Chapter 23

2304 Words
Chapter 23 NADYA’S POV Pakanta-kanta pa ako habang inaayusan ko ang sarili ko sa harapan ng salamin. Kaninang pag gising ko, hindi ko maipaliwanag na maganda na kaagad ang mood ko na sumasabay naman sa magandang panahon ngayon. Ang isang bagay din na nag papasaya sa akin na makikita ko na naman ulit ngayon si Taurus sa Campus. Ito talaga ang inaabangan ko sa lahat at ang pumasok araw-araw para masilayan lamang ang binata. Kahit tinatanaw ko lang ito sa malayo at madama ang kanyang presinsiya okay na sa akin. Hindi ko maipaliwanag kong bakit sabik na sabik at mababaliw na ang malakas na pintig ng aking puso sa tuwing nakikita ko na ito. Ewan ko ba kong anong klaseng gayuma ang tumama sa akin, kong bakit ganito na lang ang nararamdaman ko, na ibang-iba naman ito sa mga lalaking nagugustuhan ko noon. Iba ang epekto na binibigay sa akin ni Taurus Lintik na tinamaan talaga ako sakanya. Naka suot na ako ng uniforme na pang pasok at pinapanuod ko ang repleksyon ko sa salamin habang sinusukalayan ang mahaba kong buhok. “Ang ganda mo talaga, Nadya.” Hindi ko mapigilang maibigkas iyon sa sarili ko na ngayon ayos na ayos na ako. Nag lagay na akong light make-up sa mukha at girly shades ng eyeshadow para naman ma emphasized ang maganda kong mga mata. Nag lagay na rin ako ng blush on sa pisngi at hindi mawawala sa lahat ang paborito kong shades na liptint. Ilang beses pa akong napapa tingin sa salamin at napatigil na lamang ang pag papantasya ko na kusang bumukas ang pintuan ng silid ko at nakita ko ang repleksyon ni Mommy sa salamin, na nasa likuran ko lamang ito. “Nadya, anak bumaba kana para sabay-sabay na tayong makakain nang almusal.” Wika kaagad ni Mommy na kina-lingon ko naman sakanya. Suot nito ang maganda at disenteng dress na kahit nasa loob man lang ito ng bahay, gusto nito parati na ayos na ayos siya. Kaya siguro isa din ang katangian na namana ko sakanya ang bagay na palaging malinis sa sarili at hindi maka-alis sa bahay na hindi nag aayos. “Sige Mommy, susunod na ako sa’yo patapos na rin po ako dito.” Pinakita ko pa ang matamis kong ngiti na kina-lapit naman nito sa akin. “Ang saya-saya naman ng princess ko ngayon ah. Ngayon lang kita nakitang masaya ng ganiyan.” Puna sa akin ni Mom na kina-lawak pa din ng matamis kong ngiti. “Syempre naman po Mommy.” Tugon ko pa na taas noo. Aba, todo effort talaga ako ngayon. “How do I look?” Umikot pa ako sa harapan nito para ipakita ang maganda kong ayos, lalong-lalo na rin kong paano ko pinag handaan ang araw na ito na maging maganda para sa ganun mapansin ako ni Taurus. “Absolutely stunning, my princess.” Puri ni Mommy, na abot taenga na ang matamis kong ngiti. “Sa tingin mo kaya Mommy, magugustuhan ako ng crush ko?” Pinag dikit ko ang palad ko. “Oo naman, ikaw pa ba.” Anito na mag bigay lakas ng loob sa akin. “Ikaw ang pinaka magandang babae sa Apollo University, at bulag na lang talaga kong hindi ka pa mapansin ng nagugustuhan mo.” Anito “Thanks Mom.” “Sino ba ang bago mong nagugustuhan?” Tanong nito. “Marami na ang naikwento mo sa akin na mga nanliligaw at mga nagugustuhan mo, pero mukhang special itong tinutukoy mo sa akin ngayon. Sino ba siya? Nag aaral din ba siya sa Apollo University?” Imbes na sumagot, nag kibit-balikat na lang ako. “Secret Mom.” Pag bibitin ko pa. Gusto ko man sanang sabihin sakanya kong sinong lalaki ang nag papatibok ng aking puso pero mas maganda kong ilihim ko muna ito sakanya at kahit na rin sa ibang tao. May ganun kasing kasabihan na kapag sinasabi o kaya naman kinu-kwento mo sa ibang tao ang plano o kaya naman magagandang nangyayari sa’yo, kaagad din naman nauudlot. Kaya’t ayaw kong sayangin ang pag kakataon na ito para sa aming dalawa lamang ni Taurus. “Soon Mommy, sasabihin ko sa’yo kong sino siya kapag naging kami na.” Determinado ko pang wika. Lahat nang gusto ko; tutuparin ko. At isa na doon ang maging nobyo ko si Taurus pag dating ng panahon. Pag katapos naming mag salo-salo ng agahan, hinatid na rin ako ni Dad sa school. Inayos ko na sa pag kakasabit sa balikat ko ang mamahalin kong bag, at umayos na nang tindig. Hindi pa naman gaanong masakit ang sinag ng araw at bandang alas otso pasado pa lang ng umaga iyon, may nakaka sabayan na rin akong mga estudyante na mas maaga ang kanilang pasok. Tahimik na lang akong nag lalakad hanggang maagaw ang aking atensyon na makita ang isang tao sa kabilang kalsada. Doon huminto ang sasakyan na nag hatid sakanya at ng makita ko ang taong maanggas ang tindig, kaagad din naman nag karerahan ang aking dibdib na mamukaan kong sino nga ba talaga iyon. Taurus. Guwapong-guwapo ito sa kanyang itsura na suot ang uniforme at naka sabit naman sa kaliwang bahagi ng kanyang balikat ang bag na parating dinadala nito sa pag pasok. Kiniliti ang aking dibdib na makita lamang ang binata, na may pag kasabik na mapansin niya rin ako. Dumadaan na rin sa harapan ng binata ang Ilang estudyante at ang iba sakanila hindi mapigilan na mapa lingon at kiligin na makita lamang ang guwapong si Taurus. Kahit na sinong babae, o kahit bakla man maagaw na kaagad ang sentro ng atensyon na mag kagusto dito. At sa daan-daang mga kababaehan na babaeng nag kakagusto kay Taurus, isa na ako doon. Masungit at malamig ang emosyon na pinapakita ni Taurus ng sandaling iyon. Marami-rami na rin akong naririnig na lahat ng mga babaeng nag papa-cute at nag co-confess na kanilang nararamdaman dito kaagad din naman nire-reject ng binata. Mailap ito sa mga kababaihan at kahit na rin makipag kaibigan ayaw rin nito. Wala pa akong nakikitang kasama o kaya naman kaibigan kapag nag lalakad ito sa Campus. Ang maging malamig sa ibang tao at mysteryosong ugali nito na gusto ko pang alamin. Inayos ko na ang aking sarili, at siniguro ko talaga na maayos na rin ang aking buhok bago agawin ang atensyon nito. Inipon ko pa ang lakas ng loob ko at saka bumaling ng tingin sakanya. “Taurus, hello!” Tinaas ko ang kaliwa kong kamay para sa ganun mapansin niya rin ako. “Taurus!” Tawag ko pa sakanya na halos mapunit na ang matamis na ngiti sa aking labi. Hindi nito napansin o nilingon man lang ang pag tawag ko sakanya bagkus bumaling na lang ang mata ni Taurus sa kabilang dako na para bang may tinitignan siya na hindi ko mawari. Unti-unting nawala ang matamis kong ngiti sa labi at binaba rin ang kaliwa kong kamay na kinakaway sakanya at sinundan ko kong saan siya naka tingin at nanlaki naman ang mata ko na makita kong sino nga ba talaga ang tinitignan nito. Chloe? Takang-taka ako at nagulat rin sa pangyayari. Maraming katanungan sa isipan ko na kahit ako mismo, hindi ko kayang sagutin. Napa dako lamang ang mata ni Taurus sa gawi ng pinsan ko at hindi ako tanga na hindi malaman na si Chloe ang tinitignan niya sa mga nag daraan na mga estudyante sa labas ng Campus. Nanigas na ang katawan ko at kahit makapag salita at react hindi ko na rin nagawa. Pabaling- baling lamang ang mata ko sa gawi ni Taurus at posisyon naman ng pinsan kong tahimik lamang nag lalakad habang inaayos nito ang bag. Bumibigat na ang aking pag hingga sa bawat segundo na lumipas. Tumingin muli ako sa direksyon ni Taurus at nang mapansin nitong naka titig ako sa direskyon niya. Kaagad din naman nitong binawi ang palihim niyang pag titig sa pinsan ko saka malamig na nag lakad papasok sa Campus. Naiwan akong tulala at hindi makapag salita sa nangyari. Sinundan ko na lamang ng tingin ang pinsan ko at wala itong kaalam-alam sa nangyari, at saka nito napag pasyahan na pumasok na sa gate at naiwan na lamang akong naka tayo at naguguluhan.. Wala sa sariling napa hawak na lamang ako sa aking dibdib, at may bigat na naka patong doon na kahit ako hindi ko maipaliwanag kong ano ba talaga iyon. Bakit ganun? Bakit ganun na lang ang pag titig ni Taurus sa pinsan ko? Bakit may kirot dito sa puso ko? *** Hanggang mag simula na ang klase, tulala at napaka lalim pa rin ng iniisip ko. Hindi pa rin maalis-alis sa aking isipan ang tagpong mahuli ko si Taurus na naka titig na lamang sa pinsan ko ng ganun. Hindi dapat ako mabahala at mag panic ng ganito, pero hindi talaga ako mapakali. Hindi talaga ako makakampanti hangga’t hindi mag karoon ng kasagutan ang mga bumabagabag sa isipan ko ngayon. “Nadya? Nadya?” Pukaw na tawag sa akin ni Chloe na mabalik ako sa realidad. Mag kasama kami ngayon sa cafeteria, at simula no’ng umupo na kami para maka kain, tahimik na ako at malalim na rin ang iniisip. “Ayos ka lang ba?” May pag aalala na tanong nito na mapa titig na lang ako sa mukha ng pinsan ko. Kay diin na ang pag kakagat ko sa ibabang labi. Gusto kong ibuka ang bibig ko para mag tanong sakanya subalit hindi ko naman alam kong paano ko sisimulan ang sasabihin ko. Imbes na sumagot; sinapo ko na lang ang mukha ko at umayos nang pag kakaupo sa silya. “Oo, okay lang ako.” Pinakita ko ang matamis kong ngiti, para ipahiwatig na maayos lamang ako pero kabaliktaran naman ang nasa loob-loob ko. “Kanina ka pa kasi tahimik. May problema ba? May masakit ba sa’yo?” Hindi pa rin matapos-tapos ang pag tatanong nito. Ganun parati si Chloe, simpleng bagay na nangyayari at emosyon na pinapakita ko kaagad din naman nito napapansin. Alam niya kong masaya ba ako. Alam niya rin kong may bumabagabag sa isipan ko. At higit sa lahat alam niya rin kapag may problema ako. Ganun kami mag kasundo at mag kalapit na dalawa, konting kebot alam na namin ang nangyayari sa bawat isa. “Wala naman Chloe.” Wika ko pa at sabay hingga ng malalim. Inipon ko muna ang lakas sa aking bibig bago sabihin sakanya. “Matutulungan mo ba ako?” Sa wakas naisabi ko na rin ang bagay na matagal ko nang gustong sabihin dito. “Sige ba. Tungkol saan? Sa subjects ba natin? Kong iyan lang naman ang problema mo, matutulungan talaga kit——“ pinutol ko na ang anumang sasabihin nito. “Kay Taurus.” Natigilan naman si Chloe at nag tataka sa sinabi ko. “Bakit?” “Anong bakit? Alam mo naman na matagal ko na siyang gusto, diba Chloe? Mahal na mahal ko talaga si Taurus.. Matutulungan mo ba akong ilapit sakanya?” Despirada na talaga ako. Gustong mapa lapit na sa binata at ayaw ko nang sayangin pa ang pag kakataon na ito. “Bakit ako?” Anito. “Hindi naman kami close na dalawa ni Taurus, Nadya.” Wika nito na doon naman ako natauhan sa sinabi niya. Oo nga pala. Hindi naman sila mag kasundo na dalawa, bakit pa ba ako lumalapit sakanya? Bakit pa ako humi-hinggi ng pabor, na ngayon hindi naman sila malapit sa isa’t-isa. Ano bang nangyayari na sa’yo Nadya? Bakit ka na lang nag kakaganito? “Oo nga pala. Bakit ko ba, hinihinggi ang bagay na iyon sa’yo?” Sinapo ko na ang mukha ko at naguguluhan na talaga. Kailangan ko ng gumawa ng paraan na mapa lapit sa binata o kaya naman mapansin niya ako. Para sa ganun, maging kampante na ako. Pinag patuloy na lang ni Chloe ang pag kain ng tanghalian samantala naman ako tahimik pa rin at hindi magalaw-galaw ang pag kain sa pinggan ko. “Alam mo talaga nakapag tataka.” Pag bibitin ko na kwento. “Ang alin?” Ngumu-nguya pa nitong tanong habang kumakain. “Nakita ko kasi si Taurus kanina na papasok sa school at ibang-iba ang titig niya sa’yo, Chloe.” Pag oopen ko naman ng usapan at sa isang iglap naman natigilan naman ang pinsan ko at may konting kaba ang gumuhit sa kanyang mga mata. Lununok ng sariling laway si Chloe at hindi umimik. “Ewan ko Chloe, pero ang titig niya sa’yo kanina na may laman eh. Hindi ko alam kong ano pero, ewan.” Naguguluhan kong salita at kusa na lamang umiwas ng tingin ang pinsan ko na iyon naman ang pinag tataka ko. Bakit bigla siyang umiwas? “Sa a-akin?” Kurap na salita, na nauutal na. “Patawa ka talaga Nadya, bakit mo naman naisip na sa akin siya naka-tingin? Baka sa ibang estudyante si Taurus naka tingin at hindi sa akin, ano?” Tugon pa nito na ilang beses na napapa-kurap ng mata ang pinsan ko. Nag gaganun talaga si Chlpe kapag nag sisinunggaling siya o kaya naman may tinatago siya sa akin. Bakit pinag papawisan na lang siya ng malala ng ganito? “Chloe.” Mahina ko pang pag tawag. “Imposible naman ang sinasabi mo, Nadya. Guwapo si Taurus at sikat pa sa University, imposible naman na titigan niya ang isang pangit at manang na kagaya ko.” Napa iling pa nitong wika samantala naman ang kanyang mga mata may sinasabi. “Kumain kana at ubusin mo na iyan na pag kain mo at baka ma-late pa tayo sa susunod na pasok natin, Nadya..” pag tatapos na lamang ng usapan ni Chloe at natahimik naman ako na pinapanuod ang pinsan ko; at napapaso na itong tignan ako muli sa mata. Bakit ganun? Bakit pakiramdam ko, may tinatago rin siya sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD