuloy lamang nag lalakad si Taurus sa gawi ko, at alam ko naman sa sarili kong hindi niya ako napansin at nakita. Nag danak na ang malamig na pawis sa buong pag katao ko na palapit nang palapit na siya sa akin. Hindi ko na napansin na sobra na talaga, na higpit ang pag kakahawak ko sa straps ng sling bag ko dahil sa tagpong iyon. Domoble ang pintig ng aking puso, na parang naging slow motion na nag tama ang mga mata naming dalawa ni Taurus, at masasabi kong wala na talaga akong takas pa sakanya. Gumuhit ang kapilyuhan sa kanyang ngisi at ramdam ko na lalapitan niya talaga ako, kaya’t doon naman ako nataranta at sabay bawi ng aking titig sakanya. Nanginig ang katawan kong tumalikod kay Taurus, at binilisan ko na ang pag lakad ko para sa ganun, hindi niya na ako mahabol. Hindi niya na ako malapitan pa. Lakad-takbo na lamang ang ginawa ko para masiguro talaga, na hindi na siya makaka lapit pa sa akin. Hindi pa ako handa na dumating sa puntong lapitan at mag kausap kaming dalawa. Hindi pa ako handa, sa ganung sitwasyon. Matagumpay naman akong naka-iwas kay Taurus, at para sa akin isa iyon sa achivement na nagawa ko pero iniisip ko na iisa lamang kami na University na pinapasukan, hindi mag kakalayong mag cro-cross ulit kami ng mga landas. Kailangan ko pang mag handa sa mga susunod kapag dumating ang pag kakataon na mag kasalubong kaming muli. Bahala na. Sumapit na ang dapit tanghali, nalampasan ko ang ilang oras na pag tatago at iwas kay Taurus. Mag kasama na kami ni Nadya at alam ko naman na safe ako dahil sa puntong kasama ko na ang pinsan ko, malakas ang loob ko na hindi makaka lapit si Taurus sa akin. Gagamitin kong shield ni Nadya para harangan lamang na lapitan ako ng binata. “Oh, kanina ka pa ata hindi mapakali. May problema ka ba Chloe?” Pukaw na tanong ni Nadya kaya’t napa tigil naman ako sa ginagawa ko. Kanina pa ako hindi mapakali at parang aligaga na lamang. Kapag nag lalakad kami ni Nadya, pabaling-baling lamang ang tingin ko sa bawat kanto at sinisiguro ko talaga na wala si Taurus. “Ahh eh, wala naman.” Pilit akong ngumiti at kahit mag sinunggaling pa ako kay Nadya, alam ko naman na hindi ako paniniwalaan nito dahil lamang sa lubusan niya akong kilala. “Mamayang alas tres ng hapon ang tapos ng klase ko mamaya Chloe, ikaw ba?” Tanong nito na mag kasabay kaming nag lalakad sa labas at dinaraanan namin ang mga estudyante na kanya-kanya sila sa kanilang mga ginagawa. “Mga 6 pm.” Matamlay kong sambit dahil hindi na naman kami mag kakasabay pala ng uwi. Hindi lamang iyon ang pinag aalala ko, kundi iiwan na ako ng pinsan ko at panigurado may tyansa si Taurus na mag kita kaming dalawa. “Pwede bang hintayin mo na lang akong umuwi mamaya, Nadya?” Kunot-noo naman napa baling ng tingin sa akin ang pinsan ko at nag tataka. “Bakit? Himala ata, nag pasama ka sa akin ngayon.” “Wala naman. Gusto ko lang naman na mag kasama tayong umuwi.” Alangan akong ngumiti at ngumuso na lamang si Nadya sa akin. “Gusto ko sana kaso may lakad kami mamaya ng family ko, Chloe.” Hirit nitong kina-bagsak naman ng balikat ko sa sinabi niya. “Sa susunod na lang siguro Chloe, importante kasi ang lakad namin mamaya e—-OMG!” Hirit nitong napa tili na may tinitignan kong saan. “Si Taurus, Chloe.” Puna ng pinsan kong may tinitigan siya may kalayuan sa amin. Nanumbalik ang kaba na naman sa puso ko na makita si Taurus, mga 20 steps lang sa kina-tatayuan namin. Mag isa lamang ito at naka talikod sa amin at, korte pa lang ng katawan nito makikilanlan mo naman kaagad ang binata. “Lapitan natin Chloe, si Taurus?” Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya sa pag kabigla. Ha? Lapitan? “Ito na ang chance ko na mag papansin sakanya, halika na.” Sabay hatak ng kamay ko palapit sa binata na kaagad naman akong umiling. Huwag ano ba. “Ayaw ko Nadya.” Hinatahak ko naman ang pinsan ko na huwag lumapit dito, pero mas malakas ang pwersa niya na hindi ko siya mahatak-hatak. “Huwag na natin siyang lapitan, nakaka hiya.” “Anong nakaka hiya? Walang hiya-hiya pag dating sa pag-ibig, ano?” Tinaasan pa ako ng kilay ng pinsan ko at sabay hatak ng medyo malakas kaya’t napa usad naman ang paa ko ng dalawang hakbang lamang palapit. “Taurus! Hi!” Sigaw pa ng pinsan ko at tinaas ang kabilang kamay para kumaway sa binata para sa ganun, makuha namin ang atensyon nito. Namula na ang pisngi ko sa hiya at gusto ko na lamang na mag palamon sa kina-tatayuan ko dahil sa pinag gagawa ng pinsan ko. “Yohoy! Taurus!” Patuloy na sigaw ni Nadya at hinahatak ko na ang kamay nito paalis at nag isip na lang ako ng paraan para mapa tigil ko na ito sa kanyang ginagawa. “Ahh! Nadya,” pag pepeke na lamang akong dumaing na para bang may sakit na lamang para sa ganun makuha ko ang atensyon nito. “Masakit ang tyan ko. Halika na.” Impit kong wika na sobrang lukot na ang mukha ko kaya naman natigil si Nadya sa pag tawag sa pangalan ni Taurus. “Bakit? Ano bang masakit?” May pag aalala sa tono nito na mukhang effective naman ang pag papanggap ko sakanya. Kailangan ko lang talaga na galingan ko pa ang pag papanggap ko para sa ganun, maging kapani-paniwala talaga. “Halika na kasi, sobrang sakit na talaga ng tyan ko. Ah.” Humigpit pa ang pag kakahawak ko sa braso ng pinsan ko at napanatag naman ang kalooban ko na patuloy ko na nahatak ang pinsan ko palayo kay Taurus. “Sige, sasamahan na kita, halika na.” Naging malambot ang boses ni Nadya na puno ng pag aalala na makita akong nag dadaing na sa sakit. “Samahan na kita sa clinic,” malambing na wika ng pinsan ko na kina-hingga ko naman ng maluwag na tuluyan na kaming naka layo kay Taurus. Bago lumisan sa lugar na iyon, huli akong tumitig sa gawi ni Taurus kong saan ito naka tayo. At nahuli ko itong maanggas na naka tayo at sinusundan kami ng tingin ni Nadya paalis, pero kakaiba ang paraan ng titig niya sa akin. Shit! Nakita niya kaming umalis. Nakita niyang iniiwasan ko siya. Bahala na nga. CHLOE’S POV Pasado alas sais na nang gabi at sakto naman na tapos na ang pasok namin sa araw ngayon. Nag siuwian na rin ang ibang estudyante at iilan na lamang ang natira na mayron pang mga pasok. Ako na lang mag isang nag lalakad sa corridor hanggang natigil na lamang ako na kusang may paang huminto sa harapan ko. Napa-anggat na lamang ako ng mukha at nanlaki naman ang mata ko na makita si Taurus. Maanggas itong naka tayo at kay lamig niya ako tinignan, hindi ko mababasa kong galit ba ito o ano. Bigla akong natakot na makita na naman siya; na pilit ko na nga siyang iniiwasan. “Taurus.” Mahina ko na lamang na pag kakabigkas at hinakbang pa nito paa palapit sa akin kaya’t hindi ko na maikilos pa ang katawan ko. “Iniiwasan mo ba ako?” May tabang at galit sa tono na pag kakabigkas nito na hindi naman ako nakapag salita kaagad. s**t! Napansin niya siguro ang pag iwas ko sakanya. Paano ba ito? “H-Hindi ah, paano mo naman nasabi na iniiwasan kita?” Depensa ko naman na medyo nabubulol sa pag sasalita ko. “Sige na, maiwan na kita. Kanina pa sa akin nag hihintay si Nadya sa laba——“ ihahakbang ko ang paa ko palayo sana sakanya, na kaagad naman nag pahabol si Taurus na sasabihin. “Kanina pa umuwi si Nadya.” Salaysay nito na kusa na lamang akong napa pikit ng mata. Kainis. Pati iyon, alam niya rin? Ughh. “Diba, may lakad sila ng mga magulang niya kaya’t hindi ka niya nasamahan ngayon?” Anito at gusto ko na lamang mag palamon sa kahihiyan na nahuli niya ako. “Kasi an——“ “So, iniiwasan mo nga talaga ako.” Hindi na ako nakapag salita at gustuhin ko pa man mag depensa, huling-huli niya na ako. “Oo na, oo na. Bakit mo ba ako kinukulit?” Pag aaminin ko na may halong iritasyon na mapa-awang na lamang ang gilid ng labi ni Taurus. “f**k! Nasaktan ako doon, huh!” Nanuya nitong wika na nilapit nito ang nukha sa akin; ilang dangkal na lang ang lapit ng mukha namin sa isa’t-isa. “Pwede bang tantanan mo na ako Taurus, at huwag na huwag mo na rin akong lalapitan. Hindi kita nobyo okay? At hindi ako pumayag sa gusto mo!” Nilayo pa ni Taurus ang sarili niya sa akin at umayos ng pag kakatayo. “Sige, hindi na kita lalapitan at guguluhin.” Pang bibitin nitong wika. “Pero sasabihin ko sa lahat ng tao dito, na may nangyari na sa ating dalawa.. Ano kaya ang sasabihin nila kapag nalaman nila ang totoo?” May nag lalarong na plano sa isip nito at dahan-dahan ako ni Taurus tinalikuran. “Sige bye! Hindi mo naman ata gusto, na may kumalat pa na bagong issue, tungkol sa atin, hindi ba?” Tinaas ni Taurus ang kaliwang kamay tanda na pag papaalam sa akin at hinakbang na ang paa paalis. Napa-pikit na lamang ako ng mata ko, sa nangyari na palayo na nang palayo sa akin si Taurus. Nakaka asar talaga. “Sandali lang.” Pigil ko naman na kaagad naman kina-hinto ni Taurus sa pag lalakad, ngunit nanatiling naka talikod sa akin. “Sige na payag na ako, na maging tayo.” Mabigat kong wika na kina-mulat ko naman ng mata at nakita ko ang kakaibang ngisi ang gumuhit sa labi ni Taurus. Hay. Bahala na nga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD