Chapter 24

2508 Words
CHAPTER 24 CHLOE'S POV Tinigil ni Papa ang sasakyan na mabalik naman ako sa realidad. Sinilip ko ang bintana at nakita kong nasa tapat na nga kami ng University kong saan ako pumapasok. Bandang alas syete pa lang ng umaga iyon at may ilan-ilan na rin na mga estudyante ang nag lalakad sa labas pa lang ng gate. Nag presinta na rin si Papa na ihatid ako sa school dahil dadaanan din maman daw nito papunta sa kanyang trabaho. Inayos ko na ang pag kakasabit ko ng sling bag sa balikat ko at hinanda na rin ang libro at notebook na madalas kong dinadala. Nilingon ko naman si Papa na wala pa ring imik at ang isang kamay naka hawak sa manibela. Kanina pa ito tahimik sa buong byahe at aaminin kong kinakabahan ako sa pagiging malamig at tahimik neto na malayong-malayo kong paano ko siya nakaka-sama. "Una na po ako Pa, at baka malate pa po ako sa sunod na pasok k---" "Chloe, I'm sorry," pinutol na ni Papa kong ano man ang sasabihin ko. Takang-taka ako sa sinabi niya at wala rin naman akong katiting idea kong bakit siya humihinggi ng paumanhin sa akin. Tumitig ako kay Papa, ganun pa rin ang emosyon na pinapakita nito na may halong lungkot at pag hinggi rin ng tawad nito. “Pasensiya kana kong napag taasan man kita ng boses at may nasabi akong hindi maganda no’ng naka raang araw.” Pang bibitin nito na kina-hingga ng malalim. Alam ko naman ang tinutukoy nito. Tinutukoy nito ang araw na pinagalitan niya ako nang malaman niya ang ginawa sa akin ni Bernard na panloloko. Hindi naman ako nagalit o kaya naman nag tanim ng sama ng loob sa sinabi sa akin noon ni Papa. Alam ko naman na nag aalala at nadala lamang siya ng emosyon kaya’t niya nasabi ang bagay na iyon. Ilang taon niya rin nakilala si Bernard at naging malapit rin sila sa isa’t-isa. Hindi siguro niya maatim ng kanyang pag-iisip na buong akala niya ang mabait na Bernard na kilala nito, magagawang lokohin at saktan ang kanyang kaisa-isang anak. “Nadala lang ako ng galit at emosyon ko Chloe kaya nasabi ko iyon. Mahal na mahal ka namin ng Mama mo at ayaw namin na may ibang taong mananakit sa’yo. At nasasaktan rin kami na makita kang nahihirapan at nasasaktan pa din sa ex boyfriend mo na iyan.” Masungit ngunit ramdam ko naman na nag aalala talaga siya. Iniinggatan ni Papa ang nararamdaman ko. At iyon ang bagay na proud na proud ako kay Papa, kahit kung minsan ayaw niyang ipakita ang tunay niyang nararamdaman sa akin. “Basta kapag may nanakit sa’yo at sinaktan kana naman ng tarantadong Bernard na iyan, sabihin mo sa akin at uupakan ko iyan!” Banta nitong kina-ngiti ko na lamang. “Salamat Pa.” Wika ko na lamang at hinawakan ni Papa ang ulo at bahagyang ginulo ang buhok ko. “Basta mag iingat ka palagi. At huwag kang mahihiyang mag lapit at mag kwento sa amin ng Mama mo kapag may problema ka.” Paalala nitong kina-tango ko na lamang. “Sige po.” Yumakap na ako kay Papa at humalik na rin sa pisngi tanda ng pag papaalam. Lumabas na ako sa sasakyan at bitbit ko na rin ang gamit na dala ko. Bago ko isarado ang pintuan nang sasakyan, nag paiwan pa si Papa nang sasabihin na kaagad ko naman kina-tigil. “Chloe.” Wika nito. “Naikwento sa akin ng Mama mo na minsan daw pumunta sa bahay natin ang nobyo mo.” Pahabol nitong wika na kina-laki naman ng mata ko. Si Mama talaga oh, lahat na lang kinu-kwento kay Papa. Alangan na lang akong ngumiti kay Papa at aaminin kong nahihiya ako na hindi ko alam ang sasabihin ko, na malaman nito ang tungkol sa amin ni Taurus. “Sayang lang at hindi kami nag paambutan ng nobyo mo. Gusto ko rin siya makilala at kikilatisin ko nang mabuti kong mabait talagang tao ang kasintahan mo na iyan.” May tono sa pananalita nitong strikto ngunit suportado din naman. “Sige ho Pa.” Ngumiti na lang ako ng kay tamis kay Papa at sinarhan ang pintuan nang sasakyan. Kumaway na lang ako kay Papa at isang tango na lang ang sinagot niya sa akin at dahan-dahan nang umandar ang sasakyan nito paalis. Naiwan na lamang akong naka tayo at sinusundan na lang ito ng tingin hanggang kusa na itong mawala sa aking paningin. Napa-hawak na lang ako sa aking dibdib at may isang parte sa dibdib ko ang nakampanti matapos naming mag usap ni Papa, na wala na dapat akong ikatakot at ika ngamba pa. Nang maka alis na si Papa, nataranta na lamang ako na napa silip sa relo ko. Nanlaki ang mata ko na makitang late na ako sa klase, humigpit na ang pag kakahawak ko sa libro na dala-dala ko at walang pinalampas na pag kakataon na tumakbo na nang mabilis. Nilampasan ko na ang mga estudyante na nakakasabayan ko sa pag pasok at binilisan ko pa lalo ang pag takbo ko lalo’t mayron na lamang akong singko minutos bago mag simula ang klase at hahanapin ko pa ang room kong saan talaga ang susunod namin na subject. Hindi ko na pinansin ang pag daplis na pawis sa noo at leeg ko sa pag tatakbo at mas nababahala pa ako dahil malaki-laki pa naman ang tatakbuhin ko dahil ang laki talaga nang Apollo University. Bawat facilities malaki talaga at hindi biro lamang sa isang kagaya kong nag mamadali lamang na maka rating sa tamang oras. “Kainis naman.” Aligaga na akong tunatakbo at sinisilip ang relo ko bawat segundo na gumagalaw ang kamay nito. Nanliliit na rin ako sa sarili ko na baka hindi maka abot sa tamang oras. Tinitignan na lamang ako ng mga estudyante na makaka salubong ko sa hallway, at ang ilan pa sakanila grupo-grupo at napapa lingon na lang banda sa akin na makita nila akong nag mamadali na tumakbo. Binilisan ko na ang pag takbo ko hanggang hindi inaasahan na bigla na lamang akong nadapa na may pumatid na lang sa akin. Para akong nanghuli ng isda kahit wala naman na tubig at kusang tumilapon na lamang ang hawak kong libro at notebook sa sahig sa lakas nang impact. “A-Aray.” Impit ko na lamang na daing na napa-pikit na lang ng mata ko. “Whoaaa!” Bulong-bulungan ng mga estudyante na makita nila ang buong pangyayari at ang ilan sa kanila nag tatawanan at nag bubulongan. Nanliit ako sa sarili ko at hindi ko na rin dinama ang malakas na pag bagsak ko bagkus dahan-dahan na lang bumangon para maalis na sa kahihiyan, na hindi pa rin maalis ang mata nila sa akin. “Ay pangit na nga lampa pa. Totally package haha.” Girl number 1 “Hahah. Look how ugly she is.” Girl number 2. “Nakaka awa bagay na bagay sakanya. Haha.” Girl number 3 at pag katapos nag apir silang tatlo na may nakakatawa sa kanilang pinapanuod. Alam ko sa sarili ko na sila lamang ang pumatid sa akin kaya’t ako nadapa. Kahit komprontahin ko man sila wala naman akong laban sa kanila. Nilunok ko lamang ang masasakit na salita at pag kukutya nila sa akin pero sa loob-loob pinapatay na ako sa sakit. Wala akong lakas nang loob na tignan silang lahat dahil pinapalibutan na ako ng mga estudyante na pinag nag bubulungan nila ako centro na kanilang katatawanan. Dali-dali ko nang pinulot ang mga gamit ko dahil ayaw ko nang tumagal pa doon. Nanunubig na ang mata kong umayos ng pag kakatayo at nilampasan na silang lahat at nag mamadali nang umalis sa lugar na iyon. ****** Alas-singko ng hapon nang matapos ang pasok namin. Inaya ako ni Nadya na mamasyal ngayon subalit ako na lang ang tumanggi sa pag aanyaya nito dahil marami pa din naman akong gagawin at dapat tapusin na mga activities sa school, na kailangan kong isumita sa susunod na araw. Nag commute na lamang ako papunta sa Mall at binili na ang mga kailangan ko para sa ganun, maka uwi kaagad ako ng mas maaga at masimulan kaagad ang pag tatapos ko ng activity. Nang matapos na akong mamili, pinili ko munang mag lakad-lakad dahil maaga pa rin naman. Nag aagaw liwanag at dilim naman sa kalangitan at konti lang naman ang nag daraan na mga tao, familiar din naman ako sa dinaraanan ko kaya’t hindi naman ako takot na mag isa na mag lakad. Pinapanuod ko ang mga nadaanan ko at sobrang tahimik talaga. Ika nga, malimit lamang dumaraan ang mga sasakyan sa lugar na ito at kokonti lang naman ang mga bahay. Naka silid na sa bag ko ang mga pinamili ko at tahimik lamang ako nag lalakad hanggang kusa na lang ako napa hinto nang may humarang na pares na mga sapatos sa harapan ko. Unti-unti kong inanggat ang ulo ko para tignan kong sino ito at napa kurap ako ng mata na makita ang dalawang lalaki sa harapan ko, pangisi-ngisi lamang sila at may nag lalarong kapilyuhan sa kanilang mga labi. “Hi Chloe.” Tinaas pa ng isa pang lalaki ang kaliwang kamay para batiin ako. Samantala naman ang kasama nito nag oobserba lamang. Kilala ko lamang sa mukha ang dalawang lalaki na iyon at madalas ko silang makita sa Apollo University. Tantya ko same year lang kami at iba nga lang silang department. Suot pa din ng dalawang lalaki ang kanilang uniforme at may mga itsura din ito. Imbes na sumagot sa pag bati nila, kusa na lang ako umiwas. Kilala ko naman sila na tanyag na sa mahilig mag bully na mga baguhan na mga estudyante. Iyong hilig nilang gawing katatawanan ang taong mahina at hindi kayang ipag laban ang kanilang sarili. Pinag palagay ko na lamang na hindi sila pinansin at humigpit na ang pag kakahawak ko sa strap ng bag ko. Patay-malisya na lamang na nakita sila at dire-diretso nag lakad para iwasan na sila para iwasan sila. Ayaw ko rin naman na ako ang sunod nilang maging biktima kong ipag patuloy ko pa ang pakikipag-usap sakanila. Bago paman ako tuluyang maka lampas sakanila, ganun na lang ang kaba na lumukob sa dibdib ko na mabilis rin naman humarang sila sa dinaraanan ko at ayaw nila akong padaanin. “Sandali lang naman Chloe, kinakausap ka namin. Aalis kana kaagad?” Louie. “Oo nga,baka gusto mong sumama muna sa amin.” Patrick na may pag nanasa sa mata nito. Kinakabahan na rin ako at tumingin ako sa kaliwa’t-kanan ko para huminggi ng tulong subalit naging mailap sa akin ang pag kakataon dahil walang ibang dumaraan. “H-Hindi na, uuwi na kasi ako. Sige.” Pag iiwas ko at dadaanan sana sa kabilang bahagi nila para doon lumusot pero kaagad din nila ako naharangan. Bumigat na ang pag hingga ko na nasa harapan ko pa din si Louie at Patrick at hindi nila ako tinatantanan. Ang mag pakaba pa lalo sa akin ang kakaibang titig at ngisi nila na kini-kilabutan ako. “Huwag kanang mag pakipot pa Chloe, sumama kana sa amin ni Patrick, maganda ang pupuntahan namin at mag e-enjoy ka talaga.” Tinaas-baba nito ang kanyang kilay paanyaya na sumama ako sakanila. Nahuli ko pa ang dalawa na nag sesenyasan sa paraan na titig sabay titig sa akin ng malagkit at alam kong may nag lalaro na naman na kalokohan at plano sa kanilang mga utak. Hindi ako tanga, na hindi malaman kong ano ang iniisip nila. “H-Hindi ako sasama, iba na lang ayain niyo. Sige una na ak——“ napa singhap na lamang ako na marahas akong hinawakan sa pulsuhan ni Louie at hinila palapit sakanya na dumikit ang katawan namin. Napaka lakas na ang pintig ng aking puso na makita ang mata nitong nababahiran ng galit at uyam. “Tangina. Hindi ka naman kagandahan para mag inarte pa sa amin, pangit.” Gigil na asik at hinila pa lalo ako palapit sakanya na kina-piglas ko pang maka wala sa kanyang pag kakahawak. “A-Ano ba, bitawan mo ako.” Inipon ko lahat ng enerhiya kong maka wala sa kanyang mga kamay subalit hindi ako makawala-wala dahil hindi sapat ang lakas ko kumpara sakanya. “Haha.” Tawa ni Patrick na natatawa lamang na pinapanuod kami. “Ano ba, bitawan mo na ako. Bitaw sabi.” Impit ko pang pag papakiusap ngunit sarado ang isip at puso nila na pakinggan kong ano man ang sinasabi ko. “Bakit mag kano ka ba, huh?” Anito na mapa kurap naman ako ng mata. Ha? Ano? Nilapit pa ni Louie ang mukha niya sa akin at mag katitigan kami neto sa mata. “Siguro, hiniwalayan kana ni Bernard dahil natikman kana niya.. Ganun na ganun kasi si Bernard, iniiwan niya ang mga babaeng nakaka relasyon niya matapos niyang gamitin at pag sasawaan. So tell me, Chloe mag kano ka ba?” Pag uulit nito na kina-bigat naman ng dibdib ko. Wala silang alam! Gusto ko man sabihin, na walang nangyari sa aming dalawa ni Bernard subalit wala akong rason para mag paliwanag sakanilang lahat. Uminit ang mag kabila kong pisngi dahil napupuno na rin ako sa mga sinasabi nila. “Hayop ka talaga.” Tinaas ko ang kanang kong kamay para idapo ang aking palad sa kanyang magaspang na mukha, subalit kaagad din naman nanlaki ang mata ko na kaagad niyang nasalo iyon. “Bitawan mo ang kamay ko Louie.” Impit kong hinihila ang kamay kong hawak-hawak nito ang pulsuhan ko. “Ang tapang mo na ngayon ah.” Anito na pangisi-ngisi pa. “Bakit ano ba ang pinag mamalaki mo, na hindi ka naman kagandahan.. Kahit ako siguro, pag sasawaan ka kong ikaw lang naman ang karelasyon ko na hindi na pinag sawaan na nga ng iba at ang pangit mo pa.” Pag iinsulto nitong tinignan ako mula ulo hanggang paa. Rinig ko ang munting tawanan nila ni Patrick at maluha-luha na ang mata ko. “Hahha. Sige na Chloe, sumama kana sa amin. Papasayahin ka namin sa gagawin namin sa’y——-“ hindi na natapos pa ang sasabihin ni Patrick na bigla na lang ito tumalsik at tumilapon ang kanyang katawan na patama sa sementadong pader. “Ahh.” Daing na lang ni Patrick at namimilipit na ito sa sakit. “Tangina. Sino ang may gawa niyan?!” Singhal ni Louie na ginagala na ang paningin nito sa paligid para hanapin kong sino ang may salarin kong sino ang may gawa sa pag bagsak ng kaibigan nitong si Patrick. “Ako ba ang hinahanap mo?” Singit na lamang ng boses na naka tayo sa likuran namin. Bahagyang nanigas naman ang katawan ni Louie na marinig ang britonong boses na bigla na lang nakialam at dahan-dahan nitong hinarap para alamin kong sino iyon. Nanlaki naman pareho ang mata namin ni Louie na makita ang isang lalaki na naka-pamulsa at pangisi-ngisi pa ito, na para bang nakikipag laro lamang. Taurus?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD