Chapter 17

1632 Words
Chapter 17 CHLOE'S POV Hanggang mag simula ang klase sa subject ni Mrs. Cheska malalim pa rin ang iniisip ko. Maraming mga katanungan ang bumabagabag ang isipan ko, na pangyayari nakita ko si Taurus na nag lalagay ng inumin sa ibabaw ng desk ko. Anong dahilan niya? Bakit ginagawa niya iyon? Noon paman talaga, gusto ko na malaman kong sino ang nasa likod ng pag lalagay at pag bibigay ng inumin sa akin at ngayon nalaman ko na talaga, kong sino siya. Simple na lang akong napa-lingon sa likuran ko, at tinignan si Taurus, na naka-upo sa silya at naka sentro ang atensyon nito sa pakikinig kay Mrs. Cheska, hindi nito napansin na may mga mata na kanina pang nag mamasid sakanya. "Diba ang guwapo niya, Chloe? Hihi." Ang kinikilig na wika ng pinsan kong si Nadya ang nag patigil ng malalim kong iniisip. Pasadyang nilapit ang mukha ni Nadya sa akin at sabay naming pinapanuod na dalawa si Taurus. Umiwas na lang ako ng tingin at patay-malisya na lamang na binalik ko ang titig ko sa unahan. "Sa tingin mo ba kapag niligawan ko si Taurus, sasagutin niya kaya ako? Mapapansin niya kaya ang ganda ko?" Pag huhumaling na wika ni Nadya na kinikili itong parang bulate sa tabi ko. "Ha?" Nag tataka kong wika na nilingon ko ang pinsan ko na hindi na maalis ang matamis na ngiti sa labi nito. Halatang-halata naman na kinikilig at nahuhumaling ito kay Taurus sa paraan pa lamang malagkit at maka hulugan na pag titig niya dito. "Ang ibig kong sabihin, ako na kaya ang mag first move sakanya?" Naka nguso nitong wika na mahina lamang kaming nag uusap para sa ganun, hindi mapansin ni Mrs. Cheska na kanina pa kami nag uusap na dalawa sa kalagitnaan ng pag tuturo nito. "No'ng minsan kasing lumapit at nag pa-cute ako sakanya, hindi niya man lang pinansin ang ganda ko. Tama ba iyon?" Naka nguso nitong saad na hindi pa rin maalis ang matamis na ngiti sa labi. “Kong lumapit ba ako kay Taurus sa sunod, sa tingin mo kaya Chloe papansinin niya kaya ako?” “Siguro.” Alangan na lamang akong ngumiti sakanya at hindi ko na pinansin si Nadya na panaka-naka ang nakaw na sulyap nito kay Taurus. Matapos ang ilang oras na pag tuturo, natapos na rin ang subject namin. Nag silabasan na rin lahat ng mga kaklase namin, at kanya-kanya na silang umalis kasama ang kanilang mga kaibigan o kaya naman mag kasama. Kagaya nang dati, huli kaming lumabas ni Nadya sa silid. Bitbit ko ang libro at mga gamit na madalas kong dinadala at sabay naming dalawa, tinatahak ang daan sa hallway. Medyo may kadiliman na dahil pasado alas sais na nang hapon, at konti na lamang ang mga estudyante ang naroon dahil mas maaga natapos ang kanilang pasok. Naka bukas ang mga ilaw sa hallway, kaya hindi naman gaanong nakaka takot kong nag lalakad ka lang naman na mag-isa. “Hay naku.” Wika na lamang ni Nadya na mapa-lingon naman ako sa gawi ng pinsan kong naka tuon ang atensyon sa hawak na cellphone at may binabasa siyang kong ano doon. “Bakit, may problema ba?” Sinilid na lamang ni Nadya sa bulsa ang cellphone sabay iling ng ulo para sabihin, na wala naman siyang problema. “Nag text si Mommy, nandon na daw sila ni Dad sa labas ng gate, mag family dinner daw kami sa labas. Eh, balak ko pa naman sanang kumain tayo bago umuwi, pero mukhang hindi matutuloy dahil may plano pala sila.” Anito. “Okay lang naman, pwede naman natin gawin pa sa mga susunod.” “Mabuti pang sumabay kana lang sa akin, ihahatid na lang namin ikaw sainyo dahil dadaanan naman namin papunta sa kakainan namin.” Presinta nito na kaagad ko naman kina-iling. “Huwag na Nadya, at mukhang importante ang lakad niyo ngayon. Naiihi na rin naman ako eh, dadaan pa ako sa restroom.” Wika ko pa dahil sobra na talaga ang nararamdaman ko, na kanina pa ako nag pipigil dahil nasa kalagitnaan ng klase. “Eh, pwede naman kitang hintayin na lang na matapos ka. Hindi naman magagalit si Mom at Dad, kong pag pahintayin ko sila kahit konting minuto lang naman, diba?” Anito na pinapagalaw pa nito ang balikat sa excitement lamang. “Huwag na talaga Nadya, may dadaanan din naman ako bago umuwi.” Saad ko pa na kina-busangot naman nito. “Sige na, mauna kana at nag hihintay na sila sa’yo sa labas.” “Sige na nga.” Anito na napipilitan pero masama ang loob na hindi ako makakasama sakanila. “Basta itext mo ako kaagad kapag naka-uwi kana sainyo ha? Sige bye!” Paalam ni Nadya at nauna na itong nag lakad. Sinundan ko na lamang siya ng tingin at samantala naman ako, inuna kong pumunta sa restroom dahil kanina pa talaga ako nag pipigil nang iihi ko. Pag pasok ko sa restroom, kagaya nga ng expected kong wala nga talagang mga tao doon. Bago umalis, nag ayos muna ako at binibit ko na ang mga gamit ko palabas. Tahimik akong nag labas sa pintuan ng restroom, at kulang na lang mapasigaw ako na may nag salita na lamang sa gilid ko. “So, alam mo na pala.” Britonong wika ng taong naka abang na pala sa akin kanina pa. Napa-hawak na lamang ako ng dibdib ko sa labis na gulat at nilingon ko para hanapin kong saan nag mumula ang tinig, at kaagad din naman ako pina-nunuyuan ng lalamunan na makita ko ang lalaking naka sandal sa pader ng restroom. Taurus? Anong ginagawa niya dito? Aaminin kong kinabahan ako ng konti na lamang na hindi inaalis ang mata ko sa guwapo nitong mukha. Ang masungit at lamig ng itsura nito, ang nag bibigay pa lalo ng anggas sakanya. Sandali, ano na naman ba itong pinag-iisip ko? “Alam na ano?” Sobrang hina lamang ng pag kakabigkas ko, na kina-alis naman ni Taurus ang sarili sa pag sandal sa pader. Damang-dama ko na ang pag papawis sa buong pag katao ko na nilapit pa ni Taurus ang sarili niya sa akin. “Tungkol sa inumin.” Cool na wika nito. Paano? Paano niya nalaman na alam ko na? “Nag tataka ka siguro kong paano ko nalaman? Simple lang naman, nakita kita nag tatago sa pader pero, hindi ka lang kagalingan sa pag tago dahil nakita ko ang hawak mo.” Anito na sabay lunok ko naman ng laway na mapako ang mata ni Taurus sa bitbit kong mga libro. Shit! Nakaka-hiya talaga. Ano pa ang silbi ng pag tatago ko, kong nakita niya din naman ako. “Bakit? Bakit mo ako binibigyan parati ng inumin?” Sa kabila ng kaba sa dibdib ko, nagawa ko na din maitanong ang bagay na matagal ko na talagang gusto malaman ang mga kasagutan. Huminto si Taurus sa harapan ko at ilang pulgada lamang ang layo namin. Sinilid nito ang kanyang kamay sa bulsa, na kina-tingala ko naman ng konti dahil hindi biro na may katangkaran din siya sa akin ng konti. “Dahil lamang sa gusto ko, at gusto rin kita.” Pag tatapat nitong hindi inaalis ang titig ko kay Taurus. Ha? “Bakit ako, Taurus?” Tanong ko pa na napa-anggat na lamang ng labi nito sa tanong ko. “Bakit kailangan pa talaga, ng explaination para masabi lang na mahal kita?” Nag lalaro ang kapilyuhan sa kanyang labi, at ang pag hakbang muli ng paa nito sa akin, na iyon naman ang kina-atras ng paa ko palayo sakanya. Huwag kang lalapit. Huwag ka basta, lalapit sa akin. Lumayo ka, parang awa mo na. Sigaw naman ng utak ko at nanlamig ang buong katawan ko na tumama na lamang ang likod ko sa malamig na pader. Napaka- likot na ng mata kong, tatakbo na sana ngunit hindi ko na naituloy nang kinorner na ako nito at tinukod ni Taurus ang isa niyang kamay sa pader. Napa-lunok na lamang ako ng laway na ilang pulgada na lamang ang layo ng katawan namin sa isa’t-isa. Mula sa posisyon ko; naamoy ko na ang mabango at mamahalin na pabango nitong gamit at bigla akong pinang initan sa simpleng pag lapit niya lamang. “Anong ginagawa m-mo?” Nauutal kong wika. “So tayo na?” Diretsong tanong nito na mapa-awang na lamang ako sa kanyang sinabi. “W-Wala akong natatandaan na sinagot kita, ang kapal naman talaga ng pag mumukha m-mo.” Nanlaki ang mata ko na nilapit pa ng konti ni Taurus ang mukha niya sa akin. “Kailangan pa ba ang bagay na iyon? Nahalikan na rin naman kita, at may nangyari na din sa atin. Bakit pa natin papa-komplikado pa ang lahat, Chloe.” Sumilay ang matamis na ngiti sa labi nito na makita ko ang maputi at pantay-pantay nitong ngipin. “Ang bastos mo talaga, lumayo ka nga sa aki——“ hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko na mabilis niya akong hinalikan sa aking kabilang pisngi na kina-pula pa lalo ng mukha ko sa kanyang ginawa. Nanigas na ako sa aking kinatatayuan at hindi ko na maikilos p ang katawan ko sa kanyang ginawa. Domoble ang kalabog ng aking dibdib, na tinignan si Taurus na nilayo ng konto ang sarili niya sa akin. “Bye babe, see you tomorrow.” Kinindatan pa ako nito at nag lakad siya palayo sa akin. Nangangatog na ang tuhod ko na sinusundan na lamang siya ng tingin paalis. Wala na lang ako sa sariling napa-hawak sa kabila kong pisngi, at kahit naka layo na si Taurus, nararamdaman ko pa rin ang pag lapat ng labi nito sa aking pisngi. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ganito na lang kalakas ang pintig ng puso ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD