Chapter 27

1506 Words
Chapter 27 CHLOE'S POV Kagat-labing naka tutok ang mata ko sa cellphone ko na naka lapag sa ibabaw ng lamesa. Hindi ako maka centro sa kosentrasyon sa aking ginagawa, dahil hanggang ngayon wala pa rin akong natanggap na mensahe o kaya naman tawag mula kay Taurus. Bakit kaya hindi siya nag paparamdam hanggang ngayon? May nangyari ba kaya? Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang pag babago ng mustra ng mukha ni Taurus na sabihin na ang kanyang Papa ang nag text kanina. Malakas talaga ang kutob kong may nangyari. Pinag lalaruan ko sa kabila kong kamay ang hawak kong ballpen na hindi mapakali, sa aking ginagawa. Hindi maalis-alis ang mata ko sa cellphone nag babakasakaling umilaw iyon pero wala pa rin. Nang hindi na ako maka tiis, walang pag aalingan na kinuha ang cellphone ko at binuksan na. Ganun na lamang ang pag hihinayang ko na mag appear sa screen ang wallpaper doon at wala man lang text na mula kay Taurus. “Wala pa rin?” Wika ko na lamang at tinignan ang oras na pasado dyes na nang gabi. Pinilig ko na lamang ang aking ulo para iwaksi ang nag lalaro sa aking isipan. Ano ka aba Chloe, nag aalala ka sa lalaking iyon? Eh, ano naman kong hindi siya mag paramdam sa’yo? Mabuti nga iyon kasi, wala nang mang kukulit pa sa’yo. Wala nang mag iistorbo sa’yo. Pero kahit ibaling ko man ang atensyon at isipan ko saan, pero hindi pa rin talaga maitatanggi na nag aalala nga talaga ako. Hanggang napa tigil na lamang ako sa pag iisip nang marinig ang munting tunong, na mag paagaw ng atensyon ko. Hindi lamang isang beses ang tunog na narinig ko, kundi naka dalawa o tatlo pa iyon. Tunog na nanggaling sa pag tama na isang bagay sa salamin ng aking bintana kaya’t kaagad naman akong napa tayo sa aking kina-uupuan para silipin at alamin na rin kong ano ba talga iyon. Takang-taka ako at may malaking isang tandang pananong sa isipan kong hinahakbang ang paa ko palapit kong saan, naririnig ko ang munting tunog na pag tama ng maliit na bato sa bintana ng salamin. Ano iyon? Nang maka lapit na ako sa bintana at hinawi ang kurtinang puti, dumunggaw ako para alamin kong sino ang marahas na nag babato ng maliit na bato sa bintana ko pero kaagad naman nanlaki ang mata ko sa nasaksihan ko ang isang lalaking naka tayo sa harapan ng bahay namin. Taurus? Nandito siya? Anong ginagawa niya dito? Nang makita ni Taurus na naka dunggaw ako sa binatana, iyon naman ang pag tigil niya sa pag babato. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong nakita ko siya sa harapan ng bahay namin kaya’t dali-dali naman akong kumaripas ng takbo para puntahan na rin siya. Hindi ko na inintindi kong ano man ang ayos kong haharap sakanya, na naka damit na ako na terno na pantulog pero bahala na. May konting sabik sa aking dibdib at saya na rin na nandito siya sa amin. Sakto naman na nasa silid na pareho ang aking mga magulang, na halos takbuhin ko lamang pababa para puntahan siya. Hini-hinggal pa akong naka labas ng bahay namin at hinarap si Taurus. “Taurus, anong ginagawa mo dito?” Salubong kong tanong na niluluwagan ng konti ang pag kakabukas ng gate namin para sa ganun, maging komportable kaming mag kakausap na dalawa. Naririnig ko na mismo ang malakas na t***k ng puso ko dahilan na lamang na pag takbo ko kanina at isa pa rin ang bigla-bigla nitong pag punta sa bahay namin na ganitong oras. Kabado rin ng konti na baka makita siya ng mga magulang ko subalit, hindi ko na lang inintindi. “Nothing, just checking on you.” Malamig pa sa yelo na sagot sa akin at hindi niya ako kayang titigan sa mata na para bang umiiwas siya. “Sige na, aalis na ako at pumasok kana rin sa loob niyo.” Ilap na ilap siyang makipag-usap at tangkang aalis na sana na mabilis ko naman na hinuli ang kanyang pulsuhan. “Sandali.” Pigil ko na lamang subalit, naka talikod na siya sa akin na para bang may tinatago na ayaw ipakita sa akin. Isang bagay rin ang pinag tataka ko, dahil naka suot pa siya ng uniforme, ganun na ganun ang ayos at suot niya bago niya ako hinatid kanina. “Huwag kana muna umalis,” pigil ko at hinila ko si Taurus, sakto naman na humarap siya sa akin. Kusa na lamang akong napa bitaw sakanya at napa-tutop sa aking bibig na makita ang daplis na sugat ng kanyang labi. “Anong nangyari diyan? Bakit ka may sugat?” Tanong ko at matabang naman siyang umiwas. “Wala ito.” Pag tatangi na hinuhuli ko ang kanyang tingin subalit nagiging mailap siya na makita ko kong ano man ang nangyari sakanya. Yumakap ang matinding pag aalala sa dibdib ko na makita siya ng ganun, ibang-iba sa Taurus na kilala ko. “Sige na, pumasok kana sa loob at baka pagalitan ka pa ni Tita.” Pag tataboy nito. “Ano ba kasing problema? Bakit may sugat ka?” Pag uulit ko na tanong pero iwas siyang sumagot. “Uuwi kana ba sainyo?” “Hindi, mag papalamig muna ako.” “Ano ba kasing nangyari? Hmm?” Wika ko pa at nag hihintay muli ng kasagutan mula sakanya. Kahit hindi niya sabihin sa akin, ramdam ko naman na may nangyari matapos niya akong ihatid sa amin. “Kong hindi ka pa uuwi sainyo, sasamahan muna kita.” Giit ko na lamang pero wala pa rin na sagot at bumaling siya ng tingin sa akin. Malamlam akong tinignan sa mata ni Taurus. ***** Malayo pa lang natatanaw ko na si Taurus. Naka hiwalay ang tuhod nito at medyo naka yungo ang kanyang likod, na naka upo sa bleacher at para bang napaka lalim ng kanyang iniisip. “Ito oh.” Nang maka lapit na ako inabot ko sakanya ang bottled water na binili ko at sinabayan ko na lang ng pag kain at baka hindi pa siya kumakain. Tininggala naman ako ni Taurus at nandon pa ang pag aalinlangan na kunin sa kamay ko ang inalok ko, subalit tinanggap rin naman. “Salamat.” Humingga siya ng malalim at inayos ang pag kakaupo sa bleachers. Pinili ko naman na tumabi sakanya at nilapag na rin sa kaliwang bahagi ng upuan ang bottled water na para rin sa akin at pag kain na rin. Binuksan ni Taurus ang inumin at ininom niya naman. Hindi pa rin matapos-tapos ang malalim nitong pag buntong-hiningga at pananahimik simula no’ng dumating kami dito kanina. “Ano ba kasing nangyari Taurus? Pwede mo naman sabihin sa akin, baka naman maka tulong ako sa’y——-“ “Nag away kami kanina ni Dad.” Pag tatapos neto ng sasabihin ko. “Siya ba ang dahilan ng pag kakaroon mo ng pasa at sugat?” Tumango na lamang ito bilang sagot sa akin. “Nalaman niya kasi na binugbog ko si Louie at anak pala ng Consehal.” “Sanabi mo sana ang dahilan sa Daddy mo, kaya’t binugbog mo ang mga lalaki kanina dahil sa may kasalanan sila sa akin. Panigurado na maintindihan niya iyon at hindi sana kayo nag away ng ganito,” “f**k! Even if I tell him the truth, hindi niya pa rin ako pakikinggan.” Uyam na wika. “Tangina, kong umasta siya, akala mo naman perpektong asawa at Ama.” “Intindihin mo na lang ang Daddy mo, iniisip ka lang niya siguro kaya niya nagawa iyon.” “You don’t know him, Chloe. He is selfish, horrid and he only thinks about himself. Wala siyang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao.” “Nabigla lang siguro ang Daddy mo, kaya’t nagawa niya ang bagay na iyon. Wala naman na ama na hanggad na ipahamak at saktan ang kanyang anak.” Wika ko na lamang at nagulat na lamang ako na sumandal si Taurus sa balikat ko na kina-bigat naman ng pag hingga ko. May konting kilig at kuryente akong naramdaman sa sarili ko sa simpleng ginawa ni Taurus. Naka tingin si Taurus sa kawalan st sabay naming dalawa pinag mamasdan ang napaka gandang tanawin sa harapan namin. “I’m glad, na kasama kita ngayon Chloe, kundi hindi ko na siguro alam ang gagawin ko kong hindi kita nakilala.” Hindi na lamang ako sumagot sakanya at nanatili kami ng ganun na posisyon mahigit limang minuto at pinutol nito ang katahimikan sa panig naming dalawa. “Chloe.” Tawag nito na mahina na kina- alis ni Taurus ang sarili niya sa pag kakayungko niya sa balikat ko. “Hmm?” Sagot ko na lamang at bumaling ng tingin sakanya na ngayo’y may kakaibang ningning ang kanyang mata. Hinawakan nito ang kaliwa kong pisngi at unti-unti nitong nilalapit ang mukha niya sa akin. Huli ko na lamang naramdaman ang mainit na pag dampi ng labi nito sa akin, at naririnig ko na lamang ang pintig ng aking puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD