Chapter 15

2299 Words
Chapter 15 CHLOE’S POV “Taurus?” Iyan na lamang ang nasambit ko na makita itong naka tayo sa gilid ko. Hindi ko alam kong bakit ako biglang kinabahan sa pag sulpot na lamang nito. Hindi pa rin nag babago ang paraan ng titig sa akin ni Taurus, matabang at para bang medyo naka busangot siya. Dali-dali ko naman pinunasan ang nilagay na foundation sa aking mukha. “Si Nadya kasi, ang kulit-kulit nilagyan ulit ako ng make-up.” Tugon ko naman at napa-pikit na lamang ng mata sa sagot ko. Bakit ba ako nag papaliwanag sakanya? Ano bang nangyayari sa’yo Chloe? Tumitig ako muli sa mukha ni Taurus, at wala pa ring sagot. “Pag sabihan mo ang pinsan mo, hindi ko gusto na nag lalagay ka ng make-up.” Ha? Ano daw? “Huh? Bakit b——“ bago ko pa man matapos ang sasabihin ko nang tinalikuran niya ako at naka pamulsa nang nag lakad palayo sa akin. “Sandali Taurus,” tawag ko sakanya ngunit hindi niya na ako nilingon pa. Wala akong nagawa kundi sundan na lamang siya ng tingin palayo na may isang tandang pananong sa aking isipan sa huling katagang sinabi niya. Ha? Ano bang pinag sasabi niya? Ano nangyari doon? Napa kamot na lang ako sa ulo, hanggang kusa na lang nawala sa paningin ko si Taurus. Ilang sandali pa, excited na umupo ang pinsan kong si Nadya na kakabalik lamang. “Si Taurus ba iyong nakita ko kanina. Lumapit siya sa’yo?” Una kaagad na bunggad sa akin ng pinsan ko at sinundan ng tingin kong saan dumaan kanina si Taurus. Nababasa ko sa kanyang isipan na marami siyang mga katanungan sa akin. “H-Hindi, napa daan lang siya dito.” Tugon ko para hindi na siya mag tanong pa sa akin. “Ganun? Eh bakit parang nakita ko kayo kanina na para bang seryoso ang pinag uusapan niy——-“ hindi ko na pinag patapos pa nang sasabihin ang pinsan ko ng binigay ko sakanya ang salamin na hawak ko. “Nagugutom kana ba? Kain muna tayo, libre ko n-na.” Pag iiba ko nang usapan na naka-kunot na ang noo nito sa akin. Hindi ko na ata kayang masasagot pa, ang mga tanung niya at ayaw ko rin malaman nitong nag uusap kaming dalawa ni Taurus. “P-Pero Chlo——“ Bago pa makapag salita ang pinsan ko nang tumayo na ako at binibitbit ko na ang bag na dala-dala ko. Nauna na akong mag lakad at iniwan ko na ang pinsan ko para maka iwas na sa mga tanung nito. Malalaki na ang hakbang ng paa ko at ramdam ko naman ang pag sunod nito sa likuran ko. Habang nag lalakad, hindi ko na namalayan na sobrang diin ko na pala naka kagat sa ibabang labi ko. Shit. Muntik na ako doon. **** Huling araw na ito nang Intramurals kaya’t nag enjoy talaga ang bawat studyante sa mga event at mga patimpalak na ginanap sa University. Mag-isa akong nag lalakad na hawak ang bottled water na binili ko. Iniwan ko muna si Nadya sa Auditorium kasama ng ilang mga estudyante na nanunuod dahil may ganap na pag tatanghal doon. Pasado na alas singko ng hapon, at marami-rami pa naman na mga tao na nag lalakad at iba na lamang napag pasyahan na mag tambay sa University kasama ang kanilang mga kaibigan. Ganun na ganun naman talaga, hindi lahat ng mga estudyante pipiliin na manuod o kaya naman makilahok sa mga ganitong bagay. Mas pinili na lamang ng iba ang tumambay at gawin ang gusto nila. Nag patuloy ako sa pag lalakad pabalik sa Auditorium, hindi naman madilim ang dinaraanan ko dahil naka bukas ang mga ilaw. Sobrang malinawag dahil na rin nag lagay pa din sila ng makukulay na mga ilaw sa paligid, kaya’t hindi rin nakaka takot kong mag isa kang dumaan. Ang tahimik na pag lalakad ko, biglang napa tigil na mahagip na lamang ang familiar na tao malapit sa akin. Kina-baling ko naman ng tingin para kompirmahin kong tama ba ako na nakikita. Ganun na lamang ang lakas ng pintig ng aking puso at pag kasabik na makita ko ang isang lalaki na nag lalakad ilang distansya lamang sa kina-tatayuan ko. Nanikip ang dibdib ko at tuwang-tuwa ako na makita ko siya matapos ng mahabang panahon. Ang taong matagal ko ng gustong makita. Ang lalaki, gusto ko nang mayakap at mahawakan. At ang lalaking iyon ang mahal ko. “Bernard.” Iyan na lamang ang nasambit ko na hindi inaalis ang mata ko sa guwapo niyang mukha. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa sandaling makita ko ito. Hindi ko na lamang namalayan ang sarili kong sinundan siya. Nilakihan ko pa ang yabag ng paa ko para mahabol ito na buong higpit ko nang humawak sa bottled water na hawak ko, na gusto ko siyang maabutan. Maluha-luha na ang mata ko at, punong-puno pa rin ako ng pag asa na mag kakausap at mag kaayos kaming dalawa. Sinundan ko na lamang si Bernard at pinapanuod ko na lamang ang malapad na likod nito habang nag lalakad. Masaya na ang dibdib ko, na makitang maayos na siya ngayon. Hanggang nag lakad ito palayo na sa Auditorium, malayo na sa mga estudyante. Wala na akong pakialam kong saan man ako dalhin ng aking mga paa, gusto ko lamang na pag masdan pa siya ng matagal. “Bernard.” Sa wakas, nakuha ko rin na lakasan ang sarili ko na tawagin ang kanyang pangalan. Kusa nang huminto si Bernard ng marinig nito ang pag tawag ko sakanya, at napa hinto na rin ako. “Bernard,” tawag ko ulit sa pangalan niya at kasabay ang malamig na pag ihip nang hangin, na nag bibigay lamig sa buong kalaman ko. Nag hintay pa ako ng ilang segundo at wala siyang planong sumagot at lumingon man lang sa akin. Please Bernard. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin at sa pag kakataon na iyon, nakita ko ang itsura niya. Hindi pa gaanong nag hilom ang kanyang mga sugat at pasa sa katawan at mukha. Kusa na lamang akong napa-tuptop ng aking bibig na makita ang itsura niya, malayong-malayo sa dati na umiba na nga ang itsura nito. Pero mas nasasaktan ako sa paraan na pag titig niya sa akin, puno nang lamig at panunuklam niya ako kong titig. Malayong-malayo no’ng nag sasama pa kami noon. “Bumalik, tama ako. Ikaw nga iyan.” Sagot ko pa na nagiging emosyonal na. “Nag aalala talaga ako ng lubusan no’ng malaman kong naaksidente ka. Gusto sana kitang puntahan pero, wala naman akong lakas ng loob.. Ngayon masaya na akong naka balik kan——“ “Tapos kana?” Matabang at puno ng sarcasmo nitong tinig na matigilan naman ako. Aaminin kong nasaktan ako sa katagang binigkas niya pero ayaw kong ipakita na nasasaktan ako sa loob-loob ko. “Hindi mo talaga ako tatantanan, Chloe!?” Uyam nitong tinig at ang mata nito’y puno ng galit kong paano niya ako titigan. Hindi pa din nag babago ang paraan na titig niya. Bakit? “Gusto lang naman kitang kamustahin a——“ “At ano? Para mag makaawa ulit sa akin?” Uyam na asik nito at pakiramdam ko may naka patong na mabigat na bagay sa dibdib ko, na hindi na maka hingga. “Mag makaawa na balikan kita ulit kaya’t lalapit ka? Huh! Tumigil kana dahil hindi na ako makikipag balikan pa sa’yo!” “B-Bernard.” Basag kong tinig at nag simula na mamasa ang mata ko. Bakit? Huwag mo na akong saktan pa ng ganito. Tanga na kong tanga pero mahal pa rin kita. Gusto ko sabihin sakanya ang bagay na iyon pero wala akong lakas nang loob dahil sobrang bigat na ng puso ko. “Please nag mamakaawa ako sa’yo, baka pwede pa natin ibalik sa dati. Pangako, mag papakabait na a-ako. Gagawin ko lahat ng gusto mo, basta huwag mo lang ako i-iwan. Hindi ko kaya.” Umagos na ang luha ko na kanina pa pinipigilan at hinakbang ko ang paa ko palapit sakanya. Ikaw lamang ang gusto ko Bernard, wala nang iba. Huwag mo naman ako saktan ng ganito oh. Huwag mo naman ako pahirapan pa. “P-Please Bernard, pag bigyan mo lang ak——“ hahawakan ko siya sa kamay at may kirot sa dibdib ko na kusa nitong nilayo ang sarili niya na diring-diri sa akin. Patuloy lamang lumalandas ang luha sa mata kong tumitig sakanya at may tumarak sa aking dibdib sa paraan na malamig na trato nito. “Puro na lang kamalasan ang binibigay mo, sa tuwing lumalapit ka sa akin.. Naka-kasuka ka!” Lahat ng katagang binibitawan niya, lahat nang iyon tumatarak sa puso ko. Lahat nang iyon, tinatanggap ko. Sabihin mo na lahat sa akin, tatanggapin ko. “Tigilan mo na ito Chloe, pagod na rin ako sa’yo. Kahit anong gawin mo. Hindi na babalik pa sa lahat.” Parang binagsakan ng langit at lupa ang mundo ko sa katagang sinabi niya at kusa nang nanlambot ang tuhod ko. “P-Please, huwag. H-Huwag Bernard.” Pakiusap ko na binabaling ang ulo ko na tutol sa sinasabi niya. “Huwag mo naman akong saktan, ng ganito parang awa mo na Bernar——“ “Ano ba!” Singhal nito at doon naman ako natigilan na wala pa ring tigil na umaagos ang mga luha ko. “Tapos na tayo, huwag kanang lalapit pa sa akin, at baka kong ano pa ang magawa ko sa’yo!” Uyam nitong asik at bago pa ako makapag salita na tinalikuran niya na ako. Wala akong magawa kundi sundan siya ng tingin palayo. Hindi ko na rin maigalaw ang paa kong sundan at habulin siya dahil sa bigat na rin na kinikimkim ko sa dibdib ko. Sa bawat hakbang niya palayo sa akin, iyon ang layo ng tyansa na maayos pa ang relasyon namin. Nang hihina ang lamang ang tuhod ko, hanggang mawala na sa tingin ko si Bernard. Pinili ko na lamang maupo sa gilid sa lupa, at wala na akong pakialam kong madumihan man ang suot ko. “Ahh.” Impit na iyak ko na lamang na kina sandal naman ang likod ko sa likod ng isang building. Doon ko na lamang binuhos ang iyak at hagolhol kong yakap-yakap pa rin ang mga tuhod ko. Walang humpay, na nilalabas ko lahat-lahat ng sakit at kirot sa dibdib ko. Bakit? Bakit mo ako sinasaktan ng ganito Bernard? Bakit hindi mo rin ako kayang mahalin din? Ano ba ang dapat kong gawin? Natigil na lamang ako sa pag iyak ng maramdaman ang yabag ng paa na huminto sa harapan ko. Ilang segundo akong nakiramdam at walang boses o salita akong narinig. Unti-unti akong umanggat ng tingin para silipin kong sino iyon, kahit may daplis man na luha sa pisngi ko. Una ko kaagad nakit ang mamahalin na pares na sapatos at nang tuminggala pa ako, nakita ko ang seryoso na mukha ni Taurus, na pinapanuod akong umiiyak. “Get up.” Malamig na utos nito sa akin. “I said, get up!” “Layuan mo a-ako.” Basag kong tinig na inalis ang luha sa aking pisngi. Imbes na sumunod sa akin, nanatili lamang ito naka tayo sa harapan ko at walang plano na umalis. “Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko layuan mo ako, binggi ka ba?” Medyo tumaas ang aking boses na pag tataboy sakanya. “Hindi ka ba, aalis? Alis na sabi!” Sigaw ko sakanya na umiiyak pa rin. “Iniiyakan mo ba ang putanginang, lalaking iyon?” Uyam nitong tinig at hindi na maganda ang mustra ng mukha. “Huh! Huwag mong sabihin sa akin, nag makaawa kana naman sa hayop na iyon!” “Ano bang pakialam mo?” Sagot ko naman sakanya. “At bakit ka ba nakikialam sa buhay ko? Ano ba k-kita, huh?” Basag kong asik na tumitig sa mukha ni Taurus na blangkong mukha. “Pwede bang umalis kana, hindi kita kailangan!” Sigaw ko sakanya sabay tayo sa aking kina-uupuan at tinulak siya sa dibdib nang paulit-ulit. “Alis! Umalis kana!” Nanlambo na ang aking mata at lalo pa akong napapa-iyak na hindi man lang nito ininda ang malakas kong pag tulak sa kanyang dibdib. Bakit ba siya nakikialam sa buhay ko? Hindi ko kailangan na kahit na sino! Gusto kong layuan nila ako at hindi ko sila kailangan! Gusto kong mapag-isa! Mahirap ba iyon? “Umalis kana! Ali—-“ hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang mabilis na nahuli ni Taurus ang pulsuhan kong tinutulak siya at nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa na sinandal niya ako sa pader. “Putangina!” Matinis nitong mura na kina-anggat ko naman ng tingin, sabay agos ng luha sa mata ko. “Tangina Chloe, hindi mo ba ako tatanungin, kong bakit ako umaakto nang ganito, huh? Because, I f*****g love you! Hindi mo ba nakikita!?” Singhal nito at wala na lang akong nalabas na salita, kundi umiyak na lang sa harapan nito. “Hindi mo ba nakikita? Nasasaktan ako na makita kang nag mamakaawa sa hayop na iyon at nasasaktan rin ako, na siya pa rin ang mahal mo kahit, nandito naman ako!” Gigil nitong asik at hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi. Ano? “A-Anong ibig mong sabihin?” Naguguluhan kong wika na nilapit pa nito ang mukha niya sa akin na makita ko ang galit nitong mga nata. “Ano ito T-Tauru——“ hindi ko na natapos ang aking sasabihin na siniil niya na lamang ako ng mainit at matamis na halik sa labi, na manlaki naman ang aking mata. Sunod na lamang narinig ang malakas na pintig ng aking puso, sa nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD