Chapter 6

1544 Words
CHAPTER 6 Taurus? Maski si Chloe, hindi alam ang mararamdaman at magiging reaksyon na makita niya si Taurus sa harapan niya, na naka yuko ng unti para lamang mailagay sa mata ko ang salamin. Bigla rin siya naka ramdam ng hiya sa sarili, dahil pangit na nga siya at lalo pang pumanget ang itsura dahil nabahiran ng luha ang munting mukha. Para na siyang tuyo’t na kamote at hindi rin siya kagandahan katulad nang iba kapag umiiyak. Umawang lamang ang gilid ng labi ni Taurus at umayos ng pag kakatayo. Naka pamulsa pa ito, na kahit masungit hindi maikakaila ni Chloe sa sarili na guwapo at maanggas nga talaga ito kong titignan. “Uupo kana lang ba diyan? Get up,” masungit na lintarya na mag pakurap na lang sa mata ni Chloe. Naka limutan niyang ilang segundo siyang naka tunganga naka tingin sa guwapong mukha nito at hindi niya na namalayan na naka upo pala siya sa madumi at malamig na sementado. Suminghot pa si Chloe at gamit lamang ang likod ng kanyang palad, pinunasan ang daplis na luha sa mga mata at inipon ang lakas para bumangon. Hindi lamang babangon siya sa utos ni Taurus, kundi nahihiya siyang tumagal pa doon dahil maraming estudyante pa ang napapa daan sa parking lot at bigla na naman umuggong ang bali-balita na naman. Buhay na buhay pa ang balita sa kanilang University sa hiwalayan nilang dalawa ni Bernand, at ayaw niya naman na dagdagan pa ang chismis na umiyak at nag habol siya muli dito. Sinubukan niyang bumangon ngunit napa-ngiwi na lamang siya na kumirot ang kanyang tuhod. Mabuti na lang mabilis na nahatak ang kamay niya ni Taurus paayos na pag kakatayo, kaya’t hindi siya muli natumba. Hindi maipaliwanag ni Chloe ang kakaibang bultahe ang nanalaytay sa kanyang kalamnan na mag kahawak sila ng kamay ni Taurus, at napapaso siyang napa bitaw dahil sa nahihiya. “Maraming salamat.” Awkward niyang wika na hindi niya ito matignan sa mata. Tahimik lamang naka tayo si Taurus at makikita mo talaga sa mata nito ang galit na lumukob doon at siya pa ang nahihiya nang mapa dako ang masungit na mata nito’y naka pako sa kanyang mamula-mulang tuhod, impact na siguro iyon sa pag bagsak niya kanina. “Maraming salamat ulit sa pag tulong mo na mahanap ang glasses k---“ hindi na natapos pa ang sasabihin ni Chloe na kinuha ni Taurus ang kabila niyang kamay na walang pasabi, at may kinuha sa kanyang bulsa. Bago paman siya makapag salita na nilagyan nito na cute na design na band aid ang kanyang palad na may gasgas na sugat, na siguro naitukod niya kanina sa sementado. Padabog na binitawan ni Taurus ang kaliwang kamay ni Chloe nang matapos nitong lagyan at hindi pa rin nag babago ang pakikitunggo nitong emosyon, pero ramdam niya naman na nag aalala ito ngunit ayaw lang ipakita. “Siya na ba iyon?” galit at may pahiwatig na mag salita si Taurus, kaya’t naagaw ang atensyon ni Chloe. Sinilip niya ang mukha ni Taurus, kahit tahimik makikita mo sa mga mata nito ang galit at dilim ng mukha. “Siya ba ang tinutukoy mo sa akin nanakit sa’yo?” uyam na wika at hindi maipaliwanag ni Chloe ang sarili na maka ramdam ng takot at pag babanta sa tono ng pag kakasalita nito. Bali-balita rin sa Campus na masunggit si Taurus, pero ibang-iba ngayon na handa itong makipag away. “K-Kasi, ano kas-----“ bago pa man matapos na pinutol na naman nito ang kanyang sasabin. Pinagalaw ni Taurus ang panga nito at tumitig sa kalawan, doon kong saan dumaan ang sasakyan kanina ni Bernard. “Gago, gusto niya ata maturuan ng leksyon!” Pabulong na wika ni Taurus, at para kay Chloe hindi niya gaano narinig ang sinabi nito dahil biglang humina ang pag sasalita nito. “Ano iyon? May sinabi ka ba?” pag uulit pang tanong ni Chloe at iniwasan na siya nito ng tingin. “Wala, ang sabi ko mag iinggat ka sa susunod.” Hinakbang na nito ang paa paalis at sinundan niya na lang ito nang tingin hanggang mawala na ito. Tumitig na lang si Chloe sa kaliwang palad na nilagay ni Taurus na cute na band aid na may desinyo. Hinaplos niya ng kaliwa niyang kamay at tumitig muli siya sa dinaanan nito. Nag taka kong anong huling salita ang binigkas nito bago siya iwan. ****** Pasado alas dyes na nang tanghali ng maka rating si Chloe sa school dahil ten; thirty am pa naman ang sunod niyang klase. Ganun pa rin palagi suot niya ang mahabang palda na lagpas sa kanyang tuhod. Ibang-iba sa haba ng studante na mga babae, bago mag tuhod ang haba ng kanilang skirt na ang cute para tignan sa kanilang lahat. Hinayaan ni Chloe ang mahabang at dry na buhok munang naka lugay, saka niya na iyon tataliin kapag natuyo na. Nag lalakad si Chloe na hawak ang notebook at nag aaral na naman muli. Sa kaliwang balikat niya naka sabit ang tote bag na madalas niyang dalhin. “angyari sa kamay mo? Nasugatan kaba, Chloe?” ang mag salita ang pinsan niyang kasama ang mag paagaw atensyon sakanya. Naka tingin ito sa kanyang kamay na may band-aid pa rin. Nahihiyang binaba ni Chloe ang hawak na notebook, gusto niya man sanang taguin iyon pero huli na dahil nakita na iyon ng kanyang pinsan. “Ahh o-oo, nadapa kasi ako kahapon,” alangan niyang sagot na kina-tango naman ni Nadya. Abala itong sinusuklay ang mahabang buhok na mag kasama silang dalawa na nag lalakad. “Mag-iingat ka naman, ang tanda-tanda mo na pero ang lampa mo pa rin,” napa iling nitong wika. Ayaw niya naman sabihin sa pinsan ang totoong dahilan kaya’t siya nasugatan, dahil panigurado tatalakan na naman siya nito kapag malaman na nag habol na naman siya kay Bernard. Pilit na lang siya napa ngiti. Habang nag lalakad sila, nabuo na naman ang bulong-bulongan sa ibang mga studyante na para bang may panibago na naman silang nasagap na chismis. Aaminin ni Chloe sa sarili, na bigla siyang kinabahan at natakot na baka nalaman na naman nito na nag habol siya kay Bernard at tuksuhin na naman siya ng mga ito. Pinag papawisan na si Chloe na malala at gusto niya na lang mag palamon sa kahihiyan. Iniiwasan na mag karoon ng eye contact sa kanilang maka salubong, at kutyain at I bully na naman siya ng mga ito. “Chloe,” pabulong na wika ni Nadya sa pag lalakad nila. Namutla na si Chloe na baka isinggit na lang ng pinsan, na ikwento na alam na nito ang pag habol niya kay Bernard kahapon. “Alam mo na ba ang balita?” ang pinsan niya lang ang maraming alam sa nangyayari sa Campus. “Tungkol kay Bernard,” pang bibitin na kwento nito. Hinihintay na lang ni Chloe na maisinggit siya na ikwento ng pinsan niya pero mukhang hindi nangyari ang kanyang kinakatakutan. “B-Bakit? May panibago na naman bang balita sakanila ni Tasya?” “Napaka inggay kasi ng Apollo University group sa social media kagabi at kalat na kalat doon na naaksidente si Bernard kagabi,” anito at bigla naman si Chloe na kinabahan sa kwento ng pinsan. Naging bukas ang taenga niya sa susunod nitong ikwento, at nag aalala rin siya kay Bernard. “Naaksidente ba siya sa sasakyan?” wala naman alam si Chloe sa bali-balita dahil hindi naman siya kasali mismo sa official group ng Apollo University kong saan kasali ang mga estudyante doon. “Hindi. Lumabas kasi na balita na inabanggan daw nang hindi kilala na lalaki si Bernard at ayon, binugbog siya at pati rin ang kanyang sasakyan basag-basag na halos hindi na pwedeng gamitin. Last update ng ilang studyante sa group, na malala nga talaga ang natamo ni Bernard na mga sugar sa taong nanakit sakanya at muntik pa daw ma emergency sa lala ng tama.” Hindi alam ni Chloe ang mararamdaman sa sandaling iyon na pinakita sakanya ni Nadya ang picture ni Bernard na nasa Hospital na halos, hindi na nito maidilat ang mata sa brutal na pananakit sakanya. Sinilid ni Nadya ang cellphone na hawak. “Kong ako lang ang tatanungin. Mabuti na iyon sakanya, karma niya na iyon sa pananakit niya sa’yo.” Pag tataray nang pinsan. “Kong sino man ang nanakit sakanya, mag papasalamat pa ako.. Ikaw Chloe, may alam ka ba kong sino ang may gawa nito sa ex mo? Wala naman na kagalit ang gagong iyon dito sa University kaya’t malabo rin sa isa sa mga estudyante dito ang may kaggawa nito sa pananakit sakanya.” “W-Wala akong alam, Nadya.” Alangan kong sagot at umihip nang malakas at naka salubong namin si Taurus sa pag lalakad. Hindi maalis ang tingin ko sakanya na sandaling mag katagpo kami ng titig nito, sumukli naman si Taurus sa akin ng isang ngisi bago nito sinalampak sa taenga ang headphone na parati nitong suot, at siya na ang unang bumawi ng aming titig. Nang tuluyan na kaming maka lagpas ni Nadya dito, doon lamang bumalik at naging klaro sa isipan ko ang huling katagang binigkas ni Taurus, nang mag kausap kami kahapon. Hindi kaya? Siya ang may gawa no’n kay Bernard?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD