Chapter 28

3193 Words
Chapter 28 CHLOE'S POV Hindi pa man ako nakakababa ng motor ni Taurus, napaka lakas na kaagad ang pintig ng aking puso na makita na bukas lahat ng ilaw sa bahay namin. Hindi ko maipaliwanag ang takot at kaba ang lumukob sa dibdib ko na pasubling gising ang aking mga magulang. Nang maitapat na inihuminto ang motor ni Taurus sa bahay namin, dali-dali naman akong bumaba at hunubad na rin ang helmet. Taranta na akong kumilos, dahil sa posibilidad na nalaman na nito ang pag alis ko. Isa ring bagay ang kinakatakutan ko, iyong pareho sasalubongin ang galit ng aking mga magulang, na hindi naman ako nag paalam sakanila. Napansin siguro ni Taurus ang pag mamadali ko, kaya’t kinuha niya sa hawak ko ang helmet at hinubad niya na rin sakanya at nilagay na rin sa ibabaw ng kanyang motor. “Sige na Taurus, mauna kanang umuwi.” Pag tataboy ko sa binata dahil baka makita pa siya ng mga magulang ko at baka sumabog pa ang galit nila na malama nito na umalis ako nang dis- oras ng gabi kasama ang isang lalaki. “Papasok na ako sa loob at baka kanina pa ako hinahanap ng mga magulang k——“ “Chloe!” Ang malagong at nakaka takot na boses na pag tawag sa aking pangalan ang mag patigas ng katawan ko at naramdaman ko ang presinsiya ng bagong dating sa gilid ko naka tayo. Pakiramdam ko malalagutan na ako ng nang hiningga ng sandaling makilanlan ko, kong kanino nag mula ang boses na pag tawag sa akin. Pawisan naman akong lumingon, at nanlambot kaagad ang tuhod ko na makita ang mga magulang ko na naka tayo sa may gate namin. May pag aalala pareho ang kanilang mga mata, at hindi na maipinta ang kanilang mga itsura ngayo’y nakita nila si Taurus. “Ma, Pa.” Mahina at subalit kabado kong tawag sa mga magulang ko. Naririnig ko na mismo ang pintig ng aking puso at bumaling ng tingin kay Papa na kay dilim na ang mustra ng mukha at mukhang galit nga. “Good evening po Tita, Tito.” Magalang na pag bati ni Taurus sa aking mga magulang at umalis sa pag kaka-anggas sa motor nito. Hindi ako naka ligtas sa galit na paraan na titig sa akin ni Papa, at alam kong sasalubongin ko na naman ang galit niya ngayon. Wala man lang ka reaksyon ang mukha ng mga magulang ko, halatang dismayado at hindi nila nagustuhan kong ano man ang nasaksihan nila. Patay! Nang mapansin ni Taurus ang malamig na presinsiya na lumukob sa panig ng lahat, kaagad naman pinutol iyon na mag salita muli ito. “Huwag niyo na pong pagalitan si Chloe; ako na lang po ang pagalitan niyo kong niyaya ko siya lumabas na ganitong oras.” Patuloy na pag hinggi ni Taurus ng despinsa subalit wala man lang kaming nakuhang sagot sa mga magulang ko, kaya’t umaapaw ang pangamba sa puso ko. “Pasensiya na po talaga, ho.” “Pumasok muna kayo sa loob.” Matigas at ma owtoridad na wika ni Papa, na dapat mo iyon sundin na kina-bilis naman ng pintig ng puso ko. Ha? Ano? Pumasok kami sa loob? Kaming dalawa ba ni Taurus? Nangilabot at may pangamba sa puso ko sa katagang binitawan ni Papa at para ba akong lilitisin sa pag kakataon na iyon sa takot na nararamdaman ko. Hindi lamang takot ko ang kinakaharap ko, kundi takot sa mga magulang ko. Isang matalim at nag babantang titig ang pinukulan sa amin ni Papa at mabibigat ang pag hingga nitong tinalikuran na kami para pumasok sa loob ng bahay. Kulang na lang mangiyak-ngiyak na ako sa takot dahil panigurado papagalitan talaga kami neto. Papagalitan at iyon naman ang ayaw kong mangyari. Nangingiusap at humihinggi na lang ako ng tulong kay Mama sa paraan na maka- hulugang titig sakanya, subalit sinenyasan niya ako na dapat kaming sumunod sakanila sa loob. Nag lakad na si Mama papasok nang bahay samantala naman wala sa sariling napa baling na lang ako ng tingin kay Taurus na perinte lamang naka tayo sa gilid ko. Kulang na lang dumugo na ang ibabang labi ko, sa diin na pag kakakagat doon. Patay talaga. **** Hindi na ako mapakali sa kina-uupuan ko na ngayo’y mag kakaharap na kami sa malawak na sala. Mag katabi kami ni Taurus sa mahabang couch samantala naman si Papa, kanina pa ito tahimik at maitim at galit pa rin ang mustra ng mukha nito. Maririnig mo na lang ang mabigat na tensyon sa pagitan namin sa malawak na sala, samantala naman kina-lingon ko naman si Taurus sa tabi ko, at para bang wala lamang sakanya ang lahat. Wala akong nakitang takot at pangamba sa mukha nito na hinarap si Papa. Naputol lamang ang tensyon na dumating si Mama at bitbit nito ang hot chocolate na gawa. “Uminom muna kayo ng mainit na chocolate.” Wika ni Mama at mainggat nitong nilapag sa babasagin na na table at pag katapos, kina balik nitong maupo sa tabi ni Papa. “P-Pa, kasi p——“ pag lalakas kong loob na wika na kaagad naman pinutol iyon ni Papa. “Hindi ko gusto ang lumalabas ng des-oras ng gabi!” Gumuguhit na nakaka-takot na wika nito na mag pabalik ng takot sa puso ko. “Lalong-lalo na ikaw, Chloe! Kababae mong tao, lumalabas ka ng gabi at kasama ang isang lalaki. Ano na lang ang sasabihin at iisipin ng mga tao kapag nakita kayong mag-kasama, huh?” Galit na tono nito na hindi ko kayang salubongin ang galit na kanyang mga mata. “Hon.” Mahinang pag papakalma sakanya ni Mama na mahinang boses. “Sorry po talaga Papa.” Paumanhin ko na lamang. Hindi naman masama ang loob ko sa pag papagalit niya sa amin dahil alam ko naman ang pag kakamali ko, iyon ang umalis ng gabi at hindi nag paalam sakanila. “Hindi maganda na lalabas pa kayo at hindi nag papaalam. Nag aalala kami ng Mama mo sa’yo, akala namin natutulog ka lang sa silid mo at nag aaral, iyon pala mag kasama kayong dalawa. Hindi mo ba alam kong paano na kahirap at kadelikado sa panahon ngayon at ano pa ang mangyari sa pag labas-labas niyong iyan!” “Pasensiya na po talaga Tito, hindi na po mauulit ito.” Si Taurus na ang sumagot sa pag papagalit sa aming dalawa. “Ikaw ba? Ikaw ba ang boyfriend ng anak kong ito?” Buong diin nitong pag lilitis sa aming dalawa. “Opo Tito.” Wika ni Taurus at humingga na lang si Papa ng malalim. “Hindi rin maganda at maayos tignan sa isang lalaki na aayain mo ang nobya o babae lalong-lalo na kong gabi at lalabas pa kayo.. Kong maayos at desinte kang lalaki, dapat alam mo na ang pinu-punto ko ngayon!” Uyam na wika nito. “Mabait ang anak namin at pina laki namin siya ng maayos. Dapat sa maayos rin kayong lugar na dalawa nag kikita o nag sasama; hindi kong saan-saan na madilim na lugar mo siya dadalhin!” “Naiintindihan ko po Tito, pasensiya na po talaga, hindi na mauulit ito. Aaminin kong nag kamali rin ako sa mga naging aksyon ko at hindi ko gaanong pinag isipan.” Anito na hindi na lang kina-sagot pa ni Papa at nag katinginan na lamang sila ni Mama. “Ako na ang humihinggi ng paumanhin po sainyo Tita, kong pinag aalala pa namin kayo ni Chloe. Pasensiya na po talaga.” “Hindi naman namin pinag babawalan na mag karoon ng nobyo itong anak namin at hindi rin kami tutol kong mag kita o mag sama na dalawa, pero dapat alam niyo rin ang tamang oras na pag labas.” “Opo, sorry po talaga Papa.” Paumanhin ko na lamang. Tumagal pa si Taurus sa bahay namin ng limang minuto mahigit at mabuti na lang talaga nakalma na rin si Papa at hindi na ito gaanong nagalit ito sa pag labas namin ni Taurus, sa una lang naman ang galit niya pero kina-launan nawawala rin naman kaagad kapag nailabas na nito. Nag kwentuhan pa sila ng mga magulang ko at nag tanong pa sila ng kong ano-ano kay Taurus, samantala naman ako nakikinig lamang sa pinag uusapan nila. “Sige po Tito, Tita, mauna na po akong umuwi at baka nakaka istorbo na po ako sainyo.” Tumayo na si Taurus, matapos ang mahigit sampung minuto na pag stay sa bahay namin. “Ngayon kana ba uuwi sainyo Hijo?” Tanong ni Mama. “May problema po sa bahay, kaya’t hahanap na lang ako ng pinaka malapit na pwede check-inan na hotel.” Cool na wika ni Taurus na kina-tayo nito, handa nang umalis. “Napaka lakas pa naman ang ulan sa labas Hijo, at nabalita kanina na masama ang panahon ngayon. Kong uuwi ka ngayon baka maabutan ka ng baha sa daaan.” Salaysay ni Mama, na ngayo’y malakas ang pag buhos ng ulan sa labas. Hindi lamang simpleng pag patak ng ulan ang bumubugso sa labas kundi, malalakas at halatang masama nga ang panahon. “Ayos lang po talaga Tita at baka titila lang naman po ang ulan.” “Mabuti pang dito kana lang mag palipas nang gabi sa amin.” Nanlaki naman ang mata ko sa naging sagot ni Papa. Ha? Ano? Dito matutulog si Taurus sa bahay namin? Kahit na rin si Taurus nabigla rin sa suhesyon nito, hindi nito alam kong papayag ba siya or tatanggihan niya ang magandang loob na alok ni Papa. “Huwag na po at ayaw kong maka abala sainyo.” Giit na lamang ni Taurus at nag aalangan pa ito sa mga magulang ko. “I insist.” Masungit na wika ni Papa. “Baka kong ano pa ang mangyari sa’yo sa daan kaya’t dito kana lang matulog.. May bakante naman naman kami guest room namin doon kana lang mag pahingga muna, hanggang maging maayos na ang panahon.” “Pa.” Pinanlakihah ko na lamang ng mata si Papa; para maging tutol sa mga sinasabi nito. Seryoso ba talaga siya? Dito niya papatulugin sa bahay namin ito si Taurus? Noon nga na ilang taon kaming mag kasintahan ni Bernard, hindi niya kami hinahayaan na mag sama ng matagal lalo’t na kapag gabi. Strikto din si Papa sa mga bagay-bagay at hindi nito hinahayaan na may matulog na lalaki sa bahay namin, lalong-lalo na kong nobyo ko pa. Pero bakit biglang nag iba ang ihip nang hangin, at kong si Taurus, okay lang sakanya. Sa totoo lang talaga, nabibigla lang talaga ako sa nangyayari at hindi ko inaasahan na ganito na lamang na papayagan niya ito. Walang pag aalingalangan sa mata ni Papa at sa expression ng mukha, na para bang seryoso ito sa sinasabi niya. “Oh bakit? Hahayaan mong sumuong sa malakas na ulan at baha sa daan ang boyfriend mo? Hindi ka ba naawa?” Pinanlakihan ako ng mata ni Papa at sa simpleng pag susungit nito, kayang-kaya akong patahimikin. “Mabuti pang samahan mo na muna si Taurus sa guest room,” Ha? Ako talaga? Bakit, hindi sila? “Sige na Hija, samahan mo na si Taurus sa itaas.” Pag ngungumbinsi ni Mama na mahinang wika at bagsak balikat akong tumayo at sinamahan na si Taurus sa ikalawang palapag para ipakita sakanya ang guest room. Pag dating namin sa itaas, wala pa rin kaming kibo ni Taurus, tinulak ko na pabukas ang silid at kaagad din naman tumambad sa amin ang katamtaman lamang na kwarto. Maaliwalas at maganda ang silid at kompleto rin sa gamit, may sariling wardrobe sa loob, na pwede mo ilagay ang damit o kaya naman ibang gamit mo. May study table rin kong gusto mo mag aral o mag trabaho. May sariling banyo rin iyon at sa gitna ang isang katamtaman lamang na double size bed. “Ito ang magiging silid mo pansamantala.” Pinakita ko kay Taurus at mag kasabay kaming pumasok sa loob ng kwarto. Tahimik lamang itong nag mamasid sa kasulok-sulokan, siguro naninibago siya, na hindi ito kaganda o kaya naman ka sosyal ng kanyang silid sakanila. “Pag pasensiyahan mo na, kong hindi man ito kawalak o kaganda ng silid mo, sainyo.” Paumanhin ko na lamang na bahagyang napa kamot sa ulo ko, nahihiya ng konti. “Okay lang, maganda rin ang kwarto na ito.” Anito. “Taurus.” Singit ni Mama na pumasok na pinakita ang matamis na ngiti sa labi. May bitbit si Mama sa kamay at nahulaan ko na rin kong ano ang laman no’n. “Heto may dala akong towel at damit na pwede mong ipang palit sa suot mong uniforme.” Tuloy-tuloy na wika ni Mama at mainggat na binigay kay Taurus ang kanyang dala-dala. “May naka tago naman kaming mga extrang damit, tignan mo na lang kong may kakasya diyan sa’yo, sinamahan ko na rin ng underwear at hygienix kong gusto mong maligo.” Gulat na gulat ako sa pagiging maasikaso nila kay Taurus. Mapapansin mo naman sa kilos at galaw nila, na sabik na sabik sila sa pag dating ng binata. “Oho, maraming salamat po Tita.” Nginitian na lamang ni Taurus si Mama. “Halika na Chloe, samahan mo muna ako sa ibaba, at hinahanap ka sandali ng iyong Papa.” Tumango na lang ako at hinila niya na ang kamay ko pasama sakanya. “Sige Hijo, maiwan na muna namin ikaw para makapa ligo kana.” Nauna na kaming nag lakad ni Mama at iniwan na namin si Taurus sa silid. ***** Kagagaling ko lamang sa ibaba para mag inom ng tubig na kaagad ko naman nasalubong si Mama, kakalabas lamang ito ng silid nila ni Papa at may bitbit na naman ito. “Ibigay mo ito kay Taurus.” “Ha? Bakit ako?” “Ikaw na mag bigay niyan kay Taurus na spare of slippers para naman may magamit siya.” Salita nito. Naka patay na rin ang ibang ilaw sa bahay namin at tyansa kong pasado alas onse na iyon ng gabi. Nauna na si Papa pumasok sa silid at mag pahingga. “Pero M-Mam——“ tinulak na ako neto papunta na sa guestroom. “Sige na at baka walang ginagamit na sapin sa paa iyon si Taurus at tanungin mo na rin siya kong may kailangan pa siya.” Busangot na lamang akong sumunod sakanya. Nag lakad ako papunta sa guest room bitbit ang spare of slippers na bagong-bago. Nag paiwan muna ako nang mahinang katok sa pintuan bago ko tinulak pabukas iyon. Naabutan ko si Taurus na kakalabas lamang ng banyo ito at saktong-sakto naman sakanya ang pares na black pajama at pares na simpleng damit na puti na bigay sakanya ni Mama. Malamlam akong tinignan ni Taurus at domoble ang anggas at kaguwapuhan niyang taglay na ngayon hawak ang towel na pinag pupunas nito sa basang buhok. Hindi ko namalayan na naka nganga na ako, naka titig sakanya, hindi ko akalain na may ganito pala siyang anggas at charisma. “Naka-tulala kana diyan.” Ngumisi ito na mabalik ako sa realidad. Lumunok pa ako ng laway at tila ba napapaso naman ako umiwas sakanya ng titig. “Ahh eh, may dala akong pares ng tsinelas, pinapadala ni Mama.” Wika ko na lamang. “Salamat.” Binaba ko sa lapag ang hawak kong tsinelas at umayos na ako ng pag kakatayo. Nag patuloy lamang si Taurus sa pag lalakad palapit sa akin; at wala talaga akong lakas ng loob na tumitig sakanya. Para bang hini-hila niya ako na mapa titig sa guwapo nitong mukha. “May kailangan ka pa daw?” “Wala na.” “A-Ahh ehh, kong ganun. Sige goodnight.” Namula na ang mag kabila kong pisngi at aaminin kong hini-hypnotismo niya ako sa paraan na titig niya sa akin. Sobrang lagkit. Sobrang init, na kahit naka bukas naman ang aircon pinang iinitan talaga ako ng malala. “Ah sige, una na ako, sa’y——“ tumalikod na ako at tangkang aalis sana, at nanigas ang katawan ko na mabilis naka lapit sa akin si Taurus at niyakap niya ako nito mula sa likuran. Napa lunok na lamang ako ng aking laway at namuhay ang kakaibang init at kuryente na nanalaytay sa katawan ko sa simpleng ginawa lang nito, na dikit na dikit na ang mga katawan namin. “Mamaya na, sanahan mo na muna ako.” Mamaos nitong pakiusap, na tumatama ang mainit nitong hiningga sa batok ko na bumigat rin ang pag hingga ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit sa simple niyang ginagawa niya, unti-unti akong bumibigay? Kainis naman. “Anong ginagawa mo Taurus? B-Baka makita tayo ng mga magulang k——-“ hinila niya na ako pahiga sa kama. Hinila niya ang katawan ko paharap sakanya at niyakap niya ako nang mahigpit at kinulong sa kanyang bisig. Hindi ako naka kilos o kaya naman igalaw ang katawan ko na yakap-yakap pa rin ako ni Taurus sa kama. Namuhay na ang malakas na pintig ng aking puso at napapaso ang balat ko sa katawan naming nag tatama. “Taurus.” Mahina ko na lamang na pag kabigkas. “Hmm?” “Pwede mo na siguro ako bitawan.” Tumatama ang pilik-mata ko sa kanyang leeg at bindi pa rin ako binibitawan nito. “Kailangan ko na kasing umalis, at baka may maka-kita sa atin, mapapagalitan tayo.” Pakiusap ko na lamang na inaalis ang sarili ko paalis sa kanyang pag kakayakap subalit hinigpitan niya pa ang pag kakulong sa bisig kaya’t lalo akong dumikit sakanya. “Pwede bang yakapin at tabihan mo muna ako kahit saglit lang Chloe?” Mahina nitong pakiusap. “Just please, let me be.” Anito at napa-lunok na lamang ako ng laway. “Saglit lang ha? Hindi ako pwedeng mag tagal dito.” Kinatango naman ni Taurus ang sinabi ko at wala na akong narinig pang salita mula sakanya. Hindi ako gumalaw at nakikiramdam lamang sakanya; hindi ko na rin inalis ang katawan ko sa pag kakayakap sakanya at hinayaan na lamang ito. Mag kadikit ang katawan namin ni Taurus mahigit dalawang minuto, bago ko siya tininggala muli dahil may katangkaran din naman siya sa akin. “Taurus, baka pwede mo na akong bitawan ngayo——-“ hindi ko na natapos ang sasabihin ko na mapansin na naka pikit na ang kanyang mga mata. Napa titig na lamang ako sa mahimbing na natutulog na mukha ni Taurus, hindi ko akalain na napaka guwapo nito sa malapitan at para siyang natutulog na anghel. Hindi ko maalis ang mata ko sakanya, at sarap-sarap niyang pag masdan. Mainggat kong ginagalaw ang katawan ko paalis sa kanyang pag kakayakap; subalit kaagad naman akong napapa hinto na baka magising ko ito sa mahimbing na pag kakatulog. Paano na ito? Paano na ako makaka-alis nito? Tama. Hahanap na lamang ako ng magandang tyempo na maka alis sa kanyang pag kakayakap. Ganun na nga, ang gagawin ko. Unti-unti nang bumigat ang talukap ng aking mga mata, at hindi ko namalayan ang simpleng idlip sanang gagawin ko naka tulog na ako sakanyang mainit na bisig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD