Chapter 16

1711 Words
CHAPTER 16 CHLOE'S POV "Hmmmp." Nanlaki ang mata ko sa pag kagulat na mag kalapat ang aming mga labi ni Taurus, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko na kay bilis rin ng t***k ng aking puso sa simpleng pag halik lamang nito. May anong init at kuryente akong naramdaman sa pag lapat lamang ng aming katawan, na binubuhay ang kalamnan ko. Naka-pikit na ang mata ni Taurus, at ang kanyang labi sobrang lambot at puno ng pag-iingat niya akong hinahalikan. Bago pa man ako malunod sa aking nararamdaman, tinulak ko siya nang malakas palayo sa akin, kaya't napa-bitaw naman ang pag hahalikan namin. Maluha-luha ang aking mata na tinignan siya at walang ano-ano sinampal nang malakas si Taurus sa kabila nitong pisngi, na kina-dilim ng mustra nito sa aking ginawa. Walang salita ang lumabas sa bibig ni Taurus, at bago pa siya makapag salita tumakbo na ako palayo sakanya na patuloy lamang lumalandas ang luha sa aking mga mata. Binilisan ko pa lalo ang pag takbo palayo sakanya, at dama ko ang presinsiya nito sa likod ko na hindi na ito nag tangka pang sumunod pa sa akin. Wala pa ding humpay ang landas ng aking luha hanggang maka dating ako sa amin. "Nandito kana pala, Chloe." Salubong sa akin ni Mama na kagagaling lamang nito sa kusina. "Nag handa ako ng masarap ng hapunan para sa atin, mag bihis kana at parating na ang Papa m——" hindi na natapos ni Mama ang anumang sasabihin na makita mito ang daplis na luha sa mata ko. Pilit ko man tinatago ang ang pag iyak ko, pero hindi ko pa rin iyon maitatago sakanya. "Chloe, umiiyak ka b——" lalapit sana sa akin si Mama at tumakbo na ako ng mabilis papunta sa aking silid. Parang gripo lamang ang pag patak ng luha sa mga mata ko, at lalo pa akong napapa-iyak ang paulit-ulit na pag tawag sa akin ni Mama na hindi ko na ito kina-lingon pa. Sasabog na ang puso at nararamdaman ko, na mabilis kong tinahak papunta sa aking silid at pabalang kong sinarhan ang pintuan. Nang kinulong ko na ang sarili ko, doon lamang ako humagolgol ng pag iyak. Nilabas ko lahat ng sakit at kirot sa akin puso na hindi ko mailabas kanina pa. "Ahh." Tanging impit lamang ng aking pag iyak ang maririnig mo sa katahimikan ng silid, na hinubad ko ang sling bag at naupo sa malambot na kama. Ang sakit, hindi ko alam kong saan nanggagaling ang kirot sa puso ko. Bakit, bakit Bernard? Bakit mo ako sinasaktan ng ganito? Ano bang kasalanan ko sa'yo para ibigay ang pait na ito? Ilang segundo pa ang lumipas, narinig ko ang yabag ng paa papunta sa aking silid na alam ko na si Mama iyon. Dahan-dahan nitong binuksan ang doorknob ng pintuan ng aking kwarto at binuksan, na mabilis naman akong tumalikod para hindi ipakita ang pag iyak ko. Katahimikan ang nanaig sa silid, at dama ko ang mahinang yabag ng paa nito palapit sa kinaroroonan ko. "Chloe." Pinamula nitong tawag na hindi na lang ako umimik pa. "May problema ba anak?" "Wala po," basag kong tinig pero sa loob-loob ko naman paulit-ulit akong pinapatay sa sakit. "Chloe, anak." Naging malambing ang tinig nito at ang pag galaw ng gilid ng kama kong saan ako naka-upo ang palatandaan na tumabi siya sa akin. Wala akong mukhang ihaharap sakanya at nahihiya rin akong humarap sakanya na umiiyak ng ganito dahil lamang sa isang lalaki. Ang tanga ko diba? Sobrang tanga. Kong pwede ko lang turuan ang puso ko, na hindi siya mahalin matagal ko ng ginawa para hindi ko na kinu-kulong ang sarili ko na magagawa rin ako mahalin ni Bernard. "May nangyari ba sa school? May nanakit ba sa'yo?" Sabay iling ko naman ng ulo at sumisinok pa. "Talk to me anak, paano kita maintindihan kong hindi mo ako kinakausap." Pinunasan ko na lang ang daplis na luha na lumandas sa aking pisngi. "Wala po talaga, okay lang talaga a-ako." Basag kong tinig na kahit sabihin ko man iyon nang paulit-ulit, hindi siya maniniwala sa akin. "Chloe, anak." Hinawakan ni Mama ang mag kabila kong balikat at pinaharap niya ako sakanya. Nabahiran ng bakas na luha at pawis ang aking mukha sa pag iyak lamang. "Ano bang nangyayari sa'yo ha? Bakit ka ba umiiyak?" Pag lalambing na tinig nito. "Mommy, I'm sorry po." Iyan na lamang ang aking naibigkas sa pagitan ng pag iyak. "Bakit ka naman huminggi ng sorry sa akin?" Anito at kasabay ang panunubig muli ng mga mata ko. "Sorry po talaga kong nagawa kong mag sinunggaling sa'yo, Mama." Wika ko pa, na naka tingin lamang ito sa akin ng kay lungkot. "Ang totoo niyan, matagal na talaga kaming break ni Bernard, I'm sorry po kong hindi ko nagawang sabihin sa'yo dahil wala akong lakas ng loob." Sa wakas nagawa ko rin sabihin ang isang bagay na nag bibigay bigat sa aking dibdib. Bagay na gusto ko ng sabihin sakanya matagal na. "Natatakot at wala akong lakas ng loob, na sabihin sa'yo dahil umaasa pa rin ako na mag kakaayos pa kaming dalawa, umaasa akong babalikan niya ako.. P-Pero, ang sakit-sakit lang po Mama kasi matapos lang namin mag break, mayron na siyang bago. B-Bakit ganun? Ano bang wala sa akin, bakit niya ako iniwan? Bakit niya ako sinasaktan ng ganito?" Impit kong hagolhol sa harapan nito, binuhos ko na lahat ng sakit at kinikimkim sa dibdib ko. "Walang mali sa'yo anak." Tugon ni Mama na bahagyang pinisil ang balikat ko, kaya't napa anggat naman ako ng tingin sakanya. "Pasensiya na din anak, na dapat ako ang unang nakaka-alam at naka-kakita ng nararamdaman mo pero ako pa ang nag bibigay sakit at kirot sa puso mo dahil hinahanap ang pinapa-alala ko pa siya sa'yo." Malungkot na pag kaka-bigkas ni Mama. "Mama." Impit na iyak kong niyakap niya ako nang mahigpit at kinulong sa kanyang bisig, na maramdaman ko ang init ng katawan nito na nag bigay comfort sa akin. "Anong gagawin ko? Hindi ko ata kakayanin, na mawala siya sa akin. H-Hindi ko po kaya." Hagolhol kong wika, na wala ng katapusan na pag iyak ko sa kanyang bisig. "Huwag kanang umiyak, tahan na anak. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa taong hindi ka gusto at hindi ka pinapahalagahan." Pang-aalo nitong hinahaplos sa likod nito para iparamdama lamang na hindi ako nag-iisa. "Makaka-limutan mo rin siya, alam kong hindi madali sa una pero alam kong kaya mo ito. Alam kong kaya mong malalampasan ito, anak." Dama ko ang mainit na pag hagkan nito sa aking buhok at sumukli rin ako ng yakap sakanya, kasabay ang pag buhos ng huling patak sa aking mga mata. Sana ito na ang huling araw na pag iyak ko sa'yo Bernard. Pag katapos nito kakalimutan na rin kita, kasabay ang pag baon ng masasakit at mapapait na ala-ala na ilang taong kitang naka sama. ***** Isang linggo na ang nakaka-lipas, at pilit ko na rin kinakalimutan at binabaon ang nararamdaman ko para kay Bernard, alam kong hindi ito madali para sa umpisa pero kakayanin ko para hindi na ako masaktan pa ng todong-todo. Ilang taon na rin akong nag papaka-tanga at umaasa sakanya, at tutuldukan ko na ito ngayon. Tama si Mama, na dapat hindi ko ikulong ang mundo at buhay ko sa taong hindi naman ako gusto at pinapahalagahan. Ngayon, buhay at sarili ko na lang ang iisipin ko. Balik sa normal na ulit ang klase, at madalas kong nakita si Bernard na kasama nito ang kasintahan na si Tasya. Palagi silang nag kakasama at madalas ang sweet-sweet pa sila sa harapan ng maraming tao, sa tuwing nakaka salubong ko sila nandon pa rin ang kirot sa aking dibdib at aaminin kong nasasaktan pa rin ako sa nakikita ko. Balang araw, mawawala na rin itong pait at kapag nagawa ko na nga iyon, wala na akong mararamdaman pa. Si Taurus naman, matapos ng mangyari sa amin, pilit ko na siyang iniiwasan. Ramdam kong gusto niya akong lapitan at kausapin at nag tangka na itong gawin iyon ilang beses, na kapag nakikita ko siya o kaya naman nakaka-salubong sa daan. Kapag nakikita ko na siyang lalapitan niya na ako, ako naman ang unang lumalayo at umiiwas. Hindi pa ako handang kausapin siya matapos ng mga nangyari, at gusto ko lang munang mapag-isa. Tinatahak ko na ang daan papunta sa next subject ko para sa araw na ito. Hindi ko kasama ang pinsan kong si Nadya dahil nasa klase pa ito, hindi rin paminsan nag kakasabay ang schedule ng pasok namin. Matagal pa naman bago ang susunod na subject namin kay Mrs. Cheska na kailangan pa namin mag hintay ng isang oras pa. Dinaraanan ko na lamang ang bawat silid, at iba no’n bakante at ang iba naman hindi. Nag patuloy lamang ako sa pag lalakad hanggang dinala ang paa ko sa pinaka dulong silid sa 3rd floor ng nasabing building. Papasok na sana ako sa loob, at kaagad din naman ako nahinto nang mapag tanto kong may nauna na sa akin. Kumalabog kaagad ang puso ko na makita ko si Taurus, naka talikod ito sa akin, at hindi siguro nito napansin ang pag dating nito. Siya pa lang ang tao sa silid na iyon at wala pa ang iba pa namin na mga kaklase. Nanatili lamang ako sa aking kina-tatayuan at pinapanuod siya sa kanyang ginagawa, hanggang nilabas niya mula sa loob ng kanyang bag ang isang bagay na mag patigil sa akin. Isang inumin lamang iyon at nilapag niya iyon sa mismong desk, kong saan ako madalas umuupo, kapag subject na ni Mrs. Cheska. Nagulantang ako at aaminin kong nabigla ako, na masaksihan ko ng mismo ng aking mga mata na siya pala ang nag bibigay nito sa akin. Siya? Siya ang nag bibigay no’n? Bakit? Anong dahilan niya? Naputol ang maraming katanungan sa aking isipan, na maramdaman kong kumilos si Taurus, na mapansin nitong may matang kanina pa nanunuod sakanya. Sa labis naman na takot na mag pahuli sakanya, maliksi akong kumilos na tumago sa malapad na pader para hindi niya makita. Dama ko na ang malamig na pawis sa dumaplis sa aking leeg at noo sa takot na baka mhuli at makita niya ako. Shit. Kamuntik na ako doon, ah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD