Chapter 29

1849 Words
Chapter 29 CHAPTER 29 MR’S VALDEZ POV Pakanta-kanta lamang ang Ginang na inaayos ang hapag-kainan, naka lagay na doon ang pinggan, kubyertos at tinimplang juice. Naka suot na siya ng uniforme pang pasok para mamaya aalis na lamang siya. Samantala naman ang kanyang asawa perinti lamang itong naka upo sa silya at sa isang tabi ang iniinom nitong paboritong black coffee, kagaya rin ng kanyang asawa naka suot na din ito ng uniforme at sabay na silang papasok. Binubuklat nito ang pahina ng binabasa na dyaryo at naka sentro lamang ang atensyon niya sa kanyang binabasa. Buong inggat ng Ginang na nilapag sa hapag-kainan ang ginawa niyang almusal, nag luto siya ng fried rice, kanin, hotdog, eggplant, itlog at dinadagdagan niya pa ng isang putahe ng ulam dahil na rin may mahalaga silang bisita ngayong araw. Ngayon lamang ang Ginang naka ramdam ng pag-kasabik lalo’t dito natulog ang nobyo ng kanyang anak. “Hindi pa ba bababa ang anak mo? May pasok siya ngayon.” Sinilip siya ng kanyang asawa na kanina pa pala ito nakikiramdam. “Oo nga pala, sandali lang at aakyatin ko ang dalawa sa itaas.” Hindi na lang kumibo ang kanyang asawa at sinimsim nito ang kape at kina-balik muli nito ng tingin sa pag babasa. Hinubad na nang Ginang ang suot na apron at nilagay iyon sa isang tabi. Nag lalagay kasi siya ng ganun dahil ayaw niya na din magusot o kaya naman mamantyahan ang kanyang uniforme. Binilisan na nang Ginang ang kanyang lakad papunta sa ikalawang palapag at una niya pinuntahan ang silid ng kanyang anak para gisingin na ito. Nang matapat na ang Ginang sa silid, nag paiwan muna siya ng mahinang katok mula sa pintuan. Nag hintay lamang siya at nakikiramdam, hanggang bago niya napag desisyonan na pumasok na. “Chloe, anak mala-late kana sa school niy——“ hindi na natapos ng Ginang ang sasabihin na kaagad naman siya napa hinto na walang bakas na tao sa silid. Kumunot-noo pa ang Ginang na hindi makita ang kanyang anak. “Chloe anak?” Tawag niya ulit ngunit katahimkan ang sumagot sakanya. Nag kibit-balikat na lamang ang Ginang na sinarhan muli ang pintuan ng silid nito, nag asseum na lamang siya na nasa banyo ang kanyang anak at nag hahanda na ito na maligo. Sunod naman na pinuntahan ng Ginang ang guestroom para katukin na rin ang silid ni Taurus, para sabay-sabay na silang kumain na nang almusal. Alam niya din sa kanyang sarili na gising na ang binata at aayain niya na ito na makapag salo-salo na sakanila habang nag hihintay sa kanyang anak na mag ayos ito. Kagaya nang dati, nag paiwan muli siya ng mahinang katok sa pintuan at bago pumasok. Nag hintay siya ng dalawang segundo wala siyang narinig na response mula sa loob kaya’t hinawakan na ng Ginang ang seradura at tinulak na ito pabukas. “Taurus, gising kana ba? Saluhan mo na kami kumain sa ibaba.” Nahinto na lamang ang Ginang at maski siya nagulat sa kanyang nasaksihan. Nakita niya si Taurus at Chloe na mag kaharap na natulog at ang binata naman naka yakap sakanyang anak. Pinag masdan ng Ginang ang prostura ng dalawa, na mahimbing na natutulog at imbes na magalit sa kanyang nasaksihan, gumuhit na lamang ang matamis na ngiti sa labi ng Ginang. Kinikilig pa siya na pinapanuod ito na napaka-sweet tignan na para itong mga anghel na natutulog. Kaya ang ginawa na lamang ng Ginang, dahan-dahan niyang inaatras ang paa niya palabas ng silid at hinatak na rin ang pintuan pasara na hindi makakagawa ng anumang inggay o tunog, na mag papaistorbo sa mahimbing nila na pag kakatulog nito. Nang matagumpay na maisara ng Ginang ang pintuan, sumilay na lamang ang ngiti sa kanyang labi at nag lakad na siya pababa para puntahan na ang kanyang asawa sa hapag-kainan. Tuloy-tuloy lamang ang Ginang at piniling maupo sa bakanteng silya na katabi lamang ang asawa. Kaagad din naman napa tigil ang asawa niya at kumunot-noo pa ito, nag tataka siguro na wala siyang kasama pag baba nito. “Oh bakit ikaw lang? Asan si Chloe at si Taurus?” Takang-takang tanong ng kanyang asawa. “Pareho pa ang dalawa tulog. Hayaan mo na muna silang mag pahingga muna saglit Hon, at isa pa mamaya pa naman ang pasok ng anak natin.” Hindi na maalis-alis ang matamis na ngiti sa labi ng Ginang na kumukuha na ng pag-kain na nilalagay sa kanyang pinggan. CHLOE’S POV Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at bigla akong nabigla na sumalubong sa akin ang guwapong natutulog na mukha ni Taurus. Namilog ang aking mata at bigla akong pinag initan na mag kadikit na ang katawan namin. Kong ano ang posisyon namin kagabi na naka-higa, ganun pa rin ngayon. Anong nangyari? Bakit nandito ako? “Ay pare! Ahh” Tili ko na lamang at sa labis na pag kabigla, malakas kong tinulak si Taurus palayo sa akin na pasong-paso na mag padikit sakanya. Narinig ko na lamang ang malakas na pag bagsak ng binata na nahulog sa kama at kasabay ang malakas na unggol na kumuwala sa bibig nito. Kaagad din naman akong napa-upo sa malambot na kama at yakap-yakap pa rin ang sarili ko. Kumakalabog rin na malakas ang puso ko na aatakehin ako sa ganap na napag tanto ko na mag katabi kaming natulog ngayon sa kama. Ano ito? Jusko po. “Tangina talaga. Aray, Chloe!” Unti-unting bumangon si Taurus sa pag kakabagsak nito sa sahig. Pikit-mata at naka hawak sa likod ng ulo nito, iniinda ang sakit na pag kakatulak ko sakanya. “s**t I’m sorry.” Pag hinggi kaagad nito ng tawad na pag tataas nito ng boses sa akin. “B-Bakit tayo mag katabi matulog? Anong ginagawa ko dito?” Taranta at aligaga kong tanong sakanya. Pinag papawisan na ako ng malagkit sa katawan ko, na kong bakit hinayaan ko ang sarili ko na mag katabi kaming mag damag sa iisang kama. Shit naman Chloe? Pinikit ko na lamang ang mata ko at kay diin na ang pag kakagat ko sa ibabang labi na mapag tanto na naka tulog na pala ako sa silid na ito, at hindi na ako naka balik sa silid ko, sa labis na kaantukan. Ano na bang nangyayari sa’yo Chloe? Bakit hinayaan mong yakapin at kasama kayo sa kwarto na mag kasama? Paano na lang kong malaman ito ng mga magulang ko? Panigurado patay talaga ako sakanila. Pagagalitan ka na naman nila. “Aba, malay ko.” Kibit-balikat na wika ni Taurus na kina-aayos nito ang sarili na tumayo. Hindi pa rin inaalis ang kamay nito sa likod ng ulo, panigurado ang lakas siguro na pag kakatulak ko sakanya. “Naka tulog na ako kagabi at wala na akong matandaan.” Anito at napa- takip na lamang ako ng aking bibig. “Kainis talaga.” Himutok ko na lamang. “Bakit may problema ba?” “W-Wala, sige. Ma-lalate na ako sa school.” Hindi ko na pinatapos pa si Taurus nang sasabihin ng mabilis na akong kumaripas na umalis sa kama at nag mamadali na sinarhan ang silid ng guest room. Wala akong lingon-lingon na tumakbo at maka dating na ako sa tapat ng aking silid, kaagad ko rin naman na sinarhan ang pintua, at tuluyan nang nanghina at nangatog ang aking tuhod. Wala sa sariling napa hawak na lamang ako sa aking pisngi na ngayo’y nangamatis na kapula na maalala ang sandaling mag kayakap at mag katabi silang dalawa ni Taurus kanina natulog. Kumalma ka lang Chloe. Kumalma ka. Si Taurus lang iyan. Bakit nababaliw na ako ng ganito? Ughh! TAURUS RIDGE’S POV “Good morning Sir.” Bati sakanya ng katulong na maka salubong siya nito papasok ng Mansyon. Isang tango lamang ang sinagot niya dito at dire-diretso nag lakad na hindi pinapansin ang madaanan niya sa paligid. Paakyat na sana si Taurus ng kanyang silid na sakto naman na kababa lamang ng kanyang Ina. Naka suot ito ng puting bestida at para itong bata sa kanyang itsura, nakampanti at parang nabunutan ng tinik na pag aalala sa dibdib nito na makita siya na bagong dating. “Oh my God Taurus, anak.” Maluha-luha na ang mata nito at walang pinalampas na pag kakataon na niyakap siya nito nang mahigpit. Ang kanyang Mama na rin ang unang kumalas sa pag kakayakap nilang dalawa at hinaplos nito ang kanyang pisngi, na sabik na sabik ito na makita siya. “Saan ka ba pumunta? Nag aaala kami ng lubusan sa’yo, tinatawagan ka namin pero hindi ka sumasagot. Saan ka ba pumunta huh? Bakit hindi ka man lang nag text o tumawag sa akin.” Sunod-sunod na tanong nito. “Nag palamig muna ako ng ulo.” Matabang niyang sambit na kina-tango naman nito. “Ayos iyon, ayos iyon.” paulit-ulit na salita nito, na nahihimasmasan. “Basta ang importante ligtas ka at walang nangyaring masama sa’yo.. Mabuti naman at umuwi kana sa atin, hindi na galit ang Daddy mo sa’yo, nag kausap na kaming dalawa at napatawad kana niya.” Pag babalita nito sakanya at hindi alam ni Taurus ang mararamdaman sa sinabi nito. “Mabuti naman at naisipan mo pang bumalik!” Ang malagong na bagong dating ang pareho nag patigil sa kanilang dalawa. Biglang dumilim at umiba ang aura pag dating ng kanyang Ama na galante ang kasuotan at galit at nakaka takot ang pinapakita nitong emosyon. Pareho sila hindi naka-kibo ng kanyang Mama sa pag sulpot na lamang nito at sinundan nila ito ng tingin habang hinahakbang ang paa pababa nang hagyan. Matagumpay itong naka-baba at piniling huminto sa tapat nila mismo. Hindi umalis sa tabi niya ang kanyang Mama. “Nagawan ko na nang paraan ang problema na ginawa mo sa anak ni Consehal at pasalamat kana lang talaga at pinalampas niya ang pag kakataon na ito sa pananakit mo sa kanyang anak!” Kahit kalmado lamang ang pag kakabigkas nito, ramdam mo pa rin ang galit sa tono ng boses nito. Hindi na lamang kumibo si Taurus, pero nandon pa rin ang galit at pag titimpi niya sa Ama. “Ito na ang huling pag kakataon, na bibigyan mo ako ng problema at sakit nang ulo Taurus. At sa susunod na may ginawa ka pang katarantaduhan, ikaw na mismo ang mag aayos sa sarili mong kalat. Nag kakaintindihan ba tayo?” May pag sisindak pa rin sa boses nito at matapang niyang tinitigan sa mata ang Ama. “Hon.” Pag papakalma ng kanyang asawa, na mahinang boses subalit nag titimpi pa rin ito. Tumikhim na lamang ang kanyang Ama at tinalikuran na sila nito. “Sumama kana sa amin ng Mama mo kumain ng almusal. Sabay-sabay na tayo na pamilya na kumain.” Pag aanyaya nito. Ayaw niya man sanang sumang-ayon at sumama subalit sinenyasan siya ng kanyang Mama sa paraan na titig, na paboran ang kahilingan nito. Bumuntong-hiningga na lamang siya ng malalim at bago sumagot. “Sige ho.” Labag sa loob niyang wika at pinisil naman ng kanyang Mama ang kanyang kamay, nag papahiwatig, na nasisiyahan ito sa kanyang naging sagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD