Chapter 30

1819 Words
Chapter 30 Chapter 30 CHLOE’S POV Alas dose ng tanghali natapos ang pasok namin kaya dumiretso ako kaagad sa cafeteria para kumain ng tanghalian. Pag dating ko doon, sakto lang naman ang mga tao na kumakain at marami-rami naman na mga bakanteng upuan. Karaniwan sa mga estudyante pinipili nilang kumain sa starbucks o kaya man sa mga mamahalin na restaurant. Pinili ko na lamang maupo sa pinaka-dulo na tago na iwas sa ilang mga estudyante. Wala rin naman ako sa mood kumain sa mga mamahalin na restaurant kagaya nila pero mas pinili ko na lamang kumain dito, dahil mas makaka tipid pa ako sa gastos. “Chloe.” Excited na umupo sa tabi sa harapan ko ang pinsan kong si Nadya, nilagay din nito ang bag sa tabi nitong upuan. “It’s that true, pinsan? May nag bully na naman sa’yo?” Dire-diretso nitong tanong sa akin. Napa-tigil ako sa pag subo sana ng pag kain at pinanlakihan ko ng mata ang pinsan ko, na ngayo’y hindi na mapakali sa kina-uupuan sa balitang nakalap nito. “Saan mo naman nabalitaan iyan, Nadya?” Kunot-noo kong tanong. Hindi ko pa rin na-iku-kwento sakanya ang nangyari dahil hindi pa naman kami nag kikita na dalawa. Ayaw ko rin naman na-ikwento sa pinsan ko sa pamamagitan ng text o tawag lamang pero mukhang hindi ko na kailangan na sabihin pa sakanya dahil alam niya na nga. “Hindi na importante kong saan ko nalaman.” Giit pa nito. “Hello ghurl, kahit walang mag sabi sa akin malalaman at malalaman ko pa rin. Kalat na kalat na nga ang bali-balita ng mga estudyante dito na binully ka daw ni Patrick at ni Louie, aba tarantado talaga ang mga loko na iyon. Wala pa rin kadala-dala.” Walang prenong kuda ng pinsan ko. Oo nga pala, bakit ko pa nga ba na kalimutan ang bagay na iyon? Nasa Apollo University pala ako nag aaral kaya’t talima rin ang tsimis ng mga estudyante. Ang bilis sakanila makarating ang mga bali-balita at lagi na lang ako pinag uusap kahit ganito lang ako. Isang pangit na nerd, na parati na lamang nasasangkot sa mga balita at chismis sa University. “Ayon gumawa si Consehal ng hakbang at maski anak niya hindi naka ligtas sa parusa niya. Ayon suspended ng 2 weeks ang dalawa, kwento ng estudyante sa kabilang block. Mabuti na lang iyon para maturuan sila ng leksyon para hindi na magawa sa iba.” “OO nga mabuti na rin iyon.” Wika ko na lamang at naka taas na ang kilay ng pinsan ko at may pag susungit ako tinitigan. “Bakit?” “Anong bakit? Hello Chloe, may kasalanan ka sa akin.” Pagalit na tono ng wika nito. “Ha? Bakit?” Naguguluhan kong sagot. “Tungkol kay Taurus,” maka hulagang wika nito na mag bigay takot naman sa puso ko. Sandali, alam niya? Alam niya ang tungkol sa amin na dalawa? Ewan ko ba kong bakit ganito na lamang kalakas ang pintig ng aking puso, hindi ko maitatago na natatakot ako sa posibilidad na maging aksyon at sasabihin ng pinsan ko. “A-Alam mo?” Nautal kong sambit at hindi pa rin maalis ang galit sa mata kong paano niya ako titigan. Tinarayan ako ng pinsan ko, samantala naman ako wala ng ganang ubusin pa kong anong natirang pagkain sa pinggan ko. “Aba naman syempre pinsan mo ako.” Giit nito. “Bakit nagagawa mong ilihim ang bagay na ito sa akin, Chloe ha? Bakit?” May pag tataas sa boses nito, na hindi ko na alam kong ano ipapaliwanag ko. “Pero Nadya talaga, kas—-“ “Bakit hindi mo sinabi man lang sa akin na pinag tanggol ka pala ni Taurus laban kay Patrick at Louie, huh?” Dugtong nito na mapa kurap na lamang ako ng mata sa sinabi nito. Ha? “Ha?” Pag uulit ko na pinandilatan na lamang ako ng mata nito. “Oo alam ko. Pinag tanggol ka ni Taurus laban sa kutong-lupang iyon at may naka kita sainyong estudyante na nag aaral sa Apollo University.” Dire-diretsong wika nito, na kina alis naman ng tinik sa aking dibdib. Nahimasmasan ako, na mali pala ang akala ko. Buong akala ko pa naman, alam niya na ang tungkol sa aming dalawa ni Taurus. Dama ko ang pamumuong malamig na pawis sa buong pag katao ko sa tensyon lamang na iyon. Inis na lamang napa sandal si Nadya sa silya at napa cross-arms pa. “Naka-inis ka talaga, kahit kaylan Chloe. Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na pinag tanggol ka pala ni Taurus sa mga lalaking iyon? Nakaka tampo kana.” Maarteng wika nito. “Bakit ka ba niya pinag tanggol, close ba kayo ni Taurus?” “H-Hindi ah.” Giit ko. “Nag kataon lang na nandon siya ng mangyari iyon, kaya ayon.” Pinag papawisan na akong nag papaliwanag sakanya at tinignan ang pinsan ko at naka taas pa din ang isang kilay, mukhang hindi pa rin naniniwala sa sinasabi ko. “Hmmp. Basta kong ako siguro ang nasa sitwasyon mo na nangyari iyon. Kikiligin na ng bongang-bongga tapos ipag tatanggol ako ni Taurus sa mga taong gusto manakit sa akin. Ahwww! He is so dreamy! Nakaka kilig.” Pinag dikit nito ang palad at para na itong bulate na jilagyan ng asin, na hindi na mapakali sa kina-uupuan nito. Alangan na lang akong ngumiti sa pinsan ko at pinag patuloy ang pag tapos ng pag-kain ko. ***** Maka lipas ang mga araw at linggo, naging aabala na rin ang mga estudyante sa mga activities at sunod-sunod rin na mga projects at exam. Friday ng hapon, kagaya ng dati nag aaral pa rin ako at binabalikan na gawin ang mga naka ligtaan ko pa na mga activities at inuubos ko talaga ang oras ko sa pag re-review ng mga notes at subjects namin. Natigil na lamang ako na tumunog ang cellphone ko sa table at binaba saglit ang binabasa kong notebook. From: Taurus. Labas tayo mamaya? Sent by 5:30pm. Nag tipa ako ng irereply sakanya. Chloe: huwag ngayon sa sunday na lang. Busy ako. Nilapag ko ang cellphone ko at ibabalik na sana ang centro ng atensyon ko sa pag babasa muli na tumunog na naman ang phone ko. Nag pakawala na lamang ako na malalim na buntong-hiningga at dinampot kaagad ang cellphone ko para basahin ang text message sa akin ni Taurus. Sino pa ba ang mag kukulit sa akin araw-araw? Kundi si Taurus lang naman. Taurus: -Oh come on, I already bought two movie tickets for us. Sayang naman nito.” Chloe’s typing. -Sa susunod na lang kasi, at baka may maka-kita sa atin.” Taurus typing. -Walang maka-kakita sa atin, trust me. Kinuha ko naman na movie schedule by 8pm. Ano G? Susunduin kita diyan mamaya sainyo before 7? Chloe’s typing. “Huwag na. Mag kita na lang tayo sa Mall.” Taurus typing. Taurus sent. -See you. Heart emoji. Napa-iling na lamang ako ng ulo na hindi inaalis ang mata ko sa huling text message na pinadala ni Taurus. May anong kilig sa aking puso na tinitigan ang pulang heart na emoji na pinadala nito. Bago mag 7:40pm naka rating na ako sa Mall at nag tagpo na lamang kami ni Taurus kong saan kami mag kikita na dalawa at doon mismo ng Cinema. Kaagad ko naman nakita si Taurus naka suot ito ng itim na longsleeve na may print na skull, white cap at ternuhan nito ng black and pants and shoes. Sa kabilang kamay ni Taurus hawak ang popcorn na binili nito. Inayos ko ang pag kakasuot ko ng black mask at palinga-linga sa paligid. Humanap muna ng magandang tyempo na mabilis naman akong lumapit sa pwesto nito. “Taurus.” Tawag kong matapat sa harapan ng binata. Nag kasalubong pa ang kilay ni Taurus sa akin, pilit na kini-kilanlan kong sino ako. “Ako ito si Chloe,” sagot ko pa na binaba ang mask para sa ganun makita niya ng buo ang mukha ko. Umuwang na lamang ang gilid ng labi ni Taurus at hindi ako naka ligtas na tinignan niya ako mula ulo hanggang taas, na inoobserbahan ako. “What are you wearing? Mag ho-hold up ka ba?” Natatawa na lamang na tanong. “Taurus.” Pinanlakihan ko ito ng mata. “Bakit ganiyan ba ang suot mo?” “Pangit ba? Hindi naman ah.” Wika ko na lamang. Suot ko lamang ang black sweater na may hoodie, naka suot din ng black mask and cap at itim rin na pants. Ito ang naisip kong paraan na mag cover-up para sa sarili ko para sa ganun, walang makakilala sa amin. Mahirap na at baka isa pa sa mga nag aaral sa Apollo University ang maka-kita sa amin at ayaw ko naman na panibago na naman nila akong pag tsi-tsismissan. Pagod na pagod na ako sa ganun, iniiwasan ko rin na kutyain at makapag salita sila ng masasakit sa akin. Mabuti na ang mainggat at ayaw ko rin naman na ipag paalam na kahit na sino ang relasyon naming dalawa ni Taurus. “Nah.” Kibit-balikat na wika nito. “Manunuod tayo tapos ganiyan ang itsura mo. Alisin mo ang mask mo pati rin itong cap na suot-suot mo.” Tangkang aalisin ni Taurus ang suot kong cap na kaagad ko naman kina-layo ang sarili ko sakanya. “Huwag at baka may maka-kita sa atin.” Pabulong kong wika, na kina-lingon ko naman sa paligid ko para kompirmahin na waang ibang estudyante ang umaaligid sa paligid. Lumingon ako kay Taurus at naging seryoso ito bigla. “Bakit?” “Naiinis ako.” “Bakit, may problema ba?” “Bakit kailangan pa natin na ilihim itong relasyon natin? Nahihirapan tuloy akong kasama ka sa school.” Himutok na wika nito na may halong pag tatampo na rin. “Sana naman intindihin mo Taurus kong ito ang gusto ko. Ayaw ko lang kasi na may masabi pa ang ibang tao sa akin, at baka kutyain ako dahil ganito lang ako.” “Dahil pangit ka, ganun ba iyon? Hindi ka pangit Chloe, sila oo!” Giit na wika nito. “Nahihirapan akong makita o maka sama ka sa Campus at pati na rin dito dahil kailangan pa nating mag tago na dalawa. I’m f*****g sick of hiding this.” Medyo may galit at pag tataas sa kanyang boses. “Taurus.” Sa isang iglap, naging malumanay na rin ang pag emosyon at boses nito. “Forget it. Kong anong desisyon mo rerespituhin ko Chloe.” “Salamat talaga.” Hinawakan ni Taurus ang kabila kong kamay at napa titig naman ako sa kamay naming dalawa. May naramdaman akong init at kilig sa simple nitong ginawa. “Let’s go?” Paanyaya nitong nginitian ko na lamang si Taurus at sabay kaming dalawa nag lakad na mag kahawak kamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD