Chapter 21

2542 Words
Chapter 21 CHLOE’S POV “T-Taurus?” Nabigkas ko na lamang na hindi inaalis ang mata ko sa gawi ni Taurus. Anong ginagawa niya dito? Paano niya nalaman, kong saan kami naka tira? Bakit? Maraming mga katanungan ang nag lalaro sa isipan ko ngayon at hindi pa rin ako makapaniwala na mayron siyang lakas nang loob na pumunta dito sa bahay namin. Nanatili ko lamang siyang inobserbahan na pormang-porma sa suot nito. Suot ang black pants at white tshirt at sa ibabaw naman ang isang black leather jacket na mag dagdag anggas na naka tayo siya sa harapan ko. Kahit simpleng pormahan lamang ang ipasuot kay Taurus, hindi mo talaga maikakaila na guwapo talaga ito. Hindi ko na lang pinansin ang pag titig nito sa akin at dali-dali naman na bumaba sa hagyan para lapitan ito. Nang maka lapit na ako sakanya; doon naman lumabas ang inis na nadarama ko. “Anong ginagawa mo dito? Huh? Umalis kana.” Pag tataboy ko sakanya para umalis na ito. Nakaka-hiya. Sinadya niya pa talagang pumunta at mag pakilala kay Mama? “Umalis kana, Taurus. Alis!” Taboy ko pa na imbes sumunod sa akin; nginisian niya pa ako. As if, madadala naman ako sa pangisi-ngisi mo? I mean, minsan oo nakaka dala talaga ang pag ngisi niya pero hindi ngayon. Huwag mo akong akitin sa pag ngisi-ngisi mo sa akin Taurus. Minsan na akong nadala diyan at hindi na ako mag papalinlang pa. “What?” Kunot-noo na wika nito. “Kakarating ko lang tapos papaalisin mo kaagad ako? Diba, may usapan tayo na aalis tayo ngayon, mag da-date hindi ba?” Gatong nitong nanumbalik na naman sa ala-ala ko ang sinabi ko kahapon. Paktay! Oo sinabi ko ang bagay na iyon para tantanan at hindi niya na ako kulitin pero hindi ko naman sinabi na tutuparin ko; kong ano man ang sinabi ko kahapon. “Sa susunod na lang at tyaka marami pa akong dapat tapusin na mga projects at gagawin sa school. Sa susunod na lang ha? Goodbye!” Pumunta na ako sa likuran ni Taurus at pinag tulakan na ito palabas ng bahay namin. Kailangan ko na siyang mapaalis bago pa man bumaba si Mama at makita niya itong ginagawa ko. “Okay lang sa akin na hindi matuloy ang date natin sa labas. Pwede naman tayo mag date na lang dito sa bahay niyo, mas nakaka exciting nga iyon. I will also help you with your projects. What do you think?” May kapilyuhan na nag lalaro sa ngisi nitong pinilig ko naman ang ulo ko na palatandaan na ayaw sa suhesyon nito. No! Ayoko nga! “Mas gusto kong gumawa ng mag-isa, at nakaka focus ako doon.” Giit ko pa. “At isa pa, medyo masama rin ang pakiramdam ko, hindi kita maasikaso. Sige na, umalis kana.” Wika ko pang kunwa-kunwarian na lamang na umubo para naman kapani-kapaniwala talaga na may dinarama ako, gayon wala naman talaga. Pag papanggap ko lang naman iyon para umalis na siya at huwag niya na akong guluhin. Pinag tutulakan ko pa rin si Taurus, na kay hirap naman para sa akin na gawin iyon dahil nakikipag laban pa talaga sa akin ang loko. “Now you’re faking it.” Wika nitong kina-hinto ko na lamang sa pag tutulak sakanya, at nilingon ako ni Taurus na may nag papahiwatig ang titig nito. “ I know you're just pretending to be sick because you don't want to see me.” Grabe. Natamimi ako doon, ha? “H-Hindi ah?” Nauutal kong wika na kina-laki pa lalo ng ngisi nito. “Totoo kaya ang sinasabi ko, masama ang pakiramdam ko at tyaka kailangan ko rin tapusin ang mga activities ko sa schoo——-“ “Sige na Hija, sumama kana kay Taurus.” Ang salita ng bagong dating ang pareho nag patigil sa aming dalawa. Nilingon naman namin ni Taurus kong saan nanggagaling ang tinig at pareho kami natamimi ng makita si Mama na nasa likuran namin at halatang kanina pa kami neto pinapanuod. “Nakita ko kanina bago ako bumaba na natapos mo na pala ang mga gawain mo sa school, at wala kanang gagawin.” Wika nitong kina-pikit ko na lamang ng mata. Kainis, kailangan niya pa talagang ibulgar iyon sa harapan pa talaga ni Taurus? Nabuking pa tuloy ako. “Sumama kana sa Taurus, anak. Okay lang sa akin na lumabas kayong dalawa.” Anito na may ngiti sa labi. “Pero kasi M-Mam—“ bago ko pa matapos ang sasabihin ko nang lumapit na sa gawi ko si Mama at inalis nito ang kamay kong tulak-tulak pa rin si Taurus. “Sige na, umakyat kana sa itaas para makapag palit ng damit mo. Ako na muna bahala sa bisita mo.” May kahulugan ang paraan na titig niya sa akin na kahit ako mismo kini-kilabutan. Wala akong nagawa kundi mag patanggay na lamang sa pag hila ni Mama sa akin hanggang tuluyan niya na akong mailayo kay Taurus. Binitawan nito ang kamay ko at ginaya na pumunta na sa itaas “Pumanhik kana sa silid mo at para makapag asikaso na. Bilis na, huwag mo nang pag hintayin pa ang boyfriend mo.” Hindi na maalis-alis ang matamis na ngiti sa labi ni Mama at labag naman sa kalooban kong sumunod na lamang sakanya. Tinahak ko na lamang ang paa ko paakyat papunta sa ikalawang palapag para makapag asikaso na, bago ako tumalikod nag paiwan muna ako ng huling titig sa gawi ni Taurus. Nang maka pasok na ako sa aking silid, pumunta naman ako kaagad sa banyo para makaligo na. Simpleng black leggings na lang ang suot ko at ang pang itaas na damit isang black and white sleeveless na polka dots na dress na hanggang bago mag tuhod ang haba. Nag lagay pa ako ng blazer chocolate color para ibagay ang aking pormahan. Sanay na sanay kasi ako na parating tinatakpan ng makakapal at mahahabang kasuotan ang sarili ko, na ayaw kong ipakita ang balat ko kahit na sino. Sinuot ko na rin ang itim na pares ng sapatos at sling bag na terno sa aking kasuotan. Tinali ko na lamang ang maitim at buhaghag na medyo may split ends kong buhok at tangi lamang na pulbo ang nilagay ko sa mukha para sa ganun maalis naman medyo oily at haggard kong mukha. Hindi din nadala ang butlig-butlig na mga pimples ko sa mukha sa simpleng pag lagay lamang ng pulbo. Hindi naman ako sanay mag lagay ng anumang kolorete sa mukha dahil si Nadya lang naman ang madalas na pala-ayos sa akin. Bago lumabas sa aking silid ang aking sarili sa harapan ng salamin at para naman sa sarili ko kaaya-aya akong tignan sa aking pormahan. Suot ko ang makapal na nerd glasses at alangan na lamang ngumiti sa repleksyon ko sa salamin. Umiling na lamang ako ng ulo ko at lumabas na lang sa silid at nadatnan ko si Mama na kausap nito si Taurus at mukhang masinsinan nga ang kanilang pinag uusapan. Kahit ilang minuto ko lamang silang iniwan, base pa lang sa kilos at pamamaraan kong paano sila nag kakausap ngayon, tila ba mag kasundo na sila. “Ano? Ama mo si Mr. Sebastian Dawson? Iyong may ari ng Apollo University? Oh my!” Namilog na lamang ang mata ni sa gulat na malaman na Ama lamang ni Taurus ang may ari ng University. Kahit naman sino magugulat kapag nalaman at narinig nila ang bagay na iyon, ganun na ganun nga din ang expression ko na malaman ang tungkol doon. “Kaya naman pala ang guwapo mong binata. May pinag manahan ka pala.” kinikilig na wika ni Mama “Paano ba kayo nag kakilala ang anak ko? Matagal na ba kayong mag kasintahan?” At hindi na ako maka tiis lumapit na ako sa gawi nilang dalawa at hinigit na patayo si Taurus para maiwasan na itong mag tanong pa. “Halika na Taurus.” Wika ko na kina-taranta naman ni Mama. “Aalis na kayo kaagad? Natutuwa pa akong ka-kwentuhan itong boyfriend mo Chloe. Biruin mong ang guwapo-guwapo niya.” Gumuguhit na ang korteng puso sa mata ni Mama habang sinasabi iyon. Ay wow! Gustong-gusto niya talaga maka-kwentuhan ito? “Sige na Mama, aalis na po kami.” Wika ko pang hindi na ito kina-lingon at hinatak na lamang si Taurus palabas nang bahay namin. “Sige, mag iinggat kayong dalawa. Have fun!” Pahabol pa nitong sigaw sa amin. Para naman akong mabunutan ng tinik sa aking dibdib, na matagumpay na kaming naka labas na dalawa ni Taurus. Nanuyuan na ako ng laway ang aking lalamunan, na hindi ko na lamang napansin na naka hawak na ako sa kamay ni Taurus at nappaso naman akong napa bitaw sakanya. “So ano na? Saan tayo pupunta?” “Saan ba ang gusto mo? Marami akong alam na puntahan.” Maanggas na wika nitong iniiwasan kong tumitig na lamang sa guwapong mukha nito. “Hindi ko alam. Gusto ko iyong malayo dito, at hindi tayo makikita ng ibang estudyante.” Wika ko pang kabado na salita at ayaw ko rin talaga na lumabas dahil ang isang bagay na kina-katakutan ko na baka makita kami ng ibang estudyante. “Okay,” wika nitong cool at nag patuloy na sa pag lalakad na kina-sunod ko naman sakanya. Natigil kaming dalawa ni Taurus na makita ko ang isang mamahalin na motor sa harapan namin na Ducati na kulay black at silver at sobrang maanggas at maporma. Mamahalin ang motor at mataas rin, hindi ito ang pangaraniwang motor na makikita mo na lang na gamit ng mg tao. “Bakit ito?” Nag tataka kong wika at kumunot-noo naman si Taurus sa naging tanong ko. “Bakit inaasahan mo taaga na mag mamaneho ako ng sasakyan?” Anito na sinuot na nito ang helmet at binigay naman sa akin ang isa at wala sa sariling napa titig na lamang ako doon ng ilang segundo, nag aalangan kong isusuot ko pa ba o hindi na lang tutuloy. Bakit talaga motor? Makikita kami ng mga tao kapag ito ang gamit namin. “Hindi naman mailalagay iyan sa ulo mo kong titigan mo na lang ang helmet damag. Bakit? Hindi ka marunong mag suot?” Anito na mabalik naman ako sa realidad. “H-Hindi.” Kabado ko pang wika. Minsan lang ako maka anggas sa motor at kabado talaga ako sa una. Umangkas na si Taurus sa motor na walang kahirap-hirap samantala naman ako naiwan pa rin, at kumukuha ng lakas na umangkas sa likuran niya. Kainis naman kasi. Bakit motor pa talaga? Nag aalangan pa talaga ako sa una at aaminin kong kabado rin dahil makakatabi ko si Taurus sa motor ngayon. “Come on, Chloe.” Naiinip na wika ni Taurus na kina-lapit ko naman sakanya. “Sige.” Sagot ko pa na sinuot na rin ang spare helmet na binigay nito. Hindi naman ako nahirapan dahil inalalayan naman ako ni Taurus maka akyat, at umupo ako sa likuran niya. Medyo may distansiya rin ang layo ko sa katawan niya na ayaw pa rin ang dikit sa katawan nito. “ Ts, really? Ganiyan ka talaga kalayo sa akin?” Anito na napa lunok na lamang ako na mapa titig na ilang pulgada ang layo ko sakanya. “Hindi naman halata na ayaw mong dumikit sa akin. Relax wala naman akong gagawin na masama sa’yo.” Inirapan ko na lamang si Taurus. “Marami mo pang kuda. Sige na umalis na tayo.” Pag susungit kong wika na kina-awang na lamang ng gilid ng labi ni Taurus. “Ts.” Anito. “Humawak ka sa akin, baka malaglag ka.” Anito at nahihiya naman akong humanap na makakapitan pero wala talaga akong makita. Nahihiya at ayaw ko naman humawak sa baywang o kaya naman katawan ni Taurus kaya’t pinili ko na lamang hawakan ang laylayan ng suot na leather jacket ni Taurus. Tama na ito siguro, dito na lang ako kakapit. Kaysa naman yumakap ako sakanya diba? Hindi ko makakaya ng sikmura na gawin iyon. “Ts! Ibang klase.” Napa awang na wika nito na makita nitong naka hawak ako sa damit niya. “Ayaw mo talagang kumapit sa baywang ko? Mas safe ka kapag doon kumapit.” May nag lalarong kapilyuhan sa isipan nito na kina-inis ko pa lalo. “Ano na? Bilisan mo na, umalis na tayo. Ang bagal-bagal mo naman kasi. Marunong ka ba talaga mag maneho nit——Ahh!” Nagulat na lang ako na bigla na lang pinaharurot ni Taurus ang pag mamaneho ng motor kaya’t wala sa sariling napa subsob na lamang ako sa malapad nitong likod, at napayakap sa baywang nito sa labis na takot na baka malaglag sa kanyang ginagawa. Wala na akong lakas na lumayo pa sakanya o humawak man lang sa laylayan ng damit nito na doon ako naka hawak kanina, dahil na rin sa takot na baka malaglag na lang ako. Pikit-mata na lamang ako habang umaandar ang motor nito, napaka bilis ng kanyang pag mamaneho na nagawa nitong lusutan ang mga sasakyan at nakaka sabayan namin na ibang mga sasakyan sa kalsada. Hanggang-hanga talaga ako sa kilos at galing nitong pag mamaneho na wala pa rin akong imik na naka dikit ang mukha ko sa malapad na likod na malanghap ko ang mamahalin na pabango nito. Iyon na ata ang pinaka mahabang sandali, na naramdaman ko na mag kasama at dikit ang katawan namin. Ilang minuto ang lumipas, matagumpay na rin kaming naka rating at hininto na ni Taurus ang motor sa isang lugar na hindi naman ako familiar kong asan na ba kami. Kahit naka tigil na ang motor, hindi pa rin ako bumibitaw sa pag kakayakap kay Taurus na kina-alis naman ng binata ang helmet sa ulo nito. “Akala ko ba, ayaw mong dumikit ka sa akin? Bakit ngayon, sarap na sarap kang naka yakap sa akin?” Pag tutukso nitong wika na napapaso naman akong kumalas ng pag kakayakap sakanya, na mapag tanto ang aking ginagawa. “Ang kapal naman talaga ng pag mumukha mo.” Nangangamatis na ang mukha ko sa inis na pasong-paso naman na lumayo sakanya at bumaba na ng motor nito. Init na init ang katawan ko na hinubad ang suot kong helmet at hindi pa rin maalis ang ngisi sa labi. “Talaga lang ha?” May pag tutuksong wika, na hindi pa rin siya umaalis sa pag kakaangkas ng motor. “Bakit ka namumula ngayon?” Anito na napa hawak naman ako sa mag kabila kong pisngi at napa pikit ng mariin na ma kompirma, kong gaano na ako kapula ngayon. Kainis talaga. Nakita niya ba talaga ang bagay na iyon? “Asa ka naman!” Asik ko na binato kay Taurus ang hawak kong helmet at lalo pa akong nainis nang kaagad nitong sinalo ang pag bato ko sakanya. Bwisit. Gusto ko siyang tamaan. Gusto ko siyang saktan, pero kainis na nasalo niya pa iyon. “Bahala ka nga diyan. Kainis ka!” Tinalikuran ko na siya at nag lakad na para iwan ito at habang nag lalakad, hindi pa rin mawala-wala ang pag mumura ko sakanya. Ang lakas niya talagang mag asar, huh? Bwisit. Sana hindi na lang ako sumama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD