Chapter 22

2117 Words
Chapter 22 CHLOE’S POV Naka tutok ang centro ng atensyon ko sa binabasa kong libro, hindi naging alintana para sa akin na mawala sa konsentrasyon sa aking binabasa ang inggay ng ibang kasama namin sa isang restaurant. Inalis muna saglit ang mata ko sa libro, at pinasadahan ng tingin ang katamtaman lamang na kainan kong asan kaming dalawa ni Taurus. Lumang disenyo ang pag kakagawa ng restaurant at makikita mo naman sa kalidad at ginamit na materyales na matitibay at medyo may kalumaan na nga iyon. Puro kahoy lamang ang kagamitan na ginamit nila, mag simula sa bintana, counter, table chairs at iba pang mga bagay. Tantya ko pa, pito lang ata ang lamesa doon at ang pinaka malaking table, kayang mag okupa na anim na tao lamang. Konti lang naman ang tao sa restaurant dahil maaga pa naman at karaniwan sa kanila mag kaibigan o kaya naman pamilya na mag kakasama. Maganda rin ang ambiance at tahimik rin, bagay na bagay ito sa mga taong introvert iyong gusto lamang katahimikan at ayaw makihalubilo sa ibang mga tao. Hindi lamang sa nakaka relax at magandang view din ang matatanaw mo, kong saan ang lokasyon ng restaurant kundi rin malayong-malayo na nga ito sa syudad at napapalibutan rin ng magagandang tanawin. Napa-tigil na lamang ako sa pag muni-muni na bigla na lamang na hinablot nang binabasa kong libro. Sinamaan ko na lamang ng tingin ang bagong dating na si Taurus, na kakabalik lamang nito para umorder na nang makakain namin. “Ano ba, ibigay mo na ang libro ko.” Tangkang aagawin ko muli sakanya ang libro, na kaagad din naman kina-layo nito sa akin na mapa-simanggot pa muli ako. Kainis naman kasi. Ano ba ang problema niya? Tinaas ni Taurus ang libro gamit ang isa nitong kamay sa hangin. “Kapag kasama mo ako, no more of this okay?” Anito na mapa-ngaga na lang ako. What the heck? Kahit ang bagay na pag aaral ko, pag babawalan niya? Asan ang hustisya doon. “I know that studying is important to you too Chloe. Can we relax and enjoy ourselves for just a moment?” Uggh. “That's why I asked you to go on a date so that we can be together and bond, hindi iyong hanggang dito na lumabas na nga tayo, pag aaral pa rin ang inaatupag mo.” Wika ni Taurus na kina-upo naman nito sa bakanteng silya na kaharap ko lamang. Sinandal ko ang siko ko sa lamesa at pinandilatan na lamang ito. “Fine, whatever.” Pag susungit ko na lamang. Gusto ko na talaga matapos ang araw na ito para sa ganun, maka uwi na ako at hindi iyong pag tya-tyagaan ko pa siyang maka sama buong mag hapon. Hindi lang talaga sa ayaw ko siyang maka sama kaya nag iinarte ako ng ganito, pero naiilang talaga ako. Hindi ako komportable na lumabas at makipag date sa isang tao na hindi ko naman lubusang kilala at mahal. Tinabi ni Taurus ang hawak kong libro palayo sa akin para panigurado na hindi ko na iyon kukunin sa hawak niya. “Asan ba tayo?” Tanong ko pa. Hindi ko rin alam kong saang lupalop na ba kami ni Taurus ng bansa. “Hmm to a far-far away place?” Tinaas-baba nito ang kilay at nag papa cool sa akin. Kina-guwapo mo naman ang ginagawa mo? Ptfft! Yea guwapo nga, but kulang pa... “I just took you to the place you want.. This is a safe place for us, Chloe. Walang makaka-kita sa atin na ibang mga tao at kahit na din mga estudyante na nag aaral sa Apollo University.“ anito na kina sandal nito ang likod nito sa silya ng upuan samantala naman ang isang kamay naka patong sa bakanteng silya na mag mukha itong maanggas sa parte na iyon. Guwapo siya sa ganung prostura na kahit sino ba naman na mga kababaihan, malalaglag panty talaga kapag si Taurus ang makita mo. Maputi. Guwapo. Maanggas Matangkad Malakas ang charisma at s*x appeal. Sakanya na ata ang lahat. Nang mag paulan ang diyos ng kagandahan at kaguwapuhan, sinalo na ata lahat ni Taurus lahat ng katangian na gusto mong makita sa isang lalaki. “Paano ka ba nakaka sigurado, na walang makakita sa atin dito na ibang ta——“ hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mag talon ang atensyon ko sa mga babaeng nag hahagikhik at nag bubulungan katabi lamang ng lamesa kong saan kami naka pwesto ni Taurus. “Ang guwapo niya, sissy!” Kinikilig naman na wika ng babae na naka lugay. “Oo nga, parang anghel na binaba sa lupa.” Sagot naman ng isang babae na sexy na damit at nangamatis na ang mukha nito at pasulyap sa gawi ni Taurus. “Sa tingin mo kaya single siya? Hingin natin ang number.” Hirit naman na wika ng babaeng naka lugay at panak-naka na sumusulyap sa pwesto namin ni Taurus, at pag katapos binabalik ang atensyon sa lamesa nila na para na silang bulate na hindi na mapakali. “Oo mamaya hingin natin ang number niya doon sa pangit na alalay na kasama niya.” Wika pa naman ng babaeng naka sexy top at nag tanawan at pa ang dalawa na babae pag katapos. Aba! Aba. Ako ba? Ako ba ang sinasabihan ng babaeng iyon na pangit at alalay nitong si Taurus? Aba, nakaka sama ng loob ah. Hindi lamang ako na bwisit kay Taurus kundi sa dalawang babae nag uusap katabi ng table namin. Kong pala-away lang talaga ako baka kanina ko pa sila sinugod, pero pasalamat talaga sila dahil hindi ako ganung klaseng tao. “Just ignore them.” Cool na wika ni Taurus, na mapansin siguro nitong naka pako na ang mata ko sa dalawang babaeng iyon. “Ang sama ng titig mo sa kanila ah? Relax, I’m all yours babe, at hindi ako titingin sa iba.. Sayong-sayo lang ang puso ko.” punchline na wika ni Taurus na maalis ang tingin ko sa babaeng katabi namin na table at pasulyap na galit ko siya tinignan. “Neknek mo.” Irap kong kina-ayos naman ng pag kakaupo ko sa silya. Bwisit. Naiinis na nga ako sa katabi namin na table na mga babae tapos hihirit ka pa talaga? “What? Sinabi ko lang naman ang totoo babe.” Ugh. Nakaka rindi pakinggan na tinagawag niya akong babe. Kong mahal lang talaga kita Taurus, baka kanina pa nabasa ang panty ko sa punchline o pag tawag mo sa akin na babe, pero hindi eh. Kulang pa. “Hmmp.” Inirapan ko na lamang siya at binaling ang atensyon ko sa malayo. Bahala ka diyan. Manigas ka, hindi kita kakausapin buong araw. “Why? did I do something wrong, to you?" Malambing na tanong ni Taurus, na kahit sino walang makaka tangi sa mala-anghel nitong boses. “Gusto mo bang sagutin ko ang tanong mo na iyan?” Pag susungit ko pa at sa pag kakataon na ito, nilingon ko na siya. “Marami, Taurus. Ano ba kasi ang ginagawa mo sa bahay namin kanina? At paano mo nalaman ang bahay namin? Ang lakas talaga ng loob mo ano, na nag pakita ka pa talaga sa Mama ko. Wow ah!” Sunod-sunod kong tanong na kina-ngisi na lang nito. Huwag kang ngingisi sabi eh. Huwag. Sumisilaw ang nakaka tunaw mong ngiti. Ito lang naman ang gusto ko na mag karoon ng kasagutan, kong paano niya nalaman ang bahay namin. Hindi naman na tinatago ko sa lahat ng mga tao kong saan kami naka tira, pero hello? Hindi kami close na dalawa ni Taurus, at ilang buwan pa lang naman kami mag kakilala na dalawa. Wala naman akong natatandaan na sinabi o pinaalam sakanya kong saan nga ba talaga ang bahay namin. “Ahh, iyon ba iyon?” Cool nitong wika na kina-tango pa. “I just figure it out.” Ha? Ano bang pinag sasabi ng lalaking ito? “Ha? Figure it out na, ano?” “Secret." I raised my eyebrows and my nose snorted at his answer. It's really annoying. "Matagal ko na rin alam kong saan ang bahay mo no’ng mag simula ako mag dig ng informatin tungkol sa'yo.. I’m sorry kong bigla na lang akong pumunya sa bahay niyo kanina, wala naman talaga akong plano na pumunta at mag pakilala sa Mama mo. Pero wala rin naman ako na choice dahil alam ko rin naman na hindi ka sisipot sa usapan nating dalawa.” Wow! Natamimi ako doon ah? So kasalanan ko pa ngayon? Oo wala naman talaga akong balak na sumipot, pero it doesn’t matter. “Wow. Stalker ba kita?” “Oo.” Sagot naman nito na pinakita ang maputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. “Bakit ba kasi naisipan mo mag date pa tayo?” “Wala gusto ko lang.” Anito na sa isang iglap naging seryoso ang pananalita nito. “Alam ko naman na hindi naman natin magagawa na mag date ng maayos sa Campus, kaya’t naisipan ko na lumabas na lang tayo.” Anito na bumaling na siya ng tingin sa akin at napapaso naman akong umiwas sakanya. Bakit ba ganito? Pasalamat na lang talaga ako na dumating na ang inorder naming dalawa ni Taurus na mga pagkain dahil nag karoon na ako na pag kakataon na hindi na kami mag usap na dalawa. Lasagna lang ang inorder ko tapos juice, samantala naman si Taurus nag dagdag pa ito ng ibang mga pagkain, kagaya ng fries, pizza, pasta at inumin. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pag kain at ganun rin ito. Ilang beses ko pa rin nahuli si Taurus na pasimpleng sumusulyap sa akin at tinignan ako. Ayaw ko naman na mawala sa konsentrasyon ng pag kain kaya’ dineadma ko na lang ito. “Babe pst.” Pukaw na tawag na mahina lamang sa kalagitnaan na pag kain namin. Huwag mo siyang pansinin, Chloe. Ideadma mo lang siya. “Babe.” Ito na naman, sinusubok na naman ng diyos ang pasensiya ko. “Babe.” “Ano ba?” Naiinis kong wika na nangamatis na ang mag kabila kong pisngi. Bakit hindi niya man lang ako bigyan ng katahimikan at peace of mind sandali. Imbes madala si Taurus sa pag susungit ko. Ngumiti na lang siya ng matamis. “Wala, ang sabi ko ang ganda mo.” Pangiti-ngiti pa ito na kina-balik ang sentro ng atensyon sa kinakain at samantala maman ako natulala na lamang. Humingga na lang ako ng malalim at pinikit ng maraan ang aking mata sabay minulat muli. Diyos ko po. Sana bigyan niyo ako ng mahaba-habang pasensiya na kasama ko ang lalaking ito buong araw. **** Bandang hapon na kami naka balik ni Taurus sa amin. Mag didilim na din ang kalangitan at nag aagaw na rin ang dilim at liwanag. Sinulit namin ang mag hapon mag kasama sa pamamasyal at pag ku-kuwentuhan. Masarap naman siyang kasama, at hindi naman ito nakaka bored na ka bonding. Katunayan nga, nalibang naman ako kahit paano dahil panay kwento nito. Konti na rin ang nag daraan na mga sasakyan sa kalsada at mga tao ganun rin. Bumaba na ako ng motor ni Taurus at hinubad na din ang suot kong helmet at ganun na din ito. Tumitig ako sa bahay namin at naka bukas na din ang ibang ilaw, panigurado si Mama pa lang ang nandon dahil wala pa rin naman ang sasakyan ni Papa, panigurado hindi pa ito umuuwi. “Sige, salamat nga pala sa pag hatid mo sa akin.” Binigay ko na kay Taurus ang helmet at para makapag paalam na din sakanya. “At sa buong araw na mag kasama tay—-“ hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mabilis akong hinalikan ni Taurus sa aking pisngi na kina-tulala at kina-hinto ko naman. Bumilis ang kalabog ng aking dibdib at wala sa sarili na napa hawak na lang ako sa aking pisngi. Hindi ako makapaniwala sa kanyang ginawa, at aaminin ko may nag liliparan na mga paru-paro ko sa tyan na napa titig sa guwapong mukha nito. “Ako rin nag enjoy sa date natin. Goodbye babe. See you tomorrow.” Kumindat pa siya sa akin at ramdam ko na unti-unti nang pumula ang pisngi ko sa pag kabila at may naramdaman akong konting kiliti sa simpleng ginawa nito. Sinuot na ni Taurus ang helmet nito, na hindi pa rin maalis ang matamis na ngiti sa labi nito. Binuhay na nito ang motor nito at pinakbo na at naiwan na lamang akong naka tayo at nakapako ang paa sa sahig na tinatanaw ko ang motor nito paalis. Omg. Ano iyon? Bakit, ganito na lang kabilis ang t***k ng aking puso?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD