Chapter 11

1858 Words
CHAPTER 11 CHLOE'S POV Dalawang linggo na ang nakaka-lipas at balik sa normal na ang lahat. Hindi na ako muli nilapitan at ginulo ni Tasya at kahit na rin ang mga kaibigan nito, na iyon naman ang aking pinag tataka. Dati-rati na binibintang at sinisisi niya sa akin ang nangyari kay Bernard at heto't hindi niya ako magawang lapitan o titigan man lang na diretso sa mata kapag nag kakasalubong kami. Siya na ang unang umiiwas at para bang takot na takot ito na hindi ko pa rin talaga mapaliwanag kong bakit ganun na lang ang pag-iwas niya sa akin. "Ano sa tingin mo kong ano ito, Nadya?" nilabas ko mula sa bitbit kong sling bag ang isang inumin para ipakita iyon sakanya. "Inumin? Juice?" takang wika ni Nadya na kina-tampal ko naman ng noo. "Alam kong juice at inumin ito Nadya," giit ko pa, kong sakaling may makka-isip pa siya ng iba at mukhang hindi niya ata gets. "Ayusin mo naman kasi ang tanong mo sa akin para naman, masagot kita ng maayos diba?" pinandilatan pa ako ng kaibigan ko at umayos ito nang pag kakaupo sa kama. Narito ako sa bahay ni Nadya nag kwentuhan saglit sa kanyang silid dahil sabado naman at pareho kaming dalawa walang pasok. Malaki ang bahay nila Nadya kumpara sa akin at mayron silang tatlong palapag na bahay at mayron din na mga katulong. Pareho nag papatakbo ng mga business ang kanyang mga magulang kaya't ang lahat ng gusto ni Nadya madali niyang makuha dahil may kaya ang kanyang pamilya. Binuhos din ni Tita at Tito ang pag mamahal sakanya dahil nag-iisa din siyang anak. "May nag bibigay kasi sa akin nang inumin," namilog ang mata ng aking pinsan at inusog pa ang kanyang sarili sa akin para pakinggan pa ang anumang sasabihin ko. Simula no'ng may naiwan na inumin sa ibabaw ng desk ko sa Subject ni Mrs. Cheska, buong akala ko lamang naiwan iyon ng ibang estudyante sa ibang department pero mali ako dahil naulit na naman. Hindi lamang isang beses, kundi dalawang beses pa. Kong sakaling naiwan man iyon, hindi naman siguro mag kakamali pa ang estudyante na iyon na maka-limutan at maiwan niya ang kanyang inumin ng dalawang beses, diba? "Talaga? Sino? Manliligaw mo ba?" gumuhit na mga puso ang mata ng pinsan ko at nababasa ko lamang sa mga mata nito ang tumatakbo sa isipan nito ngayon. "Ewan, hindi naman siguro, at hindi ko lang talaga alam kong kanino ito galing." Kahit ako, hindi ko kilala kong kanino ito galing. Hindi ko rin natye-tyempuhan na makita kong sino ang may madalas na may dala ng inumin na ito sa ilang mga estudyante. "Sa tingin mo kaya Nadya? Bakit kaya parating nag-iiwan ang taong iyon ng inumin sa ibabaw ng desk ko?" "Ano kaba, Chloe alam ko na ang sagot sa tanong mo iyan," tinaas-baba pa ang kilay at may nag lalaro na naman sa isipan nito. Inakbayan ako ni Nadya. "Ang ibig sabihin lang naman niyan, ang taong parating nag bibigay sa'yo ng inumin. Matagal kanang sinusubaybayan." Pang bibitin nito na napa-tingin naman ako sakanya, humihinggi ng kasagutan. Sinusubaybayan? Ano, may lihim na galit sa akin ang taong iyon. "Ang ibig sabihin lang no'n crush ka ng taong iyon." "Ano? Crush?" nilayo ko ang sarili ko sa pinsan ko at inalis ang kamay nitong naka-akbay sa akin. "Kalokohan, walang mag kakagusto sa akin dahil ang pangit-pangit ko kaya." "Iyan tayo eh, maski sa sarili mo wala ka ring tiwala na maganda ka." Natahimik naman ako sa sinabi ng pinsan ko at hindi na kumibo pa. siniko ni Nadya ang tagiliran ko nang mapansin nito ang pananahimik ko. "Oh natahimik kana naman diyan?" pinaningkitan ako nito ng mata. "Bakit dismayado k aba, na hindi ang tarantado mong ex na si Bernard ang nag padala ng inumin mong iyan?" napa-titig na lamang ako sa hawak kong inumin at aaminin kong hindi ko rin alam ang mararamdaman ko ng sandaling iyon. Umaasa pa naman ako na si Bernard ang nag padala sa akin ng inumin at alam kong malabo ang bagay na iyon dahil nag papagaling ito ngayon sa Hospital at hindi man lang ako sinubukan na lapitan o kausapin man lang. "Hindi ko talaga maintindihan kong bakit umaasa ka pa rin bang mag kakaayos kayo ng Bernard na iyan? hay naku, Chloe. Matagal na kitang pinag sasabihan pero ang kunat-kunat mo talaga. Kumbaga sa karagatan, hindi lamang si Bernard ang isda ang mahuhuli mo, marami pa naman na iba diyan. Kailangan mo lang mga explore at mag hanap pa." Hindi na ako naka sagot pa dahil tama naman talaga si Nadya. "Bakit hindi mo ako gayahin Chloe, marami akong crush." Pag mamayabang nito. wala naman sa isipan ng pinsan ko ang mag karoon ng nobyo. Sa katunayan nga talaga, marami naman na manliligaw si Nadya dahil maganda naman talaga ang pinsan ko kaso mabilis siyang mag-sawa. Aba, linggo-linggo naman ito may iba't-ibang mga crush. Mapili ang pinsan ko at kaagad din naman itong nahuhulog kapag nakakita o kilala itong guwapo at cute, mabilis siyang nag kakagusto at hindi na bago iyon sa akin. "Katunayan apat ang crush ko ngayon. Isa na roon si Rafael," ang engineering na mayaman na fourth year na. "Kasama na doon si James at si Josh at bago na ngayon sa listahan ay si Taurus," kinikilig na parang kiti-kiti ito sa tabi ko. Iyong tatlo sa mga nauna nitong nabanggit mga bago lamang at kilala ko na ang mga iyon dahil tinuturo sa akin ni Nadya ang mga bago nitong nagugustuhan, at parang mauubos na ang mga guwapong lalaki sa University naming ang kanyang mga crush, at ang ilan sa mga ito sa iba pang mga school. Ganun lamang kalupet ang pinsan ko. Napa-ngisi na lang ako dahil mukhang nagiging matatag sa listahan na gusto ni Nadya dahil isang buwan na niya itong crush, simula pa lang na una itong mag transfer dito sa Apollo University. Sakto naman na bumukas ang silid at pumasok si Tita Irene ang Ina ni Nadya, may bibit itong tray laman ng juice at pag kain. Tumayo na ako sa kina-uupuan ko para kunin na sa kamay ni Tita ang kanyang bitbit at nilagay iyon sa bakanteng lamesa, kong saan lang kami malapit naka-pwesto ni Nadya. "Maraming salamat, Chloe," wika ni Tita. "Mabuti naman talaga at naka-dalaw ka dito sa bahay namin. Medyo matagal-tagal na rin simula no'ng huli kang dumalaw dito, dahil nasasayang lamang ang mga niluluto ko na masasarap na mga pagkain kasi itong si Nadya parang ibon kong kumain sobrang konti. Tignan mo ang payat-payat." Natawa na lang ako sa sinabi ni Tita. Kagaya din ito ni Mama, ang hilig nito pareho ang pag luluto, nabibiyaan sila ng talento sa pag luluto at iyon naman siguro ang namana ko. "Sinabi ko naman sainyo Mom na nag di-diet ako diba? Paano ako magugustuhan ng mga crush ko kong sobra naman akong mataba," himutok na wika ni Nadya na naka-nguso na nga. "Juskong bat aka. Chloe, pag sabihan mo nga itong pinsan mo at baka sa'yo makinig." Iling nitong wika at napapa-ngiti na lang ako sa kanilang pag-uusap sa harapan ko. **** Kanina pa ako nag aabang at nag sisilip sa mga estudyanteng lumalabas sa kanilang silid. Pasado alas sais na ng hapon ng sandaling iyon at konti na lang ang mga estudyante dahil ilan sa kanila maagang natapos ang kanilang pasok. Alas kwatro pasado ng hapon nang matapos ang pasok ko, pero napili kong mag paiwan at baka sakaling makita ko si Taurus. Gusto ko lang talaga mag pasalamat sakanya sa pag liligtas niya sa akin mula kay Tasya. Dapat sana noon ko pa ito ginawa kaso hindi ako nakaka-hanap ng tyempo dahil lamang maraming mga estudyante. Ito na ang naisip kong magandang pag kakataon na lapitan ko si Taurus, sa pag tulong niya sa akin. Kagat-labi pa akong nag hihintay sa labas at inalam ko pa talaga ang kanyang oras na matapos sa kanyang ibang subject para malapitan ko lamang siya. Hindi kami mag kaklase ngayon araw dahil sa mga susunod pang mga araw ang sunod sa klase ni Mrs. Cheska pa at alam ko naman sa sarili ko na hindi ko siya malalapitan dahil dikit nang dikit sa akin ang pinsan kong si Nadya. Pag anggat ko ng tingin kaagad kong nakita si Taurus, naka pamulsa itong nag lakad kasama ang kanyang mga kaklase sa ibang department at kakalabas lamang sa silid. Ang lakad na ang mga estudyante at kanya-kanya na silang nag siuwian. Naka-sunod lamang ako sa likuran ni Taurus, panigurado hindi napansin ang presinsiya ko dahil ilang hakbang ang distansya ko sakanya. Humawak ako nang mahigpit sa straps ng suot kong bag at aaminin kong kinakabahan akong tawagin at agawin ang kanyang presinsya. Nauna na ang mga estudyante na mag lakad at pinapanuod ko lamang ang malapad na likot ni Taurus, hindi ko na namalayan na sobrang diin na ang pag kakakagat ko sa ibabang labi ko sa kaba lamang na lumukob sa dibdib ko. Paano ba ito? kakayanin ko ba? paano kong hindi niya ako pansinin? paano kong sunggitan niya ako? Inipon ko na ang huling lakas sa dibdib ko at lakas loob na tinawag ang pangalan niya. "Taurus," sobrang hina lamang ang boses ko, at hindi ko lang alam kong narinig niya ang pag tawag ko sakanya. "Tauru------" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang kusang napa hinto si Taurus sa pag lalakad at kusa naman akong napa-hinto. Domoble ang kabog ng aking dibdib at para lamang slow-motion na humarap sa akin si Taurus. Kahit malamig ang trato at paraan na titig niya sa akin, kinakabahan talaga ako. "Bakit?" "Gusto ko lang mag pasalamat sa pag ligtas sa akin no'ng pinag tulungan ako ng mga kaibigan ni Nady----" "Hindi kita tinulungan. Ginawa ko lang iyon dahil paharang-harang kayo sa locker ko!" masungit na lintarya nito. "Eh paano nangyari ang sinasabi mo? Wala naman ang locker mo doo----" hindi ko na natapos pa ang sasabihin nang mabilis na hinakbang ni Taurus ang kanyang paa palapit sa akin. Sa labis na takot ko, takot-takot naman akong umatras palayo sakanya. Nanlamig ang buong pag katao ko nang lumapat ang aking likod sa malamig na pader. Tatakbo na sana ako ng mabilis na naka-lapit sa akin si Taurus at tinukod niya ang kanyang isang kamay sa pader at kinorner ako. Nanikip ang aking dibdib at para akong mababaliw nang sobrang lapit ng katawan sa isa't-isa at pinang initan ako ng malala. Kahit kabado man, nagawa kong tuminggala para mag kapantay kami ng titig ni Taurus. Nilapit niya ang sarili niya sa akin at tumatama ang mainit at mabango niyang hiningga sa balat ko, na mag bigay init at kuryente sa kalamnan ko. "So alam mong wala ang locker ko doon," sumilay ang nakaka-lokong ngisi sa kanyang labi at hihimatayin ako sa sandaling ilang pulgada na lamang ang lapit ng mukha naming. Maling galaw at kilos ko lamang, posibleng mag dikit ang aming mga labi. Humigpit ang pag hahawak ko sa bag at tumingin sa guwapong mukha ni Taurus. Bakit ganito? bakit ibang epekto ang naramdaman ko, sa simpleng pag lapit niya lamang sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD