Chapter 25

3007 Words
CHAPTER 25 CHLOE'S POV Taurus? Nahimasmasan at nakampanti ang loob ko na makita si Taurus dahil alam kong may mag liligtas na sa akin. May tutulong na sa akin laban ang dalawang taong gustong manakit sa akin. Hindi maalis ang mata ko kay Taurus, pangisi-ngisi pa ito at wala man lang takot na harapin si Patrick at si Louie. Hindi pa rin maka kilos si Patrick, maririnig mo ang munting unggol nito sa sakit at hindi na rin maipinta ang mukha nito sa isang tabi. Hinihila ko ang kamay ko na maka wala sa pag kakahawak ni Louie, subalit hindi ako makawala. “Tangina talaga, kanina ka pa ah!" iritadong wika ni Louie na bumaling ng tingin sa akin at umaapoy ang mata nito sa galit. "Babalikan kita mamaya!" banta nito at hindi naman ako handa sa sunod niyang gagawin at nagulat na lamang ako nang tinulak niya na lang ako. Sa lakas ba naman ng impact kamuntik na akong tumalsik, mabuti na lang talaga at nabalanse ko ang katawan ko at hindi gaanong natumba sa ginawa nito. Napaka-lakas na nang pintig ng aking puso, sa takot na walang pag aalinlangan na hinarap ni Louie si Taurus at nag hahamon na ito ng gulo. Natatakot na lamang ako sa kaligtasan ni Taurus na harapin ang dalawa at natayo lamang ako sa isang tabi at hindi ko maikilos ang katawan ko. "Tangina, nag hahanap ka talaga ng sakit ng katawan Taurus, huwag kanang makialam bago pa kita mabugbog!" hambog na wika na lalo pang kina-lawak ng ngisi ni Taurus sa pag mamayabang nito. Hindi naman nagustuhan ni Louie ang naging sagut sakanya ni Taurus subalit nainis pa siya. "Talaga lang? Eh nauna ko na ngang patumbahin ang kaibigan mo. Gusto mo na bang sumunod sakanya?" maka-hulugan at may pag lalaro sa tinig ni Taurus, na kina galaw na lamang ng panga ni Louie na napipikon na. "Hayop ka talaga!" hindi na makapag timpi pa si Louie at mabilis nang sumugod sa gawi ni Taurus para suntukin. Napaka posisyon na ang kamao nito at sunod-sunod ang kanyang pag atake na suntok kay Taurus. Nakikipag laro lamang na umiiwas sa bawat atake nito si Taurus na pag suntok, na hindi naman nakakatama. Pang huling suntok sana ni Louie sa binata na kaagad din naman nahawakan ni Taurus ang braso nito na kina-laki na lamang ng mata ni Louie, na hindi inaasahan na mahaharangan nito ang kanyang atake. Ngumisi na lamang ng pilyo si Taurus sa binata. "Ako naman!" mapag laro na wika at hindi inaasahan ni Louie ang sunod na hakbang ni Taurus nang buong lakas siya nito sinikmurahan na mapa ubo naman sa sakit si Louie. Hindi na maipinta ang mukha nito sa sakit at dalawang beses siyang sinikmurhan ni Taurus at huling atake ng binata sinutok nito nang malakas ang mukha, sabay sinipa ang dibdib kaya't tumalsik na lamang ang katawan nito kong saan. Maririnig mo na lamang ang malakas na impact na pag bangga ng katawan ni Louie sa sementadong pader kasabay ng pag bagsak at nakaka binging tunog ng malaking basurahan na gawa sa lata, na mahagip niyang maitumba sa lakas na lamang nang impact na pag bagsak na lang ng katawan nito. "AHH." Namimilipit na lamang sa sakit na unggol ni Louie na para na itong bulate na namimilipit sa sakit. Maanggas na lamang na naka tayo si Taurus, pinapanuod ang kanyang mga kalaban na kanyang mga pinatumba n walang kahirap-hirap. Hindi ko inaasahan na makakayang patumbahin ni Taurus nang ganun-ganun lamang si Louie at Patrick. Hanggang unti-unti naman bumangon sa pag kakatumba ang kanina lamang na si Patrick. Matatalim ang titig na ginawaran nito kay Taurus, naka hawak na lang ito sa tagiliran na iniinda ang malakas na pag atake sakanya ng binata kanina. Nilapit ni Patrick ang sarili niya kay Taurus at makikita mo sa kanyang mga mata ang determinasyon na pabagsakin ito. Walang gatol na nilabas ni Patrick ang tinatago nitong armas mula sa kanyang tagiliran. Isa lamang iyon na katamtaman na patalim. Imbes na masindak si Taurus, sa hawak na patalim ni Patrick, wala man lang na gumuhit na takot at pangamba sa mata nito bagkus matapang niya itong hinarap. Pinagalaw na lamang ni Patrick ang kanyang ulo, at walang pinalampas na sandali na mabilis na sumugod sa gawi ni Taurus. Maliksi at mabilis ang kanyang galaw na pag atake at ambang na itatarak ang patalim na kaagad din naman naharangan ni Taurus iyon. “Mamatay kana!” Sigaw ni Patrick at at maliksi ang kanyang kilos na ilang beses na tinatama ang patalim kay Taurus, samantala naman ang binata mapag laro lamang napapa atras at nakaka iwas sa bawat atake nito. Naiirita na si Patrick na ilang beses na siyang sumusugod subalit hindi pa rin siya nakaka tama sa bintana, hanggang itatama na sana ang patalim sa tagliran na kaagad din naman ni Taurus, naharangan ang kamay nito muli. “s**t!” Matinis na mura na lamang ni Patrick, ginamit ang lakas na idiin ang hawak na kutsilyo sa laman ng binata samantala naman si Taurus pigil-pigil pa rin ang kamay nitong may hawak na patalim. Namumula na ang mata ni Patrick at para na itong nababaliw na pangisi-ngisi na unti-unting lumalapat ang patalim sa dibdib ni taurus na gustong-gustong itarak iyon sa binata. Nakipag pigilan rin si Taurus sa malakas na pwersa nito sa iambang kutsilyo, hanggang tinadyakan nito si Patrick sa paa kaya’t humina ang pwersa nitong itatarak ang paambang kutsilyo sana na hawak. Doon naman pinuruhan ng malakas na suntok ni Taurus ito sa mukha nang dalawang beses si Patrick na maka hanap na tyempo at sabay pinilipit ang kamay nitong may hawak na patalim at kasabay ang nakaka-bingging unggol na lamang ni Patrick sa sakit. “Ahhh.” Sigaw naman ng binata. Diniinan pa lalo ni Taurus ang pag kakapilipit sa kamay nito kaya’t kusa na nitong nabitawan ang patalim na hawak sa sementaso at kasabay ang pag tunog na pag bagsak nito doon. “Tangina talaga. Aray!” Daing na lamang na sigaw ni Patrick sa lakas na pag kakapilipit doon na pag hawak ni Taurus, na babaliin na iyon sa lakas ba naman ng kanyang pwersa. Hindi naging handa si Patrick sa sunod na atake saknaya ni Taurus, at humigpit ang pag kakahawak sa braso ni Patrick at para na lamang itong papel na pinaikot ang katawan sa hangin at binalibag ang katawan nitong pabagsak sa sementado kasabay ang malakas na pag bagsak ng katawan nito. “Ughh.” Daing na lamang sa sakit ni Patrick wala na itong lakas na bumango na tumama ang likod nito sa sementado. Gulat na gulat ako sa mga nangyari na ganun na lamang kabilis ni Taurus, napatumba ang nga kaaway nito. Hindi ko inaasahan na magaling pala siya makipag away. Tinignan ko si Patrick at Louie, pareho ang dalawa naka handusay sa malamig na sementado at namimilipit na sa sakit at dumadaing na ang mga ito. Natigil lamang ako na bumaling ng titig sa akin si Taurus. Hindi pa rin humuhupa ang galit sa mata nito at nakaka takot ang mustra ng kanyang mukha. Walang salita ang lumabas sa kanyang bibig at mabilis na lumapit sa akin at hinawakan ang pulsuhan ko, na labis ko naman kina-bigla. Hinila na lang ako ni Taurus paalis sa lugar na iyon at wala akong nagawa kundi nag patanggay na lamang sa pag hila niya sa akin dahil gusto ko na rin maka alis. Habang hila-hila ni Taurus ang pulsuhan ko, kina lingon ko naman si Patrick at Louie na nandon pa rin at hindi maka bangon. ***** Dumidilim na ang kalangitan, wala pa ring salita si Taurus matapos naming umalis sa lugar na iyon. Kanina pa siya tahimik at mababasa mo naman sa kilos at galaw niya ang matinding galit kong ano man ang nasaksihan niya kanina. Wala rin naman akong lakas nang loob na mag tanong o kaya naman kausapin siya dahil ayaw kong magalit pa siya lalo. Ayaw kong tumindi pa ang galit niya ngayon. Ito ang kauna-unahang pag kakataon na makita ko siyang magalit at umakto nang ganito na kahit ako mismo, nabigla at hindi ko inaasahan ang mga nangyari. Nakaka takot pala siya. Sa likod ng guwapo at cool na pinapakita nito sa harapan ng maraming tao, may tinatago pala siyang katangian na ngayon ko pa lang nalaman. Hindi niya pa rin binibitawan ang pulsuhan ko ni Taurus at nadarama ko ang mainit nitong palad na naka hawak sa akin. Nakikiramdam lamang ako sakanya hanggang matapos ang ilang minuto na pag lalakad namin huminto rin si Taurus sa pag lalakad kaya’t napa hinto rin naman ako. “Maupo ka.” Pag papasunod nito, ngayon ko lang napag tanto na nasa harapan namin ang bleachers at nasa malaking park na pala kami. Kanina pa tumatakbo sa isipan ko at hindi ko na namalayan na naka rating na pala kami dito. Sumunod naman ako kay Taurus, at naupo sa kabilang bahagi ng upuan samantala naman siya naka tayo pa rin sa harapan ko. Masungit pa rin ang mukha nito at hindi pa rin humuhupa ang mabibigat na pag hingga. “Tangina talaga, babasagin ko ang pag mumukha ng mga hayop na iyon.” Astang susugod at aalis si Taurus na kaagad naman akong nataranta at hinawakan ko ang kanyang pulsuhan. “Sandali Taurus, saan ka pupunta?” “Babalikan ko ang mga tarantadong iyon at tuturuan ko nang leksyon!” Nag tagis ang ngipin nito at ang panlilisik ng mata ang palatandaan na hindi pa siya maka get-over sa mga nangyari. “Huwag na, malaking gulo pa ito kapag binalikan mo sila.” Pakiusap ko at matalim akong tinignan ni Taurus. “Huwag na?” Panunuya na wika nito. “Naririnig mo ba ang sinasabi mo Chloe? Binastos kana ng mga hayop na iyon tapos, wala akong gagawin?!” “Please, tama na.” Mahina ko na lamang na pakiusap dahil ayaw ko nang lumaki pa ito. “Just, f**k it!” Matinis na lamang napa-mura si Taurus. Ginulo pa nito ang buhok nito tanda kong gaano siya naiinis at nagagalit sa nangyari. Hindi na lang ako kumibo at sa totoo lang talaga, ayaw ko nang lumala pa ito, ayaw ko nang gulo. Oo, mali ang ginawa nila pero hindi naman tama na siya mismo ang lilitis sa mga taong nag babastos sa akin. Ayaw ko rin dawitin si Taurus sa gulong ito. Napaka gulo na ng buhay ko at ayaw ko nang gumulo pa lalo. Nang mapansin siguro ni Taurus ang pananahimik ko, humingga ito ng malalim at naging kalmado ang boses nito. “Look I’m sorry, hindi ko sinasadya na mapag taasan ka ng boses.” Sinapo nito ang kanyang mukha at iritable na lamang na naupo sa tabi ko. Pareho namin pinapanuod ang malaking park at tanawin na aming nakikita at pinapakiramdam lamang namin ang bawat isa. Wala naman masyadong tao doon, kaya’t nag karoon talaga kami ng privacy na mag kasama. “Nadala lang naman ako ng emosyon ko. Nandilim lang talaga ang paningin ko na makita na may bumabastos sa’yo. Mabuti na lang talaga na tama ang desisyon kong sundan ka kanina, at kung hindi baka ano na ang nagawa ng mga hayop na iyon sa’yo.” Gigil nitong wika at ang malalalim na hiningga nito sa tabi ko, hindi pa rin matapos-tapos. “Gusto kong protektahan ka Chloe at hindi gustong may nanakit at may nag babastos sa’yo.” Matatalim ang mata ni Taurus na naka pako ang mata sa kawalan. Napa tingin na lang ako sa kamao nito na daplis na sugat at galos doon, at nag karoon lamang siya ng ganun dahil sa pakikipag away niya kanina. Dahil sa akin nasagutan siya. Dahil sa akin, nagawa niya pang makipag away. Tumitig naman ako sa guwapo at seryoso nitong mukha at hindi ko alam sa sarili kong kinuha ang kanyang kamay kaya’t napa baling naman ng mata si Taurus sa akin. “Maraming salamat pala sa pag ligtas mo sa akin kanina, Taurus.” Wika ko pa at may kinuha sa aking bulsa at nilabas lang doon ang isang cute na design na band-aid na parati kong dinadala. Kinuha ko ang kamay nito at nilagyan ang kanyang sugat no’n. Wala man akong first aid na gamutin ang sugat niya, siguro sapat na ito bilang kabayaran at pasasalamat na rin sa pag ligtas niya sa akin kanina. Ngumiti na lang ako ng matamis at pinilig na lamang ni Taurus ang kanyang ulo sabay binalik ang centro ng atensyon sa magandang tanawin na nasa harapan namin. Nanatili pa kami ni Taurus mahigit sampung minuto sa park hanggang napag pasyahan nitong tumayo. Maanggas ang kanyang tindig at ang isang kamay na naka silid sa bulsa nito at tumitig sa akin. “Halika na, ihahatid na kita sainyo at baka kong ano pang mangyari sa’yo.” Presinta nitong kina-tango ko na lamang. Hindi na ako umanggal pa dahil baka nandiyan lang si Louie at si Patrick at nag aabang lang sa akin. “Sige.” Wika ko na lamang na tumayo na rin. Kinuha na ni Taurus ang bag kong bitbit at walang pag aalinlangan na sinabit sa kanyang balikat. “T-Taurus, ako na ang mag dadal——“ hindi ko na natapos ang sasabihin ko na tinignan na lang ako na matalim ni Taurus, at nag papahiwatig na huwag na akong umanggal pa. “P-Pero kasi…” “Halika na, madilim na ang paligid.” Masungit na salita at hindi na ako hinayaan na mag bitbit nang dala-dala ko bagkus siya na ang gumawa no’n. Nauna na si Taurus nag lakad palayo, kaya’t wala naman akong magawa kundi sumunod na rin sakanya. Wala nang liwanag na maka alis kami ni Taurus sa Park at sabay naming pinuntahan kong saan naka parada ang motor nito na dala. Ilang minuto pa ang naka lipas, naka rating na kami sa bahay namin. Madilim na at pasado alas syete na na nang gabi siguro iyon. Maliwanag na din ang loob at labas ng bahay namin at kaagad din naman ako nataranta na makita na naka parada na ang sasakyan ni Papa at panigurado naka rating na ito. Inalalayan naman ako ni Taurus na maka baba sa kanyang motor at hinubad ko na rin ang suot kong helmet at binigay na sakanya. Binigay na rin sa akin ni Taurus ang sling bag ko habang naka anggas pa din ito sa kanyang motor. “Sige na, pumasok kana sa loob at baka kanina ka pa hinihintay ng mga magulang.” Pasunod nito na kina-tango ko na lamang. “Maraming salamat talag sa pag hatid mo sa akin at salamat din kanin——“ hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla na lang tumunog ang cellphone ni Taurus at kina-tingin niya naman sa phone na hawak. Sa isang iglap nag bago ang expression ng mukha nito na mabasa man kong ano man ang pinadala sakanya na mensahe at para bang may nangyari. “Bakit ba, Taurus? May problema ba?” Nababahala rin naman ako sa pag iiba na lang ng pinta ng mukha nito at kahit hindi siya kumibo, ramdam may problema. “Nothing, it’s just Dad.” Masungit na wika na kina-silid na lang ng cellphone nito sa bulsa. “Sige na pumasok kana sa loob, tatawag at mag tetext na lang ako kapag naka rating na ako sa amin.” Hindi na hinintay pa ni Taurus ang sasabihin ko nang binaba na nito ang shield ng helmet at pinaharurot na nitong pinatakbo ang kanyang motor paalis. Naiwan na lamang akong naka tayo na sinusundan ito palayo, hanggang kusa na itong mawala ito sa aking paningin. STILL CHLOE’S POV Pumasok na ako sa amin at kaagad din naman ako nag palit nang damit at sumabay na rin sa salo-salo namin ng hapunan. Hindi ko na check ang cellphone ko dahil abala na rin ako sa pag tulong nga mga gawaing bahay. Dapit alas otso na ako naka balik sa silid ko, naiwan na lamang ang mga magulang kong nanunuod pa ng palabas sa telebisyon sa sala. Nang maka pasok na ako sa silid, dumiretso na ako sa banyo para maligo dahil nanlalagkit na ang katawan ko dulot ng pawis. Simpleng pantulog na terno na lang sinuot ko na maging presko at komportable naman ako sa aking suot. Kinuha ko na ang bag ko at dumiretso na sa study table para masimulan na gumawa ng activity at ilang assignment namin. Marami-rami naman ang gagawin ko at panigurado uumagahin na naman ako neto sa pag aaral at pag gagawa lamang ng task namin sa school. Nalibang na ako sa aking ginagawa hanggang hindi ako maka sentro ng konsentrasyon ko na mapa baling na lang ang titig ko, sa nanahimik kong cellphone na naka patong sa desk. Binitawan ko muna ang ginagawa ko at dinampot ang cellphone ko para tignan at alas nuwebe na pala ng gabi. Wala pa rin siyang text at tawag? Dali-dali ko naman binuksan ang mensahe na pinadala ko kay Taurus at kagaya nang iniisip ko wala pa itong text na pinadala. Ang huling text message nito simula no’ng matapos ang klase ko kanina na alas-singko pa ng hapon iyon. Sabi niya sa akin mag te-text at tatawag siya pag naka uwi na siya sakanila, pero bakit wala siyang paramdam ngayon? Imposible naman na hanggang ngayon hindi p siya nakaka-uwi na ilang minuto lang naman ang babaybayin bago maka rating sakanila. Sinapo ko na lamang ang mukha ko at kanina pa ako hindi mapakali sa aking kina-uupuan, hindi ko na namalayan na nginangatngat ko na ang kuko na hindi maalis ang mata ko sa cellphone. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko na dati-rati naman si Taurus ang nauuna na mag paramdam sa akin. PanY kulit nga ito sa akin na mahilig mag padala ng text at call, pero nakapag tataka na wala ata siyang paramdam ngayon. May nangyari ba sakanya? Naka uwi na kaya siya, sakanila? Pinilig ko na lamang ang ulo ko para iwaksi ang tumatakbo sa aking isipan. Ano bang iniisip mo Chloe?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD