Chapter 20

2720 Words
CHAPTER 20 CHLOE'S POV "Mamayang hapon pala, dadaanan namin ang Lola mo, sasama ka ba sa amin?" ang tanong ni Mama ang mag patigil sa akin sa pag kain. Araw nang sabado ngayon at mag kakasama silang kumakain ng almusal sa hapag-kainan at nilingon ko ang mga magulang kong naka pang bihis ng damit na pag pasok. Ganito kasing araw may pasok din ako sa school at pareho din na mga magulang ko may pasok rin sa trabaho, linggo lamang ang bakanteng araw na nilalaan nila pareho na mag kakasama o pumupunta sila at namamasyal sa ibang lugar. "Kayo na lang po siguro at tyaka marami pa kasi akong gagawin na assignment at activities sa school,"wika ko pa, na tinutuon ang atensyon ko sa pag kain. "Sayang naman kong hindi ka makakasama sa amin." May pag hihinayang na tono sa boses ni Mama. "Gustong-gusto ka pa naman makita ng Lola mo no'ng mag kausap kami sa telepono no'ng isang araw," anito na na hindi na lang ako kumibo. Kong ako lang talaga ang tatanungin gustong-gusto ko talaga sumama sakanila, kaso nag kataon naman na nag plano silang dadalaw sa Lola ko, iyon naman na marami akong gagawin sa school. Mag kakasabay kasi ang mga subject namin na nag bigay ng mga task at gagawin, na kailangan na maisubmit naming kaagad next week. Kailangan kong matapos kaagad bukas dahil marami-rami din ang gagawin ko at panigurado mag pupuyat na naman ako mamayang gabi sa pag tatapos lamang. "Pakisabi na lang kay Lola sorry po. Babawi na lang po ako sakanya sa mga susunod," malapit din ako kay Lola na madalas kaming mag ka-kwentuhan at kulitan kong minsan. Madalas lang naming siyang madalaw dahil na rin may kalayuan din ang bagay nito sa amin at nasa pangangalaga ito ng isang kapatid din ni Mama na si Tita Ruth. "Sige sasabihan ko ang Lola mo," "Baka doon na kami mag hapunan, mag luto kana lang ng makakain mo." Singgit pa naman ni Papa na seryoso lamang ngumunguya. "Opo," wika ko pa, at pinag patuloy na lamang ang pag tapos ng pag kain at ganun na rin ang mga magulang ko. Nabalutan ng katahimikan ang hapag-kainan at maririnig mo na lamang ang tunog ng kubyertos sa pag kain namin, hanggang ang tahimik kong pag kain, biglang naagaw nang mag vibrate na lang ang cellphone ko sa bulsa. Pasimple ko na lamang nilabas ang cellphone ko sa bulsa at hindi pinahalata sa mga magulang ko na gumagamit ako no'n sa oras ng pag-kain. Isa rin sa rules na pinapatupad ni Papa ang walang gagamit ng cellphone kapag oras ng kainan kaya't iniiwasan ko talaga na mag labag doon. [Good morning babe :)] Naningkit ang mata ko na mabasa ang text message, na kina-inis ko naman na mahulaan kong kanino iyon galing. Kanino pa ba? Eh walang iba lang naman si Taurus. Ang aging-aga, nang bwi-bwisit na naman ang lalaking ito. Ganiyan siya parati oras-oras nag papadala ng mensahe at maya't-maya rin tumatawag na bigla na lang akong natataranta. "Babe mo mukha mo," mahina na bulong ko na lamang na hindi inaalis ang mata ko sa text message na pinadala nito. Ibabalik ko na sana ang cellphone ko sa bulsa nang sunod-sunod na mag vibrate no'n sa aking kamay at pag appear din ng mga text message na pinadala na naman. [Kumain kana? Huwag kang mag papalipas ng gutom.] wow! Apaka corny. [I'm having toast bread, egg and juice for breakfast.] eh pakialam ko? [see you at school. Ingat ka parati babe, mamahalin pa kita babe.] Napa-ngiwi na lang ako sa huling mensahe na pinadala nito na kahit ako mismo na co-cornyhan. "Kaylan niya ba ako tatantanan? Nakaka-inis na," himutok ko naman sa isang tabi. "Sino ba ang katext mo, Hija?" ang malambing na boses ni Mama ang mag pataranta sa akin na kamuntik ko nang mabitawan ang cellphone ko. Kabado akong lumingon sa mga magulang ko, na may daplis na pawis na namuo sa buong pag katao ko na ang atensyon nila naka pako sa akin at may pag kikilatis kong paano nila ako titigan. "W-Wala po, si Nadya nag text po sa akin," nag bubuhol na ang dila ko sa pag papaliwanag at lalo pa akong kinabahan sa kakaibang titig sa akin ni Papa na medyo galit nga. Patay! Nahuli nila ako. Alangan na lang akong ngumiti sakanila pero hindi pa rin mawala-wala ang takot sa puso ko. "Ang kulit po kasi ni Nadya, panay tanong sa akin tungkol sa projects namin," pag dadahilan ko na lamang para sa ganun, hindi na sila mag duda at magalit. Lalong-lalo na si Papa na ayaw-ayaw nito sa lahat talaga ang sumusuway sa rules niya at ngayon tiyak nag alit na ito na mahuli nila ako. Lumunok pa ako ng laway at binalik ko sa pag kakasilid ang cellphone ko sa bulsa, sa gilid naman ng mata ko panaka-naka kong nahuhuli si Papa, na sumusulyap sa pwesto ko, na kahit hindi ito umimik ramdam ko talaga ang galit nitong presinsya na kabahan pa ako lalo. "Baka kong sino-sino na naman ang katext mo," mahina ngunit may laman na wika ni Papa, na mag pabigat pa lalo ng aking pag hingga. Pawisan akong sumulyap kay Papa na ngumunguya ng pag kain at masisindak ka talaga sa galit at nag babantang pag titig nito. Si Papa kasi ang klase ng lalaki, na hindi umiimik pero nakaka takot kapag nagalit at nasagad mo na ito. Minsan ko na si Papa, nasaksihan na magalit at ayaw ko nang maulit pang makita iyon. "Ayaw kong malaman na may ugnayan ka pa sa Bernard na iyan!" simple lamang ang salita nito subalit, nakakakaba. Paano? Paano niya nalaman ang tungkol sa amin ni Bernard? Maski ako wala naman pinag sabihan bukod tangi lamang si Mama. Bigla naman nag karoon ng tensyon sa hapag-kainan na maski si Mama, hindi na rin umimik at nakikiramdam na lamang sa susunod pang nangyayari. "Ayaw ko nang makita at malaman na kasama mo pa ang lalaking iyon, Chloe at baka mag dilim ang paningin ko at mabugbog ko pa ang hayop na iyon!" nag tagis ang ngipin ni Papa habang nag sasalita. Sa isang iglap lamang dumilim at nakaka takot na ang mustra ng mukha nito, na kina-lakas naman lalo ng pintig ng aking puso. "Yes po Papa," mahina ko na lamang na wika at niyuko ko na lamang ang ulo ko dahil hindi ko kayang salubongin ang mata'y nitong umaapoy na sa galit. "Hon, huwag mong taasan ang boses mo at baka matakot ang anak natin," singgit ni Mama na binalingan siya ni Papa na uyam na titig, na kaagad naman kina-hinto nito. "Pinag sasabihan ko lang ang anak natin at ayaw kong mapunta siya sa kagaya nang lalaking iyon na walang-kwenta!" giit nitong hindi mag papatalo. "Gusto kong mag focus kana lang sa pag aaral mo, Chloe at iwasan mo na rin ang Bernard na iyon. Nag kakaintindihan ba tayo?" banta nitong kabado naman akong tumango bilang pag sang-ayon sa kanyang sasabihin. "Yes po Papa." Sapat na ang hina ng boses na marinig nito ang magiging sagot ko. Hindi na lang ako kumibo at pinag patuloy na rin ang pag tapos ko ng pag-kain na hindi pa rin nawala ang nakaka takot na mustra ng mukha ni Papa. **** “Hindi niya ba talaga ako tatantanan?” Himutok ko na lang wika na ini-scroll ang text message na pinadala sa akin ni Taurus. Sumakit na ang kamay ko kaka scroll na katumbas 102 text messages at 14 missed call sa loob lamang ng apat na oras na hindi ko lamang natignan ang cellphone ko ma naka lagay sa bulsa kanina. Hindi ko na binabasa ang text nito, at dinadaanan ko na lang ng tingin dahil wala naman ako sa mood na basahin lahat ng mga text na puro ka sweetan lang naman ang laman. Ewan. Nabwi-bwisit talaga ako. Wala naman talaga akong plano na sakyan tungkol sa relasyon namin. Nasagot ko lang naman siya na wala sa bukal ng loob ko dahil inipit niya lang naman ako. Tinakot niya ako na ipag kakalat sa buong Campus, na may nangyari sa aming dalawa kapag hindi ako pumayag sa gusto niya. Oh diba? Kaya naiinis talaga ako sakanya. "Sino ba kasi iyan?" ang pag susungit sa akin ni Nadya ang mag balik sa akin sa realidad. "W-Wala?" pag uulit kong pinaningkitan naman ako ng mata nito. Kasalukuyan silang nag lalakad na dalawa dahil maagang natapos ang pasok nila ngayong araw. Alas dos na nang hapon at wala naman silang gagawin, nakaka salubong din nila ang ibang mga estudyante na abala sa kanilang ginagawa. "Ts, anong wala? Kanina pa ako nag sasalita dito tapos hindi ka naman pala nakikinig sa akin." salaysay nitong napa pikit na lang ako ng mariin. "Sino ba ang katext mo na iyan at mapagalitan ko na!" tangkang sisilipin sana ni Nadya ang cellphone ko na kaagad ko naman kina-layo sakanya dahil na rin sa takot na malaman nito ang tungkol sa amin ni Taurus. Nag kasalubong na ang kilay ni Nadya na tumingin sa akin at mababasa ko sa kanyang mata na nainis na ito sa akin, na hindi ko sakanya pinakita ang cellphone ko, na dati-rati naman ginagawa ko iyon. Dumaplis na ang malamig na pawis sa buong katawan ko na tumitig sa akin ang pinsan ko na kay sama at puno ng pag babanta. "Wala ito, si Mama lang nag text, nangangamusta." pag dadahilan ko na lamang na hindi pa rin ito kumbinsado sa sinabi ko na may pag duda pa rin kong paano ako tignan. "Totoo, si Mama nga ang katext ko," wika ko pang kina-ismid na lang nito. "Sabi mo eh," Para naman ako nabunutan ng tinik sa dibdib na pinaniwalaan nito ang sinabi ko at hindi na nag kulit pa sa akin si Nadya. Naka hingga ako ng malalim at pasimple ko na lang tinignan ang pinsan kong tahimik lamang sa tabi ko. May isang parte din sa dibdib ko ang nakokonsensiya, na hindi ko masabi sakanya ang tungkol sa amin ni Taurus. Sa totoo lang talaga, hindi pa ako handang sabihin sakanya ang totoo at kahit na rin ako hindi pa rin handa sa mga nangyayari. Gusto kong itago na lang muna ito para sa sarili ko dahil na rin sariwa pa ang rumors tungkol sa hiwalayan naming dalawa ni Bernard at ayaw ko naman na may bago na naman na rumors na pag kakaabalahan ang mga estudyante kapag nalaman nilang boyfriend ko lang naman ang anak ng may ari ng Apollo university. Panigurado marami nang kukuyog sa akin na mga estudyante at iyon naman ang iniiwasan kong mangyari. TAURUS [Asan ka] [Tapos na ang pasok ko ngayong araw. Kain tayo sa labas?] Seen. Tauus typing. [I can’t believe this, hawak mo naman ang cellphone mo yet, hindi mo talaga ako magawang replyan?] nagimbal ang buong pag katao ko na mabasa ang text message sa akin ni Taurus. Oh my god! Alam niya? Nakita niya ako? Pawisan akong lumingon sa kaliwa’t-kanan ko para kompirmahin kong nandiyan nga si Taurus sa paligid at kusang nanigas ang buong katawan ko nang huminto ang aking mata na may nahagip na bulto ng isang tao naka tayo lamang sa harapan namin ni Nadya. Taurus? Nanuyo ang laway sa aking lalamunan na hindi inaalis ang mata sa malamig nitong pag titig sa direksyon sa amin, na iyon naman kina-lunok ko ng laway. Nag vibrate muli ang cellphone ko at takot binasa ko ang text message na pinadala niya sa akin. Taurus typing. [Kanina pa ako nag te-text at nag tatawag sa’yo hindi mo man lang nagawang sagutin. Nakaka sakit kana ng damdamin babe.] s**t. Taurus typing. Tantanan mo na ako, please. [Re-replyan mo ako o baka gusto mong lumapit ako sainyo ngayon ni Nadya?] gumuguhit ang takot sa puso ko na mabasa ko ang mensahe na kina-lingon ko naman sa gawi ni Taurus na pangiti-ngiti pa ito. Bwisit talaga. Kulang na lang dumugo ang ibaba kong labi sa diin ng pag kakakagat ko at nag tipa muli ng reply sakanya. Chloe’s typing. [Oo na, mag rereply na. Bakit ka ba nangungulit sa akin?] sent. Taurus typing… [Kain tayo sa labas ngayon. Let’s go?] tumingin ako sa direksyon ni Taurus na mabasa ang text at nag sesenyas na ito na aalis na kami, na kina- nigas naman ng katawan ko. Seryoso na ba ang lalaking ito? Ngayon talaga? Gusto niya talaga na malaman ng lahat ang tungkol sa amin? Mabilis naman akong tumitig sa cellphone ko at nag tipa kaagad ng text message. [Hindi ako pwede ngayon, may lakad kami ni Nadya] sent. Taurus seen. Taurus typing… [Okay, bukas na lang tayo aalis. Mag da-date tayo.] namilog ang mata ko na mabasa ang text niya. What? Date? Nahihibang na ba ang lalaking ito? Chloe seen. Taurus typing.. [Ayaw mo? Oh baka gusto mong sainyo na lang ako sasama ng pinsan niyo sa lakad niyo ngayon?] kina-pikit ko na lang ng mata at pag dilat ko ng mata ko kasabay ang malalim na buntong-hininga. Kainis talaga siya. Ughh. Chloe’s typing. [Oo na, sige na.] sagot ko naman para matapos na ito at tantanan niya na rin ako. Taurus seen. Taurus tying. [Okay, see you tomorrow babe. Ingat kayo sa lakad niyo ni Nadya.] nanuyuan na ang laway sa aking lalamunan na mabasa ang text message nito at hindi na ako nag reply pa sakanya muli. Sinilid ko na lang ang cellphone ko sa bulsa at tinignan ko si Taurus na may ngisi sa kanyang labi, na hindi inaalis ang mata sa aming dalawa ni Nadya. Hinawakan ko na ang braso ng pinsan ko at hinatak na ito sa papunta sa kabilang bahagi, malayong-malayo kay Taurus. Bakit hindi niya ako magawang tantanan? Ughh. CHLOE’S POV “Chloe.” Mahinang tawag sa akin ni Mama na kina-inggos ko naman sa pag kakatulog. “Chloe, anak.” Malambing na boses nito na kina-yugyog nito ang balikat ko para sa ganun magising ako. “Hmm.” Sagot ko na lang na pikit-mata at tumagilid sa pag kakahiga. “Bakit po Mama?” Inaantok ko pang wika. “Linggo ngayon Mama, wala akong pasok ngayon. Mamaya niyo na ako gisingin.” Wika ko pa na ayaw mag pa istorbo. Pasado alas dos na ako ng madaling araw, naka tulog para tapusin lamang ang mga assignment at activities ko sa school at wala pa akong sapat na tulog. “Alam ko anak.” Wika nitong muli. “Kailangan mo na riyan bumangon dahil may bisita ka.” “Kong si Nadya lang naman ang bisita ko, pabalikin niyo na lang siya mamaya Mama. Inaantok pa talaga ako.” Himutok ko naman na wika sabay tinakpan ang sarili ko gamit lamang ang makapal na comforter. Ramdam ko pa rin ang presinsiya ni Mama sa tabi ko at hindi pa rin ito umaalis. “Hindi si Nadya ang bisita mo, kundi nobyo mo raw.” Anito na hindi sigurado? Huh? Nobyo? “Wala akong nobyo Mama.” Wika ko pa. Ano bang nangyayari kay Mama? Siya kaya ang antok kaysa sa akin, at nag sasabi ng walang kabuluhan. “Meron anak at nasa ibaba nga siya ngayon at naka usap ko kanina. Sino nga ang pangalan ng nobyo mo? T-Ta? Taurus?” Ang salita ni Mama ang kusang napa balikwas sa akin sa pag kakahiga. “Ano!?” Sigaw ko na na namilog na ang mata ko sa pag kagulat na tinignan si Mama na nagulat ito sa bigla kong pag bangon. Napaka bilis na nang pintig ng aking puso at wala na akong pinalampas na pag kakataon at nag mamadali na akong bumangon sa pag kakahiga sa kama. Tinakbo ko na palabas ng aking silid at wala akong pakialam kong magulo man ang buhok ko o may panis man na laway sa gilid ng labi ko. Gusto ko lang makita, kong totoo ang sinasabi sa akin ni Mama. No. No. It can’t be. Tinakbo ko na ang pasilyo sa ikalawang palapag at pababa ng hagyan at kulang na lang madapa ako, sa bilis na pag takbo na matagumpay akong naka baba. Namilog ang mata ko na makita ang isang lalaki na perinte itong naka upo sa couch. At nang makita niya ako, naging slow motion na tumayo siya at may ngiti na sinalubong ako. Taurus? Anong ginagawa niya dito? Kainis naman kasi eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD