Chapter 12

1910 Words
Chapter 12 CHLOE'S POV "So alam mong wala doon ang locker ko." Saad nito at napa-titig lamang ako sa guwapong mukha ni Taurus, naka tingala pa ako dahil mas matanggad siya kumpara sa akin. Naririnig ko na ang malakas na t***k ng aking puso sa sobrang lapit ng aming katawan at ngayo'y may init at kuryente akong naramdaman sa pag lalapat ng aming katawan. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit sobrang init na init na ako? Ngumisi lamang si Taurus at hinawakan nito ang aking baba, na mag palupasay na ang aking tuhod sa simpleng ginawa nito. "What's this? Make-up ba ito?" Napa kurap ako sa sinabi niya at hindi ko pa rin magawang mag salita. "Tanggalin mo ang make-up mo sa mukha, nag mumukha kang clown. Mas gusto kong iyong simple ka lang na walang ayos-ayos." Pinisil nito ang aking baba at nilayo nito ang sarili niya sa akin kaya't naka-hingga nang maluwag. Nag lakad na paalis si Taurus at naka-pamulsa pa ito na walang lingon-lingon. Nang hihina ang tuhod kong napa-hawak sa pader na kina-sasandalan ko na sinusundan ng tingin si Taurus palayo sa akin. Wala ako sa sariling napa-punas sa aking pisngi para tanggalin ang press powder na nilagay sa akin kanina ni Nadya. Nagawa kasi akong pag practisan na ayusan nito kanina, at hindi ko na natanggal ang nilagay nito sa mukha ko. Nang tuluyan na siyang mawala sa aking tingin doon naman ako napa hawak sa aking dibdib, na hindi pa rin humuhupa ang malakas na t***k na iyon. Ano bang nangyayari sa akin? Chloe, umayos ka nga. Pinapagalitan ko naman ang sarili ko. TAURUS POV Ang pag tigil nang sasakyan ang mag paagaw atensyon kay Taurus na naka-upo sa backseat ng kotse. Dali-dali naman na lumabas ang driver at pinag buksan pa siya ng pintuan, na hudyat naka rating na sila sa Mansyon. Walang kibo na kinuha ni Taurus ang kanyang gamit at lumabas na nang sasakyan at nilampasan na lamang ang driver, papasok sa Mansyon. "Magandang gabi po Sir." Bati ng mga katulong na makaka-salubong niya lamang, nilalampasan niya na lamang iyon at hindi sinusuklian ng pag bati. Malamig ang kanyang mga mata na tinitignan ang mga katulong na matamis na ang kanilang ngiti sa labi samantala naman siya'y walang bahid na emosyon. Isang ngisi na lang ang gumuhit sa labi ko na maalala ang mukha ni Chloe kanina "Himala ata, maganda ang mood mo ngayon." Nakapa-mulsa ang isang kamay ko at tangkang aakyat na sana na kaagad niya naman kina-hinto na marinig ang tinig sa gilid niya. Nabosesan ko kaagad ang bosest at bored na tinignan ang kanyang kapatid na naka-tayo lamang sa gilid ko at mukhang kanina pa ako pinapanuod. "Dalawang linggo na masama ang mood mo na halos isumpa mo na kami, tapos ngayon uuwi ka ngayon dito na pangisi-ngisi lamang. Duda na ako, malamang babae ang dahilan ng pabago-bago ng mood mo.. Siguro na basted ka siguro no'ng nag daan na mga linggo," Usisa na wika ng kapatid niyang si Elise na sa isang iglap nawala ang ngisi sa kanyang labi at bumalik na naman sa pagiging malamig. Tangina; nakaka-irita na. Parati na lang niya ako binu-bwisit. Parati silang nag aaway o kaya naman nag tatalo ng kanyang kapatid na si Elise, hindi lamang sa hindi niya ito gusto kundi lamang naiinis at naiirita ako sa pagiging pakialamera niya sa ibang bagay lalong-lalo na sa akin. Lagi niya na lang pinapa-kulo ang dugo ko, na parating nag susumbong para ipahamak lamang ako sa aking mga magulang. "Shut up!" Banta niyang asik sa kapatid na sumimanggot na lamang ito. Kay talim niya itong tinitigan at labis pa akong nainis na hindi man lang ito nasindak. "Kong wala ka naman magandang sasabihin, itikom mo na lang ang bibig mo at baka gusto mong ako pa ang tumahi niyan para matahimik ka." Sindak niya na kina-pula naman ng mukha ki Elise, naiinis sa aking nasabi. Wala akong pakialam kong magalit at mainis siya sa akin. Mag sumbong siya, wala akong pakialam. "Hmmp!" Pag susungit nito at walang pasabi na tinalikuran ako at nag martsa na ito paalis na galit na galit. "Ts!" Iling ko na lang na mawala na ito sa aking paningin. "Sir Taurus." Ang tawag sa aking pangalan ang mag paagaw ng atensyon ko. Dali-dali na lumapit sa akin si Maria, ang matagal nang nag tra-trabaho dito sa Mansyon. "Bakit?" Hinarap ko ito at tumigil naman ito sa harapan ko. Lumunok pa ito ng laway para kumuha ng hangin sa kanyang pag mamadali. "Pinapatawag po kayo ng iyong Papa sa kanyang Study room." Sa salita pa lang nito, alam ko na sarili kong may nangyari at hindi na iyon bago sa akin. Hindi na ako sumagot pa kay Maria at nag lakad na ako papunta sa Study room para matapos na ito. Nang maharap na ako sa may pintuan, wala man lang akong naramdaman na takot at pangamba sa sarili ko. Hinawakan ko na ang seradura at binuksan iyon. Kaagad din naman tumambad sa akin ang medyo kadiliman na silid, at konti lamang ang ilaw na naka-bukas na hindi naging hadlang sa akin na makita ang loob ng kwarto. Sa pag gagala ko ng aking mata, kaagad nahagip ng aking tingin si Papa na naka talikod sa akin at hindi siguro napansin nito ang pag pasok ko sa loob. Hinakbang ko na ang paa ko palapit sakanya, para alamin kong bakit pina-patawag niya ako. Napili kong huminto sa tapat ng kanyang desk na nandon naka patong ang kanyang ibang gamit sa trabaho. "Pinapapatawag niyo daw ako." Malamig kong wika na sa isang iglap lamang nahinto si Papa sa kanyang tinitignan at naging slow-motion ang pag harap niya sa akin. Walang salita na lumabas sa kanyang bibig na tinapunan niya ako ng tingin na, kahit tahimik ramdam ko ang galit nito sa akin. Tumigil si Papa sa harapan ko, at may katangkaran din ito ng konti sa akin. Nakapag-kompitensiyahan ako sakanya na malamig na titig at nabigla na lamang ako na sinampal niya ako nang ubod ng kay lakas na hindi ko naman inaasahan. Umigting na lang ang panga ko at dinarama ang sakit at lakas na pag kakasamp nito. Gusto kong gumanti, pero pinili ko na lamang maging kalmado na ngayo'y naka kuyom na ang kamao ko. "Tarantado ka talaga! Ano ito, huh?!" Galit na sigaw ni Papa at walang ano-ano nilapag nito sa table ang hawak nitong tablet kanina. Walang salita ang lumabas sa aking bibig at bahagyang sinilip ang naka lagay na video sa tablet na nag pla-play, at kahit hindi ko man iyon tapusin alam ko na sa sarili ko kong ano ang laman no'n. Kuha lamang iyon ng cctv footage ng gabing pinag tangkaan niyang bugbogin si Bernard. Tangina talaga. Buong akala ko makaka-lusot na ako, pero hindi pa pala. Hindi ko alam kong paano siya naka-kuha ng footage ng video na ngayo'y siniguro ko talaga na walang sino man ang makaka alam na ako ang may gawa no'n. "Video," mapag laro pa akong ngumisi at hindi nagustuhan ni Papa ang aking naging sagot. Domoble ang panlilisik ng mata ni Papa at dumilim rin ang mukha sa galit, na hindi na makapag timpi. Wala akong naramdaman na takot at sindak sa kaya niyang gawin sa akin. At wala akong pakialam kong, kong ano man ang gawin niya sa akin. "Tarantado ka talaga, bibibigyan mo pa talaga ng kahihiyan ang pamilya natin? Sinisira mo ang reputasyon ng University dahil diyan sa katarantaduhan mo!" Maririnig mo na lang ang malakas na sigaw ni Papa sa silid, at ako'y naman nasisiyahan sa aking ginawa. Wala naman akong naramdaman na guilty sa aking ginawa at naiinis lang ako sa sarili ko na hindi ko pa tinapos ang hayop na iyon! "Gumagawa na ng aksyon ang pamilya ni Mr. and Mrs. Chavez, at inaalam na kong sino ang may sangkot sa pag kakaaksidente ng kanilang anak na si Bernard. Pasalamat ka't ako pa ang nag linis ng kalat mong hayop ka at kong hindi pinag pye-pyestahan na ng media ang pamilya natin!" "Naayos mo na pala eh. Ano na ang pino-point mo ngayon?" Pag iinis niya pa lalo at sumabog na ang galit sa kanyang Papa sa kanyang pag sagot-sagot dito. Sige lang, magalit ka. "Napaka-walang hiya mo talaga! Baka gusto mong ibalik kita d——" "Ibalik mo ako sa States? Go on, iyon nga ang gusto ko, para hindi ko na makita pa ang pag mumukha mo," umigting na ang panga ni Mr. Sebastian na nakikipag titigan ng masama din sakanya. "Putangina talaga!" Malakas na sigaw nito at walang ano-ano kwinelyuahan na niya ako. Humigpit ang pag kakahawak nito sa aking uniforme. "Ang bastos mong hayop ka, bakit ano bang pinag mamalaki mo, huh? Ano?!" Sigaw nito na inanggat ng bahagya ang kanyang uniforme at mapag laro lamang siyang ngumisi sa kanyang Papa, na galit na galit na. "Oh my god, hon." Taranta naman na pumasok sa silid si Melinda na marinig nito ang malakas na sigaw ng kanyang asawa. Sa takot nito patakbo itong lumapit sakanila at pinigilan ang kamay ng asawa nitong naka hawak sa kwelyuhan ng kanyang anak. "Jusko, Sebastian tigilan mo na ito. Huwag mong sasaktan ang anak natin, please lang." Pakiusap nito na mahinang tinig at inaalis ang kamay ng asawa na naka hawak at ayaw pa ring bitawan. "Tangina, huwag kang makialam dito Melinda, tinu-turuan ko lang ng leksyon ang tarantado mong anak!" "Please lang, tama na," pakiusap ni Melinda, "Maging mahinahon ka lang, Sebastian pakiusap." Buong higpit pa rin naka hawak si Sebastian at kay talim na tinitigan ang kanyang anak. Matagumpay na naalis ni Melinda ang kamay ng asawa na naka hawak sa kwelyo nito. "Ayos ka lang ba, anak?" May pag aalala sa tinig ni Melinda na nilapitan si Taurus at inayos ang gusot nitong uniforme. "Parati mo na lang kinu-konsente si Taurus, Melinda kaya't lumalaki na matigas ang ulo ng batang iyan!" "Tumigil kana sabi Sebastian, pwede naman siguro natin pag usapan na maayos ito. Huwag mo naman gamitin sa dahas mo ang pag hahatol sa mga anak natin," Mahina lamang na pakiusap ni Melinda. "Kailangan ko lang na turuan sila para mag tanda. Muntik niya ng mapatay ang isa sa mga anak ng mga Chavez, alam mo ba ang ibig sabihin no'n? Huh!?" Walang salita ang lumabas sa bibig ni Taurus ngumisi ito sakanyang Papa na kaagad naman iyon nakita ni Sebastian. "Aba, gago! Ngumi-ngisi ka? Nasisiyahan ka sa ginawa mong tarantado ka?!" Susugod pa sana si Sebastian para suntukin at turuan ng leksyon ang kanyang anak na kaagad naman umawat si Melinda na pumagitna siya. "Tama na sabi, Sebastian," inawat ni Melinda ang kanyang asawa para hundi na ito maka lapit pa Sa kanyang anak. "Please lang Taurus, bumalik kana sa silid mo, ako na ang bahala dito. Sige na." Pakiusap ni Melinda, hindi niya makakaya na mag kasakitan pa ang dalawa kong hinayaan niya ang kanyang asawa na maka lapit sa kanyang anak. Sinilid ni Taurus ang kanyang kamay pabalik sa bulsa at nag lakad palabas ng Study room. Maririnig mo na lang ang malakas na sigaw ni Sebastian na ayaw mag paawat pa rin na tinatawag ang pangalan ni Taurus. "Hindi pa ako tapos sa'yo, Taurus! Bumalik ka dito!" Lumabas na ang ugat sa leeg ni Mr. Sebastian sa pag tawag nang paulit-ulit sa pangalan ng kanyang anak. Sumilay na lang ang ngisi sa labi ni Taurus, na nag lalakad siya palabas nang silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD