Chapter 26

1449 Words
CHAPTER 26 TAURUS POV Hininto ni Taurus ang kanyang motor sa harapan ng kanilang Mansyon at naka rating siya madilim na. Hinubad niya ang helmet sa ulo at nanatili pa ring naka anggas siya sa motor, na hindi niya inaalis ang mata sa kanilang Mansyon na sobrang liwanag sa mga ilaw. Bumaba na si Taurus ng motor at nilagay na rin ang helmet doon. Dire-diretso lamang siyang nag lakad, samantala naman ang isa niyang kamay naka lagay sa bulsa. Maanggas at taas-noo siyang nag lalakad, dinaraanan niya ng mata ang mga lalaking naka uniforme na naka hilera na naka tayo, at nag sisilbing bantay ang mga ito sa labas ng Mansyon. Walang ka emo-emosyon ang mata ni Taurus sa pag bati sakanya at kahit na rin ang pag vow ng mga ito sa tuwing nilalampasan niya ito. Matagumpay naman siyang naka pasok sa Mansyon at sumalubong sakanya ang katahimikan na wala siyang makitang ibang tao. Dire-diretso lamang siyang nag lakad hanggang maka rating siya sa malawak na living area. Nadatnan niya doon ang kanyang mga magulang na nag-uusap subalit may pag tatalo sa kanilang mga mukha. Hindi na maipinta ang mukha ng kanyang Mommy, nag mamakaawa at may takot ang mukha nito subalit ang kanyang Daddy naman galit na galit na ang mustra ng mukha nito na makikita mo sa malayo pa lang. "Nag mamakaawa ako sa'yo Sebastian, huwag mo na ituloy ang binabalak mo. Nag mamakaawa ako sa'yo." Impit na pag mamakaawa na hinawakan ng Ginang ang pulsuhan ng kanyang asawa, subalit inis naman na tinabig iyon na maiyak pa lalo ito. "Huwag na huwag mo akong pipigilan sa gusto ko, Melinda!" May pag babanta sa tono ng boses ni Papa. Naputol lamang ang pag tatalo at mahinang sagutan ng dalawa sa malawak living area nang mapansin nito ang kanyang presinsiya na parating. Sabay pa ang dalawa napa lingon sa gawi ko at domoble pa ang galit na mustra ng mukha ni Papa na makita ako. Si Mama naman maluha-luha na ang mata nito at may bakas na takot na rin. Nakita ko ang pag galaw ng pang ni Papa, na hindi pinu-putol ang matatalim na titig sa akin. "Sebastian, please lang." pigil na wika ni Mama na hinawakan pa nito ang kamay ni Papa, subalit inis lamang itong tinabig. "Huwag na, pag usapan niyo na lang nang maayos it——-" hindi na natapos pa ni Mama ang sasabihin nang mabilis na lumapit si Papa sa direksyon ko at walang pinalampas na pag kakataon na pina-ambangan ako ng malakas na suntok sa mukha; na napa atras naman ako ng isa kong paa sa lakas nang impact. "Sebastian!" Malakas na sigaw ni Mama na nagulat ito sa nangyari. Naririnig ko na lamang ang mabigat na pag hingga ni Papa sa harapan ko, at naging slow motion naman na napa harap ako sakanya at humawak sa kabila kong pisngi para damhin ang malakas na pag kakasuntok nito. Imbes matakot sa presinsiya at galit na mustra ni Papa, ngumisi na lamang siyang nakaka-loko at walang takot na hinarap niya ang kanyang Papa, na napaka dilim na nang mustra ng mukha na para bang sinapian na ito ng masamang espiritu. "Tangina ka talaga!" Uyam na wika ni Papa, at walang pang-aalinlangan na kwinelyuhan nito ang suot kong uniforme at tinaas ang kanang kamao tangkang susuntukin muli sa mukha na mabilis naman si Mama na humarang sa amin. "Tama na Sebatian, parang awa mo na." Pag mamakaawa ni Mama na may daplis na luha ang mata nito. Inaalis ang kamay ni Papa na naka hawak sa aking kwelyo. "Putangina talaga, Melinda, huwag kang makialam dito! Tuturuan ko lamang ng leksyon ang gago mong anak!" Matinis na sigaw ni Papa at inalis ang kamay ni Mama at tinulak ito kaya't napa-salampak na lamang itong napa-upo sa couch, nabigla sa nangyari. Domoble ang galit sa mata ni Papa at inanggat ng konti ang pag kakahawak nito sa uniforme ko ng konti at ang pag tatagis ng panga nito ang patunay kong paano na ito napipikon ngayon. "Parati mo na lang akong binibigyan ng sakit ng ulo Taurus! Tumawag sa akin si Consehal at nalaman niya ang ginawa mong pag bubugbog sa kanyang anak kanina!" Lumabas na ang ugat sa leeg nito sa matinding galit samantala naman si Taurus, walang naramdaman na pag sisisi sa kanyang ginawa. Napa-ngisi na lamang si Taurus, at hindi niya aakalain na mabilis kaagad malalaman ng kanyang Papa ang ginawa niyang pag bubugbog sa dalawang lalaki na gustong manakit kay Chloe kanina. Wala siyang naramdaman na takot at pag-sisisi sa kanyang ginawa subalit, nararapat lamang iyon sakanila. Pasalamat nga't sila hindi malala ang ginawa ko sakanila kumpara na ginawa kong pag bubugbog kay Bernard noon. Pinagalaw na lamang ni Taurus ang kanyang panga at sinalubong ang nag babagang mata ng kanyang Papa. "Gumagawa na sila ng aksyon ngayon sa ginawa mo na pag bubugbog sa kanilang anak. Binibigyan mo na lang parati ng kahihiyan ang angkan natin! Sini-sira mo ang reputasyon ng Apollo University dahil sa lintik na pinag gagawa mo!" Dumaongdong ang nakaka hindik nitong sigaw at kapilyuhan lamang na ngisi ang sumukli sa labi ni Taurus. Matapang niyang hinarap ang kanyang Papa at walang sindak na lumukob sa kanyang pag katao na hinarap ito. "Talaga? Hindi ko naman alam na anak pala ng Consehal ang binugbog ko. Kumusta na ang anak nila, lumpo na ba ang mga paa?" Pang iinis pa lalo ni Taurus sa ama at hindi naman siya nabigo na domoble ang galit sa mata nito. "Aba tarantado ka talaga!" Singhal nitong inambangan naman siya na malakas na suntok kaya't napa subsob na lamang si Taurus sa lamesa at nahulog ang babasagin na mga naka patong doon sa lakas nang impact. Maririnig mo na lamang ang pag kahulog at alingawngaw ng mga babasagin na nabasag sa sahig sabayan pa din ng galit ng kanyang Papa. Napa-hawak na lamang si Taurus sa lamesa at bandang pinagalaw ang panga na dinarama ang malakas na pag kakasuntok nito, at napa hawak na rin sa kabilang pisngi na nabahiran iyon na daplis na dugo. Tangina talaga. "Wala ka talagang utang na loob! Parati na lang ako nag lilinis sa lintik na kalat na pinag-gagawa mong hayop ka!" Sigaw nito at ambang susugod muli ito sa gawi niya nang mabilis naman na humarang ang kanyang Mama sa gitna nilang dalawa. "Sebastian, tama na pakiusap." Mahinang pakiusap ng kanyang Mama at sa pag kakataon na ito bumagsak na ang luha sa munting mga mata nito. "Umalis ka sa harapan ko Melinda, umalis ka!" Sindak na sigaw ni Papa, na hindi mag papatalo at susugod muli sana sa akin, na tinulak naman ito ng kanyang Mama palayo. "Hindi ako aalis dito." Matapang na sagot ng kanyang Mama at hindi talaga ito umaalis sa harapan ko para sa ganun hindi na sa akin maka lapit pa si Papa. Hindi ako naka ligtas sa matatalim na titig sa akin ni Papa; nag babanta at ang mabibigat nitong pag hingga ang palatandaan kong gaano ito galit na galit sa nangyayari. Nakita ni Taurus ang dumaplis na luha sa mata ng kanyang Mama at kina-lingon siya nito na matapang pa rin naka protekta sakanya. "Taurus, umalis kana." Mahina lamang na pag kakabigkas nito na may pag mamakaawa sa mata. "Tangina talaga, Melinda!" Asik na wika ni Papa. "Umalis kana, Taurus. Umalis kana." Pag tataboy sa akin ni Mama at napa-kuyom na lamang ako sa aking kamao sa matinding galit na makita ko na parang gripo na lamang umaagos ang luha nito sa mata. Tangina talaga. "Parang-awa mo na Taurus, umalis kana." Paulit-ulit nitong pag tataboy sa akin at nag martsa na ako na sa isang iglap, nag bago ang emosyon sa aking mga mata at nag lakad paalis sa lugar na iyon. Mabibigat na ang aking hininggang nag lakad palayo samantala naman ang kamao ko naka-kuyom pa din sa galit na maririnig ko ang munting iyak ni Mama. "Tangina! Saan ka pupunta, hindi pa ako tapos sa'yo! Bumalik ka dito, Taurus! Bumalik ka!" Patuloy na sigaw ni Papa na tinatawag nito ang pangalan ko, subalit hindi na ako lumingon pa subalit taas-noo lamang akong nag lakad. Umaapoy na ang mata ko sa galit at sakto naman na naka salubong ko ang kapatid kong si Elisse na kakauwi lang nito. "What hapened Kuya?" Inosenteng tanong ng kanyang kapatid na Imbes sumagot, nilampasan niya na lamang ito at hindi pa din matapos-tapos ang malakas na sigaw ng kanyang Papa. Nang maka labas na si Taurus sa Mansyon, dali-dali naman siyang umangkas sa kanyang motor at sinuot ang helmet. Pinatakbo niyang mabilis ang kanyang motor paalis sa lugar na iyon samantala naman ang kanyang mata'y nakakatakot na. Fuck it!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD