Chapter 13

1963 Words
Chapter 13 MR. DAWSON'S POV "Tangina talaga!" Matinis na mura ko na lamang na mapa titig na lamang sa pintuan na nilabasan ng kanyang anak. Napaka bigat na ang hiningga ko at naka kuyom na ang kamao sa galit, na hindi mailabas ang inis na naramdaman ko. Tumitig na lamang sakanya ang kanyang asawa, malungkot at hindi alam kong ano ang sasabihin sa tagpong naabutan nito. Lumapit sakanya ang kanyang asawa at hinawakan siya nito sa kamay. "Kumalma ka lang Hon, hayaan mo kakausapin ko si Taurus, tungkol dito." Uyam na lamang niyang pinagalaw ang panga at galit na tinignan ang asawa. "Mag sasayang ka lamang ng pagod Melinda, dahil hindi ka niya papakinggan. Matigas ang ulo ng batang iyan!" Gigil niyang asik na hindi na lang kumibo ang kanyang asawa at nakikiramdam lamang. "Alam ko na ang rason kong bakit umaakto siya ng ganito, kong bakit nagawa niya akong bastusin at sagut-sagutin ng ganito. Tuturuan ko ng leksyon ang batang iyan para mag tanda!" Gigil kong asik na hindi na mapag-timpi pa. Kumilos na akong nag lakad para sugudin at turuan ng leksyon ang aking anak at hindi pa man ako nakaka apat na hakbang na may kamay na pumigil sa akin. Nag tagis ang aking ngipin, na nilingon ang aking asawa na takot na takot at iniiling ang ulo nito para ipa-hiwatig na huwag ko ng ituloy kong ano man ang binabalak ko. Tinignan ko na lamang ang kamay nitong naka hawak sa aking kamay para pigilan lamang ako. Alam nito ang makakaya kong gawin kapag sumabog na ang galit ko, at kahit na sino walang makaka pigil sa akin. "Maging mahinahon ka lang Sebastian, huwag na please," pag mamakaawa nito na mamasa-masa na ang mata. "Bitawan mo ang kamay ko, Melinda." Gigil niyang asik na mas humigpit pa ang pag kakahawak nito sa kamay ko para masiguro lamang na hindi ako makawala. Umiling lamang ito at domoble ang lungkot at pag mamakaawa sa mata nito. "Nag mamakaawa ako sa'yo na huwag mo ng gawin ito. Ako na lang ang kakausap kay Taurus, ako na lang ang kakausap sa anak natin, n-nag mamakaawa ako sa'yo Sebastian huwag mo siyang sasaktan." Humingga ako ng malalim at unti-unti ng humupa ang galit na naramdaman ko at ng mapansin ng aking asawa unti-unting lumuwag ang pag kakahawak nito sa aking kamay. "Okay sige, kausapin mo si Taurus at ayaw ko ng maulit pa ito!" Matalim kong asik na kina-tango naman nito. "Oo, maraming salamat Hon." Pilit na ngumiti na lamang ang aking asawa at tumalim ang aking mata na naka titig sa may pintuan. TAURUS POV Pabagsak kong sinarhan ang pintuan ng aking silid at maririnig mo na lang ang malakas at nakaka hindik na tunog, hindi pa ako nakuntento inis kong binalibag ang dala kong bag at walang ano-ano binato na lang iyon sa pader. "Tangina talaga!" Matinis kong mura at napaka dilim na ng aking mukha sa galit sa nangyari lamang kanina. Hindi ko na mapigilan ang galit sa aking dibdib, na sunod ko naman pinag deskitahan na sinipa ang isang upuan sa isang tabi, nang malakas sunod mo na lang ang nakaka-binging pag bagsak nito sa sahig. "Jusko po," sapo na tili na kakarating lamang na kaagad ko naman na binalingan ng tingin kong saan nag mumula ang tunog at nakita ko si Mom na nasa may pintuan, at mukhang kakarating lamang. Uyam kong pinagalaw ang aking panga at samantala naman si Mom, nakita ko pa itong sumulyap ng tingin sa tinumba ko lamang na upuan. Makikita ko talaga sakanyang mata ang takot at bigla kong ano man ang kanyang nasaksihan sa kanyang pag pasok. "Taurus anak," tawag nito at walang pasabi na tinalikuran ko Mom, wala akong planong makipag-usap kahit na sino. "Nandito ako para kausapin ka lamang," mahinahon na salita nito at wala man lang siyang imik at pinapakikiramdaman lamang ito sa likod ko. "Kong nandito ka Mom para kumbinsihin ako na huminggi ng tawad sakanya, hinding-hindi mangyayari ang gusto mo.. Kong wala kana man na iba pang sasabihin, maka-kaalis kana." matabang niyang wika at pag tataboy niya dito. Napakabait ng kanyang Ina at ayaw niya itong bastusin at masagot pa kong ano-ano dahil lamang sa galit niya sa kanyang Ama. "Taurus, anak." Mahinahon na pag tawag nito sakanya. "Huwag kanang magalit sa Daddy mo, intindihin mo na lang siya na ginagawa niya ito para protektahan ka niya, at ang pamilya natin." Anito at hindi na lang siya umimik at hindi pa rin humuhupa ang galit sa kanyang dibdib. "Kapag lumabas ang video sa pananakit mo sa anak ng mga Chavez, malaking gulo ito na kakaharapin ng pamilya natin at posible rin na masira ang krebilidad ng University at pangalan natin," "Protektahan? Kalokohan," uyam niyang asik at sa pag kakataon na ito hinarap niya ang kanyang Ina. "Bakit no'ng sinira ni Dad ang pamilya at nagawa ka niyang pag taksilan Mom, hindi pag protekta ang ginawa ni Dad kundi pag sira ng pamilya natin!" Gigil kong asik at malamlam na lang na tumitig sa akin si Mom at puno ng lungkot. Hindi lamang ang rason kong bakit ako nagagalit ang malaman ni Dad ang ginawa ko sa anak ng mga Chavez kundi ang lihim kong galit kay Dad noon paman. Tini-tingila ko si Dad, nong bata ako dahil sa kanyang husay at galing sa trabaho. Mapag mahal na ama at mabait na asawa. Walang bisyo, hindi umiinom kumbaga, nasa kanya na ang lahat. Pekpekto siyang ama at wala siyang nagagawa na anumang pag kakamali. Pinapangarap ko pa nga noon kapag lumaki ako, gagayahin ko siya, pero lahat ng pananaw at pag hanga ko sakanya lahat ng iyon nag laho na parang bula nang na pinag taksilan niya noon si Mom at nagawa niyang lokohin dahil lamang sa kabit nito. Nag kahiwalay silang dalawa at nag kataon naman na dinala ako ni Mom sa States para mag pakalayo-layo, at maka lipas lamang ng ng tatlong buwan napa tawad ni Mom si Dad. Iyon ang hindi ko maintindihan. Hindi ko maintidihan matapos ang kataksilan at pag loloko ni Dad nang paulit-ulit, nagawa pa din siyang tanggapin at patawarin ni Mom. Bumalik si Mom pabalik ng Pilipinas, samantala naman ako nag paiwan na lamang dahil sa aking Lolo at Lola na pangangalaga dahil hindi ko pa rin makaka limutan ang pag tataksil ni Dad kay Mom. Hindi ko pa din siya mapapatawad na ilang beses niyang sinaktan at pinaiyak ang Ina ko. Doon na nag simula ang galit ko ang lihim na galit ko sakanya at kahit ilang taon na ang lumipas, nag karoon ng lamat at agwat sa pagitan namin ni Dad. Unti-unti na akong lumayo sakanya at sa tuwing nakikita ko siya, bumabalik lamang ang ala-ala na kanyang kataksilan. "Matagal na iyon tapos Taurus, ilang taon na rin ang naka lipas at maayos na kami ng Dad mo ngayon. Katunayan nag bago na siya at nangako siya sa akin na hindi niya na uulitin pa iyon." Malumanay nitong wika. "Sana naman magawa mo na siyang patawarin at tanggapin mo ulit. Alam kong mahirap ito sa'yo anak pero hanggad ko lamang ang bumalik sa dati ang samahan at turingan niyo ng Ama mo. Iniisip ng Daddy mo ang kapakanan at makaka-buti sa'yo." "Hinding-hindi mangyayari iyon at hindi ko rin siya mapapatawad," gigil kong asik. "Alam ko na rin kong bakit niya ako pina-balik dito sa Pilipinas, para kontrolin at pasunudin sa lahat ng gusto niya." "Hindi totoo iyon anak." Anito, f**k! "Ang totoong rason niyan, pina-uwi ka ng Dad mo dito sa Pilipinas dahil gusto ka niyang maka sama at mag kalapit kayong muli. Mahal na mahal ka ng Daddy mo Taurus, at nasasaktan siya na makita kang nag kakaganito." Hindi na lang ako kumibo pa at ramdam ko ang presinsiya ni Mom sa likod ko. "Sige, bababa na ako. Bumaba kana lang mamaya at sabay-sabay tayong mag hahapunan." Sunod ko na lamang narinig ang yabag ng paa nitong paalis sa silid at pag bukas-sara ng pintuan na hudyat naka alis na nga ito. Humingga na lamang ako ng malalim at hindi ko mapigilan ang sarili kong mapa suklay ma lamang ng buhok sa labis na galit. "Just, f**k!" Mura niya at ang kanyang mata biglang dumilim at nakaka takot. NADYA'S POV Dapit alas nuwebe ng umaga kakatapos lamang ng aking klase, kagaya ng dati nag silabasan na ang ilang mga estudyante palabas sa kanya-kanya nilang silid at ang iba naman may mga sariling mundo. Inayos ko na ang mamahalin na itim na bag ko at nag patuloy lamang sa pag lalakad. Tinignan ko ang suot kong relo at mag hihintay pa ako ng mahigit dalawang oras para sa susunod kong klase. Naisipan ko na lamang na tumambay saglit sa cafeteria, na naka ramdam ako ng gutom. Nababagot rin ako mag lakad-lakad sa labas lalo't mamaya pa nanan ang labas ng pinsan kong si Chloe sa klase nito ngayon. Hindi na maalis ang matamis na ngiti sa aking labi, na nilabas ko na ang paborito kong suklay at sinuklay ko na ang maitim at mahaba kong buhok. Iyon parati ang ginagawa ko na gustong-gusto ko na maging maayos ang aking buhok, at maging presintable at maganda kapag humarap sa ibang tao. Sanay na sanay ako na parati kong sinusuklayan ang buhok ko, guluhin niyo na lahat sa akin huwag lang ang buhok ko dahil handa akong makipag away. Pakanta-kanta pa ako habang nag lalakad at ang isa kong kamay sumusuklay pa rin. Bigla na lang ako napa hinto sa pag lalakad ko, na may mag paagaw ng aking atensyon at kilig akong naramdaman na makita ang lalaking pasalubong sa akin. Nanikip ang dibdib ko at bumilis ang tambol no'n na makita si Taurus na ang lalakad. Matutunaw na ako sa aking kina-tatayuan at pamumula ng aking pisngi na kinikilig na hindi inaalis ang mata ko sa guwapo nitong mukha. Matagal ko na siyang gusto at sinisanta. Marami akong crush, at kaya ko silang kalimutan lahat basta mapansin ako ni Taurus. Taas-noo itong nag lakad at hindi man lang pinansin ang pag papa-cute at bati sakanya ng mga babaeng nag aaligid sakanya. Mahigit isang buwan na itong nag transfer sa Apollo University pero wala man lang itong kaibigan o maski nilalapitan na babae, kaya't labis na pag hanga sakanya ng mga kababaihan sa Campus. Bago pa ito maka lampas sa akin, humarang na ako sa kanyang dinaraanan para mag papansin. Kusa naman nahinto si Taurus, at isang karangalan para sa akin ang maagaw ko ang pansin at atensyon niya. Kunot-noo at walang expression na bumaling ng tingin sa akin si Taurus, "Hi, Taurus." Pinakita ko pa ang maganda at matamis kong ngiti. Ewan ko na lang kong hindi ka maakit sa aking ganda, Taurus. "Ako nga pala si Nadya," pakilala ko at Inextend ko ang kamay ko para makipag kamay sakanya, imbes na tanggapin tinitigan niya lamang iyon na malamlam at walang balak na makipag kamay sa akin. "Ang sabi ko, ako si Nadya, hello? " pag uulit ko pa na nilapit ko pa ang kamay sakanya para kamayan lamang ako. Nakaka hiya talaga na hindi nito man lang makikipag kamay, baka sabihin nila despirada ako, na totoo naman talaga. Ayaw ko naman na isipin nila ganun ako kadali na madala lamang, ano? Pinakita ko pa ang matamis kong ngiti kay Taurus, na halos mapunit na nga iyon para mapansin niya ako ng todong-todo. "Ang sungit mo naman, pero okay lang naman kasi ang guwapo mo e——" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko na nilampasan na ako ni Taurus at naiwan na lamang akong tulala at hindi maka-kilos. Sinundan ko na lamang siya ng tingin habang nag lalakad paalis at sumilay na lang ang matamis na ngiti sa aking labi. Balang araw, mapapansin mo din ako Taurus,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD